Nobela

By sielario

2.8K 326 173

Wattys Awards 2021 Shortlist! Baguio. Artista na tinitingala... dati. Lalaking nobody pero cutie. Polaroid ca... More

*
Nobela
/1/ alone, miserable, broken
/2/ breakfast with a stranger
/3/ I have nothing
/4/ will you run away with me?
/5/the memory I regret the most
/6/ what they call soulmate
/7/ our good times
/8/ a scripted speech
/9/ my heart is unavailable
/10/ special meaning
/11/ flip the pages
/12/ reasons, consequences, feelings
/13/ only the two of us
/14/ and other indescribable emotions
/15/ afterall, it's not tragic
/17/ this is the first place she will go
Epilogue
What Others Say?

/16/ ending scene

61 12 2
By sielario

Ako ang sirenang nagpapalit ng binti't paa

upang makasama ang iniibig sa lupa.

Ngayo'y magiging buntot na muli ito ng isda

at kailangan ko nang bumalik sa karagatan.

Hindi pa sumasapit ang liwanag nang magbiyahe kami ni Rio pabalik sa Maynila. Isang araw pa lang ang nakalipas mula sa pagtanggap niya sa pag-alis ko.

Noong nasa Manila ako, ayoko talagang ma-stuck sa traffic. Pero ngayon, kung kailan ko hiniling na sana mas tumagal pa kaming dalawa ni Rio sa loob ng kotse, walang naging aberya. Nakarating kami nang maayos at mas mabilis pa sa inaasahan.

Pagkarating namin doon, kahit tirik ang araw ay hindi namin ito inalintana. Namasyal kami sa Luneta. Hindi rin pinansin ang mga taong nagtitinginan at pinag-uusapan kami.

"Mare! Siya ba 'yong artistang asawa ng kongresista? Hala, 'yong Ynah Salvador nga! Ay, totoo naman palang may affair na naman. Sa mas bata pa! Dapat 'di na lang sila magbalikan ng asawa niya. Picture-an mo dali! Ta's post mo agad sa social media!"

Napailing-iling na lang ako at natawa sa na-overheard kong usapan ng mga nakatambay rin sa Chinese Garden.

Hinawakan ko ang kamay ni Rio. Sakto lang na makikita ng mga nagbubulungan. Hindi na maipinta ang gulat at pagkaintriga sa mukha nila nang halikan ko pa si Rio sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata ni Rio. Namumula pa ang tenga niya. Nagtanong siya kung bakit pero tumawa lang ako at inaya na siyang umalis doon.

Nagkwentuhan lang kami at nag-foodtrip. Nagpahinga't nag-picture-picture. Pakiramdam ko pa nga, tunay na talaga kaming prinsesa at kabalyero nang sumakay kami ng isang kalesa.

Tuwang-tuwa siya, dahil natupad daw ang pangarap niya.

Tuwang-tuwa naman ako, dahil katabi't kasama ko ang pangarap ko. Ngayong huling araw. Ngayong huling sandali.

Umabot ng alas-singko. Naupo kami sa harbor ng Manila. Pinanonood ang paglubog ng araw.

"Kinakabahan ka ba?"

Napakagat ako sa labi at mabagal na tumango. "Medyo," mahina kong sagot. "'Yong sinasabi ng iba, kaya ko pa. Pero kasi kapag sa parents nanggaling. . ."

"Mas tagos sa puso?"

Tumango ulit ako.

"Kaya mo 'yan. Ikaw pa, eh, Ynah Salvador ka. Kakayanin mo 'yan!" Kinindatan niya ako at tinapik sa likod. "Tandaan mo, 'pag nalulungkot ka, may isang Rio Fernandez na mas malulungkot kahit nasa malayo. Ngiti ka. Mas maganda pang makita ang ngiti mo kaysa sa inaabangan nating sunset."

Sinuklay niya ang buhok ko. Inilapit niya ang ulo sa akin. Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa tuktok ng tainga.

Bumalik ulit kami sa pag-uusap ng mga bagay at 'rules' bago kami maghiwalay.

"Maryosep! Bakit naman bawal ako sa 'yong tumawag o mag-text man lang?" nakangusong tanong niya.

