FEIGHT (Famous Eight)

Ms_Teria által

605K 38.1K 34.8K

Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be... Több

TEASER
Chapter 1: "First Encounter"
Chapter 2: "Famous Eight"
Chapter 3: "Official Members"
Chapter 4: "Game Plan"
Chapter 5: Some Fun
Chapter 6: "Feight and the Bully"
Chapter 7: "Claiming Territory"
Chapter 8: "Feight and the Paper"
Chapter 9: "Feight and the Code"
Chapter 10: "Mission Impossible"
Chapter 11: "Feight and the Stealer"
Chapter 12: "Feight and Stealer #2"
Chapter 13: "Party Planners"
Chapter 15: "Troubled"
Chapter 16: "Feight minus One"
Chapter 17: "Guilty"
Chapter 18: "Lie Detectors"
Chapter 19: "Long Day"
Chapter 20: "Morning Headaches"
Chapter 21: "The Commoner"
Chapter 22: "Rich Kids"
Chapter 23: "The Bunny Lover"
Chapter 24: "Missing Member"
Chapter 25: "Spy"
Chapter 26: "Cornered"
Chapter 27: "Rescue Mission"
Chapter 28: "Feight vs. Stealers"
Chapter 29: "Halloween Festival"
Chapter 30: "The Playboy"
Chapter 31: "Happy Birthday"
Chapter 32: "Freshmen No More"
Chapter 33: "Who Are They?"
Chapter 34: "First Assignment"
Chapter 35: "Feight vs. Newspaper Club"
Chapter 36: "Club Fair"
Chapter 37: "Winsdom's Target"
Chapter 38: "Opening Ceremony"
Chapter 39: "InterHigh"
Chapter 40: "InterHigh Day 2"
Chapter 41: "Elites Game Part 1"
Chapter 42: "Elites Game Part 2"
Chapter 43: "They Won"
SPECIAL CHAPTER: "DELETED SCENES"
Chapter 44: "Little Problem"
Chapter 45: "Babysitters (Part 1)"
Chapter 46: "Babysitters (Part 2)"
Chapter 47: "Babysitters (Last Part)"
Chapter 48: "Exchange"
Chapter 49: "Knight's Departure"
Chapter 50: "Stealer's Ally"
Chapter 51: "Exposed"
Chapter 52: "Top 1 vs. Stealer #1 (Part 1)"
Chapter 53: "Top 1 vs. Stealer #1 (Part 2)"

Chapter 14: "Feight and the Party"

9.5K 661 298
Ms_Teria által

ROYAL SPLASH!

'Yan ang mga salitang bumubungad sa mga estudyante ng Royalonda habang papasok sila sa venue ng acquaintance party. Casual ang suggested outfits at kailangang nakasuot ng white top ang lahat. Maliban sa Feight members na pare-parehong nakasuot ng uniform.

Hindi mapigilan ng lahat ang excitement nila habang nililibot ang tingin sa buong lugar. It's the first ever foam party in Royalonda High. Kaabang-abang talaga.

Dalawang linya ang meron sa entrance. Sa kanang linya, si Leeroi at Hannah ang naga-assist. Sa kaliwa naman si Sindrick at Chloe. Bawat estudyanteng dadaan sa entrance ay bibigyan ng glow stick, at waterproof dry bags para sa gadgets nila. Hindi allowed ang iba pang gamit sa loob.

Pagpasok mo, bubungad sa 'yo ang malawak na quadrangle na lumiliwanag ngayon. Maraming food stalls sa paligid. Meron pa ngang mini carnival sa bandang kaliwa. Naarkila nila ang rides na 'yon sa sobrang babang halaga dahil sa malaking discount na binigay ng may-ari kay Chloe. Madalas daw kasing mag-rent sa kanila si Chloe kahit walang okasyon.

Bakante ang parteng nasa harap ng stage. Ang malakas na music ay umaalingawngaw sa buong paligid dahil sa magandang set-up ng sound system na si Sindrick ang nag-ayos. Maging ang mga ilaw ay sumasabay sa tugtog. 'Yong mararamdaman mo na lang na hindi pa nagsisimula ang party pero gusto mo nang sumayaw dahil nakakaengganyo.

