Third Person's POV
Hindi na nagsayang ng oras ang lahat ng nasa Celestial Kingdom. Lahat puspusan sa pag-eensayo sa sarili nila dahil alam nilang sa lalong madaling panahon ay susugod ang mga kalaban.
Sa isang bundok malapit sa kaharian ng Celestial Kingdom. Ang natatanging bundok na nakalutang, doon sila mag-eensayo.
Ang bundok na ito ay tinatawag na 'Ethereal Mountain' na daan-daang libo na din ang dumaan pero nandito pa din at isa sa pinakamatandang bundok na nandidito sa mundo ng mahika.
Ang Ethereal Mountain ay nagsisilbing ensayuhan ng mga Diyos at Diyosa noong unang panahon. Ito rin ang lugar kung saan itinayo ang rebulto ng lahat ng Gods and Goddesses na kanilang mga ninuno, at matatagpuan ito sa pinakatuktok ng bundok.
Hindi lang siya basta bundok dahil sa pagbaba nito may patag na lupa at dito nag-eensayo mismo ang kanilang sinasambang Diyos at mga Diyosa ng Griyego. Napakagandang pag-ensayuhan nito dahil pag ika'y nasugatan sa pag-eensayo kusa itong gagaling ng ilang segundo.
Ganoon kalakas ang mahika ng nasa bundok na ito. Sobrang tindi ang kapal ng Invisible Barrier dito na tanging may dugong bughaw lamang ang makakapasok.
Nang makarating silang lahat rito kani-kanina lamang, tila nakalanghap sila ng sobrang linis na hangin na para bang nakahinga sila ng maluwag.
Manghang-mangha ang lahat sa bundok na ito dahil nakalutang ito at may harang na puro punong iba't iba ang kulay sa paligid ng bundok na para bang sinadya iyon dahil mataas ito at baka may aksidenteng mahulog.
May isang parte ang bundok na may iba't ibang kulay ng bulaklak at sinabi sa kanila ni Reyna Alicia, di nila pwedeng lapitan 'yon habang nag-eensayo dahil baka magalaw o 'di kaya'y masira. Masyadong pinahahalagahan ang bundok na ito at buti nalang nagpakita kay Reyna Alicia si Olivia at sinabi sa kanya na pumapayag ang mga Diyos na nasa itaas at mga Diyosa na gamitin nila 'yon pansamanatala para makapag-ensayo.
"Madami kaming ihahandang makakain sa Kaharian mamayang tanghalian upang kayo'y magkalakas. Sa mga estudyanteng nabibilang sa mga Wizard, maaari ba kayong sumama sa'min upang matulungan kami sa paghahain?" Sinabi ito ni Reyna Amelia, ang Reyna sa Wizard Kingdom. Sumama ang karamihan sa kanila at naiwan lamang ang may lakas loob makipaglaban sa isang digmaan na magaganap na kung saan 'di nila alam kung kailan.
Pag-eensayo lang ang pwedeng gawin rito sa Ethereal Mountain dahil 'di pwede itong madungisan o marumihan dahil lugar lamang ito para sa pag eensayo.
Si Ralph, siya ang kanina pang hindi nagpapahinga dahil sa pag-eensayo. Determinado talaga siyang lumakas para sa ganoon ay makaganti siya sa Hari ng Dark Kingdom.
Ang hindi alam ng mga puting mago, na lahat ng nasa Akademiya ay buhay at hinihintay na lamang ang pagsugod nila dahil kontrolado na lahat ito ni Drack, pati lahat ng estudyanteng naiwan roon ay pinaamoy niya ng gawa ni Ladya, ang Velperessroma.
Nakatayo lamang sila at nakatulala, parang hinihintay ang senyas ng kanilang pinuno na si Drack.
Sa Kabilang Banda,
Sa isang kwarto sa kaharian ng kadiliman, nandoon si Prinsesa Athena na ngayon ay natutulog. Masyado siyang nanghina sa mga nangyayari sa kanya dahil kinuha ang kalahati ng kapangyarihan niya. Hindi man nagtagumpay si Drack na makuha ang isinumpang kapangyarihan ngunit nakakuha siya ng malaki na parte ng kapangyarihan ni Athena.
Makasariling Hari.
Nang iwan ni Ace si Athena sa kwarto niya, biglang kumunot ang noo ni Athena tila may nag-aaway sa loob-looban niya. Parang may kumokontrol sa kanya ngunit 'di niya magawang labanan 'yon dahil nanghihina pa siya.
Melissa's POV
Sumapit ang ikalimang araw mula nang mangyari ang pagkabigo namin sa laban.