Natawa naman ako. "Putulin muna natin ang communication at distraction. Baka kapag araw-araw mo akong tawagan, hindi ko mapigilan ang sarili ko at puntahan kita," paliwanag ko. "'Pag nagkita ulit tayo, saka tayo magkwentuhan nang walang hanggan."

Ngumisi siya. "Pa'no 'pag bigla akong nawala sa mundong ibabaw?"

"Eh 'di rest in peace."

Sumimangot siya bigla. Hinampas ko siya sa braso at sabay kaming tumawa. Hinawakan ko siya sa kamay.

"Pilitin mong 'wag mawala. May promise tayo 'di ba?"

"Ano 'yon? Pipilitin ko ang kamatayan na 'wag muna akong kunin?"

Bungisngis akong tumango-tango.

"Sige, para sa 'yo."

Hinagin pareho ang mga buhok namin. I smiled as I looked into his eyes.

"Aalis ka na ba?" tanong niya, ibinaling ang tingin sa kalangitan, sa dagat, at sa pagitan.

"'Pag lubog ng araw."

"Para ka namang si Cinderella niyan, may time-limit."

"Lahat ng bagay may oras, Rio."

Wala na siyang naisagot. Kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya. Sabi niya nga, tanggap na niya na aalis ako, pero hindi niya pa rin maiiwasan ang masaktan.

Mayamaya, may naalala ako. Binuksan ko ang dala kong bag at inilabas doon ang isang maliit na kahon. Nakabalot ng gift wrapper. Iniabot ko ito sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Rio sa hawak ko. Nakunot ang noo niya. "Hindi pa Pasko, ah. Ba't may regalo ka agad?"

"Maiaabot ko ba sa 'yo 'to sa Pasko?" sarkastiko kong tanong. "Buksan mo."

"Pag-uwi ko na lang. Baka maiyak pa 'ko kapag nakita ko ang laman."

"Sige na, open it."

Pinanliitan niya ako ng mata. Tatawa-tawa siya habang sinisira niya ang wrapper. Sa pagbukas niya ng kahon, isang maganda at may design na papel ang bumungad. Kinuha niya 'to at binasa ang sulat-kamay ko.

There was once a princess who lived in harmony. She lived in a castle with his king, reigning their own castle. But all she had instantly vanished when she bit the poisonous apple. She drowned in her own tears, withering due to poison that slowly, but excruciatingly killing her. The princess became miserable. Exiled, unloved, and judged. Crying and regretting alone.

One day, she woke up with a kiss from an ordinary man who took her to his own little kingdom. Then the man became his knight and treated her with so much kindness, respect and love. The princess and the knight went to a far, far away town. The princess lived newly, and got down from her lonely and high tower.

The knight turned out to be a prince. They danced like Belle and the Beast. They explored the world like Jasmine and Ali. He was supposed to be just an ordinary man, but she could make the princess' heart beat for him extraordinarily.

Like what all fairy tales have, there was a conflict. No dragons, no witches, no magic. It was just that the clock struck and she needed to get back to where she used to belong, like what Ariel needed to do when she's losing her legs.

Just like Pocahontas and John Smith, they have to live in their own separate world.

Rio turned back the paper. His brows frowned when he saw nothing written at it.

"Maryosep! Tapos na pala?" tanong niya na tinanguan ko. "Bakit walang the end?"

"Because there was no 'the end' in real life aside from death. And there was no 'the end' in their story, because it was just a chapter that ended," I explained.

He looked confused kaya ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

"Napansin mo ba na hindi nagsimula ang kwento sa once upon a time?"

"Uhh. . ." He stopped and thought for a while. Mabagal siyang tumango-tango.

"Dahil hindi naman talaga ikinuwento ang pinakasimula," sagot ko. "The princess is real, and she's alive. She survived a lot of chapters living her own life, as well as he, even without being in each other's arms."

"Bale, nag-meet sila, sa gitna ng mga buhay nila?"

I smiled. "The knight came to her life to save her. The princess came to his life to make him happy. That's their purpose in the story. To be each other's savior."

"Hindi pala talaga 'yon fairytale. . ." he muttered.

"Oo, kasi walang ganoon sa totoong buhay."

"Eh 'di ano pala 'yon? Pelikula? Teleserye? Alamat?"

"Nobela."

Napatango-tango si Rio at natatawa na nilingon niya ako.

