Re:Write

Oleh FinnLoveVenn

230K 11.8K 2.1K

Charlie Eva- isang die hard fan ng isang fictional character sa isang nobela pinamagatang Loving the Crown Pr... Lebih Banyak

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
EPILOGUE

CHAPTER 8

7.3K 398 35
Oleh FinnLoveVenn

❦❦❦

Para bang lumulutang ang isip ni Ellis, tulala sa kawalan at may malaking ngiti sa kaniyang mukha.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang magising siya dahil sa pagkakalason, wala naman siyang ibang sakit na natamo mula roon sa lason at maayos na nagising mula sa dalawang araw na pagkakahimbing.

Nagkaroon lang ng kaguluhan sa loob ng palasyo dahil sa insedente, napuno ng maraming guwardiya sa labas upang hanapin kung sino ang salarin sa nangyari, na ang hindi alam ng karamihan ay nasa mismong loob lamang ng kanilang kaharian— nakaupo sa trono at kontrolado ang lahat sa kaniyang mga kamay.

Nahuli na rin si Mary, ang tumakas na katulong, umamin siya na inutusan lang siya ng Empress, na lahat ng ito ay plano ng empress ngunit walang naniniwala sa kaniya. Dahil sa kapangyarihan na hawak ni Empress Remelia ay sinentensyaha itong bitayin sa pagkakasalang pagsisinungaling at pagtatangkang pagpatay kay Marshall.

Yaman ang labanan sa mundong ito, kung mahirap ka ay hindi ka magkakaroon ng hustisya at kung mayaman ka naman ay lahat kaya mong pagtakpan gamit ang salapi.

Hindi na iiba sa mundo ni Charlie ngunit sa mundong ito ay wala ka talagang laban kung hindi ka maharlika.

Ngunit hindi iyon ang tumatakbo sa kaniyang isipin ngayon, kung hindi ang ideya na nailigtas niya sa kapahamakan ang paborito niyang character sa nobela.

"You will be proud of mapren, nailigtas ko ang precious Marshall na'tin," bulong nito sa sarili habang iniisip ang kaibigang si Janelle na kasama niya sa kabaliwan.

"My lady, dumating na po ang pinasadyang gown para sa inyo," napalingon siya kay Layla na buhat-buhat ang isang malaking kahon. Excited naman siyang lumapit dito at tinignan ang magarbong damit.

Isa itong kulay puting gown na may pulang lace sa dulo at mga palamuting bulaklak na kulay ginto, madami din itong nakaburdang bulaklak na kulay pula sa bewang at ang manggas nito ay manipis na tela na magpapakita ng kaniyang balat sa braso.

Namangha siya sa kagandahan ng susuotin niya sa darating na coronation day, masyado itong paboloso at madetalye ang bawat palamuti. Hindi na siya makapag-intay upang suotin ang damit na iyon na pinatahi pa sa isang sikat na boutique ng mga damit na halos pilahan ng mga mahaharlika.

"Ito ba talaga ang susuotin ko sa darating na linggo? Hindi ba parang sobrang bongga naman? Baka matalo ko pa ang empress niyo," Tanong niya kay Layla na tinutulungan siyang isukat ang damit.

"My lady, prinsesa ka kaya dapat lang maganda at magarbo ag iyong susuotin. Bagay na bagay sa inyo ang kulay at desenyo, para bang tinugma sa kulay ng inyong buhok." Nakangiti si Ellis sa harapan ng salamin habang sinusukat ang magandang damit na iyon, bawat anggulo ay inaayos upang malaman kung may mali bang sukat sa katawan niya.

"Tingin mo?" Tanong niya at tumango lamang si Layla habang tuwang tuwa sa ganda ng kaniyang alaga.

Hindi naman makapaniwala si Ellis na ganito kaganda ang kalalabasan nito kapag naisuot na niya, hindi siya makapaniwala na ang kontrabida na ito ay talaga namang maganda.

