Something That Will Last

By Starine

55.7K 2.9K 2.3K

It's always a normal day for Viennica to run around her auntie's cafe as a novice barista. She likes to think... More

Prologue
1 // The Coffee That Started It All
2 // The Warfare
3 // Dimmed Sunshine
4 // Trap That's Yet To Work
5 // Eerie Constantin
6 // Sabotage Responsibly
7 // Careful, You Might Tell the Truth
8 // What a Circle of Friends
9 // Mess They All Want
10 // Like A Viking
11 // Break Like a Ceramic
12 // Describe Amused
13 // Caffee Sospeso
14 // White Flag
15 // Peek Before Hiding
16 // Dreams and Other Things
17 // Anything's a Wingman
19 // Coffee and Palpitation
20 // The Withdrawal
21 // Truth Under The Stars
22 // Tell Me Something I Don't Know
23 // Cheap Champagne
24 // Banned Coffee
25 // My Hand Smells Like Coffee
26 // A Brand New Era
27 // The Sort Out
28 // Unplanned War Zone Ceased
29 // Expresso Espresso
30 // A Bucket Full of Wishes
a cup of coffee for you ☕️
Epilogue

18 // When He's Counting Pixels

1.1K 85 69
By Starine

18 // When He's Counting Pixels

"So, ilan taon ka na, Nolan?" tanong ni Cara.

Kasama namin siya sa table sa labas ng Mostaccio. He's showing us the designs he devised for the upcoming café branches.

"I'm twenty-three."

Cara smirked a little, gumalaw pa nang konti ang kilay niya. Gets ko siya, actually. I'm a bit surprised din.

Nolan seemed like he's already established his own brand. Ang professional na kasi kaagad ng datingan niya for his age. Iyong porma at kilos niya, mukhang nakuha niya ang memo ng mga art students para maiwasan ang hasty generalization.

Hindi naman business attire ang suot niya, pero halos semi-formal na rin. Kapag dumadating pa siya rito sa café may pa-sunglass epek pa siyang nalalaman. You know the scene where a guy takes his sunglass off after getting out of the car? Yeah, that's his scene.

"Ah, may girlfriend ka?" Cara directly asked.

My eyes widened in shock. This is their first close encounter!

Nangiti si Nolan. Hindi siya sumagot. Itinuro niya lang akin ang nasa monitor niya instead.

"What the heck? Cara!" Pol chastised her.

"What? Why?" she asked cluelessly. "Kurt already likes someone who's an angel. He's still my crush, pero I need to un-crush him na."

Jules gave our friend a side-eye. We love her like that, but sometimes she can be too straightforward. Like, too much. Tuwid na tuwid.

"Do you need to have another crush? Hindi naman required 'yun sa buhay," said Pol.

"Boo hoo! For once, quit being pragmatic, Pol! Kaya ang stressful ng life mo eh. Gaya ka kasi sa'kin, hindi bumababa sa five ang happy crushes."

Mas nakikinig pa ako sa kanila kesa sa magpokus sa ipinapakita ni Nolan sa screen niya. Anything that looks beautiful to me is already fine. I won't complain with details so long as it's, as I had mentioned, fine to me. Simple as that.

Kaya hindi dapat ako ang tinatanong dito. Ang tagal naman kasing umorder sa loob ng café ni Jerrick. Dapat sila ang naguusap ni Nolan dito eh, kasi somehow sila ang may similar gear ng brain.

"Viennica?"

I blinked. "Sorry, what?"

"Sorry," sabi niya rin, natatawa. "Am I boring you?"

Umiling ako kaagad. "No! No. Uhm. Lahat kasi maganda." I smiled a little, hoping for him to drop the conversation.

'Di naman kasi ako magaling sa pakikipagusap sa hindi ko ka-close. Lalo sa lalaki. Kaya kapag iba ang kausap ko, madalas kinakantyawan ako ng mga pinsan at kaibigan ko. Bakit daw biglang bait ko, nasapian na ba ako ng anghel, tanggap na daw ang application ko sa heaven, mga ganyang thinking.

Naging uneasy ako nang maramdaman kong pinapanood nila kami ni Nolan na mag-usap.

Itinuro ako ni Cara, then she asked Nolan carelessly, "Crush mo siya?"

