Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng door 105,hinihintay ko si Troian na lumabas para batiin ng usual kong greeting,habang naghihintay ay hindi ko na naman maiwasang huwag kiligin ng sobra dahil sa halik na yun,buong magdamag akong hindi pinatulog at hindi na kumakalma ang puso ko,sya ang first kiss ko at yung way ng paghalik nya sakin kagabi.............Gosh!
Sobrang sarap,hihi dapat maging goodgirl ako palagi para bigyan nya ako ng kiss
Ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ay pinlaster ko na ang napakalaking ngiting magagawa ko "Goodmorning troian!"
Kinukuskos pa nya ang mga mata habang nahikab,gulu-gulo ang white hair nya at gusot ang shirt,yung pambahay nyang slipper ay nag-iisa lang na suot nya Gosh! Kahit bagong gising gwapo pa rin >_____<
"Ally?" Bulalas nya kaya tumango ako ng sunud-sunod
"Kumain ka na ng breakfast?"
"No,Actually pupunta ako sa rooftop para kunin yung shoes ko!" Sagot nito na parang wala pa sa sarili nya,malamang kakagising lang kaya ganyan.hinawakan ko ang kamay nya saka sya hinila papasok sa room nito,halatang nagulat sya lalo pa nung pinaupo ko sya sa sofa
"What are you doing?"
"Kakagising ko lang din and since hindi ka pa kumakain ay paglulutuan kita para sabay na tayong mag-breakfast!" Pumunta na agad ako sa kitchen,kumuha ng tatlong pirasong itlog,dalawang sliced ng bacon,kinuha ko rin yung isang supot ng tasty bread saka yun nilagay sa center table sa sala,niluto ko ang itlog into suuny side up "Troian anong kape mo?" Sigaw ko para marinig nya ako
"Black!" He answers kaya pinagtimpla ko sya habang sakin naman ay gatas,ngiting-ngiti ako dahil parang kaylan lang ay ilag sya sakin,ngayon he let me do this things to him
Ng maluto ang eggs ay pinuntahan ko na sya sa sala,nanatili lang syang tahimik habang nakatitig sa mga pagkaing ginawa ko,mas pinili ko nalang na maupo sa sahig paharap sakanya, "Ayan,let's eat!"
Nakita kong nag-sign of the cross sya kaya ginaya ko,tumingin sya sakin pero nginitian ko lang sya saka na sinimulang kainin ang hinanda ko,he's hesitating at first "Troian hindi mo dapat pinaghihintay ang grasya,kainin mo habang mainit,mas masarap.Oo nga pala nakita kong kulang na ang supplies ng mga pagkain mo like eggs,siguro kaylangan mo ng mag-grocery!"
"Bakit mo 'to ginagawa?" Humina na naman yung boses nya habang nakatitig sa kape nya
"Bakit? Kaylangan bang may rason? Parehas naman tayong hindi pa kumakain kaya naisipan kong sabay nalang tayo"
"Girls don't usually do this kind of stuffs lalo na kung hindi naman nila kaanu-ano ang guy--
"Troian!" I stated "Hindi ka iba sakin,diba friends na tayo?"
"Friends? Kaylan pa?" Seryosong tanong nito,naisubo ko ng buo yung bacon bago sya sinagot "Simula ng unang pagkikita natin!"
"Kapag nagpunta ka sa grocery pwede ba akong makisabay? Bibigyan nalang kita ng listahan ng mga ipapabili ko sayo tapos bibigyan kita ng pera"
"Why don't you come with me instead?" Dahil sa sinabi nya ay lumaki yung mata ko
"T-talaga? Papayagan mo akong sumama sayo?"
"Ofcourse,why wouln't I?" Nagsimula na syang kumain kaya ako naman tuloy yung napatitig sakanya,bigla na namang bumilis yung heartbeat ko ng maalala yung nangyari kagabi,
"Are you alright?" He asked in between
"B-bakit?"
