Guns and Kisses

By seseviceral

265 12 6

What happens when a rich man selling weapons to terrorists and his number one spy fall in love? More

Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

75 2 0
By seseviceral


"Seriously? Dyan ka uupo?"kunot-noong tanong ni Benjie nang umupo si Venus sa tabi niya, kahit na may pwesto pa naman sa harapan ng binata.

"Bakit? Aangal ka?"masungit na balik naman ni Venus.

"Ikaw wag ka ngang um-attitude sakin! Baka nakakalimutan mo, boss mo pa rin ako."sabi ni Benjie habang nagf-facebook sa cellphone nya.

"Technically, you're not my boss. Si Sir Antonio ang boss ko."

"And I'm his son. You work for me too."tinawanan naman sya ng dalaga, na mas lalong nagpainis sa kanya.

"Excuse me, Mister Viceral. I don't work for you. I work with you. Kuha mo?"Venus told him, one eyebrow raised.

"You're unbelievable."

"I prefer the adjective awesome, but sure you can call me unbelievable too."nagulat si Benjie nang magsindi ng sigarilyo si Venus.

"Teka lang, hoy! Wag ka dito mag-yosi, mamamaho 'tong sasakyan ko at baka dumikit pa amoy nyan sa damit ko!"reklamo ni Benjie.

Para namang hindi siya narinig ni Venus at nagpatuloy lang sa paninigarilyo.

"Don't pretend as if you don't smoke too. Kagabi nga, ang baho ng bunganga mo eh. Pinaghalong alak at sigarilyo yung amoy."

Argh. I hate this woman.

"Great, we're here!"nakangiting saad ni Venus nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng kumpanya ng mga Viceral. "Ano, hindi mo ba bubuksan yung pinto?"tanong sa kanya ni Benjie.

"No. Let's wait for Sid to open the door."

Sid opened the door for the both of them at nauna namang bumaba si Venus. Umirap naman si Benjie bago siya sumunod dito.

Hindi sila nagsasalita habang naglalakad sa loob ng building. All eyes were on them, at walang nagtangkang humarang sa daraanan nila o sumabay sa kanila sa elevator.

"Sino yung merlat? Ang gondo ha!"

"OMG! Jowa na ba yon ni Ser? Bagay sila!"

"Huy! Sino yung maganda?"

Rinig nilang bulungan ng mga empleyado.

"Pinagtatrabaho kayo rito hindi para mag-chismisan.  Everyone, back to your stations!"masungit na sigaw ni Benjie.

Palihim namang natawa si Venus sa tinuran nito.

"Inggit ka lang eh."bulong ng dalaga sa kanya. "Alam kong nagmamaganda ka kapag walang nakatingin."

Napalunok si Benjie dahil doon. Hindi nagtagal ay dumating na sila sa 15th floor. Lahat ng bodyguards ay naiwan sa labas ng opisina ni Benjie, pero sumama pa rin sa loob si Venus.

"I know everything about you, Benjamin. I know what kind of games you play. I know the people you play those games with. And I know they aren't just girls, Benjie."nakangising sabi ni Venus habang naglalakad-lakad sa malaking opisina ni Benjie.

"Hoy babae, wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo. Atsaka pwede ba? Maupo ka nga, nahihilo ako kakaikot mo dyan."sabi naman ni Benjie habang binubuhay ang kaniyang laptop.

"Terrence Romeo, Bridget Padilla, Kaye Abad, Solenn Heussaff, Zanjoe Marudo, sino pa ba?"

"Wala nga akong alam sa pinagsasasabi mo."

"Bridget was your latest, right? Pero kahit na may Bridget ka na, palihim ka pa ring nakikipagkita kay Terrence. But before those two, you were fucking Solenn right? Ang si Kaye—"

"Look, kung wala ka namang sasabihing matino, manahimik ka nalang, pwede? And para naman may magawa ka, why don't you get me some coffee?"

Tinawanan naman siya ni Venus.

