Inescapable Dream (Inescapabl...

By Pezzaaa

7.7K 494 106

After Zira's break up with her long time boyfriend, she began to have a dream every night about a man in an i... More

Inescapable Dream
Prologue
Dream 1
Dream 2
Dream 3
Dream 4
Dream 5
Dream 6
Dream 7
Dream 8
Dream 9
Dream 10
Dream 11
Dream 12
Dream 13
Dream 14
Dream 15
Dream 16
Dream 17
Dream 18
Dream 19
Dream 20
Dream 21
Dream 22
Dream 23
Dream 24
Dream 25
Dream 26
Dream 27
Dream 28
Dream 29
Dream 31
Dream 32
Dream 33
Dream 34
Dream 35
Dream 36
Dream 37
Dream 38
Dream 39
Dream 40
Epilogue
Inescapable Dream
Dream (Special Chapter)

Dream 30

122 11 2
By Pezzaaa

Umandar na ang Ferris Wheel, nababalot kaming dalawa ng katahimikan.

He clears his throat.

"The night sky is beautiful so as you."

I didn't dare to look at him. Ipinako ko ang mga mata ko sa nagliliwanag na langit.

"Are you happy?" he asked.

Tumango ako. "Oo naman, bakit naman hindi?"

"You like the moon, right? You are Selene."

Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya. "Anong sinabi mo?"

"Naalala ko na sinabi mo noon na gusto mo ang moon kaya naisip ko na para kang si Selene-"

"The Goddess of the Moon," pagdudugtong ko sa sinabi niya.

He smiled.

Si Zaivier ang nagsabi niyan sa akin. Hindi ko alam na may alam din pala si Troye sa mga ganyang bagay.

"I want you to be happy, Zira. Gusto ko masaya ka araw-araw. Wish I could see your beautiful smile everyday."

Lumunok ako.

"Can we just enjoy this moment? Ilang minuto lang
'to. Isipin lang natin na tayo lang ang tao sa mundo," aniya.

Biglang bumagal ang ikot ng Ferris Wheel. Halos lumundag ang puso ko nang bigla siyang kumanta habang derechong nakatitig sa mga mata ko.

Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Oh, shall I stay, would it be a sin
Oh, if I can't help falling in love with you?

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusto kong maiyak sa nakikita kong sinseridad sa mga mata niya.

Napapikit ako at ninamnam ang ganda ng boses niya.

Take my hand, take my whole life too
Oh, for I can't help falling in love with you

Pagmulat ko ay nangilid ang mga luha ko

He run my thumb across my cheek.

"I'm always the one who's responsible to wipe your tears, Zira. And I hate making you cry. I'm sorry for making this hard for you, this is harder for me."

Huminga muna ako nang malalim bago bumaba. Pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng hininga sa taas habang kasama si Troye.

"Ang bagal naman ng Ferris Wheel na 'yan, pang romantic scene, e! reklamo pa ni Kier.

Nag-init naman ang pisngi ko. Nang sumulyap ako kay Troye ay nakangisi siya. Nag-iwas agad ako ng tingin.

Hindi muna kami sumakay ng ibang rides at naglaro muna kami ng mga iba't-ibang perya games. Napailing naman ako nang mag-compete pa ang limang lalaki sa laro na kung saan ay kailangan mong ishoot 'yong limang ring sa bote simultaneously at isang giant teddy bear ang grand prize.

Sobrang seryoso nilang lima habang sila Therese, Shaneya at Queen ay kanya kanyang pagcheer at ako ay tahimik lang na nanonood sa kanila. Si Troye ang nanalo at akala ko ay ibibigay niya kay Shaneya ang nakuha niyang teddy bear pero lumapit siya kay Eiron at hiniram ang susi ng pick up.

"Will you keep it for yourself?" tanong ni Shaneya na halatang umasa rin na sa kanya ibibigay ni Troye ang teddy bear.

Tumango si Troye. "Bakit? Ako ang naghirap para makuha 'to," masungit na sabi niya.

Ngumuso naman si Shaneya tapos sumunod siya kay Troye.

Ilang minuto na rin ang nakakalipas ay hindi pa bumabalik sina Troye. E, ano naman sa'yo, Zira?

I took a deep sigh.

"Tara na, Zira."

Pagyaya ni Queen, ngayon kasi ay itatry naman namin ang horror train.

"Sure ka sasakay ka jan?" tanong ko sa kanya.

Walang pagdududa naman siyang tumango.

"Nanjan naman si Eiron."

Kinikilig pa na sabi niya.

Napailing na lang ako.

Malapit na kami sumakay nang dumating sina Troye pansin ko pa ang pagkakabusangot ni Shaneya habang si Troye ay nasa usual na walang ekspresyon niyang mukha.

