THE BAD BOYS AND ME

By ANIRAZCC_

301K 8K 1.4K

ON-GOING| Si Cassy ay isang anak ng mayamang si Jackson Perez.Pinapunta siya sa Philippines para tumira sa ma... More

PROLOGUE
CHAPTER 1(Edited)
CHAPTER 2(Edited)
CHAPTER 3(Edited)
CHAPTER 4(EDITED)
CHAPTER 5(Edited)
CHAPTER 6(Edited)
CHAPTER 7(Edited)
CHAPTER 8(Edited)
CHAPTER 9(Edited)
CHAPTER 10(Edited)
CHAPTER 11(Edited)
CHAPTER 12(Edited)
CHAPTER 13(Edited)
CHAPTER 14(Edited)
CHAPTER 15(Edited)
CHAPTER 16(Edited)
CHAPTER 17(Edited)
CHAPTER 18(Edited)
CHAPTER 19(Edited)
CHAPTER 20(Edited)
CHAPTER 21(Edited)
CHAPTER 22(Edited)
CHAPTER 23(Edited)
CHAPTER 24(Edited)
CHAPTER 25(Edited)
CHAPTER 26(Edited)
CHAPTER 27:CASH REVELATION(Edited)
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 28:CASH REVELATION(Edited)
CHAPTER 29(Edited)
CHAPTER 30(Edited)
CHAPTER 31(Edited)
CHAPTER 32(Edited)
CHAPTER 33 (EDITED)
CHAPTER 34(Edited)
CHAPTER 35(Edited)
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39(Edited)
CHAPTER 40 (Edited)
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68

CHAPTER 51

2.9K 92 27
By ANIRAZCC_

CASSY'S POV

"Ouch...ang sakit ng leeg ko.Nangalay ata eh."Sabi ko at hinawakan pa ito.

"Kanina pa kasi tayo nakayuko at sinasagot yung pa-test ni Sir.Ang hirp kaya.Buti nga natapos na eh."Sabi ni Nicole.Tumango naman ako.

"Kaya nga eh.Breaktime na natin.Kain na tayo?"Sabi ko.

"Mmm...tara na."Sabi niya atsaka inayos na namin yung gamit namin at lumabas na.

"Hayy nakapagpahinga rin sa wakas."Nang makasalubong namin sina Adrian.

"Oh? Nakapagrest ba kayo?"Tanong ko nang makasalubong namin sila. Nakauniform na sila.Napansin naman nila kami.

"Yes,Cassy.Nakapagpahinga naman kami.Thanks to your brother at pinagpahinga niya kami pero tuloy ang training ulit bukas."Sagot naman ni Lukas.

"Saan nga pala punta niyo?"Tanong niya pa.

"Ah,sa canteen.Breaktime kasi kaya kakain muna kami ni Nicole bago pumunta sa next class."I said.He nodded.

"Sakto,gutom na rin kami.Pwede ba kaming sumabay sa inyong kumain?"Si Ivan naman ang nagtanong.

"Yeah...sure.Ayos lang."Sabi ko.Bumaling naman sila kay Nicole.

"Won't you mind us joining?"Lukas asked her.

"M-mm yeah sure,ayos lang."Nakangiti at nahihiyang sabi ni Nicole kay Lukas.

"Thank you."Nakangiti ring sabi niya.I think,they look good together.

"I smell something---pumapag-ibig na ata si Lukas."Biro naman ni Adrian.Siniko naman siya sa tagiliran ni Lukas tsaka tinignan ng masama.

"Shut up,you're talking nonsense.Sorry Nicole,don't mind them."Naiilang na tugon ni Lukas.

"N-no,it's fine..."Nahihiyang sabi ni Nicole.

"Halika na nga kayo!"Inis na tugon ni Lukas at nagpaunang lumakad.

"Let's go."Sabi ko sa kanya.Nginitian naman ako ni Nicole.Sumunod na kami sa kanila papuntang canteen.

"Mmm...nagtext si Abby sa akin.Nasa canteen na daw siya at hinihintay tayo."Sabi ni Nicole habang naglalakad kami.

