Obey Him

By JFstories

26.9M 1M 352K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 58

258K 11.3K 5.9K
By JFstories

WHAT WAS HIS REACTION?


I wanna know. Hindi ko tinupad ang pangako ko na hihintayin siya. Nagalit ba siya? Malamang. I'm sure aligaga na naman lahat sa mansiyon mula kahapon. Ang mga guards niya, siguradong hindi na mapakali kaka-radio at kakaikot para hanapin ako. At si Jackson? Hindi iyon matatahimik sa paghahanap sa akin.


Matapos akong i-save ni Calder kina Olly ay isinama niya na ako. Nakasunod pala siya sa akin mula pa nang umalis ako ng mansiyon noong hapon kaya alam niyang pumunta ako sa school. Nahuli lang siya ng dating dahil nahirapan siyang makalusot sa guard sa gate. Isinama niya na ako pagkatapos. At alam ng guard ang nangyari, sinabi ni Calder bago kami umalis. Kaya malamang alam na rin ni Jackson...


I was silently crying while watching the television. Ang palabas ay SpongeBob SquarePants dahil wala namang ibang mapapanood ngayon na pwedeng kumuha ng interes ko.


"Kaiyak ba?" Biglang may nagsalita mula sa pinto. Ni hindi ko namalayang bumukas iyon.


Gulat akong napalingon sabay punas ng aking mga luha. Si Calder ang bagong dating. Hinubad niya ang suot na kulay grey na hoodie at isinampay sa likod ng pinto. Dito kami sa cabin ng kakilala niyang attorney tumuloy. Sabi niya kasi ay kayang hanapin ni Jackson ang lahat ng mga properties niya kaya mas makakabuti if dito muna kami mag-stay.


"Palamig ka muna." May bitbit siyang Ministop paper bag sa isa niyang kamay nang lumapit siya. "Anong gusto mo Coke o Sprite?" Nilabas niya ang laman ng paper bag.


"Coke."


"Mismo?"


"Oo."


Napangisi siya. "Isang araw palang miss mo na. Bangis naman."


Nakamamatay na irap ang ibinigay ko kay Calder saka ko hinablot ang hawak niyang Coke in can.


"'To naman, binibiro ka lang." Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. "Mula kasi nang dalhin kita rito, nag-iiiyak ka na lang. Ni hindi ka na makausap."


Napayuko ako. "Sorry..."


"Sorry for?" Naupo siya sa sahig para silipin ang mukha ko. "Galit ba ako? Hindi di ba? Ayoko lang talaga na ganyan ka."


"Calder..."


"Naiintindihan ko, Fran." Ngumiti siya ngunit malungkot ang kanyang mga mata. "Naiintindihan ko na mahal mo iyon kahit may saltik iyon."


Magsasalita sana ako nang biglang magring ang phone niya. Mabilis siyang tumayo at sinagot ang call. Ilang segundo rin siyang hindi nagsasalita at nakikinig lang sa kausap sa other line.


"Are you sure, Officer? Thanks, thanks. 'Will talk to my attorney about this." Pinatay niya na ang call at seryosong lumingon sa akin.


"Sino iyon?" kabadong tanong.


"I already have evidence that Jackson killed your mom, Fran."


Nanghihinang nabitiwan ko ang Coke. "You're lying..."


"Sana nga. Sana nga para hindi ko nakikitang nasasaktan ka ngayon."


...


SECOND DAY.


Pangalawang araw na akong hindi umuuwi sa mansiyon. At kalat na kalat na ang mukha ko sa diyaryo at maging sa TV. I am now a missing person at laganap na ang pagpapahanap sa akin. One-hundred million lang naman ang reward sa makakakita sa akin.


"Tss..." Pasalampak na naupo sa katapat kong upuan si Calder. "I was right, he's insane."


"Saan ka na naman ba galing?" I asked him. Umalis kasi siya kaninang umaga at ngayon lang siya umuwi.