"Parang kilala ko 'yong prinsesa at prinsipe," ngising sabi niya.

Napaiwas naman ako ng tingin at natawa.

"Feeling ko . . . si Ynah 'yon at si Rio?"

"Hulaan mo lang."

Nagtawanan ulit kami. Pagkatapos, muli siyang bumalik sa regalo ko. Sa ilalim ng papel ay ang photo album. Binuklat-buklat niya lang 'yon para pasadahan ng tingin ang mga polaroids.

"Sure ka? Iiwan mo na sa'kin ang mga 'to? Eh, ikaw ang kumuha ng mga 'to para may memories ka 'di ba?"

"Sige na, sa 'yo na 'yan. May kopya ako ng mas marami pang memories at sa iba nakatago."

"Nasaan?"

I pointed where my heart is located. "Here."

Sa ilalim naman ng album ay isang sobre. Binuksan niya 'yon at napamura pa siya nang makita ang mga laman na makapal na bank notes.

"Bakit naman may ganito pa? Para naman akong—"

"Tanggapin mo 'yan. Itabi mo, kasi kakailanganin mo 'yan para makapagsimula ka ng bago. At saka, isipin mo na lang, 'yan 'yong bayad ko sa 'yo para sa lahat."

"Pero—"

Itinulak ko palapit sa kanya ang sobre. Nginitian ko siya. Alanganin man at nahihiya ang hitsura niya, ibinalik na lang niya ito sa loob ng box.

"Salamat," sabi niya at mas hinigpitan ang akbay sa'kin. "Sobra-sobra."

Tuluyang lumubog ang araw. Tumayo na siya at inalalayan pa ako. Naglakad na kami papunta sa kotse ko. Kinuha niya ang gamit niya sa likod na nasa isang malaking maleta.

Pinagbuksan pa niya ulit ako ng pinto pero ngayon, sa driver's seat na. Hindi muna ako umupo. Lumingon muna ako sa kanya.

Ngumiti lang siya sa'kin.

"Bye-bye na?"

"Oo. Na-enjoy ko ang araw natin dito sa Luneta. Tawa nga tayo nang tawa."

Hinawakan ko siya sa magkabilaang pisngi at iniangat ang sulok ng labi niya.

"Ngiti ka na, ha. Ngiti ka lang. Baka 'di ako makaalis kapag umiyak ka."

"Ubos na luha ko 'no!"

Mahina kaming natawa. Tiningnan ko siya at nginisian. "Talaga ba?"

"Naman!" Ginulo-gulo niya pa ang buhok ko. "Hindi na nga."

Tatawa-tawa lang siya sa una at iniiwas ang tingin. Ngingiwi-ngiwi at sinasabayan ng pag-iling. Unti-unti, bigla na lang kumawala sa bibig niya ang isang hikbi.

Natigilan na ako nang rumagasa ang luha sa pisngi niya.

Agad naman niyang tinakpan ng braso ang mata para hindi ko siya makitang umiiyak. Ang lalakas ng hikbi niya na parang isang bata.

Napawi ang ngisi sa labi ko. Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi ko maiwasang masaktan. Hindi naiwasan ng puso ko na mabasag na naman.

"Ikaw naman kasi, eh!" hihinto-hinto niyang sabi sa pagitan ng mga hikbi.

"Rio . . ." nanginginig ang boses kong tawag sa kanya.

Tinanggal niya ang harang sa mga mata. Tumingala siya. Inangat niya ang damit at nagpunas.

Sinunggaban ko siya ng mahigpit na yakap. Niyakap niya rin naman ako pabalik.

Akala ko naubos na lahat ng luha namin sa Ilocos Norte. Hindi pa pala. Panay ang pagtulo na parang ulan na hindi mapigilan.

Nang marinig niya akong suminghot at humikbi ay tinapik-tapik niya ang likod ko.

"R-Rio. . ." basag ang boses na tawag ko sa kanya. "Salamat, ha."

Hindi siya nakasagot. Tanging paghikbi lang din niya ang kaya niyang maisambit.

"Mag-iingat ka palagi ha? Sisihin ko ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa 'yo. Maging masaya ka. Deserve mong maging masaya. At mali ka. Kasi sa'ting dalawa ikaw 'yong may pinakamagandang ngiti. Dahil sa ngiti mo lang, kaya mong magpagaan ng loob ng isang tao."

