A Forbidden Affair (Guieco Cl...

By LovieNot

40.4K 1.9K 258

Marciella Perrer, a woman of principles, faces a complex love situation. She just found herself attracted to... More

BLURB
PROLOGUE
CHAPTER 1- SEDUCTIVE BOSS
CHAPTER 2- FORBIDDEN AFFAIR
CHAPTER 3- LETTING GO
CHAPTER 4- TERRITORY
CHAPTER 5- CHILDHOOD FRIENDS
CHAPTER 6- BATTLE OF LOVE
CHAPTER 7- CLASH OF CLANS
CHAPTER 8- REWRITE THE STARS
CHAPTER 9- FAVORITE CAR
CHAPTER 10- COMFORT ZONE
CHAPTER 11- GIVING IT UP
CHAPTER 12- ASHELL
CHAPTER 13- SYNTAX ERROR
CHAPTER 14- UNBEARABLE PAIN
CHAPTER 15- HATRED
CHAPTER 16- SUDDEN ATTACK
CHAPTER 17- LOST LIVES
CHAPTER 18- KARMA
CHAPTER 19-SNELLENN FAMILY
CHAPTER 20- SYSTEMS DEFENSE
CHAPTER 21- ROBOTS
CHAPTER 22- THANK YOU KISS
CHAPTER 23- NTH CHANCE
CHAPTER 24- START BUTTON
CHAPTER 26- OFFICIALLY
CHAPTER 27- LUCKY ONE
CHAPTER 28- FEAR AND DOUBT
CHAPTER 29- LIKE A STAR
CHAPTER 30- SILENCE MEANS YES
CHAPTER 31- DREAM
CHAPTER 32- CONFESSION
CHAPTER 33- FORBIDDEN LOVE
CHAPTER 34- FIGHT FOR LOVE
CHAPTER 35- WRONG TIMING
CHAPTER 36- OBSESSION
CHAPTER 37- HER LETTER

CHAPTER 25- RIGHT TIME

722 46 6
By LovieNot


Our eyes locked as a result of his words. I was determined not to yield, so even though my eyes stung, I gritted my teeth. Suddenly, he cunningly swiped a kiss, causing me to blink in surprise. He was using one of his tricks again.

I cast a quick glance at Mom and Dad, feeling relieved to see them still deep in conversation with Lyssa in the kitchen.

"Gags ka talaga!" asik ko sa kanya pero umangat lang ang sulok ng kanyang labi.

"You lose, Marciella."

Pinanliitan ko naman siya ng tingin. "Kasi madaya ka! Para kang si Beatrice."

Napakunot-noo naman siya dahilan para matawa ako. Halatang nauubos na kaagad ang pasensiya niya sa ganito kaaga.

"Bilisan mo na, Marciella. Magpalit ka na ng damit," balik niya pa sa usapan namin kanina. Napairap naman ako.

Transformer. Robot. Stubborn. And now, commander! Zsss.

"Kakapalit ko pa lang, 'di ba? What's wrong with my outfit ba, Ashmer?" conyo at mataray ko na talagang saad.

Nagtagis naman ang kanyang bagang. "Kung nasa loob ka ng flat mo at ako lang ang kasama mo ay pwede mong suotin 'yan. But in public? It's a no, Marciella. Kaya naman, 'wag ka ng mapilit pa."

Napasimangot naman ako. Bakit ba ayaw niya sa suot ko?  Minsan na nga lang ako magsuot ng ganito eh. Naka-knitted crop top at high waist box pleats skirt lang kasi ako at pinaresan ko pa ng shoulder bag na kakulay ng skirt.

Uso naman ngayon ang ganitong suotan, ha? Nakita ko naman kanina ang reflection ko sa salamin. Bagay na bagay nga sa'kin, eh. Lumabas ang ka-sexy-han ko na matagal ko ng itinatago sa mga oversized shirt ko.

Duh? Ang sexy ko kaya.

