Ang Virus kong Textmate

By abdiel_25

30.7K 2.3K 1K

Textmate Series #3 | She's Covid Dioke, and her mission is to spread foolishness. *** An epistolary. "Hello... More

AVKT
Text 1
Text 2
Text 3
Text 4
Text 5
Text 6
Text 7
Text 8
Text 9
Text 10
Text 11
Text 12
Text 13
Text 14
Text 15
Text 16
Text 17
Text 18
Text 19
Text 20
Text 21
Text 22
Text 23
Text 24
Text 25
Text 26
Text 27
Text 28
Text 29
Text 30
Text 31
Text 32
Text 33
Text 34
Text 35
Text 36
Text 37
Text 38
Text 39
Text 40
Text 41
Text 42
Text 43
Text 44
Text 45
Text 46
Text 47
Text 48
Text 49
Text 50
Text 51
Text 52
Text 53
Text 54
Text 55
Text 56
Text 57
Text 58
Text 59
Text 60
Text 61
Text 62
Text 63
Text 64
Text 65
Text 66
Text 67
Text 68
Text 69
Text 70
Epilogue [1] : Covid's Pov
Epilogue [2] : Vince's Pov
Author's Note

Epilogue [3] : The Virus Ending

323 19 35
By abdiel_25

Epilogue [3]

Third Person's Point of View,

Malawak ang ngiti ni Vince habang nakahiga sa kaniyang kama. Kakauwi lamang niya mula sa ospital at ngayo'y nakangiti siyang nakatingin sa hawak niyang cellphone. Para bang kinikiliti siya sa nabasang mensahe mula kay Corrine.

Ilang beses niyang binasa 'yon, at hindi pa rin siya nakukuntento dahil para bang imposibleng mangyari ang nababasa niya. O baka akala lang talaga niya na imposibleng magalala sa kaniya si Corrine gayong galit ito sa kaniya.

"Corrine. Kinikilig na si Vince sa'yo," saad ng lalaki habang gumugulong-gulong sa higaan niya hanggang sa magmukha siyang shanghai dahil sa kumot na nakabilot sa buong katawan niya. "Rape-in kita kapag nagkita tayo! Si Vince Dylan, pinakilig mo Corrine. Iba ako gumanti," nakangising saad pa nito habang nakatingin sa cellphone niya.

Nagvibrate ang cellphone niya at nakalagay sa screen nito na may mensaheng mula ulit kay Corrine. Napatayo tuloy si Vince sa kama niya bago binasa ang message mula kay Corrine.

From : Corrine Nipakikilig si Vince

Saang ospital ba!?

Pagkatapos niyang basahin 'yon, sunud-sunod na vibration ang naramdaman niya at halos ihagis na niya ang cellphone dahil sa inis. Hindi kasi maubos-ubos ang messages na pumapasok sa cellphone niya kaya hindi rin matapos-tapos ang vibration ng cellphone niya.

"Sana lahat unli text," aniya nang tumigil ang pagvibrate nang cellphone niya. "Ganito mo ba ako mahal Corrine? Nakaunli text ka para lang iparamdam mo kung gaano mo ako kamahal?" Nakangising saad ng binata bago basahin ang mga bagong pasok na message.

From : Corrine Nipakikilig si Vince

Hoyyy!

Saang

Ospital

Tell meeee

Tell

Me

Pupunta ako

Gusto

Kong

Makita

Yang

Hayop

Na yan!

Gaganti pa ako diyan sa hayop na yan!

Pinahiya nya ako!

Papahiyain ko rin siya kahit mamatay na siyang hinayupak siya!

Hoyyy!

Ayaw mo sabihin kung saang ospital?

Papasabugin ko lahat ng ospital sa Pilipinas para sure na patay na nga yang lalaki na yan!

Ayaw mo magreply!?

Plad kita hayop ka

Akala mo

Unli ako

Ayaw mo talaga sabihin?

K payn

Tatanungin ko nalang sa DOH kung san siya nakaadmit

O kaya sa punta na lang ako sa burol niya

Ay hindi

Di ako pupunta

Gago siya!

Pacremate nyo yang virus na yan!

Napaupo si Vince sa higaan niya nang mabasa ang mga message. "Galit pa rin pala siya," aniya, dismayado sa mga nabasa. "Aba. Akala ko concern siya," dagdag pa niya bago muling napahiga sa kama niya at gumulong. "Corrine! You're breaking my heart!" Sigaw nito habang gumugulong kaya hindi niya namalayang nasa dulo na pala siya ng kama at nahulog siya sa sementadong sahig.

