On Reuniting

By johnmeeeel

23 3 1

Fate has played it's part when two people with an unfinished past has come to meet each other once again. Wil... More

On Reuniting

23 3 1
By johnmeeeel


Tahimik lang na nakaupo si Jay sa buhangin ng tabing dagat. Siya ay isang lalaking 25- taong gulang na. Nakasoot lang siya ng shorts na kulay black at t-shirt. Ang kanang paa niya ay nakahimlay lang sa buhangin samantalang nakataas ang tuhod ng kaliwang paa upang masuportaan ang kaliwang kamay na nakapatong dito. Nasa likod niya naman ang kanang kamay upang masuportaan ang katawan niyang magkaroon ng pwersa sa likod.

Nakapwesto ng ilang metrong layo si Jay mula sa kanyang mga kaibigan na nakatulog na sa buhangin dulot ng kalasingan. Nakapalibot sila sa ginawa nilang bonfire na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagliliyab.

Dinig na dinig ni Jay ang dagalak ng apoy at paunti-unting pagkaubos ng panggatong. Sa kabilang dako, rinig na rinig din ni Jay ang bawat alon ng tubig na humahampas sa buhangin habang siya'y nakamasid tungo sa dilim ng walang katapusang dagat. Malalim ang iniisip ni Jay at hindi na niya naaalintana ang lamig ng simoy ng hangin.

Sa ilang minutong pagmamasid, biglang nagtaka si Jay nang makarinig siya ng isang tunog na hindi pamilyar lalo na sa isang mapayapang gabi. Tila mga hakbang ng isang taong nakasoot ng tsinelas sa tuyong buhangin. Unti-unting lumalapit sa kanya ang tunog na ito na nanggagaling sa kung saan nakapwesto ang patuloy na nagliliyab na bonfire.

Nagtataka man ay hindi ito pinansin ni Jay sapagkat akala niya ay isa lang ito sa mga batchmates niyang lasing na at siguro ay nagising lang bigla. 'Mangungulit na naman to saglit tapos matutulog lang ulit', ang iniisip niya habang nagpapatuloy sa kanyang pamamasid.

Nang umabot na ang mga hakbang sa kanyang gilid ay tumigil ito at nagsalita, "Hi".

Napalingon si Jay sa kanang banda niya at bigla niyang itinaas ang kanyang paglingon. Nagulat siya sa mukhang kanyang nakita kaya bigla siyang napahinga nang malalim. Buti nalang ay hindi halata na siya ay nagulat sa kanyang nakita. Hindi alam ni Jay kung ano ang dapat niyang maramdaman pagkatapos makakita ng isang mukhang hinding-hindi niya malilimutan. Isa itong lalaki na nasa 24-taong gulang na. Nakasoot din siya ng shorts katulad ni Jay ngunit nakasoot siya ng Jacket. Kaya ay itinaas nalang niya ang dalawa niyang kilay at sabay itong nginitian. "Hello", sagot ni Jay.

"Di ko alam na ang hilig mo na palang mag-emote ngayon"

"Hindi naman. It's just that, it's not every day that you get the chance to enjoy the view."

"Ikaw lang mag-isa?"

"Yeah"

"Hmm... Okay lang ba?" sabi ng kausap ni Jay.

"Okay lang." sagot ni Jay matapos nitong maintindihan ang pagsenyas sa kanyang kilos na makikiupo ito sa kanyang tabi.

Huminga nang malalim ang kausap ni Jay habang siya ay unti-unting pumwesto sa tabi niya. Hindi masyadong magkalapit ang pwesto ng dalawa. Hinigpitan ng lalaki ang pagyakap sa kanyang suot na Jacket dulot ng nararamdamang ginaw ng hangin na galing sa dagat. "Hindi ka ba giniginaw?", sabi nito.

"Hindi pa nga eh."

"Siguro, sanay na sanay ka na sa malalamig na hangin. Amerikano ka na kasi"

Natawa si Jay at sabay niyang sinabi "Siguro".

"Hi, I'm Mark, by the way", sabi ng kausap ni Jay habang iniabot niya ang kanang kamay niya upang makipagkamayan.

"Huh? Anong nangyare sa'yo?"

"Wala. Hindi mo kasi ako pinapansin simula nung una nating pagkikita dito sa venue ng reunion natin. I just reminded you of my name in case na nakalimutan mo"

"Tinaasan kaya kita ng kilay nung first time kitang nakita dito"

"Eh, yun lang?"