Naarkila rin ni Sin ang sound system at lights sa magandang halaga. Sinabi sa kanilang hindi sila pwedeng gumamit ng sarili nilang pera pero hindi sinabing hindi sila pwedeng gumamit ng mga koneksyon.

"How's the entrance?" tanong ni Ayuri sa mga kasama gamit ang walkie-talkie. Kasalukuyan s'yang nakatayo sa stage, nagmo-monitor ng mga estudyante.

"Almost done. Konti na lang ang hindi pa nakakapasok," sagot ni Leeroi.

Seryoso lang na nagsalita ulit si Ayuri matapos matanaw ang mga kasamahan gamit ang binoculars. "No pictures allowed at the entrance, Sindrick."

"Oh, come on," angal agad ni Sin. Tumalikod pa nga s'ya ng konti para makapagsalita sa walkie-talkie. "Chick 'yon, eh. 'Wag kang killjoy, Yuri."

"Sisiw, Sindrick?! Nasaan?! Nasaan?! Gusto ko ring magpapicture sa sisiw!" kumikinang ang mga matang sabi ni Chloe sa walkie-talkie.

Nawalan ng buhay ang mga mata ni Sindrick habang tinitignan si Chloe na katabi n'ya lang. Hindi n'ya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong tanungin s'ya sa walkie-talkie kahit magkatabi lang sila. At parang nakalimutan pa nga ni Chloe na magkatabi nga lang sila.

"The whole campus is clear. Walang naliligaw," report ni Zendra. Kakatapos n'ya lang mag-ikot sa buong campus kasama ang ibang temporary members ng Safety Committee. Noong dumaan s'ya sa entrance para pumasok sa venue, pinitik n'ya pa sa noo si Chloe na nago-offer ng bunny stickers sa mga pumapasok.

Nakuha ng mga nagkukumpulang estudyante sa ibaba ng ferris wheel ang atensyon ni Ayuri. Saglit n'yang pinanood ang nangyayari bago s'ya muling nagsalita. "Zendra, a commotion at the ferris wheel."

Wala nang tanong-tanong na nilapitan ni Zendra ang mga estudyante. Ilang beses s'yang nakisiksik para makita kung anong nangyayari sa gitna.

"Anong nangyayari?" tanong ni Ayuri.

Matapos makita ng maayos ang eksena, nameywang s'ya at sinagot ang tanong ni Ayuri. "You're the prettiest girl I've ever seen in my entire life."

Mabilis na kumunot lahat ng noo ng mga nakarinig no'n. Hinablot ni Sindrick ang walkie-talkie habang bakas ang kaba sa mukha. "Sinong tinutukoy mo, Zen? Si Ayuri ba? I know, she's pretty but- Zen, are you into girls?! Tell me, you're not. Please."

"Idiot," sabi ni Zen. "Of course, I'm not. Linya 'yon ng lalaking nagko-confess ngayon dito. Tss."

Biglang napabuga ng hangin si Sindrick. Nakahawak pa nga ang isang kamay n'ya sa dibdib dahil sa sobrang kaba. Akala n'ya, ang babaeng natitipuhan n'ya ngayon ay babae rin ang gusto. Saglit yatang kumawala ang kaluluwa sa katawan n'ya.

"Wow. A confession? How was it, Zen?" -Leeroi

"Dunno. I'm not interested to know." -Zendra

"Bitteeer." -Hannah

"Dapat sa carousel s'ya nag-confess kasi nakakadagdag pogi points ang boys na nasa tabi ng white horse. O kaya, sa mas romantic na lugar. 'Yong silang dalawa lang. Oh my carrot, ang sweet no'n!" -Chloe

"Kayong mga babae, 'wag nga kayong masyadong demanding. Masyado kayong nagpapadala sa mga fairytale stories." -Sindrick

Umupo si Ayuri at nilaylay ang dalawang paa n'ya sa stage bago naglabas ng isang cookie na nakabalot pa. Nagsimula s'yang kainin 'yon habang kinakausap ang mga kagrupo. "Pinili ng lalaki ang mataong lugar para maraming makapanood. It's either he wants to put her in pressure or he wants a certain person to know that he likes the girl."