"Dahil ba hindi bagay sa akin?" alangang tanong ko sa kanya. Pinakatitigan niya naman ako diretso sa aking mga mata.

"You're seriously stunning, but there's something I gotta say... I'm just not cool with other folks gawking at you." Saglit pa siyang napa-iwas ng tingin sa akin.

Ahh, so dahil magseselos siya kapag gano'n? Selosong bossungit.

Muli na namang namayani ang katahimikan sa pagitan namin pero nanatiling nasa isa't-isa ang tingin. Naroon pa rin sa kanyang mga mata ang kislap na siyang lagi kung nakikita sa kanya noon pa man.

Bahagya ako tumingkayad at ninakawan din siya ng halik. Nakita kong napakurap pa siya. Ngumiti ako sa kanya nang matamis.

"Pero ikaw lang naman ang tinititigan ko, Bossungit, kaya wala pa ring kwenta ang pagtitig nila sa akin. Kaya dapat ikaw, sa'kin ka lang din nakatitig kapag ako ang kasama mo, hindi sa kung sino-sino. Saka, gusto ko kapag kasama mo ako ay kaaya-aya naman sa lahat ang kasuotan ko dahil ayokong magmukha akong yaya mo, 'no?  Baka ikahiya mo lang ako," may halong biro ang huling linyang sinabi ko pero mas lalo tuloy sumeryoso ang mukha niya.

"Kahit pa mag-daster, hinding-hindi kita ikakahiya."

Napanganga naman ako. Daster? Unbelievable talaga ang lalaking ito. Pero aaminin kong may kiliti sa sistema ko ang sinabi niya.

"Eh, kung ganitong suot ko ba ay ikakahiya mo ako? Mukha ba akong malandi sa suot kong ito? Malaswa bang tingnan?" nakanguso kong tanong.

Dinutdot niya na naman ang noo ko sabay singhap. "Of course, not, Marciella. Hinding-hindi ka talaga magpapatalo, ano? Fin, fine."

Ngumisi naman ako. Ibig sabihin ay pumapayag na siya na ganito ang suot ko. Buti naman at napapagod na akong magpalit ulit.

Akmang magsasalita na ako nang tawagin ako ni Mommy. "Yes, mom?"

"Hindi pa ba kayo aalis?"

"Aalis na nga po." Bumaling ako sa kanya. "Tara na," yaya ko at nagpatiuna na.

"Ikamusta mo na lang ako sa Tita AA mo, Marci, ha? Sabihin mong kapag nagka-time ako ay dadalaw din ako sa S-Area," habilin pa ng ina ako.

Tumango na lang ako at lumabas na kasama ang boss at ang batang makulit na mukhang excited na makarating sa pupuntahan namin.

Binuksan niya pa ang kanyang music player bago pinaandar ang sasakyan.

"Oh! I know that song, Sometimes by Britney Spears," masiglang sambit ni Lyssa.

"Sabayan mo nga," hamon ko naman sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at tumango. "You tell me you're in love with me. Like you can't take your pretty eyes away from me."

Nagkatinginan kami ni Ash at saka parehong napangiti. May future ang batang itong maging singer kung gugustuhin niya.

"It's not that I don't want to stay but every time you come too close I move away."

Napasinghap ako dahil sa mismong lyrics ng kanta. Bakit nakaka-relate ako?

"I wanna believe in everything that you say. 'Cause it sounds so good but if you really want me move slow, there's things about me you just have to know"

Bahagya akong natawa dahil nagkanda bulol-bulol pa ang bata at humming na lang ang ginawa niya.

"Sometimes I run. Sometimes I hide. Sometimes I'm scared of you"

I discreetly inched closer to Ash.

Yes, I'm afraid of him, maybe because he's the only one capable of accelerating my heart's pace. He's also the sole individual who can evoke a spectrum of emotions within a mere minute. He can rescue me from pain, yet simultaneously immerse me in it. His danger lies in his ability to shatter my world with a single glance.

