Rhythm of Life (Varduzco Seri...

By asteraoth

918K 31.2K 26.1K

Varduzco (1/6) There is rhythm even in silence. Rhythm Vita Elvacion is a girl who only wants a complete fami... More

Rhythm of Life
Prologue
First Rhythm
Second Rhythm
Third Rhythm
Fourth Rhythm
Fifth Rhythm
Sixth Rhythm
Seventh Rhythm
Eighth Rhythm
Ninth Rhythm
Tenth Rhythm
Eleventh Rhythm
Twelfth Rhythm
Thirteenth Rhythm
Fourteenth Rhythm
Fifteenth Rhythm
Seventeenth Rhythm
Eighteenth Rhythm
Nineteenth Rhythm
Twentieth Rhythm
Twenty-first Rhythm
Twenty-second Rhythm
Twenty-third Rhythm
Twenty-fourth Rhythm
Twenty-fifth Rhythm
Twenty-sixth Rhythm
Twenty-seventh Rhythm
Twenty-eight Rhythm
Twenty-ninth Rhythm
Thirtieth Rhythm
Epilogue
SC: ONE

Sixteenth Rhythm

22.4K 916 1.1K
By asteraoth

Sixteenth Rhythm

Confession


I'M STARING blankly at the grave of my father as I get a stick of cigarette. Sinindihan ko ito at kaagad na ipinatong sa aking labi para mahigop na ang usok nito. I ran as fast as I could to escape from Ranger. I'm just hoping that he's fine right now.

Napatitig ako sa pangalan ni Papa na nakasulat sa kaniyang puntod. May bulaklak pa na nakalagay dito ngayon, tingin ko ay isa sa mga tagahanga niya ang nagbigay nito.

Well, they don't have any idea on how he took his life on the day of my 17th birthday. His manager together with Mama did everything to cover up his death. Ang naalala ko noon, sabi nila sa medya ay cardiac arrest daw ang nangyari kay Papa. Pinagtakpan nila ang lahat bilang respeto kay Papa at sa pamilya ko.

But I wonder if that's what my father wants to happen. Did he really wants to keep everything private?

Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga alaalang iyon. I was on rehab after that incident because I find it really hard to think properly to the point that I'm no longer eating and sleeping. Every time I'm going to sleep, all I could see was my father's lifeless body. Nakakatakot, nakakatrauma.

Mama took me in so we could live together. Doon kami tumira sa bahay na ipinagawa sa akin ni Papa, my own property. Sa sobrang trauma ko noon ay naging bayolente ako. I would always break things around me. Ang mga kagamitan na nagpapaalala kay Papa ay kinamumuhian ko noon kaya sinisira ko ito. Halos isang taon din bago bumuti ang lagay ko. But up until now, I still have grudges inside me. I don't think I get better nor the rehab was helpful. Lumalim lang ang hinanakit ko sa mga magulang ko kaya naging ganito ako ngayon.

Nang matapos ako sa paninigarilyo ay inihagis ko lang ito sa sahig bago iyon tinapakan. I brushed my wet hair through the use of my slim fingers. It was raining cats and dogs earlier but I'm glad that it stopped already. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako ngayon.

"Why do you have to leave me?" mariin kong nakagat ang pang ibaba kong labi dahil naramdaman ko na naman ang unti-unting pagbagsak ng aking mga luha.

Mama said that Papa raped her and I don't know what to believe anymore! Kung siguro ay noon ko pa nalaman ang nangyari ay baka nagawa ko pa silang kausapin, baka nagawa ko pang itama ang matagal nang mali.

Kung alam ko lang ay baka mas natanggap ko ang galit ni Mama sa akin, nang sa gano'n ay mas maintindihan ko kung bakit siya ganoon sa amin.

I stomped on his grave for a couple of times. "Tell me why do you have to do that, Pa!"

Halo-halo na ang nararamdaman ko sa aking kaloob-looban, hindi na ako mapakali dahil muling umusbong ang galit at pighati na meron ako.

Unti-unti akong bumagsak sa aking kinatatayuan hanggang sa tuluyan na akong napaluhod sa puntod ni Papa. Paulit-ulit ko pa itong hinahampas na para bang may magbabago kapag ipinagpatuloy ko iyon.

