She Still Does (AD) [Paper Pl...

By ad_thor

37.7K 1.4K 365

Dennise risked everything. Alyssa lost everything. As they meet again their story continues. Paper Planes boo... More

Prologue
Synj
That Name
Greendale High
Bent
Why Can't You?
Missed
Taking Risks
Mistaken
From Flight to Plight
Duffel Bag
Try It Out
Moving In, Moving On
Welcome
Sunset
Why I Hate You
Spill
Visitor
Improvements
Sequel
Again
Who Hasn't Moved On Yet?
Rooftop
Don't Cause Another Breakup
Talk
Paper Planes
Comfort
Don't Hide
Nice to See You Dennise

We Never Met

949 46 23
By ad_thor

-



"Gusto mo raw ba maglaro minsan ng Basketball kasama sila Lang at Bee, magkakilala pala kayo?" sabi ni Alyssa kay Gretchen, inaaya niya itong makipaglaro sa kanila ng Basketball. Nakita niya itong pauwi na rin sa dorm kaya nagsabay na sila.

"Basta kakampi kita." sabi naman ni Gretchen at sinamaan ng tingin si Alyssa. Napakunot naman ang noo ni Alyssa. "Baka pilayin mo na naman ako ha. Alam mo bang hanggang ngayon 'di ko pa rin inaamin kay Coach na pinilay mo dalawang paa ko nung super last game natin dahil baka matanggal scholarship ko." bahagyang natawa si Alyssa.

"Sorry na, hindi ko naman ine-expect na ib-block mo 'ko." paliwanag naman ni Alyssa at napakamot ng ulo. Nangyari 'to nung first year college pa lang si Gretchen, naglaro silang magbabarkada ng Basketball nung dumalaw 'to. Napilay ang mga paa nito nang mali ang pagkakabagsak niya. Tumalon kasi siya no'n para sana i-block si Alyssa. Dahil doon ay isang linggo niyang kinailangang mag-saklay. Hindi naman talaga kasalanan ni Alyssa pero sinisisi pa rin siya ni Gretchen dahil ang hirap daw niyang bantayan.

"'Buti na lang naniwala si Coach na nadulas ako sa hagdan." sabi naman ni Gretchen at bakas sa mukha nito ang sakit at hirap na sinapit niya. Natawa na lang ulit si Alyssa sa kanya.

"'Ly!" napalingon silang dalawa sa lumingon at nakita si Ella papalapit sa kanila. "Ano jersey number mo?" sumabay ito sa paglakad ng dalawa.

"Hi Pots." bati ni Gretchen para pansinin siya ni Ella.

"Oo nakikita kita." sabi naman ni Ella kay Gretchen at tumingin ulit kay Alyssa.

"Uh, 9 sana eh." sabi ni Alyssa at tumingin kay Ella. "Kaso 'di na raw available kaya 2 na lang pinili ko, nakita ko kasing pinili ni Den 'yung 13--"

"Huh? Anong meron kung 'yun pinili ni Besh?" takang tanong ni Ella kaya napatigil din si Alyssa. Parang gustong tumawa ni Gretchen kahit hindi niya alam anong meron sa jersey numbers nung dalawa. Takang tinignan din niya si Alyssa para malaman kung bakit. Napatigil silang tatlo sa paglalakad at tinignan ng dalawa si Alyssa.

"A-ano kasi, malas daw kasi 'yung 13." walang connect na sabi ni Alyssa at napaiwas ng tingin. Kung saan-saan siya tumingin, iniiwasan ang tingin ni Ella. "Uhm, dati kasi m-may nagpatunay sa'king hindi malas ang 13, so a-ano baka maging swerte 'yung 2 sa'kin kasi malas para sa'kin 'yun." gusto na lang maglaho ni Alyssa bigla. Lalong kumunot ang noo ni Ella pero tumango tango na lang sila ni Gretchen.

Malas? Seriously Alyssa?

"Okay?" sabi na lang ni Ella.

"Ikaw anong number mo?" tanong ni Alyssa para mabaling kay Ella ang usapan. Kakaiwas niya ng tingin ay may nahagip ang mata niya at nagkatamaan sila ng tingin. Palabas ito ng Cervini at pareho silang nagulat.