"But all I really want is to hold you tight
Treat you right, be with you day and night
Baby, all I need is time."

Napapikit na lang ako.

But all I really want is to hold you tight.

Indeed, God knows how desperately I wanted to hold onto our intricate situation in the past and never let him go. However, there are actions we must take, things we must let go of, for the sake of our own well-being.

Treat you right, be with you day and night

Siya lang ang gusto kong makasama sa lahat ng oras, hinding-hindi ako magsasawa.

Baby, all I need is time

Pero kailangan ko nang sapat na panahon para maging handa uli. Para tuluyan kong matanggap ang mga nangyari at makalimutan ang mga maling desisyon na nagawa namin pareho. Ang kamalian na nagawa namin kay Percy.

Oh, God. I missed her so much.

I held back my tears. I composed myself. But if he asked me to let him back into my life, I would.

"I don't wanna be so shy..."

Awtomatikong nakapatitig ako sa taong nakikipag-sing-along na rin kay Britney and Lyssa.

"Every time that I'm alone I wonder why. Hope that you will wait for me. You'll see that you're the only one for me."

Kinanta niya iyon habang panaka-nakang tumititig sa akin.

Ang ganda rin talaga ng boses ng nyawa. Gwapo at matalino na, talented pa. Sinong hindi matu-turn-on sa kahadufan niya? Zsss.

Dahil sa kakatitig ko sa kanya ay namalayan ko na lang na inihinto niya na pala ang sasakyan. Lumabas siya at pinagbuksan kami ni Lyssa. Lumabas na rin ako dahil kinuha niya naman na si Lyssa.

"Turn-off the music player, please?" utos niya pa sa akin. No choice naman ako kundi ang sundin siya.

Sabay na kaming naglakad papasok sa S-Area. May nakakasalubong kami na familiar sa akin ang mga mukha. Paniguradong  mga RAO Agents din.

Pagkapasok namin sa S-Resto ay agad na may humarang sa amin.

"Welcome to S-Resto, Ma'am, Sir and... Wait! Teka lang! Anak niyo ito? Kayo na ba? I mean, kasal na kayo? Kailan? Marciella Perrer and Ashmer Guieco , bakit hindi ako imbitado? Mga kagwang kayo! Gravity! Dahil diyan ipapatapon ko na talaga kayo sa Mamachuchu-ek-ek Planet! Pack your things now! Yes, as in at this moment," mahabang lintanya ni Summer na pamangkin ni Tito Edrick. Kaedadan ko lang ito.

Napakamot na lang ako sa noo samantalang ginulo lang ni Ash ang buhok niya.

"Kuya Ashmer naman, eh!" ungot niya pa at inayos ulit ang kanyang buhok.

"Daldal mo pa rin talaga, Summer."

Ang daldal nga talaga ng isang ito, eh. Daming alam. Hindi man lang kami pinaupo muna. Inuna pang makipagchismisan, eh.

Naghanap kami na mapwestuhan. Mabuti na lang at marami pa namang bakanteng mesa. Sumunod pa sa amin ang babae. Ramdam ko na nga ang tingin na ipinupukol ng ibang customers sa amin.

"Mama. Chuchu. Ek-ek Planet po?" inosente at putol-putol na usisa ni Lyssa.

"Ako na ang  mag-o-order," bulong sa'kin ni Ash at saka naglakad na siya papuntang counter.

"Yes, baby girl. Pero it should be magkakadugtong, Mamachuchu-ek-ek Planet. Sabihin mo nga, dali. May ibibigay ako sa'yo kapag nagawa mo," pang-uuto pa ni Summer sa kay Lyssa .

May excitement naman na bumalatay sa mukha ng bata. Para bang tinatanggap ang hamon ng isa.

"Mamachuchu-ek-ek Planet."

