Fearing The Unknown

By iWonderLiah

728 203 58

Complex. Chaotic. Convoluted. Three words to describe what a group of childhood friends went through. "Hindi... More

FEARING THE UNKNOWN
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 13

30 9 4
By iWonderLiah






INDICATION





IZELE





Nanatili ang tingin ko kay Kiara na nakatingin sa kawalan. Kaming lahat dito ay tahimik lang habang nakaupo. Si kuya Edmar at Alec naman ay nag-aayos ng mga armas sa gilid habang sila Zach at Ian ay naghahasa ng mga kutsilyo.



Nakaramdam ako ng kiliti sa bewang ko at akala ko ay may dumaan na daga, si Marga lang pala na kinalabit ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"You think she's— you know." Tahimik niyang sambit habang nakangiwi at sumisilip kay Kiara. Tinaasan ko pa siya lalo ng kilay.



"Ano?" Mahinang tanong ko. Hindi niya pa kasi diretsahin, eh.


Pasikreto siyang sumulyap kay Kiara. "Lying. You think she's lying?"


Napatahimik ako at huminga ng malalim dahil sa sibrang katangahan ni Marga. Bakit ba minsan parang nakalunok siya ng mikropono? Ayan, napatingin tuloy sa amin si Kiara. Umiwas nalang ako ng tingin ag sinamaan naman ng tingin si Marga.


Inirapan ko nalang siya tska sumandal nalang ako sa malamig na pader. Hindi ko namalayan, unti-unti na akong nakatulog.






-







Nagising ako bigla dahil sa malakas na kaluskos ng bakal dahilan para mapangiwi ako sa irita. Nagtaka naman ako dahil nagising ako sa gilid ng tahimik at bato-batong kalsada.




Agad-agad akong napabangon. Bigla akong kinabahan dahil hindi pamilyar sa akin ng lugar.


It's plain. Literally plain. Sa gilid ko naman ay isang napakalawak na palayan na may masisiglang pananim. Maaliwalas din ang kalangitan at mayroon namang malinaw na ilog sa kabilang gilid.



Napatayo ako dahil masyadong matulis ang mga bato. Napatingin naman ako sa suot ko. Ito pa rin ang suot ko pero nakakapagtaka lang kung bakit hindi ako duguan.



May nangyari na naman bang magic? Una, delayed kami sa update ukol sa mga nangyayari. Pangalawa, may kung sinong sumasanib sa mga kaibigan namin. Pangatlo, bumalik SA AMIN ang Santa Luna. At ngayon? What the actual fuck.





Tumingin ako sa magkabilang gilid at wala akong makita. Diretsong daanan lang ito na hindi sementado. Napahawak pa ako sa mukha ko dahil mukhang na-sunburn na yata ako.




Ilang sandali pa lang ay naalerto ako dahil may narinig akong mabilis na yapak papunta sa akin. Napalunok naman ako sa kaba. I scanned my body at mas lalo akong nabaliw nang wala akong armas o kahit baril man lang.



"Shit shit shit." Mas lalo akong kinabahan nang nakita ko ang pigura ng taong tumatakbo papalapit sa akin. It's a freaking zombie! Shit!




Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumakbo papalayo sa humahabol sa akin. Muntikan pa akong nadapa dahil masyadong mabato. Lumingon naman ano at nakita ko pa ring tumatakbo ito papalapit sa akin kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko.


"Sandali! Pagod na ako!"





Bigla naman akong napahinto at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Liningon ko ang babaeng humahabol sa akin at nakangiti ito habang hinahabol ang hininga niya. I looked at her from head to toes and she's wearing a.. uhm, a weird looking old dress. Parang ito ang kasuotan ng mga babae noong sinaunang panahon.





Tinignan ko ng mabuti ang mukha ng babaeng ito at muntikan na akong mabulunan sa sobrang gulat. Wait, what the heck? "Marga? Bakit— bakit ganyan ang itsura mo?"



Tinignan niya naman ako na parang natatawa pa siya. Kumunot ang noo ko. Siya nga, si Marga nga! Ang nakakapanibago lang sa itsura niya ay ang kanyang suot at ang buhok niya na naging sobrang haba.





"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Itago mo ang iyong dibdib, Izela. Bakit ka ba kasi lumabas ka nang ganiyan ang suot mo? Nakakapanibago."