"8, kasi idol ko si ate Charo." sabi naman ni Ella. Napansin naman ni Gretchen na parang may tinitignan si Alyssa kaya napalingon siya roon.

"Oh!" sigaw ni Gretchen dahil medyo malayo ito. "Kief!" sigaw nito kay Kiefer na gulat pa rin at kinawayan ito. Napatingin na rin si Ella sa tinitignan ng mga 'to. Hindi naman nito kilala 'yung lalaki. Wala namang response si Kiefer kaya binalik na lang ni Gretchen ang tingin kay Alyssa pero tahimik lang din ito. "Ba't ganyan reaksyon niyo? Ngayon lang nagkita ulit?" natatawang tanong ni Gretchen.

"Oo." mahinang sagot ni Alyssa nang nakatingin pa rin kay Kiefer at napahinto sa pagtawa si Gretchen.

"Wait what?" gulat na tanong ni Gretchen habang si Ella ay mas litong lito naman.

"Ano meron sino ba 'yon?" takang tanong din ni Ella. Tinignan ni Alyssa si Gretchen.

"Par, una na kayo." sabi ni Alyssa at hindi na hinintay ang sagot ng mga 'to at naglakad palapit kay Kiefer. Naguguluhan man ay hindi na nagtanong si Gretchen dahil feeling niya ay kailangan mag-usap ng dalawa. Hinila niya si Ella palayo sa dalawa at pumasok na sila sa dorm.

"Wait!" angal ni Ella at si Gretchen at pumiglas.

"'Wag ka na makulit hayaan mo muna 'yung dalawa." sabi naman ni Gretchen at hinarap si Ella.

"Nope, hindi ko alam kung sino 'yung guy at kung anong meron sa kanila ni Alyssa pero I need to talk to you." sabi ni Ella at napakunot ang noo ni Gretchen. Si Ella naman ang humila kay Gretch at umakyat sila at pumasok sa kwarto nila Gretchen.

"Wow kwarto mo? About sa'n ba ba't kailangan dito?" tanong ni Gretchen. 'Buti na lang wala pa 'yung iba, siya, si Ella, at turtle lang ni A ang nasa kwarto. "Hindi tayo talo okay." inirapan naman siya ni Ella.

"You're the only one I can talk to about this kaya makinig ka." sabi naman ni Ella at seryoso ang mukha nito kaya 'di na inasar ni Gretchen 'to kahit gusto niya. "So ganto kasi, si 'Ly..." panimula ni Ella pero hindi niya alam ang idudugtong dahil hindi niya sure kung okay lang bang sabihin. Umupo si Ella sa kama ni Gretchen.

"Ano?" tanong ni Gretchen.

"Well, hindi siya straight pero 'wag kang maingay sa iba." mahinang sabi ni Ella.

"Of course I know!" natatawang sagot ni Gretchen but then na-realize niyang hindi nga pala alam ni Ella na si Alyssa ang totoong Alyssa na tinutukoy nila kaya napatigil siya sa pagtawa. Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa rin ni Ella malaman dahil naaalala nito ang tampo niya kay Dennise at inis kay Alyssa. "We're roommates kaya nakapagkwentuhan kami." palusot ni Gretchen at umupo rin sa kama.

"Wooh 'buti naman." sabi naman ni Ella. "Pero ayun nga, before she joined the team, gustong gusto ko na silang ipakilala ni Dennise sa isa't isa."

"Before? So what happened?" tanong naman ni Gretchen then kwinento ni Ella 'yung about sa last na away nila Ella at Dennise tho alam naman ni Gretchen ang about dito. "What about it?"

"I noticed that Den's avoiding Alyssa too, like Lang." sabi ni Ella. "Pero, lemme ask, do you think 'Ly likes Den?"

"Eh?" tanging reaksyon ni Gretchen.

