The Dreamers Series 1: A Drea...

By ishwritess

45.1K 1.2K 147

Not every dream comes true. But how about hers? A story of a Simple Girl and an Icy Guy.. (This story is a se... More

The Dreamers Series
[TDS] Portrayers I
[TDS] Portrayers II
[TDS] Portrayers III
[TDS] Portrayers IV
[TDS] Portrayers V
[TDS(1)] : ADLS Prologue
[TDS(1)] : ADLS 1
[TDS(1)] : ADLS 2
[TDS(1)] : ADLS 3
[TDS(1)] : ADLS 4
[TDS(1)] : ADLS 5
ANNOUNCEMENT! (PLEASE READ.)
[TDS(1)] : ADLS 6
[TDS(1)] : ADLS 7
[TDS(1)] : ADLS 8
[TDS(1)] : ADLS 9
[TDS(1)] : ADLS 10
[TDS(1)] : ADLS 11
[TDS(1)] : ADLS 12
[TDS(1)] : ADLS 13
[TDS(1)] : ADLS 14
[TDS(1)] : ADLS 15
[TDS(1)] : ADLS 16
[TDS(1)] : ADLS 17
[TDS(1)] : ADLS 18
[TDS(1)] : ADLS 19
[TDS(1)] : ADLS 20
[TDS(1)] : ADLS 21
[TDS(1)] : ADLS 22
[TDS(1)] : ADLS 23
[TDS(1)] : ADLS 24
[TDS(1)] : ADLS 25
[TDS(1)] : ADLS 26
[TDS(1)] : ADLS 27
[TDS(1)] : ADLS 28
[TDS(1)] : ADLS 29
[TDS(1)] : ADLS 30
[TDS(1)] : ADLS 31
ANNOUNCEMENT! (READ THIS)
[TDS(1)] : ADLS 32 - PBB 2020
[TDS(1)] : ADLS 33
[TDS(1)] : ADLS 34
[TDS(1)] : ADLS 35
[TDS(1)] : ADLS 36
[TDS(1)] : ADLS 37
[TDS(1)] : ADLS 38
[TDS(1)] : ADLS 39
[TDS(1)] ADLS : 40
[TDS(1)] : ADLS 42
[TDS(1)] : ADLS 43
[TDS(1)] : ADLS 44
[TDS(1)] : ADLS 45 - Acquaintance
[TDS(1)] : ADLS 46 - Acquaintance II
[TDS(1)] : ADLS 47 - Acquaintance III
[TDS(1)] : ADLS 48
[TDS(1)] : ADLS 49
[TDS(1)] : ADLS 50
[TDS(1)] : ADLS 51
[TDS(1)] : ADLS 52
[TDS(1)] : ADLS 53
[TDS(1)] : ADLS 54
[TDS(1)] : ADLS 55
[TDS(1)] : ADLS 56
[TDS(1)] : ADLS 57
[TDS(1)] : ADLS 58
[TDS(1)] : ADLS 59
[TDS(1)] : ADLS 60
[TDS(1)] : ADLS 61
[TDS(1)] : ADLS 62
[TDS(1)] : ADLS 63 (Last Chapter)

[TDS(1)] : ADLS 41

545 19 2
By ishwritess

[WARNING: Many characters will be introduced in this chapter]

Chapter 41

HEARTNELLE'S POV

Hay sa wakas natapos rin mag palista!

Vacant ngayon at nasa cafeteria kami.

Ang dami nga namin ngayon eh!

"Okay Twinnie mag waldas ka na ng pera mo! It's libre time! Ayos!"sabi ni Ali

"Ikaw Ali ang yaman yaman mo ang hilig mo mag palibre."sabi ni Emzey

Biktima rin kasi siya ni Ali. Dati nung bumisita kami sa bahay nila Emzey kasama ko yan si Ali pati si Ven. Tas nung nag grocery kami ang daming kinuha ni Ali tas si Emzey pinag bayad sa lahat.

"Aysus ayaw mo pa Emzey? Pasalamat ka nga nakahanap na ko ng bagong biktima eh! Gusto mo biktimahin ulit kita ng palibre tactics ko?"

"Ay wag na! Kawawa bulsa ko sayo."sabi ni Emzey

Ako, Ali, Venus, Pearl, Athena, Ashley, Hendrick, Hiro, Hylem, Hearx, Hwayne, Sky ,Twinnie, Mheyxie.

Ayan kami kami ang mag kakasama sa isang table. Ang dami namin noh hahaha!

Nasa pinaka gitna kami ng napakalawak na cafeteria. Etong gitnang table na to mahaba kaya kasya kaming lahat.

Si Light wala pa. May ipapakilala daw siya samin hinahanap pa ata niya. Baliw din yun eh pwede niya namang itext yung ipapakilala niya para mag punta dito. Hay nakows.

"Hintayin na natin yung iba para isahang bili nalang."sabi ni Twinnie

Kawawa talaga si Twinnie nito ang dami namin! Kahit sabihin mo pang isang drinks at isang food lang eh. Madami parin kami!

"Twinnie wag mo na ko ilibre."sabi ko

"Ako rin po ate wag na po."

"Ako rin po!"

"Ano ba kayo! Okay lang! Masaya akong ilibre kayo! Wag kayong mag alala kusang loob to. Masaya akong makakilala pa ng bagong friends kaya ililibre ko kayo! Celebration kumbaga hahaha!"sabi ni Twinnie

"Sure ka?"

"Oo naman! Sure!"