Nakangiting umiling si Leeroi. "Lagi ka talagang may paliwanag sa lahat ng bagay, Yuri," sabi n'ya habang ine-entertain ang huling taong papasok sa venue.

"What can you expect? That's Ayuri, Roi." -Sindrick

"I found a trespasser near the entrance. What should I do to him?" singit ni Dylan sa usapan.

Tumaas ang dalawang kilay ni Zendra bago ulit nagsalita. "Trespasser?"

"He said, his name is Danilo-" Naputol ang sinasabi ni Dylan kaya saglit na tumahimik ang linya. Matapos ang ilang segundo, may nagsalita ulit do'n na iba na ang boses. "Whoever hears this, take this as an advice. 'Wag n'yong kakaibiganin si Dylan Summers."

Si Danilo Estebar 'yon. Ang presidente ng school. Masama s'yang nakatingin kay Dylan na nakatayo lang sa harap n'ya at naka-straightface.

"Seryoso ka talagang tawagin akong trespasser? Nasa'n ang paggalang, Summers?" sermon ni Danilo.

"Kayo ang nag-utos na bawal sa event na 'to ang hindi estudyante ng Royalonda. Are you a student here?" -Dylan

"No." Kumunot ang noo ni Danilo. "But I'm the school's president."

"Regardless." -Dylan

"Aba't-" Umakmang magsasalita pa si Danilo pero mas pinili na lang n'yang magtikom ng bibig. Nag-attempt pa ulit s'yang sumagot kaso wala. Hindi n'ya alam kung ano pang ire-rebut kay Dylan Summers.

Napasabi na lang tuloy s'ya ng, "After this event, ipaalala mo sa 'king ipatawag ang mga magulang mo."

"Sisiguraduhin ko pong hindi n'yo maaalala."

Pambihira.

Muling tumunog ang walkie-talkie. "Sir, akala namin, wala kayo ngayon?" tanong ni Zendra.

"Yeah. Sabi mo, may out of the town business ka. Na-curious ka sa unang assignment namin, Sir?" -Sindrick

"Baka gusto n'ya akong mapanood. Kasi, you know, sino ba namang may ayaw?" -Hannah

"Mr. President, may nagbebenta po rito ng cotton candy na mukhang bunny! Buy me one!" -Chloe

"Hoy, Ms. Zamora, sa pagkakaalala ko, wala akong anak na Chloe ang pangalan." -Danilo

"So.. you're buying me one?" -Chloe

Sabay-sabay atang napahampas sa noo ang ibang myembro ng Feight. Minsan talaga, nakakaubos ng lakas ang kakulitan ni Chloe. Parang hindi rin 'to nauubusan ng energy sa katawan. Kaya kadalasan, naghihinala sila kung may asthma ba talaga 'to.

"'Wag mo akong pinagti-tripan, Zamora. Baka ipatawag ko rin 'yang magulang mo," nakasimangot na sabi ni Danilo. Sa tono ng usapan nila, para lang silang magtotropa. "Anyways, let's have a short meeting here before everything starts."

"Aye-aye, captain!" -Chloe

Wala pang 2 minutes, nakapagtipon na agad malapit sa entrance ang lahat ng Feight members. Magkakatabi silang nakatayo sa harapan ni Danilo Estebar na nakapameywang ngayon dahil hindi s'ya makapaniwala sa nakikita n'ya.

Tapos naghikab pa si Lucas.

"Tapos ka na bang mag-ikot o natulog ka lang?" tanong ni Zendra sa katabi n'ya.

"Both," sagot naman ni Lucas. Hindi na n'ya sinundan ng kahit ano 'yon. Ibig sabihin, kayo na ang bahalang manghula kung paano n'ya napagsabay ang pagtulog at pag-iikot sa campus.

"Disaster," sabi ni Danilo. Napailing pa nga 'to ng ilang beses habang tinitignan sila mula ulo hanggang paa. "What are you? Party crushers? Kill joys? Bakit mga naka-uniform kayo?"

"That's what I'm telling them, Sir!" -Hannah

"Wala na po kaming time mag-isip ng isusuot kaya napagdesisyunan naming mag-uniform na lang," magalang na sagot ni Leeroi.