"Kasi before nung 'di pa niya nakikita si Besh, wala siyang interes dito, as in, kada ik-kwento ko siya sa kanya, hindi talaga siya nakikinig. Then after nilang magkita sa gym a week before tryout then kahit nung tryout napansin kong iba makatingin si 'Ly kay Den pero hinayaan ko lang kasi tingin lang naman 'yun." hinayaan lang ni Gretchen magkwento si Ella dahil parang stressed na stressed ito. Natatawa na siya kay Ella pero pinipigilan niya. "Pero nung first day niya dito, biglang gusto na niyang makilala si Dennise, alalang alala pa siya nung malaman niyang masama pakiramdam ni Besh. Oh ta's 'yung kanina pa, dumepende pa siya ng jersey number kay Besh. Kahit may reason siya, parang may something talaga eh." mahabang litanya ni Ella. "Ikaw 'di ba same kayo? 'Di mo ba nase-sense kung gusto niya si Besh?"

"Okay?" tugon ni Gretchen. "Una sa lahat hindi porket pareho kaming Bi eh malalaman ko na kung may gusto siya sa tao o hindi 'no and I don't think she likes Den in a romantic way pero kung oo ano namang meron?" takang tanong niya. Since alam niya ang story ng AlyDen, hindi niya inisipan ng malisya ang mga actions ni Alyssa.

"Wala naman, it's either hindi niya lang talaga pinapansin mga may interes sa kanya or Alyssa-phobic na talaga siya." sabi ni Ella.

"What?" tanong ni Gretchen at natuloy na 'yung tawa niyang kanina pa niya pinipigilan. Natawa siya sa term ni Ella.

"Sa tingin mo ba hindi pa rin nakaka-move on si Den? I mean... may gusto pa rin kaya siya sa Alyssa na 'yon?" Ella asked.

"What made you think that?" tanong naman ni Gretchen. "And... does Den know na sinabi sa'yo ni Jus 'yan?" Justine, ang nag-uupdate kay Ella about kay Dennise nung nasa Greendale High ito.

"No she doesn't, sabi kasi ni Jus parang natatakot daw si Den ma-judge. Ta's never din naman nag-open up si Besh about dito pero ayun na nga kasi nga hindi pa rin niya pinapansin si 'Ly, pero sabi naman niya hindi 'yun 'yung Alyssa na schoolmate niyo dati so what do you think is her reason?" paliwanag ni Ella at naintindihan naman ni Gretchen ito. As much as she wanted to tell Ella about it, she couldn't. Hahayaan na lang niya 'yung dalawa ang magpaalam kay Ella. "Napapansin na nga yata ni 'Ly na hindi na 'ko excited magkita sila ni Besh, baka kasi magalit eh."

"Hindi naman talaga pinapansin ni Den 'yung mga nagpapakita ng interes sa kanya, ayaw nga niyang makipagrelasyon 'di ba. Basta isa lang sure ko, walang gusto si 'Ly kay Dennise. So baka 'Alyssa-phobic' lang talaga siya." natatawang sabi ni Gretchen.

"Sure ka ha? So okay nang ipakilala ko sila sa isa't isa nang maayos? Ako pa naman nangulit sa kanyang sumali sa team ta's makilala si Besh ta's--" nag-aalangang tanong ni Ella.

"Don't bother, hayaan mo na silang kilalanin ang isa't isa." Pag-assure ni Gretchen kay Ella at ngumiti nang malapad. "'Wag ka na ma-guilty, 'di naman mamasamain ni 'Ly kung nag-aalangan ka, 'di mo responsibility 'yun." natatawang sabi ni Gretchen at tumango na lang si Ella.

Meanwhile, nang umalis sila Gretchen at Ella, nilapitan ni Alyssa si Kiefer.

"Kief." pagtawag nito kay Kiefer pero ilang segundong itong hindi nakarespond kaya binasag niya ang katahimikan. "Galit ka pa ba?"

"Galit ka pa ba?" sabay na tanong din ni Kiefer at nagtaka sila parehas.

"Huh?" takang tanong ni Alyssa.

"You know, we disbanded because---" paliwanag ni Kiefer at hindi na siya pinatapos ni Alyssa.