"Tig kalahati nalang kami ni Twinnie."sabi ni Sky

Ooh!

HAHAHAHAHA KINIKILIG AKO OMG!

"H-ha? A-anong tig kalahati?"tanong ni Twinnie sa kanya

"Sa libre. Kalahati babayaran mo kalahati babayaran ko."sabi ni Sky

"B-bakit?"

"Wala lang. Natutuwa rin ako na makilala sila."sabi ni Sky at tinignan kaming lahat

Bagay talaga sa kanya maging president. Sa tindig palang at sa tono ng pag sasalita perfect na pang president!

"Ako rin po! Ako po natutuwa po ako makilala kayo ni ate Twinnie! Idol ko po kayong dalawa! Ang galing niyo po mag lead eh! Pero kahit natutuwa po ako hindi po ako mang lilibre hehe kayo na po bahala dun!"sabi ni Pearl at nakipag kamay kila Sky at Twinnie gamit ang dalawa niyang kamay

Hahahahahaha!

"I don't want to eat. Let go of me."

Napalingon naman kami sa nagsalita

Si Squall hila hila ni Aljin.

"Dali na! Magpapaka loner ka nanaman bro eh!"sabi ni Aljin habang hila hila niya si Squall

Wala nang nagawa si Squirrel kaya umupo na sila.

Bakit ba kasi lagi kong katabi tong dalawang to?

Nasa kaliwa ko si Aljin tas sa kanan si Squall.

"Totoo nga talaga yung sinasabi nilang love triangle noh."

"Nasasaksihan na natin ang love triangle."

"Sino kaya mag wawagi sa kanilang dalawa."

Ano bang pinagsasasabi ng mga to?

"Heller guys! I'm back!"sabi ni Light

Nandito na pala siya.

May dalawa siyang babae na kasama.

Parehong nakangiti yung dalawang babae.

"Hi ate back! Welcome to our guys!"sabi ni Hiro

Baliw to.

Isa pa to feeling close pareho sila ni Hwayne pero mas okay yun para mabilis mag ka close ang lahat

"Oo nalang bata."sabi ni Light

Hindi niya alam pangalan ni Hiroshi e hahahah!

"Ipapakilala ko na sa inyo! Si Dasha Leym Gomez! Tsaka si Atasha Zrancine!"sabi ni Light

Gomez?

Hylem Gomez.

Dasha Leym Gomez.

Magkaano ano kaya sila?

"Hello! Nice to meet you all! Grade 11 ABM ako."sabi nung Atasha

"Ako rin Grade 11 pero HUMSS ako! Buddy ko tong si Atasha at Light!"sabi nung Dasha

Napaka friendly talaga ni Light! Hanggang grade 11 may buddy siya hahaha!

"Ate anong ginagawa mo dito?"tanong ni Hylem

Sabi ko na eh!

Mag kapatid!

Hindi pa kasi ako nakakarating kila Hylem. Kila Hiroshi palang ako nakakarating HAHAHAH! Kaya ngayon ko palang nakita ate niya.

"Nag pakilala ako kapatid hindi mo ba narinig?"pilosopong tanong nung ate ni Hylem na Dasha pala ang pangalan

"Upo na kayo para makabili na tayong pagkain."sabi ni Ali

Sumunod naman yung tatlo.

Andami namin WHAHAHAHA!

Saya nito!

Sayang wala si Swirll.

"Oh anong gusto niyo? Tandaan niyo isang drinks at isang pagkain lang ha! Baka magipit ako niyan hahaha!"sabi ni Twinnie

"Yes beybeh ni Mr. Pres!"sabi ni Atasha

Ay tignan mo nga naman! Shipper din pala nila Sky at Twinnie! Hahahah!

"Tumigil ka nga Atasha lagi mo nalang kaming inaasar."reklamo ni Sky

Mag kakakilala sila?

Sabagay ssg nga pala sila Twinnie at Sky hindi na rin imposible na may kilala sila sa sh.

"Ayos ka talaga Twinnie Big Time!"sabi ni Dasha

"Mag kakilala pala kayo eh! Diba ang galing ko! Sinama ko kayo dito! Edi ililibre rin kayo ni Twinnie! Isang apir naman diyan!"sabi ni Light at tinaas yung mag kabilang kamay para makipag apir kila Dasha at Atasha

"Oh ano na nga gusto niyong pagkain?"tanong ni Twinnie

"Friench Fries yung pinakamahal! Tas yakult!"sabi ni Ali

Wow demanding si fshie!

"Delight tas hamburger!"-Light

"Vitamilk Banana Flavor akin! Tsaka French Fries!"sabi ko

"Gatorade at Tinapay."-Hylem

"Noodles at Sprite."-Hearx

"Fries at Sprite."-Aljin

Nag sabi na kaming lahat ng gusto naming orderin pwera kay Squall.

Sinusulat naman yun ni Sky.

Wow saan galing yung papel at ballpen?

"Squall ano sayo?"tanong ni Jin

"Fries and coke."sabi niya

Aysus kakain din pala nag inarte pa siya kay Aljin kanina.

"Yan okay na! Ako na oorder."sabi ni Sky at tumayo

"Eto yung pera."sabi ni Twinnie at inabot yung 1k niya

Big time talaga hahaha!

"Ako na mag babayad lahat."sabi ni Sky

Eh? Hahahahah yiee!

"Ha? Akala ko ba tig kalahati tayo?"