Apat na tao sa isang seats ang pwede, bale magkaharapan 'yong apat na sakay doon sa isang seats. Iniwan ako ni Queen at doon siya sumakay kina Eiron. Bale ang kasama niya ay sina Eiron at Troye. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

"Akala ko ba magsosolo tayong dalawa?" bulong ko kay Queen na katabi ko, kaharap ko naman si Troye.

"Hello! Okay ka lang? Baka gusto mong mahimatay ako?"

Ngumuso naman ako.

Hindi naman ako matatakutin kaya lang noong bata ako ay may bad experience kami ni Queen sa ganitong horror train, paano bigla ba naman kaming tumigil sa loob tapos ay pilit kaming hinihila noong nananakot.

Umandar ang train at pareho kaming napatili ni Queen. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko dahil nakaramdam ako ng hiya nang tumigin sa akin si Troye.

Zira, umayos ka!

Ang bigat ng paghinga ko at nang papasok na ang train sa loob ay pumikit na ako. Hindi ko talaga kayang dumilat at tignan ang loob. Si Queen ay tili na nang tili. Naramdaman ko ang paghawak ni Troye sa kamay ko, panandalian kong nakalimutan kung nasaan ako. At nang nasa kalagitnaan na ay may naramdaman akong malamig sa batok ko at nagtitili ako tsaka bumaba sa kinuupuan ko at sumalampak sa sahig nitong train.

Halos takasan ako ng hininga nang mapansin ko na maliwanag na at heto ako nakasubsob sa may binti ni Troye.

"My God, Zira!"

Sambit pa ni Queen.Mariin pa akong napapikit tsaka dahan dahan na umayos ng pwesto.

"Shut up!"

Pinandilatan ko ng mga mata ang nakangising si Troye.

Mahina naman siyang tumawa.

Bwiset! Nakakahiya!

Sobrang nag-iinit ang mukha ko at paniguradong mala-kamatis na ang kulay nito. Pagkababa namin sa horror train ay naglakad ako palayo dahil sa hiya na nararamdaman ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang lumayo kay Troye. Hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na may umakbay sa akin. Sa musk scent palang na amoy ay alam kong si Troye na iyon.

"Ano ba! Balik ka na doon!"

Pilit kong tinatanggal ang braso niya sa balikat ko pero hindi ko matanggal.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay pwede akong magpass out any minute. Gosh!

Dinala niya ako sa may color game.

"What do you think?" he asked.

Kumuha ako ng barya sa bag ko at ngumisi.

"Game."

He smiled.

Tuwang tuwa kami kapag nakakatama kami at madalas ay nananlo kami. Nilingon ko si Troye at parang nagslow motion ang paligid. They say, when the world seems to be moving in a slow motion, then you are in the state of love.

Naalala ko bigla si Gio. This is all wrong, at kung ano man ang nararamdaman ko para kay Troye ay maling mali. Iisipin ko na lang na nasa isang panaginip ako at kailangan ko na magising. Tinalikuran ko si Troye at naglakad na palayo.

"Zira!" tawag niya.

Bago pa man niya ako mahabol ay tumambad na sa harap ko si Gio. Madilim ang mga tingin niya sa akin at kay Troye.

"Gio, why are you here?"

Gulat na tanong ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila lang ako.

"We're going home."

Namilog naman ang mga mata ko. "Iyong mga gamit ko na kina Eiron pa."

"I don't care, Zira! I don't fucking care!"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Patuloy lang si Gio sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa may kotse niya.

"Hop in!"

Matigas na utos niya.

"Gio-"

He clenched his jaw. "I said hop in."

Wala na akong nagawa kung hindi sumakay na. Nagtext ako kay Queen para iexplain ang nangyari at makisuyo na dalhin na lang ang gamit ko bukas pag-uwi niya.

"Damn it!" Hinampas niya ang steering wheel.

Mariin akong napapikit.

"Are you cheating on me?" madiin na tanong niya.

Namilog naman ang mga mata ko. "Of course not!"

"Tandaan mo 'to, Zira! I will never let you go. Remember how I fixed your broken heart? Remember who I am? I am Zaivier! I healed you tapos ngayon ay ibabasura mo ako?"

"What? Hindi kita ibabasura, Gio. I will never do that!"

Ngumisi siya. "Really? So, bakit kayong dalawa lang ni Troye ang magkasama? Nasaan sila Queen? Nasaan ang mga kasama niyo? Fuck!"

Muli niyang hinampas ang steering wheel tsaka pinaandar ang kotse niya.

Hindi ako nagsasalita sa buong byahe namin pabalik sa Montreal. Masyadong magulo ang isip ko at kapag ganito ay ayokong magbitaw ng mga salita.

Nasa harap na kami ng bahay at bababa na sana ako nang ilock niya ang pinto.

"Zira, wag mo akong pinaglololoko!"

I took a deep breath.

"Hindi kita niloloko, Gio. Please bukas na tayo mag-usap-"

Pinutol niya ang sinasabi ko. "Go ahead kung kaya mong matulog nang mahimbing matapos kang manakit ng isang tao."

