The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XXII: Balang Araw

37 5 0
By juanleoncito

Isang panibagong araw, isang panibagong shooting na naman. Nasa huling eksena ngayong araw kung kaya ay maagang matatapos ang shooting ngayon para sa malaking eksenang gagawin bukas.

Nakaupo sa upuan, nakatingin lamang sa screen habang nagbibigay ng direktiba sa kanila para sa huling eksenang gagawin sa araw na ito.

"Okay, set the dining table. Nasaan na ba 'yung bata? Tapos na bang mag-ayos?" pagtatanong ko nang ang bata na lamang ang hinihintay sa set.

"Tapos na Direk," wika pa ni Direk V.

Lahat na sila ay naayos sa upo, naroon sina Jason, Sam at mga pamilya nila sa pelikula. Eksena'y masayang hapunan at tanging kukuhanan lang ng shots na wala nang dayalogo.

"Sige, continuation for the last scene this day. Candid lang tayo. Last scene, continuation. Cameras are rolling in three, two, one. Action!" direktiba ko na nang nakitang maayos at handa na ang lahat.

Nakatingin pa rin sa screen habang inoobserbahan ang kanilang gawa. Mga cameramen ay nakatuon na habang kumukuha na ng shots. Maging ang light director ay nakatuon din.

Minamasdan lamang ang masasaya nilang akto at ako na lamang ay napapangiti sa ganda ng pagkakuha. Wala na ngang mahihiling pa.

"And... Cut! Nice take. Good job everyone!" pagputol ko na sa eksena.

Agad na lumapit sa kanila nang naggawa na nila ang ekspektasyon ko rito sa eksena. Bumati at napangiti sila.

"Congratulations! Done last scene for this day. Embrace yourselves tomorrow, malaking eksena ang gagawin natin," wika ko pa sa kanila.

"Direk, kinakabahan na ako---" ani Sam habang napapatawa na lamang kami.

"Pag-aralan niyo lang kung anong mga dialogues niyo, okay? Don't put pressure, wala na kayong pro-problemahin. Just be there at eight!" pangungusap ko sa kanila habang nakatipon kaming lahat.

"Yes Direk!" sagot pa ni Jason.

Napatingin kay Sam at nagsalita akong muli. "Especially to you, Sam. Eight is eight."

"Opo Direk. Hindi na 'yun mangyayari," tawa pa niya.

"Okay, talents, pack-up na!" sambit ko pa.

Lahat na ay nag-ayos ng mga gamit at ang iba ay tumungo sa tent. Maliban ang mga crews, nang mayroon pang maikling meeting.

"Okay but before that, congratulations, you successfully concluded another day!" wika ni Ms. Castro sabay pagpapalakpan naming lahat.

"So, we need to focus ourselves tomorrow dahil nga it's a big scene," wika niya pa. "Also, Direk V, prepare the call sheets for the talents..." dagdag niya pa.

"I already did," sagot pa ni Direk V.

"Nice."

"Call time nga pala natin guys is
five o'clock. We need to prepare decorations pa, and also ang mga damit though the designs and wardrobe already prepared na kailangan pa rin natin silang tulungan especially to those volunteers," pangungusap muli ni Ms. Castro.

"And also, just a reminder. Camera and Lights, please... fix your problems kagaya kanina hindi gumagana 'yung mga lights, buti na lang naayos 'yung dalawa kung hindi mapipilitan tayong i-external 'yung eksena dahil hindi enough 'yung lighting sa loob masyadong mailap."

Pagbigkas ko habang napa-cross arms ako. Sila naman ay nakaintindi at ako ay napatango rin.

"Also, locations please... secure the area and you should be the first to go there," wika pa ni Ms. Castro.

Napatango rin ang locations na m-in-a-manage ni Jim.

Lahat na ay nagsibalikan sa kani-kanilang tent at ang iba ay nagligpit na ng mga gamit nang natapos na ang maikling meeting.

Agad na tumungo sa tent at inayos ang mga gamit.

"Direk, Mr. Larrienza is looking for you," wika ni Yaz na bumungad sa akin.

"Where is he?" tanong ko pa.

Bumungad naman si Jim nang pumasok ito sa tent. Agad namang lumabas si Yaz upang iwan kami.

"Oh bro, hinahanap mo raw ako? Ano 'yun?" bigkas ko habang nag-aayos ng gamit.

"Wala naman. Just Rex, he invited us again at the club, mamaya alas nwebe."

Napaupo si Jim sa upuan at ako naman ay humarap sa kanya sabay pagsalita.

"P-Pass muna bro---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang agad itong nagsalita.

"Bakit bro? May pupuntahan ka?" pagtatanong pa nito.

"Ah, oo eh. M-May pinapakuha kasi si Tay Gabo sa Q.C., kailangan kong pumunta roon."

"P-Pwede namang bukas ah?" pagtatanong niya pang muli at tumayo galing sa pag-upo.

"Kailangan kasi ngayon eh," sagot ko na lamang.