"Ang pula ng muka mo? May masakit ba sayo?" Nahawakan ko tuloy yung magkabilang pisngi ko,gosh! Ano ka ba ally? Nakakahiya,baka kung anong isipin nya sayo
Tumayo na ako dahil baka makahalata pa sya "A-ano--babalik na ako sa room ko,may pasok pa kasi ako sa part time job ko!"
"At this weekend may pasok ka?"
"Oo naman,hehe sinisipagan ko talaga para naman mas malaki ang pera ko hehe!"
"Kaylan ang day-off mo?"
"Hindi ko pa alam eh,hindi ko pa naitatanong sa amo ko" That's true,hindi ko pa alam at since pinaalala nya ay itatanong ko mamaya kay tita andi, kapag weekends kasi 9 am to 9 pm ang araw ko sa shop
"Kapag nalaman mo ang day-off mo just tell me,para makapunta na tayo sa grocery store!"
"O-okay,bye Troian see you!" Mabilis na akong tumalikod dahil pakiramdam ko mas lalo lang akong nagba-blush,bubuksan ko na sana yung door ng tawagin nya ulit ako
"B-bakit?"
"I forgot to answer you early.Goodmorning din sayo!"
Walang salitang umalis ako sa room nya and when i came back to my own room ay doon na ako tumalun-talon na parang bata at tumili ng pagkalakas-lakas OKAY!! Dahil dyan ay gaganahan na akong magtrabaho sa maghapon
*****************
"One sliced of Mango graham cake and one iced amerikano,enjoy!"
Pagbalik ko sa counter ay nakita kong nagbubulung-bulungan sila hoki,isabelle,mara at James,binigay ko kay mara yung tray na hawak "Mukang may magandang nangyari sayo ngayon ah?"
"Ha? Paano mo naman nasabi?"
"Eh kasi kanina pa naming lahat pansin na parang inspired ka,yung pagpupunas nga ng mesa na hindi mo naman dapat gawin ginagawa mo,tapos ang laki sobra ng ngiti mo sa mga costumers,tapos pasipol-sipol ka pa habang inilalagay sa tray yung mga orders" Sabi ni Hoki,hala? Masyado na ba akong obvious?
"Baka naman may manliligaw na sya? Or nagugustuhang tao? Sino 'yan ally? Baka pwede mong ipakilala samin?" Si mara
"Okay nga yun eh!" Lahat kami ay napabalikwas ng biglang sumulpot si tita andi sa kung saan at naupo sa isa sa mga bar stool "Masarap naman talagang gawin ang mga bagay kung inspired at inlove ka,parang palaging maliwanag ang buhay!" Aniya saka ni-pat yung balikat ko "Kaya kung sino man ang dahilan ng pagkakaganyan ni Ally ay dapat nating pasalamatan,dahil sakanya ay mas lalong gumaganda si ally at productive sa trabaho!"
Nung nawala si tita ay nagkanya-kanya na tuloy kantyaw sakin ang mga katrabaho ko pero mas pinili ko nalang asikasuhin ang mga costumers
"Hello guys!" Ng marinig ang pamilyar na boses ay nilingon ko agad yung entrance ng shop,tama ngang si adam yun na may bitbit pang limang coke in can at three boxes of pizza,lumapit ito sa counter at doon naupo "Alam kong gutom na kayo kaya dinalhan ko kayo ng meryenda!"
"Hay salamat! Makakakain na tayo" Si james
"Maraming salamat po dito sir,adam!" They all chorused as he sit on one of the bar stool at the counter,kinindatan pa nya akonat sinenyasang lapitan sya
"I bought your favorte pizza,kain ka ng marami ng magkalaman ka!"
"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat practice mo ngayon para sa tournament?" I asked ng makaupo sa tabi nito,mas nilapit nya ang muka sakin saka bumulong "Tumakas ako!"
"Ano? Bakit mo ginawa yun? Naku! Baka may penalty 'yan?"
