Is This Love?

By Queen_Felicity_23

86 47 0

Tungkol ito sa babaeng nahulog at nagkagusto sa isang lalaking biglang nangiwan at naglaho nang biglaan,gaya... More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFHTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FOURTY

PROLOGUE

14 2 0
By Queen_Felicity_23

Authors POV

Lexine Guevarra isang scholar sa Prima Del'galle University isang sikat na school na exclusive lang sa mga mayayaman,sikat at matatalinong estudyante.

Bihira lang ang nakakapasok dito na outsider or transferees kasi dipende kung may magpetition na teacher tsaka lang sila pedeng magexam at kapag bumagsak ka sa exam wala kang chance na makapasok sa school na yun at mahal rin ang tuition na dapat bayaran.

Napakasuwerte nya dahil isa siya sa mapapalad na estudyante na binigyan ng pagkakataon para makapagaral dito

Hindi lang siya ordinaryong estudyante isa rin siya sa mga nangungunang estudyante pagdating sa katalinuhan kasama siya sa 100 na ginawaran ng excellence award last year at sobrang swerte nya dahil nabigyan siya ng excellence award ibinibigay lang iyun para sa mga estudyanteng grade eleven na nagkamit agad ng matataas na marka.

Ang ama nya ay isang OFW at ang Nanay naman nya matagal ng patay kaya nagasawa ang tatay nya ng ibang babae at si Lexine sa lola nya lang nakikitira...

Note:

Kapag ba nasaktan kana sa unang pagibig mo,uulit ka pa ba? Uulitin mo pa ba kahit paulit ulit kalang na nasasaktan?at paulit ulit mo lang na nararamdaman yung sakit...

Lexine Guevarra's POV

"Yessss!!!! kami na!"

Nagulat ako ng may sumigaw na lalaki malapit sa amin at mukhang tuwang tuwa ito batay palang sa ekspresyon ng mukha nya

"Shhhh,wag ka nga maingay"

Pananaway ng babae malapit sa tabi nya na bahagyang naiilang sa pagkakatitig ng mga tao sa paligid

Napatitig lang si Marga sa kanila na parang naiinggit

Margarette Lopez kaibigan ko since elementary isa rin siya sa ipinetisyon ni Mr.Guno,magkaklase kami since elementary

"Margsss!"...sigaw ko sa kanya habang ikinakaway sa mukha nya ang kamay ko

"Ahh!Bakit?"

"Nakatulala ka"

"Ahhh ako?"

"Ayyy hindi ako"...bulong ko

"Nakakainggit ano?"

"Masyado kang inggi---"

"Wala ka lang alam sa love,you don't know everything!!!"...pangaasar ni Marga

tsk,ano ba naman tong si Marga napaka inggitera tapos idadamay pa ako,shemay...

I rolled my eyes and then I whisphered

"Maghihiwalay din yan"

Nagulat ako dahil narinig pala yun ni Marga

"Inggit ka lang Lexine,dahil since nagexist ka dito sa mundo wala kang nagiging jowa tsaka wag ka ngang ganyan ang sama mo masyado"...sabi nya sa akin bago umirap

Sabi na nga ba eh idadamay na naman nya ang pagiging NBSB ko...

"Palibhasa kahit sino na nakikilala mo shinoshota mo"...Ani ko

Nagmamadali kasi si Marga na maranasan yung love,maganda rin naman siya,pero hindi naman lahat ng nanliligaw sa kanya sinasagot nya syempre pambiro ko lang yun sa kanya

"Hindi yun sa ganoon Lexine,ang tawag don karisma nang pagiging maganda"

"Heh!magtigil ka tingnan mo alas'dos na di ko pa nahahanap yung bracelet ko"...sabi ko bago ipakita yung oras sa relo ko

Ano ba ang hinahanap namin,ito ay ang sobrang importante na bracelet dahil si papang ang nagbigay noon at sabi ni papang na dapat ko daw ipangako na hindi kailanman yun iwawala,kaya sobra ang inis ko nang mawala yun ngayon kasi nakapangako ako kay Papang

"Pwede naman kaseng palitan!tsaka Lexiee sure ka bang dito nalaglag yun?"

