Dreamer [ONGOING]

By reticentdreamer

447 78 49

[a bts fanfic story? Hahaha] I expect too much kaya siguro ganto nalang yung outcome sa'kin. Ang saya-saya ko... More

Hi!⚝
Prologue
Dreamer : Chapter One
Dreamer : Chapter Three
Dreamer : Chapter Four
Dreamer : Chapter Five
Dreamer : Chapter Six
Dreamer : Chapter Seven
Dreamer : Chapter Eight
Dreamer : Chapter Nine

Dreamer : Chapter Two

54 10 15
By reticentdreamer

Chapter 2

Namjoon's POV

"Bakit ikaw lang yung may assistant, tingin mo ba papayagan din ako ni bang si-hyuk pag-nagrecommend ako ng personal assistant ko?" tanong sa'kin ni yoongi.

Hindi ko nalamang sya pinansin at nag-lakad nalang ulit. Ang lamig talaga, november na kasi eh. Malapit na mag winter.

Nang makarating kami ni yoongi sa nirerentahan namin ay bumungad sa'min yung dalawa si jungkook at taehyung.

"Hyung! Andito na sila kain na tayo!" sigaw ni jungkook sabay katok sa dalawang kwarto.

Dalawa lang yung kwarto namin, hati-hati nalang, maluwag naman din kasi. Lumabas na sa isang kwarto si seokjin at hoseok. Sa isa naman lumabas si jimin, mukhang bagong gising sya.

Kumuha na sila taehyung at jungkook ng mga plato at yung niluto daw ni seokjin.

"Si namjoon meron nang assistant" out of the blue na sabi ni yoongi.

"Talaga?" sabay na tanong nung tatlo, nung maknae line.

"Sino naman yun namjoon?" nakangiting tanong ni seokjin.

"Yannah" sabi ni yoongi without looking at them.

Tumahimik nalang sila kasi nabanggit din naman ni yoongi na baka bukas makita na nila si yannah. Siguro daw maganda si yannah kaya ko gusto maging assistant.

Yannah's POV

"Anak gumising ka na dyan"

"anak"

"anak"

"anak!"

Ano yun? Hingal na hingal ako. Anong panaginip yun? Bangungot? Anak? Bakit nya 'ko tinatawag na anak? Aish.

Bumangon nalamang ako at tinignan yung orasan. 8 am. Pupunta ba talaga 'ko ngayon? Tatanggapin ko ba yung inalok sa'kin ni namjoon?

Calling namjoon...

Speaking of the devil na kaibigan. Bakit kasi bilang personal assistant nya pa?

"Oh bakit?" bungad ko sakanya.

"Tanggapin mo na yung trabaho, hinanap na din kita ng apartment na malapit dito sa nirerentahan namin"

"Weh?"

"Oo nga, nilinis nadin namin kanina yun ikaw nalang yung kulang"

"Nilinis nyo na din? As in nyong pito?"

"Oo, ingat sa byahe!"

Pagkasabi nya nun ay binaba nya na yung tawag. Sure na talaga sila na tatanggapin ko yung trabaho eh 'no.

Wala nanaman akong magagawa, nilinis na din nila 'yong apartment tapos si namjoon pa talaga nag-hanap nun para sa'kin nakakahiya naman kung tatanggi pa 'ko.

May dala lamang akong isang maleta na sakto lang yung laki at isang backpack. Dinala ko lang yung ibang damit ko at yung as in mga kailangan ko. Ipapahatid ko nalang yung mga natira kong gamit, gagastos lang din kasi pag-bumili pa 'ko ng bago.

Wala pa atang thirty minutes nang makarating ako sa address na sinend ni namjoon. Nasa tapat na 'ko ngayon ng apartment na si namjoon daw mismo ang nag-hanap.

Napanganga nalang ako nung binuksan ko yung pinto. May pitong lalaki na nakatayo mismo sa harap ko ngayon, kasama na do'n si namjoon at si ano yung maputi na lalaki.

"Ang ganda nya nga" rinig kong bulong nung isang lalaki na medyo chubby cheeks na medyo maliit. Ang cute nya.

"Ah yannah sila nga pala yung ibang members eto si-"

"Hi!" sabi nung chubby cheeks boy, kasing tangkad ko ata sya. Oo na maliit lang din ako, kaya nga pagkasama ko si namjoon para talaga 'kong pandak eh.

