THE BADBOY'S FIRST KISS

נכתב על ידי jhuennstorm

361K 12.9K 1.4K

let's find out the story. עוד

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 12

10.3K 427 35
נכתב על ידי jhuennstorm

[Ryuuji]

Inihinto ko ang kotse sa isang disco bar na pag-aari ng pamilya ni Dan Carly.  Agad akong pumasok sa loob ng bar upang hanapin sina Dan.

Nakita ko si Dan na kumakaway sa'kin. Lumapit ako sa kaniya at umupo.

"Ryuuji, anong problema mo bakit ka nagyayang uminom?" Bungad niyang sabi sa'kin.

Nagsalin ng alak si Dan at ibinigay sa'kin. Tumingin siya sa'kin at itinaas ang shot glass. "Cheers!"

Hindi ako umimik. Itinaas ko lang ang shot glass at in-straight ko ang inom nito.

"Ryuugi."

Tinitigan ko ang shot glass habang pinaglalaruan ko. "Si Aika kasali sa binibining Eastberg."

"What!" hindi makapaniwala sambit ni Dan. "Nag-volunteer siya?"

"Pinilit siya ng mga kaklase niya at professor niya." Muli niyang ininom ang nasa baso niya pagkatapos naglagay ulit ng alak sa baso. Gusto kong magpakalasing. Sa tuwing iniisip ko na kasali si Aika sa contest gusto kong pumatay ng tao.

"Suportahan mo na lang siya."

"Fvck!" Sigaw ko.

Napatingin tuloy sa'kin ang waiter na dumaan sa table namin. "Woah! Relax wag kang magalit."

"Napaka-tanga talaga ng babaing 'yon. Bakit kasi sumali-sali pa siya."

"Ikaw na rin ang nagsabi na sinali siya. Wala na tayong magagawa bukas na ang contest. Hindi ka naman nanonood 'di ba?"

Matalim kong tinitigan sin Dan. "So what?"

"Hindi mo naman siya totoong girlfriend kaya wala kang karapatan na magalit sa kaniya."

Napadiin ang hawak ko sa shot glass kulang na lang mabasag ito sa kamay ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Tama naman si Dan wala akong karapatang magalit sa kaniya pero bakit ako naiinis.

"Ang swerte ni Aeron dahil siya ang escort sa magiging top 10."

"Ulitin mo ang sinabi mo?"

"Hindi na sinabi sa'yo ng Mommy mo na dumating na ang kuya Aeron mo at siya ang kinuhang escort sa magiging top 10."

Tumayo ako upang umalis. "I'm going home."

"Teka uuwi ka na agad, hindi pa tayo nakakadami ng inom."

Hindi na ako kumibo. Dire-diretso akong umalis at sumakay sa kotse. Uuwi ako ng bahay upang kausapin ang nakakatanda kong kapatid na si Aeron. Si Aeron ang panganay kong kapatid na lalaki. Matanda siya sa'kin ng tatlong taon. Sa America siya nag-aaral at hindi ko alam kung bakit nandito siya sa pilipinas.

Halos kalahating oras ang naging biyahe ko nang makarating ako sa mansiyon. Dire-diretso akong pumasok.

"Good evening po Senyorito." Bati sa'kin ng isa sa mga katulong na nakasalubong. Tiningnan ko lang siya pagkatapos pumunta ako sa silid ni Kuya Aeron.

"Tok! Tok!Tok!"

Halos gusto ko ng sipain ang pintuan ng kwarto niya sa inis ko.

"Hey! Gusto mo na yata sirain ang pinto." Sabi niya ng buksan niya.

Nakasuot siya ng jogging pants at t-shirt nang pagbuksan ako ng pinto. Salubong pa ang kilay niya.

Matalim akong tumingin sa kaniya. "Why are you here?"

"What a stupid question. Ofcourse this is my home. Ano bang problema mo?"

Tiningnan ko ang kwarto niya pagkatapos pumasok ako sa loob na walang paalam sa kaniya pagkatapos pinagmasdan ko ang paligid nakita ko ang poster ng mga binibi. Kinuha ko 'yon. Pagkatapos nilamukos ko. Ang sabi ni Aika wala siya sa picture sa poster bakit nandoon siya.