"Pambawi ko na to. Ang dami kong inuutos sayo dati eh."sabi ni Sky at lumakad na papuntang counter

"UYYY NAGBUBLUSH SIYA YIEEE!"-Light

"Iba talaga epekto ni Sky kay Ms. Vp!"-Ali

"TwinZer."sabi ko out of nowhere

"TwinZer? Ano yon cous?"tanong ni Emzey sakin

"Si Twinnie at Sky Lanzer. TwinZer hehe."sabi ko

"WOAAAH! Niceu niceu! Matagal na namin pinag iisipan ni Dasha ang itatawag sa kanilang dalawa! Ikaw lang pala ang makakaisip kung ano! Ayos TwinZer for the win! Ang galing mo ano... Ano pangalan mo?"tanong ni Atasha

"Ahm Heartnelle po. Heart nalang po."

"Nakow wag ka na mag po sakin pati dito kay Dasha. Hindi pa naman kami mukhang matanda diba? Fresh look parin! Hehe! Eto ngang si Light hindi na kami inaate e kaya ikaw wag narin."sabi niya ulit

Tumango nalang ako at ngumiti.

"hsjsbskskao."

"jsisnsksoa."

Kanya kanya na silang daldalan.

Sa totoo lang ang sakit sa tainga.

Hahahaha! Pero okay lang masaya naman.

"Ate! Dito!"biglang sigaw ni Emzey

Sino kasuap nito?

Tumingin naman ako sa bandang likod ko dahil dun siya nakatingin.

(⊙_⊙)

Si ate Mhiexie yon ah!

Kapatid ni Emzey!

Dali dali akong tumayo kaso muntik pa kong madapa buti nalang may nakahawak sa braso ko

Squirrel.

"Salamat!"sabi ko

Dirediretso akong lumakad papunta kay ate Mhie.

Mhiexie Zen Santori.

Namiss ko siya!

"Ate! Nandito ka rin pala!"sabi ko at niyakap siya

"Oh Heart. Oo lumipat kaming bahay eh kaya dito na rin kami mag aaral ni Emzey. Pinapunta niya ko dito. Ano bang meron? Bakit ang daming tao dun?"tanong niya

"Mga kaibigan ko po silang lahat. Tara tara upo ka."sabi ko at lumapit kami sa table at pinaupo siya sa tabi ni Emzey

Bumalik na ko sa pwesto ko kanina.

"Pinsan ko nga pala. Kapatid ni Mheyxie. Si ate Mhiexie. Kakapasok lang din niya ngayong araw."sabi ko

"Nice to meet you po!"

"Welcome po sa school!"

"Salamat."sabi ni ate

Hindi siya masyadong nakikipag usap pag hindi niya pa kilala yung tao eh hahaha!

"Ano pong gusto niyong pagkain?"tanong ni Twinnie

"Oo ate ililibre ka ng vice president ng ssg."sabi ni Emzey

"Ay joke lang Twinnie hehe!"sabi niya ulit

"Hahaha! Okay lang! Sige ate Mhiexie ano pong gusto niyong pagkain?"tanong ulit ni Twinnie

"Hindi na. Hindi pa naman ako nagugutom."sabi ni Ate

"Sure po kayo?"

"Oo Salamat."

Si Ali mukhang hindi pa napapansin si Ate Mhie kasi busy sila ni Light mag chikahan o mag asaran.

Dumating si Sky dala ang dalawang tray ng pagkain.

"Boys patulong. Meron pang pitong tray dun."sabi ni Sky

"Kami na bahala Sir President!"sabi ni Hwayne at pumunta na sila dun tas kinuha yung iba pang tray

Ang dami!

Pagka lapag na pagka lapag ni Sky nung tray eh nagsikuhaan na yung iba.

"Huy fries! Mukhang masarap to ah penge!"-Light

"Painom ng Vitamilk!"-Ali

"Huy Vitamilk ko yan!"sabi ko

"Pahingi nitong hamburger."-Hylem

"Patikim ng pasta!"-Pearl

Luhh!

Bago pa sila makakuha eh pinigilan na sila ni Twinnie.

"Hep hep hep! May sari sariling tayong order wag kayong manguha ng hindi sa inyo."

Tama tama!

Buti nalang nasave yung Vitamilk ko mula kay Ali!

Binitawan naman nila yung mga pagkain na kakainin na sana nila.

Phew!

-----

Nabigay na saming lahat yung mga pagkain namin. Buti nalang talaga hindi nabawasan yung precious Vitamilk ko!

"Sarap ng fries grabe!"sabi ko pagkalunok ng huling fries ko

"Gusto mo pa?"-Aljin

"Oh."-Squall

Sabay pa sila. Inaalok ako ng fries!

Ayos! Wag na tanggihan ang grasya!

"At ngayon po ay tututukan natin kung kaninong fries ang kanyang tatanggapin! Ito na ba ang wakas ng love triangle?! May mananalo na nga ba?! Tumutok po tayong lahat! Maraming Salamat!"sabi ni Light

Hanudaw?

"Yung kay kuya Aljin kunin mo!"

"Hindi! Yung kay kuya Squall!"

"Yung kay Aljin!"

"Squall!"

"Aljin!"

"Squall!"

"Manahimik nga kayong lahat! Ang iissue niyo ha! Lilinawin ko sa inyo. Si Aljin bestfriend ko siya. Si Squall naman kaibigan turing ko diyan. Kaya walang issue okay?"sabi ko sabay kuha nung dalawang lalagyan ng fries

"Akin nalang pareho ha! Masama daw tumanggi sa grasya hahaha!"sabi ko pa ulit

"At ayun nga po! Diyan nag wawakas ang ating news ngayon! Nakita po nating lahat na kinuha niya pareho ang fries na inaalok nung dalawa. Kaya naman hindi parin po natin malalaman kung sino ang tunay na mag wawagi sa love triangle na ito."sabi nanaman ni Light na parang nag babalita

*face palm*

Hay nako bahala nga sila.

