Coleen's P.O.V
I badly want to go with her pero hindi ko maiwan-iwan si mom. matatagalan yata ako dito kaya Online Classes nalang muna as of now. Dad maging okay ka na please, namimiss ko na ang Scholastica, namimiss ko na si Gabb ko. Kakaalis lang ni Gabb sabi niya kailangan na niyang umuwi dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin sa Scholastica, bukas pa dapat flight nya but she insisted. Di ko naman siya pwedeng pigilan coz I know how determined Gabb is sa studies niya.
/Flashback Earlier at the Airport VIP Lounge/
" Baby ayoko pa sanang bumalik ka sa Scholastica eh. but I know Important yung aasikasuhin mo. so no choice na ako." Sabi ko sa kanya habang nakayakap ako sa gilid niya.
" Sorry talaga Baby ha? I badly want to stay, but remember Ella right? how can I defeat her kung hindi ko paghahandaan diba?." Sabi niya habang hinahaplos niya buhok ko.
"Oh Oo nga pala, haaay okay Baby, as soon as maging okay dito susunod ako dun right away, ang hirap kaya ng LDR." Nakapout kung sabi
" Don't be sad na, tiis tiis muna for Tita Ericka and Tito Ricardo, Maghihintay lang ako sayo My Baby Coco. " She kissed me on my forehead and smile
" Come with me, Ayokong umalis ka na walang pabaon from me." Hinila ko agad siya papunta sa
Ladies restroom, di ko kasi siya pwedeng e kiss dun sa public baka may makakita pa at umabot kay Mom. So yeah, we went inside one of the cubicles.
" Baby Coco, behave." Sabi niya habang tumatawa why so cute mahal ko?
I immediately pinned her to the wall and started kissing her torridly, Our kiss went deeper hanggang sa marinig namin ang flight number ni Gabb. Kainis naman! Epal nun ha?
" Stop na, I have to go. " Sabi niya and gave me a short peck on my lips.
" I love you Gabrielle!." I said while hugging her neck
" I love you too Coleen." Then she smiled.
" Ako lang ha?." sabi ko habang tinitigan siya pero imbes na tumango sya or magsabi ng OO, Hinalikan niya lang noo ko at ngumiti, Okay I know that's a YES.
/End of Flashback/
She left already haaay mag-isa na naman ako dito sa room ko. I miss her, her scent, her voice, her face, her presence. Naiiyak na naman ako kaya I decided na tingnan nalang mga pictures namin, atleast di ko na masyadong mamiss dun. my most favorite picture is this, kasi this is our first compiled photos, together as a couple.
I just can't help not to smile kasi finally, mahal pala ako ng taong matagal ko na ring minamahal. And I will do everything just to make this work and to protect our relationship sa mga mangangahas sumira.
Ella's P.O.V
7 pm na nang makabalik ako dito sa room naman ni Gabb. pano kasi tung sina Brei at Gia inaya akong mag mountain climbing. pagod na pagod tuloy ako. malas lang naiwan ko phone ko sa pagmamadali kanina. kaya ngayon nakahiga ako at kinakalikot ko ang phone ko. binuksan ko ang Instaface app ko, bumungad sa akin ang isang video na pinost ni Gabb. tiningnan ko ito, at after nun, naiyak ako na ewan. haaay Ella tama na, awat na Ella. bakit kasi damang dama ko yung song eh. and wait Pinaka naiinlove ako sa taong marunong mag guitar at kumanta, wala na plus points na naman kay Skribikin. Buti naman at di na yun nantritrip, di na nga nagpaparamdam eversince last night eh, could it be na nagtatampo yun? Naku Ella tigilan mo na yan mabuti pang matulog ka na.
nilapag ko na sa side table ang cellphone ko, habang nagpapatugtog ako ng lovesongs, currently playing right now is Baby You Are, ewan pero mukhang relate ako sa song na yan. Inayos ko na pagkakahiga ako. Pinikit ko na rin ang mga mata ko, nakaharap ako sa side ni Gabb, kaso mas lalo ko lang siyang namimiss kaya tumalikod nalang ako, ilang minutes lang nakatulog na ako.
Gabb's P.O.V
Time Check 10:00 PM, Oo 10 pm akong nakarating sa Villa, dumaan pa kasi akong SM kanina when I arrived from Bangkok, I bought something for Ella since di ako makabili kanina sa Bangkok dahil kasama ko si Coco. Pumasok na ako sa room namin, I really can't wait to see her. May kanya kanya kaming access cards kaya nakakapasok pa rin ako kahit di niya binubuksan. nilapag ko ang things ko sa sofa. and Dumako ang tingin ko sa bed namin, and there she is sleeping so soundly. napasmile naman ako, kasi finally nakita ko ulit siya.
Nagshower muna ako, at nagpalit. kinuha ko yung binili ko sa SM kanina na gift ko for Ella at nilagay sa side table. I just can't help my longingness kaya humiga na ako at niyakap ko siya. A tight hug kasi I truly missed her. napansin kong gumalaw siya and so I whispered to her ear.
" Akin? I'm here na." still nakayakap pa rin ako sa kanya
" Hmmm..?." Niyakap ko lang siya ng mahigpit at pinatong yung chin ko sa shoulders niya. damn! I missed this girl so much.
