THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]

By PsychWrites09z

2.1K 1.1K 273

"Everyone of us has a bad side or an evil side. You'll never know kung kailan ito lalabas. Minsan kapag sobra... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
MAIN CHARACTERS
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 20

35 11 8
By PsychWrites09z

This work of fiction are based on a Wide
imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.

Some Typos and Grammatical errors ahead.

Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!

----------------------------------------------------------------

(Audrey's POV)

Umiwi si Gregory ng mag-isa upang ibalita na nawawala si Levi.

Halos hindi na ako magkanda mayaw pa.

Anong gagawin ko! Baka bumalik na si Sevi sa katawan niya kaya ito tumakas or baka may kumuha talaga sa kanya.

Saan na naman kami maghahanap ngayon sa batang iyon.

(Mikaela's POV)

Matapos ang pag-uusap namin nila Greg ay agad akong gumawa ng paraan para makausap ko si Sevi ng maayos.

Subalit hindi ko iyon magagawa ng ako lang kaya naman nagbayad ako ng isang lalaki para dukutin siya at dalhin sa lumang gusali kung saan kami naririto ngayon.

Yes, I kidnapped her para paaminin na siya si Sevi.

I also contacted sofia. She said na pupunta siya.

Napag isip-isip kong e video lahat ng sasabihin niya.

Kasalukuyan siyang nakatali sa isang upuan.

Mahigpit ang pagkakatali ko rito. Wala naman akong ibang intensyon kundi ang palabasin ang katotohanan na siya nga si Sevi at bakit inaangkin niya ang pangalan ng kaibigan namin.

Napansin kong dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Inilibot niya paningin sa paligid.

Medyo magdidilim na.

Tanging lampara lamang ang dala kong upang makapag bigay liwanag sa paligid ng kinaroroonan namin.

"Gising kana pala Levi."

saad ko rito.

"Bakit tayo nandito Mikaela? Bakit ako nakagapos?"

Usisa nito habang iginagalaw ang katawan sa pagkakagapos.

"Pakawalan mo ako Miks. Ano ka ba? Bakit mo ko ginaganito?"

Saad nitong muli.

"I'm so sorry for doing this Levi, Oh sorry I mean Sevi pala right?"

Saad ko naman rito.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa narinig.

"So alam mo na rin?"

Saad nito.

"Yes, Alam ko na and kaya ka andito kasi I want to know why you took Levi's name and Life?"

madiin kong tanong rito.

"Ano ba talagang pinaplano mo?"

Dugtong ko pa rito.

"No!No!No! Nagkakamali ka Miks. It's Me Levi. Ako talaga to."

Saad nito.

"Owws? Ang galing mo umarte Sevi."

Saad ko naman kasabay ng pagpalakpak.

Gusto ko lang naman magsabi siya ng katotohanan.

At maipaliwanag niya kung bakit niya ito ginagawa. Ang magpanggap na si Levi at gawin kaming tangang lahat ng nakapaligid sa kanya.

But it seems like nagmama-ang maangan lang siya.

Ayaw niya magsabi ng totoo.

"Pls. Miks Im begging you pakawalan mo na ako."

pagmamakaawa nito.

"Umamin kana kasi humarap ka sa camera at aminin mo na ikaw si Sevi. At sabihin mo kung bakit mo iyan ginagawa. You made us all crazy to think na ikaw talaga ang kaibigan namin. How dare you Sevi?"

saad ko rito.

Pinipilit pa rin niyang igalaw ang sarili niya habang nakagapos.

"How many times do I have to tell you na si Levi nga ako. Mahabang kwento, but if you are willing to listen. Ikukwento ko sayo. Basta pakawalan  mo lang sa pagkakagapos ko rito Miks. Please"

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang akong natauhan.

Paano kung nagsasabi nga siya ng totoo.

Kaylangan ko siyang pakawalan.

Biglang umihip ang malamig na hangin sa buong paligid.

Hindi ko mawari pero bigla akong kinabahan.

Hindi ko pa man natatanggal sa pagkakagapos si Levi ay bigla nalang akong nakaramdam ng takot.