Napasabunot siya sa kanyang buhok matapos maghimas ng batok. "I went to your school."


"Ha?"


"Nahatulan ng disciplinary action iyong mga nambully sa 'yo. Lahat nakick." Tumingin siya sa akin. "Iyong Olly..."


Bigla akong kinabahan. "What happened to Olly?"


"She tried to kill herself."


"What?" Bigla akong napatayo.


"Bagsak negosyo nila. Iyong tatay niya nakulong kasi daming kaso ng panggagantso. Nahalughog lahat iyon. Nadepressed siguro si ate mo girl kaya naglaslas."


Natigilan ako nang may maisip. "Si Jackson ba ang may gawa nito?"


"Alangan namang ako?" Umirap siya.


"Sina Jaeda, Hyra, at Sacha? Kumusta sila?"


"Di ko naman kilala iyong mga iyon e. Pero alam ko, may kanya-kanya silang pinaglagyan. Iyong kapatid ni Valentina, ayun naka-quarantine sa kanila. Nabugbog daw ng tatay dahil nga sa napahiya sila nang kumalat iyong balita ng pambubully nila."


Nanahimik ako. Alam ko namang may kasalanan sila, pero nakakaawa pa rin ang nangyari sa kanila. Lalo na kay Olly.


May ibinatong basic cell phone sa akin si Calder. "Tatawagan ka ni Tiya."


"Tiya?"


"Si Mrs. Cruz. Kapatid ng mama ko."


Napaawang ang mga labi ko.


"Kukumustahin ka lang. Ayaw maniwala na di kita pinagsasamantalahan dito e. Concerned din naman sa 'yo iyon kahit paano."


That was another revelation. Ano pa bang hindi ko alam? Maliban sa nagsinungaling si Jackson sa akin nang sabihin niyang hindi niya pinatay si Mama. Nagtagis ang mga ngipin ko nang maalala ko ang huli naming pag-uusap ni Jackson about Mama.


Nag-aalalang tiningnan ko si Calder. "Paano na pala? Pinapahanap na ako ni Jackson. Manenelikado ka kapag may nakaalam kung nasaan tayo."


"Walang may alam nito." Tumingin siya sa malayo. "Sa ngayon."


"Calder, uuwi na lang ako."


"Why?" Biglang lumungkot ang mga mata niya. "Para isako ka na ni Jackson this time?"


"Ayaw kong mapahamak ka." At ayaw kong tuluyang mabaliw sa pag-aalala si Jackson sa akin. Kahit pa may kasalanan siya, hindi ko siya kayang pabayaan. Siguro dahil baliw na rin akong katulad niya, dugtong ko sa isip.


"Kahit naman umuwi ka na, gigil na sa akin si Jackson."


Napatitig ako kay Calder. Nang maalala ko ang connection nila ni Jackson ay nakalimutan ko muna panandalian ang mga problema namin. Parang may humihipo sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang narealized na maliban sa hugis ng mga mata ay pareho rin pala sila ni Jackson ng ilong. Magkasing tangos. Magkasing perpekto.


"Kamukha mo ang kuya mo," I said to him all of a sudden.


Umismid siya na parang bata. "Kuya my ass!"


"Siya ang nauna, kaya kuya mo siya." Nginitian ko siya. "Nakaka-curious, kailan mo nalaman na kapatid mo siya? Alam din ba niya?"


"Alam namin simula pa lang."


"Talaga?" Tuluyan na akong nakalimot sa problema at nafocused na sa curiosity tungkol sa kanilang dalawang magkapatid.


He reclined his chair. "Katulong sa mansiyon ang mama ko at si Tiya. Sila na lang kasi sa buhay e, kaya noong magkatulong si Mama sa mga Cole, bitbit niya si Tiya. Working student si Tiya noon kaya hindi siya madalas sa mansiyon. Nandoon lang siya pag walang klase, ganun."


Tahimik lang akong nakikinig.