Mas mabilis pa nga ang pagkakasabi niyon ni Lyssa dahilan para mapanganga si Summer. Nang makabawi ay pumalakpak pa siya.

"Wow, very good. Apir!" Nakipag-apir naman ang bulilit habang nakangiti.

"Okay, I'm your Tita Summer and you are?"

"Allyssa Sne..." Nag-angat pa muna siya sa akin ng tingin bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Allyssa Perrer Guieco po. My nickname is Lyssa po."

This time, ako naman ang napanganga. Wala namang nagturo sa kanya na gano'n ang ipakilala niya pero mukhang komportable pa siya ng sabihin iyon.

"Weh? Ikaw talaga, niloloko mo si Tita Sum, ah? I mean, 'yong totoo? Perrer-Guieco ka ba talaga, ha?" Pinisil pa ng isa ang kanyang pisngi dahilan para mapangiwi siya ng bahagya.

"A-Ampon nila ako, eh," may halong lungkot ang kanyang tinig.

Nagkatinginan kami ni Sum at parehong pasimpleng napasinghap. Tinanguan ko lang ang dalaga, senyales na sinasang-ayonan ko ang sinabi ng bata.

"Eh, bakit ka nalungkot? Ano naman kung ampon? Hindi naman kaya halata,  baby Lyssa, kamukha mo ang Tita Marciella at Tito Ashmer mo. Saka dahil tita mo ako ay magkamukha rin tayo, 'diba?" comfort pa ni Sum.

Ngumiti naman ang bata nang matamis. Mukhang nagustuhan niya ang kanyang narinig.

"Ibig sabihin po, I'm so, so, so pretty?"
Kumikinang pa ang kanyang mga mata.

"Yes naman. At dahil nagawa mo ang pinagawa ko, halika sa pad ko at may ibibigay ako sa'yo. Doon ka na rin kumain, cute-cute mo, eh. Gusto kitang hingin. Akin na lang ang batang ito, Marci," nakanguso pang saad nito.

"Bawal," tipid kong saad. Ngumisi lang naman ang dalaga.

"Hihiramin ko na lang muna, please?"

"Sa kay Ash ka magpaalam."

"Kuya! Pahiram ng bobwet niyo, ha? Tara na Lyssa, my babe."

Tiningnan naman ako ng bata na tila ba nagtatanong kung ayos lang ba na sumama siya. Meron ding alinlangan sa kanyang magagandang mata na nakaplastada. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Ibalik mo 'yan bago kami matapos kumain," paalala sa kanya ni Ash na nasa mesa na.

May taga-serve naman ng food kaya maghihintay na lang kami na dumating ang order namin. Ang alam ko ay tulad naming GC agents, ay may sariling DH din ang RAO agents.

"Sure naman." Sinitsitan niya pa ang lalaking nasa kabilang table lang din naman kasama ang isa pang babae. Hindi maipagkakailang gwapo ang lalaki at maganda rin ang babae.

Bata pa ako nang makapunta ako rito kaya hindi ko na sila gano'n katanda. Si Gabriella na lang ang palaging dumadalaw dito at nakikipagkulitan sa kanila.

"Mercury, samahan mo muna ako sa pad. Mamaya na 'yang pakikipag-date mo sa kay Earthe. Halos araw-araw naman kayong nagsasama sa FIS pero parang 'di ka nagsasawa na maka..."

"We're not dating , Ate Sum. Paisyu ka talaga," angil naman ni Earthe.

Parang nakikita ko lang sa kanila ang nagaganap din sa camp namin, ah? Mga haduf din talaga.

"Oo nga, hindi ako nakikipag-date sa mga taong bato 'no?" pilyong sagot naman ni Mercury.

"Oo na, samahan mo na ako. Lyssa, ayos lang bang si Mang Mercury ang magbuhat sa'yo? Hindi kasi ako pwede, eh."

"Don't worry, baby girl, bukod sa gwapo ako ay mabait din naman ako eh."

"Gwapo? Saan banda?"