" Sleep ka lang Akin. Sleep lang tayo." I said before kissing her shoulder, wala na i'm just so madly in love with you Ella. Ang hirap pigilan. tahimik lang ang paligid nun nang biglang.
" Hmmm.. Gabbi? Ikaw ba yan?." She said while her eyes are still closed halatang half sleeping pa sya.
" Sssh.. Sleep ka lang, Yes it's me." hinigpitan ko pagyakap ko sa kanya. nagulat ako ng humarap siya sa akin at sumiksik ng yakap. E-Ella? wait lang naman, kinikilig ako.
I kissed her forehead at nakatulog na din ako minutes after.
Morning na at nagising ako, She's still on the same position as last night. What I truly missed about her yung nangyayakap at nandadantay. Inangat ko ang chin niya para mas mapagmasdan ko ng maayos ang mukha niya. hinahaplos ko ang buhok niya while I'm staring on her. Ang ganda mo talaga Ella, I can't find any imperfections sayo. You have a beautiful face and a beautiful heart as well, reason why I fell inlove with you. Natigilan ako nang biglang dumilat ang mata niya, titig na titig siya sa akin na parang nagtataka.
" Gabbi?. " She's still staring at me
" Hi Akin! I'm back!." Ngumiti ako na nakatingin sa kanya.
"I missed you." Napangiti ako sa sinabi niya. Kinilig pa nga eh.
" I missed you most." Sabi ko before kissing her forehead
Nakayakap pa rin kami sa isa't isa habang nilalaro ko buhok niya.
" Kelan ka lang dumating." She asked
" Kagabi pa. tulog tulog na tulog ka na kaya di na kita ginising."
" Akala nananaginip lang ako nun."
" No you're not akin, I'm here."
Ewan ko kung anong nangyari kasi bumalikwas siya ng bangon at sumandal sa headboard.
" Why Akin? May Problema?." Bumangon na rin ako at sumandal sa headboard while looking at her.
" Ayan ka na naman sa pagtatawag mo ng Akin."
I smiled at her, inabot ko yung binili kong gift sa kanya.
" For you Akin." I handed her the gift.
" Hala ang cute naman nito." napangiti naman ako when I saw her reaction
" Meet Elab the Cutest UniPhant."
" Elab? Uniphant? bakit ganun?." Pagtataka niya
" Ella plus Gabb = Elab, pwede ring shortcut ng Elabyu." I chuckled nang makita kong kumunot noo niya, Ang cute kasi
" Baliw ka talaga Skribikin! Dami mong alam. Eh bakit naman UniPhant?." Pagtatanong niya naman
" Anak siya ni UniGabb na isang Unicorn at ni Ellaphant na isang Elephant. kaya Uniphant." I smiled habang nakatingin sa kanya na cute na cute sa binigay ko.
" Huh? Bakit nagkaanak na ba tayo?." Ayy nako Ella, ang slow ha?
" tama na maraming tanong basta anak natin yan. Ikaw ang Mommy at siyempre ako ang Daddy." Nakangisi kong sambit sa kanya
Tahimik lang siya habang tinititigan si Elab, ang corny ko ba?,bahala na inlove lang po.
" Ella?, Akin?." I called her
" Hmmm?." Nakatingin pa rin siya kay Elab habang pinipisil niya na parang nanggigigil.
" Akin ka lang ha?." Wala di ko alam ba't bigla ko rin nasabi yun.
" Pano si Coleen?." Natigilan ako sa sinabi nya kasi nakatingin din siya sa akin na namumungay yung mata
magsasalita na sana ako ng biglang may malakas na katok galing sa pinto. mga isturbo!
" Ella? Ella? Gising ka na?."
Agad bumangon si Ella at binigay sa akin si Elab.
"Hala wait lang Gabb." napakunot noo akong nakatingin sa kanya. and then I heard.
"Gia! hala nag-abala ka pa."
GIA! GIA! GIA! NA NAMAN SIYA NA NAMAN? THINK GABB WHAT SHOULD I DO? tumayo ako at nilagay muna si Elab sa kama. diyan ka muna nak, kukutusan ko lang tung umeepal sa moment namin ng mommy mo. pinuntahan ko sila at kitang kita sa mukha ng Gia na yun ang pagkagulat.
" Nakarating ka na pala Gabb?." Pagtatanong ni Gia
" Yes, bakit ka nandito?." Diretsong tanong ko sa kanya
" Ahh hinatdan niya lang ako ng niluto niyang adobo. salamat dito Gia ha?." Tuwang tuwa pa Ella? Masarap din ako magluto noh.
" Ahh sige Ella, kita nalang tayo mamaya sa tagpuan ha? mauna na ako, Gabb, Ella? Salamat."
Ano daw tagpuan? may tagpuan na sila? aba loko tung Gia na toh ah? kakabreak palang kay Rans, mukhang pinopormahan na yung Ella ko? HOY GIA! AKIN YAN! Ito namang si Ella, ang tamis ng ngiti, parang excited pang kainin yung luto ni Gia. So ano? hangin nalang ako dito Ella? bumalik nalang ako sa kama at humiga, niyakap ko nalang si Elab. Hmph! Bahala ka diyan, mabulunan ka sana. Di naman masarap yan.