Beautiful Disaster

By -QueenLi

695K 2.2K 100

He is the Jacob Rye Lucre, vocalist ng sikat na banda sa buong bansa, Falling in love with him and with his m... More

Prolouge
My Strength
Punta Fuego
Wound
Like
Autograph
Always
Trust
Concert
After Party
Complicated
Right time
A girl can dream
False hope
Brother

Private

20.6K 139 8
By -QueenLi

Mabilis kumalat sa media ang mga pictures ni Jacob sa Punta Fuego kung saan may yakap siyang babae sa tapat ng kanyang sasakyan.

Hindi kita ang mukha ko dahil sa yakap ni Jacob. Habang tinitingnan ko ang pictures na nagkalat sa social media ay takot at mangha ang naramdaman ko.

Takot dahil sa mga nagseselos niyang mga fans na pilit inaalam ang babae sa larawan. Mangha dahil sa sobrang ganda ng kuha ay para talaga kaming magka-sintahan na magkayakap sa gitna ng gabi.

Jacob never comment about the issue. Magaling niyang naiiwasan ang mga tanong ng reporters.

"I can't believe you!" Bungad sakin ni isang araw ni Jane ng pag buksan ko siya ng pintuan. Tinapat niya sa akin ang cellphone niya na may larawan namin ni Jacob.

Gulantang ako sa kanyang ipinakita.

"This is you! That's your clothes in Punta Fuego! I swear to god!" Nilagpasan niya ako at pumasok sa loob. Muli niya akong hinarap.

"Wait a minute... sa school, ikaw din ang pakay niya hindi ba?" Aniya

Pailing pa lang ako ay may kasunod na siyang tanong

"Tell me honestly, secret girlfriend ka ba ni Jacob Lucre?"

"No! Hindi ko siya boyfriend." Finally ay nakasagot ako.

"Then, what's the meaning of those events? Seems like he's following you around! Please enlighten me." Pabagsak siyang na-upo sa sofa at humalukipkip.

Huminga ako ng malalim at na-upo rin sa kanyang harapan. The reason why I did not tell her this, is because I thought no one will know that I exist, the girl who owns the ring hanging on the chest of the famous Jacob Rye Lucre. Pero nahanap niya ako.

I tell everything to Jane that day, at halos hindi siya makapaniwala sa narinig, kung sa ibang pagkakataon ay iisipin kong hindi siya naniniwala.

It's a whirlwind emotions I felt that week dahil sa usap-usapan sa media and it's almost hard to take. It was like a nightmare that turned into fantasy.

Ang nalaman ko sa Punta Fuego tungkol kay Auntie, at ang biglang pag-sulpot ni Jacob. I'm not even sure if that's a reality..

Ang kawalan ko ng cellphone ay dahilan ng pag-aalala ni Auntie kaya nandito ako ngayon sa mall malapit sa aking condo para bumili.

Ang maliit na cellphone na may matigas na keypads ang napili ko dahil mura lang, at yun lang ang abot ng aking budget.

Nakabili na rin ako ng sim card. Sa mall kung saan ako bumili ay nadaanan ko ang isang poster na nagsasabi na ibinebenta na ang tickets para sa nalalapit na concert ng The Chase.

All of them wearing black shirts in that poster, in retro vintage red bricks wall as backdrop.

Si whayne nasa kanan nakasandal sa wall nakatingin sa langit ng nakapikit, si James nasa kaliwa, nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa, nakatingin sa gilid at kita ang earing niyang cross.

Si Nate at Jacob ay nasa gitna, Nate holding a guitar habang ang isang paa ay nakasandal sa brick wall, then there's Jacob naka-upo sa sahig, ang isang tuhod ay naka-taas at naka-patong ang isang braso doon.

Siya lang ang nakatingin sa camera ng kunan ito. His stone cold eyes gives me chill.

Huminga ako ng malalim, sana maka-ipon agad at makabili ako ng ticket. Kinuha ko ang bago kong cellphone at tinawagan na lamang si Auntie para ibalitang may cellphone na ulit ako at malaman niya ang aking bagong numero.

"Mabuti naman at nakabili ka na, Ipadadala ko ang pera ngayon sa account mo para hindi mabawasan ang allowance mo."

"Auntie.. hindi na, may ipon naman ako, hindi mababawasan ang allowance." Sabi ko sa mababang boses

Sariwa pa sa isip ko ang nasaksihan na away nila ni Uncle, bumalot muli ang awa ko kay Auntie Noemi, palaging ako ang iniisip niya, totoo bang halos masira ang marraige niya dahil sakin? And worst.. nalaglag ang bata na dinadala niya?

"Ikaw Auntie? Kamusta ka po?" Nasasaktan kong tanong. After all ito lang ang kaya kong gawin, ang kamustahin siya.