"No. No. No. Unacceptable. Kayo ang Feight. Dapat kayo ang mag-stand-out ngayong gabi."

"Aren't we standing out with this?" si Sindrick.

Hinilot ni Danilo ang sentido n'ya. Ibang klase ang 5th generation ng Feight. Malayong-malayo sa mga nakaraang generation. Sila lang din ang nakaisip ng ganitong theme ng party. At mukhang wala silang balak makisaya dahil sa pinili nilang isusuot.

"Wala kayong balak sumali sa party, 'no?" -Danilo

"Kailangan naming bantayan ang bawat estudyante." -Ayuri

Hindi na mabilang ni Danilo kung ilang beses s'yang napailing. Masyadong dedicated ang mga batang 'to sa ginagawa nila. Sa bagay, nasa usapang tatanggalin n'ya sa pwesto ang lahat ng myembro ng Feight kung may mangyayaring gulo.

"Fine. Pero gusto ko, habang ginagawa n'yo ang duty n'yo, nage-enjoy din kayo kaya akin na." Naglahad ng kamay ang presidente ng Royalonda. "Give me your badges. Hindi kayo makakapagsaya kung suot n'yo 'yan."

Nagkatinginan silang lahat. Ang badges nila ang simbolo ng pagiging Feight member nila. Kung hindi nila 'to suot, hindi nila pwedeng sabihing myembro sila ng grupong kumakatawan sa school na 'to. Pero may punto ang presidente. Hindi nila masisiguradong secured ang badges nila habang nakikihalubilo sa napakaraming estudyante.

Dahil do'n, sabay-sabay nilang hinubad ang badges at nilagay 'yon sa nakalahad na kamay ni Danilo.

"Great. Now, have fun, kiddos. And.. goodluck?" Isang ngiti ang binigay sa kanila ni Danilo. Nakuha pa nga nitong guluhin ang buhok nila isa-isa na parang tatay. Matapos no'n ay nagpaalam na ito at umalis.

Nagkatinginan na naman tuloy silang lahat.

"What should we do now?" -Leeroi

Napasandal ang ulo ng tutulog-tulog na si Lucas kay Zendra pero agad s'yang tinabig ng babae kaya nalipat ang ulo n'ya sa kabilang side kung nasaan naman si Ayuri.

"Gusto ko na lang makauwi agad," sabi ni Ayuri, hindi pinapansin si Lucas na nakasandal sa ulo n'ya dahil mas matangkad 'to.

Sinulyapan ni Dylan si Ayuri. "Same here."

"Hindi n'yo ba narinig 'yong sinabi ni Mr. President? Magsaya raw tayo!" -Sindrick

"Magsaya!" -Chloe

"Yes! May consent na! Mag-party tayo!" -Hannah

"Teka, kailangan nating magbantay-" -Zendra

"Shut up, baduy! Do'n tayo!" Pinulupot ni Hannah ang kamay n'ya sa braso ni Zendra saka 'to hinila papasok ng venue.

Tumatalon naman sa excitement na hinawakan ni Chloe ang magkabilang braso ni Lucas at Ayuri. "Magsayaaa!"

Inakbayan ni Sindrick si Leeroi at Dylan. "Pa'no ba 'yan, mga p're? Talo ng sabik sa party ang mga tamad."

Wala nang nagawa sila Dylan no'ng hilahin din sila ni Sindrick papasok. Kumpleto na ang lahat. Simula na ng kasiyahan.

*****

Madilim ang buong stage at ang gitna ng quadrangle. Naghahanda na ang Feight para sa main event. Nagmamadaling umakyat ng stage si Sindrick at umupo sa pwesto kung nasaan ang drums. Kinuha n'ya ang sticks at pinaikot 'yon saglit sa pagitan ng mga daliri n'ya bago tinesting ang drums.

"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap," nakapameywang na tanong sa kan'ya ni Hannah na nakatayo sa gitna ng stage at hawak ang microphone.

"Sorry. Sinagot ko lang 'yong tawag ni Auntie." -Sindrick

"I thought, nagpa-picture na naman sa 'yo 'yong mga babae do'n sa photobooth." -Hannah

"Hm? They tried. Kaso may commitment ako sa 'yo." At kumindat pa nga si Sindrick na nakapagpairap kay Hannah.