"Ano pa bang alam ko tungkol sayo? Aha! Muntikan ka nang ilaglag noong college friend mo na bumili sayo ng baril diba? Buti nalang napaligpit ng tatay mo yon. Tapos si Zanjoe...you were stupid enough to trust him and tell him about your illegal activities. Buti nalang pinapatay rin yon ng tatay mo 'no?"

"Venus, pwede ba?!"

"Your father always fixes your failures. Pero siguro napagod na rin sya kaya he hired me."

"Wala ka ba talagang ibang gagawin? Pwede bang lumabas ka nalang sa opisina ko?"

"Why? Totoo naman diba?"

Napasabunot nalang si Benjie sa buhok niya out of frustration. This girl really doesn't have plans of listening to him.

"Pero inpernes, magaling kang humawak ng baril. I saw how you defeated those government spies."she said. Benjie just looked at her. Ayaw na talaga nyang makipag-usap dito.

Venus placed a folder beside his laptop.

"That's every detail about your next transaction, magbebenta kayo ng hydrogen bomb kay Janjaranjan. That guy's pretty stupid and I'm 100% sure hindi ka nila ilalaglag."she said while Benjie was reading the contents of the folder.

"But there's one little problem."

"Ano yon?"walang kaide-ideyang tanong ni Benjie.

"Mainit sila sa mata ng mga sundalo at imposibleng walang sumusunod sa kanila. What do you think can we do about that?"she asked, challenging him.

"What?"

"God! I'm challenging you to think of a solution, Viceral!"

"Ewan ko! Fake identity?"

"No."

"Anong 'no'? Ano pa bang solusyon doon? Diba fake identity?"

"Seriously? The solution is, you don't appear in the transaction! Mga tauhan mo lang ang makikipag-interact sa kanya para in case na lusubin sila ng mga sundalo, you're nowhere in the picture."

Napatango naman si Benjie. She's right.

"Pero sinong makikipag-usap sa kanila?"

"Ikaw?"

"Of course not! My identity is too precious!"

"Akala ko ba talented ka?"

"Kahit na, I can help you in some other ways. Pero hindi sa transaction na yan. You can trust Sid to do handle it."

Umiling naman si Benjie.

"No, hindi pwede si Dantes. We can't risk losing him, he's number one sa security ko."

"Oh come on, Viceral! He's just merely a pawn in this game of chess. All of them are. But you? You're the king! And syempre ako yung queen."

"Hoy, bakit ikaw yung queen?"

"Sinong gusto mo, ikaw? The queen is the most versatile. She's a major part of the game. But the King? He's too vulnerable. He's weak. He needs the queen."she said, looking at Benjie eye to eye.

"Hindi ako mahina."Benjie clenched his fists. Nakaka-insulto ka na.

"I'll go get you coffee."Venus said with a chuckle. She left Benjie's office.

Nakakaloka kang babae ka ha. Pambansang panira ng araw ampeg?



"Hey, mag-iingat ka."concerned na sabi ni Venus sa lalaking kasama niya. They were both walking towards the poolside. "Of course I will."he assured her.

Nang nakatayo na sila sa may puno ng mangga doon, the man claimed her lips and pinned her against the tree. They were making out.

Hindi naman yon nagustuhan ng isang taong nakakapanood sa kanila.

Benjie was watching them from his bedroom window. Mabilis siyang bumaba upang pagalitan ang dalawang ito.

Napatigil si Venus at si Sid sa kanilang ginagawa nang makita nilang papalapit sa kanila si Benjie.

"Kung maglalandian kayo, can you please do it somewhere private? Hindi lugar ang bahay ko para ibalandra nyo yang kalandian nyo."he said with a straight face.

"Dantes, you should be resting. You're the star of the show tomorrow."

"And you, Tatlonghari."baling niya kay Venus. "Matulog ka na. May lakad tayo bukas."


"Dantes. Don't screw this up."bilin ni Benjie kay Sid bago sumakay sa kaniyang sasakyan.

They weren't riding the same vehicle, dahil tulad nga ng sabi ni Benjie, may lakad sila ni Venus.

