Bikini Try On (COMPLETED)

By puting_tulip

1.1M 23.1K 2.4K

R18||MATURED CONTENT GayxGirl More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30(1)
Part 30 (2)
Part 31
A/N
Part 32
Part 33
Special Chapter
Special Chapter 02

Part 34(Finale)

22.1K 536 135
By puting_tulip

"Bakit sambakol na naman yang mukha mo buntis?" Ciarra ask me when she visited me.

"Naiinis kasi ako." Sagot ko sa kanya.

"Kanino sakin?"

"Hindi! Kay Evan. Naiinis ako sa kanya." Inis na inis na sabi ko dito. Tumawa lang siya.

"Bakit hindi ka ba niya pinagbigyan kagabi?" She ask teasingly. Mas malala pa doon!

"Ang green mo! Hindi yun. Nakakainis lang kasi lagi nalang siyang ginagabi kung umuwi. Malaman laman ko lang talaga na may babae siya makakalbo ko ang baklang iyon!"
Tumawa si Ciarra sa sinabi ko.

"Alam mo ang nega mo! Hindi mambababae si Evan no malabo. Lalaki pwede pa- Ouch! Ang brutal mo talaga friend."

"Kung hindi siya nambabae o wala siyang ginagawang kalokohan bakit lagi na siyang ginagabi sa pag uwi? Alam naman na niyang malapit na ang kabuwanan ko tapos ganun pa ang ginagawa niya. Ba-baka hindi na niya ako mahal. Baka nagsasawa na siya sa akin dahil ang laki laki ko na, mukha na akong butete!" Naiiyak na sabi ko dito. "S-saka, minsan nalang niya ako kung kausapin. Puro trabaho nalang niya ang inaasikaso niya. Hindi na niya talaga ako mahal beshie!" Ngawa ko. Tuluyan na akong umiyak na ikinataranta niya ng husto.

"Hoy bruha ka! Bakit ka ba umiiyak. Sinasabi ko sayo, mahal ka ng baklang iyon. May inaasikaso lang siguro."

"Hindi e, bakit ganun na siya sa akin? B-baka nga binalikan na niya si Renee! Paano na ako Ciarra? Paano na ang baby namin?"

"Shit talaga na bakla yun. Masasabunutan ko siya." Inis na pakli ni Ciarra.

"Hindi na niya ako mahal beshie! W-wala ding silbi yung singsing na ibinigay niya sa akin. B-baka hindi na niya ako papakasalan." Pagpapatuloy ko sa pag iyak.

"Siera naman ang nega nega mo. Mahal ka ni Evan. Wag ngang kung ano anong iniisip mo. Pakakasalan ka nun."

"Hindi na niya ako mahal. Kung papakasalan niya ako bakit hindi pa rin siya nag oopen tungkol sa bagay na iyon? Bakit hindi pa rin siya nagtatanong sa akin tungkol doon?" Reklamo ko. "Gusto ko sana bago ko ilabas ang magiging anak namin ay kasal na kami para maging maayos na ang lahat pero yun nga pakiramdam ko nanlalamig na sa akin si  Evan. Nagsasawa na siya sa akin."

Sa katunayan isang linggo na siyang ganun. Late na kung umuwi, tas hindi pa ako gising sa umaga nakaalis na siya. Ni hindi na nga kami nagkakausap ng matagal. Wala naman akong alam na kasalanan para maging ganun siya sa akin. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya pero hindi ko naman masabi.

Naging tahimik lang si Ciarra dahil sa sinabi ko. Bumuntong hininga siya at tinignan niya ako ng matagal na parang may sasabihin pa kaso nag aalangan.
Pinunasan ko ang luha ko at saka huminga nang malalim.

"Hindi naman ako lolokohin at iiwan ni Evan diba?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya iyon sinagot.
Dahil doon ay mas lalong bumigat ang aking dibdib.

Gabi na naman, pero wala pa siya. Nakatitig lang ako sa plato ko na merong pagkain pero hindi ko pa nagagalaw. Dapat kasama ko si Evan tuwing kakain sa gabi pero wala pa siya eh. May kung anong bumara sa lalamunan ko nang dahil doon. Nangingilid na naman ang luha ko.
Itinulak ko na iyon.

