Zella's Pov.
'Bat mo ba lagi mo lang akong tinutulungan?? Pasulpot-sulpot ka pa eh di naman kita kakilala, ka ano-ano ba kita??' Salita ni Zella
'Ikaw na nga tung tinutulungan aawayin mo pa ako. Di mo ba alam ang salitang Thank You?' Salita nung tao
'Kaya ngaaa bago po yan, gusto ko sanang malaman ang pangalan mo po, sino ba namang di mag-tha-thank you niligtas mo ako dahil muntik na akong mabangga ng sasakyan, mahulog sa bangin, mahuli nang magulang ko dahil may ginawa akong di maganda sakanila, at tsaka sa pagiging kaibigan ko, gusto ko lang maalala yung pangalan mo.' Pagpaliwanag nya
'Yan naman palang gusto mo ehh dami pang satsat' nang may pa-walang tunog sa huling salita
'Ha?! May sinabi ka?'
'Walaa sabi ko ang cute mo at gusto kitang halikan jan' at namula naman ang babae sa kanyang sinabi
'B-bola nanaman! Asa ka jan na mangyayari yon! S-sabihin mo na kasing pangalan mo?! Kung ano-ano na lang lumalabas!' Pag depensa ni Zella
'Nagmamadali naman tung babaeng to magkikita pa naman tayo papakasalan pa kita eh'
'Tahimik nga jan puro ka biro!'
'Sige na nga ako nga pala si-- Zellaaa!! Gumising ka na! Magtatanghali na ooh! Late ka na sa school! Zellaaa~~!" Sabat nang kanyang nanay
"Ma namana eeh ang lapit na nun!"
"Anong ang lapit?! Hoy ikawng bata ka kung ano-ano na lang iniisip mo tumayo ka na at makakain ka na!"
"Ano bayan ang lapit ko nang makuha nung pangalan mama naman kasi eh"
"Ha?! May sinabi ka?!"
"Wala maaa sabi ko maliligo na po" at pumunta nang banyo si Zella dala-dala ang twalya
*12 minutes later*
"Ma Pa alis na po ako! Bye kuya Wa!" Paalam ko sakanila
At sabay naman silang sumagot ng "ingat ka bunso!"
Habang naglalakad si Zella papuntang school gumana nanaman ang kanyang imahinasyon na gagawa nang story in-iimagine niya ang mga mangyayari sa story hanggang sa mapangisi na lamang siya agad at ang resulta nagmumukha na syang baliw sa daan, kaya nung napansin na niya ang mga tao na nagbubulungan umayos na sya sa paglalakad at napaisip
'Ano kayang magyayari ngayong may bago na akong pinapasukan??'
'Patay! Marami kayang mga bully?? Alam niyo naman sa henerasyon ngayon may mga college students na parang mga bata kung magisip at umatsa. Sana naman di nila ako mapagtripan huhuhu'
'Masarap kaya ang mga pagkain nila dun?? Ahh~ gusto ko na tuloy kumain'
Hanggang sa nakaabot na sya sa school gate, dumiretso siya sa Dean's Office at kumuha nang kanyang schedule.
"Hmm... Room G-308 Chemistry, saan ko naman kaya to hahanapin eh ang laki kaya nitong school nato pusta ko malalate talaga ako nito asar." Pagreklamo niya at nagsimula nang maghanap at magtanong.
*7 minutes later*
"Haay sa wakas nandito na rin! Ano ba tong school parang maze ang daming hallways school pa ba toh!" Pagmamaktol niya
Sumilip sya sa window nang pinto at mas kinabahan na naiinis dahil nag simula na ang klase. Nabasa niya kase sa student handout na kapag 1st week nang semester ay dapat hindi nalalate at pag natapos na ang 1st week ay pwede na malalate, kase dagdag daw nung grades pag hindi nalalate sa 1st week kaya ayun nga late si Zella.
Humigop muna sya nang hangin at kumatok, pagbukas ng pinto tumingin lahat ng mga mata sa kanya na nakakadagdag nang kaba sa kanya. Tumingin ang guro sa kanya na may halong pag-kainis dahil nainterrupt ni Zella ang klase niya.
"Excuse me ma'am, sorry I'm late nawala kasi ako sa daan at late na po nakapasok at new student po ako" pagpaumanhin ni Zella
Tiningnan lamang siya nang guro na hindi parin nawala ang pagka-inis sa mukha niya at niliko niya lamang ang ulo niya singhal na umupo na raw ako kaya pumunta na ako sa bakanteng upuan at nag simula nang magturo si mam
'Ano ba na man yan parang ang laki nung ginawa kong kasalanan bat kung makatingin galit masyado bahala nga sya sa buhay niya' at nilabas na niya ang kanyang notebook para makapag-take notes siya
Lumipas ang mga ilang minuto may sumunod sa kanya na late rin pero nagtaka si Zella bat ang bait-bait nung guro sa lalake, parang nanalo sa lottohan kung makangiti dagdag mo pa ang mga sigaw nang mga babae na grabe nakakabingi gwapo raw at tabi daw silang umupo lokohan ba to?! Salita ni Zella saisip
"Ma'am Jo sorry I'm late may-" pinutol ng guro
"It's ok Mr. Forte Reyes I understand you may now take your seat. Girls will you please be quiet!" ^_^
ang bipolar naman yang gurong yan di porket gwapo nung lalake ay ngingiti-ngiti sya nang ganyan bumago tuloy itsura ko sa gurong yan bahala na talaga sya.
