Spring Love (Season Series #1)

Par cinammonie

33.1K 1.3K 89

Season Series #1 Elizabeth Labejo, an architecture student, that is full of charms. Many boys like her. Isang... Plus

Spring Love
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue

Chapter 7:

1.2K 64 0
Par cinammonie

Elizabeth's



Napatingin ako kay Ethan na nakatingin sa'kin at nakikinig ng kwento 'ko. Tuwing umaga kasi ay lagi kaming magkasabay nagkakape ni Ethan. Nakasanayan na namin, at lagi akong pinipikon nito.




"What? Isang bote lang ininom mo noon?" di makapaniwalang sabi niya.


"Oo bakit?" walang ganang sabi ko.


"Oa naman ng alcohol tolerance mo. Akala mong isang case nainom."



Sinapok ko naman siya. Natawa naman siya. Pagkaubos ng kape ay napagdesisyunan na naming umalis. Ganto ang set up namin tuwing umaga. Nakwento niya nga rin pala sa akin na bukas na ang start ng gagawing malaking auditorium sa may likod ng school kaya magiging busy siya.



Ngiting ngiti naman ako habang papunta ng room. Napahinto naman ako nang may nakangiting lalaki na sumalubong sa akin.Nginitian ko ito pabalik at hinintay  na umalis ito sa harap ko pero hindi ito umalis.



"Uhm? Excuse me?" tanong ko.



"Ay sorry!! I'm Rafael!! Tayo magkapair sa project natin." sabi niya na parang nahiya.



"Ahh, I'm Elizabeth."




"I know!! You're famous here!!" sabi ni Rafael. Natawa nalang ako at nahihiya.





"Uhmm, by the way. Can I join you for lunch? Pagusapan natin yung about sa project?"




"Oh suree." sabi ko sakaniya at ngumiti. Napansin ko nung mga nakaraang araw ay nangingitian ko na rin ang mga lalaki.



Inaasar kasi ako ni Ethan na mukha daw akong pugong nakanguso pag nakasimangot. At napapansin kong nagiging rude na ako sa mga lalaki pag kinakausap ko sila habang nakasimangot.



Pagkatapos ng klase ay lumapit agad sa akin si Rafael at inaya ako canteen.


"Nako, mahirap hirap ang project." sabi niya sa akin.

"Kaya yan!" pagmomotivate 'ko sakaniya. Tumawa naman siya.



Nagorder na kami ng pagkain at naupo na. Nagkukwento lang siya sakin ng kung ano ano. Tawa lang ako nang tawa. Parang bano!





"Gusto mo?" sabi ni Rafael at abot sa akin ng cheese stick. Umoo naman ako at kumain. Nagthank you ako sakaniya.




"Sa linggo tayo magsimula sa project? Saan tayo?" tanong ko.




"Ikaw bahala."




Bigla naman akong napatingin sa may bandang likod. Nahagip ng mata ko si Ethan na naglalakad. Kakawayan 'ko na sana ito nang makitang may lumapit sakaniya na prof na maganda. Napataas naman bigla ang kilay 'ko.



"So, Elizabeth saan tayo?" sabi ni Rafael.


"Ha?" tanong 'ko habang nakatingin pa rin kanila Ethan at prof. Tila inaaninag ang ginagawa nila.



"Saan natin gagawin yung project?" he smiled.



"A-ah ano sa condo ko nalang. Mauna na ako ha, may bibilhin pa ako e." sabi ko naman at ngumiti pa sakanya bago umalis.



Pasimpleng lumapit naman ako sa may pwesto nila Ethan at kunwaring may bibilhin. Napansin ko namang napatingin sa akin si Ethan. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Kala mo ha! Lalandi ka pa. May boyfriend ka nang Ethan ka.




Nakita ko naman siyang natawa sa akin, sinimangutan ko lang naman ito. Nakita 'kong kakausapin sana ako nito nang mapalingon sa may likod ko nang may kumalabit sa akin.




"Elizabeth, naiwan mo yung cellphone mo." sabi ni Rafael.




"Ay Salamat." nakangiting sabi 'ko kay Rafael, pagkabigay sa'kin ng order 'ko ay agad na akong umalis.

--




Natapos ang klase at papunta na ako ngayon sa parking para makauwi na, gusto ko nang magpahinga. Napatingin ako sa notes 'ko sa phone para tingnan ang mga kailangan 'kong gawin mamaya.




Napatigil at nanlaki naman ang mata 'ko nang makita si Ethan na tumatawa kasama yung lalaki na nakita 'ko sa ig story niya.



