Mr. President's First Love ^^...

By misGANGSTER

1.2K 51 34

More

Mr. President's First Love ^^short story

1.2K 51 34
By misGANGSTER

Mr. President’s First Love

“WHAT THE FUVK!!! DON’T YOU DARE RUN AWAY SH!T!!!” pero agad ng tumakbo ang mga gago. Nagvavandal na naman sila. Nak ng tupa! Pag ganitong eksena, iisa lang naman ang pasimuno nito…

Si Jade.

Arrrgh! Agad  agad akong tumakbo patungo sa building ng class F. Dapat bilisan ko to at baka makalusot na naman yung babaeng yun sakin. Ke’babaeng tao pero pasimuno ng gulo sa campus! Lagot ka sakin ngayon!

Sa labas pa lang dinig ko na ang ingay nila. Di na ako magugulat kung may nagsusuntukan. Papasok na sana ako sa silid nila kaso…

“Mr. President, kompleto na ang mga bisita sa function hall. Tara na.”

+_____+ No choice. Yaan niyo, hindi ko pauuwiin ng walang parusa ang Jade nayun ngayon. Di pwedeng matalo ang SG president sa isang Class F student.

Ayun, sakto namang magsisimula na ang program. Ako ang nagbigay ng opening remarks. In the middle of my speech, someone just caught my gaze. Someone SLEEPING! Sino pa nga ba? Bigla siyang tumayo pero di yun pansin ng mga bisita kasi nakatingin sila sakin. Lumapit sya sa switch sa bandang pintuan at…

Shoot!

Pinatayan niya ako ng ilaw.  Umilaw ulit kaso wala na sya sa hall.

JAAAAAADEEEE!!!!

Hindi ko na pinahaba pa ang speech ko at pumanhik na ako palabas ng hall. Pagkalabas ko, sakto namang nasa gilid siya at nakasandal sa pader. Medyo nakataas pa ng konti yung isa niyang paa. Kung anu ano na ang pagmumura na nasa isipan ko ng makita ko sya.

“Yo! President! Ayos ba yung kanina?” nang-iinis pa yung boses niya.

“FUVK YOU!” nabigla naman ako dahil pagkasabi ko nun, sakto namang may lumabas na teacher galing hall.

Dafuq. Hindi pwedeng magmura ang president. Lagot. Halata namang gulat yung facial expression ng teacher

“THANK YOU!!!” sabi ni Jade. Tumingin ulit ako sa guro, tapos kay Jade, at sa guro ulit. Pero ngumiti yung guro tska pumasok na ulit. That was… close.

“HAHAHA!” tumawa siya ng malakas sa harapan ko. Shit. Kung di lang to babae papatulan ko na talaga to.

“Dapat magpasalamat ka sakin.” Sabi niya.

“Asa ka naman.” Umalis na ako at baka makapatay pa ako ng babaeng Jade ang pangalan ng di oras.

_____

“Hi President!” Jade habang papasok ng gate.

“No ID, not wearing complete uniform. Hair color.” Cold na pagkasabi ko.

“Okay lang. Mag-cucutting din naman ako eh. Sama ka?” Painosente pa yung mukha niya pagkasabi nun kaya nagtawanan yung iba.

“GO TO THE REFLECTION ROOM NOWWW!” sigaw ko sa kanya. Hindi talaga matiwasay araw ko kapag present tong Jade nato.

“Meron ka ngayon? Kaya pala.” Kunwari tumatango-tango pa siya. Kaya mas lalong nagtawanan ang karamihan.

“NOW!”  Hayuup talaga. Tawa lang siya ng tawa papasok ng building. And so I continued inspecting other students. But unfortunately, wasak na araw ko.

*****

“Pare, ang ganda talaga ni Jade no?”

“Sobrang astig niya pre. Ang ganda pa kamo ng buhok.”

“Pero complete attendance nga lang sa reflection room.”

Natawa naman ako sa nagsabi nun. Sa section kasi namin, puro kami lalaki at agawan sa top 10.

“Pero bihira lang ang babaeng ganun. Ang sarap siguro nun e’girlfriend.”

“Nakaka-challenge kasi eh.”

