My Savory Love (COMPLETED)

AleezaMireya द्वारा

38.2K 1.9K 452

Love Bites Trilogy - Book 2 "Kung wala kang problema, ako meron, at ikaw lang ang solusyon." अधिक

Author's Note
Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 13

1.1K 90 9
AleezaMireya द्वारा

"HI CHERYL," bati ng lalaking lumapit sa kanya. Pamilyar ito. Ang lalaking nabangga niya sa fastfood restaurant noong isang linggo.  Tatanungin sana niya kung paano nito nalaman ang pangalan niya nang maalaala ang ID na suot. Nakasulat nga pala ang pangalan niya doon.

"Hi, Sir. Good morning," nakangiting bati niya.

"Binati mo ba ako dahil tanda mo ako, o, binati mo lang ako bilang ordinaryong kliyente n'yo?" nakangiti pa ring tanong nito.

“I’m sorry dun sa nangyari noong isang linggo. I hope I made it up to you in some ways,” nakangiti pa ring sagot niya.

“Hindi mo naman kailangang palitan yung order ko. Pero salamat na rin.” Iniabot nito sa kanya ang deposit slip at cash na dala.

“Apology ko iyon kaya hindi mo kailangang magthank you.”

“Sa ating dalawa ako ang kailangang magsorry talaga. Pero mukhang hindi mo ako naaalala. Hindi mo na ba ako tanda, Cheryl?”

Napakunot-noo si Cheryl at napatingin muli sa lalaki. "Nagkita na ba tayo dati?" tanong niya na naging alanganin na ang ngiti.

"Oo. Hindi lang basta nagkita. Mas malala pa doon, actually," ngumiti itong muli. "Macky. Macky Ritual."

"Macky?" napatingin siyang mabuti sa binata, "Hindi kita nakilala!" Malaki ang ipinagbago nito. Hindi niya ma-pinpoint, pero merong nag-iba. Maaaring dahil sa pag-asta, sa awra, pati sa pananalita, o dahil lahat doon. Basta nag-iba ang dating ng lalaki.

"I get that a lot. Simula nang bumalik ako sa village two weeks ago," nakangiting sagot nito. "We probably should catch-up sometimes."

Ngumiti lang siya. "Sige ba. Basta ba matino ka na ngayon. Kung hindi, ipapadampot na talaga kita," biro niya.

Tumawa si Macky, "Hindi na. Good boy na ako. Ikaw ang huling trouble ko."

"So, ako pa pala talaga ang trouble, ano?" ani Cheryl na napatawa rin.

Muling tumawa si Macky. "Mamaya na kaya ako bumawi sa iyo? Anong oras ba ang labas mo?"

"I will be out by six. Pero sa ibang pagkakataon na lang. May lakad kami ng mga kaibigan ko." Hindi niya ugaling basta na lang sumama kung kani-kanino.  Kahit na ba sabihing naging parte ng kabataan niya si Macky.

Well, technically, they are not friends before. At totoo namang nang huli silang nagkita ay humingi pa ito ng sorry sa pambabastos sa kanya. Imbis na balikan ang nakaraan ay nagfocus na lang siya sa ginawaga. Iniabot niya rito ang validated deposit slip.

Nagsulat ito deposit slip na hawak at ibinalik sa kanya pagkatapos sulatan. "Number ko, tawagan mo ako, ha."

Ngumiti lang siya at hindi sumagot. God! Isang buhos ng alaala ang dumating sa buhay niya sa loob lang ng ilang linggo!

"Ingatan mo 'yang deposit slip ko. Kukunin ko 'yan kapag nagkita na tayo," anito bago umalis.

“Bukod kay Marson, may ibang past ka pa?” ani Aileen na may nanunudyong ngiti sa mga labi.
Imbes na sagutin ay binalewala niya ang kaibigan.

“Macky Ritual. Hmmm, maitanong mga kay Kuya Marson kung kilala n’ya ‘yon,” ani Shaine.

"Sshhhh. Magtrabaho na kayo," saway niya sa dalawa.

