FATED TO F*CK YOU✔

By TitaAmor07

874K 30.2K 7.6K

Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of... More

Tita's Note
TO MY NEW READERS
PORTRAYERS
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 4.1
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 6.1
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 17.1
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
EPILOGUE 3
EPILOGUE 3.1
THANK YOU!
SPECIAL CHAPTER #Uno
PRINTED NA SIYA❗

Kabanata 9

14.3K 568 176
By TitaAmor07

KABANATA 9

Nasa kuwarto si Blue at nagmumukmok sa higaan niya habang nakatago sa kanyang kumot. Sobrang naninibago siya sa nakabibinging katahimikan. Hindi siya sanay sa ganito, pero wala na siyang magagawa dahil ito na ang nakatadhanang mangyari sa kanya. Ang malayo siya sa piling ng pamilya niya.

Bumangon siya sa kanyang higaan at pumunta muna sa balcony ng kuwarto niya. Malaya niyang tinitingnan ang mga nagagandahang ilaw na nagmula sa mga iba't ibang gusali na makikita sa kinatatayuan niya. Nang makakita ito ng pulang ilaw sa parte ng isang gusali, lalo lang siyang nakaramdam ng lungkot. Naalala niya si Red, ito ang kauna-unahang magkalayo sila.

Minuto ang lumipas, bumalik na si Blue sa loob ng kuwarto at tiningnan ang phone niya. Pagkakita niya, marami na pa lang missed calls ang kambal niya.

Tinawagan niya ito. Hindi nagtagal, sinagot siya nito...

“Pula,” si Blue. “Miss mo ako?” pasimpleng tanong niya. Kahit nasa linya ang kapatid niya, wala pa rin siyang sagot na nakuha rito. “Pula. Magsalita ka na.”

“Asul,” mahinang sambit ni Red. Pinigilan niya ang sarili na hindi umiyak. Kahit ang totoo, sobrang nangungulila siya rito.

Nangingilid ang luha ni Blue nang marinig ang boses ng kambal niya. Katulad ni Red, nagpipigil din ito.

“Miss na kita, Pula,” pilit na ngiting sabi ni Blue.

“Umuwi ka na, hindi ako sanay na wala ka rito,” si Red.

“Umuwi mo mukha mo!” singhal ni Blue.

Napangiti si Red, pero hindi niya namalayan na tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya nang marinig ang paboritong ginagawa ng kambal niya. Hindi niya maitatanggi na iyong kakulitan ng kambal niya ang namimiss niya.

“Wala na akong kayakap,” anang Red. Kinuha niya ang unan ng kapatid niya na nasa tabi niya at niyakap ito nang mahigpit.

“Unan. Iyong unan ko. Isipin mo lang na ako iyon.”

“Ginagawa ko na. Pero iyong mahigpit na yakap mo ang hinahanap ko,” anito. Mas hinigpitan niya ang yakap sa unan ng kambal niya.

“Lumayas ka na lang din kaya?” suhestiyon ni Blue na nagpaurong sa luha ni Red.

“Baliw. Tsk!” inis nitong sabi.

“Ayaw mo naman pala, e. So 'wag ka ng malungkot diyan.”

“Sige. Asul?”

“Oh?”

“Hindi ka ba sinusungitan ni tita?”

“Ano ba ang aasahan mo sa kambal tuko ni Dad?”

Huminga nang malalim si Red. “Basta.  Huwag kang magpapa-api, ha? Isumbong mo sa akin.”

“Subukan lang nila. Ipo-post ko talaga ang first 30 seconds ng s*x scandal ko sa IG.”

Napatawa si Red sa kakulitan ng kambal niya. Mukhang gumaan na ang pakiramdam nito.

“Baliw ka talaga. Baka kakainin ka na ng buhay ni tita niyan katulad nang nangyari noon.”

“Blue! You are such a disgrace to this family!” panggagaya ni Blue sa sinabi ng Tita Belinda niya noong pinagpiyestahan ang s*x scandal niya sa social media.

Humalakhak si Red na nakahiga sa kama niya. “Ano nga ang sagot mo roon dahilan para mahimatay si tita at isinugod sa hospital?”

“Disgrace mo mukha mo! Send ko pa sa iyo ang part 2.”

