Lost Stars

Od lady_lynel

593 72 18

[BTS FanFic] Paano kung ang iniidolo niyong grupo ay 'di iniasahang mapunta sa islang kinalakihan n'yo? Date... Viac

Prologue
Chapter 1: MX7
Chapter 2: Realize
Chapter 3: Getting close
Chapter 4: Solve!
Chapter 5: Be Ready!
Chapter 6: Break Up!
Chapter 7: EVENT
Chapter 8: Island
Chapter 9: Run
Chapter 10: New Home
Chapter 11: Caught
Chapter 12: First, Second, Third!
Chapter 14: Finding a Solution
Chapter 15: Wrong Move
Chapter 16: Partner
Chapter 17: Love Team
Chapter 18: Improving
Chapter 19: Deal
Chapter 20: Peace Offering
Chapter 21: Surprise

Chapter 13: Girlfriend

7 2 0
Od lady_lynel

Dhara's POV

ARGHH! Shet na malupet! Kainis. Panira ng araw. Yung One na yun napaka yabang sabihan ba naman akong... Argghh! Taena.

Inis akong naglalakad pabalik ng bahay ng makita ko sila Naila at Luna na magkasama. Lumapit ako sa kanila at nakita naman nila ako.

"Oh! Dhara. Sa'n ka galing?" tanong ni Luna at halatang inis din siya pero parang mas inis si Naila, dahil ikot ng ikot ang mga mata nito at bulong ng bulong.

"Ah! Diyan lang," walang ganang sabi ko.

"May nangyari ba?" tanong niya pa.

"Ha? Wa-." magsisinungaling na sana ako ng putulin ako ni Naila.

"Wag ka'ng magsinungaling Dhara, 'di bagay." sabi niya.

"Sige na nga!" huminga ako ng malalim at nagsimula ng sabihin ang mga hinanakit ko. "Bwesit kasi yung One na yun eh! Walang hiya, kainis. Taena! Sarap upakan, panira ng araw. Laitin ba naman ako. Kin*ina niya! Sarap pata-."' hindi ko na natapos ang pagwawala ko ng batukan ako ni Luna.

"Woi! Dahan dahan lang, para kang si Nanay." sabi niya.

"Tsk! Bwesit kasi eh."

"Ano bang ginawa niya sa'yo?" tanong ni Naila.

"Ganito kasi yun." huminga muna ako ng malalim bago ko kiwenento lahat ng nangyari.

Flashback!

Hinahanap ko yung mga kapatid kong nagsialisan ng malaman nila yung tungkol sa mga lalaking biglang sumulpot na lang dito sa isla.

"Haysst! Nasan na kaya yung mga yun? Paalis alis pa kasing nalalaman eh! Bahala nga sila diyan."

Nang mapagod ako ay umupo ako sa isang sirang kahoy at nagpahinga. Habang nagpapahinga ako ay pumulot ako ng bato at binato ito kung saan. Habang ginagawa ko ito ay nag-iisip ako ng mga posibleng mangyari dahil sa nalaman namin, nawala ako sa pag-iisip ko ng may narinig akong nagsalita.

"Ouch!" sabi ni... One. "What the fu*k!" inis na sabi niya habang nakahawak sa... Puwet niya. HAHAHA! Yun ba yung tinamaan ko?

"Hala! Pasensiya na!" paumanhin ko. Sabay lapit banda sa kaniya.

"What the hell are you doing? Huh? Damn." aba! Minumura niya ba ako?

"HOY! Nakalunok ng libo libong glutang lalaki ka! Minumura mo ba ako?" inis na sabi ko habang tinuturo-turo siya.

"What? What did you say?!" sigaw niya.

"Sabi ko mukha kang GLUTA!" walang hiya siya, minumura niya ako? Taena.

"Hey! You!" sabi niya sabay turo sa akin. "The girl who looks like a pig and smell like a fish. Shut up!" inis na sabi niya, hanudaw? Baboy? Isda? "Do you understand or do you want me to translate it in tagalog?" tangna! Ano bang pinagsasabi niya? "Oh! Looks like you didn't understand what I'm saying. Okay I'll translate it." nakangising sabi niya. Taena. "Mukha kang baboy at amoy isda ka. Naintindihan mo na ba?" nakangising pa ring sabi niya.

Ano daw? Mukha akong baboy at amoy isda ako? Taena. Nilalait niya ba ako? Shit! Nilalait niya nga ako. Kin*ina ka.

"Anong sinabi mo? Mukha akong baboy at amoy isda?" inis na tanong ko.