"Earthe naman, panira ka talaga."

"Dati ka na sira, 'wag ako."

"Nag-aaway rin po ba kayo?" singit ni Lyssa gamit ang kanyang madalas na linya kapag nagkakagulo kami sa DH.

"Hindi," sabay-sabay na saad ng tatlo. Natawa na lang kami ni Ash.

"Ayos lang naman po sa akin, Tita Sum. Mukhang mabait naman po si... si Mang Mercury, eh."

Humagalpak ng tawa si Summer habang tumaas naman ang sulok ng labi ni Earthe. Si Mercury naman ay saglit na napanganga.

"Mang? My god, bata, 'wag mo akong tawaging ganyan, ah? Kuya Mercu na lang, ayos ba?"

"Huwag mo rin po akong tawaging bata dahil may... may pangalan ako. Allyssa o kung, o kung,  tinatamad ka, Lyssa na lang po."

Alanganing tumawa naman ang binata.

"Okay, genius, ah? Tara na hahatid na kita sa pad nitong High Blood Queen."

Sinamaan lang siya ng tingin ni Summer at nagpatiuna na. Binuhat na ng lalaki si Lyssa at nilingon si Earthe.

"What?" angil na naman ng dalaga.

"I shall return."

"Kahit 'wag na, ikakasaya ko pa iyon."

"Harsh."

Mukhang nagkaroon ng kapayapaan sa loob nang makalabas na sila. Naiwan kami ni Ash sa mesa.

"Isa siya sa kambal nina Tito Seanne at Tita Crisha. Kamag-anak din namin. Marce naman ang pangalan ng kakambal niya," saad niya pa sa akin.

"Kakambal niya pala si Marce. Kaya pala familiar sa akin ang mukha niya. Actually, magkamukha talaga sila hindi tulad namin ni Gab na medyo lang. Wait... Hindi ba at pinsan na rin namin sila o hindi?" walang kasiguraduhan kong sambit.

"Ask Gabriella. For sure alam niya ang history ng family ninyo at saka siya ang palaging nandidito," natatawa niya pang sabi.

Tumayo ang babae at lumapit sa amin. "Kuya Ash, mabuti at nakadalaw kayo dito. Nalaman namin ang nangyaring kaguluhan sa mall niyo."

"Ah, yeah, pero okay naman na."

"Good to hear." Tumingin ito sa akin. "You must be Marciella," nakangiting saad nito na.

"Yeah, tama ka. Have we met before?" tanong ko rin.

"Nope, but si Marce ay nakita mo na. Kung nagtatanong ka kung bakit kita kilala ay dahil naikwento ng mga kasamahan ko na nakakita na sa'yo na kamukhang-kamukha mo raw si Tita Alexandra which is totoo naman pala talaga."

I nodded. "Anyway, I have to go. Enjoy your stay here," she said her goodbyes and left.

I'd describe her as the serious type, while Marce, on the other hand, is down-to-earth with a mischievous streak. It's like Gab and I – our personalities are complete opposites.

Our food arrived shortly after. Despite S-Resto being a bit on the pricey and high-class side, it's worth it because their food is both delicious and well-served.

Ash speaks only occasionally, engaging in a question-and-answer type of conversation. I'm not one to chat much while eating, and he appears to share that preference.

As soon as we finished, Summer brought the child back. Mercury was holding a sizable cartoon, complete with Hello Kitty drawings. I'd wager it's filled with toys.

"Thank you po for the gift, Tita Sum," saad ni Lyssa.

"You're welcome, babe."

Hindi rin naman kami nagtagal dahil marami pa kaming gagawin. Nagpaalam na kami kina Summer at umuwi na. Sa bahay pa rin namin idinaan si Lyssa dahil iyon ang isa sa kabilin-bilinan ng dad na 'wag na munang dadalhin ang bata sa camp, for safety na rin ng bata.