"Well, in that case, I'm Jay", sabi ni Jay habang nakipagkamayan sa kanyang kausap.

"Ganun ka pa rin tulad ng dati no?"

"Na ano?"

"Suplado"

"Hindi ako suplado. Considerate lang talaga ako sa mga circumstances"

"Wow, whole reunion natin hindi mo ako pinapansin. Ano naman ang circumstances 'don?"

"'Yung pagiging organizing committee mo ng reunion natin. I just saw na you we're too occupied every single time at ayaw ko maging abala"

"Okay"

"Sige"

Biglang natahimik ang dalawa at ibinalik nila ang kanilang tingin sa dagat. Pinaniwalaan nalang ni Mark ang palusot na sinabi ni Jay kahit sa kutob niya ay may mas malalim pa na dahilan ang hindi pagpansin ni Jay sa kanya.

"Gusto mong uminom?", tanong ni Mark.

"Kaya mo pang uminom after all those shots na ininom mo kanina pa lang?"

"Malakas to syempre! Hindi tulad ng iba jan na tumatakas sa shot"

Natawa ng konti si Jay at sabay sabing "Well, mabilis na kasi akong malasing and ayaw kong malasing nang maaga because gusto kong i-enjoy muna ang gabi."

"Ubosin nalang natin ang isang boteng natira doon. Total wala na namang tatapos na nun kasi lasing na ang mga tao."

"Okay, sige"

Tumayo si Mark sa kanyang kinauupuan at agad na pumunta sa dako ng kanilang mga lasing na kasama upang kumuha ng maiinom. Binuksan niya ang icebox at sabay kumuha ng ice. Ito ay kanyang pinutol at inilagay sa pitsel. Binuhat niya ang isang galon ng tubig na nakapwesto sa gilid ng icebox at nilagyan niya ng tubig ang pitsel hanggang sa ito ay mapuno ng sapat. Kinuha niya ang isang sachet ng juice na nasa ibabaw ng icebox at inilagay na naman ito sa pitsel. Pinaghalo niya ang mga inilagay sa pitsel gamit ang kutsarang nakatambak din sa ibabaw ng icebox. Ipinatong niya ang dalawang basong kanyang nakita sa ulo ng bote ng alak at kinuha ito. Dala rin niya sa isang kamay ang pitsel na may timpla ng juice at tumungo pabalik sa pwesto ni Jay.

Tiningnan ni Jay ang papalapit na si Mark dala-dala ang isang bote ng alak at ang isang pitsel. Habang nakatingin ay inilabas niya ang nandidiring ekspresyon sa mukha at itinungo ang tingin sa bote ng alak na dala ni Mark.

"Akala ko ba okay lang sayo na uubosin natin 'to?", sabi ni Mark sabay umupo sa buhangin katabi ni Jay. Inilapag niya rin sa buhangin ang pitsel, bote at ang dalawang baso sa pagitan ng inuupoan nila.

"Okay lang naman. Sadyang hindi na talaga ako sanay uminom ng rum", sagot ni Jay.

"Ano na ba kadalasang iniinom mo?"

"Gin"

"Naks naman! Pang-millenial 'yong taste! 'Yan bang klaseng inumin ang sikat doon sa Amerika?"

"Actually, I don't know"

"Huh? Anong I don't know eh taga-don ka na nga"

"Oo, pero iba na kasi ang buhay ko doon. Wala na akong time sa ganyan. Last inom ko is after ng college graduation right before I flew to America. Gin pa 'yon. Last inom ko ng rum is high school... 'yong last inom natin together"

"Oh, I see. So naa-apply na pala sa'yo ang 'Laws of Adulting'", sabi ni Mark sabay nagtawanan ang dalawa.

"Let me guess, nakalimutan mo na siguro ang lasa nito", dagdag ni Mark.

"Yeah right! First shot ko nga kanina halos magliyab na ang tiyan ko sa init"

"Namimiss mo rin ba 'yong tao?"

"Oo... Sino bang hindi makakamiss sa mga high school friends natin?"

Tumawa lang nang mahina si Mark sa sagot ni Jay at sabay niyang sinabi "Ako na mag ga-gun sa atin"

Tandang-tanda pa ni Jay ang huling pag-iinoman nilang dalawa sa bahay ni Mark noon. Nangyari pa iyon sa gabi nang matapos ang kanilang high school graduation. Naaalala pa niya ang tinig ng bawat tawanan at halakhak. Naaamoy pa niya ang usok ng mga sigarilyong hinihithit palabas sa kanilang mga bunganga. Ang lasa ng alak na iniimon kada shot, at ang sayang naranasan na hindi nila alam ay iyon na palang ang huling pagsasama nilang dalawa.

