Blog Girl

Oleh DyosaMaldita

257K 9.7K 1.1K

"My name is Celeste Cheng. And I'm a blog girl." Lebih Banyak

Homepage
Blog # 1: "The Boy-Next-Classroom"
Blog # 2: "Mr. Nice Guy"
Blog # 3: "Boy-frenemy"
Blog # 4: "Crush ng Bayan"
Blog # 6: "Prince Sungit"
Blog # 7: "Seatmate"
Blog # 8: "Milktea Buddy"
Blog # 9: "Playboy"
Blog # 10: "First Love"
Impasse
Prologue
Blog One: Red Hoodie
Blog Two: Tissue Paper
Blog Three: Bougainvillea
Blog Four: Bio Data
Blog Five: Wintermelon Milk Tea
Blog Six: Napkin
Blog Seven: Butterfly
Blog Eight: Paranormal
Blog Nine: Hankie
Blog Ten: Basketball
Blog Eleven: Forest
Blog Twelve: Starry, Starry Night
Blog Thirteen: Morning Glory
Blog Fourteen: Wonderland
Blog Fifteen: Wishes
Blog Sixteen: Deal
Blog Seventeen: Stalker
Blog Eighteen: Friendship
Blog Nineteen: Curse
Blog Twenty: Serenity
Blog Twenty One: Ice Cream
Blog Twenty Two: Territory
Blog Twenty Three: Break-up
Blog Twenty Four: Frenemies
Blog Twenty Five: Fortuitous Episode
Blog Twenty Six: Strangers No More
Blog Twenty Seven: Rollercoaster Ride
Blog Twenty Eight: Hello Again
Blog Twenty Nine: Tears
Blog Thirty: Oddity
Blog Thirty One: Honesty
Blog Thirty Two: Distance
Blog Thirty Three: Paper Cranes
Blog Thirty Four: Mooncake
Blog Thirty Five: Silhouettes
Blog Thirty Six: Smile
Blog Thirty Seven: For Keeps
Blog Thirty Eight: Red Lips
Blog Thirty Nine: Kiss
Blog Forty: Cinderella
Blog Forty One: Girl
Blog Forty Two: Just Like Her
Blog Forty Three: Mine & Yours
Blog Forty Four: Crazy & Crazier
Blog Forty Five: Traps
Blog Forty Six: Dream
Blog Forty Seven: Beauty & the Beast
Blog Forty Eight: Letters from the Heart
Blog Forty Nine: In a Heartbeat
Blog Fifty: Forever & Ever After
Epilogue: Paper Cranes in the Sky

Blog # 5: "Best Bud"

5.6K 199 12
Oleh DyosaMaldita

Blog # 5:

“Best Bud”

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Zyrell Alden Zarate.

He was my best boy bud. Classmate ko siya ever since… well, ever since I started school, pero we became best buds during our sophomore year in high school.

He belonged to our school’s basketball varsity team, one of the most popular guys in school, and one of the most antipatiko. Ewan ko ba kung paano kami naging matalik na magkaibigan nito. Siguro dahil palagi kaming seatmates? Ewan. Basta one day naging partner na lang kami sa isang activity hanggang sa kami na ang palaging naging partners sa lahat ng school activities. Parang naging automatic na lang. ‘Yung tipong kapag pinakuha kayo ng teacher niyo ng ¼ sheet of paper para isulat ang name niyo at name ng partner niyo eh automatic niyo nang ilalagay ang pangalan ng isa’t-isa? Ganoon.

At ewan ko lang talaga kung paano kami naging mag-best buds nito eh sagad ang pang-aasar at pangungulit niya sa akin. Pero there was a difference ng pang-aasar at pangungulit ni Zyden sa akin sa pang-aasar at pangungulit nina Casper at Ethan noon sa akin eh.

Spot the difference. Or differences. Noong mga unang beses akong inasar at kinulit nina Casper at Ethan, inaamin ko namang asar na asar ako, pero eventually, alam naman natin kung saan nahulog iyon, ‘di ba? Nahulog sa kilig—na siyempre hindi ko inamin. Hanggang sa naging feelings of… well, feelings of ano nga ba? Basta naging feelings of infatuation ‘yung kilig-kilig na iyon.