(Third Person's POV)

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang pagpapalit ng katawan nina Sevi at Levi.

Kasalukuyang si Sevi na ang kaharap ni Mikaela.

Dahan-dahang naglakad si Mikaela patungo sa kinalalagyan ni Sevi.

Bahagya itong nangiti.

"So, Im back! Nasa katawan ko na ulit ako. Pero bakit ganito? Bakit ako nakatali? Si Mikaela? Anong ginagawa niya sa akin? Bakit may Camera? Pinaaamin niya ba ako na ako si Sevi? Pero papalapit na siya sa akin pakakawalan niya na ba ako? Pero kung nakarating ako rito na hindi ako ang nasa katawan ko ibig sabihin posibleng ang kanyang kausap kanina lamang na nasa katawan ko ay si Levi? Kaya nya ba ako pakakawalan? No! Hindi pwede! Hindi pwedeng lumabas ito. Hindi pwedeng mangyari to. Ayoko sa lahat ang nakiki-alam sa mga plano ko. Im sorry for you Mikaela. But I guess its time for you to get rest."

Mga kasalukuyang gumugulo sa isipan ni Sevi.

Sa wakas ay napakawalan na siya ni Mikaela.

Bumuntong hininga ito at pagkatapos ay niyakap ang inakalang kaibigan.

"Sorry, naniwala ako sa kanila."

Mahigpit ang pagkakayakap nito kay Sevi.

Gumanti naman si Sevi habang nakangiti ng kakaibang ngiti.

"Shh.... It's okay. Dahil simula ngayon wala ka na talagang paniniwalaan."

saad nito na labis ikinagulat naman ni Mikaela dahilan upang mapabitaw ito sa pagkakayakap at umatras ito ng malayong distansya dahilan upang mabunggo nito ang Camera na kanina pa nagrerecord.

Tiningnan nito ang Camera dahilan upang mawala ang tingin niya kay Sevi.

Subalit agad din niyang ibinaling ang tingin rito.

Laking gulat niya ng wala na ito sa kinatatayuan nito.

Bakas ang kaba sa ekspresyon ng mukha ni Mikaela.

"Levi?"

Tawag nito.

Hinawakan nito ang camera at tuluyang tumayo.

Gusto niyang kunan ang mga susunod pang mangyayari kahit labis na ang takot na nararamdaman niya.

Agad na sumulpot sa harapan nito si Sevi dahilan upang mapasigaw ito at mapapikit.

Unti-unti na rin tumulo ang mga luha nito.

"Sorry na Levi. Huwag mo naman akong takutin ng ganito."

Mautal-utal na saad ni Mikaela.

Laking gulat ulit nito ng biglang magsalita sa likod niya si Sevi.

Napasigaw at natumba ito.

Sobrang bilis kumilos ni Sevi. Nililito niya si Mikaela at pinaiikot-ikot upang hindi siya makita sa camera.

Muling nabitawan ni Mikaela ang Camera subalit nakatutok ito sa kanya.

Nakukunan siya nito. Ang ekspresyon niyang takot na takot maging ang bawat patak ng luha at pawis niya ang nakukunan rin nito.

"Hindi ka na kaylanman magsasalita pa patungkol sa akin. Dahil ito na ang huling pagkakataon na malalanghap mo ang sariwang hangin sa mundo Mikaela. Ayoko sa lahat ang pakialamera. Paalam."

Sambit nito kasabay ng biglang pagsulpot sa harapan ni mikaela. Napahiga si Mikaela dahil sa labis na pagkagulat. Kitang-kita sa videong nagrerecord na nakalutang si Sevi at pawang nakapatong kay Mikaela subalit kitang may distansya ito sa pagitan nila.

Inilapat ni Sevi ang mga kamay sa leeg ni Mikaela.

Malakas at Madiin.

Dahan-dahan nagpumiglas si Mikaela.

Naghahabol ito ng hininga dahil sa pagkakasakal ni Sevi sa kanya.

"S-e-vi! S-top this Please."

Paputol-putol nitong pagmamakaawa sa garalgal na boses.

Subalit pawang walang naririnig si Sevi.

