Inescapable Dream (Inescapabl...

By Pezzaaa

7.6K 494 106

After Zira's break up with her long time boyfriend, she began to have a dream every night about a man in an i... More

Inescapable Dream
Prologue
Dream 1
Dream 2
Dream 3
Dream 4
Dream 5
Dream 6
Dream 7
Dream 8
Dream 9
Dream 10
Dream 11
Dream 12
Dream 13
Dream 14
Dream 15
Dream 16
Dream 17
Dream 18
Dream 19
Dream 20
Dream 21
Dream 22
Dream 23
Dream 24
Dream 25
Dream 26
Dream 27
Dream 28
Dream 29
Dream 30
Dream 31
Dream 33
Dream 34
Dream 35
Dream 36
Dream 37
Dream 38
Dream 39
Dream 40
Epilogue
Inescapable Dream
Dream (Special Chapter)

Dream 32

125 13 3
By Pezzaaa

Gamit ang marker na hawak ko ay binilugan ko ang partikular na date sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko.

It's been 29 days since Troye's left at umaasa ako na bukas ay babalik na siya. It's been 29 days also since my dreams stopped. Namimiss ko na si Zaivier, namimiss ko na si Troye, namimiss ko na si Troye Zaivier.

"Zira, kakain na."

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at bumaba na para mag-almusal. Linggo ngayon at sasama ako kay Mama magsimba.

"After natin sa church magpunta tayo sa mall para malibang libang ka naman," sabi pa ni Mama.

Napangiti naman ako. Naoobserbahan kasi niya na madalas ay nalulungkot ako. At oo nalulungkot ako dahil kay Troye, kung kelan naman wala siya ay tsaka rin natigil ang mga panaginip ko.

Tulad ng sinabi ni Mama, after namin magsimba ay dumerecho kami sa mall. Nanood kami ng sine, nagshopping tapos ay kumain.

"Hindi pa rin bumabalik si Troye?" tanong ni Mama habang kumakain kami.

I shook my head. "Hindi pa, Ma. 29 days na mula noong umalis siya."

"Bilang na bilang, ah?" sabi ni Mama sabay ngisi.

Ngumuso naman ako.

After magshopping ay nagpasama ako kay Mama na magpunta sa salon, I want to have a haircut. Wala lang para iba naman, I guess? Ang hanggang bewang kong buhok ay naging hanggang balikat na lang, pinakulayan ko rin ito ng light brown.

"Parang may pinaghahandaan?" panunukso pa ni Mama.

"Mama naman!" nahihiyang sabi ko.

Dahil sa pagod kakaikot sa mall ay dinalaw na agad ako ng antok pagdating sa bahay kaya naman naligo lang ako tapos ay ibinagsak na ang katawan ko sa kama.

Nasa may dalampasigan ako, nakatanaw sa maalon na dagat at nababasa ang mga paa ko. Pakiramdam ko ay dinadamayan ako ng dagat ngayon sa kalungkutan na nararamdaman ko.

Zaivier, where are you now?

Akala ko ba ay hindi mo ako iiwan mag-isa?

Umihip ang malakas na hangin at niyakap ko ang sarili.

One of your hugs would be nice right now, Zaiv.

Napapikit ako nang maramdaman ang init ng mga bisig na siyang yumakap sa akin mula sa likod.

"Zira..."

He whispered. Hearing his voice makes me feel okay.

"I missed you and I came back for you, Zira."

I smiled.

Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin ay agad ko siyang hinarap.

I caressed his face. "Zaivier."

Nang magising ako ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Oh, My God!"

Natutop ko pa ang bibig ko. Hindi tulad noon ay malinaw ko nang naaalala kung sino ang lalaki sa panaginip ko, naririnig ko ang boses niya ngayong gising ako at malinaw na si Troye 'yon.

Oh, God! Ibig sabihin ba ay nakabalik na siya?

Sa sobrang excited ko sa isipin na nakabalik na si Troye ay hindi na muli akong nakatulog nang magising ako kaninang alas tres nang madaling araw at ngayon alas sais palang ay paalis na ako.

"Bakit parang ang aga mo masyado? Nagluluto palang ako ng almusal."

Nagtatakang si Mama.

I smiled at her. "Sa school na 'ko kakain, Ma."

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko habang nasa byahe papunta sa school.

"Manong, ito po 'yong bayad and keep the change,"masayang sabi ko pa sa tricycle driver.

Ilang malalim na hininga pa ang pinakawalan ko bago pumasok sa loob ng cafeteria. Sa eksaktong pwesto kung saan kami umuupo ni Troye noong ilang beses kaming sabay na magbreakfast ay dito ako umupo. Walang kasiguraduhan kung babalik na ba si Troye ngayon pero ginawa ko na lang na sign ang naging panaginip ko. Sa panaginip ko ay umalis si Zaivier at nagbalik siya para sa akin.