Basta kakainin ko nalang yung fries.

Nag dadaldalan lang sila tas hindi ko na maintindihan sinasabi nila kasi naka focus ako sa fries ko ang sarap eh!

'I won't hesitate no more, no more'

'It cannot wait, I'm Yours'

Wow ganda nung kanta kaninong cellphone galing yun?

"Excuse me."sabi ni Squirrel sabay tayo at lakad palayo

Sa kanya pala.

Wow ringtone niya yun?

Wala lang hindi ko lang ineexpect. Akala ko kasi yung ringtone ni Squirrel yung ano lang kring kring kring yung ganun lang AHHAHAHA!

Nakatapat sa mukha niya yung phone niya tas may kausap ata

Ka videocall pala.

Aba bakit ko ba sinundan ng tingin yung lalaking yon.

"Ay nako olats na may ka video call na iba.-Light

"Baka naman si Swirell panget lang yun.-Hearx

"Hoy hindi panget si Swirll noh. Malabo ba mata mo?"-Athena

"Panget daw pero cru--"-Hwayne

"Manahimik ka pwede? Ayan oh pizza lamunin mo!"-Hearx

"Teka Pizza ko yon Hearx!"-Pearl

"Ay sayo ba yun sorry pabili ka nalang uli kay Hwayne tutal siya naman kumain."-Hearx

Bumalik dito si Squall at biglang tinapat sakin yung cp niya.

"Gagawin ko diyan?"takang tanong ko

"It's Kylel. Babo."

[Babo-Stupid]

"Anong bobo? Kahapon ka pa ah! Gusto mo ng away tara ano!"hamon ko sa kanya

"Bingi pala ate mo Hearx?"-Ali

"Oo nga eh te Lala. Ate Baboy daw! Hindi bobo! Ang bingi mo!"-Hearx

"Isa ka pa eh! Mag kapatid nga kayo! Babo ang sinabi hindi baboy!"-Light

"Ate Heart babo hindi bobo."-Hendrick

"Heart bingi ka ba?"-Mheyxie

"Babo means Stupid."-Swirll

Teka Swirll?

Napatingin ako sa cellphone at nakita ko si Swirll!

Kinuha ko kay Squall cp niya at umupo.

"Hi Swirll nandiyan ka pala!"sabi ko

"Yes ate!"

Nakita ko si Syjill sa likod niya at nag wawacky pa.

Isip bata pala yun hahaha!

"Tignan mo Swirll oh sabay sabay kami kumain."sabi ko at inabot kay Aljin yung cp

"Hi Swirll!"-Aljin

"Annyeong kuya!"-Swirll

Ibabalik na sana sakin ni Aljin yung cp.

"Hindi. Ipasa mo sa katabi mo."sabi ko

Eh bakit ba? Para makita ni Swirll lahat ng mukha ng kasama ko.

Nagtataka man inabot niya nalang sa katabi niya which is Rairai.

"Ang panget mo!"-Hearx

"Ang panget mo rin!"-Swirll

"Mas panget ka!"-Hearx

"Just pass the phone! I don't want to talk to you!"-Swirll

"Ayoko nga!"-Hearx

"At ayan po guys nag aaway nga po pala yung kapatid ni Heart at yung kapatid ni Squall! Ayaw po ibigay nung kapatid ni Heart yung cellphone sa katabi niya dahil baka gusto niyang makita ng mas matagal yung kapatid ni Squall. Bow!"-Light

"Tama ka diyan ate Liwanag! Kasi cru---"-Hwayne

Ate Liwanag? Hahahahah! Sino kaya nagturo kay Hwayne na ayan ang itawag sa kanya hahahaha! Baka si Ali!

"Oh ayan na yung cellphone ngudngod mo sa mukha mo!"sabi ni Hearx at inabot kay Hwayne

Pinagpasa pasahan nila yung cp hanggang sa makabalik na yun kay Squall.

Kahit sila ate Mhie, Atasha, Dasha, Light, at Mheyxie na hindi pa kilala si Swirll ay napasahan din nung cellphone kaya syempre nag hi sila.

Ay kay Squall nga palang cp yon noh? Bakit ngayon ko lang naisip?

"Bye na hyung! See you later!"sabi ni Swirll at nawala na siya sa screen

Ay galit nga pala ko kay Squirrel.

"At hoy ikaw lalaki! Bat mo ba ko binobobo ha! May utak naman ako! Laban pa tayo eh! Wag lang sa Math hehehe!"sabi ko

"Ay bingi talaga si ate Heart. Babo nga yun hindi Bobo."-Hiroshi

"Ganun rin naman yun! Parehas lang naman ang meaning!"-Pearl

"Magkaiba yun! Ang babo stupid ang bobo edi bobo!"-Hwayne

"Sabi ko nga e hehe!"-Pearl

Ay babo ba yung sinabi ni Squall? Sorry na akala ko kasi bobo. Pero kahit na! Stupid daw ang meaning non!

Hindi ako Stupid!