Mahinang natawa si Rio sa tainga ko.

"Kung makahanap ka ng ibang babaeng kaya ka ring sabayan sa trip mo, 'yong hindi ka iiwan at mamahalin ka rin ng buong-buo, mahalin mo. Okay lang sa'kin 'yon. I really mean it. I wish for someone to take care of your big heart."

Sinubukan ko ang best ko na hindi tuluyang mabasag ang boses at hindi tuluyang lumuha habang nagsasalita. Gusto kong maintindihan niya ako at ang mga huli kong sasabihin.

"Alagaan mo ang sarili mo. Kumain ka nang marami. Matulog ka nang mahimbing, 'yong yakap mo ang unan tapos humihilik pa," iyak-tawa kong wika.

"Pero alam mo ang mahalaga? Mahalin mo ang sarili mo. Magtiwala ka sa kakayahan mo, kasi ako, nakikita ko na marami kang maaabot sa buhay sa sipag, bait at determinasyon mo. Gawin mo 'yan para sa sarili mo, at para sa'kin. Kahit hindi na ako ang kasama mo."

Nararamdaman ko rin ang mabilis na pag-yugyog ng katawan ni Rio. Naririnig ko ang ilang beses niyang paglunok at paghikbi kaya mas lalong naninikip ang dibdib ko.

"Please pray for me," dagdag ko pa.

Tumawa siya kahit umiiyak pa rin. "Anong pray for me? 'Di naman ako santo."

Napangiti lang ako sa biro niya.

"Ynah. . ." umiiyak na aniya. "Gawin mo rin yan sa sarili mo dahil mas ayokong may mangyari sa 'yo. Mahalaga ka sa'kin. Sobra-sobra."

Pinunasan ko ang mga luha ko at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami maghiwalay. Ikinaway-kaway pa niya ang mga kamay habang nakangiti nagpapaalam sa akin. Ang huling eksena bago siya tuluyang mawala sa rearview mirror ay ang kanyang mga labi na nagsasabing, "I love you."

Napangiti ako nang matamis kahit na hindi ko na siya matanaw.

Napawi ang ngiti nang nasa kalagitnaan ako ng pagda-drive. Biglang nagtuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa mga alaalang bumabalik sa isipan ko. Heto na, ngayon na bumawi ang mga luhang pinigilan ko kanina.

Kani-kanina lang, magkasama kami at nagtatawanan. Abot-kamay ko siya kanina lang. Pero ngayon, at sa mga susunod na minuto, oras, at bukas, hindi na.

Nakakainis! Wala pa nga kaming ilang oras nagkakalayo pero nababasag na agad ang puso ko. Kailangan ko pa rin 'tong gawin. Para sa akin. Para sa amin.

Iginilid ko muna ang kotse at pinunasan ang mga luha ko. Isinandal ko ang ulo sa manibela. Amoy ko pa rin dito ang baby cologne ni Rio. Lalo ko siyang na-miss.

'Yon ang nagtulak sa akin na ilabas ang phone ko. Kahit dapat 'wag na, ginawa ko pa rin. Last naman na ito. Last message para sa kanya.

To: Rio

My moments with you are my favorite scenes in my life. My days with you are my favorite pages in my novel. I would gladly reread it over and over again because with you, I experienced to be free and truly happy. You thought you were not my saint, but I want you to know that you're my angel.

Hindi na ako nakasagot, pero alam mo naman na ang laman ng puso ko. I love you, too.

Continue Reading

You'll Also Like

25.1K 1.5K 10
His Loss Book 2 Megan Espiritu is back to where it all started. Matapos ang kaguluhan sa Manila, she's left with no choice but to go back to her home...
657K 41.4K 177
❝ Magpapakasal na ang first love ni Nana for 10 years. Ang masaklap? Hindi siya ang bride. Huhu. ❞ Y Chronicles Universe #SNMSL1 of Kabulastugan Boy...
991K 61.9K 93
Trudis Amplaya, the school's news editor/gossip writer, is always after the news, interestingly scandalous ones. And her favorite target? The arrogan...
202K 7.2K 35
Sometimes, endings happen first. You have been warned.