"Ano ka kahit tig iisang milyon payang bracelet na ibibigay mo diko yun ipapagpalit,tsaka kung hindi mo ako niyaya na gumala ngayon edi sana hindi nawala yung bracelet ko"

"Oh sige tayo na,basta kapag nahanap na natin ililibre mo ako"...sabi nya habang nakanguso

"Oo na"

Paulit ulit naming nilibot ang park pero hindi talaga namin nahanap,pagod na pagod na ako pero hindi talaga pwede yung mawala

"Lexie pagod na ako umuwi na tayo di na natin yun mahahanap"

"Marga pls last na isang ikot na lang"pagmamakaawa ko

"Tsk!maghanap kana muna maiiwan ako dito pagod na pagod na ako tsaka Lexie gabi na oh"

"Marga kung hindi mo rin naman ako niloko edi sana wala tayo dito at hindi nawala yung bracelet ko"

"Basta hindi na ako makakasama masakit na talaga ang paa ko super sakit"

Kung hindi mo rin naman kasi ako sinama dito sa park na ito hindi ko rin naman maiwawala yung bracelet na yun,hindi ko masabi yung hinaing ko kay Marga lalo lang yung magiinarte.

Flashback:
Kalalabas ko lang ng bahay para pakainin yung mga pusa ng makita ko si Marga na papasok sa bahay namin

"Good Morning Lexie!!!"

"Marga bakit ang aga mo?"

"Lexie pwede mo ba akong samahan may project kasi ako na kailangan tapusin!"

"Di ako pwe---"

"Please?"

"Di nga ako pwe---"

"Please?Please?"

"Sigi na nga,wait lang magbibihis lang ako"

Dumiretso kami sa park na ipinagtaka ko,project sa park?kalokohan ang lahat ng to

"Bakit tayo nandito?"

"Sorry nagsinungal-----"

"Sinasabi ko na nga ba eh!"

"Lexine sorry na wala kasi akong kasama maggala eh,sorry"

"Hayss,wala na naman akong magagawa andito na tayo"

End of Flashback

Naawa naman ako kay Marga kaya nagpasya akong uuwi na kami, masakit na rin ang paa ko dahil nakasandals ako na medyo matigas ang tela neto kaya nagkaroon na ng lintog

"Sigi umuwi na tayo"

"Haysst mabuti naman,naawa ka rin sa akin akala ko pipilitin mo pa ako"

Habang naglalakad kame palabas ng park nagulat ako ng tinawagan kame ng lalaki na nasa madilim na parte at nakasakay sa isang tricycle

"Lexine!"malakas na sigaw nito

Tumakbo kami ni Marga ng mabilis pero hinabol nya kame gamit ang tricycle nya at naabutan nya kami,hindi na kami nakagalaw tila naistatwa kami sa kinatatayuan namin nang harangan nya kami...

"Lexine naman hindi ako tambay,si Tisoy to"

Nagulat ako ng husto sa nakita ko,isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

"Tisoy?,Rex?"tanong ko

"Oo sino paba?"

Bakit kasi sa dinami dami ng lugar na pupuwestuhan dun pa siya pumwesto sa madilim na lugar tapos tinawag pa ang pangalan ko kaya natakot kami

"Bakit kaba andito?,tinakot mo naman kami"

"Pauwi nasana ako nang makita ko kayo,dito ko kasi inihatid yung ale na may dalang basket ng balot e"

"Dun siya pupunta sa kabilang kanto"sabi nya habang tinuturo yung eskinita

"Sabi nung ale dun ko nalang sya ibaba sa part na yun habang nagbabayad yung ale nakita ko kayo kaya tinawag ko kayo.Nagulat nga ako nung kumaripas kayo ng takbo kaya hinabol ko kayo"

"Ah,sigi una na kami gabi na rin eh"

"Hayss nako naman Lexine kaya ko nga kayo tinawag para sumakay na, gabi na rin oh"

Hindi na ako umangal at nauna ng sumakay pagod na rin ako at hindi ko na kayang maglakad.

Pagsakay ko may salamin sa loob ng tricycle kaya nakita ko ang pasimpleng pag ngiti ni Rex.

Magkababata kami ni Rex,sabay kaming nagaral sa elementarya at sabay din kaming nakapagaral ng high school kaya alam ko ang hirap ng pinagdaanan ni Tisoy sa buhay.Hiwalay na kasi ang mga magulang nya at tanging lola nya na lang rin ang nagbabantay sa kanya katulad ko.

Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe nagring ang phone ko

Tanananan tan tan tan tanananan tan tan

Unknown number:09*********

"Hello"

"Si Lexine Guevarra ka ba?"