~Canteen~

"OMG!!! SIX ROYALS!!!"

"THEY'RE WITH CASSY!!!"

"OMG!! SANA NANDITO RIN YUNG KAPATID NI CASSY!!"

"MALAS MO WALA EH!! KAPAG NANDITO PA SIYA,FOR SURE HIHIMATAYIN NA AKO HAHAHAHA!!"

"Your brother is so famous.Ang gwapo kasi eh."Natatawang sabi sa akin ni Nicole.

"Hahaha,he's like a heartthrob prince kapag nandito siya sa school." Natatawang tugon ko.

"For sure magkakagulo dito lalo na kung magkasama ang six royals and your brother."Dagdag pa niya.

"Guys!! Dito tayo!!"Napalingon kaming lahat ng mangibabaw ang sigaw ni Abby.

"There she is!"Turo ni Nicole sa left side kung saan nakatayo si Abby habang wini-wave pa ang kanang kamay niya.Lumapit naman kaming lahat sa kanya.

"Bakit andito ka?!"Bungad agad sa kanya ni Alexander.

"Manahimik ka nga! Bumili na ako ng food natin."Sabi naman ni Abby.

"Kailan ka pa nagkapera!?"Sigaw sa kanya ni Alexander.

"Kailan ako nawalan ng pera,aber?! Ito naman,porket mayaman akala niya sa lahat ng tao mahirap na!mayaman ako pero mas mayaman ka lang talaga,gets mo!?"Irap sa kanya ni Abby.

"Napakachildish ng dalawang to! Gutom na kami.Ikaw bumili lahat ng to? Mukhang mahal ah! Ang dami naman ata nito!"Sabi naman ni Ivan habang nakatingin sa mga pagkain na nakahain sa table.

"Hindi ko pera,mag oorder lang sana ako kanina ng bigyan ako ng madaming set ng food ng isang tindera...sabi niya eh sabi daw ng Coach Dale niyo ubusin niyo to lahat ng bumalik ang lakas niyo. Kailangan niyo ng energy dahil mamayang uwian ay baka bumalik ulit kayong lahat sa gym.Binili niya kayong lahat nan.Wala daw magrereklamo.Yun daw ang sabi sa kanya."Kwento ni Abby.

So galing pala kay Kuya lahat ng ito...how sweet of him.

"Sabi mo ikaw bumili?"Sabi ni Alexander.

"Ako nga bumili pero di ko nga pera! Walang kwenta yang utak mo!"Sigaw sa kanya ni Abby.Nagmake face naman si Alexander.

"You mean we're going to eat all of these? Does he know kung gaano karami ito?"Singhal ni Edward.

"Wala nga daw reklamo,bro.Actually,gutom ako kaya kakain ako hanggang mabusog ako!"Sabi naman ni Adrian.

"I'm hungry too."Si Cash at umupo rin.Umupo na kaming lahat at kumain na rin.Halos nasa amin ang lahat ng atensyon ng nasa canteen.Of course kasi nandito ang six royals.Haysst.

"Kanina pa nakatingin yung babaeng yun ah...nawawalan ako ng ganang kumain."Rinig kong sabi ni Abby at nagtuloy ulit sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay nagkwentuhan pa muna kami nilang Abby at Nicole dahil naunang umalis ang six royals at ang ibang teammates dahil kakausapin sila ng morning teachers tungkol sa schedule nila sa basketball pero aattend pa rin daw sila ng afternoon classes.Napag-isipan na naming pumunta na sa next class.

"Guys,punta lang muna ako sa restroom.Mauna na kayo."Sabi ko.

"Ah yeah,hintayin ka na lang namin dun.Hahatid ko lang muna si Nicole sa room niyo tapos pupunta na rin ako sa next class ko.Kita na lang tayo mamaya sa gym."Sabi ni Abby sakin.

"Sure ka bang una na kami?"Tanong sa akin ni Nicole.