"Hello Unnie!" sabi nung lalaki na mas matangkad sa'kin. Meron syang box smile, ang cute nya din.

"Welcome home!" pinakita nya sa'kin yung heart shaped smile nya, parang nakita ko na sya dati.

"Hello po" sabi nung isa sabay bow. Ang cute nya ang baby face nya grabe, pero mas matangkad din sya sa'kin. Nakakainis.

"Welcome to family yannah, sana maenjoy mo ang pagiging assistant ni namjoon, makalat pa naman yan tapos medyo burara" sabi nung lalaki na nakasuot ng pink shirt. Nginitian nya din ako at ang gwapo nya.

Tapos yung maputing lalaki naalala ko na yung pangalan nya, yoongi nga pala. Kinuha ni chubby cheeks, box smile, at baby face yung maleta ko at dadalhin na daw nila sa kwarto ko.

Ang weird lang nag-hi sila sa'king lahat pero hindi nila sinabi yung mga pangalan nila. Pero baka mamaya-maya malaman ko na din.

Sabi nila kain nalang daw kaming lahat mamayang dinner sa labas kasi tinatamad daw silang mag-luto. Matulog daw muna 'ko at pupuntahan nalang nila 'ko dito mamaya pag-aalis na kami.

Namjoon's POV

"Hyung ang ganda nya nga talaga" kanina pa yan sinasabi ni jimin. Gusto nya na nga ata si yannah eh. Sinabi ko nga na mas matanda 'yon sa kanya pero sabi naman ni taehyung 'age is just a number' kaya napatawa nalamang kami.

"Sa'n nyo nga pala balak kumain mamaya?" tanong ko sakanila.

"Parang gusto kong kumain ng kimchi" sabi ni hoseok.

"Pizza, Chicken, Coke" sabi naman ni jungkook.

"Samgyeopsal nalang tayo" sabi ni seokjin.

Tumango-tango naman sila na ibig sabihin ay sumasang-ayon sila. Pumunta na 'ko ng kwarto namin nila seokjin para matulog muna.

"Hyung!" alog nya sa'kin.

"Oy gising na hyung" sabi naman nung isa.

Dinilat ko na yung mga mata ko at bumungad sa'kin si jimin at taehyung.

"Bangon ka na dyan hyung sunduin na natin si yannah unnie" nakangiting sabi ni jimin.

Tinignan ko yung wall clock dito sa kwarto namin at 6:30pm na. Gabi na din pala? Bakit ngayon lang nila 'ko ginising? Gising na din kaya si yannah?

Bumangon na 'ko at nag toothbrush. Nakahanda na din sila. Si yoongi puro black nanaman yung suot. Si jin suot nya parin yung pink tshirt nya at nakasuot din sya ng makapal na jacket pang-laban sa lamig. Ang lamig naman kasi talaga, malapit na mag winter.

Nang makarating kami sa tapat ng apartment ni yannah si taehyung na yung kumatok. Parang gustong-gusto na nilang makita si yannah. Lumabas na si yannah at ang ganda nya, nag-ayos pa talaga sya ah?

Naka skinny jeans sya, tapos may suot-suot syang black t-shirt, tapos pinatungan nya ng jacket at ng isa pang mas makapal na jacket. Tapos suot nya din yung sneakers nyang puti. Hindi naman talaga ganung kaporma si yannah pero ang galing nya kasi mag-dala ng damit.

"Tara na?" tanong nya sa'min. Napansin nya siguro na nakatingin lamang kami sakanya.

Nag-lakad lamang kami dahil sabi nga ni yoongi medyo malapit lang yung sinearch nyang kainan. Nauunang mag-lakad si yoongi, kasabay nya si hoseok. Tapos sa likod nila si yannah kasabay yung tatlo si seokjin, jimin at taehyung. Tapos ako andito sa likod nila kasama si jungkook.

Mga sampung minuto yung nakalipas nang makarating na nga kami sa sinasabi ni yoongi. Umupo na agad kami sa isang lamesa with 8 chairs. Namiss ko mag samgyeopsal.

Tig-aapat kami kada side ng lamesa. Sa kabilang side na kaharapan namin ay sina yannah, taehyung, jimin at hoseok. Nasa kanan ko naman si seokjin na katabi si jungkook at sa kaliwa ko ay si yoongi. Katapat ko ng upuan si yannah. Nakangiti sya at halatang totoo yung ngiti nya. Siguro naman hindi na sya mag-babago ng isip nyan?

