The Sunset's Cry (Nostalgia O...

Por juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... Más

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin

34 7 0
Por juanleoncito

Isang napakalaking araw na paghahandaan, panibagong eksenang gagawin sa loob ng pelikula. Naghahanda, ngayo'y nasa sasakyan patungo sa isang resort na tanging set ng mga nakasunod na mga eksena.

Binabagtas ang daan pawang malapit na sa pupuntahan kung kaya ang tingin lamang ay diretso sa daan. Biglang pagtunog ng telepono na nasa harapan ko't nakadikit sa cellphone holder, sinagot at pinindot ang loudspeaker.

"Yes Yaz?" pagtatanong ko nang si Yaz ang tumawag.

Matuling takbo, hawak lamang ay sa manobela't nagsasalita habang naka-loudspeaker ang telepono.

"Direk, we're now at the set. Hinahanap ka na po ng assistant producer," bigkas nito.

"Can you just tell them that I'm on my way. Bakit ba kasi kayo nagmamadali?In ten minutes, I'll be there. Malapit na ako."

Napakunot na lamang ng noo na para bang naiinis sa tuwing minamadali ang oras na sana'y sakto sa plano.

"Okay Direk," aniya.

Binaba agad ang kabilang linya at tanging tingin muli ay nasa kalsada.

Mahigit sampung minutong nakalilipas narating ang paroroonan. Agad na ipinarada ang sasakyan at bumaba upang kunin ang gamit sa likod ng sasakyan. Dumiretso na sa entrance sabay pagbungad sa akin ni Jim.

"Bro, sakto, tara. Kanina ka pa nila hinahanap," ani Jim.

Naglakad na papuntang set habang nagsasalitan ng mga salita kasama si Jim.

"Ano bang minamadali nila? Sino bang assistant producer ang nandiyan?" pagtatanong ko kay Jim.

"Si Ms. Castro, 'yung nandiyan. Bakit?" tanong niyang muli.

"Eh kasi, kanina pa tumatawag eh. I know nakahanda na 'yung set."

Pagbigkas ko habang napapabuntong-hininga na lamang sabay pagyuko subalit sa pagtanaw muli sa aming dinadaan ay bumungad sa aming harapan ang tumatakbong si Yaz.

"Direk, I'm sorry but you need to see Ms. Castro now." Nahihingal niyang bigkas nang ito'y tumakbo papunta sa aming nilalakaran.

"Ano bang nangyari?" pagtataka ko't agad naman kaming naglakad ng mabilis papuntang set.

Bumungad sa aking presensiya ang papalapit na si Ms. Castro kasama si Direk V nang narating na ang set. Tila bang ayos na ayos na ang mga dekorasyon, naghahanda na rin ang mga artista sa kanilang mga tent kung kaya't walang nakikitang dahilan para  mataranta't mamroblema

"Direk, thanks to God, you're here. We have a big problem..." bungad ni Ms. Castro.

"What is it? Akala ko ba okay na ang location, decorations?" pagtataka ko.

"No Direk it's not about that," ani Direk V.

"Ano nga?" diin ko pa.

Tila bang natataranta na rin sa kanilang mga kinikilos hindi pa rin matanto ang pinoproblema nila ngayon.

"It's about Sam. Wala pa siya, she's still stucked in traffic. Hindi pa siya naaayusan," bigkas ni Ms. Castro dahilan ng pagkagulat ko.

"Ano? We're about to start, marami pa tayong scenes na gagawin ngayon..."

Nanluluyang salita na para bang gusto na lamang sumabog kung kaya't pinagsisikapang matapos ang mga eksena ngayon na para bang ma-de-delay na naman ito.

"Yaz, call Sam and ask where is she. Papasundo na lang na'tin sa mga may motor dito," bigkas ko kay Yaz.

"Kailangan na'ting maghabol ng eksena, nahuhuli na tayo sa time frame na'tin. Puro tayo delays."

Pangungusap kong muli habang sila'y sinusubukang tawagan si Sam. Wala ng oras para magsayang ng panahon, limitado na lamang ang oras ngayon.

Napaupo na lamang nang pumasok sa tent. Hinihintay ang pagdating ni Sam sa lugar ng taping. Maayos na ang mga dekorasyon pati na ang mga artista't maging ang isa pang bidang si Jason ay nakapag-ayos na rin.

Napapailing na lamang, naiisip na ilang beses nang na-de-delay ang mga eksena. Hindi kakayin kung ito pa'y madadagdag. Ang taping na ito ay one day taping lamang.