"Oo,mabilis lang ako."Sabi ko naman.Tinanguan naman nila ako at umalis na.

Kanina ko pa kasi na-feel na parang masama ang mood ng tyan ko.Hindi ko alam kung kailangan ko pang magbanyo.This is so embarrassing.Papasok pa lang sana ako ng restroom ng may makabangga akong babae.

"Ah!!"Napatumba siya sa sahig.

"Sorry,miss! Are you okay?"Nag aalalang tanong ko at iniabot ang kamay ko.

"N-no...it's fin--"Hindi niya na ituloy ang sasabihin niya nang lingunin niya ako.

"May problema ba?"Takang tanong ko ng makita kong nakatingin lang siya sa akin.

"You look familiar? M-may I ask what's your name?"She asked...taka naman akong tumingin sakanya.Familiar?

"Ah,I'm Cassy...Cassandra Perez."Nagdadalawang isip na sagot ko.Hindi niya tinanggap ang kamay ko at agad siyang tumayo at lumabas ng restroom.

"What..."Taka ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa kumanan na siya.Nang maramdaman kong ang sakit talaga ng tyan ko.

"Awww...ang sakit ng tyan ko.Ano bang nakain ko?masama ba yung nakain ko kanina?"Sabi ko at napahawak sa tyan ko.Ang sakit talaga...pumunta na ako sa isang cubicle paupo pa lang sana ako sa toilet nang may isang babae pumasok ng restroom at may kausap sa telepono.

"What!? Bakit kailangan ako pa? --TCH! why did you do kasi like that to b*tch Cassy!!"Sigaw ng isang babae.Napatakip ako ng bibig ko.Ako ba ang tinutukoy niya?

"Fine.Tutulungan na kita pero kapag ako ang naipit dito,sinasabi ko na sa'yo! Ibubuking kita na ikaw ang may pakana sa lahat! Kanina lang pinag utusan ko yung babaeng bayaran na lagyan ang isa sa mga food nila yung powder na binigay mo sa akin and you're so lucky kasi nakita kong si Cassy ang nakakuha ng food na nalagyan ng powder na binigay mo sa akin! Ewan ko ba kung anong binigay mo sa akin pero baka tumalab mamaya sa kanya."Rinig ko pang sabi ng babae.Halos manginig ako at hindi makagalaw sa pwesto ko.

"Sige na,sige na.I'll hung up now,baka may makahuli pa sa akin dito!"Sabi niya at sa tingin ko binaba niya na ang linya ng telepono niya.

'Sinong nag-utos na palagyan ng ganong bagay ang food namin? Paano na lang kung hindi ako

' S-sinong nag-utos na palagyan ng ganong bagay ang food namin??paano n kung hindi ako ang nakakuha non?anong gagawin ko?'

"He--"Lumabas ako ng cubicle para sana kausapin yung babaeng may kausap sa telepono pero wala na siya...Sino yung babae at sino yung kausap niya? Ang daming tanong sa utak ko ngayon.

"I'm about to vomit..."Agad akong pumasok ng cubicle at napasuka.

"Argh!! Ang sakit ng tyan ko..."Napaupo ako sa sobrang sakit ng tyan ko.Kailangan kong pumunta sa clinic.

Pinilit kong tumayo at maglakad dahil pakiramdam ko ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko.Naglakad ako hanggang sa marating ko ang hallway.Wala na masyadong tao mukhang nagsisimula na ang klase.Kailangan kong makahabol.

"Cassy...papasok ka na?"Napalingon ako sa likod ko nang makita ko si Jake.

"Cassy? Bakit namumutla ka?"Biglang napalitan ang mukha niya ng nag aalala.

"J-jake..."Nabanggit ko na lang at bigla na lang akong napatumba at hindi ko na alam ang susunod na nangyari.

CASH POV

Nakarating na ako sa tapat ng room para umattend ng klase.Kinausap kasi kami ng morning teachers namin na papalapit na ang interhigh kaya kailangan naming magfocus sa practice pero hindi namin pwedeng pabayaan ang studies namin.Kaya gagawa na lang sila ng working sheets at kailangan naming sagutin lahat.