"Ewan ko sa 'yo, Sindrick Harold. Napaka-flirt mo talaga." Pagkasabi no'n, nilingon naman ni Hannah si Dylan na tinotono ang electric guitar. Nakaipit pa nga sa mga labi nito ang pick ng gitara. Bakit kahit anong gawin ni Dylan, ang cool sa paningin?

No'ng mapansin ni Dylan na may nakatingin sa kan'ya, nag-angat s'ya ng ulo. Tinanguan n'ya ng isang beses si Hannah na natulala ata saglit para sabihing okay na ang tono ng electric guitar.

Napailing tuloy ng ilang ulit si Hannah. Sunod n'yang tinignan si Leeroi na nasa keyboard. Nag-thumbs up 'to sa kan'ya.

Sa wakas, okay na ang lahat. Hinarap ni Hannah ang mga estudyanteng nagkalat sa buong quadrangle. May mga kumakain, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ang iba naman ay pumwesto sa harap ng stage para makita kung anong nangyayari.

Aminado si Hannah na medyo kabado s'ya. Nitong mga nakaraang araw, wala na s'yang ibang narinig sa mga estudyante ng Royalonda kundi paninira at panghuhusga. Ngayon, nakatayo s'ya sa harap nila para mag-perform. Paano kung hindi nila magustuhan? Baka bigla s'yang batuhin ng kung ano-ano, mapababa lang ng stage. Mapapahiya s'ya.

"Hey, vocalist. Are you nervous?" sabi ni Sindrick. "Really? Now?"

"Shh. Nagko-concentrate ako," iritado namang sagot ni Hannah.

"Don't overthink. Just have fun," sunod na sabi ni Sindrick kaya napalingon na si Hannah. Muli nitong nilaro ang drumstick sa kamay bago s'ya tignan. "You don't need to worry about anything."

Si Leeroi naman ang nagsalita. "Tama si Sin, Hannah. Walang mangyayaring hindi maganda. We got your back."

"P-pero paano kung bigla silang mag-boo? Paano kung batuhin nila ako ng oily foods? Anong-"

Niluwagan ni Dylan ang necktie na suot n'ya. "If they throw something at you, throw them the microphone. Easy."

Napatawa si Sindrick. Hinimas naman ni Leeroi ang batok n'ya. Dylan Summers is not really the kind of person you can mess with. Siguradong masasaktan ka.

Hindi tuloy naiwasan ni Hannah na mapangiti. Nagpapasalamat s'ya at ang tatlong lalaki na 'to ang kasama n'yang magpe-perform ngayon. Tapos natanaw n'ya pa ang iba pa nilang kagrupo na nasa bandang likuran ng mga estudyante. Bigla n'ya na lang naramdamang safe s'ya. Nakalimutan n'yang may mga kaibigan na nga pala s'ya ngayon.

Matapos huminga ng malalim, tinapat na n'ya ang mic sa bibig n'ya at hinawakan ang stand no'n sa isa n'ya pang kamay.

"Royals!" sigaw n'ya. Kasabay no'n ay pagsisimula nilang tumugtog ng intro ng 'Ain't it Fun' by Paramore. "We, Famous Eight, want to thank you all for coming here tonight. And as a token of gratitude, let us make your night memorable."

Sa isang iglap, biglang huminto ang pagtugtog ng mga instrumento. Bumukas ang lahat ng ilaw mula sa stage hanggang sa entrance. Sa wakas ay nakita na nila ng maayos ang mga taong nasa stage. Naghiyawan ang mga estudyante ng Royalonda.

Dahil do'n lalong napangiti si Hannah. She placed the microphone on its stand and hold it. She has this strong stage presence and overwhelming confidence that will give you butterflies not just in your stomach but in your whole body. Nagsalita ulit s'ya sa microphone. "Shall we start the party?"

On cue, umalingawngaw ulit sa paligid ang intro ng kanta. Halos yumanig ang buong quadrangle dahil sa mga hiyawan at tilian. Wala pa sa first verse ng kanta pero napapatalon na sa tugtog ang lahat. Dumoble ang hiyawan nang nagsimulang kumanta si Hannah.