"Buntis si Donya Jacqueline, maselan. Ayaw tumabi sa asawa. Hayun, ang lasing na Don, mama ko ang tinabihan."


"Ha?" Napahawak ako sa mattress.


"Vice raped my mother." Malungkot siyang tumingin sa akin.


My mouth fell open.


"Hindi doon natapos. Naulit pa iyon. Hindi sinasabi ni Mama kay Tiya kasi ayaw niyang magulo sa pag-aaral si Tiya. Saka wala naman silang pupuntahan kung aalis sila e. Baon din sila ng utang sa mga Cole dahil bago mamatay iyong lolo ko, naospital muna iyon. Cancer. Sinagot ng mga Cole lahat pati chemo hanggang libing."


Pakinig na pakinig ako at wala akong masabi ni katiting. Ramdam na ramdam ko ang pait sa kwento ni Calder.


"So ayun nga. Naging favorite comfort woman ni Vice noon ang mama ko. Hanggang sa nabuo ako. Hanggang sa nalaman ni Donya Jacqueline. Napaanak ng wala sa oras ang donya, namatay rin sa panganganak kasi maselan nga ang pagbubuntis."


"Totoong namatay ang mommy ni Jackson sa panganganak? Kung ganoon sino iyong mommy na ikinukwento niya?"


"Gawa-gawa lang ng utak niya." Bahaw na tumawa si Calder.


I was shocked and saddened to hear the truth. I could imagine the young Jackson being an orphan. Na dahil sa kalungkutan, napunta siya sa ganoong kalagayan. Parang pinupunit ang puso ko.


Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko.


"Pareho lang naman kaming lumaking walang magulang e, pero hindi naman ako nabaliw na tulad niya. Pero iyong mama ko, nabaliw talaga."


"Ha?" Nagpunas ako ng luha.


"Noong namatay si Donya Jacqueline..." his voice suddenly broke. "Pinalayas ni Vice ang mama ko sa mansiyon."


"But she was pregnant..."


"So? Pakialam ba ni Vice kung buntis si Mama? Basta pinalayas niya. Umuulan iyon. Pinalayas niya. Umuulan iyon. Natulog sa kalsada si Mama noon. Nakabalik lang sila sa mansiyon noong umuwi si Tiya galing school. Wala kasing alam si Tiya na si Vice ang tatay ng ipinagbubuntis ni Mama e. Akala ni Tiya e iyong dating boyfriend ni Mama na sekyu sa kabilang mansiyon."


Now I fully understand Mrs. Cruz' behavior.


"Pero nagbreak na si Mama saka iyong sekyu na iyon. Kahit mahal na mahal ni Mama iyon, kailangan niyang makipagkalas kasi nga buntis na siya sa ibang lalaki e."


"Anong nangyari nang bumalik sila sa mansiyon?"


"Tinanggap naman ulit sila. Si Tiya ang naging tagapangalaga kay Jackson habang wala pa raw nakukuhang babysitter that time. At iyon din iyong time na alcoholic na si Vice. Si Mama ang pinag-iinitan niya. Sinisisi niya si Mama kasi namatay nga si Donya Jacqueline. Napaanak na lang si Mama sa takot. Wala e, mahina talaga loob ni Mama."


My hands clenched tightly on the mattress.


"Nang maipanganak ako ay saka lang sinabi ni Mama kay Tiya ang totoo. Nagalit si Tiya kay Vice. Nagbanta na magdedemanda, pero pinigilan siya ni Mama. Ayaw ni Mama ng gulo. Sobrang traumatized na rin siya kay Vice kaya gusto na lang niyang lumayo kapalit ng malaking halaga bilang kabayaran. Binigyan sila ni Vice ng five million kapalit ng pananahimik nila. Tinanggap nila. Naging practical sila. Nagkapirmahan. Pero after noon, nawala na sa sarili si Mama. Hindi niya na kinaya."


Walang kasing sama. Paanong nagkaroon ng ganoong ama sina Jackson at Calder?