Si seokjin yung nag-gigrill at ako eto kumakain lang. Wag ko na daw itry mag-grill kasi baka may masira daw ako. Hindi ko naman gustong may masira lagi ah, kasalanan ko bang-

"Namjoonah say ahh" sabi ni yannah, nakatapat na yung kamay ni yannah sa bunganga ko at may hawak-hawak syang lettuce na may meat na din ata sa loob. Ngumanga na 'ko at sinubo yung inaalok nya.

"Ako din unnie, ang duga naman kung si namjoon hyung lang" pabirong sabi ni taehyung. Ginawa nga naman ni yannah.

Napangiti nalamang ako. Para silang nagpa-pababy kay yannah. Baka ang mangyari neto pati sila iassist ni yannah. Hindi naman pwede 'yon, baka mapagod na sya ng sobra non tapos mag-resign.

Umiling nalamang ako. Minsan talaga hindi maganda pag madami kang iniisip. Malapit na din pala kami mag debut. Si taehyung hindi padin naipapakita sa public, at sure ako na pag nakapag debut na kami matutuwa sya ng sobra kasi hindi na nya kailangan pang mag-tago.

Nang matapos kaming kumain ay nag-aya naman si seokjin na bumili ng ice cream treat nya na daw. Yung isang popsicle ice cream yung kinuha ni yannah kaya 'yon na din yung kinuha nila taehyung tapos ganun din yung ice cream na binigay nya sa'kin. Gusto ko sanang umangal kaso kinindatan ako ni seokjin.

"Unnie pwedeng pahiram ng cellphone mo?" tanong ni taehyung kay yannah habang nagla-lakad na kami pauwi.

Walang tanong-tanong at inabot nga ito ni yannah kay taehyung. Nakita kong binuksan ni taehyung yung camera neto at sabay sabing-

"1...2....3.... Cheese" sabay click.

Tinignan ni taehyung yung picture at napatawa.

"Unnie wag mo yang buburahin ah, yan yung remembrance na ito yung unang gabi na nakasabay mo kaming kumain at tignan mo lang yang picture na yan pag namiss mo kami" sabi ni taehyung sabay ngiti nanaman kay yannah. As always ang bait nya ang approachable nya at hindi ka maoout of place pag kasama mo sya.

"Unnie ilang taon ka na po pala?" tanong ni jimin.

"Same age as namjoon"

"Unnie alam mo ba malapit na kami mag-debut. Hindi ko na kailangang mag-tago tsaka makikita na nila yung gwapo kong muk-"

"Hoy taehyung tama na yan, alam naman nating lahat na ako yung pinaka gwap-"

"Ang ingay nyo" putol ni yoongi kay seokjin.

"Good luck sa debut nyo! Fighting!" pasigaw na sabi ni yannah. Nakita ko naman ang pagsilay ng mga ngiti sa labi nung anim kaya napangiti nalang din ako.

Nang makarating kami sa tapat ng apartment ni yannah nag-paalam na kami sa kanya. Si taeyung nga gusto na atang dun na din matulog sa apartment ni yannah.

"Nako taehyung do'n ka na sa inyo! Makikita mo din naman ako bukas" nakangiting sabi ni yannah. Napa-pout nalang si taehyung kasi akala nya papayag si yannah.

Hinatak na ni jimin si taehyung "Bye na unnie!" sabi ni jimin sabay takbo hatak-hatak si taehyung at nakita ko naman na sumunod na ding tumakbo si jungkook at hoseok.

"Bye" sabi ni seokjin habang kinakaway-kaway nya yung kamay nya.

Ako nalang pala yung naiwan. Kala ko andito pa si yoongi pero iniwan na din pala 'ko.

"See you tomorrow yannah! Sana nag-enjoy ka ngayong gabi"

"Oo sobra!" pagkasabi nya nun ay yinakap nya ko. Ang awkward. "Good night namjoonah! Thank you so much" pag-katapos nyang sabihin 'yon ay tinanggal nya na yung pagka-kayakap nya sa'kin. Tinulak nya na 'ko paalis at pumasok na sya sa apartment nya.

⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝ ⚝

-reticentdreamer ⚝

Continue Reading

You'll Also Like

315K 4.9K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
4.1K 73 65
"I won't leave you. I am always here by your side. I will always be your number one fan and supporter." ...
9.7K 1.5K 41
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