"Cash!!"Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang pangalan ko.Si Josh at hingal na hingal.

"Oh,bakit?"Takang tanong ko habang nakapamulsa.

"Si Cassy! may nangyari sa kanya!"Agad akong kinabahan ng sabihin niya iyon.

"W-what?! Where is she?! Anong nangyari sa kanya?!"Nag aalalang tanong ko.

"Nasa infirmary siya ngayon at walang malay binabantayan siya ni Jake ngayon.Ikaw lang kasi ang alam kong malapit kay coach! Kailangan niyang malaman ito! Hindi ko kasi mahanap sila Ivan eh!"Nag aalalang sabi niya.

"Tsk! Pakisabi sa teacher natin pa-excuse kami ni Cassy...sabihin mong importante.Emergency!pupuntahan ko siya ngayon.Pakisabi na rin kila Lukas." Sabi ko at nagmamadaling tumakbo papuntang infirmary.

Damn it! Anong nangyari kay Cassy?! Bakit niya ako pinag aalala ng ganito!? Bakit hindi ko siya naprotektahan! Stupid!

"Move! Get out of my way!"Inis na sigaw ko at mabilis naman silang tumabi.Saktong nadaan ko sila Ivan.

"Hoy! Saan punta mo! Wag kang magditch ng klase!"Rinig kong sigaw ni Ivan pero hindi ko sila pinansin at nilagpasan ko lang sila at tumakbo pa rin ako.

INFIRMARY...

Nakarating na ako sa infirmary kaya agad akong pumasok sa loob.

"Cash! Nandito ka na rin sa wakas."Si Jake at agad na tumayo.

"Anong nangyari kay Cassy?"Nag aalalang tanong ko at lumapit sa bed kung nasaan si Cassy.Wala siyang malay.Tsk! Nagpapanic ako kapag ganito siya!

"Relax lang,bro...oh,nandyan na pala yung doctor."Sabi ni Jake kaya nilingon ko ang likuran ko.Nilingon ko ulit si Jake.

"Salamat pala,Jake."Sabi ko sa kanya.

"Ayos lang yun...una na ako.Ako ng bahala magsabi tungkol dito.Wag kang mag alala."Sabi niya at tinapik ang balikat ko.Pilit na nginitian ko naman siya.

"Una na muna ako."Sabi niya pa.

"Salamat.Ako ng bahala sa kanya."Sabi ko bago siya lumabas.Bumaling naman ako sa doctor.

"How is she? Kamusta na po siya?"Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Ayos na siya...nagpapahinga na lang siya ngayon.May sintomas siya ng food poisoning.Maaaring nakakain siya ng pagkaing hindi maganda o may mga sangkap na hindi angkop.Mabuti na lang at hindi masyadong marami ang nakain niya at naisuka niya ito.Bibigyan ko siya ng gamot kapag nagising na siya."Paliwanag ng doctor.Tinanguan ko naman siya.

"T-thanks doc...I'll take care of her."Sabi ko naman.Bumaling ako kay Cassy na nakahiga sa bed.Hinila ko ang isang upuan palapit sa higaan ni Cassy.

"Tsk! I'm so worried about you...thank God at hindi malala."Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Cassy at yumuko.

"Kung sino man ang nasa likod ng nangyaring to.I'll make them pay for what they did to you."Seryosong sabi ko habang nakayuko.Nakaramdam ako ng galit.Lahat ng nagtratrabaho sa counter at kusina...papaimbestigahan ko.

Dinial ko ang number ni Coach Dale.

"Hello? What's up? Napatawag ka?"Sagot niya.

"Coach.Pumunta ka sa infirmary dito sa school...nasa infirmary kami ni Cassy."Sabi ko at napabuntong hininga.

"What?! What happened?! Pupunta na ako dyan,wait me there!"Sabi niya at ibinaba ang telepono.

CASSY'S POV

Nasan ako? Argh...ang sakit ng ulo ko.