Lalong nanlaki naman ang mga mata ko nang batukan ni Ethan ito. Grabe, ang sama naman na boyfriend ni Ethan. Lalo ako nagulat nang makita kong napatingin silang dalawa sa akin. Dahil sa gulat ay agad akong tumakbo papunta sa sasakyan.



Gusto 'kong maiyak dahil sa pagkatapilok 'ko. I can feel that they are looking at me. Huminga pa ako ng malalim bago nagsimulang maglakad uli papunta sa may kotse.




Kinabukasan, ay pinigilan 'kong magpunta sa coffee shop kung saan kami madalas magkape ni Ethan. Nang makita ko kasi silang dalawa kahapon. Doon lang nagsink in sa akin lahat. Madalas kasi ay may halong crush ang tingin ko sakaniya. Ayokong lumalim ito.




Ang hirap iwasan ni Ethan, lalo na't nasa school araw-araw. Pag nakikita niya ako sa parking ay iniiwasan ko rin siya. Nakakaloka.



Natapos ang ilang araw na hindi na ako nagpupunta sa coffee shop. Pero dahil gustong gusto ko na talaga ng kape ay sa ibang coffee shop nalang ako pumunta.



Pagkakuha 'ko ng kape mula sa counter ay maglalakad na sana ako papunta sa upuan nang...


"Dito ka na nagkakape?"



Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Ethan na malalim ang tingin sa akin. Nakita 'kong may kasama itong mga engineer.


Agad 'ko namang nilagay sa tenga ko ang cellphone 'ko. "Hello? Ah sige. Punta na ako dyan." sabi ko at tumingin kay Ethan. Halatang di naniniwala sa ginawa 'kong alibi.


Agad naman akong mabilis na naglakad papaalis nang makitang lalapit pa sana sa'kin si Ethan. Pagkarating sa parking lot ay hingal na hingal ako. Nagkatapon tapon pa yung kape! Sayang!




Bakit ba lagi akong nagmumukang tanga pag iniiwasan si Ethan? Gosh.



Bumalik ako sa bahay pagkabili. Nagayos din ako ng condo ngayon dahil pupunta si Rafael. Tae bakit ko kasi nasabi na sa condo kami gumawa?



Pagkarating ni Rafael sa condo ko ay agad ko itong pinakain. Binuksan ko ang tv habang nagdradrawing kami.





Kinuha ko ang cellphone at nagboomerang, ipinakita ko ang mga ginagawa namin. Sumingit naman si Rafael sa boomerang kaya't natawa ako. In-ig story ko ito at pinagpatuloy na namin ang ginagawa.



Nagpaalam na siya nang mag 4 na. Pumayag naman ako since ayaw ko rin naman na magtagal siya.


Nagulat ako nang buksan ko ang cellphone. Pinatay ko kasi ito kanina. Ngayon lang ako nagcheck. Napatingin ako sa mga message ni Olivia sa akin kanina. Nakailang missed calls din siya na 'di ko napansin.



From: Olivia

Hoy babae, asan ka?




Napataas ang kilay ko sa mga messages ni Olivia at agad na nagtaka kaya't tinawagan ko ito.


( hello? )



"Hoy bakit ka tumatawag kanina?"


(A-ah ano kase.)



Napakunot ang noo ko nang huminto si Olivia. Ang weird. Parang nilayo niya saglit ang phone niya sa tainga kaya di ko narinig ang ibang sinasabi niya.



"Olivia?"



(Ayon tama!! Uhm puntaa ka dito inaaya ka nila mommy babye. )




Sabi niya at agad na pinatay ang telepono. Wala naman akong gagawin kaya't gumayak ako at dumiretso kanila Olivia. Sinalubong naman agad ako nila manang nang makita ako. Kinamusta ko naman sila bago tuluyang pumasok.



Nagtaka naman ako nang 'di makita sila tita. "Elizabethhh!!" salubong naman sa akin ni Olivia.


"Asan sila tita?" nagtatakhang tanong 'ko, kapag nandito kasi sila tita ay sila pa ang sasalubong samin nila Maddie.



"A-ah ano may emergency! Uhm..umalis bigla!" sabi niya sabay hila sa akin sa dining area. Kahit nagtataka ay pinabayaan ko nalang.


Napalaki naman ang mata ko nang makita si Ethan sa dining area. Natahimik ako lalo. Tae, kung kelan iniiwasan 'ko si Ethan tsaka lilitaw.