"Manang, pakiligpit nalang po ito. Nawalan na po ako ng gana." Malungkot na sabi ko kay Manang Glory. Tumayo na ako at matamlay na  naglakad patungo sa kwarto namin.
Humiga na ako doon at pinilit ko ang sarili ko na makatulog pero patuloy lang sa pagdaloy ang mga luha ko.
Ano ba talagang nangyayari bakit hindi na kagaya ng dati ang lahat.

Naalimpungatan na lang ako noong maramdaman ko na may humalik sa noo ko. I know dumating na si Evan. Hindi ko iminulat ang mata ko bagkus ay tumagilid ako ng higa upang talikuran siya. At muli ay napaluha na naman ako ng lihim.
Nakita ko ang orasan sa bedside table namin, alas onse na ng gabi.

Palagi nalang. Pinunasan ko ang luha ko. Maingat niya akong hinapit papalapit sa kanya at ipinaunan ako sa braso niya.

"Im sorry." Bulong niya at saka niya hinalikan ang noo ko. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko sa dibdib ko ng dahil doon. Bakit siya nagsosorry? Dahil ba totoo na hindi na niya ako mahal? O baka may ginawa siyang kasalanan? Nagloloko ba siya? O baka nag sosorry siya sa akin dahil one of this days ay sasabihin na niya sa akin na hindi na niya ako mahal at nagsasawa na siya sa akin kaya iiwan na niya ako.
Kinagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang nagbabadya kong pag iyak.

Dahil hindi ko na matagalan ang mga nangyayari ay napagpasyahan kong pumunta sa office ni Evan para bisitahin siya at para makausap ko na din siya ng masinsinan. Maaga na naman kasi siyang umalis eh.
Kaya sasadyain ko nalang siya sa office niya.

Pagkadating ko doon ay pumunta ako sa receptionist.

"Nasa office ba niya si Evan?" Tanong ko dito. Tinaasan niya ako ng kilay na hindi ko ikinatuwa.

"May appointment ka ba kay Sir Hopkins, Miss?" She ask and she eyed me na parang hinuhusgahan ako. Hindi ko gusto  ang way ng pagtatanong niya. Ang taray niya.

"Wala pero-"

"Im sorry miss pero if you haven't any appointment to Mr. Hopkins you can't go to his office." Sabi niya. Kumunot ang noo ko nang dahil doon. Samantalang noon dali dali nila akong pinapapasok. Mukhang bago lang ang empleyado nilang ito kaya hindi niya ako kilala.

"Im sorry but I don't need any appointment-"

"Isa ka ba sa mga babaeng naghahabol sa kanya? If so, you can go out. Dahil hindi ka papansinin ni Evan." Dahil doon ay tumikwas na ang kilay ko. She called Evan by his name.
"You can't go to his office para landiin siya, you're not even beautiful. Mukha kang balyena dahil sa laki ng tiyan mo." She said while smirking. Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa inis ko. How dare her insult me, how dare her para sabihan ako ng ganun.

"Is that how they teach you to welcome visitors here?" Inis na tanong ko.

"No, but I guess you're not even a visitor alam ko naman na isa ka lang sa mga babaeng naghahabol kay Mr. Hopkins." Sabi na naman niya. Gosh I really hate this girl. She's getting on my nerves. Bad trip na ako dahil hindi maganda ang reason ko para pumunta ako dito and now ganito pa ang sasalubong sa akin.
Huminga ako ng malalim.

"Are you even sure on what are you saying?" Inis na sabi ko dito.
Nginisihan lang niya ako at saka inirapan tinaasan pa ako ng kilay ng gaga. Her personality sucks.
"Alam mo-"

"Miss Mendoza?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Evan's secretary. Kunot noo ang mukhang nakatingin sa akin nagtataka ata.
"Why are you here Miss Mendoza bakit hindi ka pa tumuloy sa office ni Sir?" Takang tanong niya.
Salubong pa rin ang kilay ko dahil sa inis.

