Rule #1: Rule of Fate

By redvelvetcakes

128K 3.1K 797

Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if... More

Prologue
[2]
[3]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[26]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[38]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

[1]

6K 112 8
By redvelvetcakes

"Lia! Tanghali na! Gumising ka na dyan!"

I groaned, hugging my pillow tightly. Maaga pa naman. Nag-alarm naman ako kaya sigurado hindi ako malalate. I'm sure I won't be late.

"Aba, ayaw mo talaga gumising?" Rinig ko ang inis sa boses ni Mama.

Naramdaman ko ang pag-galaw ko. Nanatili naman nakapikit ang mga mata ko. Gusto ko naman talagang gumising na pero hindi ako makagalaw. Ayoko pa gumising. My body felt in shock nung naramdaman ko ang sakit ng pagkahulog ko sa kama. Agad naman napabukas ang mata ko!

Hinulog ako ni Mama sa kama!

"Ma!" reklamo ko.

Nakapameywang lang siya sa 'kin habang sinasamaan ko siya ng tingin. Nararamdaman ko pa rin yung sakit ng likod at ulo ko. Why does she have to push me over the bed?

"Oh edi nagising ka na! Liliana Madeline, alam kong hindi ka maaga gumising pero may pasok ka! Gusto mo ba talagang abutan ng rush hour o malate?" Sermon niya sa sa akin.

8 AM uli ang pasok ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nanlaki ang mata ng makitang 7:30 AM na! What the—anong nangyari sa alarm ko?! Ilang weeks na akong pumapasok pero bakit ngayon lang ako nagising ng late?

Napatayo ako agad at kumuha ng damit sa cabinet.

"O tapos ngayon, nagmamadali ka? Nako naman, Liliana. Lagi ka nalang bang late?"

Hindi ko nalang pinansin si Mama at naligo na ng mabilis. Gosh, sabi ko bagong buhay na ako this college eh, mukhang hindi pa ata. Next year nalang siguro.

Mabilis lang naman akong naligo at nakapagbihis na rin agad. Magmamakeup pa sana ako pero baka sa school nalang siguro. Paglabas ko ng kwarto, nasa dining table na si Mama at may tinapay na nandun.

"Ano oras ba pasok mo? At madaling madali ka?" tanong niya sa 'kin.

"Ma, allowance." panghihingi ko sa kanya.

She rolled her eyes at me and gave me my allowance for today. Sanay na ako kay Mama. Kung suplada ako sa tingin ng iba, siguro namana ko sa kanya yun. Ang tapang niya eh.

"8AM, Mama. Sige, bye!" sabi ko at kinuha 'yung isang balot ng pandesal para may makain ako papunta.

"Hoy!" rinig kong sigaw niya.

Naglakad na rin ako palabas. Sa may labasan pa kase ng subdivision ang sakayan ng mga jeep, bus, FX. Bigla ko naman naramdaman ang tulo ng tubig sa ulo ko. At kung sinusuwerte nga naman, umulan pa!

Thankfully, kakabili ko lang ng payong. Sa jeep ko nalang siguro kakainin yung pandesal.

Pagsakay ko ng jeep, agad ko naman binanatan ang pandesal na ninakaw ko kay Mama. I don't care if tingnan nila ako, at least kumakain ako. Gutom na gutom na ako e!

Dahil umuulan, medyo nabasa na ako ng konti. 9AM na. Hindi naman na siguro ako aabutan ng rush hour at ng maraming tao.

Yasmin Fortalejo: sis, nasan ka na?

Lia Dela Fuentes: LRT. Kakapasok ko lang. Nagdidiscuss kayo?

Yasmin Fortalejo: late si prof.

I groaned and sighed in relief. Buti nalang talaga at late! Muntik ko naman na malaglag ang cellphone ko nung may nakabangga sa akin.

"Sorry miss—"

Napalingon ako nung makita si Gray. Medyo nagulat din siya na nakita ako. Tingnan mo nga naman oh, sa lahat ng tao siya pa makakasabay ko? Late rin siya?

"Late ka rin?" tanong ko.

Medyo basa pa ang buhok niya dahil siguro sa ulan. Kita ko rin na basang-basa ang payong niya. Ngumiti ako sa kanya. I realized that I should be more sociable and friendly now. I need friends.

"Ah, oo. Nalate ako ng gising e." he explained.