I just want to know my father's side and why he did that to himself. Gusto kong malaman kung bakit ganoon ang desisyong ginawa niya kaysa kausapin ako. Makikinig naman ako, a?! I am more than willing to help him ease the pain! I can make him happy, too!

Bakit kinalimutan niyang nandito pa ako?

Maybe the reason why I'm like this is because I can't move on from the pain that my father inflicted inside me. I still can't get over from the fact that he left me like what my mom did. Hindi ko lang talaga siguro matanggap na nagawa niya ang bagay na 'yon.

I cried silently as I pinned my forehead against my father's grave.

Papa, I wish you could tell me the reason why you took away your own life. Sana makausap kitang muli, kahit sandali lang.

MASAKIT ANG ulo ko nang magising ako. Dahan-dahan akong bumangon para tignan kung nasaan ako. I sighed when I saw that I'm inside my room. This is the Varduzco brotthers' house and I'm here again.

Who brought me here?

Hinilot ko ang aking sentido at doon ko lang nakita si Zarina na nakaupo sa upuan malapit sa vanity mirror ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago umiling.

"Pinalitan na kita ng damit, you're so dirty earlier." she rolled her eyes, umakto pa itong nandidiri. "Why did sleep at the cemetery? Are you out of your mind?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon. "Sino ba kasing nagsabi sa'yong bihisan mo ako?"

"Hindi ba dapat nagpapasalamat ka sa'kin?" iritang sagot niya. "You disturbed me and your step-brothers when you went missing! It's not that I'm worried about you but they all did everything to find you!"

"Ano bang pakialam mo?! Hindi ko naman ginusto 'yang mga ginagawa nila kaya bakit parang utang na loob ko pa?!"

Napatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. Lumakad siya papalapit sa akin. "If you have any problem, tell it straight to their faces! Mind your actions, Rhythm. You're not the only one who's affected here."

She went out of my room as she slammed the door. I don't know what's her deal but I don't see any reason for me to say thank you to them. And what will happen if they heard about my problems? Nothing. They won't understand me anyways.

Muli akong humiga sa aking kama at binalot ko ang aking sarili ng kumot. I don't want to go outside because I find it really hard to face them.

I was about to close my eyes when someone entered my room. Hindi ko kaagad nahulaan kung sino ito dahil wala pa namang ibang gumaganito sa akin sa bahay na 'to.

"Hoy!"

Napasimangot ako nang marinig ko ang boses ni Sniper. I haven't heard his voice for a while now so it's really shocking that he's here inside my room, invading my privacy.

"Ano?" tamad kong sagot, nakabalot pa rin sa kumot.

"Stupid." hinila niya ang kumot na nakabalot sa akin na naging dahilan para mairita ako lalo. Hinila ko rin ang kumot mula sa kaniya, pilit itong ibinabalik sa akin.

Napaupo ako sa aking kama, nakikipaghilaan pa rin sa kaniya. "Ano ba, Sniper?! Bakit mo ba ako ginugulo?!"

Kaagad niyang binitiwan ang kumot kaya naman halos tumalsik ako dahil sumakto ang bitiw niya sa paghatak ko.

Nakakairita talaga ang taong 'to!

"Ano bang problema mo, ha?!" I asked irritatingly.

"I'm not going to do this if they didn't ask me to!" tumaas ang garalgal niyang boses. He pinched the tip of my nose and it took me few seconds to stop him from doing it.

"Bwiset ka! Lumayas ka sa harapan ko!"

Sniper sighed heavily. He looked away as he scratched the back of his head. "Just go out in this room and eat with us."

Napahinto ako roon, hindi pa sigurado kung tama ba ang narinig.

Is he asking me to eat with them? I mean, haven't they heard about what happened to me and my mother?

Lumapit si Sniper sa kurtina ng bintana at binuksan iyon. "It's already morning. Last night, Ranger found you at the cemetery and he asked for Kuya Arrow's help. I'm not saying this to make you feel guilty sinasabi ko lang para alam mo."

Muli niya akong binalingan ng tingin. Walang siyang imik pero nanatili lang ang kaniyang tingin. I noticed that he's not shouting today and he's calmer compare before. I prefer him this way, a calm version of Sniper with some touch of arrogance.

"Susunod ako," tanging nasabi ko sabay iwas ng tingin.