Nangilid ang mga luha niya. I feel so bad.

"Gio." I took a sigh. "Hindi ba gusto ko na matigil ang mga panaginip ko?"

"Bakit? Para hindi mo na maalala si Zaivier? Para hindi mo na maalala na minsan sa buhay mo ay siya ang sumalba sa'yo noong durog ang puso mo-"

"Hindi 'yan ang dahilan! Gusto kong mahalin ka bilang si Gio, hindi dahil alam kong ikaw si Zaivier. I don't want to be unfair with you. I tried, Gio. I tried."

Nangilid ang mga luha ko.

"What are you trying to say, Zira?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Sinubukan ko naman na magwork tayong dalawa, sinubukan ko."

"Are you breaking up with me?"

Nabasag ang boses niya.

"Pilit kong itinatanggi na sinagot kita dahil naexcite ako sa isipin na ikaw si Zaivier. Pero, Gio, niloloko ko lang ang sarili ko. Kasalanan ko masyado akong-"

He clenched his jaw. "Are you breaking up with me, Zira?"

Tumango ako. "Yes, Gio."

"Dahil kay Troye?" Tumawa siya. "Tangina! Dahil kay Troye?"

Tumulo na ang mga luha ko.

"Siya pala talaga ang mahal ko and I don't even care about, Zaivier. Si Troye ang mahal ko."

Napapaos na sabi ko.

"Fuck!"

Paulit ulit niyang hinampas ang steering wheel. Humahagulhol ako.

"I'm sorry, Gio. Sinubukan kong ayusin kung anong meron tayo pero baka lalo lang kitang masaktan."

Sobrang sakit nito para sa akin, sobrang laki ng kasalanan ko kay Gio.

"Bumaba ka na, Zira, bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo. Bumaba ka na!"

Agad kong sinunod ang sinabi niya. Pagkababa ko ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya.

"Mama."

Umiiyak ako nang salubungin ako ni Mama. Buong gabi akong nag-iiyak at dinamayan naman ako ni Mama.

"Go cry, 'cause I'm here to wipe your eyes, Zira."

It was a short dream about Zaivier. But that short dream makes me feel okay somehow. Bakit ba kailangan mo pa akong icomfort, Gio? Mas lalo akong nasasaktan dahil alam ko kung gaano kita nasasaktan.

Ngayong Linggo ay buong araw akong nag-aral. Simula na ng midterm week namin bukas. Kaninang umaga rin ay dinaan ni Queen dito ang mga gamit ko pero umalis din siya agad dahil kailangan niya rin mag-aral.

"Zira, ito gatas."

Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala sa akin ni Mama. Gusto kong tawagan si Kuya Zion kaya lang ay nahihiya ako dahil malaki pa naman ang tiwala niya sa desisyon na ginawa ko, sa desisyon ko na piliin si Gio.

"Mag-ingat ka, nak! Go and nailed your exams!" sabi ni Mama sabay ngiti.

Humalik naman ako sa kanya.

"Thank you for everything, Mama. I love you."

"I love you too anak, follow what you're heart really wants."

Tumango naman ako.

Ngayon ko lang naikwento kay Queen ang tungkol sa break up namin ni Gio.

"Kumusta ka?" nag-aalalang tanong niya.

"I feel bad pero nakahinga ako nang maayos, Queen."

She gave me a weak smile. "Sabi ko naman sa'yo, e."

Nang maglunch ay sumabay kami kina Eiron, apat lang sila at wala si Troye.

"Si Troye?" tanong ni Queen. Pasimple pa siyang sumulyap sa akin. Ngumuso naman ako.

"Umalis, after a month pa raw babalik,"sagot naman ni Kier.

Namilog naman ang mga mata ko. "Akala ko ba ay after midterm pa?"

"Alam mo rin pala na aalis siya?" si Eiron. "Mukhang urgent na urgent, e. Nagtake na siya ng mga midterm exams last week."

Bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Hindi ko maipagkakaila na sobrang lungkot ko.

Pabalik na kami sa room nang tawagin ako ni Mrs. Alfonzo. Nagpaalam si Queen na magrerestroom muna siya.

"Bakit po, ma'am?"

Ngumiti naman siya. "Zira, pwede mo bang ihatid 'tong mga plates sa klase ko sa Engineering? Nanjan 'yong block nila sa plates, pakisabi rin na hindi ako makakaattend sa klase nila."

Tumango naman ako at ngumiti. "Sure po."

Nanginig ang mga kamay ko nang makita kung kaninong plates ang nasa unahan.

Lacosta, Troye Zaivier V.

Continue Reading

You'll Also Like

22.4K 749 38
[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings...
49.2K 2K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
91.5K 1.4K 48
Untold Stories of Marriage #1: Varsha Louise Vallinova-Scott Marriage is a three ring circus: an engagement ring, a wedding ring, and suffering. Gir...
10.5M 481K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...