#11

By LillMissBlue

1.1K 35 12

What if you experienced the thing called "Slow Motion" with someone you barely know, will you consider it as... More

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Nine

84 2 0
By LillMissBlue

Chapter Nine

[ Justin F. Ignacio's Point of View ]

Hindi ko maintindihan kung bakit laging nagagalit sa akin si Angeline. Ganoon ba ka-bipolar yun? At kung tutuusin dapat ako pa nga ang magalit e. Siya na nga yung nang-iwan sa akin kanina.

"J, bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Kuya Jeremy.

"Wala. Bakit ka pala nandito?"

College na kasi si Kuya pero magkamukha kami. Madalas nga ay napagkakamalan kaming kambal o kaya minsan akala nila siya ako at ako siya.

"Nagbayad ng Tuition ng pinakamamahal kong kapatid. Ayaw mo ba makita si Kuya?"

"E bakit nandito ka pa?"

"May hinahanap lang at saka gusto kitang hintayin. Masama na bang hintayin ka?"

"O tara uwi na tayo," yaya ko.

Siguro okay naman na si Ange dito. Wala naman na yatang kinatatakutan iyon. Wala nga ba? Siguro babalikan ko na lang siya mamaya dito. Bakit nga ba alalang-alala ako sa kanya?

"Sandali lang. Naghahanap pa ako ng Chix e."

Langya. Napaka-playboy talaga ng Kuya ko, mabuti na lang hindi ako sa kanya nagmana kasi kung saka-sakali, baka hindi ako nag-aalala mg sobra kay Ange nito.

"Wala nang tao rito. Saka ka na maghanap, tutulungan pa kita."

"O siya, tara na," sabi ni Kuya kaso hindi ko talaga kayang iwan si Ange kaya nagpaalam muna ako kay Kuya Jeremy na magbabanyo lang ako pero ang totoo, hahanapin ko si Ange.

Kumaripas ako kaagad ng takbo papunta sa room namin nang malingat ang paningin ni Kuya sa akin. Pagkarating ko roon ay wala akong natagpuang masungit na babae kaya naghanap pa ako sa buong school. Nagkanda-ligaw-ligaw pa ako. Dahil sa pagod ay bumaba na lang ako. Baka siguro nakauwi na si Ange kaso saan dadaan yun? Sa bintana?

Habang naglalakad sa second floor ay may nakita akong anino ng isang tao kaya nabuhayan ako ng loob at napatakbo ulit. Nang makita ko siya ay hindi ko napigilang hindi isigaw ang pangalan niya.

"Ange!"

Tumingin siya sa akin at base sa hitsura niya ay natatakot siya at doon ko lang napansin ang presensya ni Kuya Jeremy. Lumingon si Ange patungo kay Kuya Jeremy at biglang hinimatay. Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila.

"Ange! Ange! Anong nangyari sa iyon?"nag-aalalang tanong ko sa kanya habang inaalog siya.

"Kilala mo siya J?" tanong ni Kuya Jeremy pero hindi ko na lang sinagot yun at bagkus ay binuhat ko si Ange papunta sa kotse ni Kuya Jeremy. Sumunod naman si Kuya Jeremy at pinagmaneho ko siya.

Bigla akong napamura ng mahina dahil sa traffic na bumungad sa amin at dahil sa kaba. Narinig din ni kuya iyon kaya pinagsabihan niya ako.

"J kumalma ka nga lang," sabi ni kuya kaso hindi kayang maging kalmado ngayon. "Saan mo ba siya dadalhin?"

Doon lang ako napaisip kung saan ko nga ba siya balak dalhin. Hindi ko alam ang bahay nila rito sa Bulacan. Alangan namang dalhin ko siya sa Valenzuela.

"Hindi ko alam."

Nakalimutan ko na kasi yung address na sinabi sa akin nung kapatid ni Ange noon at kahit alam ko man, hindi ko pa rin alam kung papaano pumunta roon.