"Ask this receptionist. She's insisting that  I can't go in."

"Miss Lopez! You should allow her to go to Mr. Hopkins office."

"But Miss Melody- kabilin bilinan po na wag akong magpapasok ng mga naghahabol lang kay Sir." Maattitude na sagot nung receptionist. She even rolled her eyes on me.

"She's not just any other girl Miss Lopez!" Galit nang sabi ni Melody dito.

"But-" dahil naiinis na ako ay hindi na ako nakapagtimpi pa. Pagpapasensiyahan ko sana siya but her attitude suck. She doesn't know to listen, ipinagpipilitan niya ang gusto niya.

"Let's not waste time Melody. Nasa office niya ba si Evan?" I ask her.
Nakita ko pa ang pag irap nang receptionist.
Tumango si Melody.

"Lets go-" giya ko kay Melody pero may nakalimutan akong gawin.
Kaya bumalik ako doon. Taka naman si Melody na sumunod sa akin.

"By the way Melody tell the HR to fire her. I don't like her attitude."

"What? Who are you to do that? You are just Evan's-"

"At kailan pa naging first name basis ang tawagan ng empleyado dito Miss Melody?" Tanong ko kay Melody.

"Wala pong ganun Miss." Sagot ni Melody.

"Sino ako? Are you asking who am I? Kanina pa ako nagtitimpi sayo and gave you chances pero sinagad mo ako." Simula ko dito pero hindi man lang natakot. Palaban.

"I am-"

"What is happening here?" Isang baritonong boses ang nagtanong nun. Siyempre kilalang kilala ko ang boses na iyon.
Nilingon ko kung saan nanggaling iyon. Si Evan kunot noong nakatingin sa amin. Lalo na sa akin, pero nasaktan ako noong nag iwas siya ng tingin sa akin.

"Sir! She is bullying me. Ininsulto niya ako sir. Sinasabi ko lang naman na hindi siya pwedeng pumasok-"
Bumangon ang inis ko dahil sa pag arte ng receptionist na yan. Ang landi landi ng boses at saka umaarte pang umiiyak. Dahil sa inis ko sa babae napatingin ako ng masama si Evan.

"You shut up!" Inis na baling ko sa receptionist. Natahimik naman yun.
"Evan fire that bitch baka kung ano pa ang magawa ko sa sinungaling na yan."

"Siera. I can't do that. Hindi ako pwedeng-"

"So kinakampihan mo siya? Mas kinakampihan mo ang empleyado mong iyan na ininsulto ako at saka nilait lait?" Inis nang sabi ko.

"Hindi naman sa ganun but-" nakita ko ang pagngisi ng babae kaya mas lalo pa akong nainis hindi para dito kundi kay Evan.

"Alam mo nakakainis ka na talaga! I  came here para kausapin ka! To ask you kung may problema ba tayo? Pero anong napala ko nilait lait lang ako ng walang modo mong empleyado na halata namang may gusto sayo. She called me balyena and butete! Kasalanan ko bang magmukha akong ganito dahil ipinagbubuntis ko ang anak mo! And now mas kakampihan mo pa siya!"
Galit na sabi ko dito. Wala na I lost it. I lost my composure sumabog na ang inis ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin yung receptionist naman ay nakanganga na siguro dahil sa mga sinabi ko.

"Si-"

"I hate you! You know what kung sawa ka na sa akin kaya ilang araw mo na akong hindi pinapansin. Kung sawa ka na sa akin that's why you are avoiding me by going to work early and going home late. Sabihin mo nalang sa akin!"

"Siera-"

"Ayoko na sayo! You're hurting me!" Inalis ko ang engagement ring namin.

"What are you doing?" Tarantang tanong niya. Lalapitan na sana niya ako pero tinignan ko lang siya ng masama. Bakas sa mukha nito ang takot at kung ano pa man.

"I am giving you back this ring! Wala ka nang fiance! Magsama kayo ng empleyado mo!" Inis na sabi ko at inilagay sa palad niya ang singsing at dali dali akong umalis doon.
Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na pinansin. Basta galit na galit ako.