"Maayos ako dito Tasha, ang isipin mo ay sarili mo." Agad niyang sagot. Tulad ng lagi niyang sinasabi.

Wala na akong hinangad pa kung hindi bumilis ang panahon at makatapos na ako. Para hindi na niya ako intindihin pa. At mag-simula na siyang isipin ang sarili niya at si Uncle.

Nag-simula na ang part time ko sa Chapters at tulad ng dati ay marami paring customers doon, karamihan ay ang mga students na may summer class, at mga professors.

Naging busy si Jane sa kung anong bagay, pero di natatapos ang linggo ng di siya pumunta sa Chapters para mag kape.

"Same order po ba Ms. Jane?" Tanong ni Rix ng nasa counter na ang kaibigan ko.

"Yes Rix, please." Jane flash a very beautiful smile at kinuha ang pera sa wallet inabot kay Rix, namumula ang mukha ni Rix ng kunin iyon at hindi makatingin kay Jane.

Pumasok ako sa aming locker room at naabutang mapang-akit na nakangiti si Thea kay Tam na agad ding nawala ng makita ako.

"Tasha, sorry! Natagalan ako mag bihis. Sige mag break ka na, palabas na rin ako."

Nagmamadaling binuhol ni Tam ang kanyang black na apron. Kita ko kung pano padabog na binuksan ni Thea ang kanyang face powder at nag-pahid sa mukha.

"Okay lang, mag-papaalam lang ako kay Thea na sa book lounge area ako mag break, sa table ng kaibigan ko." Sagot ko. Tumango naman agad si Tam at lumabas na. Right after lumabas si Tam ay binugahan na ako ni Thea.

"Kailangan pa ba ipaalam yan everytime na darating kaibigan mo? Next time wag ka na mag-paalam! Istorbo ka eh." Pabulong ang huling sinabi niya habang patuloy na nagpa-powder, pero narinig ko parin iyon.

Pinigilan kong malaglag ang panga at huminga na lang ng malalim. Ayaw ko ng patulan pa siya, dalawa lang kaming babae dito sa Chapters pero hindi kami magka-sundo, she's very distant at ayaw niyang malapit ako kay Tam.

"Mag break na ako." Sabi ko at umalis na ako at tinalikuran na siya. Pumunta ako sa counter at ginawa ko ang aking kape na libre tuwing break time. Pinuntahan ko na si Jane.

"Ano to?" Nakatingin ako sa isang maliit na itim na ticket na inabot niya sa akin. Tanging barcode lang ang mayron doon at wala ng iba.

"That's an exclusive party, samahan mo ako." Humalakhak siya habang sinasabi iyon.

"Party ng?" Kunot noo kong tanong habang hawak parin ang ticket.

"That's a surprise, at hindi ka pwede tumanggi." Aniya

Nanliit ang mga mata ko at walang tiwala siyang tinignan.

"What? That's an exclusive party, hindi yan kasing ingay ng iniisip mo, kalma." Natatawang niyang sabi ng mabasa ang iniisip ko.

"Kailan ito?" Tanong at ininom ang lumalamig ko ng kape.

"Week after next." Kibit balikat niyang sagot at sisipsip na sana sa frappe niya. Natigil ako sa pag inom at nanlaki ang mata ko.

"When exactly?"

"It's on Saturday, definitely not on the day of the concert." Mapanukso niyang sagot.

Nagkatinginan kaming dalawa, at naalala ang eksena sa Panawa Cove, naroon si Whayne, may kasamang babae at hindi siya masaya doon.

"Manonood ka rin ba?" Agad nawala ang ngiti niya at hinalo halo ng straw ang kanyang frappe.

"Huh?" Walang interes niyang tanong

"Hindi ba ay gusto mo si Whayne?" Walang filter kong tanong. Tumigil siya sa paghalo at pailalim akong tiningnan.

"That's the point. I might kill someone who will call his name on that event! That's the reason I never come." Halos pabulong ang mga huli niyang sinabi.

Kumunot ang noo ko at kinagat ang labi pata mapigilan ang pag tawa. Hindi ko alam na ganiyan siya ka possessive.

"What?!" Pinanlakihan niya ako ng mata, at hindi ko ka napigil pa ang tawa.

Naging madalas ang pagtawag sa akin ni Auntie upang kamustahin ako. Sinabi niya rin ang araw ng kanyang pagbisita sa akin sa Maynila. At sumang-ayon naman ako sa kanyang mga plano sa araw na iyon.

Marami mang bumabagabag sa akin ay hindi ko iyon ipinahalata. Kung sa tingin ni Auntie na hindi pa oras na malaman ko ang lahat ay matatanggap ko, pero hindi ko mapapangako na hindi ko hahanapin ang mga kasagutan.