Nilagyan ni Mark ng alak at juice ang bawat baso sabay hinawakan. "Gunner's first", sabi nito sabay ininom ang alak.

"Sanay ka pa ring uminom no? Hindi ka pa rin nagbago", sabi ni Jay.

"Oo. Accustomed kasi ang mga workmates ko sa mga gatherings and celebrations lalo na kapag may successful event sa kompanya. Kaya ayun."

Pinuno naman ulit ni Mark ang dalawang baso at ibinigay ito kay Jay. "Kumusta kana pala?", sabay niyang sinabi.

"Okay lang, ikaw?", sabi ni Jay pagkatapos uminom.

"Okay lang din"

Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan sa pagitan ng dalawa. Napatingin si Jay sa ibaba at inilipat ito sa mga basong pinupuno ni Mark. Ilang sandali pa ay tiningnan niya si Mark sa mukha.

"Bakit ka ba nandito?", tanong ni Jay.

"Di kasi ako makatulog. Ikaw, aside sa peg-eenjoy mo sa view?"

"Dahil jan oh", sabi ni Jay habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa mga kasama nilang hanggang ngayon ay mantikang tulog parin sa maalimoot na buhangin.

"Naks naman! Maalaga pa rin.", sabi ni Mark sabay uminom.

"Hindi ako maalaga, concerned lang ako."

"Pareho lang kaya 'yon"

"Magkaiba 'yon"

"Paano?"

"'Yong concern, nag wo-worry lang. 'Yong maalaga is iniisip mo ang pagka fragile ng isang bagay", sabi ni Jay sabay uminom.

"Eh yung sa atin dati?"

"Ano?"

"Wala!"

"Okay, sige.", sabi ni Jay habang nakatingin kay Mark na ininom ang kanyang shot.

Natahimik na naman ang ere ng dalawa habang sila ay nakatingin sa alon at nakikinig sa dagalak ng apoy galing sa bonfire mula sa di-kalayuan. Pinuno na naman ulit ni Mark ang mga baso hanggang sa biglang naalala ni Mark na may dala pala siyang yosi sa kanyang bulsa. Napadukot siya sa kanyang bulsa upang kunin ang dala-dalang kaha ng yosi at agad niya itong ipinakita ni Jay sabay sabing "Gusto mo?".

"Hindi na ako nagyoyosi baliw"

"Ows? Di nga! Tandang tanda ko pa nga na ang hilig mong magyosi pagkatapos kitang na-impluwensyahan noon"

"Noon yon! Andami nang nagbago ngayon.", sabi ni Jay sabay uminom.

Patuloy pa rin ang ginagawa ni Mark sa pagrerefill ng dalawang baso. Juice sa isang baso, at alak naman sa kabila. Dahan-dahan niyang nilalagyan ang mga baso upang pantay at sapat lang ang proporsyon ng bawat inom nilang dalawa.

"Bakit, nagbago na ba?", sabi ni Mark pagkatapos ininom ang shot na para sa kanya.

"Ang alin?"

"'Yung ano..."

"Ano?"

"'Yung sa pagitan nating dalawa?"

Tumawa si Jay ng tahimik nang marinig niya ang katagang 'yon. "Di ko alam pinagsasabi mo.", sabay niyang sinabi.

"Edi wag!", sabi ni Mark. Sa pagkakataong ito, biglang lumakas ng konti ang boses ni Mark habang iniwas niya ang tingin kay Jay.

Agad napansin ni Jay ang biglang pagbago sa mood ni Mark sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap. Tiningnan niya ito sa mukha upang makita ang ekspresyon ni Mark.

"Nabasa ko.", ang katagang agad na sinabi ni Mark pagkatapos niyang napansin na nakatingin si Jay sa kanya.

Ngumiti nang matiwasay si Jay at sabay sabing "Kailan lang?"

"College, 2nd year, habang nag sco-scroll lang ako sa mga old photos ko sa facebook."

"Bata pa natin 'non.", sabi ni Jay sabay uminom.

"You could've told me, you know?"

"I really don't know, to be honest. Ang tagal na nun. Di ko na nga matandaan kung ano ang sinulat ko 'don."

"Ang dali mong makalimot"

"I wrote that 8 years ago and you read that 2 years after our high school graduation. So mas hinog pa ang memories mo ng konti."

"Nandon pa rin naman sa facebook ko eh. Hindi ko tinanggal."

