My Maton Girlfriend (On Going)

By GHIJK_Elle

13.3K 703 206

Sequel of My ASMR Boyfriend -Kartini Fischer's Story. More

My Maton Girlfriend
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 7

571 42 8
By GHIJK_Elle

Kabanata 7

Attention

"YOU look so Sexy, Kaye," puna ni Elyce habang paikot-ikot ako sa harapan ng salamin.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko. Napangisi ako't nagustuhan ko ang itsura ko ngayon. Bumagay sa 'kin ang suot ko ngayon. I am wearing a high-waisted shorts saka kulay pulang bikini Top.

Humarap ako sa kanya saka ngumiti. "Salamat dito," ani ko. "Ikaw rin, you look sexy." Elyce is wearing a high-waist trouser saka scarf. Pinagbawalan kasi ni Reishi kaya hindi makasuot ng bikini. Kaya hanggang ganyan lang ang suot niya. Pero bumagay naman sa kanya at lumitaw ang maputi at makinis niyang kutis.

Tumayo si Elyce at pinasadahan rin ng tingin ang sarili sa salamin.

"Ang laki ng dibdib mo, pinapahawak mo 'yan kay Reishi no?" mapang-asar na ani ko.

Nanlaki ang mata niya saka tinampal ako sa braso. "Kaye!" Tili niya.

Napahalakhak ako. Conservative as ever.

Pagkalabas namin ng Villa ay sinalubong kaagad kami ng maingay na halakhakan nila Mickel sa labas. Agad na pinuntahan ni Reishi ang jowa niyang si Elyce saka inakbyan.

Kinindatan ko naman ang huli saka bumaba ang paniningin ko sa dibdib niya dahilan para mamula na naman ang pisngi niya. Ang dali lang talaga nun asarin.

"Hey Kaye. You're so sexy," Napasipol si Art saka inakbayan din ako.

Agad ko namang siniko ang gago at feeling close sa 'kin ngayon. He's topless and just wearing a shorts. Ganun din naman sina Mickel at Daimler.

"'Wag kang feeling close sa 'kin ngayon, gago! Ayaw kong dumampi ang balat mo sa 'kin."

Nagpatiuna ako sa cottage kung nasaan naka-handa ang almusalan namin. It's already eight in the morning at mataas na ang sikat ng araw. Pero katulad ko, kagigising lang nila at napuyat kagabi sa pag-iinuman.

"Good morning, Kaye! You're so sexy huh." Sumipol si Mickel at tinapik-tapik ang katabi niyang upuan.

Agad naman akong pumwesto doon saka siya sinuntok sa braso. "In born, Dre."

Tinanguhan ko si Daimler na binati rin ako. As usual, naka-lantad na naman ang magagandang katawan nila kaya 'yung mga babaeng taga kabilang block, panay ang sulyap sa kanila.

Kung tutuusin kasi ay gwapo din naman ang mga tropa ko. Magaganda rin ang katawan. Halatang alaga sa gym kada weekend. Ang tatamad lang at puro pagpapaganda ng katawan ang alam.

Iginala ko ang paningin sa paligid at hinanap ang grupo nila Kartini. Kagabi kasi ay hindi ako nito pinansin kahit tinawag ko ng paulit-ulit. Hindi ko na lang biningyan ng pansin at busy din siyang makipag-inuman sa mga kaibigan niya.

Pake ko naman ba. Hindi naman talaga kami magkaibigan na dalawa.

"In fairness, Kaye. Your Kartini's look really handsome today. Each day passed, mas lalo siyang gumagwapo. You see that girl? It's so obvious that she's flirting with him."

Tinigil ko ang pagsubo ng pagkain at agad na napalingon sa katabi ko. Bubulong-bulong na naman si Elyce ngayon sa teynga ko.

"Look at him." Malawak ang ngisi niya habang nakatanaw sa kabilang cottage.

Dahil sa curious ay nilingon ko din ang sinasabi niya. Kartini's wearing a open shirt saka kupas-kupas na kulay asul na shorts. Dahil dun ay nakalantad din ang katawan nito pang-itaas. Infairness, ang ganda rin ng katawan niya.

"Take a move, Kaye. Baka maagawan ka."

Salubong ang kilay na nilingon ko si Elyce. Hindi pa rin mawala-wala ang ngisi nito.

"Pinagsasabi mo?" ani ko saka muling nilingon si Kartini. Sa kanilang grupo ay siya lamang ang tahimik habang ang mga kaibigan niya ay maingay at kung may anong pinag-uusapan. Bahagya lamang aangat ang sulok ng labi nito saka iiling kapag kinakausap siya.

"Duh! Hindi mo ba makita? That girl is flirting with him. Ikaw dapat ang nasa pwesto ng malandi na 'yan ngayon."

