"Hello anak? Nasaan kaba? Bakit hindi ka pa umuuwing bata ka?"
"Eh Ma kasi po ano.. Ma na kidnapped po ako!"
"Ano kamo? Ikaw na kidnapped? Pano mangyayari yon eh ang laki laking bulas mo? Anak nag joke ka na naman."
Toinks.
Imbis na mag-alala ang mama niya,nakuha pa talagang magsabi ng kung ano-ano sa kabilang linya.
Nasa loob siya ng kotse ngayon ni karlo. Sabi nito, ipapasyal lamang siya nito sa bahay nila. Pero di man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapag paalam sa pamilya niya. Basta na lang siyang hinila nito.
Kaya ayun,ang mama niya,tumawag nga pero di rin naman makausap ng matino. Hay ang buhay nga naman. Kung ano ang puno,ay siya ring bunga. Mas malala pa.
"Mama naman. Hindi ka man lang ba nag alala? Pano pala kung totoong na kidnapped ako? Bibiruin niyo parin ba ako?" -napatingin siya kay karlo na nakangisi lang katabi niya. Ang gwapo! "At tsaka mama,hindi po ako malaking bulas,katamtaman lang po."
"Anong katamtaman? Eh mas malaki ka na nga kesa sakin eh. Ikaw bata ka"
"Mama,maliit lang talaga kayo. Syanga po pala,mama,kinidnapped po talaga ako. Kaso nga lang po hindi mukhang kidnapper yung kumidnapped sakin. Si kar---"
"Oo alam ko yun anak.Si karlo. Yung crush na crush mong singer na hindi ka makakatulog hangga't hindi mo nakikita ang mukha niya. Pinag paalam kana niya sakin. Sabihin mo na lang na boto ako sa kanya."
"Mama naman!" -pasigaw na nasabi niya. Kaya bumulong nalang siya. "Huwag po kayong maingay. Katabi ko lang po siya ngayon at baka marinig niya." -Sambit niyang nakatakip ng kamay ang bibig.
Narinig niyang biglang natawa si karlo. Narinig kaya nito ang sinabi ng kanyang ina?
"Mama sige na po bye na. Ingat po kayo jan."
"Bye anak. Mag enjoy ka jan. Sulitin mo ha?"
"Mama!"
*TOOOT-TOOOT-TOOOOOOOOT*
Yun na lamang ang narinig niya. Pambihira talaga ang mama niya. Napakaswerte niya talaga at super close sila nito. Yun bang parang magkapatid ang turingan nilang dalawa. Ngunit may respeto pa rin sa isa't-isa.
Unti-unti niyang binaling ang tingin kay Baby Karlo. Bakit kaya ito natawa? Baka nabaliw na? O di kaya'y......
"Narinig ko yung pag-uusap niyo ng mom mo.."
Halos maibuga niya ang lahat ng hangin sa katawan niya (hangin talaga!?)
"Nakalimutan mo kasing naka loud speak yung speaker mo. But its okay. I'm not finding it bad"
Mayghad! Ano nang gagawin niya? Hindi naman ito bago para kay karlo dahil marami naman ding nagkaka-crush sa kanya. Ang kaso lang,si karlo mismo ang nakarinig! At galing pa mismo sa bibig ng mama niya! Ka-stress!
"Uy narinig mo talaga? As in lahat ng sinabi ni mama?"
"Ahm.. well,not all. Pero narinig ko yung sinabi niya tungkol sakin. Ang kulit pala ng mom mo."
Nasamid siya. Sa dinami-rami ng maaaring marinig,yung parteng iyon pa talaga. Ang malas niya talaga. Ngayon,alam na ni karlo ang lahat.
Wala na siyang itatago pa.
"Ahm,by the way,bakit mo ba naisip na ipasyal ako sa bahay niyo? Hindi mo ba naisip na baka miyembro ako ng 'akyat bahay gang'? "
"Actually, noong una naisip ko rin yon. But since your beautiful,siguro naman hindi diba?" -sambit nito pagkatingin sa kanya.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. Seryoso ba si karlo sa mga pinagsasasabi nito? Maiinsulto ba siya?
"Ahm.. that's a little---"
"oh nandito na pala tayo."
Nanlaki ang mga mata ni ellie nang makita ang isang napakaganda at napaka eleganteng.. ahm.. teka,bahay ba ito o resort?
"Sir karlo! Welcome po! Mukhang may bago tayong bisita ah?" -masiglang sambit ng security guard pagkapasok ng kanilang sasakyan sa gate.
"Siya na po ba yon?"
Napangisi si karlo sa sinabi ng sekyu. "Ahm.. maybe. Mukhang siya na nga."