"Wag na. Hindi ko na gustong makita. For sure ma cricringeyhan ako sa ka-cornyhan ko dati."

"Same lang din naman ang password ko sa facebook in-case magbago isip mo."

"Jusko. Sulat nga di ko matandaan, facebook password mo pa kaya. Besides hindi na tayo open account unlike before so I suggest na mag change pass ka na"

"Ikaw lang naman nakakaalam ng password ko ever since, bakit ako matatakot? If ever ma-hack man ang account ko. Isang tao lang ang paghihinalaan ko."

"Wow? So ako pa talaga? Kasalanan ko pa?"

"Di joke lang" sabi ni Mark habang tumatawa.

Hanggang sa nagpatuloy ang dalawa sa kanilang pag-uusap at pag-iinom, unting-unti na palang lumalayo sa kanila ang tubig sa dagat. Sa kabilang dako, ang bonfire na nagliliyab ilang minuto lang ang nakaraan ay kumupas na at ito ay naging tambak nalang ng mga baga.

"Alam mo, ang boring na ng pag-uusap natin. Lighten up the mood kaya tayo. Laro tayo ng truth or shot", hamon ni Jay.

"Sige ba!", sagot ni Mark habang umupo sya ng nakaharap kay Jay at iniayos ang kanyang sarili.

"Okay, ako mauna. Iniisip mo pa rin ba ako after 8 years of not talking with each other?", unang tanong ni Mark.

"Ang kapal"

"Oops. Truth or shot tayo ha?"

"Okay, oo na. Parang wala naman tayong pinagsamahan"

"Yiee..." sabi ni Mark sabay pangungulit sa kasama kung may malisya ba ang pagsagot nito ng oo.

"Baliw. Okay, my turn. Hmm.. Did you regret not pursuing your passion for filmmaking?"

"Umm.. Oo"

"Then why pursue a different path?"

"Well, alam mo naman sa buhay na always tayong stuck sa dream natin vs being practical.

"Being practical sa ano? Pera? I think we can be happy without being practical eh"

"Bakit happy ka ba sa buhay mo ngayon?"

"Hindi ko naman passion 'yung career ko ngayon. I've always wanted to try though para malaman ko kung ano ang feeling"

"Hindi pa siguro tayo umabot sa life natin para ma-experience ang feeling nang ganung saya."

"Siguro"

"Okay, ako naman. Alam kong bumalik ka dito nung around 3rd year na tayo sa college. Bakit 'di mo ako kinausap?", tanong ni Mark

"Ang drama naman ng tanong mo"

"Truth or shot lang"

"Magsa-shot na lang ako", sabi ni Jay habang kinuha ang dalawang baso at ito'y kanyang ininom.

"Ang daya mo"

"Anong madaya 'dun eh nasa choices 'yung pinili ko"

Gumaan ang hangin na nakapalibot sa pagitan ng dalawa habang nagpatuloy lang sila sa kanilang paglalaro ng 'Truth or Shot'. Makikita sa mga mata ng bawat isa na sinusulit talaga nila ang maikling gabi na parang wala na silang dapat iisipin kung hindi ang natitirang saglit na oras. Patuloy sila sa kanilang paghahalakhak habang inaalala nila ang kanilang pamumuhay kasama ang isa't-isa sa bawat tanong na ibinabato. Nararamdaman nila na parang nabubuhay sila ulit sa panahong sila ay nasa high school pa lang.

"Okay, ako na. Tinitingnan mo ba ang convo namin ni Rita nung open account pa tayo?", tanong ni Mark

"Hindi ah", ang pagtatangging isinagot ni Jay.

"Sure?"

"Hindi mo naman talagang maiiwasang hindi mabasa eh lalo na kapag nag-uusap kayong dalawa tapos naka-open ako sa account mo"

"Edi nabasa mo nga?"

"Oo na!"

"Yun! Umamin din pala"

"Ewan ko sayo."

Nang binanggit ni Mark ang pangalang Rita, biglang napatanong si Jay sa di kalagitnaan ng kanilang paglalaro "Speaking of Rita, kumusta na pala kayo? Are you still together?"

Biglang napahinto si Mark nang saglit sa kanyang ginagawa. Guminhawa siya ng malalim at napatingin sa mukha ni Jay at sabay niyang sinabi "Actually, she's my fiancé na"

Ngumiti lang si Jay sa narinig niyang sagot. Gulat man at nasaktan ng konti ay nilakasan niya ang loob na itago ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng mga ngiti. "Congrats pala. You guys both deserve it", sabi ni Jay habang sinusubukan niyang pinipigilan ang sarili upang maitago ang sakit na nararamdaman.