Kung hindi niya lang nabasa ang buong novela, iisipin ni Charlie na ang babaeng nasa harapan ng salamin— ang katawan na kaniyang hinihiram ngayon ay siyang bida ng nobela.

❦❦❦

At sumapit na nga ang araw ng koronasyon sa loob ng Goldton Empire, halos lahat ng mga aristocrats sa iba't ibang parte ng empire ay dumalo sa na sabing pagsasalo.

Mula sa iba't ibang parte ng Gazina, lahat ng mga kilalang tao sa buong kontinente ay nagtipon sa iisang lugar para salubungin at  makipagdiwang sa pagiging crown prince ni Argus.

Kabado naman si Ellis matapos makita ang iba't ibang tao na galing sa mayayamang pamilya na dumalo sa koronasyon ng kaniyang kapatid. Iniisip niya na kailangan niyang maging matibay lalo na't magiging isa itong malaking labanan.

Labanan ng mga mayayaman.

Mula sa ulo hanggang paa ay mamatahin ka nila at oobserbahan lahat ng ginagawa mo upang makahanap lamang ng kamalian sa iyong pagkatao. Madalas niyang mabasa ito sa nobela dahil isa ito sa laging problema ng bidang si Lucille.

Ngunit na isip niya na siya nga pala si Ellis, si Ellis na nag uumpisa lagi ng gulo at nang ikapapahiya ng isang tao.

Siya ang dapat katakutan ng mga bisita dahil siya ang Villainess ng nobela, isang babaeng matabil ang dila at huhusgahan ka.

"Oh my Lady Ellis, kamusta ka? Nabalitaan ko ang aksidenteng pangyayari sa iyo nung nakaraan lang, nakikilala mo pa ba ako?" Tumingin si Ellis sa isang dalaga, may mahaba at kulay tyokolate itong buhok na aabot sa kaniyang bewang, matangos ang ilong at may berdeng kulay ng mga mata.

Maganda ito at halatang parte ng isang mayamang pamilya, ngunit ang problema niya ay hindi niya ito maalala kaya naisipan na lamang ni Ellis na umiwas at itanggi upang tigilan na siya nito.

"Ah— ipagpaumanhin niyo po ngunit hindi ko po tandan, Lady?" Kumunot agad ang noo ng babae sabay takip ng pamaypay nito sa kaniyang bibig.

"Ahaha, kung ganoon ipapakilala ko na lang ulit ang aking sarili, anak ni Marquess Allen Nicole— si Jade Cao," hinawakan nito ang magkabilang dulo ng kaniyang gown at nagbow sa harap ni Ellis bilang pagbati.

"Ikinagagalak din kitang makilala muli Lady Cao," at ginawa niya rin ang pagbati ng babae saka mabilis na iniba ang usapan upang makatakas na kaagad sa nagbabadyang gera na maaaring mag-umpisa sa pagitan nilang dalawa.

"Nais ko pa sana makipagkwentuhan sa iyo ngunit malapit na lumabas ang Crown Prince, ipagpaumanhin niyo sana ako." Halatang iritable sa kaniya ang babae at niyuko niya na lamang ang kaniyang ulo sa harap ng binibini saka umalis.

Kilala niya ang babaeng iyon, isa iyon sa naging kontrabida sa buhay ni Lucille sa loob ng nobela, anak ni Marquess Allen at may ari ng minahan sa Goldton Empire. Matapobre at madalas silang kasali ng kaniyang ama sa kurapsyon na nagaganap sa loob ng Emperyo.

"Papasok na ang Emperor," anunsyo ng isang kawal at bumukas ang pintuan papunta sa malaking upuan na trono ni Emperor Stephan. Sa kaniyang likuran ay nakasunod na paglalakad ang kaniyang anak na si Argus at ang Royal guard commander na si General Shalom.