"Hey! Ano bang problema mo?!" Inis niyang sambit.

"Ikaw ang escort sa pageant?" nakasimangot ako sa kaniya.

"Yes, what's your problem?"

Ibinato ko sa kaniya ang ginusot kong poster na ikinainis niya. "Damn!" Kinuwelyuhan niya ako.

"Wag kang mag-escort bukas." Nakipagtitigan pa ako sa kaniya.

"At bakit naman kita susundin?" Tinulak niya ako. "Psh! Isip bata."

Hindi ako nagpatinag sa kaniya. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," warning ko sa kaniya.

Pang-asar na ngumiti si Kuya Aeron at  umiling. Alam kong hindi siya natakot sa sinabi ko, kaya mas lalo akong nainis.

"Gabi na kailangang kong matulog." Humiga siya sa kama.

Tikom ang kamao ko habang nakatitig sa kaniya at pagkatapos dinampot ko ang unan sa tabi niya at binato ko 'yon sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto niya.

"Fvck!" sigaw niya sa'kin, pero hindi niya ako sinundan upang patulan sa ginawa ko sa kanya.

Paglabas ko ng kwarto ni Kuya Aeron nakita ko si Mommy na bumaba mula sa second floor. Nakasuot na siya ng pantulog niyang damit. Sinundan ko siya hanggang sa kusina.

"Ryuuji, may kailangan ka ba sa'kin?" tanong ni Mommy sa'kin.

Umupo ako sa upuan at huminga ng malalim. "Mom, gusto kong maging escort bukas sa pageant."

Lumapit sa'kin si Mommy, habang nakakunot-noo. Marahin nagtataka siya sa'kin. Hindi ko naman kasi kailaman pinakialaman ang lahat ng events sa school, lalo na ang pageant.

"Ikaw ba iyan Ryuuji?" hindi mapaniwalang tanong ni Mommy.

"Kasali ang girlfriend ko sa pageant at ayokong si Kuya Aeron ang mag-e-escort sa kaniya."

Ang alam kasi ni Mommy girlfrend ko si Aika kaya 'yon din ang sinabi ko sa kaniya ngayon. Ayoko talagang nandoon si Kuya Aeron, ayokong may ibang titingin kay Aika.

"Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin? Sana...ikaw na lang ang sinabihan ko."

Huminga ako ng malalim. Kung nalaman ko sana agad marahil sinabi ko iyon kay Mommy. "Hindi agad sa'kin sinabi ng girlfriend ko, ngayon lang niya sinabi kung kailan bukas ang pageant."

Ngumiti si Mommy pagkatapos ginulo ang buhok ko. "Masyado kang seloso, sige, sasabihin ko sa kuya Aeron mo na ikaw ang escort sa girlfriend mo kapag nakasama siya sa top 10."

"I'm sure makakasama siya baka nga siya pa ang manalo."

"Matulog ka na dahil baka magbago pa ang isip ko," inamoy niya ako. "Amoy alak ka pa."

Tumayo ako. "Maliligo lang ako bago matulog," tuluyan na akong umalis ng

                 **************

Umaga pa lang pumunta na ako ng school, hindi ko hinatid si Aika dahil alam kong may susundo sa kaniya. Tiningnan ko ang pagdadausan ng venue. Gusto ko kasing makasigurado na walang magiging aksidente mamamaya. May naglalagay pa rin ng decoration ng stage kaya naman gulat na gulat sila dahil nakita nila ako.

"Totoo ba ang nakikita ko? Nandito ka Ryuuji?" tanong ng Dean ng school na binisita ang venue.

Sinimangutan ko siya. "What's the problem?"

Lumapit siya sa'kin at tiningnan. "Ryuuji, hindi talaga ako makapaniwala na nandito ka ngayon, sabihin mo nga sa'kin anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?"

"Hindi ibig sabihin na malakas ka Mommy ko, puwede mo na akong kausapin ng ganyan."

"Oh, I'm sorry, masaya lang ako dahil nandito ka," ngumiti pa siya sa'kin at pagkatapos tinuon ang pansin sa mga nagde-decoration.