Tumango ako. "Saan ka ba nakatira?"

"Dyan lang. Kayang lakarin. Pero umuulan kaya nag jeep na ako."

Sabay na kami naglakad paakyat ng platform. Suot ko na rin ngayon ang ID ko dahil sa beep card ko. Medyo konti na rin ang mga estudyanteng nakikita ko. Sabagay, late na nga kase.

"Ikaw?" tanong niya.

"Ah... sa Rizal ako."

"Layo." he said, chuckling. "Bakit dito ka sumasakay? Hindi ba may mas malapit na station sa inyo?"

Ngumiti ako. "Isang sakay lang kase 'to sa amin. Kaya dito na ako sumasakay. Mas madali ang daan."

Wala pa ang tren kaya naghihintay nalang kami dito. Wala pa naman masyadong tao. Siguro dahil past rush hour na. Hindi ko na alam ang paguusapan namin. Hindi naman kase kami gaano ka-close.

"Nandun na daw ba prof?" tanong niya.

Umiling ako. "Sabi ni Yasmin, late daw. Kaya siguro, sakto lang tayo."

Tumango siya. Ang awkward. Hindi ko na tuloy alam kung anong isusunod ko.

"Nga pala, hindi na ako nakapagsorry nung first day. Hindi ko naman sinasadya."

"Hala, okay lang. Hindi ko naman dinadamdam." sabi ko sabay tawa.

Dumating na din yung tren, napansin ko naman na halos walang laman 'yun. Tama nga siguro? Pag ganitong oras hindi masyado matao. Wala rin kase nakatayo e.

Pagpasok namin, marami pang bakanteng upuan. Halos wala ngang tao ngayon e. Nakakapanibago!

"Ikaw na umupo," sabi niya.

I nodded. Ayoko na pumalag, baka mawala pa yung upuan e. Sinunod ko nalang siya at umupo sa tabi nung babae. Busy siya sa phone at nakayuko. Si Gray naman nakatayo dun sa malayo.

"Lia?"

Tumingin ako sa kanya. "Lia, diba? Hala, late ka rin?"

Ah... si Sheryl. Isa rin sa blockmates namin. Balita ko, kaklase din daw siya nina Amanda nung high school. Taga-Rizal din. Pero mas malayo sa amin. Marami rin siya kakilala sa section namin. Siguro, dahil halos doon din sila nag-aral.

"Baka pala hindi mo 'ko kilala, Ako pala si Sheryl. Blockmates tayo." pakilala niya sa 'kin na may ngiti.

Ngumiti ako pabalik. "Kilala kita, nakwento ka ni Amanda." Nung lunch kase, sabi ni Amanda, sa kanya na kami sumabay. Kinuwento niya kung sino-sino yung mga blockmates namin. Kaya agad ko nakilala si Sheryl.

"Si Amanda? Ang daldal talaga niya! Nako, ganyan na yan noon."

Kinuwentuhan niya pa ako. Ang daldal! Kaya siguro magkakilala sila ni Amanda...

Noong dumating na sa station namin, sabay na kami lumabas, tumingin din ako kay Gray at sumunod siya sa amin. Agad naman napansin ni Sheryl na kasama ko pala si Gray kanina.

"Gray! Kasama ka pala ni Lia!"

I am amazed at how friendly she can be. Halos lahat ata kami kilala niya. Ako naman, hindi ko pa rin kabisado kung sino yung iba. I am not really good with names eh, history dates pwede pa. Eto talaga, hindi eh.

Gray looked at her coldly. Tumango lang siya.

"Hala, pare-parehas tayong late!" She exclaimed.

Medyo awkward na nung papunta kami sa School. Walang nagsasalita kase, ang tahimik naming dalawa. Nag-tricycle kami, nagkwento lang sa 'kin si Sheryl. Pagdating naman namin, wala pa rin yung prof.

Hindi na kami nag-usap ni Gray. Dumiretso nalang din ako agad sa tabi ni Yasmin. Pinanlakihan niya naman ako ng mata na parang may gusto siyang i-chika ko.

"Bakit kayo sabay nina Gray at Sheryl?" She asked.

Lumingon ako kay Gray. Kausap niya ngayon si Mason. Parang may pinag-uusapan sila na importante. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya, at tumingin siya sa 'kin! Agad naman ako nagbalik ng tingin kay Yasmin.