"Hindi ako stupid hoy! Ang sama mo ha! Hindi na kaibigan turing ko sayo simula ngayon! Wag ka mag alala ibabalik ko sayo yung fries mo! Isuka ko pa para sayo eh! Basta hindi na tayo friends!"sabi ko

"It's just my expression."sagot pa niya

"He! He! No more explanation Squirrel! Oh eto na headphone mo iyo na yan! Stupid pala ha!"sabi ko at nilagay sa leeg niya yung headphone niya

Kanya na yan! Bwiset siya!

"As I've said it's just my expression and I didn't mean it."sabi ulit niya

"Chill ka lang Zerin, ganyan talaga si Squall. Expression niya lang yun. Masanay ka na. Wag ka na magalit sa kanya."-Aljin

"He! Magsama kayong dalawa kung gusto niyo! Bestfriend kita Jin! Bakit diyan ka nakampi kay Squirrel?!"

"Ah guys alis na pala ko."

"Ako rin."

"Natatae ako."

"Cr na ko."

"Punta nako sa club room.

"Tapos na pala ko kumain.

"Bye guys!

Napatingin naman ako sa kanila.

Isa isa na silang nag alisan hanggang sa ako nalang matira kasama si Squall at Aljin.

"Bahala kayo diyan! Galit ako sa inyo!"sabi ko at iniwan sila dun

"Bestfriend wait lang!!"

"Wag niyo ko kausapin!"

Chineck ko yung relo ko mag 10 na pala. Punta na ko sa Science Club Room.

Teka asan na ba sila Ven(Venus) at Hen(Hendrick).

Science club din sila eh. Iniwan ako!

Humanda sila sakin mamaya!

Joke.

Nababadtrip talaga ko sa Squirrel na yon! Binobo daw ba ako! Ay Stupid pala!

Nakarating nako sa Club Room grabe kapagod.

"Bakit niyo ko iniwan?"tanong ko pagkakita ko kila Ven at Hen

"Eh nag aaway pa kayong tatlo ate Heart eh nakakatakot makisingit!"sabi ni Ven

"Oo nga Ate Heart away love triangle yun kaya hindi na dapat kami makigulo kaya umalis nalang kami lahat hehehe!"-Hendrick

"Tigilan niyo---"

"Good Morning Science Club members. Ako ang teacher na naassign sa club niyo. Sa mga hindi pa nakakakilala sakin ako si Ma'am Wendy Reyes. Alam niyo ba kung anong gagawin natin ngayon?"sabi nung teacher sa unahan

"Opo! Mag eelect!"sagot nung isa

"Tama. Uunahin natin ang President para siya na ang magsasalita dito sa unahan mamaya. Anybody who wants to nominate someone?"tanong ni ma'am Reyes

Nagtaasan naman ng kamay yung mga gusto.

Pumili lang muna si ma'am ng isa kaya tumayo yun.

"I nominate Heira Sanchez to be the President."

"Tumayo ang ninominate."tumayo naman yung isang babae na nakasalamin

Nag taasan ulit ng kamay yung iba para mag nominate.

Bahala sila diyan. Wala naman akong balak maging officer.

Ayun natapos na sila mag nominate tas pinapunta na sa unahan yung mga ninominate.

Apat yung nasa unahan.

Nag speech sila isa isa.

Babo!

Babo!

Babo!

Babo!

Bwiset na babo yan!

Hindi ko na napakinggan yung sinabi nila sa unahan basta ang alam ko lang tapos na sila mag speech isa isa tas mag bobotohan na.

"Taas ang kamay ng boto kay Heira."sabi ni Ma'am

Nag taas nalang ako ganun din si Ven at Hen eh.

Yung Heira lang naman ang kilala ko eh. Eto yung unang ninominate. Pero hindi ko rin narinig speech niya hehe.

"Okay majority wins."halos lahat kasi kami ay nagtaas ng kamay

"Heira ikaw na ang mag tuloy ng election for officers."sabi ni ma'am at gumilid muna

"Yes ma'am."sabi nung Heira

"Ngayon para sa Vice President. Any nominations?"

Nag simula nanaman sila mag nominate hindi ko na napakinggan inaantok ako eh.

Natulog naman ako kanina. Hay nako. Bakit kaya ako inaantok.

"Ate Heart! Taas mo na kamay mo eto iboto natin!"sabi ni Ven

Tinaas ko nalang kamay ko.

Habang papikit pikit. Inaantok ako!

"Sinong gusto mag volunteer maging muse?"tanong nung Heira

Bahala sila diyan basta inaantok ako.

"Ikaw? Miss? Anong pangalan mo?"

"Ate Heart!"niyugyog ako ni Ven at napatayo ako bigla

"Ano yun?!"sigaw ko

"What's your name miss?"tanong nung Heira

"A-Ako?"tanong ko habang nakaturo pa sa sarili

"Oo."

"Heartnelle Zerin Santori. Bakit?"

"Anong bakit? Hahaha! Nag volunteer kang maging muse diba?"sabi niya

"Ha? Ako? Nag volunteer? Kailan?"takang tanong ko

"Nakataas yung kamay mo eh nung nag tanong ako kung sinong gustong mag volunteer maging muse."

"Huh? Hindi ah! Tsaka bakit volunteer? Diba nominate nominate yan?"tanong ko

"Nag jojoke lang sana ako eh pero nag taas ka ng kamay. Gusto mo ba?"sabi niya sabay ngiti

"Hindi! Hindi! Sorry ipagpatuloy mo na."sabi ko at umupo na

"So sinong gusto mag nominate para sa muse?"

Nag taasan na silang kamay.

Kaso may narinig akong hindi maganda.

