My Savory Love (COMPLETED)

By AleezaMireya

38.2K 1.9K 452

Love Bites Trilogy - Book 2 "Kung wala kang problema, ako meron, at ikaw lang ang solusyon." More

Author's Note
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 20

2.7K 142 63
By AleezaMireya

Malayo pa lang ay natanaw na niya ang kotse ni Macky sa labas ng gate nila. Nakatayo ito at nakasandal doon.

"Nakita niya ako noong nakaraan na bumibili ng bulaklak. Syempre hindi ko itinanggi na nanliligaw ako sa iyo. Ang hindi ko alam, kukumpetensyahin pala ako," ani Marson na tatawa-tawa nang lumingon sa kanya. "Malas lang niya dahil sa akin ka na. At hinding-hindi ako papayag na maagaw ka ng iba." Dinala nito ang kamay niya sa mga labi. Kahit nagmamaneho ay hawak iyon ng lalaki.

Inabot na sila ng pasado alas-syete dahil pagkababa sa Sky Eye ay dumaan pa sila sa bilihan ng pasalubong sa Tagaytay at doon sila natagalan dahil ilang box ng assorted tarts ang binili ng binata, pasalubong daw nito sa kanila.

"Talaga lang, ha?" May init na gumuhit sa dibdib ni Cheryl at hindi rin niya napigilan ang mapangiti.

"Talagang-talaga!" buong kompiyansang sagot ni Marson kasabay ng pagtigil ng kotse nito sa likod ng sasakyan ni Macky.

Napailing na lang si Cheryl pero hindi naman maalis ang ngiti niya sa mga labi. Yumuko siya para mag-alis ng seat belt.

"Che.." masuyong tawag nito.

Kunot-noong lumingon siya.

"Tayong dalawa na, di ba?" anito na hinaplos pa ang pisngi niya. His eyes calm and tender, they are full of conviction. Ang totoong dahilan lang nang pagtatanong nito ay gusto nitong sa kanya manggaling ang kompirmasyon.

Parehas nilang alam ang sagot sa tanong na iyon dahil kahit hindi naman nila iyon pinag-uusapan mula pa kanina, ang mga kilos naman nila ay iyon ang ibinabadya.

"Kapag sinagot ko 'yang tanong mo baka masaktan ka," biro niya sa binata bago binuksan ang pinto sa gawi niya at saka bumaba.

"Che!" naulinigan pa niya ang panic sa boses nito bago niya naisara ang pinto.

"Hi, Cheryl," ani Macky, lumapit ito at iniabot ang bouquet ng pulang rosas sa kanya. "Pare," bati nito kay Marson na nakababa na rin ng kotse at nakalapit na sa kanya.

"Salamat. Napasyal ka? Kanina ka pa ba?"

"Hindi pa naman ako natatagalan. Yayayain sana kitang lumabas pero sabi ng nanay mo na wala ka pa raw."

"Dapat sa loob mo na lang ako inantay."

"Lumabas lang ako kasi tumawag ang opisina," itinaas nito ang cellphone na hawak. "Pinagrereport na ako doon this week."

"Aalis ka na?" ani Marson, bago pabulong na idinagdag, "Mabuti naman..."

Nilingon niya si Marson at binigyan ng warning look. Ngumiti naman ito na akala mo'y mabait na kordero. Napatawa si Cheryl saka umiling. Lumingon na lang siya ulit kay Macky, "Ingat ka kung gano'n."

"Salamat." Nakangiting sagot nito, ngiting hindi umabot sa mga mata. May humaplos na awa sa puso ni Cheryl pero wala naman siyang magagawa. May iba nang nagmamay-ari ng puso niya.

Inilahad nito ang kamay kay Marson, "Ingatan mo siya, pare."

"Sa lahat ng sandali. Hindi ko hahahayang mawala sa akin 'to," sagot naman ni Marson.

Mahigpit na nagkamay ang dalawa. Wala nang nagsasalita pero ramdam ni Cheryl ang tensyon sa pagitan ng mga ito. Lalo na sa paraan nang matiim na palitan ng tingin ng dalawa. Sa wari'y may kung anong unspoken rule na pinagkasunduan ang dalawa.

Ang taillight na lang ng lotse ni Macky ang tanaw nila nang tawagin siya ni Marson.

Nang lingunin niya ito ay mapahugot ng hininga si Cheryl. Ang intensidad ng emosyon sa mga mata ng lalaki ay sapat para manlambot ang mga tuhod niya. At nang hapitin siya nito sa bewang ay nagpatangay na lang si Cheryl. Natagpuan niya ang sariling nakasandal sa kotse nito. Ipinagpapasalamat niyang gabi na at wala ng tao sa kalsada.

"Che..." mula sa mga mata niya ay bumaba ang paningin ni Marson sa kanyang mga labi.

Hindi halos makahinga si Cheryl. Ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ng lalaki. Hinawakan nito ang baba niya at bahagyang itinaas ang kanyang mukha. Muling nagsalubong ang mga mata nilang dalawa.

"Kailanman ay hindi ako magsasawaang sabihin sa iyo na mahal kita, Cheryl Lei Agustin. At katulad nang sinabi ko kanina, hindi na kita pakakawalan hanggang maging Cheryl Lei Arcillas ka."

Huminga siya ng malalim. Pinangapusan siya ng hininga. Hindi halos maunawaan ni Cheryl Lei ang sinasabi ng binata. Those eyes, they held her imprison. Binasa niya ng dila ang kanyang mga labi. Pakiramdam niya ang nauuhaw siya.