***************

“ANO BA KASING MERON? Anong gagawin natin dito?” Kunot-noong tanong ni Cheryl nang tumigil sa Aileen sa covered court.

Sabado ngayon kaya nasa bahay lang siya. Nabawasan na muli ang pag-uwi ni Shaine sa kanila, lalo na ngayong officially ay sinagot na nito si Euan. Nang dumating si Aileen sa bahay nila kanina at sinabi na tumawag si Shaine dahil may emergency daw at kailangan nilang magkita-kita, ang naisip kaagad niya ay baka may LQ ang dalawa.

Pero kung mag-uusap sila tungkol saq LQ, bakit sa court na sa ingay ay nahihinuha niya na malamang ay puno ng tao?

“Yep! Halika na. Nasa loob si Shaine.” ani Aileen na tatawa-tawa pa habang nag-aalis ng seatbelt. Naguguluhan man ay sumunod na rin siya sa kaibigan.

“Ito? Ito talaga ang emergency?” nakalunot-noong tanong niya nang pagpasok doon ay nakita niyang marami ngang tao at may naglalaro ng basketball.

“Oo. Kailangan daw ng inspirasyon ng isa sa mga star player kaya ka ipinasundo.” ani Aileen na hinigit siya papunta sa bleachers sa likuran ng isa sa mga kopunan na maglalaro. Naroon si Shaine na tumayo at sinalubong sila.

Napabuga siya ng hangin nang makilala ang ilan sa mga players sa court. Si Euan at Marson. Aatras na sana siya pero nahawakan ni Aileen at Shaine ang magkabilang braso niya.

“Wag naaarte. Natatalo na sila ng kalaban. Hindi makapagconcentrate si Kuya,” tatawa-tawa pa ang kaibigan niya nang nasabihin iyon.

“This is so low, girls.” Maiiling na sagot niya habang akay ng dalawa.

Bumuntong hininga na lang siya at hinayaan na lang ang mga ito. Alam naman niya na hindi siya tatantanan ng dalawa. Mas naging makulit ang mga ito sa pagpapareha sa kanya kay Marson magmula nang malaman mg mga ito ang pagsama sa kanya ng binata sa Divisoria.

Pagdating nila sa bench ay eksaktong tawag ng time-out. Nakakunot-noo si Marson na biglang napaltan ng ngiti ng makita siya. Pinigilan naman ni Cheryl Lei ang kahit anong emosyon sa pagrehistro sa mukha.

Bago matapos ang time-out ay dumukwang si Euan at mabilis na hinalikan sa gilid ng labi si Shaine. “Pampabwenas.” Ngingiti-ngiting sabi nito bago tinapik sa balikat si Marson.

Lumingon ang lalaki sa kanya, “Che…”

“Don’t even think about it.” Seryosong sagot niya, pero ang totoo, biglang nag-init ang kanyang mukha.

“Sasabihin ko lang naman na mas lalo kang gumaganda,” anito na kinindatan siya bago tuluyang tumalikod.

“Naks! Iba talaga!” ani Aileen na tatawa-tawa. Kababalik lang nito sa tabi nila dahil nagkusang buklatin ang cooler sa tabi ng bench at kumuha ng Gatorade doon.

“Arcillas, three points!”

“Ayan. Umaariba na si Kuya. Kanina panay mintis yan,” ani Shaine.

Idinikit ni Marson ang kamay sa labi bago itinaas ang kamao habang nakaturo ang hinlalaki sa langit. Pagkatapos noon ay lumingon ito sa gawi nila at saka ngumiti.

At kahit anong pigil ni Cheryl, may ngiti ring sumungaw sa kanyang mga labi.

Nang tumunog ang final buzzer ay tumayo na si Cheryl. Wala na siyang planong abutan pa ni Marson sa bleachers.

“San ka pupunta, ateng?” Ani Aileen na nakakunot-noo pa.

“Sa CR. Sama ka?”

“Bilisan mo lang. May usapan na kasi na manalo-matalo, kakain daw tayo sa labas. For sure na mas masaya ang kwentuhan kasi panalo sila.”