"Where am I---"Nabaling ang paningin ko sa gilid ng bed ko nang mapansin kong may isang lalaking nakayuko at hawak ang kamay ko.Is that kuya?

Hinawi ko ang bangs niya at nabigla ako nang makita ko ang mukha ni Cash.Si Cash?Siya ba ang nagdala sa akin dito? Binantayan niya ako?

"Hmm..."Napansin kong gumalaw siya onti.Nahihirapan siyang nakayukong matulog habang hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Cash..."Tawag ko sa kanya.Dahan dahan niya naman iminulat ang mata niya at nilingon ako.Mabilis siyang tumayo.

"C-Cassy,ayos ka na ba? May masakit pa ba sa'yo? May lagnat ka ba?"Sunod sunod na tanong niya at nilinga linga ang buong infirmary.Nasa infirmary pala ako.

"Tsk! Where the hell is that doctor?"Inis na sabi niya.

"Cash,ayos lang ako...hey."Sabi ko at pinaupo ulit siya.Inis naman siyang umupo at nag iwas ng tingin pero nandun pa rin ang pag aalala niya.

"Salamat pala...ikaw yung nagbantay sa akin."Sabi ko.Hindi niya napapansin na hawak niya pa rin ang kamay ko.

"You made me worried."Hindi pa rin nakatingin na sabi niya.Why is he so cute?

"I'm sorry..."Sabi ko naman.Nang maalala ko yung narinig ko sa restroom.Napadiin yung hawak ko sa kamay niya.

"Wag ka munang papasok bukas."Sabi niya sakin.Nilingon ko naman siya.Seryoso yung ekpresyon niya.

"Ayos na ak--"Di ko naituloy ang sasabihin ko.Nagulat ako nang makita kong nangingilid ang luha sa mata niya.Nag iwas na naman siya ng tingin.

"Are you..."Napangiti ako ng makita kong nagpipigil siya sa pagpatak ng luha niya.Agad niyang pinunasan ang luha niya.

"Just listen to me.Yun rin ang sasabihin ng Kuya mo.Magpahinga ka."Sabi niya ulit.

"A-all right...ano daw nangyari sa akin?"I asked.Di siya umimik.

"Cassy,I'm going to protect you."Nabigla ako sa sinabi niya at di nakapagsalita.

"I'll protect you no matter what."Sabi niya.Seryoso and sincere na aniya.

"A-ahm..."Nabigla talaga ako.Anong sasabihin ko? Nailang ako bigla.

"S-sorry."Sabi niya at napahawak sa batok niya.Finally binitawan niya na yung kamay ko.

Nang maalala ko ang narinig kong usapan sa restroom tungkol sa akin.Should I tell him?

"C-Cassy!!"Napalingon kami pareho ni Cash sa may pintuan ng dumating si Kuya.

"Kuya..."Agad na tumakbo palapit sa akin si kuya at niyakap ako.

"What happened to you?!"Nag aalalang tanong sa akin ni Kuya at siniyasat ang buong mukha ko.Hinawakan niya pa ang noo ko kung may lagnat ako.

"Hey Cash,halika dito...mag usap tayo."Sabi niya at inakbayan si Cash palabas ng infirmary.Ano namang pag uusapan nila?

DALE'S POV

Lumabas kami ni Cash ng infirmary.

"Ano daw nangyari kay Cassy?"Kunot noong tanong ko.

"Food poisoning...may hindi daw magandang nakain si Cassy buti na lang daw at onti lang ang nakain niya at naisuka niya rin daw yung iba."Aniya at sumandal sa pader at nagcross arm.

"Tell her na wag siyang magpaalala ng tao.Halos maatake na ako kanina ng malaman kong may nangyari sa kanya."Seryosong aniya at bumuntong hininga.Nilingon ko naman siya ng kunot noo.

'Why do I feel na...he likes my sister?'

"Do you like Cassy?"Prangkang tanong ko.Di naman siya umimik at napansin kong napalunok siya.