Nagbigay pugay ang lahat at nang makarating na ang Emperor sa kaniyang trono ay itinaas nito nang bahagya ang kaniyang kamay na nagpatahimik sa buong lugar. Lahat ng kanilang ginagawa ay kanilang itinigil, pati ang mga musikero ay ibinaba ang kaniyang mga intrumento, tumigil sa kanilang mga usapan ang bawat bisita at ipinukaw ang atensyon sa emperor.

Halos kilabutan si Ellis matapos niyang makita ang kaniyang ama na hindi niya na sisilayan sa loob ng tatlong buwan. Masyadong malakas ang kapangyarihan nito na nakakapagpatahimik sa buong lugar gamit lang ang isang kamay.


"Aking mga minamahal na panauhin, ngayong gabi ay masasaksihan niyo ang koronasyon ng aking panganay na anak na si Argus Mc Allister, ang crown prince. Nais kong tunghayan niyo kung pano ko ipatong ang korona na magbibigay sa kaniya ng kapangyarihan." Lumapit ang isang lalaking may hawak ng korona, nakalagay ito sa isang pulang unan at ang korona na ito ang ipapatong sa ulo ni Argus na tanda na siya na talaga ang crown prince ng Godton Empire.

"Ngunit bago ko ito igawad sa kaniya, nais ko muna itanong sa inyong lahat kung may tututol ba?" Paghahamon ng Emperor sa nasasakupan. Alam niyang may na niniwala pa rin sa kakayahan ng kaniyang pamangkin na si Marshall at gusto niya itong marinig at bigyan ng pansin bago niya ibigay ang korona sa kaniyang anak. Ngunit ang hindi alam ng Emperor ay bayad na ng kaniyang asawa ang bawat bibig ng mga tao sa loob ng kasiyahan.

Lahat ng mga nais tumutol o magsalita ay may busal na pera sa kanilang mga bibig.

"Wala bang may opinyon sa inyo?" Tanong ng emperor at tanging katahimikan lamang ang isinagot ng mga tao sa loob ng kasiyahan.

"Kung ganoon, maaari na tayong magpatuloy." Tumango siya sa kaniyang anak at lumuhod naman si Argus sa harap ng kaniyang ama.

Lahat din ng mga bisita ay nagsitayuan sa kanilang mga kinauupuan, nagbigay galang sa gaganapin na seremonya. Nakatayo si Ellis malapit sa huling baitang ng mahabang hagdan sa kaniyang harapan, mula roon ay kitang-kita niya ang gagawin na koronasyon.

Lumapit si Heneral Shalom sa Emperor, hawak nito ang kilalang espada na pamana pa sa bawat henerasyong nagdaan sa pamilya ng Mc Allister. Isang itim na espada na may pulang diamante. Ayon sa alamat, ang espada na ito ang pumatay sa isang itim na dragon na may pulang mga mata, pagtapos tumulo ng dugo ng itim na dragon sa espada ay naging itim ito at ang mga mata ng dragon ang siyang pulang diyamnteng nakaukit dito.

Kinuha ng Emperor ang kilalang espada na nagngangalang Crimson Black. Hawak ang Royal Sword, ipinatong niya ito sa magkabilang balikat ni Argus.

"Itong espadang magbibigay sayo ng tatag at lakas," saka niya ibinaba ang espada at kinuha ang koronang nakapatong sa pulang unan.

"At ang koronang ito ay magbibigay sayo ng karapatan bilang Crown Prince, ikaw aking anak na si Argus Mc Allister ay inihahalal ko upang maging susunod na Emperor ng Goldton Empire," saka niya ipinatong ito sa ulo ni Argus kasunod ng masigabong palakpakan na umalingawngaw sa buong bonquet hall.

"Mabuhay ang Crown Prince!"

"Mabuhay ang Goldton Empire!"