"Wala, nakasabay lang sa LRT." sabi ko.

"Diba crush mo yun?" Tanong niya sa akin ng pabulong. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Wala akong sinasabing ganyan!

"Ha? Gawa-gawa ka. Hindi ko siya gusto, okay? Gwapo lang pero di ko type." bulong ko pabalik sa kanya.

She chuckled at umiling. "Totoo ba?"

"Oo nga. Iba crush ko, okay?"

Tumawa lang siya ulit. "Okay." sabi niya pero mukhang di pa rin naniniwala.

Hindi na ako ginulo ni Yasmin dahil dumating din ang Prof. Nag-sorry muna siya, dahil late siya at may kinailangan lang daw asikasuhin sa bahay. Nagsimula naman siya agad ng discussion at doon ko nalang tinuon yung atensyon ko.

Hindi kami madalas mag-usap ni Gray sa classroom. Siguro, pag-groupings lang. Pero nagulat talaga ako na kinausap niya ako kanina. Nag-sorry pa siya sa 'kin.

"So, you'll have a presentation for this next week. I am expecting a lot from you, kaya galingan niyo. You may discuss with your group kung ano ang gusto niyong gawin..."

Pumunta na kami sa mga respective groups namin. I suddenly remembered na ka-group ko nga pala siya dito. Hindi ko na nga nagawang kausapin siya kanina, dahil kasama namin si Sheryl.

"Okay guys! So kailangan daw natin gumawa ng event, tapos..." Amanda facilitated the meeting. Sa aming lahat kase, mas fit siya na leader. Mas kaya niyang gawin yung responsibility na yun. Madaldal din naman siya kaya marami siyang masasabi.

"So... we need someone who'll edit the design of the posters. Pati yung magiging itsura nung event and yung booth... may marunong ba dito?"

Napatingin sa akin si Yasmin. Noong high school kase, sa lahat ng prod na sinalihan ko, ako ang laging taga-edit. Maski sa mga events ng school, ako pinapagawa. Kaya pati sa groupings, ako rin. Medyo nasawa na ako pero kung kailangan, gagawin ko pa rin naman.

Walang nagtaas ng kamay. I sighed. Tinaas ko ng dahan-dahan ang kamay ko.

Napatingin silang lahat sa 'kin. Sinubukan ko nalang di ma-awkward sa mga tingin nila. Nakangiti naman sa akin si Mason.

"Marunong ka, Lia?" Natutuwang sabi ni Amanda.

"Oo! Magaling 'to si Lia. Siya nga yung gumagawa ng lahat ng posters namin dati sa school." Pagmamalaki sa akin ni Yasmin.

"Talaga? Great! Ikaw na doon ah! Dala ka nalang ng laptop." sabi ni Amanda.

Ngumiti ako ng tipid at tumango. Nakatingin pa rin sa 'kin si Gray. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Bakit ba tingin 'to ng tingin? Nakakaconscious. Patuloy naman nagdiscuss si Amanda at nagsuggest din ang iba namin mga kagrupo.

"So... I guess settled na? Sa bahay nalang namin siguro tayo. Sa Friday! After school. Diretso na tayo doon." Amanda said.

We all agreed at tinapos na ang meeting. Nagdismiss na rin ang prof kaya kumain muna kami nina Yasmin, Tina, Allie, at Mina.

Dahil umuulan, sa campus nalang kami kumain. Masarap rin naman ang sisig dito. Marami rin kase sa paligid ng school na mga kainan.

"Alam niyo, ang gwapo talaga ni Gray 'no? After noong batch orientation, ang daming nagtatanong sa mga freedom wall, kung sino siya. Proud pa nga ako sabihin na classmate natin yun eh!" kwento ni Allie.

Yasmin glanced at me. Ayan na naman siya sa ilusyon niyang gusto ko si Gray. Eh, hindi ko nga siya gusto! May iba akong gusto at matagal na 'yun. Wala akong balak baguhin 'yon.

"Same, tinanong sa akin nung pinsan ko kung kilala ko daw ba, dahil kacourse natin. Tapos sabi ko, ay kilala ko yan! Blockmate ko. Tapos sabi niya ang daya na nakikita ko daw araw-araw." si Tina.

Tahimik naman akong tumango habang inaabala ang sarili sa pagkain. Wala naman talaga akong interes sa pinag-uusapan nila. Alam ko naman talaga na malakas 'yang si Gray sa mga babae dito sa college.