Sinubukan man ay hindi pa rin ito naitago ni Jay kaya napansin ito ni Mark. Di alam kung ano ang kanyang sasabihin, nagsalita nalang siya ng "Thank you".

Sa kabilang dako, nakita ni Mark na bumaba na pala ng tuluyan ang tubig sa dagat. Ang dako kung saan dating bumubungad ang mga alon ay nagmistula nalang mga basang buhangin.

"Lakad tayo?', sabi ni Mark nang ito'y bigla niyang naisip.

"Tara"

Sabay na tumayo ang dalawa sa kanilang inuupuan at tinipik ang parte ng katawan at damit na may nakadikit na buhangin.

"Hayaan nalang natin yan jan" sabi ni Mark at nagsimula nang maglakad ang dalawa matapos iniwan ang mga inuming malapit na sanang maubos.

Mabagal silang naglalakad sa dagat sa gitna ng gabi. Ang tanging nagpapa-ilaw lang sa dalawa ay ang liwanag na hatid ng buwan. Papalayo nang papalayo ang liwanag ng mga bagang nanggagaling sa bonfire. Bawat hakbang na kanilang ginagawa ay nakakaramdam sila ng lamig sa kanilang mga paa na dulot ng mga tira-tirang tubig na nasa buhangin. Tahimik lang na naglalakad ang dalawa na tila ang tanging maririnig lang nila ay ang ginhawa ng isa't-isa.

"Okay ka lang? Hindi ka tipsy?", ang tanong ni Mark matapos nag-alala ng konti kay Jay.

"Medyo light-headed pero still fine. I can handle"

"Kailan ka ba babalik sa America?"

"4 days from now."

"Okay. Thank you pala"

"Thank you saan?"

"Sa pagpunta mo dito. Pinagbigyan mo talaga ng panahon itong reunion natin kahit dalawang araw to."

"Okay lang. Gusto ko rin naman mangungumusta sa mga high school friends natin"

Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalawa habang may biglang sinabi si Mark sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad, "I felt the same way for you back then, you know".

Nagulat si Jay sa mga katagang biglang sinabi ni Mark. Tiningnan niya ito sa mukha at bigla nalang siyang napangiti. Mga ngiting hindi dulot ng kasiyahan kung hindi ay mga ngiting dulot ng pagtanggap.

"Tigil mo na 'yan. That was 8 years ago already"

"Isa lang naman talaga ang tanong ko sa'yo eh"

"Ano?"

Napatigil si Mark sa kanyang paglalakad at sabay niyang sinabi "What really happened back then?"

Biglang ding huminto si Jay at natulala saglit sa kanyang mga narinig. Nilingon niya si Mark at nakita niya si Mark na nananatiling nakatayo at nakatingin sa kanya.

"Masakit eh. Dito oh.", sabi ni Jay sabay turo sa kanyang dibdib "Yes you were my bestfriend for four years in highschool. Pero masakit kasi everyday na rerealize ko na mas lalong nahuhulog ang loob ko sa'yo. Araw-araw akong sinasampal ng katotohanan kasi ang pakiramdam ko deep inside is parang mali eh"

"Dahil lang pakiramdam mong mali, kaya ka nag-decide na umalis agad right after the graduation? In-erase mo lahat ng contacts ko sa'yo pati sa facebook. Tapos malalaman ko lang pala ang reason mo after 2 years. Tapos nilagay mo pa sa facebook photo caption ko."

"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'yon"

"Eh bakit hindi mo ginawa?"

"Masaya ka na eh. Masaya ka na kay Rita at masaya ka na rin sa akin bilang bestfriend mo lang."

Biglang napahinto si Mark sa kanyang pagsasalita. Natulala siya ng saglit nang nagsalita siya ulit pagkatapos ng ilang segundo "I'm sorry. Naging duwag din naman ako dati eh. Takot akong masaktan si Rita. Takot din ako sa kung ano ang pwedeng mangyari.", sabi ni Mark at sabay niyang idinagdag "Pero minahal din naman kita nang higit pa sa kaibigan."

"Nangyari na ang nangyari Mark eh. Hindi na natin mababalikan man ang nakaraan"

Pagkatapos itong sabihin ni Jay, nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. Sumunod naman si Mark sa kanya. Wala pang ilang minuto ng biglang nagsalita si Mark "Kung nabigyan lang sana tayo ng pagkakataon upang masabi ang nararamadaman natin sa isa't-isa noon, naisip mo bang magiging tayo sa huli?"