Hindi ako umuwi sa bahay ko.
I go to Ciarra's place at nagnganga-ngawa.

"I can't believe him!  Mas pinaniwalaan niya pa ang bitchesang iyon!" Iyak ko. Ilang box na ng tissue ang naubos ko.

"Wag ka nang umiyak girl. Makakasama yan sa baby niyo."

"Anong baby niyo? Baby ko nalang ito!  " inis na sabi ko. Bumuntong hininga si Ciarra. "Wala nang baby ang baklang iyon! Pagktapos ng ginawa njya sa akin! He is hurting me!"

"Ay wengya talaga ang baklang iyon. Kung hindi ko lang suportado ang kabaliwan ng baklang iyon kakalbuhin ko na siya."
Napalingon ako kay Ciarra na bubulong bulong.

"May sinasabi ka?" Tanong ko na pahikbi hikbi.

"Ha? Wala." Sagot niya pero parang may inililihim sa akin ang isang ito.
"Wala talaga." Sagot niya, tumango nalang ako.
Huminahon na din ako. Pinainom niya ako ng tubig.

"Beshie, kung ikakasal ka, anong gusto mong theme?" Tanong niya.

"Hindi na ako magpapakasal." Simangot na sabi ko dito. Sinimangutan naman niya ako.

"Sige na kasi, kunwari lang eh." Sabi pa nito. Madami pa siyang tanong walang gana ko iyong sinagot.
***

"Saan tayo pupunta?" Matamlay na tanong ko kay Ciarra. Isang linggo- isang linggo na noong huli kong nakita si Evan. Isang linggo mula noong isinauli ko iyong engagement ring na bigay niya sa akin.
At natiis niya ako ng isang linggo. Ni hindi man lang niya ako kinausap, hinabol o tinawagan man lang. Mukhang hindi na nga  ako mahal ng baklang iyon. Naiiyak na naman ako ng dahil doon. Napagod na ba siya sa akin kaya hinayaan nalang niya ako?

Napahawak ako sa tiyan ko noong sumipa ang baby ko. Buti nalang nandito pa ang baby ko. Napansin ko din iyon eh. Kapag nalulungkot ako sumisipa ang baby ko na para bang sinasabing wag na akong malungkot.

"Hindi ko ba nasabi sayo?" Kunot noong tanong niya sa akin. "Hay naku yan na nga ba ang sinasabi ko sayo eh! Sinabi ko na sayo ito noong isang araw, diba sinabi ko sayo na ikakasal na si Addie." Addie, ang pinsan ni Ciarra na kaibigan din namin. Nabalitaan ko nga na ikakasal na siya.  Oo nga pala tinawagan niya pa ako kahapon para sabihin iyon sa akin. Bakit ko ba nakalimutan?
"Ang sabi niya magiging bridesmaid tayong dalawa!" Excited na sabi niya.

"Pero diba hindi na ako pumayag. May mag babrides maid ba na parang butete na dahil sa laki ng tiyan."

"Magtatampo iyong si Addie kapag hindi pinagbigyan alam mo naman ang isang iyon kapag nagtampo." Napasimangot nalang ako.
Agad naman kaming nakarating sa sinasabing lugar ni Ciarra. Hindi ko nalang pinansin dahil lutang pa ako hanggang kanina. Pati sa pag aayos, pagpapalit ng damit, tulala lang ako. Ni hindi ko na namalayan na naayusan na pala nila ako. At ngayon ay papunta na kami sa simbahan.

Lutang parin ako. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakapaglakad ng hindi nadadapa. Nandirito ako pero yung utak ko na kay Evan.

Wala bang balak ang  baklang iyon na suyuin ako? Wala ba siyang balak na kausapin ako. Hindi ba siya nasasaktan katulad ko? Ganun nalang ba yun? Isinauli ko lang yung singsing, nag give up na siya?

Miss na miss ko na siya eh. Nagalit lang naman ako noong araw na iyon. Nasaan kaya siya ngayon? Siguro nasa office niya nagtatrabaho. Sabi ko nga hindi na ako importante sa kanya.