"Tahimik yung isa diyan, ehem." si Yasmin.

Nag-angat ako ng tingin. Nagtataka kung sino tinutukoy nila.

"Oo nga, sino kaya?" sabi ni Mina.

Hindi naman ako dense para di isipin na ako nga pinaguusapan ng mga ito. Halata naman.

Umiling lang ako at kumain nalang. Kung aangal ako mas iisipin lang nila na gusto ko siya. Eh, totoo naman na hindi ah! Ayoko na, ipagtanggol sarili ko nakakapagod din naman.

"Grabe, wala talaga siyang imik, oh."

Binaba ko ang utensils ko. "Anong sasabihin ko?"

"Ay, alam niya naman pala na siya tinutukoy natin." sabi ng mga kaibigan ko sabay tawa. I groaned.

"Saan niyo ba nakuha yung idea na gusto ko siya? Eh, hindi nga!" depensa ko. Halos araw-araw nalang kase tinutukso nila ako sa kanya e wala naman akong gusto don!

Tumawa naman sila ulit. Ang bully! "Bakit ka defensive? So, totoo?" Tina said.

Dahil tapos na rin naman ako kumain, lalayasan ko nalang sila. Kainis kase! Pilit ng pilit!

Tumayo ako at umalis ng table namin, hindi ko naman namalayan na may padaan pala kaya nagkabunggo kami at napatama ako sa dibdib niya. Medyo masakit din!

"Sorry!" I said. Napa-angat ako ng tingin ng makita na si Gray 'yon! Of all people nga naman! Kasama niya rin sina Mason at yung ibang lalaki namin na kaklase.

Naririnig ko naman ang mga tawa ng kaibigan ko. Ever since first day, tinutukso na nila ako kay Gray. Crush ko daw?

"Okay lang, sorry din." sabi ni Gray. He smiled at me. Ngumiti lang ako pabalik at mabilis na umalis na doon. Pagtatawanan lang ako ng mga yun.

"Oh, Lia! Saan ka pupunta?" sigaw ni Yasmin.

Hindi ko na sila inintindi at pumasok nalang ng CR. Nakakahiya! Bakit ba kase pinipilit nila akong may gusto sa kanya?

Tumingin ako sa salamin at sinubukan pakalmahin ang sarili. Hindi naman ako kinikilig o kahit ano. Wala din ako nararamdaman na kahit ano. Sadyang nakakahiya lang kase.

Pinagtitinginan na rin ako dito nung mga pumapasok kase mukha akong tanga sa harap ng salamin. Nung mapakalma ko na sarili ko ay bumalik na ako doon. Bakit ba kase dumaan pa siya dun? Edi sana nakuha ko bag ko diba?

Pagbalik ko doon, wala na sila. Nakita kong nakaupo si Gray habang naglalaro ata, habang katabi ang bag ko. Ano ba talagang trip ng mga kaibigan ko?

"Nasaan sila?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin bago mabilis na binalik ang tingin sa nilalaro. "May binili sa labas. Pinababantay sa 'kin ang bag mo."

Tumango ako. Umupo nalang din ako sa tabi niya at tiningnan siyang naglalaro. Mukhang focus na focus kase siya. Dumungaw ako at nakita kung ano 'yung nilalaro niya.

"ML ba yan?" I asked.

Sumulyap siya sa akin at mukhang nagulat sa tanong ko. Tingin niya ba di ako naglalaro niyan?

"Oo, naglalaro ka?"

"Yes, pero di ako gaano kagaling, Master lang ako."

Tumawa naman siya. "Okay lang yan,"

Pinanood ko nalang siya habang naglalaro nung biglang bumalik yung mga kaibigan namin at kaibigan niya. Talagang magkakasama pa sila ah?

"Lia! Kamusta?" tanong ni Tina sabay akyat baba ng kilay sa akin at sumaglit ng tingin kay Gray.

Natapos na rin si Gray sa laro kaya kakwentuhan niya na mga kaibigan niya. May next sub pa kami kaya naman nandito pa rin kami sa school, kahit ulanan na.

"Guys, tara na. We'll be late na." pangyaya ko nalang at kinuha ko ang bag ko at nilagpasan nalang silang lahat. Ayoko na pagusapan yun. Baka marinig pa nila e.

