Continuation........
Nag aagawan parin sila sa bag ko Kaya inawat ko na sila.
Pati bag talaga pinag aawayan?
Parang mga bata talaga!
"Akin na Kasi"si Chester
"Mj Chester Tama na pati ba naman bag ko! Ano bang problema nyo? Bat ako yung pinag tritripan nyo!?" Inis Kong sabi.
"Ok fine, sayo na yang bag pero akin si aliah" si mj at binitawan nya yung bag ko.
Hinila ako ni mj palabas ng bus, sumunod naman si Chester at hinila yung isang kamay ko.
Hito na naman tayo sa hilaan kailan ba 'to ma tatapos!?
Nakatingin samin lahat pati yung teacher na na-assign samin napatingin narin..
Para Kasing mga bata!
"Ano 'bang problema nyo bat ako pinag aagawan nyo?" Inis ko ng Sabi, para Kasing mga tanga!
Nag bulongan naman yung mga istudyante dahil sa sinabi ko.
"Hey bro.... Ako Ang gusto ni aliah kaya wag na kayong mag away" si Kurt saka kinuha yung kamay ko saka hinila.
Buti nalang talaga nanjan si Kurt, Kung Hindi baka walang mag papatalo sa kanila.
"Salamat " banggit ko ng makalayo na kami.
Walang nagawa yung dalawa kundi tumigil. Parang mga Bata talaga! Ano bang trip nila bakit ako yung pinag tritripan nila?
Nang makarating kami sa tagaytay beach namangha kami sa ganda ng tanawin dito.
Yung Field Trip kasi namin ay parang camping lang.
Mangha ako sa ganda ng view ng dagat. Yung iba naming ka samahan Hindi na napigilan tumapak na sa dagat.
Hinila ako ni Shai at Shane papuntang dagat.
"Hoy hoy di ako marunong lumangoy!" Kinakabahan Kong Sabi.
"Hahaha Hindi Naman Tayo lalangoy Jan lang Tayo sa mababaw" si Shane.
Alam Kasi ni Shane na Hindi ako marunong lumangoy at may trauma ako sa dagat.
Nung bata palang kasi kami mahilig kaming maligo sa dagat, one time naligo kami sa dagat lumaki yung alon kaya lumalim yung tubig Kaya yun na lunod ako.
Buti nalang talaga iniligtas ako ng mangingisda dun.
Simula ngayon Hindi na ako nakakaligo ng dagat dahil sa nangyare noon.
Pag dating namin sa may tubig pinag tulongan nila akong basain ng dagat, Kaya gumanti rin ako sinabuyan ko din sila ng tubig dagat.
"Class class!" Tawag ng teacher namin.
"Lahat kayo bumalik dito!" Sabi nya na naka megaphone.
Lumapit kaming lahat Kay sir at nakinig sa sasabihin nya.
"Andito na tayo sa tagaytay beach! Sana malinaw sa inyo ang sasabihin ko sa inyo na bawal maligo ng dagat Kung di ko sinabi. Bawal lumayo sa lugar nato! Bawal pumasok sa tent ng iba! At bawal ang makipag away! Nandito tayong lahat para mag saya Kaya wag kayong pasaway!" Pag papaliwanag ni sir samin.
"Maliwanag ba Yun!" Si sir.
"Yes sir!" Sabay na sagot namin.
"Mabuti!every one tent ay lima Ang laman kaya pumili na kayo kung sino Ang makakasama nyo sa tent. Separate ang babae sa lalake"
"Ok let's build our tent now!" Si sir
Mag kasama kaming tatlo ni Shai at Shane sa tent nadagdagan Naman kami ng dalawa si Bernadette at janis yung kasama namin.
Binigay kami ng tent para patayuin namin. Hindi ko alam kung pano mag patayo ng tent Kaya nakikisabay nalang ako sa kanila.
"Pano ba'to patayuin?" Si Bernadette
"Diko Alam" si janis.
"Ikaw Shane Alam mo" tanong ni janis
"Try nalang natin" sagot ni Shane.
"Hawakan nyo yang mga tali hihilain natin para bumuka yung tent" utos ni Shane.
Hinila namin yung tali Kaya bumuka Yung tent.
"Kyaaaaah Ayan na!" Si Bernadette.
"Lakasan nyo pa ang pag hila wag nyong hayaang lumaylay" utos Ni Shane Kaya sinunod nalang namin.
"Ok na'to sige ibaun nyo yang bakal sa lupa." Utos ni Shane.
Inilagay ko yung bakal sa lupa, ginamitan ko ng bato para ma ibaon talaga sa lupa kaso ng dikdikin ko yung bakal natamaan yung kamay ko Kaya nabitawan ko.
Nasira yung tent namin dahil nabitawan ko yung tali.
"Ano ba Yan aliah! Bat mo ba binitawan!" Inis na Sabi ni Bernadette.
"Anong nanyare sa kamay mo?" Si Shane at tinignan yung kamay ko.