"A-ah...if you need anything,just call me.Una na a-ako...see you later."Kabadong aniya at paalis na sana pero pinigilan ko.

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko."Sabi ko at nagcross arm na nakatingin sa kanya.

"H-how should I explain this..."Kamot ulong aniya.

"COAACCHHHH!!!!"Pareho kaming napalingon ni Cash sa likuran niya ng may sumigaw.

"Si Cassy!? Nasaan?!"Nandito sila Ivan.

"Nasa loob ng infirmary---"Agad niyang naitulak si Cash at nagmamadaling pumasok sa loob ng infirmary.

Hey,hey...don't tell me--isa rin ito?

Sinundan namin siyang pumasok sa loob ng infirmary.

"Cassy!!!"Sigaw ni Ivan.Mukhang isip bata.

"Tss...childish."Rinig kong bulong ni Cash.

"Ivan...guys--hmph!"Nagulat rin ako nang yakapin niya si Cassy.Sinong nagsabi sa ugok na ito na pwede niyang yakap yakapin ang kapatid ko basta na lang?!

"Alam mo ba ang ginagawa mo? Sinong nagsabing pwede mong yakapin na lang basta ang kapatid ko?"Seryosong sabi ko at binigyan siya ng killing glare.

Matuto kang mamatay sa tingin...

"A-ah hehehe,sorry na eto naman eh.Nag aalala lang ako."Sabi nito at nilingon si Cash.

"Hoy,bakit hindi mo agad sinabi sa akin kaninang nadaanan mo kami na may nangyari kay Cassy?makasarili ka na?"Sabi niya kay Cash.

"Mas inuna kong puntahan siya kesa sabihin pa sa'yo...besides sinabi ko naman kay Josh na ipaalam sa inyo to.Hindi naman kayo agad nakapunta dito."Seryosong aniya.

"H-hey...ano ba kayong dalawa,ayos na ako."Si Cassy naman.

"Kahit na! Alam mo bang hindi kami makapunta dito kasi ayaw kaming palabasin ng teacher!!"Sigaw ni Ivan.

"Okay,okay...awat na,awat na."Singit naman ni Adrian.

"Napakaisip bata ng dalawang to."Sabi naman ni Alexander.

"So,kasalanan ko ba kung hindi kayo pinalabas?"Pigil inis na usal ni Cash.Sinamaan naman siya ng tingin ni Ivan.

"Cassy,how are you feeling?"Lukas asked.

"I'm fine now.Hindi naman na sumasakit yung tyan ko."Sabi naman ni Cassy.

"Cassyyy!!"May bago na namang dumating.Si Ms. Manager at isa pang babae.

"A-Abby? N-Nicole?"

"Sinasabi ko na nga ba at may mangyayari sa'yo kapag mag isa ka lang eh!"Si Ms. Manager.

"Ayos ka na ba?"Nag aalalang tanong naman ng isang babae.I think her name is Nicole.

"Mmm...medyo ayos na.Pahinga na lang ito okay na ako."Nakangiting aniya.

"Di muna tuloy ang practice natin ngayon.Kailangan kong iuwi si Cassy para makapagpahinga muna siya."
Sabi ko naman.Nilingon naman nila ako.

"Mmm...mas mabuting iuwi mo muna siya,ituloy na lang natin bukas ang practice."Sabi ni Lukas.

"Unahin mo na lang muna si Cassy."Sabi naman ni Adrian.

"Kaya naman naming magpractice ng sarili namin hanggang hindi pa natutuloy ang practice."Sabi naman ni Ivan.Bumaling naman ako kay Lukas.

"Mabuti kung ganon.Lukas,kung sakaling wala pa ako bukas...ikaw ng bahala muna sa team.Kapag ayos na si Cassy babalik ako."Sabi ko sa kanya.

"Leave it to me.Ako ng bahala sa team habang wala ka pa."Sabi niya naman kaya tinanguan ko siya.

Kinausap ko muna ang doctor kung makakauwi na kami ang sabi niya ay pwede naman daw pero kapag may sakit kay Cassy ulit mas mabuting sa hospital na kami magpacheck up para sigurado.