Narinig ko nalang ang tawa ng mga kaibigan ko na sumunod na rin sa akin.

Pagdating namin sa classroom, nagkwekwentuhan lang yung iba naming blockmates. Wala pa ang prof at lalo pang lumalakas ang ulan sa labas.

"Guys! Di na daw pala dadating yung prof! May emergency daw kase." Sheryl announced. Siya kase yung na-appoint na President. So, siya ang kinakausap ng mga prof pag 'di sila papasok.

"Ha? Edi naghintay lang tayo sa wala." sabi ni Lester sabay kamot ng ulo.

Great. At least, lulubayan na ako ng mga kaibigan ko.

"Uwi ka na, Gray?" rinig kong tanong ni Mason.

"Oo, kayo?" sagot ni Gray.

"Sabay na tayo papuntang LRT. May kikitain lang ako doon banda." ani ni Mason sa kanya.

Nagtayuan na kami at palabas na ng classroom para uwi. Pagod na ako at gusto ko nalang humiga sa kama. Bakit ba kase ngayon lang nagsabi na hindi papasok? Edi sana kanina pa kami nakauwi.

"Wait, may aasikasuhin lang ako sa org. Mauna ka na, Lia!" sabi ni Tina sabay takbo palayo. Siya ang lagi kong kasabay pauwi dahil taga-Rizal din siya. Iniwan na naman ako.

"Tina!" tawag ko. Pero nagwave lang siya. Sigurado ako gagabihin na naman siya kaya hindi ko na siya makakasabay.

"Sa LRT ka, Lia diba? Tara na." alok sa akin ni Yasmin.

Pero bago pa kami makaalis ay nadaanan namin sina Mason. Narinig ata nila ang usapan namin kaya lumapit ito sa amin.

"Yas, sa LRT din kayo?" tanong ni Mason. Kasama niya si Gray, Lester, at Derek.

Tumango si Yasmin. "Kami ni Lia. Jeep kase sina Allie at Mina. Kayo din?"

"Oo, tara sabay na tayo." sagot ni Mason.

I glanced at Gray. Nahihiya pa rin ako. For some reason, hindi ko talaga siya kayang kasama ng hindi nag-iisip ng kung ano-ano. Paano ba naman kase? Parang nalason na isip ko sa mga kaibigan ko.

Kumapit si Yasmin sa braso ko. "Yie." bulong niya. Hinampas ko siya ng konti. Tumawa lang naman siya.

Dahil umuulan at medyo bumabaha na, wala kaming choice kung 'di lakarin nalang iyon. 'Yung iba nagshare nalang sa payong para hindi naman tigiisa-isa at nagkakabunguan ng payong.

Nagkwekwentuhan sina Yasmin kina Lester at Derek. Kasama ko naman sina Gray at Mason. Mas tahimik kami kumpara don sa mga nasa harap dahil lahat sila'y maiingay. Si Mason lang naman ang maingay dito sa aming tatlo.

"Lia, diba galing kayong all-girls school nina Yas?" bigla tanong ni Mason.

"Oo. Bakit?"

"So... never ka pang nagkaboyfriend?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. Porket all-girls school, 'di na pwede magboyfriend? May naging crush kaya ako dati na taga all-boys din.

"Hindi pa. Pero may nakikilala naman kami."

"Walang nanligaw sayo?"

"Wala. Feeling ko nga kase, tingin nila sa 'kin suplada. Hindi naman yun totoo. Mahiyain lang talaga ako." paliwanag ko sa kanya.

Tumawa siya. "Halata nga,"

Nakikinig lang si Gray habang pinaguusapan namin yun. Hindi siya umiimik. Nakatingin lang sa harap. Ganyan ba talaga siya katahimik?

"Nung una kitang nakita, gandang ganda ako sa'yo... pero mukha kang hindi madaling kausapin... pero hindi naman pala, mabait ka naman at mahinhin." kwento sa akin ni Mason.

My lips parted in shock because of what Mason said. Ako? Maganda? Akala ko pa naman si Yasmin ang aakalain nilang maganda. Hindi ko naman alam na iyon ang tingin nila sa akin.

"Kayo kase ni Yasmin yung tingin ko pinakamaganda sa classroom." dagdag pa niya.

"Ah... binobola mo ba ako?" sabi ko, sabay taas ng kilay ko.