"Hindi na nakatapos sa pag-aaral si Tiya kakaalaga sa akin at kay Mama. Two years old ako nang maging sakitin. Dalawa na kami ni Mama na labas-masok sa ospital. Naubos iyong pera dahil inuna ni Tiya na makabili ng bahay para may tutuluyan kami. Naubos sa needs at sa maling paghawak. I was eleven nang bumalik si Tiya sa mansiyon para mamasukan ulit. Tinanggap siya ni Vice, ewan kung bakit. Siguro nakokonsensiya. Si Tiya na ulit ang nag-alaga kay Jackson after that."


"Sino ang nagbabantay sa mama mo?"


"Sa bata kong edad, ako na ang nag-alaga kay Mama. Medyo naging okay na rin kasi siya kalaunan. Minsan naman okay si Mama e, may times lang talaga na sinusumpong siya."


Tumango-tango ako.


"Naging maayos na rin si Mama noong nineteen ako. Actually, nakapag-asawa pa siya. Isang American citizen. Si Joseph Knight, my step-dad. Naging okay naman sila. Until malooban kami, napatay si Daddy Joseph dahil sa pagtatanggol niya kay Mama. Binalak kasing pagsamantalahan pa ng mga nanloob sa amin si Mama. Doon na natuluyang nabaliw si Mama." Napabuntong-hininga siya.


"I'm sorry..."


"Akala ko talaga, Fran, okay na e. Kasi may bago na akong daddy. Buo na ang pamilya ko at okay na si Mama... pero ganun-ganun lang, naglaho rin ang lahat."


"Calder..." Inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil.


"Gabi-gabing nagwawala si Mama. Isinisigaw niya ang pangalan ni Vice. Galit na galit siya. Takot na takot. Nag-aalala. Halo-halong emosyon. Nagwawala siya, nananakit. Wala kaming nagawa ni Tiya kundi ipasok na siya sa mental institution para mas matutukan siya ng mga espesyalista."


Ramdam ko ang pagtigas ng kamao niya sa loob ng palad ko. Nahihirapan siya sa pagkwento, but this is the only way na rin para mailabas niya ang mga naipong galit sa kanyang dibdib.


"Nang malaman ni Jackson ang tungkol kay Mama, dumalaw siya sa mental. And you know what happened? Nagwala si Mama. Inatake. Why? Because she saw Vice in him. The younger version of her rapist, the one who ruined her life!"


"Kaya nakipagkasundo ka kay Jackson noon na wag magpapakita sa mama mo kapalit ng pag-alis mo sa mansiyon?"


Marahan siyang tumango. "Hindi matapos-tapos ang problema, Fran. My mother was diagnosed with cancer while she's in mental institution. Just like my late grandfather, nagka-cancer si Mama. Kinailangan siyang ilipat sa mas malaking ospital."


"Dinalaw siya roon ni Jackson?"


"Yeah. May times na okay naman si Mama e, may times pa nga na naaabutan kong dinadalaw siya ni Jackson at maayos silang nag-uusap na dalawa. Pero itong mga huli bago bawian ng buhay si Mama ay hindi niya na makilala si Jackson bilang si Jackson. Ang tingin niya na rito ay si Vice noong kabataan nito. At hindi nakakatulong iyon sa kalagayan ni Mama."


"At ginamit niya iyon laban sa 'yo? Para umalis ka? Para... iwan mo ako noon..."


"Yes he fucking stoop that low." Naiiling siya habang pinalalagutok niya ang mga daliri niya sa isa niyang kamay. "Ganun siya ka-obsessed sa 'yo at sa mga plano niya sa 'yo. He saw me as a threat that time kaya kinailangan niya akong idispatsa. The only way para mapapayag niya akong lumayo ay ang takutin ako about my mother. Alam niya kasi na si Mama lang ang kahinaan ko sa mundong ito."


Napayuko ako. "I'm sorry..."


Napatawa siya. "Bakit ka magso-sorry? Kasalanan mo bang minahal kita? Kasalanan mo bang minahal ka namin? Hindi mo kasalanang maging lovable."


