One K'night

De iM_jho19

5.6K 162 76

Isang gabi... Isang gabi, naramdaman ko ang kakaibang sarap sa puso ko. Isang gabi, pinadama niya sa akin ang... Mais

A/N
one
two
three

four

650 24 12
De iM_jho19

A/N: pagpasensyahan na lang po ito.



"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ng binatang nag-aruga sa kay Catherine mula ng mailigtas siya nito sa mga masasamang tao.

"Okay naman ako. Ang lalakas na nilang sumipa." Nakangiting saad ni Catherine sabay haplos sa napakalaki na niyang tiyan.

Tatlong buwan na ang kanyang pinagbubuntis, at mula ng dumating siya ay hindi pa siya nakakalabas ng bahay. Hindi talaga siya pinapayagang lumabas, dahil ang buong compound ay balot sa shield na siyang makakakumbli sa kanyang mga anak. Hindi pangkaraniwan ito ayon na din kay Nathaniel. Hindi pa nila alam kung kailan siya manganganak dahil hindi tao na umaabot ng siyam na buwan ang kanyang pinagbubuntis. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan parin ito ni Nathaniel. Halos wala parin kasi siyang alam sa mga nilalang na nasa labas, lalo na nasunog ang lahat ng ukol dito na sinulat ng kanyang lolo, na tinatawag niyang papa.

Isang matalinong bata si Nathan, kaya naman gumagawa na ito ng paraan para makatulong sa mga bata. Sa hindi malamang dahilan, mahal niya ang mga ito na parang kanyang pamilya kahit hindi niya pa nakikita. Napakalaki ng lukso ng kanyang dugo sa mga ito. Kaya sa abot ng kanyang makakaya, gumagawa siya ng paraan. Isang batang scientist ang tawag sa kanya ni Butler Jacob at walang alam ang mga tao sa labas ng bahay tungkol sa kanyang talinong taglay.

"Mabuti naman kung gano'n." Sabi niya at humaplos na din sa tiyan ni Catherine. Natuwa siya ng biglang gumalaw ang mga ito. Alam na nilang hindi lang iisa ang pinagbubuntis ng dalagang ina. Hindi alam kung ilan ang sumipa, pero nakakatuwa sila. Maliban kay Catherine na nasasaktan kung minsan dahil ang lalakas ng mga batang nasa kanyang sinapupunan.

"Aray." Daing niya pa.

"Naku! Nainom mo na ba ang gatas mo?" Tanong ni Nathan na nag-aalala.

"Na-nakalimutan ko." Nauutal na sabi ni Catherine at hinaplos ang tiyan para huminahon ang mga bata. Nagawa niya naman ito pahinahunin.

"Sandali lang, kukunin ko. Sa pamamagitan kasi no'n, nababawasan ang kapangyarihan nila at nagiging tao na lang. Ginawa ko iyon para 'di ka mahirapan." Sabi nito at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Ilang sandali pa, may dala na itong isang tasa ng gatas. Mabilis na kinuha ni Catherine ang baso at sinimulang inumin.

Sa pag-inom niya, naramdaman niya agad na medyo naging maayos ang lagay niya. "Salamat Nathan."

"Walang ano man." Nakangiting sagot ng binata. "Oo nga pala, nagdagdag na din ako diyan ng pampalakas sayo. Hindi na lang lahat para sa bata. Kailangan ding lumakas ka."

Napangiti naman si Catherine dito. Napakabait nito at ang laki ng pasasalamat niya. Kung hindi dito, hindi niya alam kung saan sila pupulutin ng mga anak niya.

"Sige, dito ka na muna. Aayosin ko na ang silid na pag-aanakan mo." Napakunot agad ang noo ni Catherine sa sinabi ng binata.

"Bakit aayosin na?" Kinakabahan niyang tanong.

"Nararamdaman ko kasing malapit ka ng manganak. Kaya naman, mas mabuti ng handa tayo. Kami na ni Butler Jacob ang bahala sayo." Nakangiting sabi nito na nagpanatag sa kalooban ni Catherine. Nakakaramdam na siya ng kaba sa panganganak niya.

