Suicidium

By abdiel_25

12.9K 887 133

Sixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitabl... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 : The News
Chapter 2 : Injection
Chapter 3 : Thousand Cases
Chapter 4 : Panic
Chapter 5 : Doubled
Chapter 6 : Shotgun
Chapter 7 : Ring
Chapter 8 : Special Task Force
Chapter 9 : Corpses in the road
Chapter 10 : Invader
Chapter 11 : That's Painful
Chapter 13 : They are gone
Chapter 14 : Richard
Chapter 15 : Sych-020Di
Chapter 16 : The Process and the Origin
Chapter 17 : Call of Duty
Chapter 18 : The One Who Saved You
Chapter 19 : Sacrifices
Chapter 20 : Police Survivor
Chapter 21 : Safe Area
Chapter 22 : What about Him?
Chapter 23 : Pharmacy
Chapter 24 : See You Again
Chapter 25 : Compartment
Chapter 26 : It wasn't a Dream
Chapter 27 : Headshot, Her Father
Chapter 28 : Last Option
Chapter 29 : Infected On-board
Chapter 30 : Golden Blood Type
Chapter 31 : Unsafe Safe Area
Chapter 32 : The Yes
Chapter 33 : Phase One
Chapter 34 : Firearm report
Chapter 35 : Who's hungry?
Chapter 36 : Unexpected Guests
Chapter 37 : Block the Entrance
Chapter 38 : Gunshot
Chapter 39 : Last Hope
Chapter 40 : Final Chance
Epilogue
Author's Note

Chapter 12 : Her name is Hershie

260 23 12
By abdiel_25

12 : Her name is Hershie

Eunice's P.O.V.,

Pagkabukas nung glass door, nagmasid muna kami sa buong paligid. Nakiramdam muna kami kung may iba pang tao bukod sa amin. At base sa tahimik at magulong lugar, mukhang kami lang ang tao rito na napadpad.

Nagsimula na kaming maglakad. Maingat ang bawat hakbang namin dahil hindi namin alam kung kailan may susulpot na psycho sa harapan namin. Psycho na hanggang ngayon hindi namin alam kung saan at paano naging psycho. Tingin ko kailangan na namin ng signal. Wala na talaga kaming alam sa mga nangyayari.

"Charles, kailangan talaga natin maghiwalay para mas mabilis. Hindi agad tayo makakabalik kung hindi tayo magseseparate ng stalls," sabi ko sa mahinang boses. May dala-dala kaming cart na nakita naming pakalat-kalat.

Sa totoo lang, hindi lang ito ang nakakalat sa store na 'to. Lahat halos. Kulang na nga lang bumagsak ang mga stalls dahil sa gulo ng mga arrangement nito. Gaano kaya karaming tao ang nandito no'ng magsimula 'tong gulo na 'to.

"Eunice---"

"I have gun," pagputol ko sa sasabihin niya. "I g-guess I know how it works," dagdag ko pa kahit hindi ko naman talaga alam kung paano ito ginagamit. Hindi ba't pinipindot lang naman ang trigger nito?

"But still, Eunice. I can't risk," aniya. Bumuntong hininga siya bago kami makapunta sa counter. Maraming paper bags na nakakalat. Nasa likuran niya pa rin ako at para akong protected ng security guard.

"Charles, aabutin tayo ng---"

"I don't care, Eunice," sabi niya. I heaved a sigh dahil mukhang hindi ko na siya mapipilit.

Pumunta kami sa SOS kits. Kabilang dito ang flaslight, batteries at whistle. Mabilis naming nakuha ang lahat ng kailangan namin. Kumuha si Charles ng tatlong flashlight at kinuha ko naman ang lahat ng natitirang batteries. Lahat ng klase para sigurado. Pagkatapos ay limang pito para sa amin nila Claude, Charles, Mandy at Maldi.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa first aid kits. Sa kabilang hilera lang ito ng SOS kits kaya hindi kami nahirapang kuhain lahat ng kailangan namin. Bond aids, alcohol, cottons, at mga benda na sa tingin ko balang araw magagamit namin. Lalo na sa panahon ngayon na wala talaga kaming alam. All we know is everyone is in danger.

"Charles, I think 'yung mga pagkain nasa dulong stalls pa. 'Yung mga chips at junk foods hiwalay sa frozen goods at drinks. Kailangan talaga nating maghiwalay para sa mga 'yon," giit kong muli.

This time, lumingon si Charles sa akin. Tinitigan lang niya ako hanggang sa magpakawala na siya ng buntong hininga. Ayaw niya talagang humiwalay ako sa kaniya.

"Kaya ayokong sumama ka sa'kin dito sa loob e," mahina niyang sabi. "Ang kulit mo kasi."

"Pero kailangan talaga nating maghiwalay, para mas mabilis tayong makaalis," pangangatuwiran ko.