Umaga na pala at hindi ko akalaing nakatulog ako sa puntod ni Papa. I don't know how Ranger found me but I'm glad he did. Baka nga tama si Zarina at dapat ko silang pasalamatan dahil kahit papaano ay may nagawa sila para sa akin. I hate to admit that Zarina has a point. Damn it!

Ginulo ko ang buhok ko at hindi ko nagustuhan ang naging amoy ito. I should take a bath first.

"Hurry up!" pagsusungit na naman niya kaya umirap na lang ako.

"Maliligo pa ako!"

"Why? Wala namang aamoy sa'yo ro'n!" aniya sa isang galit na tono na naman.

"Kailangan bang may umamoy sa akin bago maligo ha?! Gawain mo siguro 'yan, ano?!" pang-aasar ko pabalik.

"No way, stupid thick face!" lumakad na lang siya papalabas sa aking silid kaya muli akong binalot ng katahimikan.

Ngumuso ako bago ko napagpasiyahang tumayo. Ayaw ko silang harapin na ganito ang hitsura ko. At least give me some time to clean myself. I've had too much germs when I fell asleep at the cemetery.

That's a bad decision.

Kumuha ako ng damit na susuotin ko bago ako lumabas ng kwarto para makapunta sa elevator. I hate that I have to go through a lot of things before I could reach the main bathroom. Damn! Sana kasi ay may banyo rito sa floor namin para less hassle!

MATAPOS KONG maligo ay binalot ko ang aking buhok ng tuwalya. Saktong paglabas ko sa banyo ay nakita ko kaagad si Ranger na naghihintay sa labas. Hindi kaagad ako nakakilos dahil sa pagkabigla.

Binobosohan niya ba ako? Of course, not! Gosh, Rhythm! You know that Ranger won't do that because you're not that attractive! Kung si Danger ang nakita ko riyan sa labas ay baka nga inisip kong may namboboso sa akin.

"Hi!" he smiled at me. "Feeling better now?"

I nodded my head a bit. "Yeah, thank you."

"Mabuti naman kung gano'n." mas nilawakan niya ang ngiti niya sa akin bago ako tinapik sa balikat. "We're gonna wait for you downstairs."

Tumango ulit ako at pinanuod ang pag-alis niya. Hindi ko alam kung bakit parang ang bagal ng mga pangyayari kapag nakikita ko si Ranger. Habang lumalakad siya papalayo sa akin ay mas bumabagal lang ang lahat.

It's a mystery that he can affect me more than the usual.

Napailing na lang ako at bumaba na rin. Pinupunasan ko ang aking buhok nang sumakay ako sa elevator. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na para bang ang tagal na simula nang huli ko silang nakita't nakasama.

There's nothing special about it, Rhy. You're just going to eat with them.

Bumungad sa akin si Zarina na nakaupo sa sofa. Kaagad niya akong tinarayan at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na lang siya pinansin.

She can hate me all she wants, I don't really care at all. Wala akong matandaang kasalanan ko sa kaniya kaya wala ring dahilan para mabagabag ako sa presensya niya.

I'll tell Arrow to teach his pet properly. Hindi marunong mag-behave, e.

Dumiretso ako sa kusina at nakita ko na nakahanda na ang lahat. Nakaupo na ro'n si Templar sa usual spot niya habang si Cannon ay nagbabasa pa ng dyaryo. Ang tatlong kambal ay nakaupo na rin, samantalang si Arrow naman ay may kinukuha pa sa kusina.

Pumasok si Zarina at umupo sa bakanteng upuan sa bandang kanan. She's now facing Danger and I'm sure that Arrow will sit beside her. Nasa kaliwang bahagi ang kambal pati na rin si Templar. Para maging balanse ay umupo na lang ako sa kabila. I adjusted one space because it will be hard for me to eat if I'm too close to Arrow. I don't want to involve myself with him and his pet, Zarina.

Binaba ni Cannon ang kaniyang dyaryo at napahinto siya nang makita niya ako. Lahat sila ngayon ay sa akin na nakadako ang tingin. Napangiwi ako at napailing.

"Ate..." si Templar.

"Sweetie, are you okay now?" tanong ni Danger na tinanguan ko lang.