Tumunog ang masiglang musika hugyat nang simula ng kasiyahan, agad na inaya ni Argus ang kapatid na si Ellis na abala sa pagkain sa sulok ng hagdan kung saan hindi ito mapapansin ng sino man.

"Anong ginagawa mo d'yan? Kumakain ka habang pinapatawan ako ng korona?" Nagkamot lang si Ellis ng kaniyang pisnge sabay tawa at kitang kita ni Argus ang tyokolate na nakadikit sa ngipin ng kapatid na nagbigay sa kaniya nang malakas na halakhak.

"Hahahaha! Anong istura 'yan Ellis? Dalaga ka na ba talaga?" Halos makatawag sila ng atensyon at gulat na gulat ang mga bisita sa paghagalpak ng tawa ng prinsipe.

"Mukhang magkasundo talaga ang magkapatid na iyan, alam kong na aksidente ang prinsesa at na walan ng memorya ngunit mukhang hindi iyon hadlang sa kanilang magkapatid," bulong bulungan ng mga tao ukol sa kanilang dalawa.

"Tara na nga, punasan mo na 'yan bago pa masira ang imahe mo sa mga bisita, baka ipatapon ka ng empress sa west wing kung makita niya ang itsura mo ngayon," ngumuso na lang si Ellis at mukhang mas gusto niya pa ang ideyang itapon siya sa west wing ng palasyo kung nasaan si Marshall.

Kinuha niya ang kamay ng kapatid at inaya siya nitong sumayaw, kabado siyang sumunod sa paghakbang na sinusundan ang musika ngunit para bang normal lang sa katawan niya ang galawan na iyon at walang kahirap hirap na nasundan ang bawat yapak ng kaniyang kapatid.

"Walang kakupas-kupas, kahit mawalan ng memorya ang binibini ay talagang pinanganak na siyang maging prinsesa."

"Wala pang nakakasunod kay prinsipe Argus pagdating sa sayawan kundi ang prinsesa Ellis lang," mga bulungan ng mga taong nanonood sa kanila na naaliw sa bawat galaw na ginagawa nila.

Parang puting bulaklak na namumukadkad ang mahabang bistida ni Ellis kada iiikot siya ng kaniyang kapatid, bawat bisita ay na mangha sa kanilang dalawa at miske ang emperor at empress ay nakangiting pinagmamasdan sila.

At nang matapos ang musika ay napukaw ang atensyon ng lahat sa isang binata na kakarating lamang, may suot itong itim na damit na may halong kakaunting pulang detalye rito, nakasuklay ang buhok nito na dahilan para mas maipakita ng binata ang gwapo at perpekto niyang mukha. Na siyang dahilan para pagkaguluhan siya ng lahat ng dalaga sa loob ng kasiyahan. 

Ngunit hindi iyon ang pakay ng binata, agad niyang sinuri ang buong lugar at agad na hinanap ang babaeng dahilan ng kaniyang pagdalo sa kasiyahan.

At nang makita niya ito ay agad na nagtagpo ang mga mata nila pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa loob ng silid. Halos mapuno ng bulungan ang paligid na mas malakas pa sa tugtog ng musika.

"Totoo ba ito? Ngayon ko lang nakitang dumalo ang Dark Lord sa mga pagtitipon," ngunit hindi lang iyon ang nakatawag ng pansin nila kundi ang hindi maitatanggi na kagwapuhan ng binata.

Mula sa itim niyang huhok at asul na mata hanggang sa matangos niyang ilong at mapulang labi, ay hindi mo maigatanggi na nakakahulog talaga ito ng puso ng mga dalagang dumalo sa kasiyahan.

Agad namang lumapit si Argus at Ellis sa binata at nagbigay galang agad ito sa bagong halal na prinsipe.

"Ikinagagalak kong batiin ka sa pagiging opisyal mong crown prince, your highness."        

To be continued

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.5M 186K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
18.3K 884 31
| ON-GOING | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenly stabbed by...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
21.4M 790K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...