"Aray. Tangina," asik niya bago tumayo habang himas-himas ang p'wetan niya at ulo.

Muling nagvibrate ang cellphone niya kaya binasa na lamang niya ito. Galing ulit ito kay Corrine.

From : Corrine Nipapakilig si Vince

Patay na ba talaga siya?

Baka mamaya maling bangkay ha?

Bumalik ang ngiti at pagasa sa mukha ni Vince. Bago niya napagpasyahang magreply.

From : Corrine Nipapakilig si Vince

Baka mamaya maling bangkay ha?

Concern ka?

Hindi ah!

Gusto ko lang masure na patay na yung gago na 'yon!

Ang masamang damo

Matagal mamatay

Tingin ko nga buhay pa e

Ako papatay sa kaniya!

Pagtalaga nakita ko yang gago na yan.

Bagsak ang balikat ni Vince na umupo sa kama. "Gago pala ah. O sige," aniya bago nagtipa sa cellphone niya. Pagkatapos ay ngumisi ito bago pumasok sa banyo at naligo. "Kung gusto mong makakita ng gago, magpapakita ako sa'yo. Ano kayang kasalanan ko sa kaniya? Minahal ko lang naman siya. Kasalanan bang magmahal? Edi may kasalanan siya sa akin? Kasi minahal niya ako," sabi nito habang nagbubuhos ng tubig sa katawan.

"Humanda ka Corrine. Ikaw naman makakaramdam ng kilig. Unfair mo ha," sabi ng binata bago nagpatuloy sa pagligo.

Sa kabilang ibayo ng mundo, sa ilalim ng Marianas Trench, malapit sa tuktok ng Mt. Everest, sa gilid ng Bermuda triangle, may isang babaeng nagmumukmok sa k'warto niya. Ilang araw na siyang hindi naliligo at kumakain dahil sa kahihiyang nangyari sa kaniya.

Nagvibrate ang cellphone niya kaya muli siyang napatingin dito.

From : Gagong Jutay

Let's meet sa tindahan ni Aling Kuto.

Ako to si Vince Dylan mahal na mahal ka.

Kapag di ka pumunta

Ibig sabihin mahal mo pa rin ako <3

"Wow! Kapal ng mukha. Buhay pa nga si gago. Gusto pang makipagkita sa akin!" Sigaw niya bago nagtungo sa banyo. "Papatunayan ko sa'yo na wala na akong gusto sa'yo. Kapal niya. May pagheart pang nalalaman," aniya bago magreply.

From : Gagong Jutay

Ibig sabihin mahal mo pa rin ako <3

Ulol.

<//////////3

"Ayan, madaming hati yan. Baka 'di pa niya maintindihan ang ibig sabihin niyan ah. Hayop siya. Susuntukin ko talaga ang jutay na alaga niya mamaya kapag nagkita kami. Nang malaman niya kung gaano kasakit ang ginawa niyang pamamahiya sa akin. Sinira niya ang kinabukasan ko. Sisirain ko rin ang sa kaniya," inis niyang saad bago nagsimulang maligo.


NAUNANG dumating si Vince sa meeting place nila ni Corrine. Pormal na pormal ito na para bang aakyat ng ligaw. Nakikipagkwentuhan ito kay Aling Kuto na walang kuto, garapata meron, habang naghihintay kay Corrine.

Limang minuto, sampu, tatlumpu. Maya't-mayang napapatingin si Vince sa suot niyang relo dahil sobrang late na si Corrine. Pero hindi siya nawawalan nang pagasa na dadating si Corrine. Alam niyang kahit galit sa kaniya si Corrine, hindi siya matitiis no'n.

Naghintay pa siya nang ilang minuto para kay Corrine. "Kahit pagmagkakuto na ako sa kakahintay, hihintayin kita," aniya bago umupo sa tapat ng tindahan ni Aling Kuto na may garapata.

PAPUNTA na si Corrine sa meeting place. Pero kinailangan niyang dumaan sa mas maraming taong lugar para kung may schoolmate man siya na madadaanan o makakasabay sa kalsada, ay hindi siya nito makikita o mapapansin. "Humanda ka talaga sa'kin Vince. Dumaan pa ako sa People's power revolution maitago lang ang kahihiyan ko," bulong niya sa sarili.

Dahil sa ginawa niya, natagalan siyang makarating sa meeting place. Isa pa, nadaanan niya si Tyron sa kabilang kanto kung saan dapat sila magkikita ni Vince. Inirapan lamang niya ito nang makita niyang may kausap itong babae at tila ba tuwang-tuwang magkausap ang dalawa.