Kumunot naman lalo ang noo ko dahil sa pagbigkas niya ng pangalan ko. Izela? What the heck?



"Oh, siya. Bumalik na tayo sa Santa Luna at ikaw nalang ang wala doon." Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Sandali nga, naguguluhan na ako sa mga nangyayari ha.




"W-wait, anong meron? Where are we going?" Nauutal kong tanong at iwinakli ang kamay ko sa pagkahawak niya.


Nagtataka naman siyang lumingon sa akin. "Anong lenggwahe iyan? Sandali— itinuro ba sayo iyan ni Francia?"




"Francia?!" Nagtatakha kong tanong. Si Francine ba ang tinutukoy niya?




"Ang aking kapatid, Izele." Napahawak siya sa ulo niya na para bang nai-stress na. "Tayo na't humayo. Baka hindi pa tayo makaabot sa tanghalian."



Naglakad siya papunta sa isang kalesa. Sandali, wala ang kalesang iyan kanina ah? Weird. Sinundan ko nalang si Marga.





Okay. I'll just go with the flow, I guess. Tska hindi na nga dapat akong magtaka pa, eh. Sa sobrang gulo at hindi kapani-paniwalang nangyayari ngayon? Hindi na dapat akong magtaka kung bakit ako nandito. Kahit pa nga ba bumisita ang alien ay hindi na ako magugulat pa.




Sumakay ako sa kalesa at umandar na ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagugustuhan ko ang lugar na ito. Parang napakagaan din sa pakiramdam. At parang may tumutulak sa akin na makisabay sa mga nangyayari ngayon.




I hope I'll get answers during this situation, I guess..






-


"Nandito na tayo." Masayang sambit ni Marga at naunang bumaba sa kalesa.


Nang makababa naman ako ay bumungad sa akin ang ingay ng mga masasayang tao. Mukhang mayroong pista na nagaganap. Sobrang kulay din ng paligid at may mga lamesa na punong-puno ng pagkain. May mga nagsasayawan din. Ang saya-saya nila.





"Anong meron?" Tanong ko kay Marga. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.


"Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang libing ng ina ni Francia pagkatapos nitong maikling kainan." Sagot niya dahilan para magulat ako.



What?! May namatay pala, pero bakit nagcecelebrate pa sila? Gosh, these people are weird. Oh, naaalala ko, namatay din pala ang mommy ni Francine last last week.



Wait a minute.. Namatay ang mommy ni Francine last week..


Naudlot ang pag-iisip ko nang hinila ako ni Marga papunta sa grupo ng babaeng nag-uusap-usap. Nagulat naman ako nang nakilala ko agad ang mga hitsura nila. Sila Joudee, Xzan, Aliah, Miranda at Nicole ito. Damn, nakakapanibago ang mga itsura nila pati na rin ang kanilang suot.



I think I can't handle this. Sandali nga, seryoso. Nasaan ba ako? Anong taon ito? Bakit parang nasa sinaunang panahon ako? Oh, let me guess. Nananaginip ako. Exactly!



Pero.. paano kung may nais ipahiwatig itong sitwasyon ko ngayon sa sitwasyon na nangyayari sa aming magkakaibigan? Dang it, i'm being too paranoid na nga siguro. Pero hindi naman masama kung mag take note diba?




Go with the flow, Izele. You're here for a reason, and I'm sure of that. May dahilan kung bakit ako nandito sa lugar at panahon na ito, panigurado. This must be an indication!





"Ah— k-kukuha lang ako ng makakain." Paalam ko kay Marga at tumawa naman siya. That's it, i'm done with all her shit and weirdness. Naglakad nalang ako palayo.



Hindi naman talaga ako kukuha ng pagkain. Sa isang malapad na pader ay nagtago ako sa likod. Walang katao-tao sa parte ng lugar na ito, ngunit rinig na rinig ko pa rin ang ingay ng mga tao na nagsisiyahan.





Nakarinig ako ng yapak ng isang tao mula sa aking gilid kaya agad-agad ko itong nilingon. Nabigla ako sa nakita ko. "Francine? Ah— Francia?"



Nagtaka ako nang agad-agad niyang tinago ang mga hawak niya sa kanyang likod. I don't know why, but I feel suspicious right now.




"Ano 'yang nasa likod mo?" Seryoso kong tanong. My heart is literally beating fast and not to mention, I feel so weirded out.