"I know," he slightly brushed his hair in frustration. Tumingin ulit siya sa akin. "Just promise that you'll make a way para malaman ko kung nasa panganib ka. Don't shout, I mean. Gumawa ka ng ingay na tayong dalawa lang ang makakarinig. Mahirap na, baka maraming makarinig sa atin, mas lalo tayong mahirapang makauwi," bilin niya.

"Yes father," pasaring ko bago magsimulang maglakad papunta sa junk food stall. Pero hindi pa ako nakakalayo, hinawakan na agad ni Charles ang kamay ko.

"I-ingat ka," sabi niya kaya tumango ako. "Let's meet sa entrance. Doon tayo maghintayan," dagdag pa niya.

"Okay," maikli kong tugon bago bawiin ang kamay ko.

Nagsimula na kaming tahakin ang magka-ibang landas. Alam ko naman na hindi naman na kailangan ang mga junk foods pero sa mga ganitong krisis, I think justifiable naman na p'wede akong kumuha ng mga gano'ng pagkain. Besides, may kasama kaming bata. Aminin natin na hindi mahilig ang mga bata sa gulay. But, hindi ko sinasabi na hindi dapat siya kumain no'n.

Iniisip ko lang na baka mabored kami at matripan lang naming magmovie marathon sa gitna ng gulo na hindi naman namin alam. Isa pa, para sa mga tulad kong mahilig kumain oras-oras, chips are the great option panlaman sa tiyan.

"This is a paradise," mangha kong saad nang makarating ako sa dulo ng hallway na nilalakaran ko. Punung-puno ito ng chips, mga biscuits at iba't-ibang uri ng tinapay. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung anong uunahin kong kuhain.

Bukod sa kami lang ni Charles ang nandito sa store na 'to, wala pa kaming babayaran. I feel pity sa kung sino man ang may-ari ng store na 'to. For sure mahihirapan siyang maka-ahon muli sa pagkakalugi niya.

Pinulot ko 'yung tray na nasa sahig. Naiwan kasi kay Charles 'yung cart na dala namin dahil siya ang may dala ng mga nauna naming binili.

Inuna ko 'yung mga biscuit na nasa isang hilera. 'Yung mga malalaki na ang kinuha ko. Hindi rin nakaligtas sa akin 'yung mga chocolates kaya tuwang-tuwa ako dahil sobrang dami nang nakuha ko. Pulot na rin ako nang pulot ng mga chips at tinapay. Nakapuno ako ng dalawang tray na malaki at hindi ko ito mabuhat ng maayos. Pero dahil kailangan, pinilit kong maglakad ng normal kahit pa gewang-gewang na ako.

Maya-maya pa, nakakita ako ng empty metal cart kaya doon ko na nilagay ang dalawang tray na dala ko. Ngalay na ngalay ako nang makarating sa malaking freezer ng store. Uhaw na uhaw ako kaya naman binuksan ko ang malaking pintuan na gawa sa salamin at agad na nagbukas ng mogu-mogu. Naubos ko agad ito kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at naglagay pa sa tray ng mga bottled softdrinks.

Punung-puno na ang mga tray pero parang may kulang pa na hindi ko maalala.

Imbis na dumiretso sa entrance ng store kung saan kami magkikita ni Charles, naglakad-lakad muna ako sa ibang mga hallways para alalahanin kung anong nakalimutan kong bilhin---I mean nakawin---este kuhain.

"Diaper?" Bulong ko sa sarili ko. "Pero hindi na nagdidiaper si Maldi," giit ko sa sarili ko. Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko habang hinahaplos ang baba ko.

Maya-maya pa, natawa ako nang maalala kung anong nakalimutan kong bilhin.

"Hindi lang pala si Maldi ang nagdidiaper," natatawang saad ko sa sarili ko. "Saan ba dito ang personal hygiene."

Nag-ikot-ikot pa ako hanggang sa marating ko ang stall kung saan punung-puno ng diaper---hindi pang baby kung 'di for girls. Agad akong kumuha ng sa tingin ko more than enough para sa amin ni Mandy. For sure kung nakalimutan ko 'to, magagalit sa akin ni Mandy.

"I think I'm done," sabi ko.

Magsisimula na sana akong maglakad nang bigla akong mapako sa kinatatayuan ko. Muling bumalik sa akin ang takot na pansamantala kong nakalimutan. Ngayon ko lang kasi napansin na hindi ko na matandaan ang mga dinaanan ko. Masiyadong malaki ang store na 'to kaya kailangan ko ulit mag-ikot-ikot para mahanap ang entrance.

Kailangan ko na bang humingi ng tulong kay Charles?

No.

Eunice you got this.

Nakapunta ka sa dulo ng store, siguro naman kaya mong pumunta sa facade ng store ng hindi rin natatakot.