Lumabas ng tent at kinamusta na lamang ang mga artista kung kaya't pinag-aralan na lamang ang gagawing eksena sa araw na ito.

"J, okay lang ba kayo rito?" pagtatanong ko kay Jason nang ito'y pumasok sa kanyang tent habang nag-eensayo ng mga linya nito.

"Yes Direk, don't worry. Ineensayo ko na lang 'yung mga linya ko," ani Jason.

"Ang tagal kasi ni Sam eh. Ganito na lang, i-sh-shoot na lang natin 'yung scenes mo habang hinihintay si Sam. Sayang 'yung oras marami pa tayong gagawin ngayon."

Napabuntong-hininga na lamang at binigyan ito nang pagtango nang naisipan na lamang gawin 'yung mga eksenang gagawin ni Jason na wala si Sam.

Lumabas ng tent ni Jason at nagbigay na lamang ng deriktiba upang kumuha ng eksenang hindi kabilang si Sam.

"Okay, crews and talents, let's just start our taping even if wala pa si Sam. I-sh-shoot na lang muna natin 'yung mga eksena ni Jason. Sige na, move na tayo, sayang 'yung oras natin."

Pag-anunsyo ko nang kinuha ang megaphone. Agad namang nagsipwestuhan ang mga crew at nag-block ang kabilang sa mga eksenang gagawin. Pumunta sa controls upang simulan na ang pag-oobserba.

Ibinigay naman ni Direk V ang mga alituntin at mga deriktibang gagawin habang hawak-hawak ang call sheets at hard copy scripts ng pelikula.

Saglit pa'y naging handa na ang lahat, ganoon din si Jason na nasa pwesto na niya, napabuntong-hininga. Ako nama'y nagsimula ng magbigay ng direktiba at commands habang nakatingin sa screen na nakukuha ng mga kamera.

"Okay, observe blocking. Brian's phone will rang. Cameras rolling in three, two, one. Action!" pagsugo ko na naging hudyat ng pagrolyo ng mga kamera.

Eksena'y narito sa isang resort na ang ganap ay IT Department company party. Nagsasaya, isang araw ng pagliwaliw para sa kanila. Sila'y nakaupo, nasa loob ng isang function room, puno ng dekorasyon, ingay ng musika't nagsasayawang ilaw at maging mga nakahilerang pagkain sa mga mesa.

"Guys, labas muna ako, hahanapin ko saglit si Elisse," wika ni Jason.

Ito'y tumayo at tuluyang lumabas ng function room nang tumango ang iba pa nitong kasama sabay pagngisi.

"Cut!" sigaw ko.

Natapos ang unang eksenang gagawin ngayon at dumiretso na sa susunod kung kaya't hahanapin niya si Elisse, na si Sam, sa labas ng function room.

"Continue. Bubuksan ang pinto. Cameras rolling... Action!" sugo kong muli.

Binuksan ang pinto habang tanaw na tanaw doon ang kagandahan ng dagat at maging ang sikat ng araw kapag ika'y lalabas.

Ito'y nagsimulang maglakad upang hanapin si Elisse ngunit iba ang mangyayari nang bumungad sa kanya ang presensiya ng boss niya.

"Brian, good to see you here," pagbati ng isang artista na boss niya.

"Ikaw din sir. Nakapunta po kayo..."

Ngumiti si Jason at kinamayan ito sabay pagkagalak nilang dalawa. Ako nama'y nakatingin pa rin sa screen habang inoobserbahan ang galaw ng mga kamera, maging ang kanilang mga dayalogo.

"By the way, Mr. Bonifacio, regarding with the company's offer. I will not get tired of telling this to you, 'Would you accept the offer in London?'," ani boss.

Ngumiti Jason at sumagot. "Sir, I'm very thankful for this offer but kagaya nga po ng mga sinabi ko. Hindi na po kailangan, Elisse and I already talked about it but 'yun nga thank you pa rin po dahil ako po 'yung napili ninyo."

"It's okay. I still respect your decision, Mr. Bonifacio. So, this will be a rejection of third time?" wika niya pa't tumawa na lamang sila.

Nakabantay pa rin, simula't sa simula wala pa ring mintis ang eksenang ginagawa ngayon.

"Maybe? But that will be my last rejection," bigkas ni Jason.

"W-What do you mean?" pagtaka ng boss na para bang napangisi na lamang.