PARKING LOT

"Mauuna na kami...mag ingat kayo."Sabi ko sa kanila.

"Yeah.Kayo rin."Sabi ni Lukas.

"Pagaling ka,Cassy..."Baling ni Abby at Nicole sa kanya at yumakap pa.

"Thank you."Sabi naman ni Cassy.

"Ingat,ingat.Siguraduhin niyong magprapractice kayo.Sinasabi ko sa inyo malilintikan kayo sa akin kapag nalaman ko kay Lukas na wala kayong ginagawa at subukan niyo lang talagang magcutting sa klase niyo susugurin ko kayo sa bahay niyo."Kunyaring banta ko  pa sa kanila.

"Coach naman,makabanta naman to."Kamot ulong sabi nila Ivan.

"Siya,sige na! Una na kami!"Sabi ko pa at kami pinagbuksan ng pinto ni Rider.

"Ingat kayo."Pahabol pa nila bago kami makapasok ni Cassy sa kotse.Binaba ko ang bintana ko at tinanguan sila.

"Kuya,papasok ako bukas ah."Sabi ni Cassy.

"No.Magpapahinga ka sa bahay dahil kapag nalaman na naman ni Dad na may nangyari sa'yo...pareho tayong mapapauwi sa Australia."Seryosong sabi ko.

"Hindi mo sasabihin kay dad ang tungkol dito?"She asked.

"Mmm...maraming problema at ginagawa ngayon si Dad kaya hindi ko siya pwedeng pag alalahanin pa.Alam mong kapag tungkol sa'yo ang nangyayari halos maatake na yun."Sabi ko pa.

"I feel bad for dad...andami niyang ginagawa.Sobrang busy na siya kahit na nandito siya sa Pilipinas."Malungkot na sabi ni Cassy.Hinawakan ko naman ang ulo niya.

"Don't worry.Malakas si Dad kaya dapat magpalakas ka din tsaka ano bang nangyari sa'yo? May hindi ka ba magandang nakain?"Nag aalalang tanong ko.Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

'Is something wrong...parang may tinatago siya sakin...'

"Kuya,I'm not going to lie to you.Kanina kasi sa restroom...sa sobrang sakit ng tyan ko at nasusuka ako kinailangan kong pumunta dun.Then..."Aabi niya na parang nagdadalawang isip pang ituloy ang sasabihin niya.

"Cassy,kung may alam ka,tell me everything."Sabi ko sa kanya.Bumuntong hininga naman siya.

"Di ko naman sinasadyang makinig sa usapan pero kasi...tungkol sa akin yun at may kinalaman sa nangyari sa akin ang pinag usapan nila."Sabi niya.Nabigla naman ako sa sinabi niya at napakunot ang noo ko.

"W-What did you say?!"Galit na tanong ko.

"K-kuya kasi...sinadya yung nangyari sa akin.Kung hindi ako nagkakamali,isa sa mga pagkain ang nalagyan ng powder na nagdulot ng food poisoning at nagkataong ako ang nakakuha nun kaya ito ang nangyari sa akin."Nanginginig na kwento niya at napapaluha.Wala akong nagawa kundi yakapin siya.

"I can't believe this! Sinong gumawa sa'yo nito!!pagbabayaran niya to!!"Galit na galit na sigaw ko.Nagtuloy ang pagpatak ng luha niya.

"Don't worry,Cassy.I'll make them pay for this! Di sila makakatakas sa ginawa nila sa'yo!!"

'Maling tao ang kinakalaban niyo!!kapag nalaman ko kung sino sainyo ang may pakana nito...lalo kana Allisa, pagbabayaran mo to!'

To Be Continue....

Continue Reading

You'll Also Like

118K 1.5K 49
Well i mean its just imagines of walker sooooo Also request are open so if you want one just let me know!
529K 2K 62
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
194K 7.4K 53
- Sequel to Only on camera - In which, They both question if they will ever find their way back to each other
289K 7.2K 103
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #1- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...