Iniwan siya ng binata na may maraming katanongan sa isipan. Maisisilang niya kaya ng maayos ang mga anak niya? Mapapalaki niya kaya sila ng tama? Handa na ba siyang maging ina? Magiging mabuti ba siyang ina? Mabibigyan  niya ba ng magandang buhay ang mga ito? O maibibigay niya ba ang kompletong pamilya dito? Magkikita pa kaya sila?



Nang sumunod na araw, nagising siyang basa ang kanyang higaan. Sa pag-aakalng napaihi lang siya kaya pinilit niya ang sarili na tumayo at ayosin ang higaan. Pero kakaupo niya pa lang ng biglang bumukas ang pintuan. Kita niya doon ang nag-aalalang si Nathan.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong. Humilab ang kanyang tiyan kaya napangiwi siya.

"Manganganak ka na." Hindi patanong na sabi ni Nathan at mabilis siyang pinangko. Natawa naman si Catherine dito.

"Napaihi lang ako, hindi ako mangangak." Sabi niya pa na natatawa, pero nagulat na lang siya ng biglang sumakit ang kanyang tiyan. Napakasakit na hindi niya mawari paano tanggalin.

"Just stay put." Sabi ni Nathan na nakarating na sa isang silid. Isa itong silid sa laboratory niya. Mabilis itong gumalaw at pinanghahanda ang mga gamit na kailangan.

Mayroong oxygen tank sa gilid at iba pang aparato. Nandoon din si Butler Jacob na inaayos siya sa kanyang higaan, hinahanda siya sa kanyang pagla-labour.

"Inhale exhale lang po miss." Turo sa kanya ng Butler na ginaya din naman niya.

"Tuloy mo lang." Utos ni Nathaniel at naglagay ito ng dextrose sa gilid.

"Ahhh..." Hiyaw niya ng may sumipa sa kanyang tiyan. Halos mabutas ang kanyang tiyan kung paano naunat ang kanyang balat. Nanlaki ang mga mata nila ni Nathaniel at Butler Jacob. Parang mabubutas na talaga.

Mabilis na gumalaw si Nathan at nilagay ang karayom sa braso ni Catherine, na ngayon ay tagaktak na ang pawis at namimilipit sa sakit. Mahilis niyang tinurok ang gamot na kanyang hinanda para dito. Nakaraan niya pa ito natapos at naihanda para sa araw na ito.

Ilang sandali pa, naging payapa ang mga bata pati ang paghinga ng ina. Pero hindi na makakapaghintay pa si Nathan dahil mahihirapan na si Catherine dahil sa tao ito at hindi tao ang mga bata.

"Bilisan na natin Butler." Mabilis itong tumango at inayos ang gagamitin na iba pa. Cesarian na ang mangyayari ngayon. Hindi man isang doctor si Nathan, pero alam niya ang kanyang gagawin.

Tinurukan ulit ni Nathan ng gamot si Catherine. Ngayon ay anesthesia na ang kanyang tinurok. Sandali lang ang bisa ng unang gamot na kanyang tinurok, kaya dapat madaliin.

Tinakpan ni Nathan ang pang-ibaba nito at pinalabas ang tiyan niya. Napapapikit na si Catherine at kinukulang ng hangin, mabilis naman itong sinakluluhan ni Butler.

Hindi na naghintay pa si Nathan, gamit ang malinis at na-sterilize na mga gamit. Hiniwa niya na agad ang tiyan ng ina. Mula doon, kumalat ang mga dugo. Kung ordinasyo lang si Nathan, baka mahihirapan na siya, pero wala ito sa binata.