"Parehas kayo ng kaibigan mo. Manloloko. Pinapaasa niyo ang mga babae," inis na saad nito bago dumaan sa harapan nila Tyron. Agad namang nakuha ni Corrine ang atensiyon ni Tyron kaya agad siyang hinabol nito.

"Corrine! Sandali may sasabihin ako!" Sabi ni Tyron kaya lumingon si Corrine sa kaniya habang suot-suot ang ubod ng tamis na ngiti.

Mamatay ka sana sa diabetes hayop ka, ani Corrine sa isip niya. "Hi Tyron. Anong atin?" Plastic na tanong nito sa kaharap niya.

"A-ako 'yung nagsend sayo ng message na pa-patay na si Vince," sabi ni Tyron.

"Ngayon?"

"H-ha?"

"Alam kong ikaw 'yon. Tanga! Hindi pa mamamatay si Vince," magkakaanak pa kami. Ay pota. Marupok ka self. "Masamang damo yata ang kaibigan mo," aniya.

"Galit ka ba sa kaniya?" Tanong ni Tyron kaya natawa si Corrine. S'yempre sarcastic na tawa 'yon at nakakairita sa tainga.

"Hindi ako galit sa kaniya. Bakit mo naman naisip 'yon? Hindi ako galit sa kaniya. Gusto ko lang siyang patayin," patayin ng halik. Marupok talaga.

"Pe-pero, alam mo ba kung anong ginawa niya para sa'yo?"

"Oo. Pinahiya niya ako. Tapos pinahiya, then pinahiya, at isa pang pahiya. 'Di pa siya nakuntento dahil pinahiya niya ulit ako," mapaklang saad ni Corrine. "P'wede ba? Mauna na ako? Imemeet ko pa ang jutay mong kaibigan."

"Na-nakita mo na!?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Tyron.

"Hindi pa," memeye peleng. "Magaling lang ako mangilatis. Wala namang bumabakat sa kaniya."

"Ibig sabihin palagi kang nakatingin do'n?" Nakangising tanong ni Tyron.

"P'wede ba? Kung wala ka namang matinong sasabihin sa akin, aalis na ako. May papaslangin pa ako," sabi ni Corrine bago niya talikuran si Tyron.

"Sandali! Corrine... niligtas ka ni Vince."

Napahinto si Corrine at humarap kay Tyron. Natawa siya ng kaunti. "Niligtas? Saan? Kailan? 'Wag ka ngang magbiro," sabi niya bago muling maglakad. Pero sinundan siya ni Tyron at sinabi rito ang lahat ng dahilan ni Vince kung bakit siya nito pinahiya, at kung bakit nito kinain ang pagkaing dapat ijujugde ni Corrine.

"Nagbibiro ka lang. Magaling ka kayang gumawa ng k'wento," hindi naniniwalang sabi ni Corrine.

"Kung ayaw mong maniwala, bakit hindi mo tingnan ang likod ng palad ni Vince mamaya. Siguradong nandoon pa ang trace ng karayom na tinusok sa kaniya. Naconfine siya Corrine," sabi ni Tyron pero wala siyang interes. "Sana maniwala ka," huli pang saad ni Tyron bago lumayo nang tuluyan si Corrine sa kaniya.

HINDI na mapalagay si Vince sa upuan niya. Hindi niya alam kung dadating pa si Corrine, pero kailangan niyang dumating. Sasabihin niya rito ang totoo. Gusto niyang bumalik na ulit sa normal. Landian, flirting at Landian.

"Corrine!" Agad niyang bati bago sumilay ang ngiti sa labi niya nang dumating si Corrine sa wakas. "Akala ko mabubulok na ako rito kakahintay," aniya pa.

Walang emosyong nakatingin sa kaniya si Corrine. Gusto nitong sapakin ang binatang nagpahiya sa kaniya, pero pinipigilan siya ng puso niya. Nagdadabog ito at gustong lumapit kay Vince. Pero hindi hahayaan ni Corrine na bumagsak siya sa patibong ng magkaibigang si Vince at Tyron. Alam niyang sineset up siya ng magkaibigan.

"Anong gusto mo? Nandito na ako Vince," walang gana niyang saad pero lumapit si Vince sa kaniya. "Huwag!" Agad niyang sigaw kaya tumigil si Vince bago tuluyang makalapit sa kaniya. "Diyan ka lang. Baka mamaya may balak ka pang gahasain ako."

"Ikaw? Gagahasain ko?" Inosenteng tanong ni Vince. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Paano mo nalaman?" Nakangising saad ni Vince kaya nanlaki ang mga mata ni Corrine. "Biro lang. Alam mo nang nirerespeto kita."