Pero itong kay Zyden? Utang na loob. Sabihin na lang nating biglang bumata ang Kuya Cielo ko na imbes na ilang years ang tanda niya sa akin eh naging isa na lang. Tapos ang matured na Kuya Cielo ko eh nagiging isip-batang kuya minsan. Tapos kahit gusto mo na siyang sipain at lunurin sa Atlantic Ocean eh hindi mo magawa kasi nga kuya mo siya at mahal mo pa rin siya kahit na antipatiko siya.

Ganoon. Ganoon ang peg naming dalawa ni Zyden. He was like the brother I never had—kahit na meron naman akong kuya—and the brother I wouldn’t have wanted to have kasi nga antipatiko. Pero like a brother na wala akong magagawa kundi tanggapin dahil nga kapatid ko siya, Zyden Zarate was the boy bud I learned to be fond of kahit na minsan eh sumpa talaga siyang tinubuan ng mukha.

And I had always known he felt the same way toward me. Wala siyang kapatid na babae. Puro lalake sila at siya ang panganay, so medyo explicable talagang subconsciously eh naghahanap siya ng kapatid na babae.

Sobrang opposite kami ni Zyden. Pati kulay namin eh opposite din. And no, hindi ko siya nilalait. Nagsasabi lang ako ng totoo—ng katotohanan na kakulay niya si Hattori Heiji ng Detective Conan. Kaya kapag magkasama kami, para kaming mocha frappe. Obvious naman siguro kung sino ang kape at kung sino ang cream, ‘di ba?

But I meant all of those things in a fond way. Sabi ko nga, I was fond of him (pero never kong aaminin iyon sa kanya!) just as he was to me (at never niyang aaminin iyon sa akin!) Pero kahit na hindi naman namin iyon aminin sa isa’t-isa, hindi naman ako dense para hindi maramdamang importante ako sa kanya.

Pero minsan, kahit na gaano ako ka-fond sa kanya eh talagang sinusumpa ko siya. Katulad na lang noong may book report kaming kailangang gawin as team.

“Classic? Ayoko ng classic. Korni,” reklamo niya.

Binato ko siya ng notebook. “Classic nga raw sabi ni Sir Damasco eh! Kung may reklamo ka, sa kanya ka lumapit!”

“Ba’t ako? Ikaw class president eh,” sabi niya.

“So? Ako ba ang may reklamo?”

“O, sige, ganito na lang. Tutal eh wala ka namang reklamo, ikaw na lang ang gumawa ng book report,” nakangising sabi niya.

“Ah, ganoon? O, sige, tutal ako lang naman ang gagawa, pangalan ko lang ang ilalagay ko doon,” mataray kong sabi.

“Wala namang ganyanan, Celeste,” natatawang sabi niya. “Damot nito.”

“Eh ikaw nga, madaya eh.”

“Ba’t kasi classic pa? ‘Di ba puwedeng action?” reklamo niya.

“Hindi nga sabi eh. At ipinapaalala ko lang sa’yo na handwritten ‘yun, ha! Baka akala mo, computerized.”

“Ayun naman pala!” masiglang sabi niya.

“O, bakit masaya ka pa?” nagtatakang tanong ko.

“Isa lang ang ibig sabihin niyan. Kung handwritten, eh ‘di ikaw ang magsusulat!” halakhak niya. “Maliban na lang kung gusto mong bumagsak tayong dalawa kasi alam mo namang pangit ang sulat-kamay ko, ‘di ba?”

Napapikit ako. “Hindi dapat ikaw ang partner ko rito eh!”

“Wala, wala na. Naipasa na natin ‘yung ¼. Sorry ka na lang,” natatawang sabi niya habang pinapaikot sa hintuturo niya ang bola ng basketball.

“Eh kung ibato ko ‘yang bolang ‘yan sa mukha mo?”

