Inescapable Dream (Inescapabl...

By Pezzaaa

7.6K 494 106

After Zira's break up with her long time boyfriend, she began to have a dream every night about a man in an i... More

Inescapable Dream
Prologue
Dream 1
Dream 2
Dream 3
Dream 4
Dream 5
Dream 6
Dream 7
Dream 8
Dream 9
Dream 10
Dream 11
Dream 12
Dream 13
Dream 14
Dream 15
Dream 16
Dream 17
Dream 18
Dream 19
Dream 20
Dream 21
Dream 22
Dream 23
Dream 24
Dream 25
Dream 26
Dream 27
Dream 28
Dream 29
Dream 30
Dream 32
Dream 33
Dream 34
Dream 35
Dream 36
Dream 37
Dream 38
Dream 39
Dream 40
Epilogue
Inescapable Dream
Dream (Special Chapter)

Dream 31

116 11 1
By Pezzaaa

"O, bakit ka tutulala jan?"

Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Pinakita ko sa kanya ang mga plates na hawak ko.

"Oh, My God!"

Napasinghap si Queen.

"Troye Zaivier Lacosta? Ayan ang buong pangalan ni Troye? Oh, My God!"

Nagkatitigan pa kami ni Queen. "Does it mean?"

I shrugged my shoulders. "Hindi ko pa alam. O, ayan! Ikaw na muna ang magbigay niyan kina Eiron. May 30 minutes pa naman tayong vacant."

Tinakbo ko na ang papunta sa may Engineering building. Sa may hallway sa tapat ng room nila ay naabutan ko si Gio, kakatapos lang ng exam nila.

"Gio."

Kunot noo niya akong tinignan pero agad din nawala iyon at napalitan ng ngiti.

"O, Zira? Narealize mo na ba na ako talaga ang mahal mo?"

"Gio, ikaw ba talaga si Zaivier?"

Natigilan naman siya. "What? Oo naman. Akala ko ba ay wala kang pakialam kay Zaivier?"

"Stop fooling me!"

"Fine! Ano pa bang mapapala ko kung magpapanggap ako na ako 'yong lalaking nasa panaginip mo? Tingin mo talaga nag-eexist yung lalaki na 'yon sa totoong buhay? You know what? Ang weird mo!"

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Nabigla naman ang iilang kaklase niya na nasa labas din.

"Napakasinungaling mo! You know what? I don't regret ditching you."

Tinalikuran ko na si Gio at mabilis na umalis. Nagngingitngit ang kalooban ko sa galit. Paanong naloko ang isang Zira Rafaela Trinidad?

Hindi ko pa nacoconfirm na si Troye nga si Zaivier dahil wala si Troye, siya lang ang makakapagsabi na siya nga si Zaivier. Pero kung siya nga, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hinayaan niya ako maniwala na si Gio ay si Zaivier?

"You okay?"

Nag-aalalang tanong ni Queen.

Tumango naman ako. Kailangan kong magfocus muna ngayon sa mga exams at mamaya ko na ulit iisipin ang tungkol kay Troye at Zaivier.

Natapos na ang exams namin para sa araw na 'to at abala ako sa pag-aayos ng gamit ko nang sikuhin ako ni Queen.

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit?"

Tinuro niya si Gio na nag-aantay sa tapat ng classroom namin.

I rolled my eyes. "Pabayaan mo siya."

"Zira, gusto ka niya makausap, about Zaivier. Kilala niya kung sino si Zaivier."

"Baka lolokohin niya lang ako ulit."

She took a sigh. "Hindi mo malalaman kung hindi ka makikipag-usap sa kanya. Sige na, ako na bahala rito sa gamit mo."

Bumuntong hininga muna ako bago ako naglakad palabas ng classroom.

"Zira."

"Doon tayo sa gilid," malamig na sabi ko at nagpunta sa gilid ng classroom namin kung saan ay papunta sa restroom.

"I want to say sorry for lying that I'am Zaivier, alam mo naman na hindi ako masamang tao. I just took it as an advantage para magkaroon ako ng pag-asa sa'yo," malungkot na sabi niya.

"Wag ka na magpaligoyligoy, Gio. Hindi unlimited ang oras na meron ako para sa'yo."

Naiinis pa rin talaga ako sa kanya.

He took a deep breath. "Remember noong nanood kami ni Queen ng practice game mo? Naikwento niya sa akin ang tungkol kay Zaivier. Wala akong interes noong una pero nang kausapin ako ni Shaneya habang nasa HQ ka ay napapayag niya ako sa gusto niyang mangyari. It's a win win situation para sa aming dalawa."

"Shaneya? Among kinalaman niya sa pagpapanggap mo na ikaw si Zaivier?"

"Alam niyang si Zaivier ay si Troye."

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit na alam kong may posibilidad na si Troye ay si Ziavier hindi ko pa rin maiwasan na hindi magulat.

"So, si Troye nga si Zaivier?"