Dahil sa sinabi niya ay lumipat ang tingin ko sa babaeng naka-pulupot ang braso sa kaliwang braso ni Kartini. Siya din 'yung babae kagabi.

Umismid ako. Maganda ang babae. Pero asa namang papatulan 'yan ni Kartini. Malinaw pa rin sa isipan ko ang sinabi nito noon na hindi niya tipo ang mga Pinay. Kaya malabong magpa-landi r'yan ang huli.

"Ano bang pake ko?" ani ko kay Elyce. Gaga din 'to eh. Gagawa-gawa ng issue. Kaya ang daming tsismosa sa mundo. Kahit wala namang sense, gagawan ng istorya.

"Aren't you jealous?" muli niyang bulong.

Nag-angat ako ng tingin at muling sumulyap kay Kartini. Saktong paglingon ko ay nagtama ang paningin naming dalawa. Akmang ngingitian ko siya katulad kagabi nang mag-iwas lang ito ng tingin sa 'kin.

Umismid ako saka muling nilingon si Elyce. "Hindi. Bakit naman ako magseselos?"

Natawa ito saka umiling. "You'll realize it soon."

"Hey girls, stop murmuring with each other. Alam ko namang ako ang pinag-uusapan ninyo. Kung gaano ako ka-hot."

Kapwa kami napalingon ni Elyce kay Mickel saka binato ito ng bote ng mineral water.

"Gago!" ani ko.

Buong maghapon ay kung anu-ano ang ginawa namin sa Resort. Nag-snorkeling din sina Mickel kanina at pinauod ko lang sila.

Samantalang si Art naman ay inaya ako at umangkas ako sa speed boat na minaneho niya.

Tuwang-tuwa pa ang gago habang nakayakap ako sa kanya. Kaya pagkabalik namin ay tampulan kami ng tukso ng mga kaibigan niya pati na rin sina Mickel.

"Ano Bro? Kayo na?" Lumapit si Mickel at inakbayan ako habang malawak ang ngisi kay Art.

"Ang hirap pasagutin ni Kaye pero sigurado naman na dadating kami dun," sagot naman ng gago kaya naghiyawan sila.

"Mga ulol! Asa naman!" Tinaas ko ang middle finger ko saka nag-walk out. Hahanap lang ako ng lugar na ako lang at gusto kong mag-selfie bigla.

Dinig ko pa ang halakhakan nila pero hinayaan ko na lang. Bumalik ako sa cottage na pinag-iwanan ko kanina ng mga gamit ko para kunin ang cellphone ko.

Habang papunta doon ay hindi ko naman ini-expect na makakasalubong ko si Kartini. Pero imbis na ngitian katulad ng madalas na ginagawa ko sa kanya, inirapan ko na lang siya. Badtrip ako sa pagmumukha niya ngayon.  Masyadong masungit at suplado. Hindi naman inaano.

Nilagpasan ko siya pero nagulat ako nang higitin na lang ako nito at isinandal sa puno ng niyog. Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa nakikitang iritasyon sa mukha niya. Natatakot lang ako at baka mahulugan kami ng bunga. Paniguradong bagok ang ulo namin nito pagnagkataon.

"Kartini. Anu ba! Will you please get off me," naiiritang ani ko.

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at bumigat din ang kanyang pag hinga. Umawang ang labi niya, akmang may sasabihin pero hindi naman matuloy-tuloy.

"Do you have a problem with me, huh!? Why are you acting like I did something that makes you mad." Maypagka-bipolar din kasi. Hindi naman inaano pero ang sungit-sungit. Minsan mamamansin, minsan naman hindi.

"Fuck, Kaye!"

Nagulat ako sa pagmumura nito. Akmang magsasalita ako nang bigla na lamang itong mag-walk out. Salubong ang kilay na tinanaw ko na lamang itong papalayo.  Napairap ako sa hangin.

Kinagabihan matapos naming mag-dinner ay gumawa ng bonfire sila Mickel at nagtipon-tipon kaming lahat at doon nag-inuman.

As usual, hindi nawala ang truth or dare na laro nila. Maging ako ay napasabak at sinayawan ko pa si Art sa harapan niya. Game naman ako kasi marunong naman akong sumayaw. Walang malisya iyun sa 'kin, sa kanila oo. Pero pake ko naman ba?

"Nililigawan ka ba ni Art?" tanong ni Elyce pagkabalik ko sa tabi niya.

Salubong naman ang kilay na nilingon ko siya. "Ano ba naman 'yan Elyce, ang dami mong nalalaman. Una si Kartini, ngayon naman si Art. Mukha ba akong malandi?"

Wala akong nakuhang sagot sa kanya at tinawanan lang ako. Naiiling na binalik ko na lang ang tingin sa harapan pero nagtama  naman iyun kay Kartini.

Mula nang mangyari ang kanina ay hindi niya na naman ako pinansin pa. Pero kapag napapatingin ako sa kanya ay laging salubong ang kilay nito at masama ang tingin sa 'kin.

