DISGUISE (On-Going)

By missrench

734 32 21

❝Ihanda mo na ang iyong sarili na mabaliw at magulat sa mga pangyayare na talaga namang nakakakaba.❞ © missre... More

O N E
T W O
T H R E E
F O U R
F I V E
S I X
S E V E N
E I G H T
N I N E
T E N
E L E V E N
T H I R T E E N
F O U R T E E N
F I F T E E N
S I X T E E N
S E V E N T E E N
E I G H T E E N
N I N E T E E N

T W E L V E

25 1 0
By missrench

12

Naganap ang Press Con sa office ni Philipp Gordon, ang criminal na attorney ng mga Webb at ang nagsasabi na Inosente si Rick.

Inumpisahan ni Gordon ang proceedings sa pagpapakilala niya. Nakatayo siya sa pagitan ng dalawang lalaki. Isa sa mga nakilala ko ay ang papa ni Rick Webb, si Matt Webb. Sa itsura niya ay mukha na siyang nasa sixties niya, silver hair. Sa kabilang gilid naman ni Gordon, nerbyoso, mga nasa sixty or seventy years old na. Hawak niya ang magkabilang kamay niya.

Pinakilala siya bilang Kelvin Lutz. Binigyan ni Gordon ng konting impormasyon ang pagkatao ni Kelvin. “Si Kelvin Lutz ay nagtrabaho sa Aalsmeer bilang isang construction man sa nagdaan na maraming taon. Lagi rin siyang nagtatrabaho para kayla Mrs. Webb sa bahay nito, kung saan ang bangkay ni Julie ay natagpuan sa garahe. Kinuwestyon si Mr. Lutz kung nasaan siya ng Huwebes ng gabi ng mamatay si Julie. Sinabi ni Mr. Lutz na nung mga oras na yun ay naghahapunan siya sa isang local lang na restaurant at umuwi na din agad. Nakita nga siya sa restaurant ng gabi na ‘yun, at walang rason para pagdudahan ang pahayag niya.” Sabi ni Philipp gordon

“Pero ng, ang isang best-seller true crime writer na si Josh Blake, kung saan siya ang nagsusulat tungkol sa kwento ng pagkamatay ni Julie Carey at pinaglalaban naman ni Rick Webb ang kanyang pagkainosente, kinausap niya si Mr. Lutz at dun na nagkaroon ng liwanag sa kaso.” Paliwanag ni Philipp Gordon

Ngayon tumingin si Hamilton kay Kelvin Lutz,  “Kelvin, pwede ko bang tanungin sa’yo na sabihin mo sa media ang eksaktong detalye na sinabi mo kay Mr. Blake?”

Biglang nanyerbos ang mukha ni Lutz. Hindi rin siya komportable sa suot niya na suit and tie na sigurado ako na pinasuot lang siya nun dahil sa press con na mangyayare ngayon. Isa na yung lumang depensa, isa na yun sa isandaan na nakita ko sa korte. Maganda ang suot ng defendant, pinagupitan ang buhok, sinisigurado na walang facial hair, binigyan siya ng suit and tie, kahit na sa buong buhay niya ay di naman siya nakapagsuot ng ganun. Lahat yan ay totoo sa mga witness ng depensa.

“Napakasama ko,” Pasimula ni Lutz, ang boses niya ay nanginginig. Napansin ko din kung gaano siya kapayat at kaputla at inisip ko kung may sakit ba siya. Hindi ko siya gaanong maalala. Gumawa na siya ng ibang trabaho sa bahay namin, pero hindi ko parin siya gaanong maalala.

Matagal ko ng dinadala ‘to sa buong buhay ko, tapos ng yung writer na si mr. blake ay kinausap ako tungkol sa kaso na ‘yun, dun ka nalaman na kailangan ko ng sabihin ang totoo.” Sabi ni Kelvin Lutz

Sinabi na nga niya yung parehas na storya na sinabi niya sa writer. Nakita daw niya si Jacob Harris na nagmaneho papuntang garahe, sakay sa sasakyan ni Rick Webb at pumunta sa garahe na may dala dala sa kamay na mabigat. Syempre, sa isip ng lahat, ang hawak hawak ni harris na mabigat ay yung gulong na ginamit sa pagpatay kay Julie, yung nakita sa likod ng sasakyan ni Rick Webb.