"I don't mind

Letting you down easy but just give it time

If it don't hurt now, but just wait, just wait a while

You're not the big fish in the pond no more

You are what they're feeding on

So what are you gonna do

When the world don't orbit around you?"

Kasabay ng pagpasok ng chorus ay ang pagbubukas ng strobe lights na may iba't-ibang kulay at ang pagbubuga ng tubig ng malalaking hoses na nakapaligid sa quadrangle. Parang biglang bumuhos ang malakas na ulan sa venue na bumasa sa lahat ng estudyanteng nandoon maging kila Ayuri. Ang mga utility personnel ang kasalukuang nago-operate ng mga 'yon.

"Ain't it fun

Living in the real world?

Ain't it good

Being all alone?

Where you're from

You might be the one who's running things

Well you can ring anybody's bell and get what you want

See it's easy to ignore trouble

When you're living in a bubble."

Bubble.

Bubbles and foam started filling the part where the audience stands by foam machines. Nagmistulang bumalik sa pagkabata ang mga estudyanteng hindi napigilan ang tuwa at excitement no'ng makita ang mga bula. Lahat, sumasayaw, tumatalon at sumasabay sa kanta.

"So what are you gonna do

When the world don't orbit around you?

So what are you gonna do

When nobody wants to fool with you?

Ain't it fun"

Sumabog ang iba't-ibang kulay ng color powder sa paligid na mabilis na dumikit sa mga puting damit nila at maging sa balat at buhok. Sa lakas ng sigawan ng mga estudyante dahil sa pagkamangha at tuwa, aakalain mong may nangyayaring malaking concert ngayon sa quadrangle.

"Living in the real world?

Ain't it good

Being all alone?

Ain't it good to be on your own?

Ain't it fun, you can't count on no one?

Ain't it good to be on your own?

Ain't it fun you can't count on no one?

Ain't it fun

Living in the real world?"

Sinulyapan ni Hannah ang mga kasama n'ya sa stage. Maging sila Chloe na kumakaway sa malayo ay binalingan n'ya ng tingin. Ang sarap sa pandinig ng ingay sa paligid. Ito 'yon. Ito ang pinangarap n'yang highschool experience. Tamang-tama lang ang sinasabi ng kanta sa moment nayon. Ain't it fun?

"Don't go crying to your mama

'Cause you're on you're own, in the real world

Don't go crying to your mama

'Cause you're on you're own, in the real world

Don't go crying to your mama

'Cause you're on you're own, in the real world

Don't go crying to your mama

'Cause you're on you're own, in the real world."

Sa part na 'to, huminto sa pagtugtog sila Leeroi at sabay-sabay na pumalakpak kasabay ng beat. Hindi na nakakagulat na ginaya 'yon ng mga manonood.

"Ain't it fun, ain't it fun?

Baby now you're one of us

Ain't it fun, ain't it fun, ain't it fun?"

Pinaikot ni Sin sa ere ang stick saka 'yon hinampas sa drum ng ilang ulit. Pagkatapos ay nilamon ulit ng tugtog ang buong quadrangle.

"Ain't it fun

Living in the real world?"

Everyone's having adrenaline rush. Nakikisabay na nga rin sila sa kanta ng hindi nila namamalayan. The 5th generation of Feight did a great job for their first assignment, yeah?

Naging matagumpay ang lahat. Nakuha rin ng Feight na magsaya no'ng dumating ang DJ na kakilala ni Sin. Walang aberya sa event hanggang sa matapos ito. Nakapagpakuha ang Feight ng unang picture nila ng magkakasama habang basa, may bula at iba't-iba ang kulay ng uniporme at katawan. Sapilitan pa nga ang picture na 'yon kaya mukhang hindi ready ang ibang myembro at hindi nakapag-pose ng maayos. Everything went so well. That's what everyone thinks.

Not until Monday came.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.4M 56.1K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
Be My Mom (Ongoing) JM által

Ifjúsági irodalom

100K 1.5K 16
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
Rebel Hearts HN🥀 által

Ifjúsági irodalom

1.7M 75.5K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...