He nodded. "May mga parte ng panaginip niyo ang kinuwento ni Troye kay Shaneya at iyon naman ang pinapangkumbinsi ko sa'yo na ako nga si Zaivier."

"Oh, My God!"

Itinakip ko ang palad ko sa bibig ko. Totoo ba 'to?

"Shaneya, asked me to pursue you and then she will going to pursue Troye but I guess wala ka talagang laban sa mga pusong totoong nagmamahalan." He took a deep breath. "I'm sorry, Zira..."

Naiwan akong tulala dito sa gilid, pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi sinabi sa akin ni Troye? Tingin niya ay hindi ako maniniwala sa kanya? God! Nakakabaliw 'to.

"Ano? Kumusta?"

I took a sigh. "I don't know kung papaniwalaan ko ba ang sinabi ni Gio."

"Ano bang sabi niya? Tingin mo bakit magsisinungaling siya ulit?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "I don't know, Queen! But he just confirmed that Troye is Zaivier."

Impit pang tumili si Queen. "Gosh! Remember how you believed in fate? Destiny? Ito na 'yon, girl!"

Umangat ang sulok ng labi ko. "E, nasaan si Troye? Ni walang may alam kung nasaan siya."

"Why don't you try to call him?"

Sinubukan kong tawagan si Troye sa dalawang number niya pero hanggang sa makarating na ako dito sa bahay ay cannot be reach pa rin.

"Mukhang malalim ang iniisip mo?"

Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko. "Ma, remember Zaivier?"

"The guy in your dreams?"

Tumango ako. "Could you believe it? Si Troye pala 'yon."

Namilog naman ang mga mata ni Mama. "What?"

"I just discovered Troye's full name, Troye Zaivier Lacosta and then Gio confirmed to me na si Troye nga si Zaivier. That's why I cannot feel Zaivier through Gio, ang layo sobrang layo."

"Nag-usap na ba kayo ni Troye?"

Umiling ako. "Isang buwan siyang mawawala, Ma. Nakakatawa po, no? Kung kelan wala siya tsaka ko naman nalaman ang totoo."

Mama caressed my hair. "Just wait for him, siguro hindi pa kasi 'to ang tamang panahon para sainyong dalawa."

Tumango naman ako.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Troye pero wala talaga, I also tried reaching him through his social media accounts but I failed too. Nasaan ka bang lupalop ng mundo, Troye? Namundok ka ba? This is so frustrating!

Excited akong matulog, I badly want to see Troye Zaivier in my dream. Sana lang ay makita ko siya. Pero mukhang pinaglalaruan talaga kami ng tadhana, hindi ako nanaginip ngayon.

"Pangit ata ng gising mo?" si Queen.

I took a sigh. "Hindi ako nanaginip kagabi."

"Hayaan mo na, Zi. Hintayin mo na lang si Troye, hindi naman ganoon katagal ang isang buwan."

"Ano pa nga ba?"

May nagbagsak ng libro sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin si Daina.

"Is it true that you ditched Gio Salvatore? Ha? Sino ka sa tingin mo?"

I rolled my eyes. "Why don't you mind your own business, Daina? Bakit hindi ka na lang magreview at baka sakaling makakuha ka pa ng at least passing score man lang?"

"Ang yabang mo!"

Nanggagalaiti siya sa inis.

I just shrugged my shoulders. Inilayo na si Daina ng mga alipores niya.

"Akala ko ba hindi na tayo papatol?" natatawang tanong ni Queen.

"Pwede naman 'yong minsan."

Nagtawanan naman kami.

Pagdating namin sa cafeteria ay nakaready na ang kakainin namin.

"Kumusta ang mga exams niyo?" tanong ko kina Kier.

Ngumuso naman si Kier. "Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng internal bleeding. Nagtawanan naman kami sa sinabi niya.

"Malamang sainyong dalawa sisiw lang, no? Dalawang pinakamatalino ba naman sa course niyo, e," si Josh.

"Hindi, ah!" sabi naman ni Queen.

"Pahumble pa."

Umangat pa ang sulok ng labi ni Kier. Nagtawanan kami.

"Troye Zaivier pala ang pangalan ni Troye?"

Halos mabilaukan naman sila pare-pareho sa sinabi ko.

"May alam ba kayo?" tanong ko.

Eiron took a sigh. "Meron, Zira. Kaya lang ay ayaw ni Troye na malaman mo."

"Alam niyo ba kung bakit?"

Pare-pareho naman silang umiling.

This is the big question now, kung gusto ako makuha ni Troye bakit hindi niya ginamit ang alas na 'yon?

"May communication ba kayo kay Troye?" tanong ko ulit at pare-pareho silang umiling.

Nasaan ka ba, Troye?

Papunta kaming restroom ni Queen nang makasalubong namin si Shaneya.

I called her.

"Bakit?"

Walang ganang tanong niya.

"Alam mo ba kung nasaan si Troye?"

Pilit kong itinatago ang inis ko sa babaeng 'to.