"Who? Viennica?"

"Uhuh," seryosong sabi ni Cara. She's once again the interrogator Cara.

Napatakip ako sa mukha ko. Why are her questions always so embarrassing? Tapos ako pa 'yung victim!

I heard him laugh. "Yes. I like her."

Oh, no.

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha. Maliit akong ngumiti sa kanya.

Nagkaron ako ng shade mula sa araw dahil kay Jerrick. Nakabalik na siya after uhm, mga ten minutes?

Hindi sa inoorasan ko, ha. Pero ang tagal naman!

Nakuha na ni Cara ang huling vacant na upuan. Looking around, para maka-join siya sa table namin ay kumuha dapat siya ng upuan mula sa ibang table.

"Have you been to Sagada, Viennica?" tanong ni Nolan.

Jerrick nudged me on my shoulder. 'Di ko tuloy kaagad nasagot iyong tanong. I looked up and mouthed, "What?"

Itinuro ni Jerrick ang loob ng café gamit ang ulo niya. Nakakunot pa ang noo niya.

Hindi ko naman siya ma-gets kaya binalikan ko na lang si Nolan. Galing din siya sa pagkakatingin kay Jerrick.

"Uh, oo. Nakapunta na ako. Maganda dun," I replied awkwardly.

Nangiti si Nolan. "Kapag pumunta kami doon ng team kasama ang mga Tita mo, will you come?"

Napapikit ako noong biglang bumulong si Jerrick sa tenga ko mismo.

"Vie, doon na tayo sa loob..."

I elbowed him quickly. I hushed him and whispered, "Nandito si Nolan."

"So what? He's here for work. Not your responsibility," medyo naiinis niyang sabi.

Feeling ko pulang-pula na ako dahil sa hiya. I saw Nolan's uneasy eyes. Hindi niya alam kung saan titingin.

"Sorry, Nolan. Uhm, ano, hindi siguro?" I said instead, ignoring the misbehaving man-kid beside me. "But I'd love to go back to Sagada, just not for work."

"Pwede tayong magpaiwan ng ilang days after we shoot there," mabait niyang alok.

I laughed nervously. Tumingin ako kay Jules para humingi sana ng tulong. But she just gave me a mischievous look, tapos ngumuso siya kay Jerrick.

With one hand, inangat ni Jerrick ang armrest ng upuan ko para ilayo ako kay Nolan. Kanina kasi lumapit siya para makita ko nang maayos ang laptop niya.

"Dito na lang ako uupo," he referred to my armrest.

Umikot mata ko. "Ayoko. Pero ikaw..."

Lumaki ang ngiti niya tapos umupo na siya. I saw Jules and Cara covered their mouth to repress making irritating kilig sounds.

"Next time siguro? I'm not sure, baka kasi may plano ako nyan," sabi ko kay Nolan.

"Oh. It's fine! Next time then," he smiled.

Naramdaman kong naa-out of balance si Jerrick sa pagkakaupo. My head was almost leaning against his upper torso because he had to sway his weight to my direction, or else he's mangangalay.

Inabot niya ang kabilang curve ng sandalan ng upuan ko. I knew that from afar, it would look like his arm was draped on my shoulder.

"Vie, I left my coffee inside. May booth na akong nakuha, bakit ayaw mo dun?" he asked again.

"Nandito na kami bago ka pa dumating. Pasok ka na kasi. Susunod ako," sabi ko na lang.

Mukhang hindi ako titigilan eh.

"Really? Susunod ka?" There was hint of suspicion on his tone.

I wrinkled my nose. Ang kulit!

He extended his hand while seemingly waiting for me to stand up. Even if a bit unsure, tumayo na lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit kami papasok sa loob ng café.

Binigyan ko ulit ng maliit na ngiti si Nolan. Tumango naman siya.

Nang hindi ko iabot, si Jerrick na mismo ang kumuha sa kamay ko. Tapos pumasok na kami sa loob. I even saw shocked looks from my friends, and my cousin even left her jaw hanging.

Ngiting-aso itong kasama ko pagkaupo niya.

"O, ano na?"

"Sungit naman," he kid. "Dito na lang tayo. Maiinitan ka dun."