“Ang saya siguro nun kasama. HAHA”

Tama nga naman, she’s one in a million. Tska, maganda nga naman talaga siya. Ang lakas ng appeal—

Teka? Bat ba ako nakikisali? Tss.. makaalis na nga. Free time naman ngayon. Inikot ko ang campus at baka may kababalaghan na namang ginawa ang kampon ni Jade.

-------

Isang block nalang ang hindi ko pa napuntahan. Ang building ng mga class F. Pagkagawi ko, halos iisang scenario lang ang naabutan ko. May mga natutulog, nagvavandal sa armpad, nagbabatuhan ng papel, ngumunguya ng chewing gum tapos ididikit sa upuan ng katabi. Grabe.

Last stop ko ang fourth year class F. Silid ni Jade. Ikinagulat ko naman kasi nag-uulat siya sa harapan.

“HOY G@GO! MAKINIG KA!” binato pa niya ng chalk yung lalaki niyang kaklase.

Natawa naman ako dun. Kapag ganyan katerror ang guro, makikinig talaga ako. Nakapwesto lang ako sa labas kung saan di nila ako pansin. She’s teaching thermal expansion. Damn! Nahirapan din ako sa topic nato. Ang dami kasing possible formula.

“HOY MGA KUMAG! Wag kayong malito sa mga formula. Alam ko dumudugo na utak niyo. Ganito kasi yan. Para lang yang nagka-cut ng klase. Dapat may technique kayo. E-identify niyo muna anong object. Tapos i-recall niyo yung geometry natin nung second year.”

“SECOND YEAR?!” pag-rerebelde ng isa nyang kaklase.

“Anong problema?” tanong niya na may tonong pananakot. HAHA. Gara a.

“Eh kasi… ang tagal na nun… nakalimutan ko na.” napakamot pa sa ulo yung babae.

“Kaya nga ako nandito diba?” she said sarcastically.

“Suntukan nalang!” sigaw nung isang lalaki sa dulo.

“EH KUNG PAKAININ KITA NG PAMBURA?! GUSTO MO?!” itinaas naman ni Jade yung pambura na hawak niya and slightly bit her lower lip out of extreme annoyance.

“He-he! Peace tayo president!” sagot nung lalaki.

 HAHA! Akalain mo yun? President pala siya ng section nila? Eh tagaturo nga to ng gulo eh!

“So let’s go back to discussion. Dapat isa-isahin niyo ang given. Gaya nito…” nagsulat naman siya sa pisara.

“So yung delta T, initial minus final lang. Tapos hanapin niyo naman yung delta L” patuloy lang siya sa pag-eexplain. At sa lahat ng silid, ang klase nila ang pinakatahimik.

Ahh.. Ganun lang pala yun? Ang dali lang naman pala. Grabe, kang Jade lang ako nalinawan sa topic nato at hindi kay maam.

“Ano? Kuha niyo ba?” tanong niya.

“WAAAH!!! Ang dali lang pala! Ready na ako sa quiz mamaya!” sigaw nung isa niyang kaklase. Naki-ayon naman yung iba.

Ha? So hindi pala talaga nila physics ngayon? Does that mean… tinuro lang niya talaga ulit yung topic nila last meeting kasi hindi gets ng kaklase niya?

“HOY IKAW?! GETS MO?! IPAPALAPA TALAGA KITA SA ASO!” sabi ni Jade sa binato niya ng chalk kanina.

“H-honestly… OO.”

“Good. Ge… alis nako. Cutting class muna.” Sabi niya tska tumawa. Ahhh. Cut pala ha!

“Goodbye and thank you maam JADE!” natawa naman ako. Kumpara sa klase ng Class A, mas masaya sa klase nila. Lumabas naman siya.

“Whoa! P-president!” mukhang gulat naman siya tska niya sinuot yung body bag niya.

“Narinig mo?” tanong niya na medyo nanlalaki pa yung mata. She’s….   cute.

“Lahat.” Halos malaglag naman yung panga niya pagkasabi ko nun. That made me smile.

“A-he-he” tumalikod naman siya ng medyo mabagal.

“San ka PUPUNTA?!” I said yet…. Smiling.

“M-mag… KA-CUT!” tapos nun nagmadali siyang tumakbo.

“HOY!!! BUMALIK KA RITO!!!” sabi ko at hinabol ko siya. Pero huli na ako kasi nakatalon na siya sa pader.