"Yup! Any problem with that? I'm just telling the truth." nakangisi pa ring sabi niya. Kalma Dhara! Wag kang papaapekto.

"Ekskyusmi lalaking nakainom ng  libo libong gluta, wala kang karapatang sabihan ako ng ganiyan. For your information naliligo ako araw araw at ang payat payat ko kaya, tapos sasabihan mo ako ng ganiyan. Langya! Tangna!" buti na lang narinig ko yung linyang 'for your information' sa tv kaya hindi ako mapapahiya.

"Did you just curse at me?" tanong niya at halatang galit na ito dahil namumula na ang mukha nito. Sobrang puti kasi!

"Curse curse mo mukha mo, lalaking nakainom ng libo libong gluta. Tse!" sabi ko sabay alis.

End of flashback!

Tinignan ko sila Luna at Naila pagkatapos kong magkwento at ang mga walang hiya nagpipigil ng tawa, napasimangot naman ako.

"Anong tinatawa tawa niyo diyan? Ha?" inis na tanong ko.

"Grabe Dhara, ano yun? lalaking libo libong nakainom ng gluta?" tumatawang tanong ni Naila.

"Oo nga." natatawang sabi naman ni Luna. Tumikhim siya sabay sabing... "Curse curse mo mukha mo, lalaking nakainom ng libo libong gluta. Tse!" sabay hagalpak nila ng tawa. Ginaya niya yung sinabi ko at umacting pa langya!

"Eh ano namang nangyari sa inyo?" pagi iiba ko ng usapan. Bigla namang nagbago ang itsura nila at bumalik sa pagkainis.

"Sila Jairus at Andrex kasi." sabi ni Naila.

"Anong ngang nangyari puro ka Jairus at Andrex eh." nauubos na pasensiyang sabi ko. Magsasalita na sana siya ng iharang ni Luna ang kamay niya sa mukha ni Naila.

"Ako na lang ah!" tinignan niya ako, bago siya nag kwento. "Sila Jairus kasi ginulat kami." sabi niya.

"Tapos? Yun lang nagalit na kayo?" sinamaan naman ako ng tingin ni Luna.

"Patapusin mo kasi muna ako." inis na sabi niya. Tumango na lang ako. "Tapos sabi ni Naila 'bakit kayo nangugulat?' ang sabi naman ni Jairus 'hey! Cool down, masyado kang hot eh.' tapos eto namang si Naila assumera kaya sabi niya 'Woi! Lalake, matagal na akong hot, ngayon mo lang napansin? Napakaliit na bagay.' mayabang na sabi niya tapos tinawanan siya nila Jairus at Andrex." kwento ni Luna. Natatawa na ako pero pinipigilan ko dahil ang sama ng tingin ni Naila sa akin.

"Wag mo ng pigilan baka kung saan pa lumabas yan." pagkasabing pagkasabi niya nun ay humagalpak na ako sa tawa.

"HAHAHA!" tawa lang ako ng tawa ng batukan ako ni Luna. Eto talaga napakasadista. "Bakit ka nambabatok?" asar na tanong ko.

"Hindi pa kasi tapos." sagot ni Naila.

"Ah! ano pa bang nangyari?" natatawang tanong ko.

"Tapos yun hinila na ako ni Luna tapos umalis, habang paalis kami tinawag kami ni Andrex tapos tinanong kung saan kami pupunta, nilingon siya ni Luna sabay sabing 'sa impyerno sama ka?' tapos yun kung nakita mo lang ang itsura nila matatawa ka talaga, pagkatapos nun umalis na kami." natatawang kwento ni Naila. Natawa naman ako lalo, ito talagang si Luna, kahit kailan.

"HAHAHA!" sabay sabay kaming tumawa at nagsimula ng maglakad pabalik ng bahay.

Venus POV

Haysst! Asan na kaya yung mga yun? Nandito kami sa bahay ni Hera, kami lang ata ang hindi umalis eh! Nakatambay kami dito malapit sa pintuan at inaabangan namin sila.

"Sa'n na kaya yung mga yun? Kanina pa tayo dito naghihintay ah!" sabi ni Hera.

"Ewan ko." simpleng sagot ko at umupo sa buhangin.

"Bakit ba sila nag-si alisan?" tanong niya ulit tsaka umupo sa tabi ko.

"Ewan ko." sagot ko habang pinapadausdos ang buhangin sa kamay ko.

"Anong oras kaya sila uuwe?" tanong niya ulit.