"W-wala.." Umiwas siya ng tingin sa akin. "Ah, m-mauuna n-na ako.."




Sinubukan niya akong lagpasan but when she took another step, nahulog ang mga hawak niya. Kusang tumakbo ang katawan ko upang tignan ang mga gamit na iyon. Napasinghap naman sa gulat si Francine sa gulat nang mahakawan ko ito.




Bote. Isa itong bote na may laman na dilaw na likido. Tinapat ko ito sa pagmumukha ni Francine na mukhang kinakabahan. "Ano ito?" Walang emosyon kong sambit.





Bakit parang nakaramdam ako bigla ng galit at poot? Hindi ko maintindihan. "France, ano ito?"



"Izela, ibalik mo sa akin iyan." Nanginginig niyang sambit. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.


"Uulitin ko, ano ito—"



Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakarinig kami ng napakalakas na hiyaw. Agad akong naalerto kaya nabitawan ko ang bote at tinignan kung ano ang nangyari.



May isang babae,lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. "Anong nangyari, Imelda?" Tanong ng isang kababayan.





"Ang katawan ni Linda, nawawala! Nawawala ang bangkay niya!!"



-





"IZELE GISING!!"

Napabalikwas ako mula sa pagkahiga nang niyugyog ako ni Zach sa balikat. Ilang putok naman ng baril ang narinig ko at naalerto ako kaagad nang marralize na may umaatake sa aming mga bangkay.


Wait, panaginip lang ba ang nangyari?



"Takbo na!!"




I grabbed my knife and gun at tumakbo ng mabilis kasama si Zach. Kami ang nangunguna kaya lumiko kami ng dinadaanan. Sobrang dilim, tanging iisang flashlight kang ang gamit namin.



"Shit Alec saan kayo—" Napasabunot sa buhok ni Zach nang sa kabilang tunnel dumaan sila Alec. Ang tanging kasama ko nalang ngayon ay si Zach, Rizel at Marga.



Balak sana naming sumunod sa grupo nila Alec ngunit napatakbo na naman kami sa gulat nang may humabol sa amin. Fuck! Nahiwalay na kami!




Habang sumisigaw ay walang tigil akong pinagsasasaksak ang mga zombies na sumusugod sa amin. Ganoon din naman ang ginagawa ni Marga na sagad-sagad ang lakas sa pagpapalo.


"Fuck! Y'all!!" At sa huling target ko, isinakto ko ito sa noo niya. Napaupo ako habang hinihingal.


"Bitch there's no time left! Wag ka nang umupo-upo dyan!!" Hinila ako ni Marga patayo anddd yeah. She's right. May napakalaking grupo na naman ng mga uhaw sa laman-loob ang humabol sa amin. Napamura nalang ako habang tumatakbo.




"Doon!" Ititutok ni Zach ang flashlight sa isang staircase kaya hindi na kami nagdalawang isip pa na umakyak.




Nang malapit na kami sa taas ay tinanggal ni Zach ang mabigat at bilugang bakal na nagsisilbing labasan paalis dito sa sewer. Tinulungan ko na siya dahil delikado na.



"Fuck 'em all!" Suminghap ako ng preskong hangin nang makalabas kami mula sa sewer na napakabaho. Agad-agad kaming tumakbo papaalis at nagtago kami sa loob ng isang restaurant na abandonado na.




Hinihingal akong umupo dahil sa sobrang pagod. Zach secured the doors ang windows too. Tinignan ko naman ang paligid at siniguradong walang tao.



Nasapo ko naman ang noo ko nang may marealize. Shit. Na kila Aliah ang mga pagkain! Ugh!




Shit. I hope they're okay. I hope they are freaking okay. Nabuhayan ako ng loob ng maalala kong may walkie-talkie pala ako.



"Walang signal. Masyadong malayo." Inunahan na ako ni Marga. I sighed deeply, trying to control my anger.





I just want this shit to end.






END OF CHAPTER 13

Continue Reading

You'll Also Like

178K 7.1K 72
Isang hindi mapangalanang epidemya ang kumalat sa Pilipinas. Hindi alam kung ano ang pinagmulan ng mga ito. Ngunit isa lang ang alam ng isang grupo n...
14.1K 468 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
104K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...
1M 30.6K 50
You can understand the story without reading the whole Death Game series.