"I nominate Heartnelle Zerin Santori for muse."sabi numg kung sino

Sino yon?!

"Ate Heart tayo ka na hindi ka na makakatanggi."sabi ni Hen

Tumayo nalang ako.

Bwiset naman sino ba yun?!

Kainis!

"Sino pa mag nonominate?"tanong uli ni Heira

Pero walang nag taas ng kamay

WAAAAH! Trip ba nila ako?!

"So si miss Heartnelle na ang muse natin?"-Heira

"Oo!"sagot nila

"Hala! Iba nalang! Wag ako!"sabi ko

"Sorry Miss Heartnelle bawal na tumanggi lalo na at yun ang gusto ng buong club members."sabi ni Heira at niyaya ako papunta sa harap

Huhuhuhu!

Lumapit nalang ako dun.

Bwiset bwiset bwiset!

Ayoko maging muse!

Badtrip talaga tong araw na to!

"Last one na. Any nomination for escort?"

"I nominate Lay Hwall Gutierrez "

"Wala nang mag nonominate?"tanong ni Heira nung wala nang nakataas ang kamay

"So si Mister Lay Hwall ang ating Escort."sabi ni Heira

Tumayo naman yung Lay Hwall tas pumunta narin sa harap.

Wala kong pakialam basta ang gusto ko makaalis na ko sa lugar na to.

Huhuhuhu nakakabadtrip talaga!

"Mag papakilala na kami isa isa."sabi ni Heira

"I'm Heira Sanchez. Grade 10-Hope. Under the good supervision of Sir Yuri Ray."

Nag pakilala narin yung iba pang officer hanggang makaabot sakin

Bwiset talaga huhuhu!

"Heartnelle Zerin Santori. Grade 10-Love. Under the good supervision of Ma'am Giphy Salvador."

"I'm Lay Hwall Gutierrez. Grade 10-Hope. Under the good supervision of Sir Yuri Ray."

Pagkatapos nun pinaupo na kaming lahat ni Ma'am Reyes.

"So bago kayo umalis sa club room. Kaunting announcement lang, para sa officers ng Science club. Magkakaroon kayo ng tshirt. Hindi na kayo ang pipili ng kulay dahil baka daw magkaparepareho ang mga ibang club kung kayo pa ang pipili ng color. Kaya ang inassign na color satin ay Pink."sabi ni Ma'am Reyes

Nabuhayan naman ako ng loob! Yehey! Pink! Favorite ko yun!

"Nuy! Ano yun! Pano naman kaming mga lalake?"reklamo ng mga lalaki

"Bakit officer ba kayo para magreklamo? Ang sabi ko officer lang ang magkakaroon ng tshirt. At kulay pink yun. Wala namang naangal sa mga lalaking officer diba?"tanong ni Ma'am Reyes

"Wala po."sagot nung mga officer na lalaki

"Good. Now pwede na kayong lumabas. Dumiretso sa gymnasium para mag palista sa clubs na para sa extracurricular activity niyo."sabi ni Ma'am at lumabas na

"Nice ate! Muse!"sabi ni Hen

"Anong nice don?! Kaltukan ko kayong dalawa ni Ven eh!"

"Luh bakit ako damay ate Heart?"tanong ni Ven

"Aba bakit hindi niyo ko tinulungan kanina? Ayoko maging muse noh!"inis na sabi ko

Badtrip talaga huhuhu!

"Eh bawal na nga daw umangal ate eh tsaka okay lang yan! Muse lang naman! Wala ka namang gagawing mabigat jan."sabi ni Hendrick

Kahit na!

Kainis.

Nag lakad na kami papuntang gymnasium

Nakita naman namin sila Rai kaya lumapit kami.

Nandito na sila lahat.

"Uupo muna ulit tayo grade 7 at 8 muna eh."sabi ni Twinnie

Pabagsak naman akong umupo sa upuan ng gymnasium at nakalimutan kong matigas nga pala yun.

Aww. Ang sakit!

Bwiset!

Nakaka badtrip talaga tong araw na to!

Kailan ba to matatapos?!

"Guys may balita ako sa inyo! Alam niyo ba muse si ate Heart sa science club!"sabi ni Hen

Aba bwiset to pinag kalat pa! Hindi nakaka proud yun!

"Eh? Talaga ba? Baka nag jojoke ka lang Hendrick? Si ate muse? Asa!"sabi ni Hearx

Eh kung kaltukan ko kaya siya?

Badtrip ako wag niya kong inaano diyan.

"Ate! Muse ka? Hindi nga? Maganda ka ba? Saan banda? Malabo ata mata nung nag nominate sayo."sabi ni Hearx

Aba bwiset to ah!

Inambaan ko siya ng sapak dahil katabi ko lang siya.

"Walang sakitan ate! Sumbong kita kay mama eh!"

"Manahimik ka nalang Rai naririndi ako sayo!"inis na sabi ko

"Tapoalam niyo ba nagtaas ng kamay si ate Hart nung tinanong nung president kung sinong gusto mag volunteer maging muse."kwento pa ni Hendrick

Bakit ba ang daldal niya ngayon?!

"Woah! Talaga?! Ginawa ni Heart yon? Hindi nga?"tanong ni Light

"Hindi kasi ganito yu----"mageexplain palang sana ako kaso dumaldal nanaman si Hendrick

"Oo! Tapos nung tinanong na siya biglang binawi. Ayaw niya daw maging muse. Ano kaya yun noh?"