Mabilis ang galaw na nilinis niya ang dugo. Hiniwa niya ulit ang isa pang layer ng laman at isa pa. Doon nakita niya ang ulo ng isa bata. Dahan-dahang hinila niya ang bata. Pinutol niya ang pusod nito at binigay kay Butler Jacob na ito naman ang nagpaiyak at naglinis dito. Wala na ibang nasa isip ni Nathan kundi mailabas ang lahat ng bata.

"Babae." Sabi ni Butler Jacob.

Ngumiti lang si Nathan at hinila na naman ang isa pa. Tulad ng nauna, pinutol niya ang pusod nito at binigay kay Butler Jacob.

"Babae ulit." Anonsyo ng Butler. Kita ni Nathan na napapangiti si Catherine kahit napapapikit ito, epekto ng gamot.

Buong pag-iingat na kinuha ni Nathan ang isa pa. Sinama niya na din sa pagkuha ang placenta. Pinutol niya ang nakakonekta dito bago binigay lahat kay Butler Jacob, na mabilis na nalinis ang dalawang bata at nailagay sa kani-kanilang higaan.

"Pakitago ng placenta at baka kakailanganin natin sa susunod." Tumango naman ang may edad na lalaki at ginawa ang utos. Nilagay niya muna ito sa basin na nandoon at inayos ang bunso.

"Lalaki ang bunso." Sabi ni Butler Jacob.

"Salamat." Narinig ni Nathan na bulong ni Catherine. Hindi niya alam pero narinig niya ito na sobrang hina.

Hindi niya na muna pinansin at mabilis nilinis ang bahay-bata ng ina. Tapos ay isa-isang tinahi ang mga sugat. Kita niya ang pamumutla ng dalaga, mamadaliin niya pa sanang palitan ang dextrose ng dugo, pero nagawa na ito ng butler niya na kinapanatag niya.

Mabilis niyang natapos ang pagtahi. Nilinis niya agad ito at inayos ang babae. Payapa na itong natutulog ngayon. Sa tabi nito ay nakalinya ng higa ang triplets. Malulusog ito at masasabi niyang hindi talaga pangkaraniwan.

Hindi ito kasing kulay o kamukha man lang ng ina. Sigurado siyang nagmula ito sa kanilang ama. Mapuputi ang mga bata na salungat sa mala-caramel na kutis ng ina. Lahing puti ang mga bata habang ang ina ay may lahing itim na parang walang bahid noon ang mga bata.

Lumipas ang isang oras, tapos na din makapahinga ang dalawa. Nakakain na rin sa tulong ng ibang kasama niya sa bahay. Nagising si Catherine.

"A-ang mga anak ko?" Nautal na tanong niya. Nakangiti naman si Nathan na pinunasan ng bulak na may tubig ang labi ng babae. Nagpasalamat ito ng malagya ng tubig ang kanyang lalamunan kahit kaunti lang. Hindi kasi siya pwedeng madaliin sa pag-inom ng tubig lalo't kakagaling lang sa opera.

Umikot ang kanyang paningin sa buong silid. Nandoon parin siya sa pinagdalhan ni Nathan sa kanya kanina. Kuminang din sa tuwa ang mata ng ina ng makita ang mga anak. Unti-unti, nawala ang kanyang agam-agam at napalitan ng saya.

"Ang gaganda nila." Nathan complimented them.

"Salamat." Buong pusong saad ni Catherine habang hinahawakan ang kamay ng bawat isa. Umingit naman ang isa, kaya tinulungan ni Nathan si Catherine na kunin ito at pinasuso. Napangiwi pa ng una si Catherine dahil masakit ito.

"Ano ang pangalan nila?" Tanong ng binata na nakatingin lang sa kanila. He felt proud seeing them.

"Ang panganay, tatawagin ko siyang Beatrix na salitang Latin, ang pangalawa ay Gwyneth na salaitanv Welsh,  at ang aking bunso Eijaz na salitang Arabic." paliwanag niyo.

"Beatris, Gwyneth, and Eijaz meaning blessing or blessed. What a nice names." Nathan said with a smile.

"Yes. Cause they are my blessing." She said with all the love for her new born children.