"Talaga lang ha? Eh pinahiya mo nga ako," sabi ni Corrine.

Nagbago ang ekspresiyon ni Vince. Muli itong nalungkot. Suminghap ng hangin bago lumapit kay Corrine. Wala nang nagawa si Corrine nang ipatong ni Vince ang dalawa nitong kamay sa magkabila niyang balikat.

"I can't afford to lose you kaya ko ginawa 'yon," sabi ni Vince. Pero wala sa kaniya ang atensiyon ni Corrine. Nasa likod ng palad ni Vince ang tingin niya. "Corrine. Let me explain everything to you. Narinig kong ipapadala ka nila sa New York, ayokong mangyari---"

"Naospital ka," wala sa sariling sabi ni Corrine habang nakatingin sa kanang likod-palad ni Vince. May marka doon na halatang tinusukan ng karayom mula sa dextrose.

"O-oo. Dahil sa..."

"'Yung pagkain na sana ijujudge ko," sabi ni Corrine nang maalala ang sinabi ni Tyron sa kaniya. Tumango si Vince.

"Gusto kong sabihin sa'yo ang totoo. Pero hindi ko magawa. Alam kong sobra kang galit sa akin kaya natakot ako na baka hindi mo ako paniwalaan."

"Ma-malay ko ba kung dahil nga sa pagkain na ijujudge ko kaya ka naospital! Baka mamaya may ginawa ka nanamang kagaguhan! Vince, aalis na ako," aniya bago pa tumulo ang luha niya. Hindi niya alam kung bakit siya naiiyak. Naguguluhan siya kung anong dapat niyang paniwalaan. Ang puso na nagsasabing tanggaping muli si Vince dahil nagsasabi ito ng totoo. O ang isip na nagsasabing isa lamang itong patibong.

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. "Corrine..." napahinto siya nang marinig niya ang crack na boses ni Vince. Ito ang unang beses na marinig niyang umiyak ang lalaki kaya hindi na niya napigilang umiyak. "Akala ko... akala ko hahayaan mo akong magexplain sa'yo... sorry."

Pagkatapos no'n, narinig na niya ang yabag ni Vince na palayo. Nagmadali si Corrine na lumingon sa likod para habulin si Vince. Magmumukha siyang marupok na babae dahil sa ginawa niya, pero hindi niya alam kung anong gagawin nang marinig niyang umiyak si Vince. Doon niya naramdaman na sincere si Vince at hindi nagsisinungaling.

"Vince! Tanginamo 'wag kang umarte!" Sigaw ni Corrine bago niya yakapin mula sa likuran si Vince.

Bahagyang nagulat si Vince bago humarap kay Corrine. "Will you let me explain now?" Tanong ni Vince sa kaniya.

Umiling si Corrine. "You don't have to. Alam ko na ang lahat," sabi ni Corrine. "'Yung kaibigan mong unggoy ang nagsabi sa akin," dagdag pa niya.

"So?" Tanong ni Vince.

"Anong so?"

"Bati na tayo?" Nakangiting tanong ni Vince.

"Pagiisipan ko."

"Sige. Alis muna ako. Kapag nakapagisip ka na, text mo nalang ulit ako," sabi ni Vince bago magsimulang maglakad palayo.

"Ang arte. Daig pa babae," sabi ni Corrine sa sarili niya. "Hoy Vince Dylan Delos Reyes!"

"Yes Corrine Vidal?" Nakangising tanong sa kaniya ni Vince pagharap nito sa kaniya.

"I..."

"I?"

"I..."

"I?" Naghihintay na tanong ni Vince.

"I love you tangina ka!" Sigaw ni Corrine sa kaniya.

Mas lumawak ang ngisi ni Vince bago lumapit kay Corrine at hinalikan ito. Mabilis na halik bago yumakap kay Corrine. "I love you too tangina," sabi ni Vince. "Ngayon, gahasa ka."

THE VIRUS ENDING.

The End.

End na talaga.

Baka makahawa pa sila.

Ng kalandian.

Pasensya na.

Marupok sila.

--

An : proceed to author's note! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

3M 72.4K 56
"Hindi lahat ng mabuti ay mabuti at hindi lahat ng masama ay masama" - Tiffany Rochefort Achievement - #1 in Mystery Thriller
3.1M 85.2K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
546K 29.5K 43
2017 WATTY AWARDS WINNER (THE STORYSMITHS) (Stay Awake #1) What would you do if the whole world falls asleep? After a night spent drinking with frien...
126K 10.5K 49
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...