"I don't know but this will be the day that I will propose to Elisse, kinakabahan na ako. Sana, wala ng rejection 'to."

Kitang-kita sa mga mata't reaksyon ni Jason ang tamang timpla ng eksenang ito. Napangisi, napailing habang tanaw mo ang kabang naggawi niya.

"Oh really? I knew it, tama nga 'yung narinig ko sa kanila kanina," aniya.

"Ano? Sabi kong hindi mag-iingay eh..." napakamot sa ulo't tumawa pareho.

"Don't worry, no more rejections this time. Good luck!" wika pa ng boss ni Jason.

"Thank you sir," sagot ni Jason.

Pagtango at pagngisi ang naggawa ng boss nito at tuluyan ng pumasok sa loob ng function room. Mga kamera'y nasa kay Jason na lamang habang inaakto ang tamang reaksyon na gagawin.

"Long shot and... Cut! Nice take, walang mintis. Good Job!" direktiba ko't napahinga ito ng maluwag.

Tila bang napapalakpak ang lahat sabay pagkumpol muli ng mga crew upang ayusin ang set. Hindi pa rin natatanaw ang presensiya ni Sam nang natapos na ang unang bahagi ng mga eksena.

Nag-retouch, inayos ang mga dekorasyon para sa susunod na eksena habang minuto pa ang nakalilipas, banayad ang loob nang may dumating na kotse sa may gate, inaasahang si Sam na ang bubungad sa amin.

"Direk! I'm very, very sorry for the delay. Napaka-traffic po talaga tapos I have too much sleep, I'm sorry po talaga. It's my fault."

Pagdagan ni Sam sabay pagmamakaawa nito sa harapan ko. Nakatingin ang lahat sa kanyang pagdating, maging si Jason ay ganoon din.

"Yes, I'm sorry but it's your fault Sam. We are very much delayed with our time frame. Noong una, you'd got an emergency kaya napilitan tayong mag pack-up ng maaga. And this time, you're an hour late," wika ko.

"I'm sorry again, Direk. It won't happen again," sagot niya.

"Huwag ka sa akin humingi ng tawad dapat sa kanila. Anyways, we will continue shooting. Prepare yourself."

Ngumiti ako habang bumalik sa control upang tingnan ang susunod na gagawin. Ito'y napayuko at dumiretso sa kanyang tent upang mag-ayos ng sarili.

Ilang saglit pa ang nakalilipas, agad nang nagsimulang kumuha muli ng mga eksena. Sunod-sunod na mga pagrolyo at tanging gabay ang naibabahagi sa kanila.

Ngunit tila bang sunod-sunod din ang pag-ulit sa mga eksena kung kaya't nagkakamali sila at maging din si Sam. Para bang hindi ito naka-focus subalit hinayaan na lamang dahil na rin siguro sa pressure na nararamdaman niya nang ito'y huli na na nakarating sa set.

Natapos muli ang mga sunod-sunod na pagrolyo. Agad namang nagtungo sa isang lokasyon dito pa rin sa resort upang maging set ng susunod na mga eksena.

Saktong-saktong hapon, pawang papalubog na ang araw. Nasisiyahan, dahil ito talaga ang magiging background ng eksena. Nakakagaan ng loob, napabuntong-hininga na lamang.

Eksena'y nakapiring si Sam habang aalalayan ni Jason kung kaya't isang proposal ang naghihintay. Nakapalibot na mga tao, nakakalat na mga rosas sa lupa habang tanaw na tanaw mo ang paglubog ng araw at rinig na rinig ang hampas ng alon.

Nagbigay na ng cue pati na rin ng direktiba ganoon din si Direk V at ako na'y dumiretso sa control upang obserbaran ang galaw ng eksena.

"Internalize the scene. Sam, be attentive. Okay, cameras are rolling in three, two, one. Action!" sigaw ko sabay pagrolyo ng mga kamera't nagsimula na itong umarte.

"L-Love, anong pakulo na naman ba 'to? Saan na ba tayo---" utal ni Sam.

Hindi mairehistro ang eksena kaya't pinutol muli ang eksena para ulitin.

"Cut! Sam, I can't feel you... Ulit," wika ko.

Tumango ito at ngumisi. "Yes Direk, pasensya na po."

"Okay, internalize pa rin tayo. Take two, cameras are rolling in three, two, one. Action!" cue kong muli.

