My Maton Girlfriend (On Going)

By GHIJK_Elle

13.4K 703 206

Sequel of My ASMR Boyfriend -Kartini Fischer's Story. More

My Maton Girlfriend
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 5

585 37 7
By GHIJK_Elle

Kabanata 5

Number

"ARAY!"

Tila nawala ang lasing at antok na nararamdaman ko nang maramdaman ang pagtulak sa 'kin ni Kartini hanggang sa kinaladkad niya ako papalabas ng unit.

"Hoy! Dahan-dahan naman!" sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa palapulsuhan ko pero kinunutan niya lang ako ng noo matapos niya akong madala sa labas.

"What?"

"I said, please be gentle--I mean, you don't have to drag me! Lalabas akong kusa!" Nababadtrip na tuloy ako sa itsura niya ngayon. Parang diring-diri sa 'kin nang tangkain ko siyang halikan kanina. Asa naman siya! Sinusubukan ko lang naman kung magte-take advantage siya sa lasing na tulad ko. Pero hindi eh! Masyadong malaki ang paninindigan.

Oh, eh di siya na! Ang arte lang!

"Why did you do that!? Why do you have to kiss me?!" madiing aniya, ginulo ang buhok saka sinamaan ako ng tingin.

Natawa ako saka pinasadahan siya ng tingin. Ngayon ko lang napansin na naka-pajama na siya at sandong dark blue. Matutulog na ata.

"Why? Is that your first kiss, if ever? huh?" may panunudyong ani ko.

Muli nitong pinasadahan ng kamay ang buhok. "I don't have to answer that."

Ngumisi ako. "Oh, okay. Let me think then that your lips are still virgin."

Akala ko'y mapipikon ito sa sinabi ko pero parang wala lang itong narinig at nag-face palm lang.

"Go home now, Dwarfy." Binalibag niya pasara ang pinto.

Nangibit balikat ako. Tatawanan talaga kita kapag nagkanobya ka ng Pinay! Ako ang magiging number one haters ninyo!

"Saan ka ba galing Kaye? Kung di ka pa dumating iniisip na namin na may kaanuhan ka na rin ngayon!"

Binatukan ko si Mickel pagkabalik ko sa unit ni Reishi. Mukha namang hindi nila ako hinanahanap at sarap na sarap pa sila sa alak na iniinom nila.

"Umuwi na tayo."

Kinabukasan ay sermon na naman ang inabot ko kay Nanay dahil halos hindi na ako bumangon sa higaan at antok na antok pa ako.

"Sinasabi ko sa 'yo Angelica Kaye, namumuro ka na! Umalis ka na naman mamayang gabi, makikita mo--naka-empake na 'yang mga damit mo. Lumayas ka na lang."

Kaya nang pumasok ako ay hindi ko na muna pinansin sina Mickel. Bukod sa masakit ang ulo ko'y kinukulit na naman nila ako. Kaya saktong nag-dismissed ang Prof ay agad na rin akong lumabas. Vacant ng isang oras kaya tatambay na muna ako sa may hagdan papuntang fourth floor.

Tinawag pa ako nila Mickel pero hinayaan ko na lang. Pinikit ko ang mga mata ko matapos kong maupo. Nagsuot na rin ako ng earphone para walang mang-istorbo sa 'kin. Pero ang totoo ay wala naman iyung sounds.

Mayamaya ay nakaramdam ako ng kung sinong paglapit sa 'kin hanggang sa maupo ito sa tabi ko. Pabango pa lang, alam ko nang si Kartini 'to kaya hinayaan ko na lang.

"Does your head hurts...? Here."

Idinilat ko ang mata ko dahil sa pagdampi ng kung anong bagay sa pisngi ko. Pagtingin ko, tatlong tsokolate kagaya ng binigay niya nung nakaraan.

Nang nakalipas na ang ilang minuto na hindi ko pa rin kinukuha iyun ay nangibit balikat lamang siya at naupo sa tabi ko.

Umusog ako ng konti papalayo sa kanya.

"What are you doing here?" tanong ko, inagaw na sa kanya ang chocolate at baka magbago pa ang isip niya.

"I got bored in the class. The professor's too boring that I almost sleep. And he made me go out. I'm rude, that's what he said."

Natawa ako nang tila wala man lang siyang pake sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan at binatukan si Kartini kaya sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Oops. I'm sorry. Gago ka kasi."

Hindi na ito naimik pa kaya hindi na rin ako naimik. Mayamaya ay hindi ko na napigilang magsalita lalo na't naubos ko nang lantakan ang bigay niya.

"Do you still have chocolates? It's so yummy that it made my day complete," eksaheradang sabi ko para matuwa naman siya.

Tumango naman siya. "I have a lot of that in condo. Uncle Stone gave me those after he came back from the U.S. Though, chocolates not my type so it's just got stuck on the refrigerator."