“Okay.”aniya bago dagling tumalikod. Wala siyang planong sabihin sa mga kaibigan ang pag-uwi. For sure na hindi papayag ang mga iyon. Pero kalalabas pa lang niya sa covered court ay may tumawag na kaagad sa kanya.

Si Macky.

“Naiwala mo ba ang deposit slip ko?” tanong ng binata nang makalapit sa kanya.

“Hindi. Nasa bangko. Kapag bumalik ka doon, ibabalik ko sa iyo,” nakangiting sagot niya.

“Kung ganon ay bakit walang tawag o kahit ni text ay wala akong natatanggap mula sayo? Ilang linggo na rin akong nag-aantay,” pabirong sagot naman nito.

May alanganing ngiting gumuhit sa labi ni Cheryl, “Sorry. Kaya lang kasi…”

“I get it. Wala kang tiwala sa akin kaya hindi mo ako kinokontak.”

“Not really. Busy lang talaga.”

Ngumiti ito, halatang hindi kumbinsido sa palusot niya. “Hindi kita masisisi kung bakit ayaw mong sumagot sa paanyaya ko. Pero lahat naman ng tao nagbabago. Sana bigyan mo ako ng chance na formal na magsorry at ipakita sa iyo na matino na talaga ako.”

Ngumiti lang siya at hindi nagsalita. Pasimpleng lumingon siya sa court. Mas gusto na kaagad niyang makaalis dito bago pa siya matagpuan ng mga kaibigan.

“Narito ka ngayon. Ibig sabihin hindi ka masyadong busy. E kung ngayon na lang tayo lumabas?”

“Sorry, Macky. I can’t.” Apologetic ang ngiting ibinigay niya sa lalaki.

“Kahit diyan lang sa coffee shop sa tapat ng village?”

“I really can’t.”

“She can’t because she’s got a date. With me.” Ani Marson na tumabi sa kanya.

Napapikit si Cheryl Lei bago nagpakawala ng hangin sa pagitan ng mga labi. Talk about failed sneaky move.

“Okay. Some other time, maybe. ” ani Macky na nagkibit-balikat. “Aantayin ko na lang ang tawag mo, Cheryl.”

Ngumiti lang si Cheryl pero hindi siya sumagot.

“Sige, Marson. Uuna na ako,” anito bago tuluyang tumalikod.

“Tara na?” ani Marson nang mapag-isa sila.

“Hindi ako sasama. At isa pa, hindi rin ako nakapagpaalam kina nanay,” sa halip ay sagot niya.

“Problema ba iyon? Sasama ako sa inyo. Ipagpapaalam kita.”

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Cheryl, “Hindi mo nauunawaan, Marson. Hindi ako sasama.”

“Magcecelebrate tayo, bakit hindi ka sasama?”

“Hindi ako miyembro ng team niyo kaya technically, hindi ko kailangang sumama sa selebrasyon niyo.” Bumuka ang mga labi ni Marson pero hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita, “At kahit na ano pang panungumbinsi ang gawin mo, hindi na magbabago ang pasya ko. Hindi ako sasama. Uuwi na ako.”

Muling naglapat ang mga labi ng binata. Tinitigan siya. Lumunok si Cheryl at huminga ng malalim. Sinalubong niya ang mga mata ni Marson.

“Kung hindi ka sasama, ihahatid na lang kita.” Anito makalipas ang napakatagal na sandali na paglalabanan nila ng tingin.

“Kaya kong umuwing mag-isa.”

“Alam ko, Che. Pero ako ang hindi pa handang mawala ka sa paningin ko. At susulitin ko ang bawat sandali na ipinagkakaloob sa akin para muling mapalapit sa iyo.”

Kinagat ni Cheryl ang ibabang labi at kinastigo ang pusong nakaramdam ng kiliti dahil sa sinabi ng binata.

************************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

169K 7.8K 35
To save face from a total embarrassment after she made a scene in their university, Amere Tamayo decided to date the guy that her friends kept on tel...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
87.9K 1.4K 34
Compilation of sad stories that i've found in the internet.