Scarlet Eyes [Completed]

By NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... More

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 41

3.6K 134 12
By NhamiTamad

Chapter 41
            
          
             
         
Adi's POV

Monday na ngayon at lugmok kaming papasok ng school ngayon sakay ng Van na ginagamit nina mang jules pag mag gogrocery sila.

Pahamak din kasi yung isang myembro ng empire na yun eh, sobrang loyal kay kuya Magnus. Nakakainis.

"Kasalanan to ni Adi eh!" Inis na sabi ni kuya peter.

"Anong ako? Kaya nga hindi ko na kayo tinawagan dahil, para hindi na malaman nina kuya Magnus. Panira rin kasi kayo!" Sigaw ko. Bwisit din tong peter na to, nung isang araw pa ako ayaw tigilan. Eh, sila nga itong pasuperhero pa ang peg. Tch!

"Tumigil na nga kayong dalawa! Lahat tayo may kasalanan, kaya wag na kayong magsisihan" saway samin ni kuya Josh.

"Si Peter kasi, ayaw akong tigilan" inis na sabi ko at tinignan ng masama si peter.

"Hoy, ikaw! Nag away lang tayo, hindi mo na ako tinatawag na kuya!" Turo niya sakin.

"Wag mo kong ma hoy hoy! May pangalan ako! Tch!" Sigaw ko naman sa kanya.

"AYAW NYO BA TALAGANG TUMIGIL!" malakas na sigaw ni kuya Ali kaya tiklop agad kami ni peter at tumingin na lang pa labas. "Isang bangayan niyo na lang, makakatikim kayo sakin!" Dagdag niya. Galit na galit na talaga siya. Dahil imbes na huling linggo na ito para magamit niya na ulit ang kotse niya, nadagdagan ulit ng isang linggo. Kaya ayaw kong lumapit muna ngayon kay kuya Ali eh, para kasi siyang dragon ngayon. Iiiihh!!

Di nagtagal, nakarating narin kami sa AU, at isa isa na kaming bumaba.

Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong agad ako ni Andrea na malawak ang ngiti.

"Goodmorning, Adi" bati niya at kumapit sa kamay ko. Nakangiti siya ngayon na parang walang nangyari nung nakaraang araw. Nahihiya parin ako sa kanya, dahil siya na nga itong nadamay sa mga problema ko, siya pa yung napagalitan ko.

"Goodmorning" nahihiya na bati ko sa kanya.

"Sabay na tayo pumasok!" Masayang sabi niya at kinaladkad na ako.

Nagpaalam na ako kila kuya at nakangiti naman silang tumango.

"Adi, Sorry nga pala sa nangyari nung isang araw" aniya habang naglalakad kami patungong building namin.

"No, don't say sorry. Ako dapat ang humingi ng sorry, dahil kasalanan ko yun." Sagot ko.

Ngumiti naman siya ng malapad "bati na tayo ha! Akala ko kasi mawawalan na ako ng kaibigan"

"I should be the one saying that" sagot ko.

"Kushinaaaaaa!!" Ang aga aga makakasalubong ko na naman ang isang baliw.

Tumakbo siya papalapit samin na malawak ang ngiti.

"Nagstudy ka na?" Tanong niya.

"Hindi pa" tipid na sagot ko.

"Ha? E pano ka papasa niyan?" Takang tanong ulit niya at sumabay na siya samin sa paglalakad.

"Hindi ko na kailangang mag study!" Tamad na sabi ko.

Sabay silang huminto sa paglalakad at magkasalubong ang kilay na tumingin sakin.

"Why?" Takang tanong ko.

"Sana all" sabay nilang sabi at tumawa ng malakas.

"Tch" nagpauna na akong maglakad at iniwan sila, pero agad naman silang tumakbo para habulin ako.

"Sabagay, nasa lahi niyo naman ang pagiging matalino. Kasi lahat ng Montreal na nag aral dito ay puro mga Dean's listers" ani andrea nang makahabol na sakin.

"Sana yung mga anak ko, malahian ng Montreal, para maging matalino rin" sabi naman ni Minato.

"Madali naman yan, puro single pa lahat ng kuya ko, pumili ka na lang sa kanila" tamad na sabi ko na at natawa naman si Andrea.