"Wow! Akin na lang, pwede? I mean, can I have it na lang?" Pakapalan na lang ng mukha total hindi niya naman kinakain.

"Sure."

At nang tumango ito ay nanlaki ang mata ko.

"Seriously?"

Nag-face palm ito. "Do you want me to take it back?"

Ngumisi ako saka umiling-iling. Tumayo ako saka pinagpagan ang skirt ko. Matapos nun ay hinawakan ko siya sa palapulsuhan na halata namang kinagulat niya dahil napapitlag siya.

"Let's go, Kartini. I'll treat you street foods." Nagpatiuna ako at hinila siya.

Akala ko'y hindi siya sasama sa 'kin dahil inalis niya ang kamay ko sa palapulsuhan niya.

"Don't you want street foods?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at nameywang.

Nag-iwas naman ito ng tingin saka inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa niya saka nauna nang naglakad sa 'kin.

Hindi niya ako sinagot kung ayaw ba niya o gusto pero sinundan ko na lang siya sa paglalakad. Hanggang sa nakalabas kami ng gate ng University at nagtungo sa tindahan ng mga street foods.

Akmang ibubuka ko ang mga labi ko upang sabihin sa kanya ang mga pangalan nung mga pagkain nang mabigla ako dahil inunahan na ako nito sa pagtusok ng mga kwek-kwek.

"Uy, you're here pogi. Good afternoon!" Nagulat pa ako nang batiin ito ni Manong.

"Kilala mo, Manong?" ani ko saka pasimpleng sinulyapan si Kartini na busy na sa pagtusok ng mga kakainin niya.

"Ah oo, Ganda. Naging suki ko na 'yan dito nung nakaraang linggo," aniya naman sa 'kin bago bumaling sa katabi ko. "Right, Pogi? You're my suki, di'ba?"

Tumango-tango naman si Kartini dito.

Aba! Nakakagulat ang mga pangyayari. Akalain mong kumakain siya ng mga ganito pero nang subuan ko nang burger nung nakaraan, niluwa niya pa tapos nag-hand sanitizer pa.

Matapos kaming bigyan ng sago't gulaman ay naupo kami sa may gilid habang inuubos ang pagkain.

"So, you're a suki here already. Good thing, you like the taste of the foods."

Tumango-tango siya. "It's so masarap."

Hindi na ako naimik saka sumubo na rin sa kinakain ko. Pero bigla akong natigilan at nilingon siya nang may ma-realize. "Don't you really know how to speak tagalog?" Nakapagtataka lang kasi at hindi naman slang ang pagkakasabi niya ng masarap.

"Hmm. Why?" aniya naman, sa pagkain pa rin nakatutok ang mata. Sumipsip pa ito sa straw ng iniinom niyang sago bago ako nilingon.

"It's just that, the way you say the word masarap--looks like, you are used on speaking tagalog."

Nag-iwas ito ng tingin kaya mas lalong umarko ang kilay ko. Mukhang nakakahalata na ako sa Nerd na 'to. Oras na malaman kong pinagti-tripan lang n'ya ako ay makakatikim talaga siya sa 'kin.

"It's because, it is so easy to pronounced. Not like the other tagalog words," paliwanag naman niya.

Napatango-tango ako. Sabagay, may punto siya.

Sa mga sumunod na araw ay napansin ko na lamang na madalas na kaming nagkikita ni Kartini sa may hagdan kahit naman wala kaming pinag-uusapan. Iyun na ang naging tambayan naming dalawa at madalas na rin kaming kumain ng street foods sa labas. Wala naman kaming napag-uusapan na dalawa pero alam kong napapansin din niya na nagkakasundo na kami.

"What's with you and that guy on the other block?"

Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa tanong ni Elyce. Oras ng lunch ngayon at magkakasama na naman kaming lima. May pinag-uusapan ang tatlong lalake tungkol sa kung anong bagay kaya hindi ako nakikisali sa kanila.

"Sinong guy?" salubong ang kilay na tanong ko naman. Alam ko naman na si Kartini ang tinutukoy niya dahil minsan na nila kaming nakita na dalawa na galing sa labas at bumili ng street foods.

"The one you punched last week. Is he courting you now? What is it? Enemy turns to lover?"

Natawa ako. Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Elyce. Sarap sabunutan ng babaeng 'to.

"Ako pa ba magpapaligaw? Asa!" Masyado ko pang mahal ang buhay ko at takot ako sa Nanay ko para hindi sundin ang sinabi niya. Hindi muna ako magpapaligaw sa kung sino d'yan. Saka never ko namang naimagine na liligawan ako ni Kartini. Babagyo pagnagkataon.

"Don't deny it, Kaye," mahinang ani Elyce saka may nginuso sa likuran ko.