“Ang sadista mo talaga. Kaya walang nanliligaw sa’yo eh,” sabi niya.

“Gago.”

“Ah, alam ko na. Si dela Verde nga pala ‘yung crush mo. Wala ka nang pag-asa doon, may jowa na ‘yun,” natatawang sabi niya.

Seriously!? Kailangang ipangalandakan!? Sakit niyon, ah!

“So? Pakialam ko ba doon? At ‘di ko siya crush, ‘no.”

“Inamin mo kaya.”

“Panakip-butas ko lang ‘yun,” depensa ko.

“Huh, kunwari ka pa. Kay Casper ka na lang kasi.”

“Puwede bang tigilan mo na ako? At ayusin mo muna ‘yang buhay mo bago mo ako pagtripan nang ganyan. ‘Kala mo naman eh may girlfriend.”

“Huh, ‘di ako interesado,” mayabang niyang sabi.

Namilog ang mga mata ko. “OMG, bakla ka?”

Imbes na maasar eh humalakhak lang siya. One thing about Zyden—hindi siya napipikon. Kaya palagi akong talo sa kanya eh kasi… well, pikon ako. Pero siya? Never pa siyang napikon. “Hindi ako bakla. Tuwid ‘to. Eh ikaw? ‘Di ka kaya tibo?”

“How dare you!?” sigaw ko habang pinaghahampas siya.

Sinasalo niya lang ang mga hampas ko habang tumatawa. “Ayos lang ‘yan kahit tibo ka. Wala namang masasaktan kasi wala ka namang manliligaw eh.”

“Gago ka, Zarate!” sigaw ko habang sinisipa siya sa binti.

“O, o, tama na. Pikon ka talaga kahit kailan. Brutal pa. Kaya walang nagtatangkang manligaw sa’yo eh,” sabi niya.

Asar akong umupo sa silya ko. Morning break at kaming dalawa lang ang naiwan sa classroom para i-discuss ang book report dahil nga nagrereklamo siyang classic ang piniling genre ni Sir Damasco.

Patapos na ang fourth grading period namin noon at last requirement na ang book report sa Literature bukod sa final exam. Two weeks to go bago ang final exams at next week na ipapasa ang handwritten book report. Yeah, I know, madugo nga. Kaya nga by partners itong requirement na ito eh. Tapos sasabihin ni Zyden na ako lang ang magsusulat? Huh, excuse me lang.

“Ewan ko sa’yo. Basta pumili ka na ng libro at kung wala ka pang mapipili hanggang mamaya, ako ang pipili.”

Nginisian niya lang ako at noong hapong na iyon din, nalaman kong pumayag si Sir Damasco na bahala na kami kung anong genre ang gusto naming gawan ng book report. At ang pinili ni Zyden? Animé. At hindi lang basta animé. Slam Dunk pa.

“Bakit ‘yun!?” sigaw ko sa kanya na nagpatahimik sa buong klase namin.

Medyo natakot yata ang ibang mga kaklase ko kasi agad silang nagsilabasan bukod sa barkada ni Zyden na sina Kiel, Geoffe, Moy, at Joross na naiwan para panuorin ang live action naming pagtatalo ni Zyden. Tawa pa sila nang tawa habang pinanunuod kami.

“Eh bakit hindi ‘yun?” nakangising tanong ni Zyden sa akin.

“Eh bakit nga kasi ‘yun!?”

“Basketball,” nakakibit-balikat niyang sagot.

“O, tapos!? Anong koneksyon?”

“Cel, mas makaka-relate daw kasi siya,” natatawang sabat ni Kiel.

“Makaka-relate? Bakla ka talaga,” I snapped at Zyden.

Sabi ko nga, ‘di ba, ‘di siya napipikon. Tumawa lang siya nang malakas at sinabayan pa iyon nina Kiel.

“Huwag kang mag-alala, 100% ang magiging grade natin dito. Akong bahala,” sabi ni Zyden.

“Ikaw bahala, ako kawawa,” I muttered.