Tumunog ang cellphone ko nang nasa biyahe na kami pauwi sa camp. Si Mer ang nasa caller ID at dahil wala akong headset na dala ay ni-loud speaker ko na. For sure, kalokohan na naman lang ang dalang balita ng taong ito.

"Hello, Marci, baby!" agad na intrada niya pa. Mukhang good mood. Well, lagi naman, eh.

"Anong balita? Napatawag ka?" usisa ko din agad.

"Well, well, well, napagdesisyonan ko na na itutuloy ko na ang panliligaw ko sa'yo."

Napangiwi na lang ako dahil bakas naman sa boses niya na nang-aasar lang, eh. Kung hindi ko lang talaga alam ang liko ng bituka nito ay maniniwala na ako.

"Manliligaw? Let's see," natatawa ko pang hamon sa kanya.

Ang isang stick to one, hinding-hindi susugal sa relasyong walang kasiguraduhan at iyon ang ugali ni Lovimer.

Naisip ko lang din na siguro ay plano  lang talaga niya na pagselosin o asarin ang kanyang pinsan kaya siya pumayag na maging instant 'boy friend' ko. Alam ko namang crush niya talaga ako pero hanggang sa paghanga lang ang kaya niyang ibigay sa akin.

Narinig ko na naman ang matunog niyang tawa.

"Ang tapang mo, ah porke't..." Agad na hininaan ko ang volume ng cellphone ko, iyong ako lang ang makakarinig. "Porke't nagsusumigaw ang bagong pag-asa niyo ni Baby Ash."

Sinabayan ko pa ang tawa niya. Haduf talaga.

"Ewan ko sa'yo. Gags."

"Kinikilig ka naman nga, eh. Sige na papatayin ko na ang tawag."

"Sige, oo na," tipid kong saad.

"Ingat ka, Marci Baby."

"Mag-iingat ako para sa'yo," sakay ko rin sa mga banat niya.

"Wag ganyanan, Marci, kinikilig ako eh. Bye na talaga." Pinatay niya na ang tawag.

"The crazy Lovimer, tsk," natatawa kong sambit.

Sakto ein na nasa parking lot na pala kami. Bumaba na ako.

"Ell," untag sa akin ni Ash nang papasok na kami sa camp.

"Yes?"

"Wala."

Napakunot-noo naman ako. Haduf talaga.  "Ano nga?"

"Wala nga."

Hindi ko na lang siya kinulit pa. Inihatid niya pa muna ako sa flat ko.

"Wala ka ba talagang sasabihin?" usisa ko naman. Napakamot pa siya sa batok.
Alangang tumitig siya sa akin.

"G-gusto mo na ba si Lovimer? Kasi kung oo, ayos lang naman sa akin."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Ano naman kaya ang nakain nito at biglang nag-open-up ng tungkol sa amin ng pinsan niya?

Baka dahil sa kakulitan ng isa kanina.

"Gusto mo na? What makes you think na magugustuhan ko pa lang si Mer? Matagal ko na siyang gusto," saad ko at pinakatitigan siya pero hindi na siya makatingin pa sa akin.

He's cute, damn. I wanna kiss him... Ay landi talaga.

"Okay. Tinatanong ko lang naman," saad niya at akmang tatalikuran na ako.

Mabilis na nahila ko siya papasok sa flat ko. Mukhang nagulat pa siya.

"You're so stupid," natatawa ko pa ring saad habang naiiling na pinakatitigan siya. "Lahat ng tao dito sa camp ay gusto ko, well, except Beatrice dahil nilalandi ka niya. Pero... Bukod sa family ko, isa lang ang lalaking mahal ko at ikaw iyon."

Nag-angat naman siya ng tingin. Halo-halong emosyon ang nababasa ko sa mga mata niya.

"Pero... May relasyon kayo ni Lovimer noon pa, 'di ba?"

Napanganga naman ako. "Inaakusahan mo ba ako, Ashmer Guieco? Oo, malandi ako pero ikaw lang naman ang nilalandi ko," seryoso kong saad.