Mabuti pa si Addie ikakasal na. Samantalang ako manganganak na nga't lahat pero  hindi pa rin, at saka mukhang lalaki  ang anak ko na walang ama.

"Huy! Siera!" Nagulat ako noong may sumigaw sa pangalan ko. Napalingon ako kay Ciarra.

"Bakit?" Lutang na tanong ko.

"Lutang ka pa rin girl?" Irap na tanong niya. Nasa labas na pala kami ng simbahan. Nakasara pa ang pintuan nito.
"Ah- hi-hindi. Cue na ba natin para magmarch?" Lutang na tanong ko. Tinignan lang ako nito ng matagal at saka niya ako inilingan na parang sinasabi niya sa akin na ang weird ko.

"Lutang ka pa nga." Naiiling na sabi niya. Napasimangot nalang ako.

"Sabi ko kasing wag na akong sumama eh. Masama ang pakiramdam ko." Simangot na sabi ko.

"Teka may aayusin lang ako." She said not minding what I said, at may kung anong inilagay siya sa buhok ko. Yumuko lang ako, napakunot ang noo ko noong mapansin kong magkaiba kami ng damit.

"Ciarra bakit ganito ang damit ko? Ako ba ang maid of honor?" Takang tanong ko.

"Seriously my friend ganun ka katagal lutang! Naku delikado na yan ha!" Sabi niya. And she smile at me. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. "I am so happy for you ma' friend!" Sabi niya nawiwirdohan na ako sa kanya.
"And one more thing, hindi ikaw ang maid of honor, ako! Ambisyosa nito." She said at inirapan pa niya ako. Malay ko ba.

"Tita! Tito! Get your daughter na po?" Excited na sabi ni Ciarra pumalakpak pa ng dalawang beses.

"Ma, Pa?" Gulat na sabi ko noong lumapit ang mga ito sa akin. Si papa na naiiyak, si mama na umiiyak na talaga.
"Ma? Bakit po kayo nandito? Bakit ka umiiyak?" Takang tanong ko.
"Pa?"

"Dapat lang na nandito kami? At saka hindi namin hahayaan na wala kami sa araw ng kasal mo!" Si mama yan. Nangunot ang noo ko.

"Kasal ko? Ma kasal po ito ni Addie."

"It's your wedding day daughter." Sabi ni papa at saktong bumukas ang pinto ng simbahan. Lumakas ang tibok ng puso ko noong magtama ang mata namin ng lalaking nasa harapan ng altar nakawhite tuxedo ito gwapong gwapo sa suot at nakatitig sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa may tumulo ng luha sa mata ko.

"It's your wedding." Sabi ni papa at saka kinuha ni papa ang kamay ko at iniabot sa akin ang boquet na may mga puting tulip, at magagandang bulalak.

"Your not the maid of honor ako yun beshie, dahil ikaw ang bride!" Tili ni Ciarra. Mas lalo pa akong napaluha.

"Tara na." My father said at iginiya niya ang kamay niya sa akin para umabrisyete.

"Wag ka nang umiyak anak, masisira ang make up mo sige ka ikakasal kang pangit!" Saway sa akin ni mama habang pinupunasan ang luha ko na  nakapagpatawa sa akin pero patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko. Tinabihan na din ako ni Mama.

Along with my parents, along with the wedding march, I take a step forward. I take a step forward to reach the man that I really love so much. Hindi niya ako hinabol tapos bigla na lang siyang may paganito? Why the hell na ako na ang ikakasal at hindi si Addie? Yung ayos ng simbahan, hanggang sa kulay na gamit ng mga bridesmaid, hanggang sa mga bulaklak na gamit. Lahat iyon ay ang mga gusto ko kung sakali mang ikakasal na ako. And here I am now, ikakasal na ako. Kaya ba tanong ng tanong sa akin si Ciarra tungkol sa mga gusto ko.

Bakit may pasurprise wedding siya pagkatapos niya akong binalewala ng ilang linggo. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. His eyes is glistening. He is smiling widely at me habang titig na titig din siya sa akin. Napangiti ako noong makitang nagpunas siya ng mata. Gosh he is crying.