"No, I'm not mad at you. It was a choice we all made." sabi ni Alyssa pero mukhang nag-guilty pa rin si Kiefer. "Ikaw? Galit ka pa rin ba?" naglakad sila saka umupo sa tapat ng malaking letters ng CERVINI. They unintentionally sat in front of their surname's initials, Kiefer on R and Alyssa on V.

"Ako magagalit sa'yo? Why would I?" takang tanong ni Kiefer.

"Because of what I did, kay Den." sabi ni Alyssa.

"About that?" tanong nito at umiling si Kiefer. "At first yes, but eventually I understood why you did it. Tss ano kayo bata? Corny ng pinag-awayan niyo ha. Hindi ako galit Denden." tukso nito sa kanya at siniko pa siya at nginitian nang nang-aasar. Bahagyang namula si Alyssa at napaiwas ng tingin.

"'Wag mo nga 'ko tawaging ganyan baka may makarinig pa." nahihiyang sabi ni Alyssa at tinignan pa kung may tao sa paligid. Ito na kasi madalas na tawag sa kanya ni Kiefer matapos niyang aminin ang nangyari sa kanila ni Dennise at na may gusto siya rito, bago rin sila mawalan ng communication ni Kiefer. Ngayon na lang sila nakapag-usap ulit after ng Graduation nila. Kay Kiefer niya lang nasabing may gusto siya kay Dennise dahil siya lang sa magbabarkada ang parang hindi nagalit sa ginawa niya. Tinawanan siya ni Kiefer.

"Musta ka na?" tanong ni Kiefer.

"Okay lang, ikaw ba? Mukhang nasa team ka na." napansin kasi ni Alyssa na naka-shirt at shorts 'to at may bitbit na duffel bag. Napatingin din si Kiefer sa suot niya at bahagyang nahiya.

"Uhh, you know, Dad." sabi ni Kiefer at nakuha naman na agad ni Alyssa ang ibig sabihin niya, how could she not? "'Buti pala dito ka pa rin nag-aral."

"Uh oo, dream school natin 'to 'di ba." nakangiting sagot ni Alyssa at masayang tumango si Kiefer. "At 'di lang naman ikaw ang athlete na rin." mabilis na napalingon si Kiefer sa kanya, gulat.

"Nasa team ka na rin? Basketball? Wow congrats Par!" masayang sabi ni Kiefer at napapalakpak ng isang beses.

"Actually... sa Volleyball." sagot ni Alyssa at tinignan si Kiefer at lalo itong nagulat. 'Di na rin siya nagtaka, kung sasali nga naman siya sa team in-eexpect ng lahat na sa Basketball 'yon.

"What? Weh? Why?" natawa naman si Alyssa at hindi sumagot. "Wait... andoon si Den." tinuro niya si Alyssa. "I get it!" siniko niya ulit si Alyssa. "Ikaw ah! So ano musta kayo?" he wiggled his brows.

"Wala eh, galit pa rin." sabi ni Alyssa at napabuntong hininga. "'Di ko pa siya nakakausap kahit nagkikita kami."

"Musta na ba 'yon? 'Di na rin ako kinausap n'on eh. Kada magkakasalubong pa kami 'di ako pinapansin o kaya tatarayan ako tsk!" nagtaka naman si Alyssa sa sinabi nito. Napakunot ang noo niya saka nagtanong.

"Hindi ka rin pinapansin? Bakit? Eh ako lang naman may kasalanan sa kanya, si Gretch pinapansin pa rin niya." biglang napangiti nang malapad si Kiefer.

"Ewan." sabi lang nito habang nakangiti. Naalala niyang siya nga lang pala nakakaalam na may gusto si Alyssa at Dennise sa isa't isa. Hindi nga lang siya sure kung hanggang ngayon may gusto pa rin si Dennise kay Alyssa dahil nga hindi na niya nakakausap 'to. Si Alyssa naman halatang gusto pa rin si Dennise. "Basta Par, nasa iisang bahay na kayo sa loob ng limang taon, ayusin mo na yan ha." he tapped Alyssa's shoulder at tumango si Alyssa.