"Nah! Ako si adam,baka hindi mo natatandaan? Ang magaling mong bestfriend,lahat kayang lusutan,maiba ako--kamusta ka naman dito sa shop?" Kinuhanan nya ako ng isang sliced ng pizza,nagulat pa nga ako nung isusubo nya sakin at dahil ayoko namang mapahiya sya eh kinain ko na
"Ito ayos lang,mababait naman 'tong mga ka-workmates ko plus,magaan ang trabaho dahil hindi naman ito gaya ng fastfoods na mabilisan at pila ang tao"
Ng may maalala ay tumayo ako at nagpaalam "Dyan ka muna adam,may itatanong lang ako sa mommy mo!" Pagkasabi ay agad akong tumakbo papunta sa manager's office dahil nandun si tita andi,tinatawag pa nga ako ni adam pero hindi ko na sya nilingon
"Who's there?" Anito ng kumatok ako
"Ako po 'to ma'am,si Ally po!"
"Oh hi ally,may kaylangan ka ba?" Kumamot muna ako sa batok ng dahil sa hiya "Ahm nakalimutan ko po kasing itanong 'to sainyo kanina.ano--maam may day-off po ba ako?"
She plasters a big smile and looked at me intently "Meron,tuwing sunday hindi nagbubukas ang shop dahil sa ganung araw ay may schedule akong pinupuntahan,sorry kasi hindi ko pala nasabi sayo bago ka makapasok dito sa shop!"
After nun ay ngumiti ako dahil naiisip kong bukas ay magkakasama kami ni troian magpunta sa grocery "Ally?"
"Yes maam?"
"Pansin kong napakaganda ng ngiti mo? Is this because of your inspiration? Yung sinasabi nila mara?" I caught
Tumango nalang ako kaya binigyan na naman nya ako ng ngiti "Masaya ako para sayo iha,hindi man ang anak ko 'yan pero magandang simula naman 'yan para sayo,para makasama mo ang lalaking gusto mo at maisip mo ang napakagandang picture ng buhay na kasama sya!"
Napatango nalang ako at nagpaalam ng babalik sa trabaho,Tama,ang napakagandang picture ng buhay kasama si troian
*******************
"Bye ally!"
"Bye din guys,ingat kayo,kitakits sa monday!" Nagkawayan na kami at nagkanya-kanya ng lakad papunta sa designated route namin,ng sumakay na ako sa bus ay hindi ko maiwasang ma-excite ng dahil sa ganap namin bukas ni troian,yung makikita ko sya ulit maya-maya lang
Binilisan ko na ang pag-akyat sa secondfloor ng makita yung bike nya na naka-park na sa bike-space,patalun-talon pa ako habang nakanta nung mapahinto dahil sa nakita di-kalayuan,ang kaninang takbo ay ginawa ko ng lakad,ng mapahinto ako sa door ng room 105 ay tuluyan na akong natigilan ng makakita ng babaing nakatalikod sa gawi ko,kung idi-describe ko sya ay talaga namang napakaganda nya,merong mahabang red hair na curly pa sa dulo,naka-pink dress at 4 inches stilleto,makinis at napakaputi,
Hmm? Sino kaya sya? Ate kaya ni troian? Sa pagkakaalam ko wala naman syang girlfriend sa ngayon dahil hindi ko pa sya sinasagot,bwahahaha joke lang yun, mommy kaya nya?
"Ahm excuse me po,sino pong hanap nyo?" I asked,siguro nga bisita sya ni troian,sa pagkakaalam ko kasi dapat sa mga ganitong oras nandito na sya
Bigla syang humarap sakin at halos matulala ako at hindi lang yun--malaglag ang panga ko
Meron syang nunal sa ibaba ng kanang mata,naka-make up at babaing-babae ang dating nito "Wala akong hinahanap be,baka ikaw meron? Ngayon lang kita nakita dito sa apartment? New tennant ka ba?"
I gasped for air "A-anung---
"I knew it,bago ka dito girl? By the way my name is sammy but you can call me sammy parin,sana maging friends tayo!"
Bagamat nakapambabaeng ayos at ipit na boses ay kilalang-kilala ko itong kaharap "TROIAN?!"