"Naku sir! Mukha ngang siya na nga, Napakalaki ho ng ngiti ninyo eh!"
"I hope that she will say yes. I cant wait to hear those beautiful words from her.."
"Sigurado pong hindi yan tatanggi sa proposal ninyo,kayo pa!"
"Well,sana magdilang anghel ka.. Anyway,mauna na kami."
Sandali,ano bang pinag-uusapan ng mga ito? Nagtaka tuloy si ellie. Sino ba yung sinasabi nilang 'siya na nga' ? At tsaka anong proposal? Wedding Proposal? Si karlo magpo-propose? Kanino?
"Hey,elleinn"
"Ay proposal!" -nabiglang sambit ni ellie matapos siyang kalabitin ni karlo. Nakatulala lamang kasi siya habang nakadungaw sa bintana ng kotse, iniisip ang mga kaguluhang nagaganap sa paligid.
"You're okay? Bakit tulala ka yata? " -nagtatakang tanong nito.
"Ah! Yeah I'm okay. Nahilo lang siguro but I'm fine. Salamat."
"Huwag ka mag-alala,bababa na tayo."
Napangiti si ellie. "Selemet"
★★★★★★★★★★★★★★★★
"Elleinn Trinidad ang pangalan mo hindi ba?"
"Ah O---"
"Magaling ka bang magpanggap? Magaling ka bang umarte? "
"Ha?"
"Sagot! Oo o hindi?"
"Ha? Anong---"
"Magaling ka bang magkunwari?"
"Marj! Wag mo ngang takutin si elleinn!" -sa wakas ay nagawang sumingit ni karlo sa animo'y pag iinterview ng isang babae kay ellie.
Simula kasi nang dumating sila sa bahay ni karlo, kinukulit siya ng tanong ng bawat taong nakakasalubong nila. Hindi niya nga alam kung saang lumalop ng bahay ni karlo nanggaling ang mga ito. Mantasin mo,bahay lamang ito pero parang mukhang resort sa sobrang laki. Kinabog pa ang bahay nila.
Sa pagpasok nila sa malaking studio ng bahay ni karlo, marami ring tao ang nakapaloob doon. Siguro mga 10-20 katao. May mga dala itong malalaking tarpaulin na mayroong mukha ni karlo. Malamang mga fans ito. Pero sa pag-upo niya palang ay in-interrogate na agad siya ng mga ito.
"Teka nga karlo,ano bang gagawin ko dito? At tsaka bakit nila alam ang pangalan ko? Ano bang nangyayari?" -sunod-sunod na tanong niya kay karlo. Inililibot niya ang tingin sa studio na talaga namang napakalaki. Punong-puno ito ng mga malalaking portrait ng napakagwapong mukha ng hombreng ito.
May babaeng lumapit sa kanila. "Ahm... karlo baby,pwede ba naming mahiram muna sayo si elleinn? Sandali lang naman ito." -mahinahong sabi ng babaeng naka kulay blue na shirt. Ay mali,lahat pala sila nakakulay blue na mukha ni karlo ang nakatatak. Peste.
"Oh sure.. basta huwag niyo munang sasabihin sa kanya." -nakangiting sabi ni karlo sa babae. Mukha namang hindi na bago si karlo sa mga kasama nitong naka kulay blue. Marahil ay palagi namang nakasunod ang mga ito sa tuwing may mga mall shows si karlo.
Hindi na komportable si ellie sa mga nagaganap. Ano ba kasi ang pinag-uusapan ng mga ito? Hindi man lang siya in-inform.
"Para saan ba kasi to karlo?"
"Halika na elleinn." -walang sumagot sa tanong niya. Hinila nalang siya ng babae papunta sa tumpok ng mga nakakulay blue.
"O guys ito na yata!" -sambit ng isang lalaking nakakulay blue din bago pa man sila makalapit sa mga ito.
"Hi beh!" -masiglang sabi ng isang babaeng naka full bangs na bigla na lamang umakbay sa kanya.
"Welcome to our family!" -sabay sabay na sambit naman ng iba pang mga naka blue.
....ano bang sinasabi ng mga ito? Miyembro na ba ako ng kapatiran?... sa isip isip ni Ellie. Ano ba kasing trip nila? Baka bigla nalang siyang hampasin ng kahoy sa likod ng hita.
"Uy beh,tawagin niyo na nga si karlo baby para malaman na nitong si ganda." -sabi ng babaeng naka full bangs sa babaeng una na niyang nakasama kanina. Marj yata yung pagkakarinig niya.
Nagulat siya nang may pasimpleng kumalabit sa kanyang likod sabay bulong. "Magpo-propose sayo si karlo baby."