"Hindi mo alam J?" tanong ni Kuya Jeremy na halatang nagulat. "Baka pagkamalan tayong kidnapper niyan," pagpapatuloy niya.

Napansin kong may umiilaw sa bulsa ni Ange kaya kinuha ko agad iyon. Doon ay nakita ko na may tumatawag sa cellphone niya kaya sinagot ko iyon.

"Ange ano ka ba naman? Bakit ngayon mo lang sinagot 'tong tawag namin? Kanina pa kami tumatawag. Hindi mo ba alam na pinag-aalala mo ako ng husto? Bakit hindi ka pa umuuwi? Gabi na. Nasaan ka ba?" sabi ng babae sa kabilang linya.

Biglang tumahimik yung nasa kabilang linya na halatang hinihintay yung isasagot ko. Bigla akong nag-alangang sumagot dahil baka mapagbintangan kami ng wala sa oras pero kailangan.

"Hello po. Good evening po. Itatanong ko lang po sana kung papaano po pumunta sa inyo. Nahimatay po kasi si Angelyne kaya hindi po nakin alam kung saan po namin siya dadalhin."

"Ano?! Anong nangyari sa anak ko? Nasaan kayo? Sino ka? Please maawa kayo sa anak ko marami pa siyang pangarap sa buhay. Wala kaming pang-ransom sa inyo."

Medyo makulit din pala yung mama ni Ange pero ganoon lang talaga siguro kapag nag-aalala yung magulang mo sa iyo. Hindi ko kasi naranasan yun.

"Kaklase niya po ako. Huwag po kayong mag-alala, iuuwi po namin ng buhay si Ange. Tulog nga lang po," sabi ko at narinig ko ang pagbuntong hininga ng mama niya sa kabilang linya.

"Salamat iho. Ite-text ko na lang sa 'yo yung address namin at kung papaano pumunta sa amin. Maraming salamat ulit," sabi ng mama niya bago ibaba ang linya.

Pagkatanggap ko ng message ng mama niya ay sinabi ko iyon agad kay Kuya J. Hindi naman na kami nahirapan sa paghahanap ng bahay niya. Pagkarating ay nadatnan namin ang isang babae, marahil ang mama ni Ange, na naghihintay sa labas ng gate nila.

"Jusmiyo. Anong nangyari sa kanya?" tanong ng mama niya at base sa hitsura niya nag-aaalala ito ng sobra.

"Hindi rin po namin alam dahil bigla na lang po siya hinimatay," sabi ko habang buhat-buhat si Ange.

Pinapasok kami agad ng mama ni Ange sa bahay nila at inihiga ko agad si Ange sa may Sofa nila. Nagpaalam na rin kami ni Kuya Jeremy pero pinakain muna kami ng mama ni Ange kahit nakakahiya.

"Kain lang kayo ng kain huwag kayong mahihiya." Ngumiti na lang ako.

"Mama anong nangya-" Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko yung kapatid ni Ange na pinagtanungan ko dati. "Kuya?! Anong ginagawa mo rito?"

"Kilala mo siya, anak?"

"Opo. Tinanong niya po ako dati kung saan nag-aaral si Ate Ange at yung address natin."

Bigla akong pinagpawisan ng malamig at napalunok kaya inayos ko yung kuwelyo ko. Napansin ko ring nakatingin na silang lahat sa akin. Wala tuloy akong magawa kung 'di yumuko. Grabe naman kasi yung kapatid ni Ange, kailangan ba talagang i-broadcast?

"Ignacio ba ang apelyido mo?" tanong ng mama ni Ange na ikinagulat ko. Papaano kaya niya nalaman na Ignacio ang apelyido ko? Samantalang kakakilala pa lang sa akin ni Ange at hindi ko naman sinabi pangalan ko sa kapatid niya.

"O..opo. Bakit po?"

"Sa Valenzuela ka ba nakatira?"

"Opo. Bakit po?"

Pagkasagot ko ay napansin ko ang bahagyang pagngiti ng mama ni Ange. Medyo creepy rin pala yung mama niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganoon.