Pinaupo naman ako ni Olivia sa tapat ni Ethan kaya't napabuntong hininga ako. Konti na lang sasapukin ko na itong si Olivia, dito pa ko pinapwesto. Ayoko namang tumanggi kaya't umupo ako rito.



Hiyang hiya ako habang kumakain. Si Olivia naman ay chika nang chika habang ako ay patango tango lang.



I secretly stare at Ethan and I was shocked when I caught him staring at me while putting his spoon in his mouth.


Dahil sa nakita ay bigla akong nabilaukan. Napahawak ako sa dibdib habang umuubo. Agad naman akong inabutan ni Ethan ng tubig. Kinuha ko naman ito at dali-daling uminom.



"Thanks."



"Tss, be careful." seryosong sabi nito at agad na tumayo at nilagay sa lababo ang pinagkainan.




"Liz! Kala mo di ko napapansin ha! Okay ka lang ba? Ba't ang tahimik mo? At aba nako nakita ko sa ig story mo kasama mo si Rafael. Ikaw haa!!"  agad na sabi sa akin ni Olivia, pagkaalis ni Ethan.



"Wala yon, magkapair kasi kami sa project."




"Weh?" pagbibiro pa niya, napasimangot naman ako sakaniya kaya't sumuko na siya sa pang-aasar.


Pagkatapos naman kumain ay inaya ako ni Olivia sa may garden, that's my favorite place here. Ang aliwalas kasi ng garden nila.



"Teka lang Elizabeth, may kukunin lang ako sa kwarto."

Napatingin naman ako kay Olivia at napatango, I saw her typing something on her phone, binalewala ko lang ito ay napatingin sa paligid, madilim na pala. Napasarap ang usapan namin ni Olivia.


Naiwan naman ako magisa sa garden. Ang sarap ng hangin dito. Napatingin ako sa langit. Ang ganda. Sana maging okay na ako. Parang naiisipan ko na mag madre. Konti nalang talaga.




"Elizabeth."



Gulat akong napalingon nang marinig ang boses ni Ethan. I saw him standing at the garden's door while his hands are on his pocket.

"U-uy ikaw pala yan." nahihiyang sabi 'ko.

Napalunok naman ako nang makita siyang maglakad palapit sa akin. Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang wrist ko, his brows are furrowed.


"T-tawag ata ako ni Olivia"



"Yan na yung excuse mo? Pwede bang ayusin mo sa susunod? Para mas kapani-paniwala?" inis na sabi nito.


Napabuntong hininga ako bago tumingin sakaniya. Nakita 'kong masama na ang tingin niya sa akin kaya dali dali akong umupo.



Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo. Nakatingin lang ako sa mga halaman na hinahangin at pilit na pinapakalma ang sarili.


"Damn!!" iritang sabi ni Ethan.


Nagtataka naman akong napatingin sakaniya nang marinig ang sinabi niya, "Problema mo?" taas kilay na tanong ko rito.



"Why are you ignoring me?"



"Yan ba tanong mo sa sagot ko? Galing naman pala." pangaalaska ko sakaniya. Ayoko kasing sagutin yung tanong niya.



"I said, why are you ignoring me." madiin na tanong niya. Tae! Nakakatakot si Ethan, ngayon ko lang nakitang magseryoso na mukha.




"Ano Elizabeth?" sabi niya at tiningnan ako. "What's you----"




"A-ayokong makasira ng relasyon."




"What the hell?" inis na sabi niya sabay tayo. "What are you talking about? Boyfriend mo ba yon ha."



"Pinagsasabi mo?" inis na sabi ko.




"Yung nasa ig story mo! Bakit? Nagseselos siya? Masisira ko ba relasyon niyo?"



"Ewan ko sayo di kita maintindihan! At bakit ka ba galit ha?" inis na sabi ko. Di naman siya agad nakapagsalita.


"Is he threatened? Threatened na maagaw kita sakaniya?"




"What? Hindi kita maintindihan?!" inis na sabi 'ko



I heard him sighed before walking away, "I can't even understand myself too."















Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4.2M 89.5K 66
Terror. One word to describe CEO Sanjun Alcantara who happens to be Ethina Montoya's new boss. Sanjun has been in love with his childhood friend, Sir...
3.6K 424 52
SWEAT BOYS SERIES 01 COMPLETED- DECEMBER 25, 2020- MAY 3, 2021 By Tatterdemalion
352K 7.4K 38
PAT & ADAM The picture was not mine, so credit to the owner.
1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...