"Oh, samahan ka na namin ni Rex total pupunta 'yun dito ngayon,"

Napailing ako at sumagot. "H-Hindi na bro, matatagalan pa ako eh. Tapos traffic pa."

"Sus, parang ang layo naman ng Q.C., hihintayin lang natin si Rex tapos umalis na tayo total---" bigkas niya ngunit naudlot ito nang ako ay nagsalita agad.

"Bro... Bro, okay lang ako. Kaya ko na'to. Sige na, kayo na lang muna nina Rex. Pasensya na," awat ko.

Natigilan na lamang ito sa paggalawa at wala nang naibigkas pa tanging pagtango lang.

"Okay. Sige, mag-iingat ka na lang. Babalik na ako sa catering," wika na lamang niya.

Napabuntong-hininga ito at tinapik na lamang ang aking balikat sabay tuluyang paglabas ng tent.

Ako ay napahinto sa paggalaw, tila bang nakonsensiya sa pagdadahilan ko sa kanya, nagsinungaling na lamang. Ang totoo'y pupunta ng Q.C., hindi dahil sa may kukunin doon kundi dahil sa desperado ko nang hanapin ang hindi mahagilap na si Czea.

Agad na lumabas ng tent nang natapos ko ng ligpitin ang gamit ko. Tumungo na sa sasakyan at pinaandar na ito. Nagpaalam naman sa kanila upang ako ay umalis na sabay paglisan ng set at humarurot na.

Ngayon ay nasa sasakyan binabaybay itong daan patungong Quezon City, nagbabaka-sakaling makita si Czea. Kinakapa ang telepono sa bulsa upang  tignan ang mensahe nang ito'y tumunog.

Hindi ito makuha nang maayos kung kaya't tila bang nahulog ito sa sahig ng sasakyan. Napailing na lamang habang binabaybay pa rin ang daan na ang tanging makikita mo ay traffic lamang.

Nagkatyempong naging maluwag ang daan ay agad na pinulot ang nahulog na telepono at sa aking pag-ahon ay agad akong napahinto nang muntik na may masagasaan na nagdulot ng mas matinding traffic sa daan.

Ako ay hindi magmaliw na kinakabahan dahilan na rin sa idinulot ko sa daan. Ngunit sa pagtingin ko sa babaeng muntik ko ng masagasaan ay bumungad sa akin ang tindig na aking hinahanap. Agad na bumababa sa sasakyan at siya ay inalalayan.

"Czea? Nasaktan ka ba?" mabilis kong katanungan nang agad siyang inalalayan.

Napatingin sa daan, tila bang ang haba na ng traffic na aking idinulot.

"Ano ba 'yan? You're worsening the traffic!" sigaw pa ng isang babaeng nag-overtake sa akin.

"Problema mo 'tol?! Papasagasa mo ba 'yang kotse mo? Bwisit!" pagmumura pa ng lalakeng nasa sasakyang nakasunod sa akin.

Tila bang napahiya ako sa pagkakataon at agad ng inalalayan si Czea papasok ng kotse.

"P-Pasensya na." pagpatawad ko pa.

"Halika na Czea, we're causing a traffic. Pumasok ka na muna sa sasakyan," wika ko pa.

Agad ko namang pinaandar muli ang sasakyan nang nakapasok na si Czea sa loob. Tila bang mahina ito't malungkot, hinayaan na lang muna ito hanggang sa nakahanap ng lugar na pansamatalang paghihintuan ng sasakyan.

Gumagabi na rin, inihinto ang sasakyan sa harapan ng isang convenience store na tila bang kaunti lamang ang mga tao. Unti-unti itong tiningnan at nagtanong kung napaano ito't bakit naglalakad sa daan.

"A-Are you okay?" tanong ko sa kanya.

Pawang wala pa rin itong imik na kanina pa tahimik. Napag-isipang bumili na lamang ng bottled water sa hinintuang convenience store upang sa ganoon ay gagaan man lang ang pakiramdam niya.

"W-Wait, I'll just buy bottled water. Hintayin mo lang ako sandali," sambit ko pa.

Agad na bumaba sa sasakyan at sinulyapan itong muli ngunit pawang wala pa ring imik. Pumasok na sa loob ng convenience store at kumuha ng dalawang pirasong bottled water at kumuha na rin nang makakain.

Tumungo na sa cashier upang bayaran ang mga pinamili at bumalik na sa sasakyan upang ibigay kay Czea.

"U-Uminom ka muna ng tubig," wika ko.

Binuksan ang tubig at hinay-hinay na inabot sa kanya sabay paglapag ko ng iba ko pang pinamili sa sahig ng sasakyan.

"S-Salamat," utal niya.

"A-Are you okay? Ano ba kasing ginagawa mo ro'n? Tapos, muntik ka pang masagasaan, mabuti na lang ako 'yung nakakita sa'yo," sunod-sunod ko pang mga pangungusap.