Dumogo yung kamay ko dahil natamaan ito ng bato.
"Bat dika nag iingat" alalang Sabi ni Shane.
"Ok Lang ako maliit lang to" Sabi ko sabay hila ng kamay ko.
"Ano na! ang arte Kasi ayan tuloy uulitin na naman natin!" Inis na sabi ni Bernadette.
"Ok lang yan Bernadette alam naman nati kong paano" si Janis
"Tsssk! Ang arte Kasi!" Bulong ni Bernadette at nag walk out.
"Ok lang yan aliah ulitin nalang natin" si Janis.
"Oo nga grabe naman si Bernadette!" Si Shai.
"Hi aliah" napa lingon ako sa likod ko nakita ko si mj.
"Hi" bati ko
"Tulongan ko na kayo" Saad nya
"Nako wag na Kaya na namin to" sagot ko, nakakahiya Naman Kasi.
"Anong Kaya Hindi Kaya! Sige mj tulongan mo ako dito" si Bernadette.
"Sige " sagot ni mj at tinulongan si Bernadette.
Kinuha ko yung tali at hinila ulit saka ibinaun sa lupa.
"Akin na Yan" nagulat ako ng biglang agawan ni chester yung tali.
"Ako na baka masaktan kapa" sabi nya saka dinikdik yung bakal.
"Ayan tapos na" Sabi nya at nag pagpag ng kamay.
"Thanks" Sabi ko at tumalikod na.
"Aliah mag usap tayo pwede?" Napahinto ako sa sinabi ni Chester.
Lumingon ako sa kanya.
"No!" Matigas na Sabi ko.
"Aliah please" si Chester.
Hindi ko na sya sinagot ayaw ko na syang maka usap pa.
Pinangako kuna sasarili ko na Hindi na ako makikipag usap pa kay chester.
••••••••••
Gabi na andito kaming lahat sa labas ny tent namin nag bonfire kami para Hindi kami lamigin.
Naka palibot kami sa bonfire may activity Kasi kami ngayon.
"Ready naba kayo sa first activity nyo?" Si sir.
"Yes sir" sagot naming lahat.
"Ok Ang activity natin ngayon is mabigay kayo ng kinakatakutan nyo and explain it" si sir.
"Mag umpisa tayo kay Josh saka sunod sunod na" si sir.
Si Josh yung na una kaya sinabi nya yung kinakatakot nya at inexplain nya naman Yun.
Mag kaiba sila ng kinakatakot yung iba din mag kaparihas.
Nag tawanan lang kami saka may seryosohan din.
Hanggang umabot na sa xyz, kaya sila na yung sasagot.
Nauna si Kurt.
"Natatakot ako sa ipis, dahil pag tinignan ko sila tumataas yung balahibo ko tas napaka dumi nila"
Sumunod naman si Sean.
"I'm afraid of ghost, Wala lang takot lang ako sa multo Yun Kasi nakikita ko sa tv nung Bata pa ako"
Sunod naman si Vishnu.
"Takot ako mag confess"
Natahimik kami sa sinabi ni Vishnu, iba Kasi yung kinakatakot nya.
"Dahil diko alam kong ano ang isasagot takot akong ma busted"
Nag bulongan naman yung mga ka klase namin sa sinabi ni Vishnu.
Parang in love si Vishnu at di nya ito masabi dahil takot sa sya ma busted.
Kung ako lang yung babaeng yun sasagutin ko si Vishnu napaka bait nya Kasi tas gwapo pa.
Kapal Naman ng babaeng mambusted Kay Vishnu!
Sumunod naman si mj kaya lahat tumahimik.
"I'm afraid of loving, because...."
Huminto sya para syang naiiyak.
Nasaktan naba sya??
Bakit takot syang mag Mahal? May Minahal na basya tas sinaktan sya Kaya takot syang mag Mahal?
"Because...." Hindi nya itinuloy yung sasabihin nya.
"I can't explain sir" naka duko nyang Sabi.
Lahat ng ka klase ko parang naaawa Kay mj. Parang nasaktan talaga sya dati kaya takot nasyang mag Mahal ulit. Yun siguro no??
"Ok next, your turn aliah"
Luhhh ako na pala? Hindi ko na pansin Yun ah!
Mag katabi Kasi kami ni mj tapos Ni chester pinagitnaan nila ako.
Parang mga Bata Kasi nag aagawan ng pwesto kanina.
"Takot po ako sa dagat" sagot ko
"Takot ako sa dagat dahil muntik na akong malunod sa dagat nung Bata pa ako. Kaya hanggang ngayon may trauma na ako sa dagat." Dugtong ko.
Sunod naman si Chester.
"Chester your turn" si sir.
"I'm afraid of heights no more explanation thats all" Sabi nya
Natapos yung activity namin lahat kami may 10 poins.
Pinabalik na kami ni sir sa kanya kanya naming tent.
______________________
To be continue.........