Huminga ako nang malalim bago maglakad ng dahan-dahan. Wala naman akong nakasalubong na psycho kanina pero kinakabahan pa rin ako. Pilit kong nilabanan ang takot sa pagtingin-tingin sa mga stalls. 'Yung iba wala ng laman kaya napaisip ako kung may iba pa bang tao bukod sa amin ni Charles na pumunta rito para kumuha ng supplies.

Dahan-dahan akong napahinto nang makarinig ng mahinang iyak. Kinakabahan akong napalingon sa buong paligid.

Natatakot ako dahil hindi naman gano'n ang iyak ni Charles. Isa pa, ang tanda na ni Charles para umiyak sa ganitong sitwasiyon.

Kinakabahan man, may kung anong nagudyok sa akin para sundan 'yung iyak. I'm so dumb para sundan ang iyak ng estranghero pero paano kung hindi naman psycho 'yon at kailangan niya ng tulong?

Pero paano kung psycho 'yon?

Napahinto ako sa paglalakad. Pawis na pawis ako kahit naglalakad lang naman ako at nagtutulak ng cart. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung psycho nga ang makikita ko rito. But is it possible na umiyak ang mga tulad nila? I mean, parang ang alam lang nila ay pumatay at patayin ang... err.

Ramdam kong sobrang lapit ko na sa umiiyak. Alam kong nasa kabilang hallway na lang ito kaya mabagal at maingat akong naglalakad.

Doon ko lang naalala na may dala nga pala akong baril kaya nilabas ko ito mula sa tray kung saan ko ito pinatong. Tinutok ko ito sa hallway kung saan ko naririnig 'yung umiiyak.

Isa.

My life was never been this thrilling before.

Dalawa.

Feeling ko aatakihin na ako sa puso. Baka mamaya bigla na lang ako sunggaban ng kung sino man ang nasa kabilang hallway. But I have gun. Siguro naman mababaril ko siya agad kapag lumapit siya sa akin 'di ba?

This is it.

There's only one way para malaman kung sino ang umiiyak. And that's to face him, or her.

Tatlo!

Naniningkit ang mga mata ko nang itutok ko sa taong pinanggagalingan ng iyak ang baril ko. I was about to shout para irelease ang kaba ko pero agad na tumikom ang bibig ko nang makita ko kung sinong umiiyak.

"Bata?" Wala sa sarili kong sabi nang makita ang isang batang babae na nakasalampak sa sahig, walang tsinelas at umiiyak na nakatingin sa akin. Hindi ko siya kilala but one thing's for sure.

She's normal.

"A-anong ginagawa mo rito? M-may kasama ka ba?" Agad akong lumapit sa kaniya para tingnan kung ayos lang ba siya o kung may galos man lang ba. Pero mukhang wala naman kaya humarap ako sa kaniya at marahang pinunasan ang mga luha niya.

"M-mama..." umiiyak niyang sabi.

"Nasaan ang mama mo?" Tanong ko.

"M-mama..." muli niyang sabi. This time, hindi na siya mukhang nakatingin sa akin. Madalang din siyang pumikit kaya mas tumitig ako sa kaniya. Pinadaan ko ang palad ko sa harapan mismo ng mga mata niya.

Doon ko lang narealize na para syang tulala. Siguro dahil sa nangyari sa kaniya, o sa kakaiyak niya.

"Wala ka bang kasama? Tumahan ka na. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"H-Hershie," tugon nito sa akin sa gitna ng paghikbi niya. Sa wakas ay nagawa rin niyang tumingin sa akin.

"Hershie, makinig ka. May kasama ka ba rito? Nasaan ang mama mo?"

"Mama---"

"EUNICE!" Agad akong napalingon sa likod ni Hershie. Si Charles, nanlalaki ang mga mata niya at tumatakbo papunta sa p'westo namin. Iniwan niya 'yung cart na tulak-tulak niya kanina at hawak niyang mabuti 'yung sword niya.

"C-Charles."

Doon ko lang naramdaman na parang may nakatayo sa likuran ko.

"H-Hershie... s-siya ba 'yung..."

"Ma-mama..."

To be continued. . .

Continue Reading

You'll Also Like

541K 28.9K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
1.6K 73 12
Bandits? Criminals? Martial Artists? Vagabonds? That's the normal citizens of Agrona. Kahit saang kanto ng lugar ay may away at patayan, nakawan at s...
28.1K 1.7K 77
COWER SO YOU SHALL BE VANQUISHED. Weeks have passed since their escape and Havierre's special project comes to its wake. With his army and his newly...
Istasyon By Ailous

Short Story

662 90 9
Minsan kasunod ng kamatayan ay hindi pala paraiso o paghihirap? Ito ay maaring palengke? mall? o kahit istasyon ng tren? Walang nakakaalam, unless p...