"Damn," ani Marson. Walang babalang inangkin nito ang mga labi niya. Napasinghap siya sa gulat at sinamantala nito iyon para lalong palalimin ang halik.

"Kung alam ko lang, bumukod sana tayo ng gondula. At kung alam mo lang kung anong pagpipigil ang ginagawa ko mula pa kanina," bulong nito nang maghiwalay ang mga labi nila. Nanatiling nakapikit si Cheryl, nakasandig siya sa dibdib nito. Pinaglandas ni Marson ang daliri sa ibabaw ng labi niyang inangkin nito kanina.

Nagmulat siya nang mga mata at sinalubong ang tingin nito,"Hanggang ngayon, nagpipigil ka pa?"

Lalong naningkit ang mga mata nito at hindi naglipat sandali ay magkalapat na naman ang mga labi nila. His tongue probing her lips. She sigh and opened them, giving him better access. Her knees buckled with the intensity of his kisses. Mabuti na lang at yapos siya ni Marson. Kung gaanong katagal siyang hinahalikan ng binata ay hindi niya alam. At wala rin siyang planong magkeklamo. She love being in his arms, being pressed against his hard, warm body.

"Kailangang pakasalan na kaagad kita bago ka pa maagaw ng iba."

Bigla siyang napamulat at napatingin sa lalaki, "Wait lang. Anong kasal ang sinasabi mo diyan?"

"Mahal kita. Mahal natin ang isa't isa, bakit patatagalin pa?"

"Seryosong bagay ang pagpapakasal, Marson. Kailangang tama ang rason bago pasukin 'yon. Hindi yung natreathen ka lang kay Macky, kasal na agad ang sinasabi mo."

"Walang kinalaman si Macky dito," anito nang itaas sa tapat ng mukha niya ang singsing na hawak.

Umawang ang labi ni Cheryl at nanlaki ang mga mata niya. Mula sa singsing ay napatitig ulit siya sa binata.

"Lagi ko itong dala. Ang totoo, unang araw nang pagpunta ko dito, naipakita ko na ito sa parents mo. Hiningi ko na ang blessing nila. Nasabi ko na rin na oras na sagutin mo ako, isusuot ko na kaagad ito sa daliri mo."

"Sandali! Hindi ko natandaang sinagot na kita!"

Ngumiti si Marson, hinalikan siya sa ibabaw ng ilong, "Wag ka nang magdeny. Mahal mo ako. At mahal na mahal rin kita. Mahal natin ang isa't isa."

Kung ano mang protesta ang sasabihin niya ay nilunod na ng mga halik ng binata. Kung paanong nabitawan niya ang bouquet na hawak at nakapaikot na ang mga braso niya sa leeg ni Marson ay hindi na tanda ni Cheryl Lei. Ang alam lang niya, mas gusto niyang mabihag sa mga bisig nito, malunod sa mainit na mga labi ng binata.

"Pakasal na tayo," anito nang muling maghiwalay ang mga labi nila.

"Kasal?" ani Cheryl. Kinagat niya ang labi. Pakiramdam niya ay namanhid iyon. "Parang masyadong mabilis ang gusto mong mangyari."

Lalo siyang hinapit ni Marson palapit, "Labing-isang taon, Che. Actually, maglalabindalawang taon na sa isang buwan ang pag-aantay ko. Mabilis pa ba 'yon sa'yo?" anito, bago muling sinakop ang kanyang mga labi.

Wakas

************************

Author's Note:

Trivia: This trilogy is my first ever project after ng PHR Romance Writing Seminar kung saan ako umattend last May 2017.

Yep, started writing 2017 lang, so still baguhan here. Pagpasensyahan po ang mga grammar at other technical errors. I know, I know hindi dapat dahilan iyan. Kaya inaaral ko na po. Still learning the trade.

Napaka-espesyal sa akin ng mga kwento sa trilogy na ito. Ang tagal nitong natengga sa "baul" at kung alam niyo lang ang dinaanan ng mga kwentong ito bago napublish dito sa watty.

Literal na iyak-tawa ako sa ilang scenes sa trilogy na ito. Sa tuwing kinikilig ang mga bida, kinikilig din ako, sa tuwing nasasaktan at naiyak ang mga bida, naiyak din ako. Nag wa-walling pa nga. Hahahaha!

Needless to say, minahal ko nang kasing level (o baka nga mas higit pa) ng pagmamahal ng mga bidang babae ang mga bidang lalaki sa mga kwentong ito.

At kung napapansin niyo na hindi mga top level executive o CEO o company owner ang mga bidang lalaki sa trilogy na ito (or mostly sa mga kwento ko, in general), that is a concious choice.

Marami ng writers na CEO, bog boss or mafia ang mga bida. So, aangkinin ko na lang yung mga bidang magsasaka, may-ari ng mga SMEs, hardware store owner, mekaniko, on-line seller, teacher. Ordinary people. Street-smart people. People you meet, people you interact on a daily basis.

Doon na lang tayo sa ordinaryong mundo, pero lagyan nating ng konting spice ang kwento.

And that being said, please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito:

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

Ps:

Yung hihingi ng story ni Macky. Please, bear with me. Darating tayo diyan, pero hindi kaagad ha! May mga nakaline - up na po kasi akong MS. 🙏🙏

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 123 6
(On-Going) "Choose... love me or die with me, Bea?" -Roque Zapanta Book cover is a fan made -ctto
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
89.1K 2.6K 15
Love Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyon. Gagawin ko ang lahat, mapasagot lang...