Something That Will Last

By Starine

55.6K 2.9K 2.3K

It's always a normal day for Viennica to run around her auntie's cafe as a novice barista. She likes to think... More

Prologue
1 // The Coffee That Started It All
2 // The Warfare
3 // Dimmed Sunshine
4 // Trap That's Yet To Work
5 // Eerie Constantin
6 // Sabotage Responsibly
7 // Careful, You Might Tell the Truth
8 // What a Circle of Friends
9 // Mess They All Want
10 // Like A Viking
11 // Break Like a Ceramic
12 // Describe Amused
13 // Caffee Sospeso
14 // White Flag
15 // Peek Before Hiding
17 // Anything's a Wingman
18 // When He's Counting Pixels
19 // Coffee and Palpitation
20 // The Withdrawal
21 // Truth Under The Stars
22 // Tell Me Something I Don't Know
23 // Cheap Champagne
24 // Banned Coffee
25 // My Hand Smells Like Coffee
26 // A Brand New Era
27 // The Sort Out
28 // Unplanned War Zone Ceased
29 // Expresso Espresso
30 // A Bucket Full of Wishes
a cup of coffee for you ☕️
Epilogue

16 // Dreams and Other Things

1.1K 83 67
By Starine

16 // Dreams and Other Things

Just how much caffeine is too much?

Alam ko the past few days sa umaga na lang ako umiinom ng kape ah. Pero bakit tuwing gabi, hirap na hirap akong matulog?

Scam ang life! Scam ang coffee!

"Wala talagang pumapasok sa isip ko," Cara cried. "Dapat kasi baby na lang ako forever!"

Mostaccio was already closed. Since the semester have completed, there's no more surge for coffee in our area. Usually kasi kapag peak days, we operate on a 24-hour basis, but it's not our shift. Tita has other people for that. Ngayon naman ay hanggang ten p.m. na lang kami. Magbabalik lang ang usual hours, which is from five am to twelve midnight, kapag nagstart na ang summer classes.

Apat na lang kaming nandito sa loob ng cafe. There's little lights that were open, halos dito lang sa area ng table namin.

"Nag-aral ka ba talaga? O, why did Lesly pass and you didn't?" disappointed na tanong ni Pol kay Cara.

Yeah. It's 'cause of her, why we're here. Moral support ba. She failed a course kasi tapos mamayang nine a.m. na kaagad ang remedial exam.

"Eh bakit mo ako pinapagalitan? Ugh!" Napasabunot na lang sa buhok si Cara.

Hinahayaan na lang namin ni Jules mag-away ang dalawa. My cousin's here doing my resume. Hindi ko pa alam kung kailan ako magttrabaho for real. Tambay muna ako here ng mga one year siguro. Work for Tita Lar ganon. Hangga't di pa naha-highblood ang nanay ko sa akin, push lang ako sa plano kong 'yan.

"Vie, nagugutom ako. Ibili mo ako ng food sa Bistro Bistro. Libre mo," utos ni Jules.

"But I'm not hungry," I said.

"Ikaw ba ang kakain? Ako diba?" masungit niyang sagot. Ugh. I hate my cousins. "I like baked ricotta."

Umirap ako at nilabas ang wallet ko. I looked outside and it's already dark. Konti na lang ang tao sa vicinity.

"Pol, samahan mo ako. Or, ikaw na lang kaya ang bumili?" I suggested.

"No! Dito lang 'yan. Tinutulungan niya pa me," tutol ni Cara. "But order us na rin, ha? Thanks, luv."

Tiningnan ko si Pol, nagkibit lang siya ng balikat at tinutukan na ang notes ni Cara.

Ang dilim sa labas! I have yet to march sa May, delikado kaya ang life ko ngayon. Sayang naman ang education ko kung may mangyari sa akin.

"Mag-cup noodles ka na lang kasi," I whined.

Umiling lang si Jules habang nakatingin sa laptop ko. Kinuha niya ang phone niya tapos ni-narrate niya ang itina-type niya.

"Gutom si Vie... iorder mo daw siya... sa Bistro Bistro. Thank you... Jerrick," paunti-unti niyang sabi.

Mabilis niyang inangat ang kamay niya nang tumayo ako. Tinakbo ko siya sa kabilang part ng table pero hindi ako umabot.

"Ay sorry, sent na," she giggled.

Bumalik ako sa tabi ni Pol. Hinampas ko ang braso niya at kinurot pa pisnge niya, "Bakit kasi hindi na lang kayo ni Cara ang magtabi!"

"Girl, dapat kasi hinablot mo agad. If I know gusto mo lang din makita." Kinindatan ako ni Cara.

"Duh, no," pa-cool kong sagot kahit ang bilis na ng tibok ng puso ko.

It's the caffeine kicking. No-brainer.

Hating-gabi na, I bet Bistro Bistro's also closed now. So there's just no way. And by thinking this way, I calmed down.

