Naze's POV
I texted him to buy me pizza. Kaya na excite akong lumingon nung marinig ko ang tanong niya galing sa likuran ko. Pero na-dissapoint ako dahil wala siyang bitbit. Kaya pinatay ko na muna ang tawag ni Bella at hindi na nagpaalam. Pumunta ako garden pero sinundan pala ako. Nagulat pa ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Pero mas nangibabaw ang paghahanap ko ng pizza dahil gutom na din ako kaya tinanong ko siya pero parang di niya alam. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at pumasok muli sa loob.
"Naze, naiwan ko ang phone ko. How can I read your text? Ayan oh." naiirita nitong sabi at itinuro kong nasaan ang phone niya. Nakita ko naman ito sa table kung saan niya kinuha ang susi ng kotse kanina.
"Okay." tipid kong sagot dito. Naisip kong pumunta nalang ng kusina para magluto ng makakain. Gutom na talaga kami ni baby ee. Hinanda ko na yung lulutuin ko galing sa ref ng nakita ko siyang magsuot ng apron.
"Let me do It." sabi nito at inagaw at kutsilyo sakin na gagamitin ko sana panghiwa ng sibuyas.
"You sure?" mapang asar kong tanong dito. If I could remember, hindi siya marunong magluto.
"No." he answered. "But you are going to teach me. You're my teacher for cooking today." sinimulan na nitong balatan ang sibuyas at hiwain. Inilabas ko naman sa ref yung chicken meat. Na slice na yun kaya di na niya problema. Baka kapag hindi pa slice yun tadtad na ang kamay niya. Pagbalat at paghiwa palang ng sibuyas nakakatakot na. Ipina slice ko din sa kanya yung carots.
"I'm done. What's next?” Tanong nito. Mmm, parang seryoso naman talaga itong matuto sa pagluluto. Naka focus ee.
"Put the seasoning here." inilagay naman nito ang bawang at sibuyas sa kalan. Ibinigay ko sa kanya ang sandok. Ako na nag naglagay ng karne doon. We are still cooking at halos 30 minutes na. Natawa lang ako dahil dalawang beses na ata siyang napaso. Pumunta ako ng kwarto para kumuha ng t-shirt at bimpo. Ibinigay ko sa kanya to para sana punasan ang pawis niya sa mukha.
"I can't." sabi neto. Tiningnan ko namn yung dalawang kamay. Madumi nga ito. Kaya ako na ang pumunas ng pawis sa mukha niya. "What about my back? Pawis na pawis din oh." tumalikod siya. Tinaas ko naman ang damit niya para mapunasan ang likod nito. Pinupunasan ko palang ito at Bigla siyang humarap sakin at ninakawan ako ng halik sa labi. Tinulak ko siya at inilagay na ang bimpo sa balikat niya.
"Ikaw na magpunas sa sarili mo!" tinalikuran ko siya at umupo na sa side ng dining table. Humalakhak naman ito ng malakas.
"Why? I just get my reward for cooking. Masama ba?" Tiningnan pa ako nito na parang nangpipikon.
"Who told you na may reward ka. Ni hindi ka pa nga tapos jan gutom na ako. 30 minutes kana jan." sita ko naman sa kaniya at inirapan.
"Okay, it's almost done. Five minutes." habang hinihintay ang five minutes, inayos niya ang kalat sa lamesa, naghugas na ng kamay at tinanggal ang apron. Tumayo naman na ako at iniabot ang t-shirt na kinuha ko pamalit niya. Ngumisi pa ito bago inabot.
"Do I need this? Pati ata yung niluluto ko di mo na kailangan ee. I just take off my shirt and you can eat me anytime here" tinanggal na nga nito ang tshirt niya mas lalo pang lumapit sakin hanggang maidikit ang tiyan ko sa katawan niya.
"Vin, would you please put your shirt. At yung niluluto mo baka masunog na." pang-iiba ko ng attention. Agad naman siyang tumalikod at pinatay ang stove. Humogot ako ng hininga sa ginawa niya. Ata ako ang pagpapawisan neto...
And after more than 30 minutes of cooking, natapis din. Kumakain ako ng marinig kong magsalita si Vin.
"How does it taste?" tanong neto.
"Not bad for the first timer." sagot ko. It's true. Sakto lang siya. Maybe he’s good in cooking pero tamad lang siya magluto.
"Really, so... What's my reward for this?" pilyong tanong niya. Tiningnan ko siya. Hinihintay niya ata ang sagot ko.
"Don't you. Kinuha mo na kanina. That's it."
"What? Yun na yun? Do you know how hard for me to cook? Eh dalawang beses ako napaso, tinalsikan ng mantika. Pero yun lang?" gusto ko nang tumawa nang malakas dahil sa itsura niya. Ginulo pa nito ang buhok niya. Mukha siyang bata na nagrereklamo sa award niya. Tinigil ko ang pagkain at nagpipigil ng tawang tumingin sa kanya.