Muling nagtawanan ang mga lalake at magwowalk-out na dapat ako noong hinila niya ang strap ng bag ko mula sa likuran.

“Ano?” asar kong tanong.

“Aayusin ko ang sulat-kamay ko,” nakangising sabi niya.

“Dapat lang naman talaga dahil there’s no way I’m going to write that by myself!” I snapped at him.

Imbes na patulan ang pagtataray ko eh inakbayan niya lang ako habang papalabas kami mula sa classroom. Sumunod sa amin sina Kiel na nagtatawanan pa rin. Pinagtatawanan nila ako dahil mahilig daw ako sa animé, pero hindi ko raw alam ‘yung Slam Dunk eh sikat na sikat na animé ‘yun.

“Kapag nakita mo si Rukawa, Cel, mababakla ka,” sabi ni Moy.

“Oo, lalambot ka. Baka nga maging babae ka pa eh,” dagdag ni Geoffe.

Nagpamewang ako. “So sinasabi niyong hindi ako babae, ganoon?” sigaw ko sa kanila.

“O, ikaw ang nagsabi niyan, ha,” sabi ni Joross.

Pinagsusuntok ko ang mga braso nila at pinagsasalo lang nila ang mga suntok ko habang tumatawa.

“Ano bang ginagawa ko rito kasama kayo?” reklamo ko. “Nasaan na ba kasi sina Taneia at Fiona?”

“Iniwan ka. Ingay mo raw kasi eh,” natatawang sabi ni Zyden.

‘Yung totoo? Hindi ko talaga alam kung kaibigan ko ang mga ito. So ayun, wala na akong nagawa kundi pumayag na Slam Dunk ang gawin naming book report kahit manga iyon at hindi naman namin nabasa ang manga. Napanuod lang namin ang animé at hindi ko kinayang itago ang sobrang pagkapatay-na-patay ko kay Rukawa Kaede.

“Sabi ko na nga ba eh!” halakhak ni Zyden. “Sabi ko na nga ba, si Rukawa ang magugustuhan nitong si Celeste!”

“Oo, si Rukawang Bakla!” sigaw naman ni Moy.

“Hindi bakla si Rukawa ko!” sigaw ko sa kanila.

Everyday, naging ganyan ang eksena. Kahit napanuod na namin ang animé, after school eh tatambay kami sa bahay nina Moy para panuorin ang replay ng Slam Dunk at pagkatapos ay magba-basketball na sila habang ako naman eh magbabasa. Naging kabarkada ko na ang mga lalakeng iyon at dahil matalik kong kaibigan sina Taneia at Fiona, sumasama na rin sila sa amin.

Looking back, I could see the changes I went through—how I came out from the land of Eutopia where my books were to ride the ship I called friendship.

I wasn’t shy to begin with. I had a strong personality even before. Pero hindi ako mahilig makisalamuha sa mga tao. Mas gusto kong kasama ang mga libro ko at mapag-isa sa isang sulok para magbasa. Pero katulad ng sabi ko, hindi ako anti-social. Hindi ko lang talaga bet ang mga tao noon sa paligid ko during middle school. Pero kung titingnan kong mabuti, sila at sila pa rin naman ang mga nakasama ko noong high school. Siguro nga eh ganoon lang talaga—na katulad ko, nagbago rin sila. Kung noon eh hindi namin bet ang isa’t-isa, siguro nitong high school eh unti-unti na rin silang nagsilabasan from their shells katulad ko. And eventually, we found the same interests and siguro ay nag-click lang din ang mga personalities namin.

Ganoon siguro talaga sa high school. Maraming nagbabago, marami tayong nadidiskubre tungkol sa ibang tao… at sa mga sarili natin.

Yeah, I was still Denial Queen then, pero aminado na ako to the highest level na patay na patay ako kay Rukawa Kaede at wala akong pakialam kahit na sabihin pa nilang bakla raw iyon.