"How's everything?" Walang emosyong tanong ng isang babae na nakaupo sa upuan sa gitna ng mahabang mesa.

May pagpupulong na nagaganap ngayon sa isang pack house. Nagkaroon kasi ng pagnanakaw sa kanyang opisina. May nakuha itong importanting papeles pero hindi naman makakasira sa kanila. Pero ayaw na ayaw niyang may nagtataksil sa kanya.

"Wala parin, Alpha. 'Di namin masabi kung ano ang kumuha ng mga ito." Nakayuko nitong sabi. Wala namang magagawa si Lucia dito, kahit nakita niya ang babae, hindi ito mahahanap dahil may kakaiba dito. Hindi din ito bahagi ng kanyang pack, sadyang magnanakaw. Nakita niya ang magnanakaw pero hindi niya alam ang pagkatao nito dahil wala siyang maamoy dito. Bata pa ang babae pero hindi maipapagkaila ang lakas nito. Kung hindi niya lang alam na lalaki ang pamangking nawawala, mapapagkamalan niya ito. Kung hindi mga loyal at faithful ang kanyang pinsan, aakalain niyang anak nila ito sa labas. Parang katulad ng kanyang mga pinsan ang kapangyarihan nitong taglay.

"Umalis na kayo." Walang gana niyang sabi.

Nagkukumahog umalis ang lahat. Ayaw maiwan sa loob at baka magalit pa ang kanilang Alpha. Nagbago na ito simula ng nawala ang mate, pero mas lumala nitong tatlong buwan na ang nakakalipas.

Nang sila na lang ng kanyang bestfriend ang naiwan, nagtanong ito. "May problema ba?" Naupo ito sa upuan sa kanyang kanan.

Mahabang lamesa ang mayron sa opisinang iyon. May malaking TV sa harap at iisang ilaw ang nasa gitna ang nagbibigay ilaw sa kanila. Sirado ang loob kaya napakabribado talaga.

"Nakita ko sila." Umpisa niya.

"Sino?" Nagtatakang tanong ng isa.

"Ang mga anak ko Bronze. Naisilang na sila." Napasinghap ang babae at nagambala sa nalaman. Naawa din siya sa mag-iina.

"I'm sorry. Kung di ko sana siya pinaalis." Naluluhang sabi ng babae. Hindi niya naisip na mangyayari ito.

"Don't worry. They are safe. May kasama silang malaking wolf, sabi nito na siya ang mag-aalaga sa kanila. Basta maging tapat lang ako sa kanilang ina. Napakadali. Sadyang gusto ko lang silang mahawakan. Gusto ko silang alagaan. Pero wala akong magagawa, nandoon sila sa mga tao." Mahabang sabi ni Lucia.

"Anak-" may tumawag sa kanya na nag pagulat sa kanya, ang kanyang ina. Lumapit ito sa kanya at yumakap. "Pasensya kung wala kami ng kailangan mo kami." Narinig nila marahil ang kanyang hinaing. Ngayon lang nila nalaman ang problema ng anak. Wala sila sa tabi nito ng kailangan siya nito.

"Ayos lang po ina. Basta alam kong ligtas sila. Magkikita din kami, hindi man ngayon, pero soon." Puno ng pag-asa niyang sabi.

"I will wait for you my angel. Also for my kids, Mama loves you all. Beatris, Gwyneth, and Eijaz."

Continue lendo

Você também vai gostar

82K 2.3K 25
Alpha Linus is living peacefully in his pack. Everything is perfect. His pack is the strongest in Selenia, the world of werewolves. He has a very car...
467K 13K 73
I am living a normal life until one tragic accident happened that kills the life of many and brought me to an unknown world of Eos. I am not sure if...
11.7K 448 32
{UNEDITED} {COMPLETED} Leuruna is the daughter of a Luna and Alpha in a Pack. They were happily living in the Black cresent moon pack but a tragedy...
470K 14.7K 65
「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upang manlait lang ng kapwa. Maraming tao a...