Sa inis ay pinandilatan ko ito ng tingin. Agad namang nag-iwas si Kartini at ibinaling ang tingin sa babaeng nilalandi siya.

Mas lumalim pa ang gabi at kung anu-ano nang kalokohang nasasabi nila Mickel. Nagiging bastos na din ang topic kaya mas lalong lumakas ang tawanan nila.

Ang mag-jowang sina Elyce at Reishi ay nagpaalam na maglalakad-lakad muna. Pero syempre hindi ako naniwala. Sigurado naman na gagawa ng milagro ang dalawang 'yun at sa madilim pumunta.

Hanggang sa nabawasan kami, at ako, si Daimler, si Mickel, si Art at dalawa niya pang kaibigan ang natira. Idagdag pa si Kartini na panay na din ang inom kanina pa. Himala nga at wala na ang kalandian nito kanina.

"So, would you tell my who's your first kiss, Kaye?"

Natawa ako sa tanong ni Art. Sa 'kin kasi tumama ang bote at hanggang ngayon ay naglalaro pa din kami.

"Ba't ba ang tsismoso mong gago ka?"

Nagtawanan sina Mickel saka binato ng kung ano si Art.

"Wala lang. Umaasa lang ako na ako ang first kiss mo. Remember the engineering night? We made out, right?"

Umismid ako saka tumungga ng alak. Gago talaga. Pati ba naman 'yun ipagsasabi pa. Akma pa itong may sasabihin na kung ano kung hindi lang sumingit si Daimler.

Ilang ikot pa ng bote at tumapat na naman 'yun kay Art. Napapansin ko, kung hindi sa 'kin tumatama, sa kanya naman. Parang pinagtitripan kami at dinadaya.

"I want you to body shot Kaye," ani Mickel.

Nanlaki naman ang mata ko. Oh! I'm excited! Matagal ko nang gustong gawin 'yun.

Bumaling sa 'kin si Art saka ngumisi. "Anu Kaye? Are you in?"

Ngumisi din ako saka tumango-tango. "Sure." Hinawakan ko ang hem ng T-shirt N suot ko, handa na iyung hubarin nang bigla na lamang may humila sa 'kin patayo at kinaladkad ako. Dahil sa kalasingan ay madali ako nitong nahila at sinandal sa kung saan.

Napangiwi ako sa sakit nang tumama ang likod ko. 'Aray naman!" reklamo ko saka sinamaan ng tingin ang ungas na nanghila sa 'kin. At hindi na ako nagulat nang makita kung sino ito.

"What the fuck is your problem, huh, Kartini!? Kanina ka pa ah. Inaano ka ba!?" Namumuro na talaga ang gagong 'to. Siya pa ang may ganang samaan ako ng tingin ngayon na parang ang laki-laki ng kasalanang nagawa ko sa kanya.

"Ano ha? Sumagot ka! Gago ka ba!"

Pinagtatampal ko ang dibdib niya dahil iyun lang ang abot ko sa kanya. Kaylangan ko pa siyang tingalain at ang tangkad-tangkad niya.

"Why do you have a lot of men surrounds you huh!?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Syempre mga kaibigan ko, lalake. Magtaka siya kung mga babae ang nakapalibot sa 'kin, eh si Elyce lang naman ang kaibigan kong babae. Duh! Nakaka-bobo ang tanong niya sa totoo lang.

"There's Mickel, Daimler. And now... fucking Art. Are you that special that they are treating you like--"

Hindi ko siya pinatapos. Ang gago talaga nito. "So what's your point huh? Will you please get straight to the point now? And will you please tell me why did you dragged me here!?" Ang sarap-sarap ng inuman namin, sisirain niya lang. Hindi ko maintindihan si Kartini sa mga kinikilos niya. Bigla na lang magagalit sa 'kin at nakakainis na!

Inis niyang ginulo ang sariling buhok at mas ikinulong pa ako sa kinasasandalan ko. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at inilapit din ang mukha sa akin dahilan para mataranta ako.

"H-hoy, w-what do you think you are doing?" Pakiramdam ko'y naumid ang dila ko at bigla ring nawala ang kalasingan ko lalo na't tinitigan niya ako mata sa mata bago bumaba ang paningin niya sa labi ko.

Nakakalusaw ang ganda ng mga mata ni Kartini. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Nagmumukha na talaga siyang badboy sa paningin ko habang patagal nang patagal.  Wala na iyung makapal niyang salamin na tumatakip sa itsurs niya. At ngayon nga ay madalas na siyang pinag-uusapan ng mga kababaihan.

Humugot ito ng hininga at saka nagmura. "Can't you see, Dwarfy? I am fucking jealous with the attention you are giving to your boyfriends!"

Itutuloy...
04-19-20

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...