Tumawa siya. "Hindi ah! Maganda ka naman talaga!"

Umismid ako. "Okay."

Parang pader lang si Gray habang nag-uusap kami ni Mason. Nandun lang siya sa gitna at hindi nagsasalita. Napansin naman din 'yun ni Mason.

"Oh, dude? Bakit di ka nagsasalita?" tanong niya kay Gray.

Hindi na naman siya nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa harap ng station, wala. Wala kaming nakuhang kahit anong sagot sa kanya. He doesn't look like the quiet type, but I guess he doesn't want to speak now.

"Oh, ingat kayo!" sabi sa amin ni Mason nung nakarating na kami sa LRT station. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Nice talking to you, Lia."

"Ikaw din."

Tinapik lang ni Mason sa balikat si Gray at umalis na. Sina Lester at Derek naman kasabay pa rin si Yasmin. Kaming dalawa ni Gray dito sa likod nila... ang tahimik.

"Pare-parehas pala kami nina Lester at Derek na pa Recto. Sa kabila ba kayo?" Tanong ni Yasmin.

Tumango lang si Gray. Sumagot naman kami ng oo.

"Ah... sige. Bye! Ingat kayo guys!" sabi niya at hinila na ang dalawa palayo para umalis.

"Bye, pre! Bye, Lia!" sigaw din ni Lester at Derek at nakipag fist bump pa dito.

Naiwan na kaming dalawa. Bakit ba kase walang doon din ang daan? Si Tina dito rin, pero iniwan niya ako.

"Tara na," I said, smiling. Pagsakay namin ng LRT, wala pa rin umiimik. Madaldal naman siya pag kausap niya sina Lester. Bakit ang tahimik niya ngayon?

Pagbaba namin sa babaan namin, hindi ko malaman kung paano ko ba siya patutunguhan. Magpapaalam na ba ako?

"Maglalakad ka nalang ba?" tanong ko.

"Sasakay akong jeep."

"Ah, ganoon ba? Sige, bye! Ingat!" sabi ko at mabilis na naglakad na palayo.

Mabilis ako naglakad ng hindi na siya nililingon. Pagpasok ko ng jeep, hingal na hingal ata ako.

Pero mas nagulat ako nung pumasok rin siya ng jeep. Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?

Napahawak ako sa braso niya nung lumagpas siya sa akin. Umupo naman siya sa tabi ko kase doon may bakante.

"Dito ka rin sumasakay?" I asked. Duh, malamang, Lia!

"Oo. Dadaan ito sa amin." sagot niya.

Bumitaw ako at ngumiti. Walang nagsalita sa amin. I feel so stupid! Gosh, Lia. Lagi ka nalang ba nahihiya? Sabi mo, gusto mo friends diba? Oh, ayan may kasabay ka na, i-friends mo na!

Hinintay ko nalang na umandar yung jeep. Hindi ko nalang din siya pinansin. It's for the best, since hindi rin naman kami ganoong ka-close. Parang sinubukan ko pa ngang takbuhan siya kanina eh, parehas lang pala sasakyan namin.

Tumunog yung hinihila sa jeep. Tumingin ako sa kanya at nilabas naman niya ang kamao niya sa akin. Bababa na ata siya.

"Ingat." sabi niya at hinihintay na makipag-fist bump ako sa kanya.

I looked at him and bumped my fist against his. I instantly noticed his grey eyes. Hindi ko napapansin iyon nung mga nakaraang araw pero ang ganda pala nung tingnan...

"Bye..." mahina kong sambit.

Ngumiti siya sa akin at bumaba na ng jeep. I could feel my heart beating loudly from the sudden contact. Hindi ko maintindihan. Bakit ako kinakabahan?

Hindi ko na rin napigilan na habulin siya ng tingin bago tuluyan na umalis ang jeep. Napansin ko naman na nakataas pa rin ang kamao ko. Binaba ko 'yon.

Gusto ko ba siya?

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 87 39
SPSeries #3: That Sunset Along Roxas Boulevard (Cedric's Story) 3 of 5. Haunted by her past, Kasha Marina, an architecture student from PUP Manila, c...
807K 23.9K 49
Nuraya just knew she had to give it all. Sa hirap ng buhay kailangan niya na lang talagang ibigay ang best niya para maatim lahat ng pangarap niya sa...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
378K 19.8K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.