Sabay na humalakhak ang dalawa nang maalala ang araw na iyon.

“Maiba ang usapan, kumain ka na ba? Huwag kang magpapagutom, ha?” si Red.

“Hindi pa, wala pang signal si Lala. Pero Pula, dalhin mo iyong ibang damit ko bukas, ah.”

“Sige.”

“Salamat. Anyway, kumusta na kayo ni Kat?”

“Nililigawan ko na siya,” masayang sabi ni Red. Maririnig 'yon sa boses niya.

“Talaga?” sigaw ni Blue. Napabangon pa ito para umayos ng upo. Masaya lang siya sa narinig. “Pula, video call na lang tayo. Namiss ko na rin kasi ang f*ckmumukha mo.”

“Baliw! Sige, mag online na tayo,” si Red.

Binuksan na ni Blue ang Messenger niya at nag-uusap na sila ng kambal niya tungkol sa panliligaw nito sa kaibigan niyang si Katleya.

“Pero paano nangyari iyon? Ang speed,” pag-uusisa ni Blue.

“Sa bahay nila kagabi. Humingi ako ng permiso sa parents niya at sa kanya.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi? Nakakatampo ka. Mas mahal mo na ba si Kat kaysa sa 'kin?” nakasimangot na tanong ni Blue.

“Baliw! Seloso nito. Balak ko sana kasing sorpresahin ka kapag sinagot na niya ako.”

“Pero bakit mo sinabi sa akin ngayon?”

“I know you're sad. At alam ko na kapag malalaman mo ito. Sumaya ka kahit papaano. My happiness is your happiness, right?”

“Bading. Tss!”

“I love you, Asul.”

“I love you mo mukha mo.”

May kumatok sa pinto ni Blue. Nilingon niya ang pintuan.

“Bakit!?” pasigaw tanong ni Blue.

“Kumain na raw po sa baba,” sagot ng kasambahay.

“Okay po. Salamat.” Ibinaling na ni Blue ang atensyon sa phone niya. “Kakain na muna ako, Pula. Bye.”

“Iyong I love you ko?” tanong ni Red.

“Fine. I love you, Pula. Idikit mo ang pisngi mo sa screen,” hiling ni Blue na. Agad naman idinikit ni Red ang pisngi niya sa screen kaya hinalikan na ito ni Blue. “Mwahhh. I love you. Bye.”

Matapos magpaalaman ng dalawa, pinatay na ni Blue ang phone niya at agad na pumunta sa kusina. Pagdating niya, nasa hapagkainan na ang mga kamag-anak niya. Ang sama naman ng tingin ng lahat sa pangunguna ni Belinda. Pero hindi lang iyon pinansin ni Blue at umupo na sa tabi ni Rosa.

Minuto ang lumipas, bumalik na si Blue sa kuwarto niya at humiga na sa kanyang kama. Pagtingin niya sa kisame, muling kumirot ang puso niya nang maalala ang nangyari sa nakalipas.

JULY 25, 2017|4:32 PM

Nakasampa si Red sa likod ni Blue at nagtatawanan sila habang papasok sa kanilang mansion. Hawak-hawak ni Red ang tenga ng kambal niya at ginawang parang lubid na nasa leeg ng isang kabayo.

“Yah!” sigaw ni Red.

“Neigh!”tunog kabayong sigaw ni Blue.

Tumakbo si Blue na parang isang kabayo dahilan para madapa sila. Nagtawanan ang dalawa habang nagpagulong-gulong sa sahig na parang mga bata. Kung tutuusin, labinwalong edad na sila at nasa unang baitang sa kolehiyo.

Pagbangon ni Blue, may naisip itong gawin. Dinaganan niya ang kambal niya. Pagkatapos, hinawakan pa niya ito nang mahigpit para hindi makatakas.

“Mahina ka! Mahina!” si Blue.

“Asul! Ang bigat mo. Alis na!” reklamo ni Red.

“Password. Kiss mo ako.”

Napangiwi naman ang mukha ni Red. “Hindi na tayo bata.”

“Hindi na tayo bata mo mukha mo! Sabihin mo lang na hindi mo na ako love,” sabi ni Blue sabay bitaw sa kapatid niya. Bumangon na ito para umalis.