Isa-isa kong ibinalik sa shelf ang ilang libro na naiwan sa lamesa na binasa ng mga customer habang nagkakape. Kitang kita ang sikat ng araw sa labas mula sa floor to ceiling window ng Cafe. Alas- tres na ng hapon at isang oras nalang ay tapos na ang aking shift.

"Ako na yan Tasha." Marahang kinuha ni Tam ang mga libro na nakayakap sa isa kong braso.

"Kaya ko naman Tam, pero salamat na din." Sa bilis ang pagkuha niya kaya hindi na ako nakatangi.

Kapag ganito ako na. Mabigat to para sayo." Nakangiti at nahihiya niyang sabi sa akin.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti din, agad siyang umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa pagbalik ng libro.

"Mas mabigat pa diyan ang mga libro ko sa school." Dagdag ko. Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago muling nagpatuloy sa ginagawa.

"Kung ganoon, dapat pala kitang ihatid at sundo sa school mo, para di ka magbuhat ng mabigat."

Hindi niya ako tiningnan habang sinasabi yun, patuloy lang niyang inaayos ang mga libro sa shelf habang ako ay gulat na nakatingin sa kanyang mga sinabi.

"Uh.." I am lost for words.

Binalingan niya ako at nahihiyang ngumiti. Sa sikat ng araw ay nagreflect ang mga mata niyang itim na itim, matangos ang ilong at ang kayumanggi niyang kulay ay mas lalong nagdepina ng pagiging lalaki niya.

He's a senior in other university near mine. Ang alam ko ay Engineering ang kanyang kurso at maraming babae ang may gusto rin sa kanya.

Sabi nila ay gusto daw niya ako, pero sa tingin ko ay hindi naman. Sadyang magalang lamang siya sa mga babae at alam kong ginagawa niya rin ang mga bagay na ito sa iba.

"P-pwede ba kitang maayang kumain sa labas?" Maingat niya tanong.

"Uh.." Still don't know what to say.

Natagalan sa pagsagot kaya inunahan na niya ako.

"O-okay lang kung, kung ayaw mo, masyado akong naging mabilis."

Kinamot niya ang kanyang batok. Since mag start ako sa Chapters ay naging mabait na sa akin si Tam, at halos siya ang nagturo sa akin ng lahat. Parang ang sama ko kung hindi ko siya paunlakan.

"Tam! Patulong please!" Sabay kaming napatingin kay Thea na halos sumigaw sa pag tawag.

Marahan siyang tumango sa akin bilang pag excuse. Paalis na siya ng sumagot ako.

"P-pwede ako sa sabado."

Nalaglag ang kanyang panga at hindi malapaniwala akong tinignan.

"Saturday then." Masaya niyang sabi at Pinuntahan na niya si Thea sa counter.

Isa-isa kong inayos ang mga libro at sinigurong pantay pantay ang pagkakalagay noon at inayos mula sa malaki hanggang maliliit na libro.

Abala ako sa aking ginagawa ng mapukaw ng pansin ko ang isang pulang sasakyan sa kabilang bahagi ng Cafe.

Naiwan sa ere ang aking kamay na may hawak na libro. Kumalabog ang puso ko, sobrang bilis ng pintig nito. Bumigat ang aking bawat paghinga.

Imposible..

Huminga ako ng malalim at muling inabala ang sarili sa ginagawa. Umiling ako at natawa sa aking sarili para isiping mapapadaan siya rito.

Nababaliw na siguro ako.

Sa tanghali ay wala na masyadong customer, madalas ay sa gabi na ulit nagiging abala, kung kaya sa mga ganitong oras ay nag-aayos talaga ako ng mga gamit, habang si Tam ay sa mga lamesa. Madalas ay nahuhuli ko siyang tumitingin. Marahil dahil sa naputol naming usapan

Ang dalawa pang regular na taga gawa ng kape na sila Steven at Rix ay hinuhugasan ang mga gamit nila. Habang sa kaha si Thea.

Ganoon palagi natatapos ang araw namin sa Chapters. Kapag uwian ay mag-aalok si Tam ng hatid at tulad ng dati tatanggi ako.

Binuksan ko ang TV sa aking condo, ngayong araw ang performance ng The Chase sa isang sikat na talk show, promo ito para sa nalalapit nilang concert. Napigil ang aking paghinga ng ipinakita na ang grupo ng maghati ang malaking pader na tumatakip sa etablado.

Napako ang mata ko kay Jacob. He's all in black, wearing a see through brown shades enough to see his eyes, with messy hair that really suits him with his guitar.

Ang gwapo niya..

Nagtilian ang mga babae sa audience, ang iba ay nagtaas pa ng banner na halos mapunit sa pagpupumiglas sa katuwaan. Kita iyon sa camera.

Ngumuso ako at pinagdikit ko ang aking mga tuhod at niyakap ito habang nanonood. Sobrang sikat nila..