"Zsss, ikaw may sabi niyon, eh," may halong inis niyang asik. Natigilan naman ako. Nasabi ko ba talaga?

"I am not mad at you, believe me. Huwag mo na akong guluhin pa. Just be happy with her and I'll be happy with him also."

"W-with h-him? With who?"

"With Lovimer. I'm sorry na itinago ko rin sa 'yo."

Pinigilan kong mapasapo sa noo ko nang maalala ang kalokohan namin ni Mer. Sabi nga nila, sa huli mo na mapapagtanto kung anong kalokohan ang pinagagawa mo.

"Sorry... I lied." Ako naman ang napaiwas ng tingin ng titigan niya ako.

Lumapit naman siya sa akin, kinuha niya ang dalawa kong kamay at ikinawit iyon sa kanyang leeg habang nasa bewang ko naman ang kamay niya.

Ngayon lang ako parang nailang at kinabahan nabg husto dahil sa pwesto namin. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa tenga ko.

"I love you, Ell. Kahit ilang babae pa ang dumating sa buhay ko ay walang makakapantay sa'yo sa puso ko. Kahit ilang dekada pa ang lumipas, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo."

"Alam kong kailangan pa nating palipasin ang sakit na naidulot natin sa isa't-isa at sa pagkawala niya. Gusto ko lang sabihin sayo na... maghihintay pa rin ako hanggang sa dumating ang araw na ikaw na mismo ang kusang tatanggap sa pagmamahal ko para sa'yo."

Tuluyang nagsilandas ang mga luha ko.  Sa nakalipas na mga taon, iyon palagi ang sinasabi niya sa akin. Na gusto niyang tanggapin ko ang pagmamahal niya para sa'kin pero hindi ko magawa dahil nga meron akong taong ayaw na masaktan.

Pinoprotektahan ko ang puso ni Percy dahil ayokong madurog iyon nang dahil sa amin pero kasabay din naman niyon ay ang pananakit ko sa kanya.

Ilang beses siyang nakiusap na ipaglaban ko siya ngunit hindi ko ginawa. Nagbingi-bingihan lamang ako at pilit na binabalewala ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya sa bawat pakiusap na ginagawa niya.

Ilang beses na sinubukan niyang sabihin sa akin ang mahiwagang salita pero lagi ko iyong pinuputol. Alam ko ang pakiramdam na mabalewala kaya alam ko rin na nasasaktan siya tuwing ginagawa ko iyon sa kanya.

Kaya kahit anong sakit ang idinulot niya sa akin ay siya at siya pa rin ang minamahal ko. Patas lang kami, sinaktan niya ako at sinaktan ko rin siya. Iyon ay dahil maraming bagay na hindi akma sa sitwasyon namin noon.

Bahagya akong kumalas at hinaplos ang magkabilaang pisngi niya. Pinahid ko gamit ang aking hintuturo ang mga luhang kumawala sa kanyang magagandang mata.

"Hindi mo na kailangan maghintay, Ash. Tinatanggap ko na ang pagmamahal mo sa akin," nakangiti kong saad sa kanya.

Ayun na naman ang kinang sa mga mata niya na kahit hindi siya magsalita ay alam kong masaya siya dahil sa sinabi ko.

I kissed him passionately. Minuto ang itinagal niyon.

"I still love you, Ash. This is the right time I am talking about for the past years."

Malungkot ang katotohanang kailangan pang may mawala bago dumating ang tamang panahon para sa amin.

"I love you more Marciella," sambit niya, pumikit ako ng hagkan niya ako sa noo. Ang halik na pinaka paborito ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

This time, I don't wanna let him go. Not now, not again.

...

Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 94K 71
Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peac...
453K 21.1K 37
After two years of not hearing anything from each other, Billie and Deion unexpectedly meet at a college orientation. Not ending up on good terms in...