30 minutes na akong nakaupo dito, dumadami na rin ang mga estudyante.

I took a sigh. It's okay, I'll wait until 20 minutes before my first subject.

I've waited for another 30 minutes and when I'm about to lose hope, a familiar figure entered the cafeteria.

Napasinghap ako at agad na tumayo. Pakiramdam ko ay nagsasayaw ang puso ko. It's him!

Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ako pero halos magunaw ang mundo ko nang hindi niya ako pinansin. Lumingon siya sa likod niya, pumasok ang ngiting ngiti na si Shaneya. Parang may dumagan sa dibdib ko.

Hindi ba talaga kami magiging pwede ni Troye?

Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago muling umupo. I smiled bitterly.

Maybe we're not really meant for each other.

Tumayo ako at derederechong lumabas na sa cafeteria. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay walang luhang lalabas sa mga mata ko.

"Ano? Susuko ka na lang basta basta?"

Naikwento ko kay Queen ang nangyari kanina sa cafeteria.

Ngumuso ako.

"Oh, My God! Hindi ganyang Zira ang kilala ko. Ano ba? Baka naman kasi ang alam ni Troye ay kayo pa rin ni Gio, remember noong huli niyo pang pagkikita ni Troye ay 'yong sa perya sa Montecarlos?"

"Mukha silang masaya ni Shaneya kanina," mapait na sabi ko. "Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin."

Queen rolled her eyes. "Wag ka ngang basta sumuko na lang jan! Baka mamaya ay hindi ka lang niya nakilala dahil sa buhok mo!"

I rolled my eyes. "Queen, buhok ang pinabago ko hindi mukha."

"Basta wag ka sumuko agad!" Ngumuso pa siya.

"Bahala na."

Nawawalan ng pag-asa na sabi ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong malapit na magvacant. Mariin pa akong napapikit.

I took a deep breath before entering the cafeteria. Sa partikular na pwesto ay naabutan namin sila Troye na tumatawa. He seems different now, mukha siyang masyadong masayahin.

Saan kaya siya nanggaling?

"Zira? Wow! Nice hair mas lalo kang gumanda," pagpuri sa akin ni Josh.

I smiled. "Thanks."

"Bakit new look?"

May nakakalokong tingin si Eiron.

Umiling naman ako. "Wala lang. Masyado na kasing mahaba ang buhok ko."

"Nakabalik ka na pala Troye?" sabi ni Queen.

Pasimple akong sumulyap kay Troye. Ngumiti siya kay Queen.

"Kakabalik ko lang dito sa Montreal kagabi."

"Mabuti naman at nakabalik ka na," sabi pa ni Queen.

Muli akong sumulyap kay Troye. Ngumiti ulit siya kay Queen.

"It seems like you're gaining weight? Mas bagay sa'yo," ani Troye.

Ngumuso ako. 'Di hamak naman na mas kapansin pansin ang bagong buhok ko kesa sa pagtaba ng konti ni Queen.

Hindi ako masyadong umiimik dahil nababadtrip ako rito kay Troye. Ano? Talagang stranger na ang turing mo sa akin?

Naglakas ako ng loob na kausapin siya.

"Troye." I called him.

Pare-pareho namang natigilan sila Queen sa pagtawag ko na iyon kay Troye.

Nilingon ako ni Troye at itinaas niya ang isang kilay niya sa akin.

"Why?" malamig pa sa yelo na tanong niya.

Nagngitngit naman ang kalooban ko. Ano? Pagdating s sa'kin ang sungit pa rin?

I cleared my throat. "Saan ka galing?"

"Why do you care?"

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Sa inis ko ay tumayo ako at pinagkrus ang dalawang braso ko sa harap niya.

"Ang yabang mo! Kung umasta ka parang hindi ka nagconfess last month kung gaano mo ako kamahal!"

Natigilan naman siya at halatang nagulat sa sinabi ko. Humagalpak naman sa tawa si Queen. Inirapan ko si Troye tsaka nagwalk out.

Anong akala niya? Hindi ko naman siya inaano!

Umupo ako sa bench na nandoon at pumikit para pakalmahin ko ang sarili ko.

Fuck you, Troye!

"Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang purihin dahil alam kong marami ng nakapagsabi sa'yo nito but anyway, you look more beautiful with your new hair."

Halos lumundag ang puso ko sa narinig ko. Akala ko ay naghahallucinate lang ako pero nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa tabi ko nga si Troye. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Sinikap ko na ipakitang naiinis talaga kahit na nagwawala na ngayon ang puso ko.

"May gusto ka raw sabihin sa akin sabi ni Queen."

Nagtaas ako ng isang kilay. "Ano namang sasabihin ko sa'yo?"

He smirked. "That you missed me?"

Namilog ang mga mata ko. "Kapal mo!"

He softly chuckled.

"I heard you broke up with Gio? Noong gabing sinundo ka rin niya sa Montecarlos," seryoso sabi niya.