And looking back, I realized that I usually blocked people away when I was in middle school. Unintentionally nga lang. I mean, hindi ko naman sila talaga as in nilalayuan or iniiwasan eh. Preference ko lang talagang mapag-isa. And siguro nga eh may kung ano sa aura ko na tipong makikita pa lang ako sa malayo eh aayawan na akong lapitan. ‘Yung ganoon?

Kaya when I stepped into high school, I became more open to the people around me. Dati kasi, kapag hindi mo ako nilapitan, hindi rin kita lalapitan. Pero noong high school, natuto akong lumapit at makipagkaibigan kahit na hindi ako ang unang nilalapitan. Naalala ko pang biniro ako nina Cadmus noong mga panahong iyon eh.

“OMG, finally, nabinyagan ka na rin!” maarteng sabi ni Cadmus sa akin.

“You’re now officially a Cheng. In fairness, ngayon ko lang naramdamang Cheng ka pala. Akala ko kasi eh ampon ka,” maarteng sabi ni Bubbles.

“Ay? Akala ko si Cadmus ‘yung ampon? I mean, siya lang kasi ang pangit, right?” tanong ni Cassiopeia habang nagpapanggap na mukhang inosente.

“Leche! Eh kung sinasabunutan kaya kita diyan!?” sigaw ni Cadmus.

“Well, hindi lang naman si Cadmus ang naiiba,” maarteng sabi ni Calliope. “Tingnan niyo si Chrysanthemum, bilog pa rin, samantalang lahat tayo eh sexy.”

“Papayat din ‘yun,” nakangiting sabi ni Calla.

Umirap si Cara. “Like, hello? Kailan? Kapag naging lalaki ‘tong mga baklang ‘to?”

“It means impossible!” halakhak ni Bunny.

Inirapan ko na lang silang lahat. Minsan talaga eh hindi ko alam kung anong klaseng dugo ang meron sa mga pinsan kong ito. Sa kanila yata napunta ‘yung dugo na ayon sa chismis eh dugo naming abnormal.

 Palagi ko pa ring nakakasama ang mga pinsan ko, pero mas madalas kong nakakasama ang mga kaibigan ko sa school. Pero habang tumatagal eh mas napapadalas kong makasama si Zyden.

No, walang something. And I wasn’t being defensive or anything, pero wala talagang something. Purely platonic lang talaga ang relationship naming dalawa. Walang halong malisya o iba pang feelings beyond friendship. And guess what? Wala ring nang-aasar sa amin. Walang nanukso or even nagbigay ng idea or something na bagay kami or what. As in… wala. Siguro kasi people just pegged us as best buds lang talaga.

Alam niyo ‘yung walang mali-malisya? Ganoon.

And besides, my gosh, nasabi ko ba? Nasabi ko bang my two best girl friends were in love with Zyrell Alden Zarate?

Okay, I was caught in between the two of them. Paano ko ba sisimulan ang magulo nilang love story/ ies?

Sige, ganito na lang para mas madali. Pero before anything else, sana eh walang maging ipokrita o maging judgmental sa ikukuwento ko, ha. Kasi I was punching on the keyboard to write this blog to share how things really were. Sana walang maging harsh at walang magmamarunong—kahit unpublish naman talaga itong blog ko. Trip ko lang talagang maglagay ng disclaimer, right? Anyway, heto na.

Si Fiona, maaga siyang nag-mature. At maaga siyang na-in love. According to her, it was during our fifth year in middle school (yeah, classmates kami, pero wala kaming pakialam noon sa isa’t-isa). O, walang magiging ipokrita at judgmental diyan, ha, na magsasabing masyado pa siyang bata para sabihing in love siya or anything like that. I was telling this story like how it really should be told. So ayun nga, maaga siyang na-in love. And guess whom she fell in love with? Of course, tama ang hula niyo.

Kay Zyden. Kay Zyrell Alden Zarate siya na-in love. Okay, so bilang best bud ni Zyden, kinilabutan ako, promise. I mean, he was like my kuya, ‘di ba? So the idea of someone in love with my kuya… ugh, medyo weird lang for me. And no, hindi ako ipokrita! Sabi ko nga, I was telling this story how it really happened, so ikuwinikuwento ko lang kung anong initial reaction ko noong nalaman ko iyon noon.