I am marrying him, ikakasal na ako! Ikakasal na ako! Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Baka lutang lang ako at kung ano- anong naiimagine ko.

Ikakasal na ako kay Evan! Sa lalaking mahal ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala, hanggang sa nakarating kami sa harapan.

"Take care of our daughter Evan."

"I will po Ti-"

"Call me Papa now." Dad with a smile.

"I will Pa." Evan said. Ganun din ang kay mama habang ako nakatitig lang sa gwapo niyang mukha. He is dashing in his  3 piece white suit. Umiiyak pa rin ako.

Hinarap niya ako. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako. A lovingly gaze. Umangat ang kamay niya at pinunasan ang pisngi ko.

"Stop crying, chachaka kana." He joke. Mas lalo pa akong napaiyak.

"Bakla ka ng taon!" I said at saka hinampas siya sa dibdib niya, nagtawanan ang ilang taong naroroon karamihan ay kapamilya naming dalawa. "Ano ito? Bakit may paganito ka? Bakit 'di mo ako ininform? Nakakinis ka!" Umiiyak na tanong ko sa kanya.

"Surprise wedding nga." Sabi niya na nakangiti pero yung mata niya ay namamasa.

"Sana man lang sinabi mo sa akin!"

"Edi hindi na surprise wedding if I told you." He answered na nakapagpatawa sa lahat.

"Nakakainis ka!" Sabi ko.

"Taha na. Ikakasal na tayo o wag ka nang umiyak." Sabi niya.

"Pero-" hindi na ako nakapagsalita pa noong hinalikan niya ang noo ko.

"I miss you bruha." He whispers. Narinig namin na tumikhim ang pari. Sinimulan na ang seremonya. Hindi pa rin ako makapaniwala na heto nga at kasal ko na.

Kasal ko na talaga. Kasal na namin ng lalaking mahal ko. Akala ko hindi na niya ako mahal. Akala ko tuluyan na siyang sumuko, akala ko nagsawa na siya sa akin. Hindi pa pala.

"Siera Mendoza, take this ring as you take my love and me to your life. Thank you for coming into my life Siera, akala ko noon mananatili nalang akong bakla, but you came and changed me. Thank you for your love that changed me. The story of us didn't start when you try those bikini's infront of me." He said at saka niya ako kinindatan. Napatawa nalang  ako pati din ang iba but tears keeps falling down. "The story of us started when the two of us meet for the first time, dahil hinayaan tayo ni God na magkakilala para bumuo tayo ng sarili nating kwento. I hurted you, I got scared at muntikan nang gumawa nang isang bagay na pagsisisihan ko mabuti nalang nandiyan ang mga magulang mo at magulang ko para gabayan ako. Madaming beses mo na akong itinulak palayo pero bumabalik pa rin ako sayo because I know what you really want.  Kilala na kita eh.I love you enough that I will still comeback and beg for your love when you will push me again."

Dahil doon ay grabe na ang pag iyak ko. Sa tuwa, siguro, naramdaman ko pa ang pagsipa ng baby ko. Nakikisaya din ata. Nagpaparamdam para sabihing present din siya sa kasal ko.

"Im not a pefect guy, I have flaws kaya pasensiya na kung minsan nasasaktan kita. This past few weeks, I've got busy to the extent that I am coming home late, gusto ko lang kasi na sorpresahin ka. Gusto ko lang ibigay sayo ang kasal na nararapat sayo. And last week when you came in to  my office, I believe you, you're the one that I believe pero nagalit ka't ibinalik ang engagement ring na ibinigay ko sayo. Balak ko sanang habulin ka at ibalik sa daliri mo ang singsing na iyon but I thought konting tiis nalang naman why don't I wait the day that I will put    a ring on your finger again at wedding ring na ang isusuot ko sayo. And that is now."

Mas lalo lang akong naiyak doon. Kaya pala hindi niya ako hinabol. Kaya pala sobrang busy niya noon.

"I love you my Cara Mia. And I promise that-- no scratch that I will make sure that I  will love you more." Sabi niya. And I guess it's my turn to wear the wedding bands in his finger.