Siya pa rin ay nauutal ngunit pinilit pa ring magsalita. "I'm sorry. Siguro, I'm so stressed out kaya hindi ko namalayang may papasulubong na sasakyan. I was there kasi gusto ko lang maglakad. H-Hindi ko naman aakalaing ikaw pa 'yung makakakita sa akin."

Napatingin na lamang ako sa kanya at bahagyang napangisi. Tanging lungkot ang namumuo sa kanyang mga mata.

"Actually, kaya nga pala ako narito sa Q.C. because I was about to look for you... so bad. Hindi ko alam, hinahanap ka na lang parati ng mga mata ko. Simula noong bumisita ka sa bahay."

Nakatuon pa rin ang aking mga mata sa kanya. Nag-iisip kung anong magiging sagot niya ngunit pawang natahimik lang ito.

"S-Sige na, ihahatid na kita---" naudlot kong pangungusap nang agad itong nagsalita.

"Huwag!" agad niya pang bigkas.

"B-Bakit?" pagtataka ko naman.

Siya ay napalunok pa at napabuntong-hininga. Tila bang may gusto itong sabihin at ako ay naghihintay lamang.

"Can I... C-Can I stay with you for a night?" pagbigkas niya na ikinagulat ko.

"Anong ibig mong sabihin? B-Baka hinahanap ka na ni Xavier?" wika ko pa.

"He's in Baguio. He has a conference to attend, sa Sabado pa ng gabi 'yung uwi niya," ani Czea.

Hindi ko naman nabalitaang nasa Baguio si Xavier ngunit pinabayaan na lamang ito. Napahinga ng malalim dahilan ng kanyang hiling.

"So, you mean... you'll stay for a night sa bahay? B-Bakit naman?" pagklaro ko.

"Ayoko lang mag-isa sa oras na 'to," bigkas niya. "Lance, please..." wika niya pang muli.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pawang natutulala na lamang ako. Napangisi ng bahagya at tila bang napatango na lamang sabay pagngisi rin nito.

"S-Sige," utal ko.

Alam kong matagal ko na siyang hinahanap ngunit hindi naman aakalaing ganito pa ang mangyayari. Hinayaan ko na lamang at sinimulang paandarin ang sasakyan upang umuwi na.

Binabaybay ang daan pabalik, kasabay pa ng pagsalubong pa ng traffic. Tila bang parehong naiilang at pawang nararamdaman ang katahimikan. Pinaandar na lamang ang musika ng sasakyan.

Balang araw, babalik ang ating nakasanayan. Balang araw, ika'y muling nakagapos sa aking yakap. Balang araw, ikaw muli ang hantungan.

Sumusulyap sa kanyang mga mata habang siya ay diretso pa rin ang tingin sa kalsada. Napakagandang pagmasdan kasabay pa nitong himig ng musika.

Ilang saglit pa ay narating na ang bahay. Binuksan ang gate at ipinarada na ang sasakyan sa garahe. Agad na bumaba rito at isinara ang gate. Bumaba na rin si Czea sa sasakyan dala ang kanyang bag. Kinuha na rin sa sasakyan ang pinamili sa convenience store at agad na tumungo sa loob ng bahay sabay pagbukas nito.

Hinubad ang sapatos at inilapag ang dala-dala. Dumiretso muna sa kwarto upang ayusin ito habang si Czea naman ay nakaupo sa sofa.

"May dala ka bang damit? Eto, pwede na siguro 'to. P-Pasensya na, malalaki sa'yo 'tong mga damit ko," bigkas ko.

Ibinigay sa kanya ang damit na hawak ko upang pagbihisan siya.

"Okay na 'to, salamat."

"Hinanda ko na 'yung kama, doon ka na matulog. Dito na ako sa sofa—" wika ko kung kaya't hindi na natapos nang agad itong nagsalita.

"H-Hindi na, dito na ako sa sofa," aniya.

"Huwag ka ng makulit, sige na. Magbihis ka na rin, galing ka pa sa pagod. Maghahanda muna ako ng hapunan natin," salita ko.

Wala nang naibigkas pa at tanging pagtango at pagngisi. Dumiretso na ito sa kwarto at nagbihis habang ako ay naghahanda ng hapunan.

Napatigil na lamang sa paggalaw nang siya ay lumabas na ng kwarto. Suot-suot ang damit na ibinigay sa kanya. Hindi mapigilan ang saya na nararamdaman na kanina lang ay tanging inaasam. Napagtanto, balang araw, siya'y parating matatanaw.

At hihilinging sana hindi matatapos ang gabing ito.

Continue Reading

You'll Also Like

10.5K 398 60
Sol Trilogy, 1/3. She is young by age, but not by experience, Dane, a normal senior high school student of Liamarno at a glance. She is oustanding i...
19.1K 567 129
[COMPLETED] An Epistolary Just like another lovestory, their story started with someone who confessed and being lovers later on. But, what if the per...
884K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
27.2K 1.3K 86
WHAT ARE WE? TEXT SERIES #2 Clarry Vincenn Delapaz is not interested in the lives of other people except for her friends and family. She tends to pu...