Ngayon na, ngayon na kami lalaban upang tulungan at sagipin si Athena ang kaibigan kong miss na miss ko na. At puksain ang kasamaan ni Drack dahil sumosobra na siya pati ang mga kapwa naming estudyante na walang laban ay nadadamay.
"What the hell?! Ba't mga nakatulala sila? At nakapila ng maayos?! Hindi ba kahapon mga nakahandusay silang lahat?" Pagtataka ni Aldrin dahil mula rito sa taas kitang kita namin ang mga tulala at 'di kumikilos naming mga kaeskwela at mga kawal.
Mukhang kontrolado sila.
"Kontrolado sila ni Drack" sabi ko at parang sumakit ulo ko kaya napapikit ako. Nakita ko ang ginawa nila, kinuha nila ang kapangyarihan ni Athena!
"Ok ka lang Kitty? Anong nangyayari?" Sabi nito at hinawakan pa 'ko sa kamay . Lahat kami ay lumilipad at nandito sa taas para tignan ang kalagayan ng mga nandito sa Magian Academy.
Nakatingin sila sa 'king lahat tila hinihintay ang sagot ko.
"Kinuha nila ang kalahating kapangyarihan ni A-athena" sabi ko kaya nagulat sila kasi paano nila makukuha 'yon? Tanging Diyos o may kapit sa Diyos lang ang may kayang gumawa non.
"Paano?! Hindi ba ang sabi sa libro ng mga mago ay hindi pwe-pwedeng kunin ng kapwa mago ang kapangyarihan ng ibang mago dahil simula palang ng ipinanganak ang mga tulad natin ay inborn na sa'tin ang mga kapangyarihan natin. Tsaka ang sabi pa don tanging Diyos lamang ang kayang makakuha ng kapangyarihan kasama nadin ang may kapit sa Diyos" sabi naman ni Icy kaya napaisip ako. Paano nakuha ni Drack ang kapangyarihan ni Athena?
Hindi kaya?
"Ang nag-iisang Diyos na sinasamba ni Drack ay si Hades, matagal na din simula ng ialay niya ang kaluluwa niya kay Hades. At sa palagay ko tinulungan siya nito para sa pinakamalakas na kapangyarihan na makukuha nito. Dahil iisa nalang sila, si Hades na nakakulong sa Underworld ay pwedeng makawala dahil sa pagkuha ni Drack ng sobrang lakas na kapangyarihan galing sa isang itinakdang Prinsesa" makahulugan namin siyang tinignan at napaisip kami.
Teka, paano nalaman ni Ralph ang bagay na 'yon?
"Sa sinabi mo ba Ralph, maaaring si Hades na ang umubos sa ating lahat kung sakaling mas lumakas at makuha ang lahat ng kapangyarihan ni Athena?" tanong ni Stacey sakanya kaya naghintay lang kami ng sagot niya.
"Maaaring oo, maaaring hindi" Makahulugang sabi niya, kasabay non ay paglipad namin papunta sa Celestial Kingdom upang iparating ang nangyari sa Magian Academy.
Ibinalita namin ang nangyari sa Academy at ngayon na kami susugod. Hindi na kami makapaghintay pang lumaban para sa kalayaan ng lahat, dahil alam kong balak ni Drack na kontrolin kaming lahat para siya na ang maging pinakamalakas rito sa mundo ng mahika.
Habang abala yung iba sa pag-eensayo at kasama ko sila Stacey na nandito sa gilid ng paakyat sa bundok dahil nagpapahinga kami ngayon dahil mamayang kabilugan ng buwan kami susugod. Biglang lumitaw si Olivia, kaya napatayo kaming lahat sa pagkakaupo.
"Pasensya na sa istorbo mga Mahal na Prinsesa't Prinsipe, nais ko lang ipaalam sa inyo na pupunta tayong lahat sa pinakatuktok ng bundok" nagtaka pa kami pero sinagot niya din ang katanungan na nakikita sa mukha namin.
"Ipapakita ko ang mga rebulto ng ating mga Diyos at Diyosa upang bigyan kayo ng lakas para sa laban mamaya.
Elisay's POV
Bwiset! Nakakaines!
Akala ko pa naman ay mamamatay na 'yang Athena na 'yan tas naiba yung plano?!
Wala pa 'kong magawa dahil alam kong mas lumakas ang Hari at ayoko magaya kay Veronica na kontrolado niya na!
" Oh, nakabusangot ka na naman girl? Okay lang 'yan atlis mas lumakas tayo ngayon, omg! Look at this!" Sabi nito at nagulat ako dahil napapalutang niya na ang sarili niya na dati naman ay 'di niya nagagawa at mas lumaki na ang mga puppet na kaya niyang kontrolahin.
Tumango lang ako kay Barbie na ngayon palipad-lipad na parang ibon, tsk! childish.
"Kahit na! Mas gusto ko siyang mamatay kaysa sa siya ang maging susunod na Reyna nitong Dark Kingdom!" Napatigil naman siya sa paglilipad lipad niya d 'yan, at lumapit sa 'kin.
"Alam mo pangarap ko ding maging susunod na Reyna ng Dark Kingdom, naines nga ako dahil nandito ka din e! You know may kakompitensya ako sa trono hihi pero di na ngayon. Wala naman ako dugong bughaw kaya 'di na'ko nangarap noh! At saka sapat na sa'kin ang magkaroon ng iba pang kapangyarihan" sabi niya ng nakangiti habang kinakalikot ang kuko niya sa harap ko.
Sabagay, peeo hindi ko pa din maaalis sa isip ko na namatay si Ina nang dahil sa kanya! Sa katangahan niya noon!
Naglakad na 'ko at iniwan si Barbie don na panay praktis sa paglipad-lipad niya. Pupunta na'ko sa kwarto ko ng may biglang humila sa'kin sa madilim na lugar.
"What the f*ck?! Vin?! o Von?! Di ko alam kung ano pinagkaiba niyo ba't ka ba nanghihila bigla d 'yan?!" I heard him chuckled kaya naines akong tumingin sa kanya kahit na ang dilim dilim rito.
"Easy ka lang Babe" he said in very husky voice kaya nangilabot ako. Hindi ko talaga alam kung sino 'to sa kambal! Nakakaines naman! Badtrip na nga may umeepal pa. Basta isa 'to sa kanila, humanda talaga 'to sa'kin pag nakawala ako sa pagkakaipit niya sa 'kin sa pader.
Nabigla ako ng bigla niya akong hinalikan tsaka bigla siyang nawala.
"PUNY*TA!" Napamura ako ng dis-oras dahil sa gulat at kaba. Siraulo yon ha?! Pag talaga nalaman ko kung sino yung nagteteleport at may kakayahang tumakbo ng mabilis mapapatay ko talaga siya!.
Dumiretso na 'ko sa kwarto ko tsaka nag-isip ng maaaring gawin sa pagsapit ng kabilugan ng buwan mamaya, dahil ayon ang oras kung saan kami susugod sa Academy.
Humanda na kayo mga puting mago, dahil kami na ang mamumuno sa buong mundo HAHAHAHA.
Athena's POV
Sobrang dilim.
Wala akong makitang liwanag, san na ba 'ko papunta?
Bakit ang dilim?
Nakakulong ba 'ko sa dilim na 'to?
Ginagamit ko ang kapangyarihan ko para magliwanag ngunit,
Walang lumalabas.
Wala na 'kong kapangyarihan?
Patay na ba 'ko?
Ang huli kong naalala, sinaksak ako ni Drack. Sa totoo lang kung hindi lang siya gumamit ng kapangyarihan naging patas sana yung laban.
Nakta kong gumamit siya ng kapangyarihan para bumagal ang kilos ko, kaya nagkaroon siya ng pagkakataong saksakin ako. Dapat pala ginamit ko na ang isinumpang kapangyarihan para mawala na ang kasakiman ni Drack.
Kaya kong mamatay para sa kaligtasan ng lahat pero alam kong magiging madamot ako para sa mga nagmamahal sa 'kin, iiwanan ko sila ng ganun-ganun lang.
May pag-asa pa siguro...
Hahanap ako ng daan para makalabas rito, di ako susuko.
Hintayin niyo 'ko, ililigtas ko kayo.
Unknown POV
Kasakiman ng Hari ng Dark Kingdom umiiral na naman, pero gustong-gusto ko ang ginagawa niya.
At yung babaeng 'yon,
Hindi siya ordinaryong babaeng may kapangyarihan, ngayon ko lang nabalitaan 'to, dahil ang tagal ko ng namumuhay sa mortal na mundo.
Umalis ako sa mundong iyon para mailigtas ang sarili ko, dahil kinuha niya din ang lahat ng kapangyarihan ko gaya ng babaeng nakahiga ngayon sa kwarto ng lalakeng nagngangalang Ace.
May kapangyarihan pa din naman ako, mas lumakas nga ako e, ilang taon na ang lumipas at napahinga ko ng maayos ang kapangyarihan at katawan ko.
Dadating ako 'jan muli,
Hinding-hindi niyo aasahan ang oras ng pagbabalik ko.
Lalo na sa 'yo Prinsipe ng Apoy.
~~~~~~~~~~~~~~~~
/N: sorry medyo maikli guys kasi kung hahabaan ko di magtutugma yung pinakapangyayari ng susunod na chapter kung pagdudugtungin ko.
Enjoy reading! Bibilisan ko din naman ang pag-update . :))
Lovelots!💕
-Your Cute Author🐷❤