“Asul!”  Bumangon na rin si Red mula sa sahig at hinabol ang kapatid niya. Nang naabutan niya ito, inakbayan niya ito at pagkatapos, hinalikan ito sa pisngi. “Mwahhh.”

“Ipinanganak akong strong. Hindi ako marupok,” pagpapaalala ni Blue.

“Hindi ba talaga?” Muli itong hinalikan ni Red ng ikatlong beses sa pisngi. “Mwah. Mwah. Mwah.”

Napahinto si Blue at ngumiti.

“Sinong hindi marupok?” pang-aasar ni Red.

“Marupok pala. Naalala ko na,” natatawang sabi ni Blue.

Hahakbang na sana ang dalawa sa hagdan papunta sa kuwarto nila sa ikatlong palapag, pero napatigil ito nang makitang pababa ang kanilang ina.

“Hi, mom!” pagbati ni Blue.

Hindi pinansin ni Crezelda ang bumating anak at ang tiningnan nito ay si Red. “Deans lister ka raw. Congrats.”

Nang dumating na si Crezelda sa harapan ng mga anak niya...

“Mom, hindi ako deans lister pero malaki po ang grades ko,” masayang sabi ni Blue.

“Tama po si Asul, mom. Malaki ang grades niya ngayon.”

"Ano bang aasahan ko sa kapatid mo?" Tiningnan niya si Blue. “Mas mabuti pang pumunta ka na lang sa kuwarto mo.” Ibinalik niya ang tingin kay Red at niyakap ito. “I'm so proud of you, nak."

Walang nagawa si Blue kung hindi ang bumuntonghininga na lang. Tiningnan niya si Red at ina nito na masayang nag-uusap habang paakyat siya sa itaas.

"Sana lahat proud," sabi ni Blue sa isipan.

Nang makarating si Blue sa kanilang kuwarto, agad siyang nagbihis. Pagkatapos, kinuha ang Baby TarTar niya na nakasabit sa dingding. Ito ang gitara na mahigit anim na taon niyang inalagaan. Bigay ito sa kanya ni Rosa noong graduation niya sa elementarya.

Bumalik na siya sa higaan nila para kumanta. Inayos na niya ang kanyang. Nang magsisimula na siyang kumanta, napatayo siya mula sa kama. May bigla kasing sumipa sa pintuan niya dahilan para bumukas ito. Iniluwa roon ang ama't ina na nanlilisik ang mga mata sa galit, napatingin din siya sa umiiyak na kambal niya na parang pinipigilan ang ama niya.

“Pierce Blue!” sigaw ni Zander.

“Po?”

Biglang sinugod ni Zander si Blue at sinuntok sa mukha. Inawat ito ni Red ngunit tumilapon lang ito dahil sa lakas ng pagtulak ng ama niya.

Nanlaki ang mga mata ni Blue nang makita ang ginawa ng ama niya sa kapatid niya. Tumakbo siya papunta rito at tinulungan itong makatayo.

“Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" Tiningnan ni Blue nang masama ang ama niya. “Bakit mo sinaktan si Pula, Dad? At ano ang ginawa ko para saktan niyo rin ako. Nag-aral naman ako nang mabuti, ah?”

Sinugod muli ni Zander ang anak niya at sinuntok ito ng ikalawang beses sa mukha.

“Aray ko, dad. Nasasaktan ako.” Nang nakita ni Zandar ang gitara ng anak niya ay kinuha niya ito. Nanlaki naman ang mga mata ni Blue. “Dad, ang baby ko. Ano'ng gagawin mo?”

“Gagawin ko!?” sigaw ni Zander. Ipinakita niya ang gitara kay Blue at hinampas nito sa sahig nang malakad dahilan para mawasak ito.

Natulala si Blue habang may namumuong luha sa mga mata niya. Hindi siya makapagsalita nang makitang wasak na ang pinakaiingatan niyang gitara.

Lumapit si Zander at kinuwelyuhan si Blue. Pero walang pakialam doon si Blue, ang mga mata niya ay nasa wasak na gitara.