Pagdating ng gabi nagsimula umingay sa buong Eastberg dahil sa lakas ng speaker. Nagsimula ng magsidatingan ang mga tao sa loob ng gym. Nakita ko na rin sa back stage ang mga candidates ngunit hindi ako lumapit para tingnan si Aika. Umupo ako sa pinaka-unahang upuan sa likod ng judges. Ilang saglit pa nagsimula na ang open ceremony. Nagkaroon ng mga mensahe ang presidente at ibang kasapi nito.

Dumating na rin ang sina Fujima at Dan. "Ang aga mo naman dito," tanong ni Fujima.

Hindi ako kumibo alam ko kasing aasarin na nila ako.

"Nakita ko si Aika sa back stage ang ganda niya," sabi ni Dan.

Nakangiti siya nang lumingon ako sa kaniya. "Siguradong marami kang karibal bukas Ryuuji," sabi ni Dan.

"Maganda naman talaga si Aika," sabad naman ni Fujima.

Hindi ako nakisali sa usapan nilang dalawa. Nakatuon ang tingin ko sa stage.

"Good evening ladies and gentlement," sabi ng emcee.

Nakaramdam ako ng kaba nang magsalita ang Emcee.

"Excited na ba kayong makita ang mga candidates ng binibing Eastberg?!"

Naghiyawan ang mga tao sa paligid.

"Hindi na namin patatagalin. Let's all welcome the candidates of Binibining Eastberg 2020.

Malakas na hiyawan ang naging tugon ng mga taong nanonood, pagkatapos nagpatugtog sila ng One in a million. Isa-isang lumabas ang mga candidates at nagpakilala.

"Wow! Ang gaganda nila!" sigaw ni Fujima.

Nakatitig ako kay Aika nang lumabas siya. Naka Red long gown siya na punong-puno ng bids kaya naman kumikinang ang damit niya kapag nasisinagan ng liwanag. Pinakulot ang buhok niya at kitang-kita sa mukha niya ang fierce. Hindi mo mahahalata na baguhan lang siya sa pageant.

"She's beautiful."

Siniko ako ni Dan at Fujima. "Ang ganda-ganda ni Aika."

Nakatitig ako kay nang magpakilala siya. Ang puso ko ay halos lumundag sa saya nang makita siya.

"Good evening Ladies and gentlemen my name is Aika Cassidy Miketsukame, representing BS Psychology! Thank you."

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko sa kanya ang pagkagulat kaya bigla itong huminto. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ng mga tao.

"Ang ganda ni Aika."

"Hindi ko akalain na sasali siya sa ganitong pageant, mukha kasi siyang mahiyain."

"Liligawan ko siya pagkatapos ng pageant."

Bigla akong tumayo at lumapit sa lalaking nagsabing liligawan si Aika.
Nagulat pa ang lalaki nang makita niya ako sa harapan niya.

"What did you say?!" hinawakan ko ang kwelyo niya.

Inawat naman ako ni Fujima at Dan. "Relax, lang Ryuuji," sabi ni Fujima.

Hinila nila ako palayo sa lalaki.

Dahil sa takot ng mga lalaki lumipat sila ng pwesto.

"Ryuuji, wag ka ngang masyadong mainit."

"Masyado naman itong selosong boyfriend paano pa kaya kung makita mo siyang naka-two piece?" sabi ni Fujima.

"Fvk!" napamura ako sa inis

Muling kong pinanood si Aika na nagpapakita ng talent niya. Drama ang ginawa ni Aika.

Wala akong ibang babaing pinapanood kung hindi Aika lang sa kaniya lang nakatuon ang mga mata ko.

"Thank you beautiful candidates. And now for swim suit competition."

Halos wala ka ng marinig dahil sa lakas ng ingay sa palagid.

"Iyan na ang hihintay ko," sabi ni Fujima.

Tumayo ako upang umalis. Napansin naman iyon ng kaibigan ko.

"Saan ka pupunta, Ryuuji?!"

"Kay Aika," pagkatapos umalis na ako at pumunta sa back stage.

המשך קריאה

You'll Also Like

93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
1.2M 53.3K 68
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...