"Nanliligaw ka ba sa anak ko?"

Bigla akong nasamid sa tanong na iyon ng mama ni Ange at naubo. Kinuha ko agad yung tubig at ininom iyon. Sabay ng pag-inom ko ang pag-iisip ng kung anu-ano. Napansin ko rin ang pagngiti ni Kuya Jeremy.

"Hindi pa po," sabi ko pagkainom ko.

"Hindi pa?" tanong nung mama ni Ange na halatang binibigyan diin yung salitang pa. "Iho, huwag ka ng mahiya. Ayos lang naman basta't dito mo siya liligawan at dadaan ka muna sa amin."

"Anong liligawan ma? Boyfriend na raw po ni Ate si Kuya e."

Bigla akong napatingin sa sinabi nung kapatid ni Ange. Boyfriend? Ako ni Ange? Kailan pa? At gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa sitwasyon ko ngayon o kaya gisingin si Ange kaso baka mas lalong mainis yun sa akin.

"Totoo ba yun?"

"Hi...hindi po. Po...promise po," kabado at nauutal-utal kong sabi pero nakatingin lang sa akin mama ni Ange.

"Totoo po sinasabi niya kasi kung sila na po ng anak niyo hindi na niya po iuuwi 'yung anak niyo dito," natatawang sabi ni Kuya Jeremy kaya tiningnan ko siya ng masama. "Biro lang po. Pero totoo yung sinabi ko na hindi pa po niya nililigawan anak niyo. Desente pong tao kapatid ko."

"Mabuti naman kung ganoon." Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin iyon ng mama ni Ange.

Ilang sandali pa ang lumipas at natapos na kami sa pagkain. Pagkatapos niyon ay nagpahinga muna kami sandali bago magpaalam.

"Sige iho. Maraming salamat sa inyo. Mag-iingat kayo."

"Sige po. Salamat din po."

"Bumalik kayo ulit ha."

Ngumiti na lang ako at umalis na. Habang nasa byahe ay napansin ko yung mga ngiting nakakaloko ni Kuya Jeremy.

"Hindi ko alam may napupusuan ka na pala. Binata ka na nga talaga."

"Kuya naman."

"Okay. Fine. I understand but if you need advices, I'm willing to give you some."

Si Kuya? May ibibigay na advices? Seryoso ba siya o nagbibiro lang siya? Pagkakatanda ko playboy siya at hindi adviser o love guro o ano pang tawag doon. Tumawa na lang ako.

"Nagbibiro ka ba kuya?"

"Hindi ka naniwala? Try me." Lakas maghamon ni Kuya.

"Sige nga, bakit sa tingin mo naiinis sa akin si Ange?"

"'Yun lang tanong mo?" nangaasar na tanong ni Kuya.

"Yabang mo Kuya. Sige nga, bakit?"

"Naiinis siya sa 'yo dahil akala niya ako ikaw. Akala niya iniwan mo siya kasi nakita niya ako kanina sa Garden ng school niyo na naninigarilyo. Sinigawan niya pa nga ako at itinapon yung sigarilyo ko," medyo naiinis pero natawa na lang ako.

Naniniwala na ako sa Kuya ko kahit hindi masyadong kapani-paniwala ang lahat ng sinasabi niya minsan. Naniniwala ako ngayon dahil alam kong 'yon ang tipo ng ugali ni Ange at ganoon talaga gagawin niya.

Ngayon alam ko na kung bakit siya naiinis sa 'kin at hindi na ako magmumukhang tanga o walang alam. Alam ko na rin kung paano ko siya pakikitunguhan bukas.

/-----------/

Portion ng Author: Hello! Hahaha. Buhay pa ba yung nagbabasa ng #11? Pasensya na sa sobrang tagal na UD. Nawa'y ma-reincarnate rin kayo katulad ng pag-UUD ko. Hahaha. Anyway, maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng #11 kahit sobrang bagal ng UD. :) 

Continue Reading

You'll Also Like

66.7K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
13K 315 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...
33.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...