“Pinalaki ka namin nang maayos, Blue! Saan ba kami nagkulang?” Niyuyugyog ito ni Zander dahil sa galit. “Ano'ng pumasok sa isipan mo para gumawa ng isang s*x scandal!”

Napatingin si Blue sa ama niya nang marinig ang salitang s*x scandal. Lumapit naman si Crezelda sa kanya at binigyan siya nang malutong na sampal.

“Wala kanang ginawa sa pamilyang ito kung hindi puro kahihiyan! Sabay naman sana namin kayong pinalaki ni Red, pero bakit ka nagkaganyan?! Kung alam lang namin na humantong ka sa ganito, sana hindi ka na lang namin naging anak!” sigaw ni Crezelda.

Binitawan na ito si Zander at sabay na silang umalis ni Crezelda palabas.

Napaluhod si Blue sa sahig habang tahimik na umiiyak. Inayos niya ang gitara kahit sobrang wasak na ito.

“Baby Tartar!” paghagulgol nito.

Lumapit si Red kay Blue. “Asul, kumalat sa internet ang s*x scandal niyo ni Teressa.”

“Si Baby Tartar,” anang Blue. Iyak pa rin ito nang iyak.

“Ano ba, Asul! Gamit lang 'yan!” sigaw ni Red na humagulgol din. Sobrang naawa siya sa kambal niya.

Tiningnan ni Blue ang kapatid habang nagpupunas ng luha sa mga mata niya. “Para sa iyo, oo, gamit lang siya.” Niyakap niya ang wasak na gitara. “Pero para sa akin, kaibigan ko siya. Si Tartar iyong saksi sa luhang naipatak ng mga mata ko. Si Tartar iyong nakarinig sa bawat paghikbi ko. Si Tartar iyong kasama ko sa tuwing binabalewala ako. Si Tartar iyong kaibigan ko na kailanman hindi ako huhusgahan. Hindi mo naman ako maiintindihan dahil hindi ikaw ang laging nasasaktan. Hindi ikaw ang walang silbi. Hindi ikaw ako na ang depinisyon sa magulang natin ay gago!”

Tumakbo si Blue papunta sa higaan niya at nagtago sa kanyang kumot.

Lumapit si Red dito. “Asul.”

“Okay lang ako, sanay na naman ako.”

“Iyong s*x scandal mo kumalat.”

“Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Pero okay na iyon. Hindi ba dahil doon pinansin ako nila Mom at Dad? Pinuntahan pa talaga ako rito.”

“Asul.” Pumasok din si Red sa loob ng kumot na pinagtataguan ng kambal niya. “Nandito lang ako para sa iyo.”

“Alam ko, naramdaman ko. Hindi mo naman ako sasaktan, 'di ba? Katulad nang ginagawa nila sa akin araw-araw?”

“Oo kasi mahal kita.”

Napangiti ito habang wala pa rin tigil sa pag-iyak. “Kailan ko kaya 'yan maririnig sa kanila?”

“Mahal ka naman nila, Blue.”

“Sa anong pamamaraan? Sa mga pang-iinsulto? Sa pagkukumpara sa galing mo?” Ngumiti muli ito habang nagpupunas ng luha. Tiningnan niya ang kambal niya. “Pero, pula? Ano sa pakiramdam nang masabihan ng proud ako sa iyo anak, mahal kita, ang galing mo, keep up the good work? Curious lang kasi ako. Never ko kasi 'yon narinig sa kanila kahit noong hindi pa ako ganito? Iyong sinasabi nilang g*go?”

Walang masagot si Red sa tanong ng kambal niya at tanging pag-iyak lang ang nagawa niya. Niyakap niya ito kasi alam niya sa mga oras na ito, ang mahigpit niyang yakap ang kailangan ng kapatid niya.





~~~

Continue Reading

You'll Also Like

1M 14.9K 28
Macey Davidson Del Real
1.6M 27.7K 41
I'm happy with my life. I can't ask for anything. I'm happy with my brother. We grew up together. And he's everything I have. If only We're related t...
814K 14.4K 25
COMPLETE GideonxMandy
1M 29.5K 31
Swift Twins: Shinrei Swift SPG | R-18 Started: September 06, 2020 Ended: January 01, 2021 Cover Designer: @MISCHIEVOUSBTCH (Keev)