"Don't interrogate her too much. Let her have a peace of mind," mariing sabi ni Arrow. Ibinaba niya ang huling putahe ng ulam sa mesa bago umupo sa tabi ni Zarina.

I smiled a bit when he looked at me. "Thank you..." mahinang sabi ko.

Tahimik kaming lahat na kumakain at hindi ako sanay doon. They're usually loud and cheerful every time we're going to eat but today is an exemption. The atmosphere of this room was filled with awkwardness as if they don't want to be judged by someone.

Malalim akong napabuntong-hininga. I don't like this kind of atmosphere. Tingin ko kasi ay ginagawa nila 'to para sa akin. Siguro kasi iniisip nila na may kasalanan sila sa nangyari kahit na wala naman.

I am responsible for all of my actions so they don't have to take the blame.

I was about to say something to make them feel comfortable but then Zarina stole the spotlight to me.

"Seriously, why are you all acting so weird? Hindi ko maintindihan kung bakit kayo ang dapat mag-adjust para sa babaeng 'yan!" she pointed her index finger at me.

"Zarina!" Arrow warned.

"Why? Is there something wrong if we're like this?" si Cannon.

"It's just really weird because she's the one who's clearly at fault here. Alam naman niya ang ginagawa niya, e!" giit pa ni Zarina.

She actually has a point but she delivered the message in a very bad way. She should have choice her words properly as well as maintaining her good tone of voice. Hindi 'yong parang galit at sobrang apektado siya sa sitwasyon.

"Tama na, pwede?" pag-awat ko. "Ayos lang naman ako. You can act like the usual because it won't affect me in any way."

Napahinto silang lahat sa sinabi ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan nang walang nagsalita ni isa sa kanila. Patuloy lang silang maiilang hangga't nandito ako.

I better leave now.

Papaalis na sana ako nang marinig kong tumikhim si Ranger. "Yes, Rhy? Saan ang punta mo?"

Tamad kong nilingon si Ranger na nakangiti lang ngayon sa akin. Si Danger ang unang tumayo sa kanilang lahat, napatakip pa siya sa kaniyang bibig at 'tsaka siya lumapit papunta sa akin. He pulled me for a tight hug as he gave me a peck on my cheeks.

"I'm so worried to you, sweetie! Please don't do that again!" naiiyak niyang sabi.

I pat his head as I let him to hug me even more. Sunod na tumayo si Templar at sapilitang hiniwalay si Danger sa akin.

"You're a meanie, Tempy! Hmp!" sumimangot si Danger at ngumuso na lang sa isang tabi.

Hindi ko maiwasang mapailing sa ginawa niya. Si Templar naman ang sunod na yumakap sa akin.

"Sorry for not doing anything," he whispered.

I just nodded my head. "It's not your fault."

Templar is just an innocent kid who grew up without a mother. I can't blame him if he sees Mama as his own mother as well. Kung tama ang pagkakaalala ko ay siya 'yong binatang lalaking sinundo nina Mama at Tito Rancio noong unang beses ko silang nakita na magkasama.

I'm glad that my mother was able to raise him properly. At least may nagawa siyang tama kahit na ganito ang mga nangyari sa amin.

"Aren't you guys gonna eat? Uubusin ko 'tong lahat!" pagsingit ni Sniper kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Don't fucking look at me like that, morons!"

Sabay-sabay silang natawa at ako naman ay lihim na napangiti.

I guess it's time for me to move on and forget everything that happened in the past, huh? I'll try. Hindi ngayon pero alam kong darating ang araw na magiging maayos din ako.

When that time comes, I hope that I can face everyone with a big smile.

I WENT straight to the garden right after we finished eating. Kahit ilang araw lang ang lumipas ay kaagad akong nanabik sa lugar na 'to. I'll ask Sniper sometime about some tips on how to grow a beautiful plant. Tunay na buhay at maganda ang mga halamang nandito kaya hindi ko rin maiwasang  mamangha.

"Why are you here again?!" narinig ko kaagad ang paepal na boses ni Sniper mula sa aking likuran. Nagtataas na naman siya ng tono kagaya nang lagi niyang ginagawa.

"Wala, bawal ba?"

"Tss," he hissed. Lumapit siya sa isang parte ng mga bulaklak. Those are the asters and I think that it's his favorite one. Mas marami kasi ang tanim niya nito kung ikukumpara sa iba.