"Eh pano siya naging muse?"tanong ni Ali

"Ninominate siya ng kung sino! Tapos wala siyang nakalaban siya lang ang ninominate eh."sabi ni Hen

"Ah kaya naman pala naging muse si ate. Wala palang kalaban. For sure kung may nakalaban siya. Siya pinaka onting boto hays."sabi ni Rairai

Kaya this time piningot ko na ang tainga niya.

"A-Aaaawww! Sakittt ateee!"

Bwiset! Nilait daw ba ako!

"Hindi ah! Boto kasi lahat kay Ate Heart kaya wala nang ibang ninominate."sabi ni Ven

"Ay ganun? Anong pinakain mo sa mga ka club members mo ate para iboto ka nila lahat?"tanong ni Hwayne

Aba nakisali pa siya?!

Lumapit ako sa kanya at piningot rin ang tainga niya.

Wag nila kong pag aaasarin ngayong badtrip ako ha!

"Araaayyy! Time out time out!"sabi ni Hwayne

Binitawan ko na tainga niya at umupo ulit sa upuan ko kanina.

Bwiset.

"Fshie! Kamusta yung escort? Gwapo ba gwapo? Pakilala mo kay Light! Dali dali!"

"Ewan ko fshie! Wala akong pakielam sa kanya! Wag niyo ko kausapin nababadtrip ako!"

Bwiset na muse yan!

Sa dinami rami ng babae sa club namin ako pa talaga napili nila?!

Bwiset kasi bakit ba nakataas kamay ko habang paidlip idlip ako?!

Saka sino ba yung bwiset na nag nominate sakin?!

"jsjsnsismakak."

Nag daldalan na sila pero wala akong pake nabubwisit parin ako.

Naririnig ko pa boses ni Hwayne at Hearx nagpapa yabangan kesyo escort daw sila. Ano naman kung escort sila wala naman silang gagawin don for sure! Puro kaabnormalan lang gagawin niyan.

---Few Minutes Later---

"Tara na. Tayo na mag papalista."yaya ni Twinnie

Pumila na ko sa P.E club ako sasali kasama ko sila Mheyxie, Venus, Ashley, Hearx, Hiro, at Hendrick. Nandito rin pala si Chase.

Nasa harapan ko si Ashley at may kausap siya.

Kausap niya sarili niya.

Ay! Kausap niya yung kamukha niya. Hindi ko kilala kung sino basta mag kamukha sila.

"Ate Heart hehe pakilala ko po sayo ate ko."sabi ni Ashley pagka harap niya sakin

"Hello po! Ikaw po pala yung nakukwento sakin ni Ash na mabait na babae na Heart ang pangalan. Ako po si Ashney Eulice Fuentes. Grade 8 palang po ako. Tumigil po kasi ako ng 2 years for some reason. Pero magiging grade 9 na po ako. Iaaccelerate daw po kasi ako. Nice to meet you po."sabi niya

Ngumiti naman ako.

"Nice to meet you din Ashney! Ako si Heartnelle Zerin Santori."sabi ko at nakipag kamay

Ano kaya pwede kong itawag sa kanila? Para hindi nakakalito?

Ashley.
Ashney.

Ash.
Ash.

Ley.
Ney.

Tama!

"Pwede ko ba kayong tawagin na Ley at Ney?"

"Ley at Ney po?"tanong ni Ashley

"Oo! Ley sayo Ashley at Ney naman sayo Ashney! Hehe! Ayos lang ba?"

"Opo! Nag rereklamo rin po kasi friends namin kasi mag katunog daw pangalan namin tamang tama po yang naisip niyo."sabi ni Ney

Ayowts!

Hehehe!

Hilig ko talaga gumawa ng nicknames o kaya bansag hahaha!

Nasa unahan na pala kami kaya nagsulat na si Ney sumunod naman si Ley.

Teka. Si Squirrel to ah?

Si Squirrel nakaupo sa harap maliit na table na nag sisilbing patungan ng mga papel na listahan ng pangalan.

May katabi siyang babae.

Ang ganda ah!

Ang ganda nung babae tas ang panget ni Squirrel hays.

"Miss ikaw na."sabi nung babaeng maganda

Ay ako ba kausap niya?

Ay ako nga!

"Ay sorry!"sabi ko at sinulat na yung pangalan ko pati grade at section

Pagkatapos ko mag sulat eh inangat ko ulo ko tas inirapan ko muna si Squirrel bago ko lumayas dun.

Stupid pala ha!

Kala niya!

Bumalik na ko sa inuupuan namin kanina.

"Hi!"sabi ni Dasha

"Hello hehe!"sabi ko

"Dasha Leym Gomez. Ikaw si Heartnelle diba? Ikaw ba yung kapatid ni Hearx? Nakukwento ka kasi sakin ni Hy---"

"Ate! Hehe anong pinag uusapan niyo diyan."biglang sulpot naman ni Hylem

"Oo ako nga. Kapatid ko yung abnormal na yun. Hahaha. Hello Lem tapos ka na mag palista?"

"Opo ate."sabi niya tas bumulong sa ate niya na si Dasha tas umalis na

Nukayayun?

"Bumisita na samin dati yun si Hearx napaka kulit nga nun pero nakakatuwa hahaha!"sabi ni Dasha

"Oo kahit ganyan yan hindi ako nag sisising naging kapatid ko siya hahaha. Si Hylem din maloko minsan. Minsan naman matino. Nagkaka hawaan silang lima eh."sabi ko

"Oo natutuwa talaga ko sa pag kakaibigan nil---"

"Hello hello hello! Anong pinag uusapan niyo? Hi Heartnelle!"