“MR. PRESIDENT!!!” dinig ko parin ang sigaw niya. Pader lang naman ang pagitan namin.

“HOY JADE!! BUMALIK KA RITO!!” sigaw ko.

“ASA KA NAMAN!”

Shit. Nalusutan na naman ako ng babaeng yun. Kaya tumalikod na ako.

“OY PRESIDENT!” tumigil ako sa paglakad.

“ANJAN KA PA BA?! Aish! Wala na siguro. HAHA! NGA PALA…

ALAM MO BANG CRUSH KITA?!! DI BALE NA NGA! BYE!”

A-anong sabi niya?

_________

The next day…

“Oi pre. Tara na.” yaya sa akin ni Renz.

“Geh.” Sabay kaming dalawa naglakad papuntang gate. Tsk. Minsan nagsasawa na akong maging president eh. Paulit ulit.

 Paulit ulit din namang tao ang nahuhuli ko.

“Haha! Pustahan, present na naman si Jade.” Komento ni Renz.

“Sinabi mo pa. Ayaw tantanan ang reflection room eh.”

“Balita ko nag-cut na naman daw kahapon?”

“Oo eh. Malas lang. Hindi ko pa naabutan. Loko talaga.”

“Aah. Kayo pala yung sinasabi nilang naghabulan sa ground.”

“Sinabi mo pa.”

“O, anong nakain mo? Bat ang pula ng pisngi mo?”

Ha? Nagkunwari na lang akong walang narinig. Naalala ko kasi yung sinigaw ni Jade kahapon eh. Fotik.

Nakarating din naman kami ng gate. Sa gilid, may babae na may dalang bata ang nakatayo. Teka… kilala ko to ah!

“Ma?! Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko.

“May gusto lang akong pasalamatan. Wag mo na ako pansinin.” Tumango nalang ako at bumalik na sa may guardhouse.

“No ID” puna ko sa isa.

“Unbuttoned polo”

“Hair color”

“Not wearing uniform”

“Dapat naka slacks. ”

Malapit na magtime pero wala parin si--- nevermind. Mabuti nga.

“Si Jade ba yun?” nagmadali naman akong tumingin sa tinitingnan ni Renz.

Siya nga! I mean… siya nga.

“Anong nangyari sa mukha niya?” sabi ni Renz. Tinignan ko naman si Jade nun na busy kakatingin sa siko niya.

Bat may band-aid siya sa bandang kilay? Tska may gasgas pa siya sa pisngi at sa magkabilang siko.

“Ma! siya yun!” sabi ng kapatid ko na hinihila yung damit ni mama. Aish! Bat ba wala akong alam jan sa ginagawa nila?! Lumapit naman si mama kay…

 Jade?!

 Nakita ko pa na tumingin sya sakin kaya iniba ko agad ang tingin ko. Kala pa nya interisado ako. Tch.

“Miss.” Sambit ni mama. Sa peripheral view ko, nakita ko pang gulat si Jade.

“Salamat sa pagsagip mo sa anak ko ha! Kung hindi dahil sayo baka nasagasaan na tong anak ko.” Sabi ni mama habang hinahawakan niya yung kamay ni Jade.

Teka? Ano raw?! Kung ganon, SIYA YUNG TINUTUKOY NG KAPATID KO KAGABI NA NAGSAGIP DAW NG BUHAY NIYA?!

“Ah… wala po yun. Okay lang po. Hindi po ba sya nasaktan?” tanong ni Jade na halatang iniinda yung hapdi ng mga sugat niya.

“Okay lang po ako ate. Sorry po ng madami sa sugat. Mag-iingat na po ako sa susunod.” Sabi ni Enzo. Name ng kapatid ko.

“Ah wala to. Malayo to sa bituka. HAHA! Sige po, pasok na po ako.” Nagpaalam naman si Jade. Sina mama, sumenyas lang sa akin na aalis na sila. Ihahatid pa kasi niya si Enzo sa school niya.

“Tae naman. Ang hapdi talaga. Kagabi pa to a.” bulong ni Jade habang hinahaplos yung siko niya.

“Yo! President!” sabi niya sakin ng nakangisi.