"Evan..." I started and I breathed out. But my face distorted dahil sa -"Evan!" Tawag ko sa kanya. Dahil masakit ang tiyan ko.

"Hmm?" He ask. He is waiting for my speech.

"Evan take this ring as a symbol of my love for you. I love you too! I will not talk too much now and send me to hospital dahil manganganak na ata ako!" Sigaw ko sa kanya noong makaramdam ako ng  kirot sa tiyan ko.

"Ha?!" Gulat na sabi nito. Napahawak na ako sa kanya ng mahigpit! Tulala lang siya.

"Evan! Manganganak na  ata ako!" I shouted para matauhan na siya sa pagkashock!

"Oh my gosh! Bruha lalabas na ang junakis ko! Teka lang." Hinarap niya ang mga nanonood sa amin. Ang mama at papa ko na taranta na din, ang iba na natataranta na din.
"Manganganak na ang asawa ko!" He scream!

"Evan! Wengya ka!" I screamed noong makaramdam na naman ng paghilab. Kaya agad agad niya akong binuhat.

"Oo na dadalhin na kita sa ospital!"

"Hoy! Hindi ikaw ang magdadala! Nakatawag na ako ng ambulansiya!" Sigaw sa kanya ni Ciarra. Ang kaninang madramang kasal ay nagulo dahil sa baby naming hindi makapaghintay na lumabas.

Nakarinig nga kami ng wangwang ng ambulansiya.
Binuhat na ako ni Evan!
Pero may naalala ako!

"Sandali! Tumigil ka Evan Hopkins!" Sigaw ko dito.

"Ano na naman yan bruha! Stop muna ! Kailangan mong madala sa hospital!"
And he start walking.

"Isa Evan! Hindi ko ilalabas ang anak mo-"

"Oo na oo na! Ano ba kasi yun?"
Nilingon ko si Father.

"Father sabihin mo na!" Sigaw ko dito.

"Ha?" Maang na tanong ng pari.
Namilipit na naman ako sa sakit.

"Yung linya mo sa huli Father!" Sigaw ko dito. Eh sa sobrang sakit na at saka hindi ako lalabas sa simbahan na ito hangga't hindi niya sinasabi iyon.

"I announce you as husband and wife! You may now kiss the bride!" Tarantang sabi niya. Pagkasabi ng pari iyon ay hinalikan ko si Evan ng mabilis. Nalukot na naman ang mukha ko dahil sa paghilab.

"Yan okay na! Tara na! Manganganak na ako Ahhh!!!" Sigaw ko noong humilab  na naman.

Noong nakalabas na kami sa simbahan at malapit na kami sa ambulansiya.

"Teka sandali lang!" Sigaw ko na naman.

"Ano na naman?" Tanong niya.

"Hindi na masakit!" Sabi ko dito noong unti unting nawala ang paghilab ng tiyan ko.

"Ano?"

"Hindi na nga masakit!" Sabi ko.

"Bruha naman akala ko ba manganganak ka na."

"Pero hindi na nga masakit." Giit ko pa at saka nga pala hindi pa naman pumutok ang panubigan ko.

"Still I will send you to hospital." Pinal na sabi niya. Hindi na ako umangal pa.

Noong nakarating kami sa hospital ay pinagpalit nila ako ng hospital dress dahil naglelabor na daw ako ilang oras nalang at lalabas na ang anak ko.

Pinaglakad lakad ako ng doctor. At kulang nalang ay makapatay ako ng tao sa sakit. Evan get a room for me.
Dumating din ang parents namin, si Ciarra na wagas kung makatawa!

"Ang epik friend ha! Hindi lang pala si Evan ang may pasurprise pati din pala ikaw!" She said laughing out loud.

"Tumigil ka nga!" Sabi ko noong biglang hilab ang tiyan ko.

"Oh my gosh bruha umihi ka ba?" Evan ask while looking at my feet. Nanlaki ang mata ko noong makita iyon.

"Tangna Evan! Manganganak na ako! For real na talaga!" Sigaw ko.
Nataranta na naman siya. Pero bago pa niya ako mabuhat papunta sa wheelchair ay bumigay na siya. He passed out.