Ipinagpatuloy niya ang pagkakasakal na wari'y nasisiyahan.

Nakangiti pa ito habang unti-unting nauubusan ng hininga si Mikaela.

Tuluyang nawalan ng hininga ang dalaga dahilan upang bitawan na ito ni Sevi kasabay ng paglaho nito.

Lumiyad ang ulo ni Mikaela at bahagyang napaharap sa camera.

(Sofia's POV)

Ano ba naman kasi tong pinaplano ni Mikaeala kinakabahan talaga ako.

Hindi ko mapigilang mag-isip habang binabaybay ko ang lugar na sinabi sakin ni Mikaela na magiging tagpuan namin.

Hindi ako mapakali. Nakararamdam aki ng takot kaya naman tinawagan ko rin si Brandon at Gregory.

Mabuti na lamang ay dumating sila.

Nang makarating kami sa sinasabing lugar ni Mikaela ay labis ang katahimikan.

"Sigurado ka bang dito yun Sofia?"

Tanong ni Greg.

"Miks."

"Miks andito na kami."

"Miks asan ka?"

Dumagundong ang bawat sigaw namin ng pangalan niya sa paligid.

Subalit  walang sumasagot.

Ano bang nangyayari. Parang may mali talaga.

Umakyat kami sa abandonadong establishimentong ito at patuloy na naghanap.

Naghiwa-hiwalay kami.

Hanggang na nakita kong may kumikislap na red light sa may bandang dulo ng nilalakaran ko.

"Guys dito!"

Sigaw ko upang makuha ang atensyon ng dalawa at samahan akong tukuyin ang bagay na iyon.

"Isang camera? I guess lowbat na'to."

Saad ni Brandon.

Sa hindi kalayuan ay tumambad sa amin ang wala ng buhay na si Mikaela.

Hindi ko mapigilang mapasigaw at umiyak dahil sa nakita.

Lahat kami ay hindi makapagsalita at pawang gulat na gulat.

Hindi maari! Hindi pwede ito! Hindi to totoo.

Ang kaibigan ko, Wala na.

Nakatirik ang mata nito at maputla na.

Hinawakan ko ng dahan dahan ang mga mata niya at tuluyang pinapikit ang mga mata.

"Who did this? Demonyo ang gumawa nito! Napakawalang hiya niya!"

sigaw ko habang hawak ang kamay ni Mikaela.

Hindi ako titigil hanggat hindi ko malalaman kung sino ang nasa likod ng pangyayaring ito.

Hanggang sa naalala ko ang Camera.

Sana narecord doon ang lahat ng pangyayari.

Agad ko itong kinuha kay brandon upang ako ang magtabi.

Ayaw pa niya itong ibigay noong una pero napilit ko din ito sa bandang huli.

"Ipaghihiganti ko ang kaibigan ko ano man ang mangyari. Hindi ko hahayaan na hindi kumilos at mahanap ang gumawa nito sa kanya. Papatayin ko siya kung maaari."

End of Chapter

Zuuup ka #TDIM
Tensyon is Real na!
Expect na ang mga susunod na chapter is intense pa kesa dito haha!

Thank you!
Don't forget VOTE and leave some COMMENT about this Chapter.

Psych
❤️

Continue Reading

You'll Also Like

18.1K 703 77
Aldressa Maia VeƱez. Babaeng puno ng prinsipyo sa buhay. Masunuring anak na kayang sundin lahat ng mga utos ng kanyang magulang. Kahit na minsan ay l...
356K 7.4K 56
Si Liam James Gonzaga ay isang badboy na nainlove sa isang babae ngunit nabigo dahil nagpakasal sa kaibigan niya ang babaeng unang minahal. Dahil sa...
6.8K 242 24
MIDNIGHT SCREAM SERIES I A COLLABORATION (UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) *** EL PACTO DEL DIABLO (THE DEVIL'S PACT) "Ibibigay ko sa inyo ang karang...
845K 19K 34
This story has a 'mix' genre. Note: Prepare your mind and heart. The person who can only read this story are ready to be hurt. Cali is a complete opp...
Wattpad App - Unlock exclusive features