Sabi ko nga, popular ‘yang si Zyden eh. Ang dami kayang nagkakagusto diyan. So isa na doon si Fiona. Pero ang dahilan kung bakit in love siya kay Zyden? Hindi dahil guwapo si Zyden (yeah, guwapo siya, parang si Hattori Heiji lang, at guwapo si Heiji, ‘di ba?) o matalino (insert Hattori Heiji here again), kundi dahil gentleman siya (gentleman si Heiji, ‘di ba?).

Okay, fan talaga ako ni Hattori Heiji (pero fan din ako ni Shinichi at oo, since blog ko ito, libre akong umepal sa kuwento) kaya siya talaga ang naiisip ko kapag pinapa-describe ang best bud kong si Zyden.

But setting Hattori Heiji aside, ayun na nga, in love daw itong si Fiona kay Zyden ever since fifth year in middle school. Gentleman daw kasi si Zyden at for someone like Fiona na maagang nag-mature, na-appreciate niya sagad ang pagiging ganoon ni Zyden. At isa pa, responsable rin daw kasi itong si Zyden (utang na loob, responsible ba ‘yung winala niya ‘yung book report namin!?). Hindi napipikon, mahaba ang pasensiya, matiyaga sa pagte-training (pero sa pagsusulat ng book report, hindi, dahil ilang beses siyang nagreklamong masakit na raw ang kamay niya!).

Kung ano mang mga (oo, mga) rason ni Fiona o kung ano man ang side niya tungkol sa pagmamahal (o, huwag po tayong ipokrita, wala sa edad ang pagmamahal) niya kay Zyden, hindi na ako expert doon. Like, hello, aabutin tayo ng unlimited blog dito para sa talambuhay ng love life niya.

Vocal si Fiona tungkol sa nararamdaman niya para kay Zyden, pero sa mga girl friends niya lang, siyempre. Hindi uso sa peers namin ang peg nina Chrysanthemum na idedeklara sa buong barrio ang tungkol sa crush slash mahal nila.

Malamang alam ni Taneia ‘yun, right? Na in love itong si Fiona kay Zyden ever since. At hey, ‘di ba si Kiel ang gusto ni Taneia?

Eh heto namang si Kiel kasi, hindi na ulit niligawan si Taneia. Kung sinu-sino na ang mga naging girlfriends. Ni hindi ko na nga ma-keep track eh. Pero ayun, may sariling kuwento naman kasi itong feelings ni Taneia, at aabutin din tayo ng unlimited blog kapag pati ‘yung love story nila eh isasama ko pa rito sa blog ko. Kaya ko lang naman sila naisingit dito eh dahil in love silang dalawa ni Fiona sa subject matter ng Blog # 5 kong si Zyrell Alden Zarate.

Bakit ko nga ba siya isinama sa blog ko? Mamaya niyo malalaman, huwag masyadong atat.

So ayun na. Dahil busy itong si Kiel sa pakikipaglandian sa ibang girls, nasaktan much itong si Taneia kaya ayun, doon napunta ang atensyon sa forever gentleman daw (sa’kin lang talaga hindi!) na si Zyden. Para sa mga babae eh isa siyang knight-in-shining-jersey—jersey kasi alangang armor ang isuot sa pagba-basketball? Timang lang?

To make the long story short—sorry na, hindi kasi talaga ako dakilang writer eh kaya ganito ang pagkakasulat (o pagkaka-type ko)—in love sina Fiona at Taneia kay Zyden.

Oops, may nakalimutan akong sabihin. Alam ni Taneia na in love si Fiona kay Zyden, pero hindi alam ni Fiona na in love si Taneia kay Zyden. At malamang si Zyden ay walang kaalam-alam (manhid kasi!) na in love ang dalawang babaeng iyon sa kanya!

Sinong nakakaalam ng lahat ng ito? Ako! Ako na si Celeste Cheng lang ang nakakaalam ng lahat ng ito at malamang ngayon ay pati na rin kayo.