"Opo,sino po sila?"

"Ahh ako yung secretary ng  may-ari ng ihawan yung Grill D'Funtastic si Ms. Jane Apuyao"

"Ahhh bakit po?"

"Tanggap ka na! Pede kanang magsimula bukas"

"Ahh sigi po salamat po"

Call ended

"Sino yun Lexiee?"

"Si Ms. Jane yung nabanggit ko sa iyong pinag-aaplayan ko"

"Ahh bakit tumawag?"

"Natanggap na ako"

"ehhh?nakakatuwa naman,sa unang sahod mo ha ilibre mo ako"

Napailing na lang ako ni hindi pa nga ako nakakapagsimulang magtrabaho eh may palibre na agad tong babaitang to

Nauna akong bumaba ng tricycle dahil mas malapit lang ang bahay namin kesa sa bahay ni Marga.

"Salamat Rex"bago ngumiti

Nagulat ako ng madatnang gising pa si lola

Lola Hermana Guevarra

"Apo kumain ka na ba?"

"Opo kanina papo,kayo po ba?"

"ahh oo tapos na rin,may pasok ka ba bukas?"

"Opo may pasok po kami bukas"

"Eto pambaon mo"
nilagay nya ang pera sa kamay ko

"Lola may pera pa po ako"

"Apo para yan sa iba mo pang gastusin sa mga projects mo"

"Lola sobra sobra po ito ilaan nyo na lang po sa mga gastusin natin"
niyakap ko siya ng mahigpit

"Apo tanggapin mo na yan at magpahinga na tayo"

"Sigi po lola,salamat po,good night po"

Pumasok na ako sa kwarto ko,hindi agad ako nakatulog kaya nagbasa basa muna ako ng mga lectures namin na pinagaralan nung Friday.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako mabuti nalang at maaga akong nagising dahil marami pa akong assignments na hahanapin sa ibat ibang books sa library

Napansin kong may hain na sa lamesa kaya tinignan ko iyon pero ang nakakapagtaka bakit nilalanggam at gayung malamig na

Mukhang hindi kumain si lola,marahil ay iniintay nya ako kahapon na umuwi at gusto nyang sabay kameng kumain pero sinabi kong kumain na ako kaya nawalan siya ng gana.

Naglakad na ako papasok sa school namin malapit lang naman yun sa bahay namin

Hindi na ako nakapag paalam kay lola lagi kaseng maagang umaalis yun papunta sa palengke para magtinda

Prima Del'galle University

Dumiretso agad ako sa library

"Good Morning po Mr.Benito Amfaro"

"Good Morning din Lexine ang aga mo"

Hayss hindi na nasanay si Mr.Benito minsan nga mas maaga pa ako sa kanya tapos parang ganun parin hindi talaga siya nasasanay na palagi akong maaga

"Eto na po pala yung libro na hiniram ko last week,salamat po"

"Sigi iwan mo na lang dito"

Mahilig akong magbasa ng libro about science.

Isa-isa kong ininspeksyon ang mga libro...

"Ayun!"tinakpan ko ang bibig ko dahil mukhang napalakas ang pagkakasabi ko

Bawat pahina ininspeksyon ko para makita ko agad lahat ng assignments na hinahanap ko para makabalik agad ako sa room

Medyo matagal ang ginugol kong panahon sa pagbabasa

"Haysst tapos na rin sa wakas,nakakagutom yung paggagawa ng project kakain muna ako bago ako dumiretso sa room"

Napatingin ako sa relo ko

Nanlaki ang mata ko late na ako pagkabalik ko nung libro tumakbo agad ako papunta sa room namin tumakbo ako ng mabilis na mabilis...

Pagdaan ko sa isang building may lalaking papalabas dahil sa pagtakbo ko

Hindi na ako nakatigil at nagkabungguan kami

Tumumba ako at nahulog lahat ng dala dala ko...

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 245K 188
Now available in paperback on Amazon! Though the last chapter is read that doesn't mean the story is over. One shots for A Secret Service including...
90.4K 5.7K 31
{مُكْتمِلة} {مترجمة} كِيمْ تَايْهِيُونْغْ فِي عَلَاقَةٍ سِرِّيَّةٍ مَعَ الْمُدِيرِ التَّنْفِيذِيِّ الَّذِي يَعْمَلُ لَدَيْهِ. جِيُونْ جُونْغِكُوكْ...
720K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
501K 14.5K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?