Paglingon ko ay grupo nila Kartini ang bumungad sa 'kin. May kasama siyang dalawang lalake at dalawa ring babae.

Hindi naman pala loner si Kartini. Minsan ay mas gusto niya lang daw mapag-isa. Yan ang sabi niya sa 'kin nung tinanong ko siya.

"Oh. You're staring at him for too long already. He might melt, Kaye. Dahan-dahan lang."

Napaigtad ako dahil sa panunudyo sa boses ni Elyce. Akmang ibabaling ko sa kanya anh mata ko nang sakto namang napalingon sa 'kin si Kartini.

Ngunit agad naman akong nagbawi ng tingin saka ibinaling kay Elyce para singhalan nang bumungad naman sa 'kin ang nakakainis niyang ngisi.

"And now, he's staring at you also."

"Shut up!" Inignora ko ang nakaka-bwesit niyang boses saka sumubo nf pagkain ko.

"C'mon Kaye! Look at him na kasi! I'm not lying to you," pangungulit niya ulit.

Sa takot na baka marinig nila Mickel ang pinag-uusapan namin ni Elyce ay sinamaan ko siya ng tingin. Ayoko lang kasi na maging tampulan na naman ng tukso katulad nung isang araw porque nakita nila kaming magkasabay na umakyat sa hagdan habang sila naman ay pababa.

"Tigilan mo ako Elyce," bulong ko at kinurot siya sa tagiliran.

Umirap ito. "Look at him na kasi! Kanina pa sa 'yo pasulyap-sulyap!"

"Fine!" gigil na ani ko at lumingon nga kay Kartini. At katulad ng sinabi ni Elyce, nakatingin nga sa 'kin ang huli.

"Uy, crush mo na 'no?" tukso niya pa.

Umangat ang sulok ng labi ni Kartini nang muli akong mag-iwas ng tingin at binalik din agad sa kanya. Pota! Para akong hayskul na nakikipagtitigan sa crush niya. Pero asa naman! Wala akong gusto kay Kartini! At saan galing ang ideyang 'yun?!

"See? I am tama, right?"

Hindi ko na lang kinibo si Elyce saka nilantakan ang pagkain. Kapag kasi pinatulan ko pa 'yan ay mas lalo lang akong aasarin.

"Ano Kaye? Makakasama ka na? Sabado naman bukas. Maaga ka naman naming ihahatid, don't worry."

Napalingon ako kay Mickel nang bumaling ito sa 'kin. Tumango ako. "Sige, game ako." Kanina pa kasi akong inaaya na mag-bar. Pinagbigyan ko na at ilang araw na din akong hindi nakakasama sa kanila. Saka mukhang nakalimutan naman na ni Nanay ang banta niya sa 'kin na palalayasin ako.

"Yun! My drinking buddy will join us again tonight!" korning saad ni Mickel kaya binatukan ko.

Sakto namang napalingon ako sa pwesto ni Kartini at naabutan itong nakatuon ang atensyon sa cellphone habang nakataas ang sulok ng labi.

Kinagabihan nga ay sinundo nila ako sa bahay. Ang lakas pa ng loob at pinaalam ako kila Nanay. Ang akala ko nga ay hindi ako papayagan lalo na't hindi naman katiwa-tiwala ang mukha ni Mickel. Pero nang si Elyce na ang magsalita ay saka lang pumayag sila Nanay at Pare.

"Ba't ba ang sama ng tingin sa 'kin ng Mommy mo, Kaye? Inaano ko ba?"

Binatukan ko si Mickel at hindi na natigil sa kakatanong hanggang sa makarating kami sa bar.

"Your suitor's here, Kaye," nanunudyong bulong ni Elyce pagkabalik ko galing rest room. Ang mukha nito ay namumula na dahil sa dami ng nainom. Himala nga't pinayagan ni Reishi. Palibhasa bantay sarado siya ngayon.

"Anong sinasabi mo d'yan?" Pinanlakihan ko pa ito ng mata lalo na't natuon na sa 'min ang paningin ng tsismosong si Mickel. Pasalamat na lang ako at lasing na ang ungas. Mahigit tatlong oras na din kasi kaming nandidito. Samantalang si Daimler naman ay hindi gaanong umiinom at ito pa ang magmamaneho mamaya.

Napahagikhik si Elyce saka tinuro ang kabilang couch. "Tumingin ka dun. You will see him."

At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumingon nga sa tinuturo niya. Nagpalinga-linga pa ako hanggang sa may makita akong lalakeng mag-isa lang na naka-upo sa couch at seryosong nakatingin kung saan habang magkakrus ang braso sa dibdib.

Napakurap-kurap pa ako at muntik nang hindi makilala si Kartini dahil sa wala siyang suot na salamin ngayon.

"You go there na, Kaye. Kanina ko pa siyang napapansing sumusulyap sa 'yo. 'Yun nga lang, hindi mo alam."