“Tara.” Tinignan ko si Renz… “Renz, kaw muna bahala dito.” Pagkatapos, hinila ko na si Jade.

“Oy president! San mo ko dadalhin? Dito ang reflection room o!”

“We’re not going there. Mamaya na. Dadalhin muna kita sa clinic.”

Nakarating din naman kami ng clinic. Pakshit nga lang, wala pa yung nurse.

“Now sit. Ako gagamot sayo.” Sabi ko.

“Anla. Wag na. Gasgas lang to.” Tatayo na sana sya kaso pinigilan ko.

“Aalis ka o dadamihan ko yang sugat mo?!”

“san ba yung betadine?” sabi niya tapos wari naghahanap. Natawa tuloy ako. Takot naman pala eh.

-----

“Same as the other day.” Sabi ko without looking at her.

“Hindi ka pa ba sanay?!”

“Na-uh. Just go to the reflection room already.” Sabi ko ng mahinahon.

“No ID.” Puna ko sa iba.

“Mr. President…” kinalabit ako ni Ryan. Secretary namin.

“Bat ka namumula?”

++++

“Here.” Inabot ni Jade yung papel niya sakin.

“Sorry na sa lahat.” Binasa ko yung sinulat niya.

“Ito lang?” tinignan ko siya.

“Tinatamad ako eh. Aish… akin na nga!” kinuha pa niya yung ballpen KO at nag-sulat ulit.

“O yan.”

“I just can’t stop myself falling into him even though he doesn’t feel the same way.” Yun yung sinulat niya.

“You may go now. Wag mo na ulit gagawin violations mo.” Tapos nun, umalis na siya. Kinolekta ko narin yung iba.

Hindi naman siguro masama mag-assume diba? Sana… sana ako nalang yung tinutukoy niya.

Kinabukasan, ikinagulat ko ang nakita ko.

Si Jade, naka-complete uniform. Nakatali pa yung buhok nya para matakpan yung blue highlights niya.

“Wala na akong violations ha!” she smiled at me at naglakad na papasok. Sinundan ko sya ng tingin tapos nakita ko may isang guy na lumapit sa kanya. May itsura rin.

Tss… mas gwapo naman ako dun!

Hindi ko  maintidihan sarili ko. Kasi, pagkakita ko nun… sobrang nasira araw ko.

“Oi President! Totoo na wala sa reflection room si Jade?” tanong ng isa kong kaklase. Tumango lang ako saka lumabas ng room.

Sana nagkaviolations nalang siya. At least… doon sa reflection room, nakikita ko siya ng matagal.

----

Dumaan rin naman ang mga araw. Syempre, suki parin si Jade sa reflection room. Kung anu ano lang nga sinusulat niya dun eh. Minsan nagdo-doodle. Minsan tulog. Pero mas nasisiyahan nga ako kapag nagkaka-violation sya. Hindi naman kasi sya nakakasawang bantayan. Nakaka-enjoy din kapag nagkakasagutan kami. Haha! Laking tawa ko lang kapag naaalala ko ang mga yun.

“Okay class, ilagay niyo na sa box ang mga cake niyo.” Instruct samin nung teacher. Tawanan naman kaming mga lalaki kasi wala talaga kaming alam sa pag-dedecorate ng cake. Mukha ngang binagyo yung akin eh. HAHA

“So, ang plan is… hindi ako ang magbibigay ng grade niyo.” Nag-ingay naman kaming lahat. Kung hindi siya…

Sino?

“Silence. Ganito yun. Pumili kayo ng isang student galing sa ibang section and let him or her grade your cake. I have here dgndivnaof---- ”

Patuloy lang na nagsalita yung teacher namin. Pero halos mabaliw na ako sa kakaisip sino pagbibigyan ko ng ginawa ko.

Wala naman akong kakilala na taga ibang section dahil simula’t sapul class A na ang kasama ko.

Except for…

Jade.

Tinignan ko ulit yung cake ko. Shit. Ang pangit. Gusto ko tuloy gumawa ng bago pero di na pwede eh. Tsk. Bahala na.

Ako yung last nagbigay ng papel kay maam kung sino yung pagbibigyan ko. Tsk. Ano? Isusulat ko ba?

Tae.. bahala na si batman.