"Pwede ba yun? Lalake kaya sila" sabi naman ni minato.

"Pwede, at depende na senyo kung sino ang magiging tatay at sino ang magiging nanay" sagot ko na mas lalong nagpalakas ng tawa ni Andrea.

Napakamot na lang sa ulo niya si minato.

"Sige na, mauna na kami! Goodluck sa exam niyo"  paalam ko kay minato at mabilis na kaming naglakad ni Andrea.

"Ayun lang naman ang hinihintay ko, yung goodluck mo! Hahaha! Goodluck din sainyo!" Sigaw niya pa.

Gaya nang dati, una namin madadaanan ang building nina Andrea. Nagpaalam na siya sakin at umakyat na pa second floor.

Pumunta rin naman ako agad sa building namin dahil baka ma late pa ako.

"Goodmorning, Adi" bati sakin ni Fred

"Goodmorning" bati ko rin at dumiretso na sa upuan ko.

Napansin kong tahimik ang dalawang itlog sa likod ko kaya nilingon ko sila.
Malungkot ang itsura nila na parang nalugi.

"Anong nangyari senyo?" Tanong ko sa kanila. Inangat naman nila ang paningin nila sakin saglit at yumuko n ulit.

"Wala, okay lang kami" malungkot na sabi ni Kris.

"Mukha nga" tumango tango na lang ako.

Mukhang ayaw nilang pag usapan, kaya hindi ko na lang sila kukulitin.

Di nagtagal, dumating na si prof at agad na rin kaming nag exam. Mabilis tumakbo ang oras hanggang sa natapos na namin ang lahat ng Exam para sa araw na ito. Bukas naman daw ang iba at sa susunod na araw din. At sa thursday, preparation na daw yun para sa Sportfest namin nextweek.

"Uuwi ka na?" Tanong ni cayden ng mapansing tumayo na ako.

"Oo, naghihintay yung sundo namin" sagot ko.

"Diba may kotse ka na?" Takang tanong niya at tumayo na rin bago isakbit ang bag niya sa likod

"Nakumpiska eh!" Tamad na sagot ko at naglakad na palabas. Humabol naman siya sakin.

"Ha? Bakit?" Gulat na tanong niya.

Minsan talaga, may pagka chismoso din tong cayden na to. Tch!

"Mahabang kwento eh! Alam mo naman si kuya" sagot ko na lang.

"Oo nga pala, May sasalihan ka bang sports? Para maready ko na yung mga list ng sasalihan natin. Ikaw lang naman amg nag iisang babae samin, kaya sa mga pang isahan na sports ka lang" tanong niya

"Konti lang ang alam kong laro, siguro sa dart at chess na lang, para madali" tamad na sagot ko at kumunot naman ang noo niya.

"Marunong ka pala nun?" Takang tanong niya.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Hindi ako marunong" sagot ko at naglakad na ako ulit pero ilang hakbang palang, huminto ako at nilingon siya. "Magaling lang!" Dagdag ko at ngumisi. Nagtaka naman siya nung una at napailing na lang nang napagtanto ang sinabi ko.

"Yabang naman!" Hindi makapaniwalang sabi niya at naglakad palapit sakin.

"Hindi kaya! Nagsasabi lang ako ng totoo" seryosong sabi ko at nagalakad na kami ulit.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Pero napahinto siya sa pagtawa ng may dumaan sa pagitan namin.

"Hey, Zach! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Mukhang nainis si Cayden.

Pero parang hindi niya narinig ang sinabi ni Cayden dahil nag dire-deretso lang siya sa paglalakad. Napailing na lang si Cayden sa inasta ni Zach.

Nabaliw na naman siguro ang isang yun!

Hindi ko siya pinapansin simula kanina dahil naguguilty ako sa ginawa kong pagsampal sa kanya nung isang araw. Minsan minsan napapasulyap ako sa kanya kanina at agad ko naman itong inaalis dahil nakatitig pala siya sakin. Minsan hindi ko rin alam ang trip ng lalakeng yun, ang hilig tumitig. Tch!

Nakarating na kami sa parking lot at naghihintay na pala samin si Mang Jules. Nagpaalam na rin si Cayden nang makasakay na ako sa Van.