She smirked. "Sa tingin mo talaga sasabihin ko sa'yo kung nasaan siya?"

Umiling iling pa siya tsaka umalis.

"Sa napaka-amo niyang mukha ay napakademonyo ng ugali niya!"

Naiinis na sabi ni Queen.

I have no choice but to wait until he returns.

Natapos ang isang linggo at walang araw na hindi ko sinusubukan na tawagan si Troye, nag-iiwan pa ako ng mga napakadaming messages at wala na akong pakialam kahit magmukha pa akong habol na habol, I just miss him.

Linggo at tapos na ang midterm week kaya ngayon ay ginugol ko ang buong araw ko sa panonood ng favorite kong series.

"Zira."

Nilingon ko si Mama.

"Yes, Ma?"

"Si Tita Sharmaine mo ay may balak bilhin na rest house sa may Montelacion," si Tita Sharmaine ay kapatid ni Mama.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba masyadong malayo 'yon, Ma?"

Umiling naman siya. "Ang nakakatuwa pa sa Tita mo ay ikaw ang iniisip niya kaya mas lalong gusto niyang bilhin, paniguradong magugustuhan mo raw 'yon."

Nangiti naman ako. "Talaga, Ma?"

Tumango naman siya. "Kapag nabili na raw niya ay ikaw ang gusto niyang unang isama doon."

"Si Tita talaga."

After midterm week ay wala kaming halos na klase buong araw at ngayon ay nagkayayaan sina Eiron na magpunta sa Hideout. Kahit na alam kong impossible ay umaasa pa rin ako na nandoon si Troye.

Kay Vince ako sumakay papuntang Hideout. Maraming estudyanteng lalaki ang naroon at naglalaro ng billiards, karamihan ay mga taga St. Scholastica.

Pagdating sa mini house ay kanya kanyang nagsipwestuhan sina Queen, Kier, Vince at Josh sa harap ng xbox habang ako ay sumunod kay Eiron sa baba, for sure magluluto ang isang 'yon and I want to help.

"Bakit hindi ka makilaro sa kanila?" he asked.

"Hindi naman ako mahilig."

Tumango naman siya.

"Anong lulutuin mo?"

He smiled. "Carbonara."

"Isa 'yan sa paborito ni Queen."

He chuckled.

"Miss mo na siya, no?"

Kumunot noo ko naman siyang tinignan.

He smirked. "Si Troye."

Nag-init naman ang pisngi ko. "Baliw ka! Restroom nga muna ako."

He chuckled softly.

Papasok ako sa c.r. nang mapansin ko na may hagdan papala pababa.

Underground?

Parang may nagtutulak sa akin na bumaba. Huminga muna ako nang malalim bago bumaba. Pagkababa mo ay may kulay puting pinto. Dahan dahan kong pinihit 'to at nang makapasok ako sa loob ay napasinghap ako.

"Oh, My God!"

Ang daming pictures ko ang nakahang sa wall. May single bed sa gilid at sa pader ay may medium size letters na binubuo ang pangalan ko.

Zira Rafaela

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Sa baba ng pangalan ko ay may mas maliliit na letra.

I love you despite of different world that we have.

Kumunot ang noo ko.

Nang sa may bandang gilid ko ay may nakita akong isa pang pintuan.

I'm about to open the door when I heard Queen's voice.

"Zira wake up!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Sa harap ko ay ang nag-aalalang si Queen.

"Anong nangyari?"

Nagtatakang tanong ko.

"You passed out." sagot naman ni Vince.

"Nagtaka ako noong ilang minuto na ay hindi ka pa nakakabalik kaya naisip ko na sundan ka at ayon nadatnan kitang nakahandusay sa labas ng pinto ng c.r.."

Halata ang pag-aalala sa mukha ni Eiron.

Bumangon ako sapo-sapo ang masakit na ulo ko.

"Bukod sa kung nasaan ang kusina, may iba pa bang babaan dito? Like papunta sa kwarto?"

Kunot na kunot naman ang noo nilang tatlo.

Umiling sila.

"Wala na. Nandoon sa sulok 'yong kwarto ni Troye."

Nginuso ni Kier ang pinto sa may sulok.

Bakit ganoon ang panaginip ko? It's kinda weird. Bakit naman ako nagpass out? Ngayon na lang ulit naiba ang panaginip ko pero tungkol pa rin ito kay Troye.

Tumayo ako. "Can I see his room?"

Nagkatinginan pa sila tsaka tumango.

Kinakabahan ako habang papalapit sa pintong iyon. Pinihit ko ang door knob at bumungad sa akin ang gray at white na theme nitong kwarto. Walang espesyal, walang mga naka-hang na pictures ko at wala ring pangalan ko sa pader.

Oh, God!

Sa sobrang pag-iisip at pagka-miss ko kay Troye ay kung anu-ano na ang napapanaginipan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
4.4K 319 43
Alaina Zahlee Sinfuego is a girl who is often misunderstood by everybody. She lives her life without considering others. All she ever wanted is to pu...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...