"Sanay ako sa init."

He narrowed his eyes and looked at me accusingly. "Gusto mo ba 'yong Nolan na 'yun?"

My pupils dilated instantly. "No! Why would I?"

His face softened. Napailing ako.

"I mean, there's nothing wrong with him. Except that he's straightforward like Cara."

"Yeah," he agreed. "Tapos yayayain ka pang mag-Sagada? Ano 'yun, kayong dalawa lang? Hibang yata ang gungong," mapait niyang sabi. Tapos parang narinig ko pa na bumulong siya ng mura.

"I'm not sure?" patanong kong sabi.

"'Wag kang sasama dun. Pangalan pa lang niya hindi na katiwa-tiwala," pagpapatuloy niya.

"Huh? Sa Nolan?"

"Oo. Tunog 'umulan.' And you know how it smells after the rain. Mabaho."

His jaw clenched. Nagpipigil ako ng tawa. Bakit ang laki ng problema niya sa pangalan nung tao?

Maybe he's threatened of his skills? Kasi diba, if Jerrick works in the future, it's really possible that they'd be in the same field. And also right now, Nolan is working for Tita Lar.

"Dito ka sa akin," he continued further. Oh, hindi pa siya tapos. "Jerrick. It sounds like electric."

Okay! Hindi ko na napigilang tumawa. Seryosong seryoso kasi siya nang sabihin 'yon!

"Of all words, electric pa talaga?"

"What's wrong with that?" he asked sincerely. Nakataas pa pareho niyang kilay.

"Nothing. Ang daming words e, like charismatic, chaotic, egoistic—"

"Romantic," he interrupted. Kinindatan niya ako nang irapan ko siya.

Aalis na dapat ulit ako pero in-orderan niya ako ng iced coffee para hindi makaalis.

"Eh anong gagawin ko dito?" reklamo ko.

He just shrugged. "Panoorin mo akong magwork."

I noticed some girls at the near table, patingin-tingin sila kay Jerrick. Kahit dati, I'm seeing people look at him. Ngayon ko lang talaga pinansin iyong mga babae.

"Someone's already looking after you, kid," I pointed out. "Kaya mo na 'yan."

"Alright, I'll let you go. But let's have dinner later?"

"Hindi ako gutom mamaya."

"What?" Natawa siya. "I'll wear you out now, para pumayag ka."

"Saan ba kasi? Tss."

"Just at Bistro Bistro."

"Isama natin sina Jules."

Ibinuka niya ang bibig niya para may sabihin, but he just closed it again. Nag-isip siya for one second bago tumango.

Pinakawalan naman na niya ako pagkatapos. Damn, that child.

Pagkapasok ko sa stockroom ay sumunod doon si Pol. Apparently, he just took a break. May newly hired baristas na ang café ngayon, at ang iba ay tini-train ni Pol. Iyong iba naman ay maalam na and just needed to get oriented with the café's customs.

Dahil mas bata sa amin ang mga baguhang barista, they're panicky and tend to say sorry a bit too much. They're all also cute. Ang fresh pa nila. Legit na freshmen nga.

Ahh, can't wait for them to grow up and get frustrated with the world but only to come out stronger.

Dahil wala naman akong ganap dito, pinanood ko na lang kung paano sila turuan ni Pol. In this shift, we have Queenie and Sandro.

Sandro's assigned to the cash register, while Quennie was making coffee through Pol's guidance.

Nginitian ko si Sandro nang mapalingon siya sa akin. "Hello po," he greeted before tending to the next customer in line.

Wow, I felt old.

Nahagip naman ng mata ko si Jerrick. He's so engrossed with what he's doing on his laptop. Seryoso siyang nagta-type, that for one moment I forgot that he's the Jerkrick that had developed a passion to irk me relentlessly.

Kahit sa pag-inom niya ng kape ay hindi niya inaalis ang tingin sa ginagawa niya.

Pumangalumbaba ako sa counter at nangangalong-mata ko siyang pinanood.

This is the Jerrick that I refused to see awhile back. Ngayon kasi, parang nag-iiba ang perception ko sa kanya. Not sure pa rin kung ano ang kwento sa likod ng paasa chronicles niya, but everyone deserves the benefit of the doubt.