Pinatuloy muli ang eksena ngayo'y mas maganda ang pag-arte. Sila'y huminto na sa magiging susunod na pwesto at nagsalita.

"Love, sandali na lang 'to," linya ni Jason.

Sa pagkakataong iyon, tila bang may dumaang anghel sa katahimikan ng eksena. Pawang nakalimutang sabihin na mga linya ni Sam ang susunod.

Ako'y napasigaw nang hindi inaasahan. "Love, naguguluhan na ako, saan mo ba ako dadalhin!" linya na dapat sasabihin ni Sam nang ito'y nakalimutan niya at binigkas ko na lamang.

Pawang wala ito sa focus at pinutol na lamang muli ang eksena sabay pagbigay ko ng direktiba.

"Cut!" sigaw kong muli sabay paglapit ko sa kanilang dalawa. "Sam, what's wrong with you? Are you with us?" dagdag ko.

Tinanggal nito ang piring at ngumisi.

"Sorry Direk," aniya.

"Sam, I don't mean to shout you. Just please, focus on yourself, focus on your dialogue kapag hindi mo maalala ang sasabihin mo, you can adlib. Hinahabol lang natin 'yung oras, Sam. Kailangan din nating tapusin 'tong eksenang 'to bago pa lumubog 'yung araw because sunset is part of this scene. Hindi rin natin pwedeng dayain dahil andito na rin tayo, sayang 'yung oras. I just need you to do your best and I'm sorry if you feel offended with what I've said. Kailangan eh, we need to catch-up our time frame."

Kinakailangang pagtuonan ng pansin ang mga bagay na makakabuti sa'yo. Napangisi na lamang sa kanya't tinapik ang balikat nito. Habang napatango naman si Jason na katabi niya.

"Don't mind me, Direk. I'm really, really sorry. I just feel myself on pressure dahil na rin sa pinaghintay ko kayo."

Pagsagot niya at ako na lamang ay ngumiti nang ito'y naiintindihan sa mga nararamdaman niya.

"Huwag mo ng isipin 'yan. Let's just continue. Bawiin na lang natin," wika ko.

Nagsitinginang mga tao, maging kabilang sa produksyon. Kitang-kita ang mga reaksyon nina Ms. Castro at maging si Jim at Yaz. Niyakap na lamang ni Jason si Sam upang gumaan ang loob nito.

Lahat ay napangiti, dumiretso muli sa mga eksenang gagawin. Tuloy-tuloy na ang flow ng taping nang nakatuon ito at kuhang-kuha na ang timpla ng pagbitiw ng mga linya, maging ang pagrolyo ng mga kamera.

"...Elisse Zamora Villalobos, my love, will you be my wife?" linya ni Jason na nagbigay ng ngiti sa aming mga labi.

"Yes!" linya rin ni Sam habang ito'y napangiti at napatabon ng kamay sa kanyang mukha.

Nagtapos ang eksena sa palakpakan at hiyawan. Pati na rin ang pagkarga ni Jason kay Sam dahil sa saya. Napakasaktong kuha ng mga kamera. Napabilib sa kanilang ginawa. Maganda, maganda ang naggawang eksena.

"Cut! Nice take, everyone. Congrats!" pagbati ko't kitang-kita ang saya sa kanilang mga mata, maging si Jason at ganoon din si Sam na bumuti na ang nararamdaman.

"Direk!" pagtawag ni Sam habang ito'y nakangiti.

"Sam, you did a great job. Congratulations!" wika ko nang lumapit si Sam sa akin.

Hindi mapigilang ngiti ang nararamdaman habang inuulit nang inuulit ang eksenang nakuha. Hindi mawala-walang tingin sa screen at tanging galak lamang ang nasa puso at isip.

Nakiki-ayon nga ang kagandahan ng takipsilim at maging ang hampas ng alon ng dagat. Napapatingala na lamang sa langit habang iniinda rin ang saya nang natapos ang eksenang ginagawa. Salamat.

Seguir leyendo

También te gustarán

10.5K 398 60
Sol Trilogy, 1/3. She is young by age, but not by experience, Dane, a normal senior high school student of Liamarno at a glance. She is oustanding i...
1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson
2.1K 529 50
Sela, is a student in Baguio Central University, taking up nursing degree undergo on internship program at a hospital. Afterwards met a strange guy w...
8.1K 225 110
Plugged Series #2 (Completed) "Don't make yourself believe that chances are real for people like us. We do not have chances. We do not rely to it. We...