THREE ANG GULO [COMPLETED]

Por chadkinis

838K 12.3K 1.3K

"Intriguing... Very easy to read but hard to put down. I must say that Chad Kinis has a unique and refreshing... Más

Prologue
Chapter 1
Continuation of Chapter 1
Chapter 2 - Si Lance at ang Epic four
Continuation of Chapter 2
Chapter 2 (last part)
Chapter 3 - Photoshoot part 1
Chapter 3 (part 2)
Chapter 3 (part3)
Chapter 3 (part 4)
Chapter 3 (last part)
Chapter 4 - The countdown
Chapter 4 - (day 2)
Chapter 4 - day 3
Chapter 4 part 2
Chapter 4 part 2 continuation
Chapter 5 - Welcome to Japan
Chapter 6 - She is back
Chapter 7 - Victory Party
Chapter 8 - A Glimpse of the Past
Chapter 9 - The forgotten dream
Chapter 10 - Biglaan
Author's Note
Chapter 11 - Ngiti pa More
Chapter 12 - Maicy Garcia
Chapter 13 - ChubChaser
Chapter 14 - Pagbabago at pagkabagabag
Chapter 15 - Annabelle
Chapter 16 - Sorry
Chapter 17 - Umagang kay ganda
Chapter 18 - Magkaribal
Chapter 19 - Sure win!!!
Chapter 20 - Good Morning Maicy!
AUTHOR's NOTE
Chapter 21 - EXCITED???!! (Continuation)
Chapter 22 - Road trip
Chapter 22 - Road trip (Cont.)
Author's Note
Chapter 23 - Locked Out
Chapter 24 - Rain, rain Please don't go away
Update!
Chapter 25 - Humanda ka Maicy
Chapter 26 - Hayup ka Lance
Chapter 27 - A trip to the truth
Chapter 27 - Part 2
Chapter 28 - Sunset Romance
Chapters
Chapter 29 (UPDATED) - BESTFRIENDS
Chapter 30 - Katotohanan
Chapter 31 - The Past and the furious
Chapter 32 - The agreement
Chapter 33 - Acceptance
Pasasalamat
ANNOUNCEMENT

Chapter 21 - EXCITED???!!

7.2K 112 3
Por chadkinis

Chapter 21 – EXCITED???!!

                               

                Halos na itaas na si Maicy ng hagdan pabalik ng kanyang kwarto at si Lance naman ay nakapasok na sa may living room ng bahay.

                Sinilip ulit ni Maicy si Lance habang itinatago ang kalahti ng katawan. “Make your self comfortable Lance, if you want coffee magtimpla ka na lang dyan. Umupo ka na muna dyan, just help yourself, ok?”

                Tumango lang ang binata ng may kasamang matamis na ngiti mula sa maninipis niyang mga labi.

                Nang aktong hahakbang na si Maicy sa ikalawang palapag ay sinilip niya ulit ang gwapong gwapong si Lance dahil may nakalimutan siyang sabihin dito.

                “Teka, Lance, bakit ka nga pala naririto ng napaka-aga?” tanong ng dalaga na tinatakpan pa din ang sarili dahil halos maninipis lang ang suot niya.

                “May pupuntahan tayo. Mag-bihis ka na at ppunta tayo sa…..”, hindi pa man din ulit natatapos ang sasabihin ni Lance ay kumaripas na naman ng takbo si Maicy papunta sa kanyang silid. Napailing na lang ang binata at natawa sa sarili. Ramdam na ramdam niya ang excitement ni Maicy. Masaya siya sa nakikitang sigla kay Maicy.

                Mula sa mailap na pagkakakilala niya kay Maicy ay nagiging mas open na siya at nagiging magiliw na. Labis itong ikinatutuwa ni Lance. Pakiramdam niya na ito ang simula ng lahat ng pagbabago sa buhay niya at sa buhay ni Maicy. Hindi pa man din opisyal na sila pero positibo na ang kanyang pananaw sa ipinapapmalas ng dalaga na pasasaan ba at magiging sila din. At nasa plano niya at sigurado na siya na si Maicy na ang babaeng para sa kanya. Kaya handa din siya na lagging pasayahin ang dalaga kahit ano man ang mang yari.

                Saglit na naupo sa sofa si Lance at inagmasdan ang paligid ng bahay ni Maicy. Pangalawang beses na siyang nakapasok dito. Una noong sinorpresa niya si Maicy ng dinner date sa loob mismo ng bahay niya.

                Ngayon niya lang napagmasdan ng husto ang “awra” ng loob ng bahay. Maaliwalas ngunit tahimik. May parte din na nakakaramdam siya ng gloominess. Batid niya ang lungkot na bumabalot sa loob ng pamamahay. Lalong naintindihan ni Lance ang pinagdaanan ni maicy, dahil mahirap naman talaga maging mapag-isa sa bahay sa loob ng mahabang panahon. Alam niya na ang dating punong puno ng kasiyahan na tahanan ay napalitan ng kalungkutan dulot ng trahedya at mga pinagdaan ng babaeng kanyang iniirog.

                Lalo lamang tumibay ang pagnanasa ni Lance na mapasaya si Maicy. Hindi na siya papaya na muli pang masadlak sa kalungkutan ang taong nagpapasaya din sa puso niya. Papawiin niya ang bumabalot na kalungkutan sa buhay ni Maicy, at ngayon pa nga lang ay nakikita na niya ang resulta ng pagdating niya sa buhay ni Maicy.

                Nangyayari ito simula ng makapag-usap sila ng masinsinan sa hardin ng condo niya noong isang gabi pagkatapos nila manuod ng sine.

                Ilang saglit pa ay nakaramdam siya ng uhaw at parang gusto din niya ng kape. Alam niyang matatagalan pa si Maicy sa pag-aayos. Babae daw kasi. Banidosa at maraming seremonyas. Iyon ang pagkakaalam niya sa mga babae at hindi exempted si Maicy sa mga ganoong ugali ng babae. Kung sabagay sino nga naman ang hindi magpapaganda at maghahanda kung siya ang makakasama, ito ang lagging nasa isipan ni Lance.

                Tumayo siya at tumungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Kinuha ang electric kettle at nilagyan ng tubig upang painitin. Kumuha din siya ng tasa at hinagilap ang kape sa ibabaw ng lamesa katabi ang asukal at creamer.

                Samantala sa loob ng silid ni Maicy ay hindi pa rin si kumikilos, sumandal siya sa pintuan pagkapasok na pagkapasok niya kanina at hanggang ngayon ay naroon pa rin siya, nakasandal pa rin habang kinikilig kagat kagat ang dalawang hinlalaki niya at nakakibit balikat at walang tigil sa pag alumpihit sa sobrang kilig. Parang maiihi na siya sa sobrang kilig, ngunit pigil na pigil ang sarili na tumili dahil nahihiyang marinig siya ni Lance na abala sa pagtitimpla ng kape sa ibaba.

**** Itutuloy**** Please vote****

Seguir leyendo

También te gustarán

1K 56 29
This story is inspired by 2019 hit c-drama 'My Girlfriend is an Alien'. The love story between a couple; Lyra Dela Cruz and her boyfriend Darwin Cons...
939 55 16
It tells the story about a teenage girl who is a victim of bullying. Instead of fighting back, she wrote story where in she killed her bullies. Later...
124K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
6K 261 6
Language: Filipino · · ────── ·𖥸· ────── · · Volume 1: HER PLAYFUL SECRETS Isang araw, si Lorraine Adriella de Verra ay nagising sa isang mundo na t...