Tapos ngayon, turn naman ni Matt Webb, ang papa ni Rick Webb na magsalita.

Sa loob ng twenty-two years na nakulong ang anak ko sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Lagi niyang sinasabi na hindi naman siya ang gumawa nun at inosente siyang tao. Pumunta siya ng sine ng gabi na ‘yun. Pinark niya yung sasakyan niya sa Service Station, katabi lang ng sinehan kung saan ang lahat halos ng sasakyan ay binibigyan ng serbisyo, kung saan ang susi ng sasakyan niya ay madaling maduplicate.”

“Si Jacob Harris ay nagtratrabaho ng gabi na ‘yun. Sarado na talaga ang service station ng 7pm ng gabi, pero sa katabi nitong garahe, may tinatrabaho pa nuon si Jacob Harris. Kinausap ni Rick si Jacob, sinabi niya dito na iiwan muna niya ang sasakyan duon, dahil manunuod siya ng sine. Alam namin na ilang beses na itong tinanggi ni Jacob, pero ngayon may proeba na kami na siya ay nagsisinungaling. Habang nanunuod sa sinehan ang anak ko, kinuha ni Harris ang sasakyan, pumunta dun sa sinasabi nilang garahe, at pinatay yung babae.”

Lalo pa niyang pinanindigan ang sarili niya at lumalim pa ang boses nito at lumakas, “Ang anak ko ay mabibigyan na ng parole. Sa pagkakaalam namin at pagkakaintindi namin, siya ay makakalaya na sa kulungan. Pero hindi pa sapat ‘yun. Dahil sa bagong nadiskorbre na mga ebidensiya ngayon, gusto namin na magkaroon ulit ng bagong trial, ngayon mawawala na ang acusations kay Rick. Nananalig nalang kami na sana si Jacob Harris, ang totoong mamamatay tao, ay mapunta sa korte at makulong na siya habang buhay.”

Pinapanuod ko ang balitang conference na yun sa tv, sa maliit na sala sa Inn. Sa sobrang galit ko, gusto ko na may ibato ako sa screen ng tv. Para kasi kay Rick Webb, isa yun na malaking panalo na sitwasyon sa kanya. Kung mapapatunayan parin na guilty si Rick Webb sa kaso na ‘yun, hindi na siya makukulong ulit kasi naserve na niya yung sentence niya. Kung mapapatunayan naman na wala siyang kasalanan, hindi rin naman makukulong si Jacob Harris dahil lang sa testimoniya ng isang taong katulad ni Kelvin Lutz. Pero, sa mata parin ng maraming tao, iisipin nila na si Jacob Harris ang totoong mamamatay tao.

Siguro narinig narin ng ibang tao ang tungkol sa conference na nangyare ng pagbukas ko ng tv, lahat sila parang nagkaron ng mga diskusyon. Ang unang nagcomment sa kanila ay yung desk clerk. “Si Jacob Harris? Jusko naman, yung kawawang tao na yun hindi nga kayang manakit kahit langaw.”

“Kung iisipin ng mga tao, mas grabe pa siya pumatay sa langaw.” Sabi ng isang waitress, malapit sa dining room.

Ang mga taong taga media ay nagmamadali na puntahan si Kelvin Lutz at tanungin: “Naisip mo ba na pwede kang makulong dahil sa ginawa mo kung nagsisinungaling ka lang?” Narinig ko na tanong ng isang reporter.

Sasagutin ko yan,” Sabi ni Gordon. “Ang mga limitasyon ay tapos na. Walang panganib na mangyayari kay Mr. Lutz. Pumunta lang siya dito para itama ang mali. Wala siyang alam na nandun si Julie Carey sa garahe ng gabi na ‘yun, o nung mga oras na yun, hindi niya alam ang nangyari sa kanya. Sa kasamang palad, nag panic siya nung malaman niya na baka ang testimony niya ang maglagay sa kanya sa kapahamakan, at baka mapagbintangan siyang pumatay kaya tumahimik lang siya.”