Looking around, I for sure am going to miss this place. Kahit plano ko munang tumambay dito, I knew that this still wouldn't be my end game. Jules, after she graduate next semester, would also leave this place. She mentioned that she wants to study abroad after college and take the board exam there as well.

Now that I think further, I realized that I'm really hopeless, huh? My cousins knew what they wanted. Me, growing up? I just wanted Wyatt to notice me. I focused more on that that I didn't have any other dream.

Napatingin ako sa labas, I laughed bitterly. Kawawa naman pala talaga ako.

Ang kaisa-isa ko lang pala na naging pangarap ay nakakadiri.

Lalaki. Eww!

"Huy!" siniko ako ni Pol, "Anong iniisip mo dyan?"

"Yeah, she has a creepy smile," maarteng ngumiwi si Cara. "Can you go to your room na, Vie? Nakakatakot ka na kaya."

Ready na akong makipagrambulan kay Cara, kaso naisip ko na baka umiyak siya. May exam siya mamayang umaga, so next time na lang. See? I'm a thoughtful friend.

"Nandito na ang food!" squealed Jules.

Malayo pa lang iyong sasakyan ay narinig na namin. The headlights of the car turned off as the engine stopped in front of our entrance.

Si Pol ang sumalubong sa pinto dahil may dalang paperbags si Jerrick.

Natatawang nagmura si Jules pagkabalik niya sa akin ng tingin. "Sana pala dati ko pa siya nireto sayo, Vie. Para ginawa niya mga schoolworks ko, tapos ikaw ang pamblackmail ko."

"Yeah, I didn't know what to get, Jules didn't send a menu," natatawang kwento ni Jerrick kay Pol doon sa may pinto.

"Salamat, pre. Ayaw magpaiwan ni Cara kaya di ako makalabas," said Pol.

Inagawan ko na ng pwesto si Pol bago siya makaupo. Lumapit na ako kay Jules tapos hinablot ko sa kanya ang laptop ko.

"Ako na gagawa!" I panicked.

Jules laughed. "Ha? Bakit?"

Inayos ni Cara ang table para magkaroon ng space para sa food. Nagtaka pa si Pol na nasa pwesto na niya ako, but he just shrugged.

This table is only four-seater. But now, there's five people inside the cafe.

I focused on my screen seriously. Medyo masakit siya sa mata ha.

"Uy, thanks Jerrick ha, hulog ka ng langit para alagaan si Vie at kami!" complimented Cara.

Tumawa siya. Nagbasa lang ako ng kung anu-ano sa screen.

Sino ba naman kasing hindi mahihiya? Ginamit nila ang pangalan ko. Hindi naman ako naguutos nang ganon, except kay Pol or sa mga pinsan naming lalaki.

"Dito ka na, Jerrick," sabi ni Jules sabay tayo niya. "I'll get something inside the house naman."

"Okay, thanks. Baka madapa ka," he chuckled at Jules nang tumakbo na pinsan ko papunta sa counter.

I saw that she brought one paperbag with her. Maingat siyang lumingon pagkabukas niya ng backdoor, and when she saw me looking at her she defensively, but also giddily, stuck her tongue out.

"Wow, you're busy?" nangiinis na sabi ni Jerrick pagkaupo niya sa tabi ko. Sinulyapan niya ang laptop sa tapat ko.

"Wow, you're still annoying?" I shot back.

Nangiti siya at kinagat ang labi niya. Nilapit niya ang ulo niya sa balikat ko.

"I got you shrimp pasta. That's what you want from Bistro Bistro, right?" malambing niyang sabi.

Nilagay ko ang index finger ko sa noo niya para itulak siya palayo. Tumawa siya at hinuli ang kamay ko.

"Oh, naalala mo? Iyon 'yung time na kumain tayo dun tapos nakita natin si Wannie diba?" I recapped sarcastically.

He nodded. "Kain ka muna. Gutom ka daw sabi ng pinsan mo."

"Si Jules iyong gutom talaga. Promise! Dinawit niya lang pangalan ko. Naniwala ka naman kasi kaagad. Tss!"

Nakikinig yata si Cara sa amin dahil tinawanan niya ako.

"Of course, maniniwala 'yan. Papayag ba siyang magutom ang sunshine niya. Diba nga?" kinikilig niya pang tanong kay Jerrick.

Nangingisi-ngisi lang si Jerrick. "Your cousin really knew how the world works."

Bago nagpatuloy sa pagkain, may pahabol pa si Cara, "Tsaka hindi na namin 'to babayaran diba? Si Vie na ang bayad namin ha? Thanks!"

Hindi naman niya binigyan ng chance makasagot si Jerrick. Hiyang-hiya na ako kaya nilabas ko ulit ang wallet ko.

"I'll pay for it—"

"Do you want me to open your food?" he cut me off. Di rin niya ako hinintay kasi binuksan na agad niya ang food container sa harap ko.