Maya-maya pa, dumating na rin sina kuya kaya umuwi na kami.
     
    
        
     
"Oh? Kamusta ang pagpasok sa school na hindi gamit ang kotse niyo?" Nakangising tanong ni kuya Gabby.

Nasa kusina kami ngayon at nagdidinner na. Pinagtatawanan lang kami ni kuya gabby dahil sa naging parusa namin.

"Ang boring nga eh! Hindi kami makagala" malungkot na sabi ni kuya Peter.

"Sanay na ako" Sagot naman ni Kuya Ali.

"Dapat lang yan, para magtanda kayo!" Natatawang sabi ni kuya Ryan.

"Kuya" tawag ko kay kuya magnus.

"No, Adrianne" sagot niya ng hindi man lang ako tinitignan.

"Kuyaaaa...Sorry na" halos araw araw na akong humingi ng sorry, ayaw talagang patinag ni kuya. Pa hard to get pa ang peg.

"Wag mo kong makuya kuya, Adrianne! Hindi mo mababago ang desisyon namin." Sagot niya at tinignan ako ng masama.

Wag pala ha! Edi sige.

"Magnus! Sorry na! Balik mo na kotse namin" deretsong sabi ko, kaya pabagsak na binaba ni kuya ang hawak niyang mga kubyertos at nagkasalubong ang mga kilay niya.

Narinig ko naman ang pigil na tawa nina kuya gabi at kuya ryan. Muntik naman mabulunan si kuya Mike at napailing na lang si kuya Jax at kuya Levi. Kinurot naman ni kuya Ali ang tagiliran ko. At mukhang hindi na napigilan nina kuya peter na tumawa, kaya humagalpak na sila sa tawa kaya nakisabay na ang iba maliban kay kuya magnus.

"Ikaw talagang bata ka! Kahit kailan!" Natatawang sabi ni kuya Jax.

"Tama naman kasi siya, sinabi naman ni magnus na wag siyang tawaging kuya!" ani kuya Mike at tumawa ulit.

"Idol talaga kita, Adi! Hahahaha" humalakhak na sabi ni kuya Gabby.

"Parang tropa tropa lang kayo ni Adi!" Ani kuya Ryan.

Napailing nalang si kuya Magnus at natawa ng mahina.

"Kuya naman kasi! Nag sorry na nga ako diba?" Nakapout na sabi ko.

"Wag ka nang makulit! Kung ayaw mong madagdagan ang araw na hindi mo magagamit ang kotse mo" seryosong sabi niya at kumain na ulit.

Hindi na ako kumibo at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Sportfest niyo na pala nextweek! May sasalihan kang sport, Adi?" Tanong ni kuya Jax.

"Di pa ako sigurado, pero baka Dart at chess na lang" sagot ko.

"Speaking of chess, matagal na tayong hindi nakakapaglaro nun. Hindi mo pa ako natatalo. Haha" aniya at tumawa.

"Laro tayo ulit kuya, at sa pagkakataong ito, matatalo na kita" mayabang na sabi ko.

"Then, let's play. If you win against me, I'll return all your cars" nakangiting sabi niya. "Is that okay, Magnus?" Baling niya kay kuya magnus.

"Ikaw bahala, Jax!" Sagot na lang ni kuya Magnus.

"Deal kuya!" Sigaw ni kuya Peter.

"You're not the one who's playing, Peter!" Natatawang sabi ni kuya Mike.

"What's the consequences?" Maganda nang sigurado. Malay mo may kapalit pala pag natalo ako, hindi pa naman ako sigurado kung matatalo ko nga talaga si kuya Jax.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Don't worry, there'll be no cosequences if you lose against me. Haha"

"Then, Deal!" Excited na sabi ko.

Pakatapos naming kumain pumunta na kami may livinh room at nakahanda na yung Chessboard na paglalaruan namin.

"Galingan mo, adi! Para mabalik na sa'tin ang kotse!" Excited na sabi ni Kuya Peter.

"We're not friends!" Sabi ko at inirapan siya.

"Ikaw naman, bati na tayo!" Nagpapacute na sabi niya.

"Yucks! Hindi bagay!" Nandidiri na sabi ko.

"Oh ano? Ready ka na?" Nakangising sabi ni kuya Jax.

Tumango ako at pumwesto na. Nakalagay sa coffee table ang chessboard.

"Pumili ka na kung anong kulay mo" ani kuya Jax nang makapwesto na siya sa harap ko.

"Black" sagot ko at inayos na ito.

I chose black, para hindi ako mauna.

"You always choose black" nakangiting sabi niya habang inaayos ang mga chess pieces. "Tell me, gusto mo bang tapusin na agad, o papahabain pa natin" ngumisi siya pagkatapos niyang inayos ang mga ito.

Kuya Jax is a Chess Genius. Gusto pa nga siyang isali ng School niya dati sa International Contest, pero hindi siya pumawag. Nakakaistorbo lang daw yun.

"Wag kang masyadong mayabang kuya! Marami na ngayong estudyante na natatalo ang teacher nila" sabi ko at ngumisi rin.

Siya kasi ang nagturo sakin mag chess. Actually, tinuruan niya kaming lahat, pero ako lang ang naging interesado.

"Let's see" aniya at nag move na ng pawn.

"Galingan mo, Adi! Sayo nakasalalay ang kotse natin" cheer ni kuya Peter.

Nagmove narin ako ng isang pawn. At agad din naman siyang nag move ulit. Ginugulo ako ni peter na galingan ko daw para makuha na namin ang kotse namin. Kaya hindi ko namalayan na natalo na ako.

"Checkmate" malapad ang ngisi ni Kuya Jax.

"Pinaasa mo lang sila, Jax!hahaha" tawang tawa na sabi ni kuya Mike.

"Ginugulo kasi ako ni kuya Peter eh!" Reklamo ko.

"Reasons...ang sabihin mo, hindi ka talaga marunong! Pagkakataon na nating makuha yung kotse. Nawala pa!" Inis na sabi ni kuya peter.

Tumayo ako at papaluin na sana siya pero agad suyang tumakbo.

"Ikaw kaya maglaro! Kahit pumikit pa si kuya Jax, wala ka paring laban sa kanya!" Sigaw ko.

"Tama na yan! Baka magkagyera na naman kayo" pigil samin ni kuya Levi.

Bumalik na ako sa pagkakaupo at ganun narin si kuya Peter. Nagkwentuhan pa kami saglit hanggang sa makaramdaman na ako ng antok, kaya nauna na akong umakyat para matulog.
     
         
         
     
Lumipas ang mga araw at friday na, tapos na ang exam namin at nagpeprepare na sila para sa sportfest na gaganapin next week. Wala namang kaming ibang ginagawa kundi tumambay sa room, Mga president lang ng each class ang may ginagawa, kaya wala dito si Cayden.

Mas magandang hindi na lang ako pumasok, kasi ang ingay lang dito, dahil walang prof.

Lumabas ako ng room namin at naisipan kong pumunta sa rooftop. Wala namang ibang estudyante dito sa building. Puro busy silang lahat, lalo na yung mga Fourthyear.

Pagkarating ko dun, sumalubong sakin ang ihip ng hangin.

Ang ganda pala dito. Bakit ngayon ko lang naisipang pumunta dito.

"Buti pa dito tahimik" sabi ko sa sarili ko at lumapit sa gilid at sumilip ako pababa.

Nakikita ko ang mga estudyante na palakad lakad lang at mga walang ginagawa. May mga estydyante rin busy.

"Hey" nabalikwas ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko, nag aalinlangan akong lingunin kjng sino to, baka kasi multo. Waaaaahhhh

Dahan dahan akong lumingon at bumungad sakin ang mukha ni Raulo.

"Can we talk?" Seryosong sabi niya.

Seryoso ang mukha niya at parang may malalim na iniisip.

"Teka! Pano ka napunta dito?" Tanong ko.

"I saw you went up here. Kaya sinundan kita" walang ganang sagot niya.

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Akala ko kasi, walang nakapansin sa'kin nung lumabas ako ng room.

"Can we talk? Please?" Tanong niya ulit.

"Bakit? Hindi pa ba tayo nag-uusap ngayon?" Takang tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko"What I mean is, let's talk seriously"

"Why? Are we joking right now?"

Huminga siya ng malalim at umigting ang panga niya. "You really are a Kid in a lady's body"

Ang gulo talagang kausap ng baliw na'to. Aiiish!

"Look,...I'm sorry! Hindi ko sinasadya yung nasabi ko sayo nung isang araw" seryosong sabi niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako sumagot at tumingin lang din ako sa mga mata niya. Bakit siya nagsosorry?

"I hate it when you're not talking to me the way you used to. Ayoko'ng iniiwasan mo ako." Sabi niya at ginulo ang buhok niya.

Weird!

"You know what, you're right, I should move on from my past. There's something ahead of me that I should face." Sabi ko at tinalikuran siya para humarap sa field na kitang kita dito. "Holding back because of my past will just lead me back to it again." Dagdag ko at nilingon ko ulit siya at ngumiti.

"So, you don't have to say sorry" nakangiting sabi ko.

Umawang ng konti ang bibig niya at agad na nag iwas ng tingin sakin.

Anong nangyari sa kanya?

Lumapit ako at humarap sa kanya. "Why are you acting like that?" Takang tanong ko.

"W-wala, akala ko kasi galit ka" iwas parin ang tingin niya sakin.

"You're weird" napapailing na sabi ko at nag lakad na paalis, pero hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.

"Kung hindi ka pala galit sakin, bakit hindi mo ko pinapansin nitong mga nakaraang araw?" Tanong niya kaya nilingon ko siya.

"E-eh, sa nahihiya ako eh. Nasampal kita nung araw na yun. Baka kasi galit ka sakin at sigawan mo ako pag kinausap kita" tamad na sagot ko.

Tumawa siya ng mahina sa sagot ko at napailing "At bakit ko naman gagawin yon?"

"Aba malay ko, hindi naman ako ikaw. "Baka" lang naman kasi diba! Tch!" Sagot ko at inirapan siya. Minsan, tanga tanga din tong isang to.

"Saan ka na pupunta ngayon?" Nakangiting tanong niya.

Hindi nga talaga nakainom ng gamot ang isang to, mukhang may topak na naman.

"Babalik na ako sa room. Dahil alam kong bubwisitin mo lang ako dito!" Inis na sabi ko at hinila na ang kamay ko bago mabilis na naglakad.

Narinig ko naman ang mabilis niyang mga hakabang na humahabol sa'kin.

Malalaki ang mga hakbang niya, kaya agad niya akong naabutan. Sabay na kaming naglalakad ngayon pabalik sa room namin.

"May sasalihan kang sport?" Tanong niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"What kind of sports?" Tanong niya ulit.

"Maybe Dart and Chess. Yun lang kasi ang alam ko" sagot ko.

"Marunong kang maglaro nun?" Tanong na naman niya.

Bakit parang pamilyar ang scene na ito? Parang ganito din ang tanong ni cayden nung isang araw ah?

"Hey? Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko. May iniisip ka ba?" Seryosong tanong niya.

Huminto naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya kaya huminto rin siya at taka akong tinignan.

"This scene is familiar. Ganito din ang tinanong sa'kin ni Cayden nung isang araw" napapaisip na sabi ko.

Mas lalong kumunot ang noo niyang tumingin sakin. "Why? Nami-miss mo siya?" Seryosong sabi niya na mukhang galit na ewan.

Oh? Ano na namam ang nangyari sa kanya? Pabago bago ng emosyon.

"What kind of question is that? Tch! You're so weird!" Di makapaniwalang sabi ko at nagpauna ng maglakad.

Ang gulo gulo talagang kausap ng baliw na yun. Ang sarap batukan para maalog yung ulo niya nang magtino! Tch!
     
        
But there's something in me na natutuwa dahil okay na kami. Kasi nung mga nakaraang araw na hindi ko siya pinapansin, parang may kulang sa araw ko. Ewan ko kung ano. Pati ako nagiging weird na! Aiiiissh!
     
      
          
-------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
76.6K 2.5K 51
(Agent Series 2|Part 1|| ) (Alferez Series 3) Started Writing:April 20,2020 Finish Writing:May 2,2020 Written By:Shireroseee
943 134 8
A Short Story Written by TamadSiAkuma Isang babaeng nagmula sa isang mataas at ikinagalang-galang na pamilya ay biglang aakusahan ng isang kasala...