"Ewan ko." napabuntong hininga ako at binalingan siya para mag tanong, nang balingan ko siya ay naglalaro 'din siya ng buhangin. "Sa palagay mo anong problema nila?" tanong ko sa kaniya.

"Malay ko." sagot niya. Napabuntong hininga ulit ako at pinaglaruan ulit ang buhangin.

"Matatagalan kaya dito yung MX7?" tanong ko ulit.

"Malay ko." tinignan ko siya tsaka nagtanong ulit.

"Ano kaya ang mga mangyayari?"

"Malay ko." binalingan ko siya at sinamaan ng tingin, tumingin 'din naman siya sa akin at kumunot ng noo. "Bakit?"

"Bakit puro 'malay ko' ang sagot mo?" asar na tanong ko.

"Eh! Hindi ko naman kasi talaga alam eh, at tsaka ikaw 'din naman puro 'ewan ko'." sabi niya at diniinan pa niya yung salitang 'ewan ko'.

"Heh! Ewan ko sa'yo." sabi ko sabay irap, tinawanan naman niya ako. Tss.

"Tignan mo! HAHAHA!" inirapan ko ulit siya tsaka nilaro na lang ulit yung mga buhangin.

"Can we join?" napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Si Clerk kasama si Niel.

"Ha?" tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Pwede ba kaming maki-upo?" tanong niya ulit. Nginitian mo naman siya.

"Oo naman." sagot ko tsaka tinignan si Hera na nakatingin kay Niel.

"Hi Hera!" pagbati ni Niel kay Hera.

"Ahm, hi!" nahihiyang sagot niya. HAHAHA! Kinikilig siya! Langya!

"Pwedeng pa tabi?" tanong ulit ni Niel.

"Oo naman!" mabilis na sabi niya at umusod para makaupo si Niel. Nang makaupo si Niel ay nag-usap na sila ni Hera ng kung ano ano.

Tumingin naman ako sa gilid ko at napatalon ako ng onti dahil  nagulat ako ng makita ko si Clerk na ang lapit ng mukha sa akin. Lumayo ako ng onti sa kaniya at tumingin sa ibang direksyon. Nakakahiya!

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Ha? Oo naman!" sagot ko ng nakatingin  pa 'din sa ibang direksyon.

"Eh bakit hindi ka makatingin sa akin?" sabi niya sa tapat ng tenga ko. Nagsitaasan naman ang mga balahibo ko at nanigas ako sa kinauupuan ko. Taena.

Lalo akong nanigas sa kinauupuan ko ng hawakan niya ang baba ko at iniharap niya ako sa kaniya. Uminit ang pisngi ko ng titigan niya ako ng diretsyo sa mga mata ko.

"Your so gorgeous Venus." seryosong sabi niya habang nakatitig kami sa isa't isa. Nakahawak pa 'din ang kamay niya sa baba ko.

"H-ha?" nauutal na tanong ko. Napangiti naman siya at tumawa ng mahina. Lalo namang uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Ang guwapo niyaa!

"Sabi ko ang ganda mo." sabi niya ng nakangiti.

"Salam-." magsasalita na sana ako ng mapatalon kami sa gulat sabay layo sa isa't isa.

"VENUS!" sigaw ni Ame.

"H-ha?" nauutal na tanong ko. Tinignan ko sila Hera at nakita kong nakatingin sila sa amin at halatang gulat 'din. Tinignan ko si Ame at nagulat ako ng makita ko silang lahat dito sa harap namin.

"VENUS ALIYANA MACALALAD! Anong ibig sabihin nito?" sigaw ni Calista.

"Ah- ano kasi- ahm-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng akbayan ako ni Clerk, sabay sabi ng katagang ikinalaglag ng mga panga namin.

"She's my girlfriend!" nakangiting sabi niya. "Magkasintahan kami at..." tumingin siya sa akin sabay sabing... "Nagmamahalan kaming dalawa, di'ba Venus.... My loves?" sabi niya sabay kindat. Langya! Totoo ba 'to?

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

1.1M 47.8K 94
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
1M 42.5K 50
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
306K 10.1K 52
There's no way you're hitting on me right now. ━ Lando Norris x Fem!OC © KissLeclerc , April 2024 Started: April 8, 2024 Completed: May 10, 2...
928K 35.2K 83
𝗟𝗼𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗿 𝘄𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗲, 𝗹𝘂𝗰𝗸𝗶𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗵𝗲𝗿, 𝗔𝗻𝘁𝗮𝗿𝗲𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗽𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 �...