Suddenly, I'm hungry.

"Hindi ka ba busy sa buhay?" I asked him. Natigilan siya sa paghahalo noong pasta. His eyes looked at me for a second, and smirked a little.

"Busy ako, Vie. I'm preparing your food." Itinuro ng ulo niya ang ginagawa niya.

"Wala ka bang pangarap?" tanong ko ulit.

"What?" He asked, amused. Hindi nawala ngisi niya. "Say you want to know me more and I'll answer."

I puffed a sigh. I pouted a bit. "So may pangarap ka nga."

He laughed. "Why do you look upset? Ayaw mo bang may pangarap ako?"

Pinagpalit niya ang pwesto ng laptop ko at noong pasta. He insisted me to eat so I did. Hindi ko naman matatanggihan ang favorite ko.

Iyong food ang favorite ko. Just saying.

"Na-realize ko lang kasi kanina na ang ewan kong tao," I shared. "Do you wanna know what my dream was?"

Kumakain ako ng pasta habang tinitingnan niya iyong resume ko sa laptop.

"Hmm? What?"

"Lalaki," I gagged— not because of the pasta, but at the thought.

Kumunot ang noo ni Jerrick. Kumuha niya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Si Wyatt?" he confirmed. Tumango ako. Tapos diniinan niya ba naman iyong pagpunas sa labi ko. Napaatras tuloy ulo ko.

"You're mean!" I snatched the tissue from him.

"For a smart person, ang korni naman ng pangarap mo," panlalait niya.

"Hindi naman korni ah? Tsaka dati na 'yun!"

"Damn right that's dati pa," he repeated while scrolling on my laptop. Nakakunot pa rin ang noo niya. Nilalait na ba niya ang resume ko?

"'Di mo kasi alam ang love."

"Sus! Minahal mo 'yon?" he mocked and shook his head. "You have a very very low standard, madame."

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Then how'd you describe a high standard?"

Nagkibit siya ng balikat. "It's fine to dream for a person, but pick one that's of substance, at least."

"What? Like you?" I scoffed.

He smiled smugly. "Wala akong sinabi, but okay. Pwede naman ako sayo."

I cussed hard. Tinawanan niya lang ako. Nagulat tuloy sa amin sina Cara.

"If I will have a dream, I'll make sure it's reachable now."

Kinuha niya kamay ko at pinatong sa ulo niya. "I'm reachable."

"And of standard, of course," I emphasized. Binawi ko kamay ko. "Ayoko na ng tao. No person is worth being a dream."

A dream is supposed to be a manifestation of who you are. If I will spend my lifetime chasing a dream that's shallow, then what does that make of me?

One may think of it as being simple, but I know I am nowhere simple now. I have been simple my whole life, a happy-go-lucky, a what-was-their-choice-was-also-mine kind of person.

"It only wasn't worth it because you were after the wrong person. Kung tamang tao iyon, I'm sure you'll know the feeling of fulfillment."

"'Di naman ako mabubusog sa ganyan," I said. "From now on, I'll dream a realistic dream. Period."

Tumayo siya. He took out his car keys only to play with it. "May gusto ka pa ba?"

I eyed him confusedly.

"Ano pang gusto mong kainin, Vie?"

Hindi ko pa nga nauubos itong pagkain ko. Hinila ko siya paupo ulit, "OA mo."

Bumukas ulit ang backdoor at bumalik na si Jules. Nakapagpalit na siya sa pajama at may headband na siyang suot. She's carrying a bowl of her food.

"Uy Jerrick, bawal pumunta dito mamayang umaga ha," said Jules.

Pumwesto siya sa katabi naming table at nagsimulang kumain.

"May I know why?" maingat niyang tanong.

"Ah, sarado kasi ang Mostaccio. General cleaning," sagot ni Jules tapos ngumuya ulit.

Tumingin sa akin si Jerrick. Nagkibit ako ng balikat. "'Di kita makikita mamaya?"

"Or!" hiyaw bigla ni Jules. Iyong halata mong scripted na naman ang mga sasabihin. "Pwede ka namang tumulong para hindi mahirapan si Vie. Madali kasi 'yang mapagod."

"Marunong akong maglinis!" sabat ko kahit walang konek.

"Yeah, but you're a slowpoke, and you get uninterested easily."

Jerrick nudged me. "I'll come later."

Jules punched the air in victory while smirking at me. "Yas, queen! 'Di yan magawa-gawa sayo ni Wyatt ano?"

Jerrick cleared his throat before muttering, "Damn right he can't."

Continue Reading

You'll Also Like

9M 246K 66
The Doctor is out. He's hiding something
682K 25.5K 82
an epistolary wherein serenity laurel's calculus notebook [with a little bit of random notes at the back of it] was found by declan alvarez aka her l...
31.8M 813K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
4.6M 127K 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa ba...