"What's with asters?" I asked.

"It's my mom's favorite flower." hinaplos niya ang mga bulaklak. "I don't really remember her face but base on the pictures that we have, there was always an asters beside her."

Napatango ako sa pagkukwento niya. Kalmado lang siya at seryoso ang tingin niya sa mga bulaklak. He was two years old when their mother died and that's too much for a kid to handle. Mama did a great job by not making them feel alone.

Iyon nga lang, ako ang sinakripisyo niya para magawa ang mga bagay na 'yon.

Iniisip ko pa lang na may buo at kompleto akong pamilya ay hindi ko na maiwasang matuwa. I've always wanted to have one but my father taught me to be contented on the things that I currently have. Siguro nga ay hindi para sa akin ang kompletong pamilya ngayong buhay ko, pero sana naman sa susunod na buhay ko ay pwede na.

"I have a confession to make..." biglaang sabi ni Sniper. Bahagyang namula ang kaniyang mga pisngi bago nagpatuloy sa kaniyang sasabihin.

"Ano?" pagsabat ko.

"I'm falling for you," mahinang sabi niya pero malinaw na malinaw ko itong narinig.

Napanganga ako, hindi kaagad nakasagot.

"Hey, say something! I'm really fucking falling for you." lumakad siya sa akin papalapit na siyang naging dahilan para naman mapaatras ako.

What the fuck? Did I hear it right? What's with the sudden confession? What? Ano? Bakit ako? I mean, is he even serious about this?

Tinignan ko si Sniper diretso sa kaniyang mga mata at nang makita kong hindi siya natinag ay doon na ako kinabahan. Ang bilis ng mga pangyayari sa tuwing nandiyan siya, kagaya ngayon.

It's too fast for me and I couldn't think of anything to say!

What should I do? Hindi ba niya naisip na hindi kami pwede? He's my step-brother and I'm not interested on having a relationship with him!

Tangina!

"I-I don't like you, Sniper. Sa kahit anong paraan ay hindi ko maisip na magugustuhan kita," tuloy-tuloy kong sabi.

Nakita ko ang sakit na gumuhit sa kaniyang mga mata na kaagad din namang nawala. He bit his lower lip as he scratched his hair causing it to look like a mess.

Nang hindi siya sumagot ay tatalikuran ko na sana siya dahil ayaw ko nang marinig ang kaniyang mga sasabihin. I've had enough bullshits ever since I was born but this kind of bullshit is different. It will make me feel guilty and over think the whole night because I rejected him!

Wait a minute, why do I have to feel guilty? Hindi ko dapat maramdaman 'yon!

I could hear the rhythm inside me. It feels as if it's becoming one again. Tila nakukumpleto ang mga nawalang parte nito at handa na muling bumalik sa dati.

Putangina! Ano ba 'to?!

"Don't do this to me please," pagmamakaawa niya. Kasunod no'n ang paghawak niya sa aking kamay at kaagad kong naramdaman ang paglapat ng kaniyang labi sa tuktok nito.

Wala sa sarili akong napamura sa aking isipan habang pinipigilang gumawa ng kahit na anong kilos na pwede kong pagsisihan.

Inis ko siyang nilingon.

"Putangina mo naman, Sniper! Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin ngayon?" hindi ko napigilan sabihin.

Hindi niya iyon pinansin. Mas humigpit lang ang hawak niya sa akin.

"Please, don't do this—"

"Sniper!" tawag ko sa kaniya. "Don't do this to me as well. Tumayo ka riyan dahil wala akong panahon sa mga drama mo—"

"Why are you doing this, huh? Why—" pinutol ko ang kaniyang sasabihin.

I threw a punch on his face to make him stop from talking. As much as possible I don't want him to get hurt but he's really trying my patience. Ayaw kong dumating sa puntong magkakasakitan kami dahil lang sa ganitong bagay pero kung ganiyan ang gagawin niya ay mapipilitan akong saktan siya.

Bumagsak siya sa mga damo at nanatiling nakayuko.

I don't even know why he's acting like a stupid now! Ano bang trip nito? Bakit parang naiiyak na siya ngayon at kawawang-kawawa dahil lang sa sinabi ko?

Is he really serious? Putangina?!