"Hello Atasha hahaha!"

Parang mga version 2.0 to nila Ali at Light eh palangiti at may pagka madaldal.

"Anong club ka sumali?"tanong sakin ni Atasha

"P.E ako. Kayo ba?"

"P.E din ako. Sexytary nga pala ko ng P.E club hahaha! Joke."sabi niya sabay ngiti

Tumawa naman ako.

"Ako MUSIC P.I.O. Gusto mo ba ng sampol ng mala anghel kong boses?"sabi naman ni Atasha

"Anong kaganapan ang nangyayari dito?"sabi ni Ali

Nagsisulputan naman silang tatlo nila Mheyxie at Light.

"Wala lang nag geget to know each other kami."sabi ko

Hahaha totoo naman eh.

"Hello! Dasha at Atasha na friend ni Liwanag! Ako si Lalaina Alithia Avenillia maganda!"sabi ni Ali at nag pacute pa

Baliw to.

"Hello hello nice to meet you Lala maganda."sabi ni Dasha

"Ha? Lala? Bakit Lala?! Ang ganda ng pangalan ko bakit Lala ang napili niyong itawag sakin? Please wag ka na dumagdag kay Liwanag! Matatanggap ko pa yung maganda pero yung Lala hindi eh. Call me Ali nalang."sabi ni Ali

"Hahaha sayang naman. Maganda pa naman yung Lala. O sige Ali nalang."

"Hi Ali ako si Atasha maganda."sabi ni Atasha tas nag pacute rin

Luh anong mga trip nila?

"Dasha. Phone mo."sabi ng isang babae na lumapit kay Dasha

"Oh Sailor san mo nakuha to?"tanong ni Dasha

"Inutusan ako nung magaling mong kapatid na ibigay sayo."sabi nung tinawag ni Dasha na Sailor

"Ay oo nga pala pinatago ko muna sa bulsa niya. Nabutas kasi bulsa ng palda ko."

"Pakilala ko nga pala sa inyo si Sailor pinsan namin ni Hylem."sabi ni Dasha

"Hello Sailor saan mo nabili yang medyas mo? Ang ganda eh!"sabi ni Ali at sinipat sipat yung medyas ni Sailor

"Please stop."sabi ni Sailor

"Sensya ka na Ali ayaw niyang nahahawakan masyado eh."sabi ni Dasha

"Ay ganun. Sige sorry sayo Sailor. Sagutin mo nalang tanong ko. Saan ka nakabili niyang medyas mo?"tanong uli ni Ali

"Sa mall."

"Saang Mall?"

"Samahan nalang kita next time. I need to go."sabi ni Sailor at umalis na

"Narinig niyo yun? Sasamahan niya ko bumili ng medyas ko! Yes! Ayos! Madadagdagan nanaman ang mga precious kong medyas!"sabi ni Ali at nag tatalon

"Tignan niyo oh! Ganda ng medyas ko diba? Bear yan!"sabi ni Ali at tinaas pa yung paa niya

Naka pe naman kami ngayon kaya okay lang na itaas niya paa niya.

"Oo na oo na ibaba mo na yan Lala ang baho eh."sabi ni Light

"Anong mabaho?!"

"Ang baho ng paa mo."sabi ni Light at nag simula nang tumakbo dahil alam niyang hahabulin siya ni Ali

Mga baliw.

----

Natapos na ang pag lilista ng pangalan kaya pupunta na kami ngayon sa club room.

Kasama ko yung mag kapatid na Ash, si Dasha, si Aljin, si Mheyxie, si Ven , si Hearx, si Hiro at si Hen.

"Bestfriend! Pansinin mo na ko! Wala naman akong kinakampihan kanina eh! Uyy!"

Hahahaha!

Kanina pa ko kinukulit ni Jin kesyo pansinin ko na daw siya blablablabla hahahaha! Hindi naman ako galit sa kanya eh kay Squirrel lang ako galit. Nadamay lang siya sa pagka badtrip ko kanina kay Squall!

"Hahahahaha! Hindi ako galit sayo bestfriend joke lang yun!"sabi ko

"Ikaw talaga!"sabi niya tas ginulo nanaman buhok ko

"Ayan sige magagalit talaga ko! Isa pang gulo mo sa buhok ko."banta ko sa kanya

"Ay peace! Hindi na promise!"sabi niya tas nanahimik na

"Ayun may puntos na si kuya Aljin."bulong ni Hiro pero rinig ko naman

Wanja bulong nito! Ang lakas!

"Oo nga! Hahabol yan si kuya Squall."bulong rin ni Hearx

"Torpe ata si kuya Squall hanggang patabi tabi nalang kay ate Heart pero hindi niya kayang kausapin."sabi ni Hen

Ewan ko sa inyo tropang H may araw din kayo sakin!

_______

Thanks for reading! ❣️
Don't forget to vote! Lovelots!

_______

AuthoRishT x AuthoRinH

(The Dreamers Series)

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 210 7
A Short Story "Harry I need to tell you something" "Me too" "OK you first" "ME AND NICK ARE GETTING MARRIED!" "O-oh uh t-thats great haha" "So what d...
21.2K 698 21
Marydale Entrata or maymay is an ordinary girl who lived with her aunt. Edward barber is one of the PLB boys means playboy boys and also Marco. what...
16.9M 652K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
19.8K 556 59
15 years before the legendary newsies strike of 1899, a child was born. When he is 18 months old, he is brought to the Manhattan Newsies Lodging Hous...