Pero (tawang-tagumpay katulad ng tawa ni Cassiopeia)… hindi nga pala ito published blog, so I was just kidding—walang nakakabasa nito kundi ako lang. All secrets would stay forever in this blog. Unless someone put a spell or a curse on me, I would never publish this blog. Bakit ko nga ba sa blog pa isinulat eh puwede namang sa MS Word lang, right?

Si Octavian eh. Sabi niya para raw mas feel kong blog ito kaya dapat gumawa raw ako ng account sa actual blog site. Puwede ko naman daw hindi i-publish.

So bago pa ako malihis ng landas ulit sa mga kuwento—I told you, hindi ako dakilang writer kaya magulo talaga akong magkuwento—ipagpapatuloy ko na ang tungkol sa love triangle na tanging ako lang ang nakasaksi.

Imagine being with three people whom all were very close to you tapos may alam kang sikreto tungkol sa kanila at ikaw lang ang nakakaalam niyon? Medyo nakaka-paranoid, promise. Kasi you have to be alert. Hindi ka puwedeng malasing dahil baka kung anong masabi mo sa isa na hindi niya pala dapat malaman kasi nga sikreto iyon ng isa! My gosh, ang hirap ng may tatlo kang best friends at naglilihiman ang dalawa sa kanila. Not the lihims na masama or anything, ha, pero the lihims had something to do with feelings!

Okay, so si Zyden lang ang walang nililihim, pero sa kanya nga actually pinaka-nakakatakot makipag-usap. Sa sobrang close namin, nakakatakot na masabi ko sa kanya na in love ‘yung dalawa kong kaibigan sa kanya!

OMG lang. And guess what? Sige, mag-jump tayo ng dalawang taon just for the sake of this blog # 5. NGSB si Zyden hanggang sa grumaduate kami ng high school.

So tell me, malamang hopia ‘yung dalawa kong kaibigan, right?

At ang isa pang mahirap? Sinong tutulungan ko sa kanilang dalawa? #Laslas na.

In the end, wala akong tinulungan. In fact, hinyaan ko na lang sila. Neutral territory ang peg ko. Unfair din kasi kay Zyden eh kasi baka mamaya eh bigla pa siyang mailang sa kanila.

So hinayaan ko na lang silang tatlo. I focused on my own tale.

Kahit confused na confused na ‘yung dalawa kong kaibigan, hindi ako nakialam kasi nga gusto ko patas sa kanilang tatlo. At isa pa, hindi naman sila binigyan ng hopia ni Zyden eh. Pinanindigan talaga ng lalakeng iyon na hindi siya interesadong mag-girlfriend. Pinanindigan niya iyon hanggang sa grumaduate kami.

Kaya hanggang sa grumaduate kami from high school, tinago ko ‘yung sikreto tungkol sa kanilang tatlo. Ay, hanggang ngayon pa rin pala.

At may tinago rin akong sikreto sa dalawa kong kaibigang babae. Sa totoo lang kasi eh hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin iyon sa kanila eh. O kung may relevance ba iyon para sabihin sa kanila. Kung importante pa bang malaman nila or something, pero…

Zyrell Alden Zarate—my best bud—gave me a rose and a charm bracelet as Valentine’s Day gifts before we graduated from high school.

Now, I should not think much about it, should I? There wasn’t anything to it except pure platonic friendship, was there?

~+*+*+*+*+*+*+*+*+~

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

627K 9.3K 52
FYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before...
7.2M 17.9K 5
Her Greatest Return Written by: TheDarkestBlue Highest Rank Achieved - #1 in General Fiction (May 31, 2017) Copyright Β© 2015 TheDarkestBlue, All Rig...
3.1K 834 59
𝑻𝒉𝒆 π‘«π’“π’†π’‚π’Žπ’†π’“π’” : π‘©π’π’π’Œ 𝑢𝒏𝒆 Luna and Elijah, two close friends, find themselves inexplicably sharing the same dream one night. In this...
1.4M 46.6K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...