Ngumiti ang lalaki sa guro at mas nilakasan pa ang mga hiyaw nang mga babae sa kanya, naghanap ng bakanteng upuan ang lalake at nakahanap na rin sya at pumunta na sa kabilang upuan katabi ko dahil bakante yun
Di ko na sya pinansin pa at nakinig na lamang sa guro
Makalipas ang ilang oras ay oras na para sa sunod na klase which is Math ll. Ang hina ko pa naman sa math kaya hinanap ko nanaman yung Room H-408 kaya nag assume akong malapit lang yung kasi nagsisimula sa H, at tama ngang hinala ko
Pumasok na ako at nilabas ko nanaman ang notebook at nakinig
*Few minutes later*
"Hay grabeh ang dami kooong walang natutunan huhuhu pano nang future ko neto!." Sabi ko
Oras na para maglunch at habang papunta akong canteen sabik na sabik na kong makatikim ng kanilang pagkain dun, dapat masarap ngang mga pagkain nila ang mahal kaya nang tuition dito nagugutom narin ako pero nakita ko yung lalake kanina yung hindi pinagalitan ni mam kase late.
Mag isa lang syang naglalakad at dahil mag isa lang sya meron paring mga babaeng humaharang sa kanyang daan para bigyan sya nang cookies, chocolates at iba pang mga pagkain
'Ang saya siguro nung buhay niya nakakatanggap siya nang mga ganong klaseng pagkain sana ako meron.'
Tinanggap niya lahat yun at ngumiti nang matamis sa kanila nag-tilian naman yung nga babae at dumiresto na sa paglalakad ang lalaki.
Nang dahil sa pagka-curious ko sinundan ko naman sya, pumunta siyang hagdan parang dalawang palapag ang inakyatan namin at may pintuan syang binuksan na nakalagay na "Do Not Enter"
"Eh bat naman sya papasok dito eh do not enter nga tong nakalagay bulag ba sya?! Oh di sya marunong magbasa! Lagot talaga ako neto pag nakita kami"
Pero ito namang maganda kong utak sumunod nanaman, maingat kong binuksan ang pinto at hinanap sya, nakita kong nakaupo sya sa sahig at kumakain ng lunch
'Bat dito sya kumakain nang lunch eh parang ang sasarap kaya nung mga pagkain sa canteen o baka naman mas masarap yung kinakain niya kaya ayaw niyang magpaistorbo'
Kaya mas nilapitan ko pa sya para makita kung ano ang kinakain niya pero...
"If i were you, I will not sneak in to another person's business" sabi niya kaya nagulat ako at nagpakita sakanya
"Sorry pooo gusto ko lang kase makita kung anong kinakain mo jan na nasa punto na tinatago mo na yan" turo ko yung pagkain niya
Tumingin lang sya sakin at biglang "HAHAHAHAHAHA!!!"
Ang cute niya kung tumawa yung dimples niya parang ang sarap pindutin! Ay hayop ano ba naman yan Zella tumigil ka nga!
"Bat ka naman na-tawa may sinabi ba kong nakakatawa?? O baliw ka lang talaga??" Pagseryoso kong tono pero sa loob nacu-cutan talaga ako sa dimples niya bat kasi ganyan yan! Kaya inantay ko na lang syang matapos syang tumawa -_-
"Sorry Sorry natawa lang talaga bat kase may patago-tago ka pa eh pwede mo naman akong i-approach at tanungin nag mukha ka tuloy suspicious." At patuloy sya sa pag-kain
Lumapit naman ako sa kanya at umupo opposite sa kanya inii-scan ang kanyang lunch at mukhang masarap nga!! Naalala ko tuloy gutom pala ako @^@
"You want?" Alay niya at iniangat niya ang isang kutsara na may kanin at ulam na masarap habang nakatingin sakin, tumingin naman ako sa kutsara at napalunok nang maramdaman ko ang gutom saking tyan tumingin muli ako sa kanya at balik sa pagkain.
"..."
"Parang gutom nga ohh kainin mo na"
"Pwde ho?" Tanong ko na di inaalis ang tingin sa pagkain
"Pwede nga inalayan na ng-" at kinain ko na
Di nya natapos ang kanyang sasabihin kasi inunahan ko na sya sa pag-kain, nilamnam ko ang pagkain at sobra!! Ang sarap!! Ang simple simple lang nung food pero ang lakas nang impact ano ba to?? Magic??
"Bat ang sarap?! O gutom lang talaga ako." Pagpuri ko
"It's because I cooked it"
"Hano?! Ikaw nagluto?! weehh di nga"
"Ako nga!"
"Kung ikaw nagluto bigyan mo pa ako nang isa!" At binigyan niya naman ako nang isang subo at nilamnam ko naman ang sarap
"Ohh ano totoo na ba??"
"Hmm... totoo. Sa ngayon" nguya ko dahil sarap parin.
❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣
Authors Note: patuloy lang kayo sa pagbasa salamat pooo ^-^