"Wala kang kwenta Evan!" Sigaw ko habang  dinadala nila ako sa delivery room.

And just like that I got married and gave birth to a healthy baby boy.

"Aww! Ang cute cute naman ng baby boy ko." Iyan ang una kong narinig noong magkamalay ako. And I saw a scene where I can not forget all my life. It's Evan carrying our baby with so much care while he was smiling but a tears of joy is flowing in his eyes. Dahil doon ay napaiyak na din ako. Perfect.

"Evan..." Nanghihina kong tawag dito. Agad naman niya akong nilingon. Pinunasan niya ng kanyang luha at lumapit sa akin.
He smile at me lovingly.

"Gising na si mommy!" Pagkakausap niya sa anak namin. He stared at me lovingly kumikislap ang mga mata niya. Punong puno ng pagmamahal.

"You want to carry him?" He ask. Tumango ako. Naiiyak kong kinuha sa kanya ang anak namin.
Tinitigan ko ang mukha ng anak namin. Pero parang ang unfair naman ata bakit parang carbon copy siya ni Evan.

Napag usapan na namin noon ang pangalan ng baby namin.

Sedrick Ven Hopkins. Seven for short.

"Hey there our little boy." Pagbebaby talk ko. Napaluha pa ako noong gumalaw galaw ito at sumimangot.
Naramdaman ko nalang na tinabihan ako ni Evan and he encircled his arms on me.

Leaning his chin on my shoulder habang tinitignan din niya ang anak namin.

"Thank you Cara Mia. Thank you for giving me an angel." He said.
"I love you." He whispers at pinaharap niya ang mukha ko sa kanya at hinalikan ang noo ko sunod ang labi ko. Pumikit nalang ako.

Wala na akong mahihiling pa.

I am so much happy. Siguro kung hind lang siya naakit sa akin noong nagtatry ako ng bikini baka wala pa kaming Seven sa ngayon.

Mabuti nalang talaga. Thank you for that 4 pairs of bikinis

"I love you too." I said when he pulled away.

The End...

.

####

Thank you for supporting this story and for patiently waiting for every update of mine kahit na matagal akong mag update kasi nga tamad po akong author, haha.

By the way, I am so happy na naka 100K+ reads na ito.

Thank you for those who supported me, lalong lalo na iyong mga nagcocomment and vote. Talagang highly appreciated ko kayo. Salamat din sa mga silent readers, kahit na mga silent o shy type kayo napapasaya niyo din ako. At least alam ko na may nagbabasa din sa gawa ko kesa sa wala diba?.

Gagawa ako ng special chapter! Yieehh! Just comment kung gusto niyong mamention ko kayo sa special chapter.

Again! Thank you for all the support, love and appreciation.

Pakisupport na din ang ibang story ko.

√Her Feminine Lover (R18, gayxgirl)
√Behind His Cuteness(R18)

-jen-

Continue Reading

You'll Also Like

174K 6.4K 60
Michaela Singh is a naturally born singer and musician. She is bold with her words as she always speaks her mind. Everybody tells that she is born fo...
945 63 6
π‘Ίπ’Šπ’šπ’‚ π’‚π’š π’π’‚π’ˆπ’ƒπ’‚π’ƒπ’‚π’π’Šπ’Œ 𝒑𝒂𝒓𝒂 π’ˆπ’–π’π’–π’‰π’Šπ’π’ˆ π’Žπ’–π’π’Š π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’–π’‰π’‚π’š π’π’Šπ’šπ’‚. π‘¨π’π’π’π’ˆ π’ˆπ’‚π’ˆπ’‚π’˜π’Šπ’ π’π’ˆ π’Šπ’”π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’Œπ’οΏ½...
1.4M 3.2K 7
(WARNING: Mature Contents. Please read at your own risk.) According to a great story my friend ever wrote, "...never be so in love with some...
350K 10.6K 48
The top rank gangster in J-Venile, Cherry Nadine Smith who did her best to conceal her identity, was involved in a car accident during her summer vac...