Tumango naman ako.

"O, bakit? 'Di ba siya 'yong dream guy mo? Literal na lalaking nasa panaginip mo."

Ngumuso naman ako. "Bakit ka ba nandito?"

Naiiritang tanong ko.

"Ano ba kasi 'yong sasabihin mo?" madiin na tanong niya.

I rolled my eyes. "Wala! Hindi na mahalaga. 'Di ba wala ka nang paki sa akin? Ni hindi mo nga ako pinansin kaninang umaga."

He took a sigh. "To be honest, hindi kita nakilala kanina, Zira."

"Palusot mo! Tapos kanina para lang akong hangin sa'yo? Sinong niloloko mo?"

He gave me a wicked smile. "Akala ko kasi gusto mo pa rin umakto tayo na strangers. Wag ka na magsungit jan, just admit that you missed me."

Tumayo ako. "Umasa ka!"

Bago ako makapaglakad palayo sa kanya ay nahawakan na niya ang braso ko.

"Kasi ako, namiss kita."

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Let's fix things later," aniya tapos ay binitawan niya ko.

Nagmadali naman akong naglakad palayo. Grabe! Parang may nagtatambol sa loob ng dibidib ko. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko nang mangiti ako. Damn!

Para akong lutang sa mga klase ko paano ba naman ay naeexcite na ako mamayang uwian. Parang ito 'yong araw na pinakaexcited akong mag-uwian, ah?

Pasimple akong siniko ni Queen. "Bakit ka nakatulala jan sa bintana? Kanina ka pa sinusulyapan ni Mrs. Ramos."

"Trinidad!"

Nagulat naman ako sa pagtawag ng prof namin.

"Can you please answer this?"

Nagmadali naman akong tumayo at lumapit sa black board.

"Okay, very good!" papuri niya nang masagot ko ang pinasagutan niya.

"Mabuti na lang at matalino ka," sabi ni Queen.

Mahina naman akong tumawa.

Nang mag-uwian ay inaasahan ko na nag-aabang si Troye sa tapat ng classroom ko.

"Tara?" pagyaya sa akin ni Queen.

Ngumuso ako at tumango.

"May hinihintay ka ba?" tanong ni Queen.

Umiling naman ako. "Wala."

Mukhang pinaasa lang ako ni Troye.

Nasa may tapat na kami ng old building ni Queen nang may umakbay sa akin.

"Pahiram muna kay Zira," aniya.

"Sure, Troye!" Ngiting ngiti si Queen.

"Nasa parking lot si Eiron, hinihintay ka."

Masayang masaya naman si Queen na nagpaalam sa amin. Sa hallway nitong building ako dinala ni Troye.

"Wanna tell me something?"

Pagbasag niya sa katahimikan.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko.

"Ah."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"Go, spill it!"

"So, Troye Zaivier Lacosta, right?"

Halatang nabigla siya sa sinabi ko.

"All this time ay ikaw pala si Zaivier!" dagdag ko.

Dumilim ang mga mata niya. "Hindi ako si Zaivier."

"Huh? Stop fooling me! Napanaginipan kita kagabi at klarong klaro ang mukha ni Zaivier, it's you, Troye."

He took a sigh. "So? Mahal mo na ako kasi ako si Zaivier?"

"What? Mahal kita bago ko pa malaman na ikaw si Zaivier."

Maging ako ay nabigla rin sa sinabi ko.

"Ano ulit 'yon? Masyado kang mabilis magsalita." Nangingising siya.

Ngumuso ako. "Stop it, Troye! Alam kong naintindihan mo ang sinabi ko."

"Baka naman hindi totoo ang sinabi mo?"

Umangat naman ang sulok ng labi ko. "Edi huwag kang maniwala! I broke up with Gio because of you. Kasi kahit ilang beses ko pang itanggi ay ikaw talaga ang mahal ko. Wala na rin akong pakialam noon kay Zaivier hanggang sa malaman ko na ikaw pala 'yon."

Kinuha niya ang kamay ko. "Really?"

Tumango naman ako. "Bakit hindi mo sinabing ikaw si Zaivier?"

He caressed my hair. "Kasi ayokong magustuhan mo ako bilang si Zaivier. I'm way better than him."

"Anong way better? E, ang sungit mo kaya samantalang si Zaivier ay napakasweet!"

Napasinghap ako nang hapitin niya ang bewang ko.

"Try me! Para malaman mo kung gaano ako kasweet."

I rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo!"

Hinawakan niya ang baba ko para iharap ako sa kanya at magtama ang mga mata namin.

"So, what do you want, Zira? You want us together?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumango.

He chuckled.

"You sure? Mas mahigpit ako kay Gio. Maging kina Kier ay ilalayo kita. Madamot ako, baby..."

Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang kilig.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
29.1K 1.2K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
22.2K 749 38
[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings...