✔#1 Claimed by William Fontal...

By _LoveBiteCookie

134K 3.4K 167

"Would you dare fall in love with me, Emily?" -William Fontalejo ©_LOVEBITECOOKIE | DEE GARCIA Genre: Romance... More

Claimed by William Fontalejo
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10 (Last Part)
Author's Note

Chapter 8

8.2K 263 10
By _LoveBiteCookie

"SASABUNUTAN talaga kita kapag bumalik ka dito mamaya na wala kang magandang ibabalita," wika ni Joana, pinanlakihan pa siya nito ng mga mata.

Tumawa siya sa sinabi nito at naiiling na inayos ng lagay sa maliit na lamesa ang ilang tinapay na kabibili lang niya para kay Emanuel, tulog ang kapatid niya dahil nakainom na ito ng gamot kanina para sa kirot.

May ilang galos rin na natamo ito at kung minsan ay nararamdaman nito ang pagkirot ng mga galos, lalo na ang nabali nitong buto sa likod. Hindi niya masyadong pinakikilos ang kapatid dahil baka mabigla ang likod nito at lalo lamang sila na matengga sa ospital.

Hindi naman siya magsasawa na bilhan ng masustansyang pagkain si Emmanuel para kahit paano'y manaba ito at mas sumigla. Monitor naman niya ang gamutan ng kanyang kapatid at nasa oras ang pag-inom nito ng gamot.

"Ako na ang bahala dyan Emily, kumilos ka na at baka mamaya hindi mo maabutan si Liam sa opisina niya. Alam mo naman ang mga business man, marami silang trabaho. Wag kang pa-importante," kinuha nito sa kanya ang hawak niyang plastic na naglalaman ng ilang tinapay at sachet ng gatas para kay Emanuel.

Nangingiti na lamang talaga siya kay Joana dahil sa bibig nitong matabil at buti na lamang at sanay na siya sa kaibigan niyang ito.

Mabilis na kinuha niya ang kanyang bag at inayos ang sarili. Kailangan na nga talaga niyang umalis dahil baka may hindi inaasahan na meeting si Liam at hindi niya maabutan. Noong secretary pa siya ng binata ay madalas itong nasa meeting, maghihintay siya ng matagal kung sakali.

"Kapag hinanap ako dito Joana sabihin mo na may nilakad lang ako," paalala niya sa kaibigan.

Tumango ito. "Mag-iingat ka. Ako na muna ang bahala kay Emanuel."

Madali niyang nilisan ang ospital upang magtungo sa Wilifs Inc., wala pa man siya sa opisina ng binata ay iba na ang bilis ng tibok ng puso niya.

KINAKABAHAN na tinungo ni Emily ang elevator. Nasa W.I na siya at ang kaba na nararamdaman sa kanyang dibdib ay hindi niya kayang itago. Alam niya sa sarili niya na kahit hindi siya tumingin sa salamin ay malapit na siyang mamutla sa tensyon na nararamdaman.

Nang tumunog at bumukas ang elevator ay agad siyang pumasok doon at pinindot ang 26th floor button. Sana nga lamang ay nasa opisina nito si Liam, pinaghandaan niya ang araw na ito sakali man na pagalitan o masigawan siya nito ay tatanggapin niya.

Si Joana pa mismo ang nagtulak sa kanya na h'wag ng magdalawang isip pa na puntahan si Liam ngayong araw. Buti na lamang at naisipan niyang tawagan si Joana kahapon at nagkaroon siya ng kapalitan sa pagbabantay sa kapatid niya.

Nang marating niya ang floor ng Human Resources Department ay naging mabagal ang paghakbang niya na lumabas mula sa elevator.

Kahit pinagtitinginan siya ng ilang empleyado ay hindi niya na lamang pinansin at nagdere-deretso lamang siya ng lakad. Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang nakasaradong opisina ni Liam. Huminto siya sandali ng makita ang isa sa mga HR Assistant nito na may kausap na kapwa empleyado tila katatapos lamang ng lunch break ng mga ito.

"Alexa," tawag niya sa pangalan nito.

Nang lingunin siya nito at makita ay nanlaki ang mga mata nito, mabilis itong lumapit sa kanya.

"Emily Rose, saan ka nagpunta? Alam mo bang si Sir Liam simula ng hindi ka na pumasok dito ang init na palagi ng ulo," agad na sambit nito. "Mas matindi siya ngayon kay Sir Louie, nakakatakot."

Napalunok siya sa narinig, gusto niyang umatras. Alam niya at nakita na niya kung paano manigaw at magalit si Louie pero kung mas matindi si Liam ngayon, sa pinsan nito ay baka manigas na lamang siya mamaya na parang rebulto kung sakali.

"N-nandyan ba siya?"

Tumango ito. "May kailangan ka ba kay Sir? Nako. Baka masigawan ka, ang nakakapasok lang sa opisina niya ngayon ay dapat may makuha munang tawag galing sa kanya," wika nito na sumulyap pa sandali sa opisina ni Liam.

Tipid siyang ngumiti kay Alexa. "Papasok ako Alexa, kakausapin ko lang siya. May k-kasalanan naman ako hindi na ako n-nagpakita sa kanya."

Huminga ito ng malalim. "Ikaw ang bahala, basta sinabihan kita."

"May bago ba siyang secretary?"

Umiling ito. "Ikaw lang naman ang naging secretary ni Sir Liam, kaya nga noong na-hired ka dito sa W.I laking gulat namin na sa loob ka ng opisina ni Sir naka-table, akala namin makakasama ka namin dito at makakasabay kumain pero hindi nangyari. Hindi ka naman ata kasi pinalalabas ni Sir depende kung importante." anito.

Minsan na rin nabanggit ng mga kaibigan ni Liam na siya lamang ang tangi o unang secretary ng binata. Ipinagsawalang bahala lamang niya iyon kahit naging pala isipan sa kanya.

Sa huli ay naisip niyang nakita ng binata sa kanya na kailangan niya talaga ng trabaho kaya kahit hindi ito kumukuha ng secretary ay hinired na lamang siya lalo pa at si Leila ang nagrekomenda sa kanya.

"Sigurado ka na ba talaga Emily?" muling paalala sa kanya ni Alexa. "Si Michael ang walang-hiyang iyon nakulong siya Emily, may ilang empleyado din pala siya dito sa W.I na ginagawan ng karahasan. Mabuti na lang at nagsumbong din sila kay Sir Liam at mas bumigat ang kaso sa kanya." dugtong pa nito.

Hindi siya sumagot at umiwas ng tingin sa kausap, para sa kanya ay kinalimutan na niya ang nangyaring iyon at salamat sa diyos dahil kahit paano'y hindi na siya matatakot pa na mabalikan ng nagtangka sa kanya dahil humihimas na ito ngayon ng rehas.

"Baka mamaya lumabas ka rin ng opisina ni Sir Liam na umiiyak," nagaalala pang turan ni Alexa.

Kinakabahan man siya ngayon ay hindi siya maaaring umatras. Hinanda naman niya ang sarili sa posibilidad na mangyari at kung pagalitan o masigawan nga siya nito ay bahala na ngang talaga.

Iniwan na siya ni Alexa at nagpaalam sa kanya na babalik na ito sa pagtatrabaho, may ilang empleyado naman na nakatingin sa kanya dahil dere-deretso siyang naglakad palapit sa pinto ng opisina ni Liam na nakasara.

Huminga muna siya ng malalim bago naisipan na buksan ang frosted glass door ng opisina nito. Nang makapasok sa loob ay bulto agad ng binata ang nabungaran niya, nakatalikod ito ng tayo at nakatanaw sa salamin na bintana ng opisina nito. Nakadikit ang cellphone nito sa kanang tainga at may kausap.

Nanatili siyang nakatayo. Malayo sa binata, hindi siya nagtangka na lapitan ito. Hindi rin siya gumawa ng anumang ingay dahil baka pagsisihan niya, hihintayin nalamang niya na malingunan siya nito at doon lamang niya ihahanda ang sarili sakali na init ng ulo nito ang sumalubong sa kanya.

"Okay then," huling wika nito sa kausap sa kabilang linya.

Narinig pa niya ang mahina nitong pagmumura marahil ay problema ang tawag na natanggap ng binata. Nang lumingon ito at ibulsa ang cellphone ay hindi pa napansin ang kanyang presensiya dahil nasa office table nito ang mga mata at tila may hinahanap na kung anong folder files doon.

"S-Sir..."

Umangat ang ulo ni Liam at napatingin sa gawi niya dahil sa boses na narinig nito mula sa kanya. Kunot ang noo nito na pinakatitigan siya, naningkit pa ang mga mata nito na tila sinisigurado kung tama nga ba ito sa narinig kanina at sa ngayon na nakikita.

"S-Sir Liam," pag-ulit niya.

Doon tila natauhan ang binata, madilim ang mukhang umiwas ito ng tingin sa kanya at sa hinahanap na folder files muli nito binaling ang atensyon.

"S-Si—"

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon na tanong nito sa kanya.

HE can't believe this! Emily is in front of him right now, how he missed her. He doesn't want to let go off his eyes on her but damn he need to. He thought he was hallucinating by seeing her in front of him right now.

Ilang linggo siyang pinahirapan nito at ngayon ay hindi niya inaasahan na susulpot ito sa harapan niya. Gustuhin man niyang mas titigan ito ng matagal at tanungin kung ano ang nangyari dito ay hindi niya ginawa.

"S-Sir pwede po ba t-tayong magusap?" muli niyang narinig ang boses nitong malumanay.

Namiss niya ang mahinhin nitong pananalita at kilos. Ang pagtitimpla nito ng kape sa kanya kahit hindi niya iniuutos ay ito ang nagkukusa, ang palagi nitong pagtatanong kung kakain na ba siya at kung magsasabay ba silang dalawa sa pagkain. Ang isang beses nitong dinalhan siya ng niluto nitong ulam, ang tipid na ngiti nito na palagi niyang nakikita sa tuwing pupurihin niya ito sa mabilis na pagtatrabaho.

Damn, Emily giving him a false hope!

Siya itong lalaki pero pakiramdam niya'y siya ang nasasaktan sa isipin na walang gusto si Emily sa kanya at boss lamang talaga ang tingin nito sa kanya.

Gusto niyang mapapikit at sumuko sa pagmamatigas na wag itong tingnan. He wanted to hug her right now, squeeze her waist and kiss her torridly on her lips.

Labi pa lamang ng dalaga ay naaakit na siya paano pa kaya kung muling maulit ang unang beses nilang paghahalikan nito?

Oh man, what were you thinking?

Ipinilig niya ang ulo sa naisip at tumikhim ng mahina. Hindi lumalapit ang dalaga sa pwesto niya marahil ay hinihintay nito ang senyas niya upang kumilos ito.

"Magreresign ka ba sa maayos na paraan?" tanong niya na hindi ito inaangatan ng tingin. "You can send your resignation letter in email and I will fix your back pay in immediate way. Hindi mo kailangan na magpunta pa dito," magaspang nyang wika.

Minsan na siyang nasaktan sa babae—kay Katherine. Umasa lamang siya na may pagtingin din sa kanya ang dalaga noon sa kabila nang pinakita nitong kabaitan sa kanya. Umasa siya sa wala, iba ang gusto nito at ang nakakainis pa doon ay ang ex-boyfriend ng kapatid niyang si Leila ang nagustuhan nito.

He left BMagz for good. May sarili silang negosyo. A furniture family business that runs in a good quality of their products. Obligado sila na asikasuhin at patakbuhin ang W.I., lalo pa't nasa edad na ang tatay ni Louie at ang tatay niyang bise presidente ng kompanya na kasalukuyan ngayon na nasa ibang bansa.

Hinayaan na lamang niya na ang kapatid na si Leila ang magtrabaho sa BMagz dahil pangarap naman iyon ng kanyang kapatid at halos buhay na ng dalaga ang pagmomodelo. Sa ngayon ay masaya siya sa balitang ikakasal na si Katherine kay Deren, masasabi niyang hindi talaga sila ang para sa isa't-isa.

Ngayon naman ay hindi niya maintindihan ang sarili dahil sa limang taon na hindi niya inintindi ang mga babae ay kay Emily naman tila bumukas ang puso niya. Kahit sabik na sabik siyang matitigan ito at mahawakan ay kailangan niyang pigilan ang sarili.

Emily makes him insane without the woman noticing it. She doesn't even know that he was attracted to her for about two months when she was his secretary, he even imagined Emily riding on top of him.

Siya itong kilala ng pamilya niya na hindi maloko sa kanilang angkan ay siya rin itong may pagiisip na makamundo.

Damn it!

"Sir Liam," biglang umangat ang paningin niya sa dalaga ng marinig muli ang boses nito sa malapit.

Nasa tabi na niya ito at mataman na nakatitig sa kanya. Hindi man lang niya naramdaman na nakalapit na sa kanya ito.

Mahirap man sa kanyang loob ay iniwas niyang muli ang tingin sa dalaga. He don't have time for his feelings, he doesn't want to feel hurt for the second time.

"You can leave now Emily. I said I will fix your back pay," He told her, he doesn't want to give himself a single touch to Emily.

Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Basta na lamang nitong hinawakan ang kamay niya at dinala iyon ng dalaga sa dibdib nito at marahan na idiniin doon.

Emily want him to touch her breast!

Nagtataka na tumingin siya sa dalaga dahil sa ginawa nito. Damn! He could feel her left breast. How he wanted to do that to her! Tila siya nahipnotismo at nakatitig lamang sa dalaga at doon lamang niya natitigan ang itsura nito.

She looks tired and stressed. Paga ang mga mata nito at bahagyang nangingitim ang ilalim ng mga mata, nakita niya rin ang pagkislap ng mga mata nito sa badyang pagluha habang nakatitig sa kanya.

"L-Liam... m-magpapagalaw ako sayo. M-magpapabayad a-ako."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
3.5M 56.9K 29
[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.