Nagsimula ang tugtog, I bit my lips in anticipation.

You walked into the room and now my heart has been stolen.

Sa unang mga linya ng kantang iyon ay halos maputol ang mga litid ng kababaihang naroon. Ngunit agad ding tatahimik kapag muling kakanta si Jacob.

You took me back in time to when I was unbroken.

Kinilabutan ako sa kanyang malamig at magandang boses. Ang pagtingin niya sa camera ay isa sa nagpapahina palagi sa akin. Mas lalo kong naalala ang tagpo namin noong gabing iyon.

I swear that every word you sing, you wrote them for me
Like it was a private show, I know you never saw me
When the lights come on and I'm on my own
Will you be there, will you be there?
Can I be him

Hinawakan ko ang singsing na naka kwintas sa akin habang kita sa tv na suot din niya iyon dahil sa suot niyang button down shirt.

When he sings, I feel everything he say. How can he look so good, feel good and sound wonderful while singing at the same time?

Nakatingala si Jacob at nakapikit bago matapos ang tugtog. Tumalikod habang pumapalakpak ang mga tao. Ininom niya ang bote ng tubig na nasa gilid niya at nagpasalamat.

Ng mag simula ang interview ay puro patungkol lamang sa concert nila, paano ang kanilang paghahanda at ano ang aasahan sa gabing iyon. Sa mga huling banda ng interview ay isa isa silang tinanong sa estado ng kanilang buhay pag-ibig na lalong ikinabaliw ng mga kababaihan na nanonood sa studio.

Syempre ay wala ring napiga ang magandang host sa bawat isa sa kanila. They can have all the girls they want. Pero wala pa akong nabalitaan na seryosohang relasyon na involved ang isa sa kanila.

Napangiti ako habang ngumingiti rin si Jacob sa mga nakatatawang bagay na sinasabi ng magandang host sa kanya.

His smile is contagious.

Itinaob ko ang isang box na pinaglalagyan ng aking ipon. Ng bilangin ko ang pera ay kulang pa talaga para sa ticket, binilang ko ang araw at malapit narin ang aking sweldo sa Chapters.

Kung hindi ako bumili ng cellphone ay wala na sanang problema, pero mas mahalaga ang may kumunikasyon kay Auntie. Kailangan mauna ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan..

Dumating ang araw ng sabado at halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng tao ngayon. Dapat ay pupunta si Jane dito upang sunduin ako at ayaing manood ng sine pero ng sinabi kong hindi ako pwede ay hindi ako tinigilan ng tanong sa telepono.

"Inaya akong lumabas ni Tam ngayon Jane."

Halakhak ang kanyang sinagot sa akin sa kabilang linya.

"Sinasabi na at gusto ka nga ng lalaking iyon. Kawawa naman siya" Sabi niya sa mapaglarong tono.

Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong.

"Isa nanaman siya sa mababasted mo! Alam ko naman na may iba kang gusto! Nasa banda.." pabitin niyang sabi at tinuloy din."Banda riyan" Muli siyang humalakhak.

Nanlaki ang aking mga mata at may sasabihin pa sana pero naunahan niya akong magsalita

"Anyway, enjoy your date!" Itinikom ko ang aking bibig at pumikit. I guess she really knows me well

Off ni Tam ng sabado ako ay bukas pa, kaya susunduin niya ako mamaya pag tapos ng shift.

Tam:

I'll see you later..

Itinago ko sa bulsa ng aking apron ang aking telepono at nagpunta na sa likod upang itapon ang itim na plastik ng basura.

Nung una ay ayaw akong hayaan ni Steven gawin yun, at sinabing siya na ang gagawa dahil patapos na rin daw ang aking shift.

"Hayaan mo nga siya, hindi naman disabled yan noh." Maarteng sabi ni Thea.

Sa huli ay ako parin ang nagtapon at ayos lang din naman. Sumalubong sa akin ang init ng araw nasilaw ako doon. Inilagay ko ang itim na plastik sa trash bin, babalik na sana ako sa loob ng muli kong makita ang isang pulang sasakyan.

Muling kumalabog ang aking puso. Hinawakan ko ito na para bang mapipigilan ko ito kapag ginawa iyon.

Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang aking panga ng bumaba siya mula roon. My heart beating so fast that it hurts. He looked straight at me.

When he took his first step towards me ay naging mabibigat aking bawat paghinga. Itinikom ko ang aking bibig at dinilaan ang nanunuyo kong mga labi.

Nagliparan ang mga tuyong dahon sa paligid. May iilang buhok na tumakas mula sa aking pagkakatali dahil sa hangin.

"Can we talk?" He said coldly. Ng tuluyan niya akong malapitan.

Pakurap kurap ang aking mga mata habang marahas na lumunok. His question is not yet sinking in when he asked again.

"Somewhere... private"

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...