Sumunod naman sa kaniya si Venus, who was wearing black shiny leggings again. Nakasuot siya ng crop top na mas mahaba lang ng kaunti sa kaniyang bra. Her too had spaghetti and crossed straps, which made her look very sexy. She was wearing all black, including black boots.

Naningkit naman ang mata ni Benjie nang makita ang kaniyang outfit.

"Hoy, Tatlonghari! Magpalit ka nga ng damit!"

"Why? Okay naman 'to ah!"

"Girl, magpalit ka nalang! Yung mas disente naman!"

Padabog na bumalik si Venus sa loob ng bahay at kinuha ang kaniyang 'Leather Jacket Number Seven'. She wore it, pero mukhang hindi pa rin natuwa si Benjie.

"I-zipper mo yang jacket mo."

"Ayoko nga."

"Isara mo nalang kasi yung jacket, sabi!"nagulat naman si Venus sa biglang pagtaas ng boses ni Benjie.



"Ano bang problema mo dito sa suot ko? Napaka-OA mo."

"Masyado kasing sexy."mahinang bulong ni Benjie sa sarili.

"Ano?"

"Wala. Sabi ko okay na nga yan."

Naguguluhan man ay nagkibit-balikat nalang si Venus. Sa haba ng kanilang biyahe ay nakatulog na si Venus. Nagising siya nang maramdamang parang may kumakalikot sa buhok niya.

"Huy, wag mong i-angat yang ulo mo!"

"Ano bang ginagawa mo sa buhok ko, Viceral?"

"French braid."nakangiting sagot ni Benjie. "Para hindi sabog sa mukha mo 'tong kulot mong buhok."

"May dala ka bang hair ties?"

"Oo naman."Benjie finished braiding her hair and took the hair tie from the pocket of his long sleeves polo.

"Specially for you 'to. Ikaw unang makakagamit nito."

"Let me guess, this is some kind of gadget."

"Yep. May tracker na nakatago sa loob ng pamuyod na 'to. Para alam ko lahat ng sinusuotan mo."

"Why would you need to do that? Palagi naman akong nakabuntot sayo."

"Eh basta, just in case. Mamaya double agent ka pala."

"You have my word, Benjie. Loyal ako sayo, sa kumpanya mo."she affirmed.

Matapos ang tatlumpung minuto, nakarating na sila Benjie at Venus sa kanilang destinasyon—isang bahay sa may bukid.

"What are we doing here?"tanong ni Venus. She didn't expect Benjie to go to a place like this.

"May bibisitahin lang ako."sagot sa kaniya ni Benjie.

"Tutoy!"lumapit sa kanila ang isang babaeng around 50 years old. "Hi, Nay. Kumusta po kayo?"

"Mabuti naman, Tutoy. Halika, pasok kayo sa loob."aya sa kanila ng ginang. Sinundan naman nila ito papasok sa loob ng bahay.

"Nasaan tayo?"

"We're in La Union, Tatlonghari."

"Maupo kayo! Ipaglalagay ko lang kayo ng pancit sa plato."nakangiting sabi ng ginang. "Ay, ako na po, Nay."

"Ano ka ba, Tutoy! Bisita ko kayo, kaya hayaan mo na ako."hindi na sumagot pa si Benjie at hinayaan nalang ang ginang.

Umupo siya sa tabi ni Benjie, habang si Venus naman ay sa tapat ng binata.

"Tutoy, ipakilala mo naman ako sa nobya mo."

"Nako, Nay! Hindi ko po girlfriend 'tong si Venus."naiilang na sabi ng binata. "Ah, Vee, this is Nanay Rose. Sya yung nag-alaga sa akin noong bata pa ako."

What did he just call me?

"Nice to meet you po."

"Nice to meet you too, hija."

Nagsimula na silang kumain at walang tigil naman ang kwentuhan ni Nanay Rose at Benjie. Tahimik lang naman silang pinapanood ni Venus. She has never seen Benjie like this. Soft. Kind. Sweet.