TO: Jade Ferrer

Tapos binigay ko kay maam yung papel para mapirmahan niya.

“Kay Jade na naman?” tanong ni maam na nakangiti.

“Bakit po?”

“Mga sampu ata sa inyo ang magbibigay kay Jade ah.”

What?! Tsss… kinuha ko na yung cake ko na mukhang binagyo at tumungong class F. Shit. Pano ko ba sasabihin sa kanya?

“O pre, mukha ka atang nalugi?” tanong ng isa kong kaklase sa kalalabas lang sa class F na si Ron.

“Ayaw tikman ni Jade yung cake ko eh. Badtrip.” Tapos nun, may lumabas pang isa kong kaklase.

“Ayaw din tikman yung akin eh. Sabi nung kaklase niya, may hinihintay daw.”

Halos matiklop naman yung tuhod ko. Shit naman. Shit talaga. Baka di niya tanggapin yung akin eh. Arrgh! Hu! But I should try right?

Pumasok ako sa room nila at naabutan ko syang naglalaro sa PSP niya.

“Whoa! Si Mr. President! May dalang cake!” sabi nung isa niyang kaklase. Tumigil naman siya saka tumingin sakin.

“Yo! President! Huhulihin mo’ko?” tanong niya. Medyo nagtawanan naman yung iba.

“No. Taste this. I need a grade.” Seryosong sabi ko at nilapag ko yung cake. Shit. Bat ba ako nanginginig?

“Let me see…” sabi niya tska niya unti unting binuksan yung box. Gusto ko tuloy bawiin. Kasi naman eh! Ang pangit talaga.

“Pffft.” Halatang nagpupumigil siya tumawa.

“Just grade it okay?!” kaasar na mapeh teacher nayan eh!

“Woah! Easy! Nasiyahan lang ako sa presentation mo. Calamity ba theme nito?” napakuyom ako ng palad. Shit. I’m not angry at her. Galit lang ako sa sarili ko kasi sana pinagbuti ko na lang yung pagbake para di ako mapahiya.

Sa babaeng gusto ko pa.

Tinikman naman niya yung cake tapos kinuha yung papel.

“Peram ballpen. Wala ako nun eh.” Kinuha ko naman yung pen ko sa pocket and hand it to her.

“O yan. Pangit ng lasa.” Sabi niya. Tinignan ko yung papel and saw a grade of 5… which means Excellent. Tapos may nilagay siya na comment.

Honestly… it’s the best cake I’ve ever tasted.

Tinignan ko ulit siya pero nakafocus na siya sa PSP niya. I don’t know what had come into me but…

I kissed her… sa cheek.

Nagsigawan tuloy ang mga kaklase niya.

-----

“Jade… hindi ko alam sa sarili ko but I just found myself falling into you. Can I court you?”

“Ay… mali. Hindi.” Ginulo ko yung buhok ko gamit yung kamay ko. Shit. Pano ba manligaw? Unang beses ko pa to eh. Nandito ako ngayon sa likod ng building at nagpa-praktis.

I sighed.

“*ehem* Jade, para siguro akong tanga ngayon sa harap mo… but I had come to realize na each and everyday na nakikita kita, wala akong ibang magawa but to fall for you even harder. I love the way you look at me. I love the way you smile, I love the way you laugh and that cute snort at the end, I miss those doodles na pinapasa mo sakin sa reflection room. Yung habulan natin sa ground kasi magcu-cut ka na naman. I wanna run my fingers through your hair na may highlights na blue which is against school rules. I wanna feel my raging heartbeat everytime your near. I wanna feel again that tickling sentiment the first time I kissed you on your cheek. I just wished to be with you.  Jade Ferrer, Can I court you?”

“G@go ka. Ikaw lang hinihintay ko.”

Napatigil ako sa paglalakad ko while sinasabi yung mga yun. Nilingon ko yung nagsalita sa likod ko.

“J-Jade?”

“HAHA! Surprise?”

“A-anong g-ginagawa mo dito?” I said stammering.

“Magka-cut sana. Kaso may nagtatapat pala dito eh.”

“A-he-he. N-narinig mo?” I said while scratching the back of my head.

“Yeah. At ngayon palang sinasagot na kita.

I love you too Lance Trinidad.”

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...