"Then what do you want? Ibili pa kita ng laruan para reward mo? Ipapasyal sa mall?"
"You are asking me what I want?" wait... Pigilan niyo ako sa iniisip ko. Ngisi pa lang niya nababasa ko na ang utak niya. Stop! Buntis ka Naze! Saway ko sa sarili ko.
"Ye....yes... Pero hi-hindi naman-----"
"More kisses, hugs... I want a whole day cuddle with you. That’s enough para sa dalawang beses na paso ng kalan at talsik ng mantica." What a relief... Akala ko kung anu na ang sasabin niya. Umiinom ako ng tubig at tumayo na.
Inayos namin ang pinagkainan namin. Ako na ang naghugas dahil pumunta na siya sa taas para mag shower. After I wash the plates, nakita ko siya sa sala na nanunod. Lumapit naman ako dito. Nag-alangan pa ako pero umupo na ako sa tabi at niyakap siya. He hug me back then.
"Thank you." I said.
"For what?"
"Cooking food for us!" I mean my baby. Syempre dalawa na kaming kumakain. Hahaha!
"I don't accept thank you." So, if not thank you. Then payment? Eh hindi mo naman na kailangan pera. Umayos ito ng upo at tinanggal ang kamay kong nakayakap sa kanya. Ihinarap niya ako para magpantay ang aming mga mukha.
"It's your turn to pay for the food I cooked." tiningnan ko siya. Nakikita ko nanaman ang pilyong ngiti sa labi niya. "Give me my kiss." He's staring at me, waiting my move. I used to give him smack on his lips but I failed. Agad niyang hinawakan ang likod ng ulo ko para hindi makawala sa halik niya. No one is moving.
Magkadikit lang ang labi naming dalawa hanggang sa mapapikit na ako. Pinakikiramdaman ang susunod na mangyayari. I felt his lips start to move trying to convince me to do the same. I open my mouth to let him enter. His kiss was different from before. Passionate and gentle. Habol namin ang aming hininga ng pakawalan niya ako sa mga labi niya.
Yumuko ako para maitago ang hiya at kaba na nararamdaman ko. Pero niyakap niya lang ako. He let me doze on his chest habang inilagay muli ang atensiyon sa panunuod. Hanggang sa hinatak na din ako ng antok.
Vin's POV
Tulog na siya...
Just want to seize the moment like this. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Hinawi ang ilan na tumakip sa kanyang maganda at maamong mukha. Until I feel her moved. Mas lalo niyang isiniksik ang katawan niya dibdib ko. Niyakap ko siya dahil para siyang nilalamig. Medyo makalas din kasi ang aircon.
Pumikit ako para matulog pero parang narinig ko siyang nagsalita.
"Mama please..." nananaginip ata siya."Please don't leave..." patuloy pa niya. Hinintay kong muli siyang magsalita pero may naramdaman akong malamig na dumampi sa dibdib ko. She was crying. I can't help but to wipe her tears and hug her tight.
"I'm her babe... I'm just her..." bulong ko dito. I know she can't hear me dahil tulog siya. But I want to comfort her.
-------------------
Nagising ako dahil sa nariring kung ingay na nanggagaling sa kwarto. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko ng maalala ko si Naze. Dali-dali na akong bumango at patakbong tinungo ang kwarto.
"Naze!" sigaw ko at binuksan ang pinto ng kwarto.
"Oh, gising kana pala. Nagising ba kita?" I breathe deeply. God! Kinabahan ako sa kanya. She's cleaning the room. Nagkalat na kurtina, bed sheet, and pillows.
"What are doing?" kinuha ko ang bedsheet na nakakalat sa carpet at nilagay sa bed.
"I'm cleaning the room. Wala kasi akong magawa ee. Just wait outside, papalitan ko kasi mga yan para ilaba bukas."
"No!" agad kong sagot dito. Parang nabigla naman siya.
"No? Ah... Sige, yung bed sheet nalang palitan ko kung ayaw mo palitan ang kur--"
"No! I ---- mean... Naze, please you're pregnant, umupo kana ako na ang gagawa nito." utos ko sa kanya. My god, what if madulas siya sa ginagawa niya. O mabunggo sa kung saan jan ang tiyan niya. Baliw ba to?
"Kaya ko naman ee--" pagpupumilit niya.
"I said no. Tatawagan ko na din ang Manang Lyda sa mansiyon para siya na ang maglaba bukas. Naze, you don't have to do this. So please, bago mo pa ipilit ang gusto mo mag shower ka nalang dun at ako magbaba ng mga ito sa laundry." tinitigan lang ako nito habang kinukuha ang mga nagkalat sa bed at carpet. Tiningnan ko din siya at pinagtaasan ng kilay kaya pumasok na din ito sa Cr.