"Sigurado kang wala kang ginawang mali? Hindi naman siguro 'yun magagalit kung ganon." duda ni Alyssa at umiling si Kiefer habang nakangiti nang malapat.

"Wala 'kong ginawang mali, may ginawa akong tama." malokong sabi ni Kiefer at napakunot lang lalo ang noo ni Alyssa.

"Ano?" curious na tanong ni Alyssa pero hindi na 'yon pinansin ni Kiefer.

"Ano tara jamming tayo? Magkapitbahay naman na tayo." masayang pag-iba ng topic at pag-aya ni Kiefer. Napansin niyang nagbago bigla ang mukha ni Alyssa kaya nawala rin ngiti niya.

"Uhh, 'di na 'ko tumutugtog eh." dahilan ni Alyssa at tumayo na nang 'di tumitingin kay Kiefer.

"Huh? Bakit?" tanong ni Kiefer at tumayo rin. Tinignan siya ni Alyssa.

"Mukhang may training ka pa 'ata una na 'ko, may training din kami." tinignan pa ni Alyssa ang duffel bag ni Kiefer bago tumalikod para umalis. Panay ang tawag sa kanya ni Kiefer pero hindi na niya 'to nilingon. 

"Usap tayo next time!" sigaw pa ni Kiefer pero hindi pa rin tumingin si Alyssa. Umalis na lang din siya dahil may training pa nga siya. 



-



Alyssa's at Gretchen's house gaya ng napag-usapan at nag-bonding sila ng silang dalawa lang. Na-miss nila ang isa't isa at panay kwentuhan din sila about sa mga nangyari nung hindi sila nagkita. 

"I see why you like Fille." sabi ni Alyssa dahil sa kwento ni Gretchen about dito at dahil na rin nakita niyang totoo ang mga sinasabi nito tungkol kay Fille. "She's really caring and a nice person." they were at the couch. Katatapos lang nilang kumain.

"Yeah that's why I thought may gusto na talaga siya sa'kin non, kasi ang sweet niya, ang clingy niya, then nung nakapasok kaming team, na-realize kong ganon pala siya sa lahat. Hay nasa friendzone pa rin." napabuntong hininga si Gretchen at napangiti si Alyssa, 'di pa niya nakikita si Gretchen maging ganto sa babae. "Oh, akin na 'yun ah, 'wag kang magkakagusto don." warning ni Gretchen at tinuro pa si Alyssa. 

"Wala akong gusto sa kanya." natatawang sabi naman ni Alyssa at umiling.

"Oo nga pala..." sabi ni Gretchen at siningkitan siya lalo ng mata. "May gusto ka ba kay Den?"

"Huh? Sino nagsabi?" gulat na tanong niya, maingat na siya baka madulas na naman siya dahil sa gulat gaya ng nangyari sa kanila ni Dennise about kay Laura noon.

"Sabi ko na wala eh." sabi naman ni Gretchen. "Akala ni Ella meron." at lalong nagulat si Alyssa doon. "'Yaan mo na. 'Di kasi niya alam. Turuan mo na lang ako mag-gitara, gusto ko haranahin si Fille." pipigilan sana ni Alyssa 'to pero nakaalis na 'to para kunin 'yung gitara. Pagkabalilk nito ay tumabi na ito ulit kay Alyssa sa sofa. "Oh." inabot nito sa kanya 'yung gitara.

"Hindi na 'ko tumutugtog." sabi ni Alyssa. "Sa youtube ka na lang may tutorials naman."

"Bakit hindi na?" tanong ni Gretchen na parang hindi na nagulat, nabanggit kasi sa kanya ni Kiefer nung nag-usap sila. Tinanong din kasi niya bakit hindi na sila nagkikita ni Alyssa non at nalungkot naman si Gretchen para kay Alyssa. Nang 'di sumagot si Alyssa ay tinabi ni Gretchen 'yung gitara sa gilid saka tinignan ulit si Alyssa na hindi naman nakatingin sa kanya. "Ba't ka umiyak that day sa gym, nung ginulat ka ni Fille?"

"Natakot ako eh, ang dilim non ta's biglang mangugulat." natatawang sabi ni Alyssa.