Ayoko namang tanungin kasi baka inisin niya lang ako. Sasabihin nun na interested na ako sa kanya. Lalaki lang ulo niya!

Nahulog ang baba ko sa palad ko sa kakatitig. I blinked rapidly. Hindi ko 'yon ginawa! 'Di ko siya tinitigan!

Napansin kong tumayo si Jerrick. Kaya nagkunwari kaagad akong inaayos ang mga sachet ng tea na nakadisplay dito sa counter.

Seryoso pa rin ang mukha niya nang lapitan ako. Akala ko kay Sandro siya lalapit para um-order ulit.

Tumungo siya sa counter para ako naman ang titigan. Napatigil ako sa pagaayos-kuno. I looked at him defensively. "What?"

"Sunshine, don't stare at me, please? I can't focus on work," nagsusumamo niyang sabi sa malambing na boses.

Pinanlakihan ko kaagad siya ng mata. "'Di ah! Hindi kaya ikaw ang tinitingnan ko."

Tumawa siya at hinaplos ang gilid ng labi ko. "May tumulo ka pang laway, oh."

Pinalo ko ang kamay niya tapos nagwalkout ako papuntang backdoor. Tawa lang niya ang narinig ko bago ko isinara ang pinto.

Dumiretso ako sa kwarto para sana matulog. Palagi na lang kasi akong puyat dahil hindi makatulog. Kaya sa umaga, matapang na kape ang iniinom ko para magising.

Tapos ngayon ang bilis na naman ng tibok ng puso ko... dahil sa kape.

Madilim na ang labas pagkagising ko. I'm a hundred percent sure, I'm gonna fall asleep by three a.m. again later.

Pagkabalik ko sa café ay iba na ang nasa shift. Sina Jules ay nandoon na sa table ni Jerrick, who's now done working.

"Gising na si madame sunshine, kaya tara na," sabi ni Lesly. Nakabalik na pala siya ng Manila.

Naunang tumayo si Jerrick para lumapit sa akin. "You okay now for dinner?"

Tumango lang ako kasabay ng hikab. Tumawa siya. Nagpahintay siya para makuha niya ang sasakyan. Tulad pa rin ng dati, nakipagunahan akong sumakay para hindi ako sa unahan makaupo.

Dahil malapit lang naman, hindi na nila ako pinilit.

From the outside, the bistro looked exquisite. May ambiance sila 'pag gabi na mapaparamdam sayong in love ka sa mundo, na gusto mong mahalin ang lahat ng bagay kahit mahirap gawin.

The rustic post lights gives off a warm light to the surroundings. It's perfect for tonight's setup because looking at the makeshift stage, there's definitely gonna be an acoustic band.

Pagkababa namin ng sasakyan ay hindi na kami pumasok sa loob. Pinili nina Jules na dito na lang kami sa labas para daw mas feel.

"I feel in love, shiyet!" kilig na sabi ni Cara. Minatahan lang siya ni Pol na naiinis. 'Di kasi niya maiwan iyong mga bagong barista sa café pero napilit siya nina Lesly at Cara.

"Uy nandito si Kurt," sabi ko. Nakita ko kasi siya sa loob naman.

"Of course, he is," kumento ni Cara, na parang nanghihinayang pa.

May mga blanket sa damuhan at mabababang table. Ito ang ipinalit nila ngayon sa usual nilang set-up kapag umaga hanggang hapon.

Isa na lang ang bakante kaya no choice kami. Nasa pinakamalayong parte ito mula sa makeshift stage. Pagkaupo namin ay may umakyat na rin doon at nag-mic test.

"Kilala ko 'yan," sabi ni Jules nang makita kung sino 'yung umakyat. "May crush din iyan kay Jerrick, e!"

Saktong pagkabanggit ni Jules sa pangalan niya ay dumating siya sa tabi ko galing sa pagpa-park ng sasakyan.

"Tawag mo ako?" tanong niya sa pinsan ko.

"Hindi. Inaalala ko pangalan ni girl. Crush ka nyan e! Kaso di mo pinansin."

Napatingin si Jerrick sa harapan. Nagkibit lang siya ng balikat.