"You're a selfish motherfucking asshole!" I shouted as I pulled him closer through the neckline of his shirt.  "Can't you see the situation we're in, huh?!"

Umusbong ang iritasyon at pag-aalala sa aking dibdib pero hindi ko iyon pinansin. Things are still complicated right now and this is not yet the best situation of our life. Magulo pa ang lahat tapos gaganituhin niya ako?

Nakita ko ang pagdugo ng gilid ng kaniyang labi dahil sa ginawa ko. Mariin akong napapikit dahil sa kulay nito.

I've always hated the smell and color of blood. There's something about it that makes my heart pound fast in a way that I don't really like.

Parang gusto kong masuka.

"What's wrong about loving you? May mali ba—"

"It will never be right for the two of us and you know that!" galit at biglaan kong sabi bago ko siya padabog na binitiwan.

Sa kabila ng aking galit ay nagawa kong kumalma para lisanin na lang ang lugar. He's just confused and bothered about my presence. He can't fall for me because that's bullshit! We can never have something beyond the relationship that we have right now. Nothing more, nothing less.

And besides, I thought he don't like me because I'm stupid? Ano 'tong drama mo ngayon, Sniper?

"I fucking love you!" rinig kong sigaw. Batid kong lumuluha na rin siya pero nagawa ko itong tiisin.

Nanginginig ang aking mga palad at marahas ko itong inikuyom, nagbabakasaling tumigil ito sa panginginig.

"Baby please..."

Fucking baby? What? What's happening here, seriously?

Kung sa ibang pagkakataon ay baka tinanggap ko na ang pagmamahal na ibinibigay niya ngayon sa akin. Kung sana lang ay nakilala ko siya bilang ibang tao ay baka pwede, pero sa buhay na meron kami ngayon, ang salitang pwede ay hindi maaari.

He can't fall for me because we're siblings— a family! I am his step-sister and that's the reason why I can never accept the love that he's giving me!

Bullshit!

Napasapo ako sa aking dibdib habang patuloy na naglakad papalayo.

I wonder if there's still a rhythm inside me.

I'm sure there is because from this moment on, everything's moving on their own. Ramdam ko ang pagiging buo ulit ng mga ito at nakakatakot iyon.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay hinarang na ako ni Ranger. Kasama niya sina Danger at Templar na parehong tumatawa. Cannon is holding a camera on his right hand and he focused it on me.

"What's h-happening here?" nalilito kong tanong.

"It's a prank!" sigaw nina Danger at Templar. Dumating si Arrow na umiiling ngayon habang si Zarina naman ay nakikitawa lang.

"Come on, Rhy. Sniper will never like you because that guy is picky!" sabat ni Zarina na hindi ko pinansin.

So they pranked me? That confession of Sniper was a prank all along? What the fuck?!

Nilingon ko si Sniper na naglalakad na papalapit sa amin. He touched the side of his lips that I punched earlier.

"Don't fucking look at me, stupid! Ang sakit no'n!" aniya pero hindi ko matukoy kung alin ba ang masakit. Ang sinabi ko ba o ang sugat sa labi niya.

"Nakakainis kayo!" iritang sabi ko. Inakbayan ako ni Templar habang si Sniper ay dumiretso kay Arrow. Wala akong mabasang kung ano sa kaniyang mga mata ngayon, wala din siyang sinasabi na kahit ano sa amin.

Napapikit ako sa kahihiyan. Badtrip na 'yan! What Sniper did earlier was an act! It was scripted but it's weird because I could really feel his sincerity.

Tangina! Ang galing umarte!

"Natalo kasi sa laro namin si Kuya Sniper and Kuya Cannon dared him to do that," ani Templar sa akin pero hindi sapat para maliwanagan ang nararamdaman ko.

Gulat pa rin ako kahit nang binalingan ko ng tingin si Cannon.

"Alam mo, putangina ka!" galit kong sabi kay Cannon. Susugurin ko na sana siya nang humarang si Ranger. Sina Danger at Templar naman ay pinigilan ako papalayo sa kapatid nila.

Damn this twisted brothers! Mga siraulo!

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 75.6K 43
Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap...
1.1M 36.1K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...
7.7M 199K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
4K 548 25
A long time ago a guy fell in love with a girl. He always wrote a letter to her. But days have come that will set them apart from each other.