"C'mon Par, we know you're not scared of that shitty prank. 'Di ba nga kahit may sunog 'di ka matatakot so why?" hindi ulit nakasagot si Alyssa. Nakayuko lang ito, waiting for Gretchen to change the topic. "Ano ba talagang nangyari last year?" tanong ulit ni Gretchen at ang seryoso na nito. 

Tinignan siya ni Alyssa at umayos ng upo na parang umiiwas makompronta. "We disbanded, then nawala si Dennise. But I'm fine. Promise. I'm doing better after finally seeing Den again." sabi ni Alyssa at nginitian siya. "Si Dennise muna priority ko." sabi pa nito. Nginitian na lang din siya ni Gretchen nang malungkot dahil malungkot din ang ngiti ni Alyssa. 

Tumayo si Gretchen at hinila si Alyssa.

"May papakita ako sa'yo." sabi ni Gretchen at dinala si Alyssa sa kwarto ng kuya Justine niya, pero wala naman ito, nasa school pa.

"Kay Kuya Jus 'to ah?" sabi ni Alyssa at may tinuro naman si Gretchen sa pader kaya napatingin si Alyssa rito.



"August 2013? Tagal pa."

"'Yan ang estimated graduation date ni Kuya. Since Day 1 ni Kuya sa Med nung sinulat niya 'yan, pinapalitan niya lang 'yung papel pero 'yun pa rin 'yung nakasulat."

"Oh." tanging sabi ni Alyssa at napangiti.

"'Di ka man nag-med school pero mukhang kailangan mo 'yan." sabi pa ni Gretchen at natawa si Alyssa. "Kaya mo yan!" basa niya kay Alyssa ng nakasulat.

"Thank you." at nginitian niya si Gretchen.



-



"Dinner's ready!" excited na sabi ni Amy na nasa pinto ng kwarto nila. Nilingon niya si Alyssa na busy sa study table nito. "Hey 'Ly c'mon! Kain na!" pag-aya nito at nilingon siya ni Alyssa. Natuwa naman si Alyssa sa maikling pagtagalog nito, si Alyssa kasi isa siya sa naging tutor ni Amy lalo na't same room lang sila. Nakakaintindi naman na si Amy ng mga simpleng tagalog, pero medyo hirap pa rin itong magsalita ng tagalog.

"Sunod ako, need ko lang matapos 'to agad." sabi naman ni Alyssa at tinaas pa ang mga schoolworks na inaatupag niya. 

"Alright then I'll go ahead." sabi naman ni Amy at nginitian lang siya ni Alyssa.

Pagkaalis ni Amy ay agad tinago ni Alyssa ang mga schoolworks niya kuno, tapos naman na talaga siya. Nang matapos niyang ayusin ay agad siyang pumunta sa pinto at dahan dahan itong binuksan. Nang makita niyang wala ng tao ay lumabas na siya, mukhang nasa baba na ang lahat. Kinabahan siya habang naglalakad papunta sa kwarto na matagal na niyang gustong katukin. Hindi sila laging sabay kumain ng teammates niya dahil na rin sa iba iba ang sched ng mga 'to pero sinisigurado pa rin ng team na nakakakain sila nang sabay sa isang linggo at doon ay laging napapansin ni Alyssa na ayaw sumama ni Dennise sa ganon, sasabay man ito ay nakaupo ito malayo kay Alyssa. 

Nang makarating na siya sa tapat ng kwarto ni Dennise ay bumwelo siya bago kumatok. Tatlong beses siyang kumatok nang dahan dahan. Mahina lang ito pero parang nabingi na si Alyssa dahil sa sobrang tahimik ng paligid.

"Ells, I said---" napatigil si Alyssa pati na rin ang babaeng nasa harap niya, si Dennise. Ito ang nagbukas ng pinto at tama nga ang hinala nito nagkulong na naman ito dahil ayaw nitong sumabay sa kanilang kumain.

"Dinner." tanging nasabi ni Alyssa. Sobrang kinakabahan siya na parang gusto na niyang umatras pero hindi, kung ayaw siyang pansinin ni Dennise, siya na ang pipilit dito na pansinin siya. Tumuro pa siya sa likod niya gamit ang thumb niya.