"'Di ko talaga maalala. Pero basta! So, maganda boses niya? Baka pagsisihan mong di mo 'yan pinansin?" natatawang sabi ni Jules sa kanya.

Inalis ko pagkakatingin ko kay Jules. I like the trees. So that's where I looked.

"Let's hear her voice first," pagsakay naman ni Jerrick.

Bakit ba kasi ako sumama dito? Diba 'di ako magugutom ngayon? Planado ko na ngang di magutom e.

Oo, kaya ko 'yun!

Pagkatapos naming um-order ay nagsimula nang kumanta iyong vocalist. Malamig ang boses niya. It's warming everyone's cold night for sure.

Ang gabi ko? Wala, malamig pa rin.

"She's got a nice voice, Jerrick," sabi ni Les.

"Yeah..." he answered. I could tell he's looking at me.

Epal epal epal.

I rolled my eyes. Tahimik lang ako hanggang dumating na ang mga orders namin. Ayokong magsalita kasi ayokong masapawan iyong nice voice noong vocalist. How rude of me naman, diba?

"I hope you're enjoying the night?" masayang bati noong vocalist sa madla. "People at table four, are you?"

We're table four.

Masaya namang humiyaw ang mga kasama ko. Jerrick just chuckled. Kiniliti niya ang kamay kong itinutungkod ko sa blanket to support my weight.

Inalis ko iyon. Tinago ko na lang ang kamay ko.

"Sagot ka, table four tayo," sabi ko sa kanya.

Kinagat niya ang labi niya. The usual. He's holding a smile.

"Anybody up for open mic?" tanong ni vocalist with a nice voice sa matamis na boses.

"Ito! Ito!" maingay akong itinuro ni Cara. Shit, here she go again! "Si Viennica. Call her name!"

"Calm down!" suway ni Pol sa kanya. "She doesn't sing anymore, right?"

"Sus! Makakakanta na 'yan ngayon."

My face flushed. Tinatago ko ang mukha ko mula sa vocalist. Pinapanood lang ako ni Jerrick mahiya. Walangyang 'to!

"Vie," tawag ni Jules. I looked at her and she gave me a thumbs up. "Go na."

Even a gesture as simple as that, it meant a lot to me.

Lalo pa't gabi ngayon. Iba kaya ang ginagawa ng ambiance ng gabi sa feelings ng tao. It's always calm at night, and undeniably more intimate.

Sinundo ako ni vocalist sa pwesto ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang magpalakpakan ang tao. Kabadong kabado ako, hindi ko alam ang gagawin.

"Let's welcome Viennica on Bistro Bistro's stage."

Seryoso akong binantayan ng tingin ni Jerrick. I didn't know what was that for. For the first time in a very long time, I didn't see his infamous playful smile.

Napalunok ako. Well, shit.

Nandito na ako, so might as well wing it.

"And I would still be here, stargazing... I still look up, look up, look up for love..."

I started to sing, and my friends went into frenzy because I sang again.

When I got broken, I stopped doing everything I liked doing. One of it was singing. It's just that it was hard for me to sing while lonely. I would only cry more if I sing sad songs. And when I tried singing happy songs, there was no emotion at all. It's was such a crap. So I'd rather not sing at all than to disrespect the music by not giving it justice.

Now... I could sing again.

"Stars don't disappear... they keep blazing. Even when the night is over..."

Even when tonight is over, I know now that I'll be able do the things I like unapologetically and fearlessly.

Nagpalakpakan ang tao pagkatapos ng kanta. Nanginginig akong bumalik sa upuan ko. Ang mukha ko ay itinuon ko lang sa direksyon ni Pol na nasa kaliwa ko.

"Viennica," called by the person on my right.

He slowly turned my face to him. I gulped and fell really silent.

Kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon sa dibdib niya. With that, he only said one sincere word.

"Wow."

Continue Reading

You'll Also Like

89.3K 1.7K 32
❝ I may be cold but you make my heart soften every time.❞ Zamora Series 2: Alejander Zeiss Zamora
7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
226K 22.9K 199
Matagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapw...
120K 3.9K 54
Play The Set Series #1 Asterin Elin lives in her sister's shadow. Lahat ng tao'y kilala lang siya dahil sa kapatid nitong perpektong perpekto sa mata...