Lumabi ako. "Nagagawa mo pa diyang magbiro."


Ngumisi siya. "Pero alam mo? Mabait naman din iyon si Jackson kapag walang sumpong. Actually, nang malaman niyang may kapatid siya sa labas, pinahanap niya ako. Kahit ayaw ng daddy niya, pinapunta niya ako sa mansiyon. He even hired me as his bodyguard since ayoko tumanggap ng limos mula sa kanila, sinuswelduhan niya na lang ako ng five times higher than the usual bodyguard fee."


"Pero si Mrs. Cruz hindi na talaga umalis sa mansiyon."


"Napamahal na siya kay Jackson e. Naaawa siya kasi katulad ko, biktima lang rin si Jackson. Saka isa pa, ayaw niyang mawalan ng koneksyon sa mga Cole dahil gusto niya akong ipaglaban. Gusto niya may makuha ako sa yaman ng mga Cole since anak din ako ni Vice."


"At hindi siya mapaalis ni Vice dahil maraming alam si Mrs. Cruz. Now I know kung bakit parang ang powerful ng aura niya."


"Ganun lang talaga iyon." Tumawa siya muli. "Marami kasi iyong pinaghuhugutan. Hindi na nga nakapag-asawa ulit, di ba?" Nakapag-asawa naman si Mrs. Cruz pero nabyuda rin agad. Wala itong anak kaya itinalaga na raw ang buhay para kay Calder at sa pagganti kay Vice.


"Do you love your brother?" bigla kong naitanong.


Sandaling nanahimik si Calder bago siya mahinang tumawa. "Gusto ko siyang mapaayos. Gusto ko siyang tumino. Sa mundong 'to, ako lang naman ang hindi in denial na may topak siya. Ako lang ang hinding-hindi kukunsinti sa kanya."


Napangiti ako. "So you love him."


Tiningnan niya ako. "Pero mas mahal na kita ngayon."


Nag-iinit ang mukha na nag-iwas ako sa kanya ng tingin.


"I want a new life with you, Fran. Ikaw na lang ang meron ako..."


I let go of his hand. "Ako na lang ang meron siya..."


Namayani ang katahimikan sa amin.


"Fran, dito ka muna. Mag-isip-isip ka muna," pagkasabi'y tumayo siya. "Kumain ka na lang kung anong trip mo diyan kapag nagutom ka, ha? Sa labas lang ako."


Napaangat ako ng tingin. "Anong gagawin mo sa labas?"


"Tutulala sa stars."


"Can I go with you?" Mababaliw na kasi ako dito sa kuwarto. Mula kasi noong dumating kami rito ay hindi na ako lumabas.


Nakangisi siyang lumingon. "Sigurado ka sasama ka sa pag-star gazing sa akin? Ang romantic nun. Hindi pwede, may asawa ka na e."


"Lumayas ka na," gigil ko siyang pinagdabugan.


Tatawa-tawa na lumabas na nga si Calder.


Nang wala na siya ay bumalik ako sa katahimikan. Alam ko, nararamdaman ko, hindi lang ipinapakita ni Calder sa akin pero katulad ko, nasasaktan din siya. Tama nga talaga si Sacha at si Vice. Malas ako.


Ako ang lason hindi lang kay Jackson. Kundi pati kay Calder. Ako ang sisira sa kanilang magkapatid.


Nang masiguro kong nakaalis na talaga si Calder ay isinuot ko ang aking sandals at marahan kong tinungo ang pinto. Palabas na ako ng hallway nang biglang may baril na biglang tumutok sa aking noo.


"And where do you think you're going, huh?"


Napalunok ako.


Idiniin niya pa lalo ang baril sa sentido ko. "You don't wanna stay here? Fine! Maybe it's better if you just die," pagkasabi'y ngumisi siya na tila demonyo.


Mapait akong ngumiti sa kanya. "Valentina..."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...