"No." tipid at mabilis na sabi ni Dennise at sinara ang pinto pero pinigilan ito ni Alyssa. It's now or never. Dali-dali siyang pumasok at siya na ang nagsara ng pinto. "What the hell?" gulat na sabi ni Dennise sa kanya. Hinarap ni Alyssa ito at kitang kita niyang inis na inis ito sa kanya.

"Den." sabi ni Alyssa. Finally natawag niya rin ito.

"Get out." malamig na sabi ni Dennise at pinagbuksan pa siya ng pinto. Lumapit ulit si Alyssa sa pinto kaya akala ni Dennise ay lalabas na 'to pero sinara ulit ni Alyssa ang pinto, ni-lock at humarang na siya rito.

"Den listen to me."

"I said get out." madiing sabi ni Dennise nang hindi nakatingin dito pero ayaw magpatinag ni Alyssa. Pinipilit buksan ni Dennise 'yung pinto pero mas malakas si Alyssa. Hinawakan niya si Dennise sa wrist nito para pigilan ito pero agad itong pumiglas. "Don't touch me." 

"Fine, but we need to talk please." sabi ni Alyssa. 

"Get. Out." Dennise said, trying to keep her composure.

"It's been weeks pero hindi mo pa rin ako pinapansin." dugtong pa niya. Dennise hissed at pumunta sa kama niya para lumayo kay Alyssa pero sinundan naman siya nito. "We'll be living under the same roof for 5 years, you can't always avoid me like you never knew me at all!" frustrated na sabi ni Alyssa at medyo tumaas ang boses niya. Hinarap siya ni Dennise at parang nagulat sa sinabi niya.

"Wow! Isn't that true? I never really knew you at all right?" sarcastic na tanong ni Dennise at nagtaas na rin ito ng boses. Bakas sa mukha nito ang galit at sakit. "And didn't you add to your 'to-do-list' what I said? To never show your liar self to me again?" she smirked.

"Den naging totoo ako sa'yo, 'wag mo naman tapusin 'yung pinagsamahan natin dahil sa papel na 'yon." mahinahong sabi ni Alyssa. 

"Did I? You did!" sabi ni Dennise and she was right. Alyssa knew it very well. Den's brows creased.

"I know it was a mistake, I'm sorry." panay ang iwas ni Dennise kay Alyssa pero panay ang sunod nito, para silang naghahabulan sa kwarto. "Let me make it up with you. 'Eto na oh, sumali na 'ko sa team, 'di ba 'yun yung gusto mo? Sabi mo pa ikaw pa magiging number 1 fan ko." Alyssa tried reaching for Dennise's hand but the latter just swatted her hand. Dennise took a step back.

"That was before I found out you were lying to me!" sigaw ni Dennise. 

"Let me prove myself to you Dennise please." Alyssa begged.

"Prove what? You know what save it, 'cause I don't care about you. If that's the reason why you joined the team just quit. And don't you dare bring back those memories. Kinakalimutan ko na 'yon, kinakalimutan na kita!" galit na sabi ni Dennise. Alyssa's expression went blank at para siyang naghabol ng hininga. She held back her tears.

The room was silent for a few seconds, they were staring at each other's eyes.

"Then do it." seryosong sabi ni Alyssa. "If that's what you want then forget like you never met me." she snorted. "But I won't quit the team and I will make you my number 1 fan." she left the room.



-



A/n: 

what an encounter! 

credits to the owners of the pictures, from Gretchen's IG and from someone's twitter.

so what are your thoughts so far hahaha di ako sanay na may mejo heavy scene (opo heavy scene na siya for me hahahaha sorry), nasanay ako sa paper planes (gusto ko kasi sana chill lang talaga kaso nope need din nila ng drama sa buhay) lol hahaha.

as alwaysss sorry for typo, wrong grammar na proofread naman ng slight 

enjoy reading! til next chap!


-













Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 530 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
4.7K 124 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
5.9K 295 59
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
47K 4.7K 32
A MayWard Fanfic story