“Pinangakuan ka ba na magkakaroon ka ng pera kapag sinabi mo ang ganyang salaysay, mr. Lutz?” tanong ng isa pang reporter.

Yun nga ang eksaktong tanong sa isip ko.

Si Gordon nanaman ang sumagot ng tanong, “Hinding hindi.”

“Ang statement ba ni Mr. Lutz ay nasa district attorney na?” Tanong ng reporter.

Hindi pa. Gusto namin na malaman muna ng public ang statement niya bago baguhin yun ng prosecutor. Ang punto kasi dito—hindi man maganda itong sabihin, pero kung na rape lang sana si Julie Carey, matagal na sanang laya si Rick Webb or hindi siya makukulong dahil makikita sa DNA evidence na hindi siya ang nang rape. Pero wala ng magagawa, dahil sa concern pa niya dun sa babae, yun pa ang naglagay sa kanya sa panganib. Nagmamakaawa sa kanya si Julie na makipagkita dun sa garahe. Sa usapan nila sa telepono, sinabi nung babae na pumayag siyang makipagdate kay Jacob Harris, dahil akala niya na magseselos si Rick Webb sa ganung sitwasyon.”

“Ang totoo pa niyan, si Julie Carey ang laging humahabol kay Rick Webb. Lagi niya itong tinatawagan. Wala namang pakialam si Rick kung sino ang mga dina-date nito. Malandi siya.”

Nangigigil na ako sa sitwasyon na ‘yun.

Ang mali lang naman ni Rick Webb ay nagpanic siya ng makita niya ang katawan ni Julie na patay na. Umuwi siya ng bahay, na hindi man lang naiisip na yung ginamit na pang patay kay Julie ay nasa sasakyan niya at ang dugo ni Andrea ay nasa damit niya. Yun din ang gabi na nilagay niya ang damit niya sa washing machine dahil sa takot.”

Hindi siya ganun ka takot kasi nag effort pa nga siya na labhan ang damit niya at tanggalin ang dugo na naging mantsa sa damit niya, sa isip isip ko.

Ngayon lumipat na ang cameraman ng CNN sa anchor ng news. “ Isa sa mga nago-ovserve ng interview kanina ay ang detective na nakatira din sa Aalsmeer, na ngayon ay isa ng retired na detective Mr. Danny Lantern. Mr. Lantern, anong masasabi niyo sa pahayag ni Mr. Lutz kanina lang sa press conference?”

“Lahat yun ay planado. Si rick webb ay naakusahan ng guilty dahil siya ay guilty naman talaga sa pagpatay. Naiintindihan ko ang panlulumo ng pamilya niya, pero ang isisi ang kasalanan sa taong walang kamuwang muwang, grabe naman ata yun.”

Bravo, sa isip isip ko. Ang alaala ko kay Detective Danny Lantern ay yung nakaupo siya sa dining namin kasama ako, sinasabihan ako na okay lang kung sasabihin ko ang mga sikreto ni Julie na patuloy na nagrereplay sa isip ko. Si Lantern ay nasa sixties na, pahaba ang mukha niya. Nakatira parin siya sa Aaslmeer. Napagdesisyonan ko na bisitahin siya minsan.

Ang news conference ay tapos na, at ang mga tao ay nagsibalikan na sa kanilang mga trabaho, tapos yung desk clerk na lalaki, na parang kakagraduate lang ng college ay nagpunta sa akin upang magtanong: “Okay lang po ba ang kwarto niyo, Ms. Carey?”

Ang isang waitress na papunta sa direksyon namin ay tumingin sa akin at alam ko sa isip niya na gusto niya akong tanungin kung ano ang relasyon ko sa Carey na babae na pinatay sa kaso ni Webb.

Yun ang unang patunay na kailangan ko ng ibigay ang identity ko sa lahat at simula na yun na malaman ng buong Aalsmeer na bumalik na ako.

Sa isip ko, ito ang isa kong kailangang gawin.

Continue Reading

You'll Also Like

692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...