"Sino ba iyung tinutukoy mo, Elyce?" Ayan na, sumabat na ang lasing na si Mickel. Hindi naman iyun napapansin nila Daimler at nakikipagkwentuhan kay Reishi.

Muli akong lumingon kay Kartini. Halos mapatalon pa ako sa kinauupuan ko nang maabutang nakatingin ito sa 'kin.

Nang makabawi ay kinawayan ko ito saka nginitian. Pero agad akong napa-irap sa hangin nang masungit na tinanguhan lamang ako nito.

Ilang minuto pa ang nakalipas at napagdesisyunan kong tumayo at nilapitan ito. "Where's your eyeglasses?" bungad na tanong ko at naupo sa tabi niya.

Akala ko'y ngingitian niya ako katulad ng ginagawa niya nitong nakaraang araw, pero umakto lamang itong tilang walang narinig.

Problema nito?

"Kartini, hoy!" tawag ko ulit at tinusok-tusok ang pisngi niya pero hinuli niya lang ang kamay ko.

Umigting ang panga nito bago ako nilingon. Bahagya pa akong napaamang sa ganda ng mata niya. Mas lalo kasing na-emphasize ang haba ng pilik mata niya lalo na't wala siyang suot na salamin.

"You're drunk again, Dwarfy."

Napatirik ako ng mata. "Duh. Of course. This is a bar. What do you expect?"

Hindi na naman ito umimik. Pinanuod ko lang ito sa paunti-unting pagsimsim ng alak sa kopitang hawak niya.

"Where's your friends by the way?" tanong ko. Imposible naman kasing siya lang mag-isa ang pupunta dito. Halata namang may mga kasama siya dahil sa mga basong nasa mesa.

"At the dance floor," tipid na aniya.

Tumango-tango naman ako. Dahil hindi niya naman ako kinakausap ng maayos ay ay tumayo na ako para umalis na.

"Let's meet tomorrow. I'll give you chocolates again."

Natigil ako sa paghakbang ng paa at malawak ang ngiting bumalik sa pagkakaupo sa tabi niya.

"Does your Uncle went to US again and came back with a lot of chocolates-pasalubong for you?" Sa mga nagdaang araw kasi ay halos walang palya ang pagbigay niya sa 'kin ng chocolates. Nagtataka na nga sina Pare at iniisip na may nanliligaw sa 'kin. Nung isang araw at ngayon lang ang wala dahil hindi na ako nakakapunta sa may hagdan dahil madalas na hinihila na ako nila Mickel kapag vacant.

Nag-iwas siya ng tingin saka tumango.

Malawak ang ngiting tumango din ako. "Okay."

Naubusan na ako ng sasabihin kaya hindi na ako nagbukas ng pwede pa naming i-topic. Walang imik na lamang kaming dalawa na pinapanuod ang mga tao sa dance floor.

"Kaye."

Napalingon ako kay Daimler nang tawagin ako nito. Nilingon ko muna si Kartini bago nilapitan ang huli.

Iminuwestra nito sa 'kin ang pambisig niyang relo. "We have to go now. It's already one," aniya at agad din namang bumalik sa pwesto namin matapos kong tumango.

Bumalik ako kay Kartini para magpaalam na aalis na.

"You're going now?" Tiningala niya ako. Saka lang din niya pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Lihim pa akong napangisi nang magtagal ng ilang segundo ang pagtitig niya sa nakalantad kong hita.

Tumango naman ako. "Yeah. So, see you tomorrow. Don't forget my chocolates, ha?" Tumalikod na ako at aalis na sana kung 'di lang niya ako hinawakan sa palapulsuhan.

"Wait up, Dwarfy."

Humarap ako sa kanya. "Why?"

"Text me if you got home already."

Umarko ang kilay ko. Gusto ko sana siyang tudyuin at bakit gusto niyang i-text ko siya kapag nakauwi na ako. Pero dahil sa nakikitang kaseryosohang naka-ukit sa mukha niya, ipinagkibit-balikat ko na lang.

Tumikhim ako. "B-but I don't have your number."

Napakurap-kurap naman ito na tila may napagtanto bago kinuha ang kanyang mamahaling cellphone sa bulsa at inabot sa 'kin. "Save your number there."

Hindi ko alam kung anong meron pero nanginginig ang mga kamay ko habang tinitipa ko ang numero ko.

Matapos nun ay agad kong binalik sa kanya ang cellphone. May kung anu naman siyang tinipa doon hanggang sa naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyun at tiningnan.

"That's my number. Save it and text me later," may dominasyon sa boses na aniya.

Napalunok ako. "O-okay, I'll text you."

Hanggang sa tumalikod ako ay ramdam ko pa rin ang pagtitig niya sa 'kin.

Itutuloy...
04-15-20

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...