"Hindi naman talaga natin alam ang kahahantungan ng mga what ifs. It will always remain a mystery because we are always bound by the choices we make."

"Ang choice mong mang-iwan."

"Hindi. Ang choice kong masaktan. Hindi lang naman ikaw ang naging duwag eh.", sabi ni Jay at nagkaroon ng paghinto sa pagitan ng dalawa.

"Do you think na mas masaya pa sana tayo ngayon?"

"Hindi naman talaga tayo magwowork, Mark"

"Bakit hindi?"

"Hindi pa kasi handa ang mundo sa atin noon"

"What if ngayon handa na?"

Biglang napahinto ang dalawa kanilang paglalakad. Nagtitinginan lang ang dalawa sa mukha ng isa't-isa. Sa ilalim ng liwanag ng buwan ay nagkatagpo ang kanilang mga mata. Hinawakan ni Mark ang kanang kamay ni Jay nang dahan-dahan. Ramdam na ramdam ni Jay ang higpit at ang init ng kamay na humahawak sa kanya.

Ilang saglit ay natauhan si Jay at biglang tumingin sa dako kung saan nakapwesto ang bonfire. Sa di kalayuan ay hindi na makikita ang dating kulay pula mula sa mga baga dahil ito ay kumupas na at naging abo. Napansin niya rin na wala na ang kanilang mga kasamang lasing. Hindi rin siya nag-aalala dahil nakita niyang kinuha ang huling kasamang lasing ng isa pa nilang kaklase sa high school para matulog na sila sa kanya-kanyang kwarto. Agad na hinawakan ni Jay ang kamay ni Mark na nakahawak gamit ang kaliwang kamay niya at sabay itong itinaboy upang mabitawan ang kanang kamay .

"Balik na tayo. Inaantok na kasi ako", sabi ni Jay.

Hindi umimik si Mark sa sinabi ng kasama. Sumunod nalang ito nang nagsimula nang maglakad si Jay pabalik sa kani-kanilang kwarto.

Ang kwarto ng dalawang magkasama ay nasa second floor ng gusali na malapit lang sa dagat. Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad sa gitna ng katahimikan ng gabi. Nang papalapit na sila sa gusali, nagsimula na silang makarining ng mga tunog ng aircon sa mga tig-iisang kwarto. Sabay nilang inakyat ang pinakamalapit na hagdan patungong second floor hanggang sa nakarating sila sa harap ng pintuan ng kwarto ni Mark.

"So, hanggang dito na lang ako. Salamat pala", sabi ni Mark.

Nakatingin lang si Jay kay Mark at ngumiti ito patungo sa kanya. Unti-unting nilapit ni Mark ang mukha niya patungo sa mukha ni Jay. Walang galaw na isinagot si Jay habang patuloy ang paglapit ng mukha ni Mark nang dahan-dahan. Nang halos magkadikit na ang labi ng dalawa, isinuway ni Jay ang tingin ng kanyang ulo upang maiwasan ang labi ng kanyang kasama.

"Napakaganda na ng moment na 'to. 'Wag na tayong gumawa pa ng masamang alaala."

Pagkatapos itong sabihin ni Jay ay bigla niyang niyakap ang tulalang si Mark nang napakahigpit. Ginantihan ito ni Mark at niyakap niya rin nang napakahigpit si Jay. Nararamdaman nila ang init ng isa't-isa sa bawat paghigpit ng kanilang mga yakap. Walang ibang inisip ang dalawa kung hindi ang yakap ng sandaling iyon. Ang tila'y alam nilang hanggang segundo lang ay hiniling nila na sana ay mas tatagal pa.

Nagbitawan sila sa kanilang pagyakap at tumungo na si Jay sa kanyang kwarto. Naiwan ang nakatayong si Mark na tinitingnan ang bawat saglit sa paglalakad ni Jay.

Nang nagsara na ang pinto sa kwarto ni Jay, di namalayan ni Mark na biglang napatulo ang kanyang luha. Tumingin siya ng konting sandali sa mga kalawakan at napangiti. Pagkatapos ay pumasok na siya sa kanyang kwarto. Sa kabilang dako, umiiyak din si Jay habang nakasandal sa isinarang pinto at sabay niyang sinabi ang salitang "Thank you".

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 73 13
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in...
226K 9.6K 41
Santillan Series
Wattpad App - Unlock exclusive features