"Tutoy, gagabihin pa kayo kung uuwi kayo sa Maynila. Dito na kaya kayo matulog?"

"Po? Hindi na, Nay. Okay lang po, may driver naman po kami."

"Pagbigyan mo na ako, Tutoy. Umalis nalang kayo nang maaga bukas."

Hindi na tumanggi si Benjie. Buti nalang at may extra siyang damit sa kaniyang sasakyan. Si Venus naman ay pinahiram ni Nanay Rose ng damit ng kaniyang anak—t-shirt at maikling shorts.

Nay naman, bakit ang ikli naman ng shorts na pinahiram mo dito?

Nahiga na si Benjie sa banig. Unti-unti na rin siyang dinalaw ng antok at nakatulog. Kabaliktaran naman si Venus. Nakahiga siya sa kama at gising na gising kaya naisipan niyang lumabas muna sa silid. Tumayo siya sa may pintuan ng bahay ni Nanay Rose at dinama ang simoy ng hangin.

"Sigurado akong alam mo ang katotohanan sa ginagawa ng pamilya nila Benjie."rinig niyang sabi ni Nanay Rose mula sa likuran niya.

"Nay, nandyan pala po kayo."

"Mabait na bata yang si Benjie pero pinipilit niyang hindi ipakita yon. Maliit palang ay namatay na ang kanyang ina dahil inatake sila ng kalaban nila na nagbebenta rin ng mga armas. Naaalala ko yung itsura nya noon. Gabi-gabing umiiyak at pahirapang pakainin. Ilang taon matapos mamatay ng kaniyang ina, tinuruan siya ni Antonio na humawak ng baril. Iminulat sa kaniya ni Antonio kung anong klaseng kaguluhan ang papasukin niya pagtanda niya. Itinatak sa isipan niya na hindi niya pwedeng ipakitang mahina siya.

Ginawa ni Benjie lahat para matuwa sa kanya si Antonio. Itinago niya rito ang tunay niyang pagkatao, at sumunod rin siya sa mga tapak ng tatay nya. Alam kong hindi ginusto ni Benjie yon, pero ginagawa nya para sa tatay nya."

"Grabe. Hindi ko po alam na ganon po pala ang nangyari. Ang alam ko lang po, namatay yung nanay nya. Akala ko po gusto nya rin yung ginagawa nya ngayon."sabi ni Venus.

"Maraming pinagdaanan si Benjie. Sigurado akong hindi na nya kakayanin kung masasaktan pa sya muli. Anak, wag mong sasaktan yang alaga kong yan ha?"bilin sa kanya ni Nanay Rose.

"Nay, hindi ko po boyfriend si Benjie."

"Naniniwala ako, anak. Makakarating din kayo doon."nakangiting sabi ni Nanay Rose bago pumasok na muli sa loob ng bahay.


"How was the transaction?"tanong ni Benjie kay Sid. Pagkagaling nila sa La Union ni Venus ay dumiretso na sila sa kumpanya.

"Maayos naman, Sir. Wala pong aberya."

"Very good, Dantes."he commended him, and then entered his office.

Naiwan naman sa labas ni Venus upang makausap din si Sid.

"Very good ka raw."

"Can I have my reward now?"

"Later."

"Hay. If you say so. Saan ba kayo napadpad ni Sir?"pumunta sila sa pantry upang doon magkwentuhan.

"La Union. We just visited his old yaya."Venus said while getting some juice from the refrigerator. "Wala namang ginawa sayo yung boss kong yon?"

"Wala. I told you, I'm all yours, sweetie."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 38.1K 63
๐’๐“๐€๐‘๐†๐ˆ๐‘๐‹ โ”€โ”€โ”€โ”€ โi just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!โž ๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ jude bellingham finally manages to shoot...
377K 13.5K 58
๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ Ellie Sloan reunites with her older brother when her hospital merges with his jackson avery x ellie sloan (oc) season six โ” season se...
165K 5.8K 42
โ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. โž She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...
607K 9.4K 87
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...